You are on page 1of 3

.

School Negros Oriental High School Grade Ikasiyam na Baitang


Level
Teacher Gng. Ronalyn Jane D. Rodriguez Checked
GRADE 1 to by:
12 Date Quarter Ikaapat
DAILY
LESSON LOG
Subjek: EsP Baitang: IKASIYAM NA BAITANG
Oras: Sesyon: 6
Pamantayang Naipapamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa kahalagahan ng Personal na
Pangnilalaman: Pahayag ng Misyon sa Buhay.
Pamantayan sa Nakabubuo ang mag-aaral ng Personal ng Misyon sa Buhay.
Pagganap:
Kompetensi: Natutukoy ang mga hakbang sa pagbuo ng Personal na Pahayag ng Misyon sa
Buhay.
I. LAYUNIN:
Kaalaman: Natutukoy ang mga hakbang sa pagbuo ng Personal na Pahayag ng Misyon sa
Buhay;
Saykomotor: Nasasagot ang mga katanungan na makatutulong sa pagbuo ng Personal na
Pahayag ng Misyon sa Buhay;
Apektiv: Napahahalagahan ang sariling Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay sa
pamamagitan ng pagbuo nito.
II. PAKSANG-ARALIN
A. PAKSA Mga Hakbang sa Pagbuo ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay

B. SANGGUNIAN Edukasyon sa Pagpapakatao, CG, MELC


Internet:
https://www.google.com/search?
q=the+7+habits+of+highly+effective+people&source
C. KAGAMITANG Laptop, Monitor, Kartolina, Yeso, Makukulay na Papel, at Istrips

PAMPAGTUTURO
III. PAMAMARAAN
A. PAGHAHANDA

1. Pangmotibeysyun  Tama ba ang direksiyon na tinatahak mo?


al na tanong:  Ano ang mararamdaman mo kung hindi mo alam ang patutunguhan mo?

2. Aktiviti/Gawain
Pagsusuri ng Larawan
Panuto: Tingnang mabuti ang larawan at ipaliwanag ang nais ipahiwatig ng nasa
larawan.
3. Pagsusuri
Mga Gabay na tanong:
1. Ano ang gustong ipahiwatig ng larawan?
2. Batay sa larawan, ano-ano kaya ang mga hakbang sa pagbuo ng
Personal na Misyon sa Buhay?
3. Kanino nakasalalay ang pagbuo nito

B. PAGLALAHAD Mga Hakbang sa Pagbuo ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay


Abstraksyon I. Suriin ang Iyong Pag-uugali at Katangian
(Pamamaraan ng  Simulan mo ang paggawa ng sa Personal na Pahayag ng Misyon
Pagtatalakay) sa Buhay sa pamamagitan ng pagtatala ng iyong ugali at
katangian.
II. Tukuyin ang Iyong Pinahahalagahan
 Kailangang maging maliwanag sa iyo kung saan nakabatay ang
iyong mga pagpapahalaga. Kung saan nakatuon ang iyong lakas,
oras at panahon.
III. Tipunin ang mga Impormasyon
 Laging isaisip na ang layunin ng paggawa ng personal na misyon
sa buhay ay mayroong malaking magagawa sa kabuuan ng iyong
pagkatao.

C. PAGSASANAY Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan upang makabuo ng


Mga Paglilinang na Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay.
Gawain 1. Ano ang layunin ko sa buhay?
2. Ano-ano ang aking mga pagpapahalaga?
3. Ano ang mga nais kong marating?
4. Sino ang mga tao na maaari kong makasama at maging kaagapay sa aking
misyon sa buhay?

D. PAGLALAPAT Panuto: Gumawa ng sariling hakbang upang lalong mapatatag ang mga element
Aplikasyon ng iyong Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay. Sundan ang matrix o
talahanayan na nasa ibaba. Gamiting gabay ang halimbawa at gawin ito sa
sagutang papel.
Elemento Hakbang na Gagawin Takdang Oras/Panahon
Hal. Pananalig sa Diyos *Regular na pagdarasal *Pagkagising s aumaga,
*Pagsisimba bago at pagkatapos
*Pagbabasa ng Bibliya kumain, at bago
*Pagdarasal bago matulog.
magsimula ang bawat *Tuwing araw ng Linggo
klase 30 minuto bago
matulog
*Araw-araw
E. PAGLALAHAT Mahalaga ang pagbuo ng personal na pahayag ng misyon sa buhay sapagkat
Generalisasyon mas lalo mong nakikilala ang iyong sarili, sapagkat sa pagbuo ng pahayag ng
misyon sa buhay ay kailangan mo munang alamin ang mga bagay na mahalaga
sa iyo, ang mga bagay na talagang makapagpapasaya sa iyo at ang mga bagay
na talagang gustong gusto mong ginagawa. Sa pamamagitan nito mas
lumalawak ang iyong kaalaman sa mga bagay na kaya mo palang gawin,mas
napagtutuunan mo ng pansin ang mga bagay na talagang kaya mong gawin, at
mas nakikila mo rin ang mga taong tunay mong dapat na pahalagahan.

IV.PAGTATAY Panuto: Basahin ang mga pahayag at tukuyin kung ito ba ay tama o mali. Isulat
A ang sagot sa patlang bago ang bilang.
______1. Pakinggan mo ang tawag ng Diyos para sa misyong ipinagkaloob Niya
sa iyo upang gampanan para sa kabutihang panlahat.
______2. Dapat ay nasasagot ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay mo
ang mga tanong kung ano ang layunin mo sa buhay, ano-ano ang iyong
mga pagpapahalaga, ang mga nais mong marating at sino ang mga
taong maaari mong makasama at maging kaagapay sa iyong buhay.
______3. Sabi ni Stephen Covey, “Begin with an end in mind”, kung kaya’t
mahalagang ngayon pa lamang ay may nalikha ka nang Personal na
Pahayag ng Misyon sa Buhay upang magsilbi mong gabay. Kailangan
mo na itong buuin sa pinakamaiksing panahon na iyong makakakaya.
______4. Mahalagang gumawa ng matrix o talahanayang naglalaman ng iba-
ibang element ng iyong PPMB, mga hakbang na gagawin at takdang
oras/panahon ng kaganapan nito upang lalo maging tiyak sa mga
isusulat na pahayag.
______5. Kailangan ng tulong ng iba sa paggawa ng personal assessment o
pansariling pagtataya sa kasalukuyang buhay kung saan ang iba ang
susuri ng iyong ugali at katangian at tutukoy ng mga bagay na alam
nilang iyong pinahahalagahan.

V.TAKDANG- Panuto: Sumulat ng isang pagninilay at sagutin ang mga katanungan. Gawin ito
ARALIN kuwaderno.
1. Ano-ano ang konsepto at kaalamang pumukaw sa akin?
2. Ano ang aking pagkaunawa at reyelisasyon sa bawat konsepto at
kaalamang ito?
3. Ano-anong hakbang ang aking gagawin upang ang pang-unawa at
reyelisasyong ito ay aking maisabuhay?

IV. REMARKS
V.
REFLECTION
A. No. of
learners who
earned 80% in
the
evaluation
B. No. of
learners who
require
additional
activities for
remediation
who scored
below 80%
C. Did the
remedial
lessons work?
No. of
learners who
have caught
up with the
lesson
D. No. of
learners who
continue to
require
remediation

You might also like