You are on page 1of 2

Navarro, Ezekiel D.

9-Harmony

1/11/2019

Ang Matalinong si Haring Solomon


1 Hari 3:3-28; 4:29-34.

TIN-EDYER lang si Solomon nang siya’y maghari. Mahal


niya si Jehova at sinusunod niya ang payo ng tatay niyang si
David. Natuwa si Jehova kay Solomon. Isang gabi, sinabi niya sa
kaniya sa panaginip: ‘Solomon, ano ang gusto mong ibigay ko sa
iyo?’Sumagot si Solomon: ‘Jehova aking Diyos, batang-bata pa
ako at hindi ako marunong maghari. Kaya bigyan ninyo ako ng
talino para mapagharian ko ang inyong bayan sa tamang
paraan.’Natuwa si Jehova sa hiling ni Solomon. Kaya sinabi Niya:
‘Dahil sa humingi ka ng karunungan at hindi ng mahabang buhay
o kayamanan, gagawin kitang mas marunong kaysa sinomang
tao na nabuhay. Bibigyan din kita ng kayamanan at
karangalan.’Hindi nagtagal, dalawang babae na may mabigat na
problema ang lumapit kay Solomon. Sabi ng isa: ‘Nakatira kami
sa iisang bahay. Nanganak ako, at dalawang araw makaraan
nanganak din siya. Isang gabi namatay ang anak niya, pero
samantalang natutulog ako, kinuha niya ang aking anak at iniwan
sa akin ang patay na sanggol.’Sinabi ng ikalawa: ‘Hindi! Ang
buhay na bata ay akin, ang patay ay kaniya!’ Nagtalo sila. Ano
ang gagawin ni Solomon?. Nagpakuha siya ng espada, at sinabi:
‘Hatiin natin ang bata sa dalawa, at bigyan ang mga babae ng
tigkakalahati!’Ang tunay na ina ay sumigaw: ‘Huwag! Huwag
ninyong patayin ang bata! Ibigay na lang ninyo sa kaniya!’ Pero
ang ikalawa ay nagsabi: ‘Sinoman sa amin ay huwag ninyong
bigyan; sige hatiin ninyo ang bata.’Nilulutas ni Haring Solomon
ang isang mahirap na problemaKaya sinabi ni Solomon: ‘Huwag
ninyong patayin ang bata! Ibigay siya sa unang babae. Siya ang
tunay na ina.’ Alam ito ni Solomon kasi mahal-na-mahal ng tunay
na ina ang bata kaya payag siyang ibigay ito sa ikalawang babae
huwag lang itong mamatay. Nang mabalitaan ito ng bayan,
tuwang-tuwa sila sa pagkakaroon ng gayon katalinong hari. Nang
si Solomon ang hari, pinagpala ng Diyos ang bayan. Marami
silang pagkain. Nagsusuot sila ng magagandang damit at nakatira
sila sa magagandang bahay. Sagana sila
REPLEKSYON
Sa kwento na aking nabasa natutunan ko na gamitin ang
katalinuhan sa mga bagay na may katuturan. Dapat lagi tayong
magtiwala sa Diyos at ibibigay niya ang ating hinihiling. Natutunan
ko din ,sa senaryo na kung saan may lumapit na dalawang babae
upang magtanong kung sino ang anak ng bata, ay lahat ng
kasinungalingan ay laging mailalantad. Natutunan ko din na
kapag mahal mo ang isang tao hindi mo hahayaan na masaktan
siya o kaya may mangyaring masama sa kaniya.
Tinulungan ako ng kwentong ito na mabuhay ng may takot
at pananampalataya sa Diyos. Tinulungan akong gumawa ng
mga tamang desisyon.Tinulungan din ako kung paano tukuyin
ang kasinungalingan at katotohanan.
Bilang isang kabataan ng bansang ito gagamitin ko ang
aking talino upang mapaunlad at mapaganda ang bansang.
Ibabahagi ko ang aking mga nalalaman sa aking mga kapwa
upang hindi lang ako ang uunlad kundi pati rin sila. Hindi ako
magsisinungaling at sasabihin ko lamang ang mga katotohanan
at gagawin ko lamang ang mga mabuting gawain para sa
kabuting panlahat. Sasambahin ko lamang ang nag-iisa nating
Panginoon na si Hesu Kristo upang bigyan ako
katalinuhan,katulad ni Solomon, upang mapaunlad ang bansang
ito.

You might also like