You are on page 1of 177

9

Filipino
Ikalawang Markahan – Modyul 1:
Ang Tanka at Haiku

CO_Q2_Filipino9_ Module1
Filipino – Ikasiyam na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 1: Ang Tanka at Haiku
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon
paman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Brengilda C. Canama, Mercedes P. Tare,
Juilius A. Enguito, Archie Mae P. Collamat, Leah L. Lidon
Editor: Josephine L. Tomboc, Susan S. Bellido
Tagasuri: Brengilda C. Canama, Alma M. Beton
Tagapamahala: Ruth L. Fuentes
Eugenio B. Penales
Sonia D. Gonzales
Majarani M. Jacinto
Juliet A. Magallanes
Florencio R. Caballero
Alma D. Belarmino

Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – Region IX


Office Address: Regional Center, Balintawak, Pagadian City
E-mail Address: region9@deped.gov.ph
Alamin

Maligayang pagdating sa unang modyul ng


ikalawang markahan kaibigan. Ako ay nagagalak na
natapos mo ang mga modyul ng unang markahan.
Napakagaling! Ako si Liway ang iyong kaibigang
makakasama mo sa iyong paglalakbay sa modyul na ito.
Ako ay nakahandang samahan ka sa iyong pagpapatuloy
sa pagliliwaliw sa mga bansa ng Silangang Asya.
Binabati kita at matagumpay mong
naisakatuparan ang mga gawain sa ating nakaraang
leksyon. Lalong-lalo na sa ating natalakay nang kayo’y
nasa ikawalong baitang pa lamang. Naalala mo pa ba ang
tungkol sa dalawang uri ng maikling tula? Tama! ito ay
ang Haiku na may sukat na 5,7,5 o 7,5,5 at ang Tanaga
na may sukat na 7,7,7,7 sa bawat taludtod.
Ngayon naman, handa ka na bang mamangha sa
bago nating aralin? Alam kong kaya mong buuin at suriin
ang pagkakaiba at pagkakatulad ng tulang Tanka at
Haiku, dahil may kaugnayan ito sa dati mong kaalaman
patungkol sa tulang binigkas gamit ang tamang antala,
diin at tono, sa ganang sarili makagawa kayo ng tula na
may matalinghagang salita.

Sa modyul na ito ay ating lalakbayin at aalamin ang mga kilalang tula ng bansang
Japan, na mula noong unang panahon at hanggang ngayon ay popular pa rin sa
kanila sapagkat ito’y bahagi ng kanilang kultura at paniniwala. Maikli ang mga ito
ngunit buo ang diwa at nagpapahayag ng masidhing damdamin, ito’y tinatawag na
Tanka at Haiku. Kahawig ito sa Tanaga ng mga Pilipino. Gagalugarin mo ang bansa
ng mga Hapon at aalamin ang kanilang akda na Tanka at Haiku. Pagkatapos, suriin
mo kung paano nila binibigkas ang mga ito at paano ito susulatin gamit ang
matalinghagang salita.
Handa ka na ba?
Sisimulan natin ang ating talakayan sa pagkilala, pagbabasa, pagsusulat at
paghahambing ng dalawang tulang ito gayundin ang paggamit ng ponemang
suprasegmental. Ito ay naglalayong linangin at gabayan ka sa iyong kakayahan sa
pagsusulat at pagsusuri ng dalawang tula, ang Tanka at Haiku na mula sa mga
Hapon.
Pagkatapos ng ating paglalakbay inaaasahan kong makakamit mo ang mga
ating layunin:
1. Nasusuri ang pagkakaiba at pagkakatulad ng estilo ng pagbuo ng Tanka at
Haiku

1
2. Naisusulat ang payak na Tanka at Haiku sa tamang anyo at sukat
3. Nabibigyang-kahulugan ang matatalinghagang salitang ginamit sa Tanka at
Haiku
4. Nagagamit ang suprasegmental na antala/hinto, diin at tono sa pagbigkas ng
Tanka at Haiku
5. Nasusuri ang tono ng pagbigkas ng napakinggang Tanka at Haiku

Subukin

Bago tayo magsimula sa pagtalakay sa ating bagong aralin ay susubukin ko


muna ang iyong kaalaman tungkol dito.
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.
Para sa bilang 1-2 Sa pagbabasa ng Tanka at Haiku, napakahalaga ang tamang
pagbigkas upang tamang mensahe ay maihatid sa madla.

1. Ano ang tinutukoy na kahulugan ng salitang BUHAY kung ang diin ay


nasa unang pantig?
A. kapalaran ng tao C. Kaginhawaan ng tao
B. Huminhinga pa D. Kapalaran ng tao

2. Alin ang tamang ilustrasyon ng tono ng intonasyon na angkop sa


pagbigkas ng salitang MAMAYA, na may kahulugang pag-alinlangan?
A. 3 B. 3 C. 3 D. 3

2 2 2 2

1 1 1 1

3. Ano ang paksa ng Haiku?

I. Iyong galangin,
Ang asawa’y yakapin
Huwag bugbugin.

II. Huwag nang buksan,


Lahat ng nakaraan
Walang sumbatan.

III. Planong pamilya,


Ay dapat ginawa
Ng mag-asawa.

A. Buhay may asawa B. Ang pag-aasawa


C. Pagpaplano ng Pamilya D. Pag-aaruga ng pamilya

2
4. Ang tula sa blg. 3 ay binubuo ng ilang taludtod o linya ang bawat
saknong?
A. apat B. pito C. labimpito D. tatlo

Para sa bilang 5-7

Payapa at tahimik
Ang araw ng tagsibol
Maaliwalas
Bakit ang Cherry Blossoms
Naging mabuway.

5. Anong uri ng katutubong tula ng mga Hapon ang nasa itaas?


A. Ambahan B. Haiku C. Tanaga D. Tanka

6. Ano ang kabuuang bilang ng pantig sa saknong na ito?


A. 21 B. 35 C. 31 D. 2

7. Ano ang sukat ng bawat taludtod o linya ng tula?


A. 5-7-5-7-7 B. 7-7-5-7-5 C. 5-7-5-7-7 D. 7-7-7-5-5

8. Paano malalaman ang sukat ng isang tula?


A. sa pamamagitan ng pagbibilang sa salita sa bawat taludtod
B. sa pamamagitan ng pagbibilang bawat titik ng bawat taludtod
C. sa pamamagitan ng pagpapantig-pantig sa bawat salita
D. sa pamamagitan ng pagbibilang ng bawat pantig sa bawat taludtod

Para sa bilang 9-10 Ang maikling tulang Tanka at Haiku ay may matalinghagang
salitang ginamit upang maging masining ang pagpapahayag.

9. Kusang humarap sa may kapangyarihan ang tsuper ng bus matapos


masagasaan ang bata sa kalsada.
A. mayayaman
B. pulis
C. kilalang tao
D. misteryosong tao

10. Ang banta ng COVID-19 ang naging dahilan sa buhay-manok ng


maraming tao sa buong mundo.
A. nanganganib ang buhay
B. sobrang kapayapaan
C. matulungin ng tao
D. sobrang nenerbiyos

3
Aralin
Ang Tanka at Haiku
1
Magaling, alam kong nasagutan mo nang maayos
ang subukin. Huwag kang mabahala kung may mali
kang sagot dahil tutulungan kitang alamin ang mga
bagay na hindi mo pa masyadong naintindihan sa
pamamagitan ng modyul na ito. Tutuklasin natin ang
pagkakaiba at pagkakatulad ng estilo ng pagbuo ng
Tanka at Haiku at tamang pagbigkas nito. Pero bago tayo
magpatuloy halika’t samahan mo kaming alalahanin ang
nagdaang aralin.

Balikan

Naalala mo pa ba ang ating huling aralin?


Magaling! Ating tinalakay ang tungkol sa pagbabahagi ng sariling pananaw batay
sa resulta ng isinagawa mong sarbey.
Tiyak kong natatandaan mo ang iba’t ibang akdang pampanitikan mula sa Timog-
Silangang Asya na ating tinalakay sa unang markahan tulad ng mga sumusunod;
maikling kwento ng Singapore, Alamat ng Thailand, tula ng Pilipinas, sanaysay ng
Indonesia, at dula ng Pilipinas.
Gawain I. Bilang bahagi ng natutuhan mo sa lahat ng aralin, subukin mong sagutin ang
kasunod na gawain sa iyong sagutang papel. Gayahin ang pormat sa ibaba.

Mga Natutuhan sa Aralin Mga Natutuhan sa Akda


Aralin

Ang Ama

Ang Alamat ni Prinsesa


Manorah

Kay Estela Zeehamdelaar

Kultura: Pamana ng
Nakaraan, Regalo ng
kasalukuyam, at Buhay ng
kinabukasan

4
Napakagaling mo kaibigan! Nakikita kong talagang iyong naunawaan at
naintindihan ang ating nakaraang paksa.
Binabati kita!

Mga Tala para sa Guro

Mga bagay na dapat ipaalam sa mga mag-aaral;

1. Ipabasa ang kaligirang pangkasaysayan ng Tanka at Haiku upang mas


madaling maunawaan ang mga kasanayan o gawain. (Ipasaliksik nila
ito)
2. Maaaring gawing isahan o pangkatan ang pagbabasa at pagsasagot.
3. Magpatulong sa nakatatandang kapatid o mga magulang kung
nahirapan.
4. Huwang mag-atubiling magchat o tumawag sa guro kung hindi
naunawaan.
5. Huwag sulatan ang modyul at sundin ang panuto sa bawat gawain.

Tuklasin

Handa ka na ba sa susunod na gawain? Halika na! Basahin natin ang


dalawang halimbawa ng tulang Hapon.

Sa iyong pagbabasa, tuklasin mo kung paano nabuo ang Tanka at Haiku


ayon sa pagkakaiba at pagkakatulad ng dalawang tula at sagutin ang gawain na
nasa ibaba.

Gawain II: MAGKAIBA NGA BA TAYO?


A. Panuto:
Basahin at unawain. Suriin ayon sa bilang ng pantig, bilang ng linya, paksa, at
mensahe ng kahulugan ng matalinghagang pahayag na nakasalungguhit sa tulang
Tanka at Haiku, isulat sa kahon ang iyong sagot. Gumamit ng hiwalay na sagutang
papel.

5
Naghihintay Ako sa Iyo (Tanka) Anyaya (Haiku)

Ni: Dhutay Ni: Mercy

I. Naghihintay mahal ko I. Ako’y nagalak


Nanabik ako sa ‘yo Sa iyong pagpaunlak
Sa yakap mo’t halik Pusong busilak.
Naulila ‘ko
Tigang kong puso.

BILANG NG BILANG NG PAKSA/ KAHULUGAN


PANTIG LINYA NG
MENSAHE
MATALINGHA
GANG
PAHAYAG
TANKA TANKA
TANKA
TANKA

HAIKU HAIKU
HAIKU
HAIKU

Magaling kaibigan! Natapos mong basahin


at sagutin ang mga gawain, kumusta?
Marami ka bang natutuhan?

Ngayon ipaliwanag ko sa iyo ang mga


mga ito. Sundan at tandaan ang mga
mahahalagang kaalaman dahil magagamit
mo ito sa susunod pang mga gawain na
iyong tatahakin.

6
Suriin
Ano nga ba ang Haiku?
Ginawa noong ika-15 siglo ang tulang haiku ng mga Hapon.
Mas maikli ang Haiku dahil may 17 bilang ng pantig na may tatlong linya lamang:
5-7-5 / 5-5-7 na pantig sa bawat linya. Paksa nito’y ukol sa kalikasan at pag-ibig.
HALIMBAWA

I. Bayan kong sinta =5


Buhay ay iaalay =7
Iyan ay tunay. =5

II. Wala nang iba =5


Para sa akin, sinta! =7
Habang buhay pa. =5
Sinulat ni: Dhutay
I. Ba-yan kong sin-ta =5
III. Kung umaraw man =5
Bu-hay ay i-a-a-lay =7
O kaya’t ay uulan =7
I-yan ay tu-nay =5
Hindi sasablay =5
_________

IV. Munting sinta kopantig-----17


Kabuuang =5
Ikaw na ang tahanan =7
Halimbawa ito ng
Ang aking Haiku,
mundo =5binubuo ng tatlong linya at bawat linya/taludtod ay
may 5-7-5 na pantig kaya may kabuuang 17 na pantig ang bawat saknong.

TANDAAN: Maaaring magkapalit-palit ang bilang ng pantig sa bawat linya o


taludtod, ngunit kailangang tama ang kabuuan nito sa bawat saknong sa
Haiku-17 na pantig.

Halimbawa: 7-5-5 o 5-7-5 o 5-5-7

Ngayon kaibigan ano naman ang Tanka?


Naunang nagawa ang Tanka. Ikawalong siglo ito ginawa. Ito ay binubuo ng 31
na pantig na may 5 linya: 7-7-7-5-5 / 5-7-5-7-7 na pantig sa bawat taludtod. Paksa
nito’y ukol sa pagbabago, pag-ibig at pag-iisa.

7
HALIMBAWA

I. Ako’y uhaw na =5
Panahon ng pandemya =7
Magtulungan na! =5
Magagandang programa =7
Kaligtasan, mauna! =7
Sinulat ni: Dhutay

I. A-ko’y u-haw na =5
Panahon ng pandemya =7
Magtulungan na! =5
Magagandang programa =7
Kaligtasan mauna! =7
________
Kabuuang pantig --------------31
Halimbawa naman ito ng Tanka dahil binubuo ito ng 5 taludtod at ang
bawat linya/taludtod ay may 5-7-5-7-7 na pantig kaya may kabuuang 31
na pantig ang bawat saknong.

TANDAAN: Maaaring magkapalit-palit ang bilang ng pantig sa bawat linya o


taludtod, ngunit kailangang tama ang kabuuan nito sa bawat saknong ng
Tanka ay may 31 na pantig.

Halimbawa: 7-7-7-5-5 o 5-7-5-7-7 o 5-5-7-7-7

Ang susunod mong pag-aaralan ay tungkol sa mga ponemang suprasegmental.


Mahalaga ito upang makatulong sa iyo kung paano mo bibigkasin nang wastong diin,
tono o intonasyon, at antala upang maipahayag mo ang damdamin o kahulugang nais
mong ipabatid sa iyong pakikipag-usap

Tatlong Uri ng Suprasegmental

Antala/Hinto- Bahagyang pagtigil sa ating pagsasalita upang higit na


maging malinaw ang mensaheng ibig ipabatid sa kausap.
Maaaring gumamit ng simbolong kuwit (,), dalawang guhit na
pahilis (//) o gitling (-).

Mga halimbawa:
a. Hindi/ ako si Julre.
(Pagbigkas ito na ang hinto ay pagkatapos ng HINDI. Nagbibigay ito
ng kahulugan na ang nagsasalita ay nagsasabing siya si Julre na
maaaring siya’y napagkamalan lamang na ibang tao.
b. Hindi ako, si Julre.
(Pagbigkas ito na ang hinto ay nasa AKO. Pagpapahiwatig ito na
ang kausap ay maaaring napagbintangan ng isang bagay na hindi
ginawa. Kaya sinasabi niyang hindi siya ang gumawa kundi si Zein.
a. Hindi ako si Julre.

8
(Pagbigkas ito na nasa hulihan ang hinto. Nagpapahayag ito na
ang nagsasalita ay nagsasabing hindi siya si Julre.)

Tono/Intonasyon. Tumutukoy ang intonasyon sa pagtaas at pagbaba ng tinig


sa pagsasalita na maaaring maghudyat ng kahulugan ng pahayag. Tingnan ang
mga sumusunod na halimbawa, kung saan ipinahihiwatig ang pagtaas o pagbaba
ng tinig.

Hindi dapat ipagkamali ang intonasyon sa punto at tono ng pagsasalita. Ang punto ay
tumutukoy sa rehiyunal na tunog o accent. Iba ang punto ng Ilokano sa Maranao o ng
Cebuano sa Ilonggo. Maging sa rehiyong Tagalog, iba ang punto ng mga Batanggenyo at
kahit mga taga-Cavite. Sa probinsiya ng Queson, karaniwang iba’t iba ang punto sa iba’t
ibang bayan. Samantala, ang tono ng pagsasalita ay nagpapahayag ng tindi ng
damdamin…

Maaaring magkaiba-iba ang punto at tono bagama’t iisa ang intonasyon.


*Pagsasalaysay/paglalarawan- Dumating sila kanina.
Maganda talaga si Julrecca.

*Masasagot ng OO o HINDI- Totoo?


Sila iyon, ‘di ba?
*Pagpapahayag ng matinding damdamin
Naku, may sunog!
Hoy! Alis dyan!

*Pagbati- Kumusta ka?


Magandang umaga po.
Salamat sa iyo.

*Pagsagot sa tanong - Oo, aalis na ako.


Hindi. Hindi ito ang gusto ko.

Karagdagang Kaalaman:
() = nangangahulugang hilaw pa ang tono o hindi pa alam kung ano ang kahulugan ng
salita.

/ / = nangangahulugang luto na ang tunog, may taglay na itong kahulugan.


? = tinatawag itong glottal stop o nangangahulugang sa pagbigkas ng salita ay waring
may pumipigil sa hanging galing sa bunganga sa paglabas.

Halimbawa: /SU: ka? /= vinegar


h = glottal fricative ay nangangahulugang sa pagbigkas ay malayang lalabas ang
hangin mula sa bunganga.
Halimbawa: /SU: kah/ = vomit

Bigyan mo ng pansin ang mga tunog na ginamit sa Tanka. Mapapansing ang


tunog ng /h/ ay paulit-ulit na ginamit tulad ng

9
Ang tono at damdaming
Hi-sa-ka-ta-no TONO nangingibaw sa tanka ay
Hi-ka-ri-no—do-ke-ki kapayapaan at katahimikan
Ha-ru-no-hi-ri
Shi-zu-ko-ko-ro-na-ku LAYUNIN Nagpapahayag ng emosyon
Ha-na-no-chi-ru-ra-mu

Sa mga Japanese ang tunog ng /h/ ay lumilikha ng damdamin ng kapayapaan


at katahimikan. Ang paghinto sa pagbigkas ng mga salitang Japanese ay hindi laging
nakabatay sa kanilang mga patinig. Binibilang nilang isang pantig ang /n/
Samantalang sa pagbigkas ng Haiku, ang saglit na paghinto ay matatagpuan sa
pagitan ng dalawang larawang diwa o kaisipang ipinahihiwatig sa tula tulad ng:
Naglalahad ng unang ulan
Ha-tsu-shigu-ri LAYUNIN sa pagsisimula ng taglamig
Sa-ru-mo-ko-mi-no-wo
Ho-shi-ge-na ri TONO Pagbabago
Tono

Alam mo ba na…

Ang Tanka at Haiku ay ginagamitan ng matalinghagang salita/pahayag


upang mas kawili-wili at kabigha-bighani ito.
Ang Matalinghagang Salita ay malalalim na mga salitang may simpleng
kahulugan o di kaya’y halos walang tiyak o kasiguraduhang ibig ipahiwatig
maliban sa literal na kahulugan nito. Ito ay ginawang mga talinghaga na
inuugnay sa kung ano ang ibig sabihin ng nagsasalita. Ginagamitan ng mga
kasabihan, idyoma, at tayutay. May tatlong gamit ang mga salitang ito sa
panitikan gaya ng tula, nobela, at sanaysay. Suriin ang kasunod na Tanka at
Haiku sa ibaba.

Halimbawa Matalinghagang salita Kahulugan

Bituin ang sumilip Nagbibigay liwanag


Tanka:

Gabing naging tahimik


Bituin ang sumilip
Bulaklak na sumagi
Mamasdan saglit Puso’y ngumiti maligaya
Puso’y ngumiti
Ni: Leah L. Lidon
Haiku: Araw dumungaw Magandang panahon

Dahong sumayaw
Hangin ang nagpagalaw
Araw dumungaw
Ni: Leah L. Lidon

10
Pagyamanin

Sa bahaging ito masusubok natin ang inyong


kaalaman sa paksang tinatalakay natin, sagutin
mo ng magkasunod-sunod ang mga gawain

Gawain 1.1 PAGHAMBINGIN

(Kompetensi 1. Nasusuri ang pagkakaiba at pagkakatulad ng estilo ng pagbuo


ng Tanka at Haiku.)
Panuto:

Mula sa binasang Tanka at Haiku sa pahina 7-8, isa-isahin ang pagkakaiba at


pagkakatulad ng mga ito batay sa kayarian o pagkabuo.

TANKA at HAIKU

TANKA HAIKU

PAGKAKATULAD
PAGKAKAIBA PAGKAKAIBA

11
Gawain 1.2. Alamin Mo!
(Kompetensi 3. Nabibigyang-kahulugan ang matatalinghagang salitang ginamit
sa Tanka at Haiku)
Panuto: Suriin at unawain ang halimbawa ng Tanka at Haiku at ibigay ang kahulugan
ng mga salitang sinalungguhitan. Sundin ang pormat na nasa ibaba sa pagsagot.

Tanka Haiku
Di maliparang-uwak ‘Wag mabahala
Ang puso’t isip Pagsweldo ng tulisan
Sa bayang nananabik Ika’y saktan…
Pagbabago ay Ni: Archie Mae
‘Wag sanang ipagkait.
Ni: Archie Mae

Tanka Haiku
Kahulugan ng Di maliparang-uwak Kahulugan ng Pagsweldo ng tulisan

Gawain 1.3. Bigkasin Mo!


(Kompetensi 4. Nagagamit ang suprasegmental na antala/hinto, diin at tono sa
pagbigkas ng tanka at haiku.)
(Kompetensi 5. Nasusuri ang tono ng pagbigkas ng napakinggang tanka at
haiku.) Tandaan na ang tamang pagbigkas ay napakahalaga upang tamang mensahe
ang maihatid sa mga nakikinig o kinakausap.

A. Antala/ Hinto
Panuto: Basahin ang sumusunod na tula. Isulat ang buong tula at
gumamit ng guhit pahilis upang malinaw na maihatid ang mensaheng ibig
ipabatid. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

AKDA ANTALA/HINTO MENSAHE


(HAIKU/TANKA)

Panahon ng pandemya Halimbawa:


Tayo’y magkakaisa Panahon ng pandemya/
Sama-samang sugpuin Tayo’y magkakaisa/
1 Ang COVID 19 Sama-samang sugpuin/
Ang misyon natin. Ang COVID 19/
Ni: Mercedes P. Tare Ang misyon natin.

Totoong sa new normal


Lahat ng mag-aaral
2 Modyul na ang inaral
Nagkandarapa
Sa pag-unawa.
Ni: Mercedes P. Tare

12
B. Antala/ Hinto
Panuto: Gamit ang pamantayan/rubrics sa ibaba, pumili ng isang
kapamilya na siyang magbibigay ng puntos, basahin ang mga tula at

ibigay ang tono/damdaming nangingibabaw nito. Sundin ang pormat sa


ibaba.

AKDA TONO/ MENSAHE

(HAIKU/TANKA) DAMDAMIN

3 Ako’y nagalak
Sa iyong pagpaunlak
Pusong busilak.

Ni: Mercedes P. Tare


4 Rosas na pulang-pula
Bigay ng sinta
Ako ay lumigaya.

Ni: Mercedes P. Tare

Pamantayan sa pagbigkas ng tula

Puntos Pamantayan

5 Malinaw na naihatid ang mensahing


nais ipabatid.

3 Di- gaanong malinaw ang mensahing


nais ipabatid.

2 Hindi malinaw ang mensahing nais


ipabatid.

13
Isaisip

Tandaan ang mga mahahalagang kaalaman sa


ibaba, patunay na nalinang at nahasa ang iyong
kasanayan sa modyul na ito.

Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang tamang salita na angkop sa bawat pahayag.
Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang. Gumamit ng hiwalay na papel sa
pagsagot.

Diin Haiku Tanka


Tono o intonasyon Haba

Antala Matalinghagang Salita Tono o Intonasyon

________ 1. Ito ay lakas, bigat ng tinig sa pagbigkas ng pantig.

________ 2. Tumutukoy sa saglit na pagpigil ng pagsasalita upang higit na malinaw


ang mensahe.

________ 3. Paghaba at pag-ikli ng pagbigkas ng pantig.


________ 4. Ito ay walang tiyak o di kaseguroduhang ibig ipahiwatig.
________ 5. Ito ay may kabuuang tatlumpu’t isang pantig na nahahati sa limang

taludtod.

________ 6. Ito ay may kabuuang labimpitong bilang ng pantig na may tatlong


taludtod.

________ 7. Tulang may paksang tungkol sa kalakisan at pag-ibig.

________ 8. Tulang nagawa noong ika-walong siglo.


________ 9. Ito ay pagtaas at pagbaba ng tinig na maaaring makapagpasigla,
makapagpahayag ng iba’t ibang damdamin.

________ 10. Ito ay nagpapalinaw ng mensahe o intensyong nais ipabatid sa kausap.

14
Isagawa

Dito mo mapapatunayan kaibigan kung talagang


naunawaan mo nang mabuti ang ating talakayan sa mga
gawain. Gamitin ang iyong kaalaman sa gawaing ito at
ibahagi ang kahalagahan nito sa iyong buhay.

Gawain 1.1
Panuto: Dagdagan ng isang saknong upang mabuo ang diwa sa bawat uri ng tula,
sundin ang tamang bilang ng pantig at linya. at sagutin ang mga katanungan sa
ibaba. Isulat sa sagutang papel ang iyong sagot, gayahin lamang ang pormat.

Halimbawa (TANKA) Halimbawa (HAIKU)

I. Bayan kong sinta I. Ako’y uhaw na


Buhay ay iaalay Panahon ng pandemya
Iyan ay tunay. Magtulungan na!
Magagandang programa
II. Wala ng iba Kaligtasan, mauna!
Para sa akin, sinta!
Habang buhay pa. II.

III.

Sagutin ang sumusunod;


1. Tungkol saan ang dalawang tula?
Anu-ano ang mga mahahalagang
kaisipan na natutuhan mo mula dito?
2. Ano ang kahalagahan ng kaisipang
iyong natutuhan sa tula na
magagamit mo sa iyong buhay?
Magbigay ng isang patunay.

15
Gawain 1.2.

Panuto: Ipagpalagay na kaharap mo ang iyong nakatatandang kapatid o magulang siya


ang magmamarka sa iyo batay sa pamantayang ibinigay. Basahin nang wasto ang mga
salita at pahayag batay sa bantas na ginagamit at isulat sa patlang na nasa dulo ng
bawat pahayag ang iskor.
Pamantayan sa pagganap

Puntos Pamantayan

5 Malinaw na naihatid ang mensahing


nais ipabatid.

3 Di- gaanong malinaw ang mensahing


nais ipabatid.

2 Hindi malinaw ang mensahing nais


ipabatid.

A
1. Totoo? Maganda siya? _________________________
Totoo! Maganda siya! _________________________

2. Magagaling? Sila? _________________________


Magagaling sila. _________________________

B.
1. May bisita tayo bukas? _________________________
May bisita tayo bukas. _________________________

2. Ikaw ang may-sala sa nangyari? _________________________


Ikaw ang may-sala sa nangyari. _________________________

Gabay na Tanong:

1. Ano ang pagkakatulad ng mga pahayag sa A1 at A2 ng mga


pahayag sa B1 at B2?

2. Paano naman nagkakaiba ang mga pahayag sa A1 at A2 ng


mga pahayag sa B1 at B2?

3. Ipaliwanag ang kahulugan, layunin, sitwasyon, o saloobing


nais ibigay ang bawat pahayag.

16
Tayahin

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.

Para sa bilang 1 and 2. Basahing mabuti ang bawat pangungusap at piliin ang
angkop na salita batay sa pagkakagamit nito sa pangungusap.

1. Matinding _______ ang dinanas ng mga tao sa Pilipinas dahil sa


COVID-19.
A. sa:KIT B. SA:kit C. sa:kit D. SA:KIT

2. Sobrang sakit sa _________ ang mawalan ng mahal sa buhay.


A. pu:SO B. PU:so C. pu:so D. PU:SO

3. Paano mo malaman na Haiku ang tula?


A. May tatlong taludtod na binubuo ng 17 pantig na may pardon
na 5-7-5 o 5-5-7 o 7-5-5
B. May tatlong taludtod na binubuo ng 18 pantig na may pardon
na 10-4-4 o 5-5-8 o 8-4-6
C. May tatlong taludtod na binubuo ng 12 pantig na may pardon
na 4-4-4 o 8-2-2 o 2-8-2
D. May tatlong taludtod na binubuo ng 14 pantig na may pardon
na 5-4-5 o 4-5-5 o 5-5-4

4. Ano ang kinaiba ng Tanka sa Haiku?


A. Tula na may limang taludtod, binubuo ng 7-5-7-5-7 na pantig
B. Tula na may tig-5 taludtod ang bawat saknong at may pitong
pantig
C. Tula na may apat na taludtod at binubuo ng walong pantig
D. Tula na may 5 na taludtod may 7-7-7-7-7 na pantig

Para sa bilang 5-6. Alin sa sumusunod ang kasingkahulugan ng sinalungguhitang


salita.
5. Haiku
Lakbay ng hirap
Pangarap ng naglayag
Tuyong lupain
A. Pagtupad sa pangarap B. Pagtitiis para sa pangarap
C. Nagdarasal na makamtan ang pangarap D. Malayo ang tingin

6. Tanka
Napakalayo pa nga
Wakas ng paglalakbay
Sa lilim ng puno
Tag-init noon
Gulo ang isip.
A. May patutunguhan B. Pagtitiis para sa pangarap
C. Nagdarasal na makamtan ang pangarap D. Malayo ang tingin

17
7. Tumutukoy ito sa pagtaas at pagbaba ng tinig sa pagsasalita, na
maaaring maghudyat ng kahulugan ng pahayag.
A. Tono/Intonasyon B. Antala C. Diin D. Haba

8. Ito ay nagpapalinaw ng mensahe o intensyong nais ipabatid sa


kausap.
A. Tono B. Diin C. Haba D. Intonasyon

Para sa bilang 9-10 suriin kung ano ang tono o layunin ng nagsasalita

9. “Umulan ba kahapon?”
A. nagtatanong C. nagpapahayag
B. nag-aalinlangan D. nagbubunyi

10. “Ikaw ba talaga iyan?”


A. nagtataka C. naninigurado
B. nagtatanong D. nananabik

Karagdagang Gawain

Panuto: Sumulat ng Tanka o Haiku na binubuo ng isang saknong at ang pinapaksa


ay hinggil sa pag-ibig sa magulang. Isulat ito sa makulay na papel at lagyan ng disenyo
na may kaugnayan sa nilalaman nito. Salungguhitan din ang mga matatalinghagang salita
o pahayag. Pagkatapos, basahin mo sa harap ng iyong magulang ang nagawang tula ayon
sa tamang antala, diin, at tono.
Pamantayan sa pagsulat ng Tanka at Haiku

Pamantayan 5 3 2

Paksa: nasusunod ang paksa


ng Tanka o Haiku.

Nilalaman: angkop ang


paggamit at baybay ng mga
salita.

Istrukrura/Anyo: wasto ang


mga sukat/ bilang ng pantig
at taludtod ng tulang Tanka o
Haiku.

18
19
20
Pagyamanin 1.1. Paghambingin
TANKA TANKA AT HAIKU HAIKU
PAGKAKAIBA PAGKAKATULAD PAKAKAIBA
MAY 31 PANTIG TULA NG HAPON MAY 17 PANTIG
5 7 MAIKLING TULA 5 5
7 7 PAKSANG PAG-IBIG 7 5
5 7 May masidhing damdamin 5 7
7 5
7 5
5 LINYA 3 LINYA
Paksa: Pagbabago Paksa: Pag-ibig sa Bayan
Tuklasin
PANTIG LINYA PAKSA/ MATALINGHAGANG PAHAYAG
TANKA TANKA TANKA
7 5 PAG-IBIG/ NITONG TAGLAGAS
7
7
5
5
HAIKU HAIKU HAIKU
5 3 PAG-IBIG/ ULILANG DAMO
7
5
GAWAIN 1.1
Tayahin Subukin
TANKA
1. A 6. D 1. A 6. C
Iba’t iba ang sagot 2. B 7. A 2. B 7. B
3. A 8. A 3. A 8. D
Haiku
4. A 9. A 4. D 9. C
Iba’t iba ang sagot 5. B 10. C 5. D 10. A
Susi sa Pagwawasto
21
paglalakbay.
lahat ay maaari ka nang magpatuloy sa iyong
ng pagnanais na matuto. Kung malinaw na sa iyo ang
Tandaan, ang nagtatanong ay nagpapahayag
modyul na ito o di kaya’y magtanong sa iyong guro.
naunawaan sa paksa, ay maaari mong balikan ang
gawain sa araling ito. Kung may hindi ka pa lubos na
Matagumpay mong naisagawa ang mga
Binabati kita!
Gawain 1.3
B. Tono/Intonasyon
AKDA (HAIKU/TANKA) TONO/DAMDAMIN MENSAHE
3. Ako’y nagalak nagagalak Taus-pusong pagpanggap
Sa iyong pagpaunlak
Pusong busilak
Ni: Mercedes P. Tare
4. Rosas na pulang-pula masaya umiibig
Bigay ng sinta
Ako ay lumigaya.
Ni: Mercedes P. Tare
Gawain 1.3
A. Antala/ Hinto
AKDA (HAIKU/TANKA) ANTALA/HINTO MENSAHE
1. Panahon ng pandemya Panahon ng pandemya/ Pagkakaisa
Tayo’y magkakaisa Tayo’y magkakaisa/
Sama-samang sugpuin Sama-samang sugpuin/
Ang COVID 19 Ang COVID 19/
Ang misyon natin. Ang misyon natin.
Ni: Mercedes P. Tare
2. Totoong sa new normal Totoong sa new normal/ Nahihirapan
Lahat ng mag-aaral Lahat ng mag-aaral/
Na modyul ang inaral Na modyul ang inaral/
Nagkandarapa Nagkandarapa/
Sa pag-unawa. Sa pag-unawa.
Ni: Mercedes P. Tare
Sanggunian

Enrijo, Willita, et.al. Panitikang Pilipino: Filipino 8 (unang edisyon). 2013.


Peralta, Romulo, et.al. Ang panitikang Asyano: Filipino 9. Philippines: Vibal Group,
Inc., 2014.

RcCarlNatad1. “Kaligirang pangkasaysayan ng tanka at haiku.” Last modified August


27, 2018. https://www.slideshare.net/RcCarlNatad1/kaligirang-
pangkasaysayan-ng-tanka-at-haiku-111701741

22
9
Filipino
Ikalawang Markahan – Modyul 2:
Panitikang Asyano: Pabula

CO_Q2_Filipino9_ Module2
Filipino – Ikasiyam na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan- Modyul 2: Panitikan ng Silangang Asya: Pabula ng Korea
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto
o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit
sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula
sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaring kopyahin o ilimbag


sa anomang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Elsie V. Malagum, Allene E. Duarte


Angelita P. Ramos, Daniel R. Amparado
Merlyn B. Elorde
Editor: Josephine L. Tomboc
Tagasuri: Brengilda C. Canama, Alma M. Beton
Tagapamahala: Ruth L. Fuentes
Eugenio B. Penales
Sonia D. Gonzales
Juliet A. Magallanes
Florencio R. Caballero
Alma D. Belarmino

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Region IX


Office Address: Regional Center, Balintawak, Pagadian City
E-mail Address: region9@deped.gov.ph
Alamin

Isang mainit na pagbati sa panibagong araw ng


pagkatuto. Masaya ako dahil matagumpay mong
natapos ang unang modyul. Nasiyahan ka ba sa naging
resulta nito? Sigurado akong ipinagmamalaki mo ang
iyong sarili dahil sa maganda ang naging resulta ng
iyong mga pagsasanay. Magaling!
Ngayon makakasama mo na naman ako
sa iyong paglalakbay para sa ikalawang modyul. Handa
ka na ba? Aba! Oo naman! Batid ko ang iyong
kasabikan na simulan ang modyul na ito dahil alam
kong gustong-gusto mong magbasa ng mga akda lalo na
kung ito ay pabula.
Sa araling ito, papasukin natin ang mundo ng
mga hayop sa pamamagitan ng kwentong pabula at
lubos mong mauunawaan ang nilalaman at damdamin
ng tauhang nakapaloob sa akda. Ipapakita rin sa
araling ito ang pagpapahalaga at dangal ng isang
kabataang Pilipino at bilang bahagi ng isang bansang
Asyano. Ito’y naglalaman din ng mga pagsubok na
inihanda upang magturo ng mahahalagang aral at
kaisipan na karapat-dapat tularan ng isang kabataang
tulad mo. Huwag kang mag-alala dahil alam kong
kayang-kaya mo ito!

Pagkatapos ng ating paglalakbay inaasahan ko na


magagawa mong mga susmusunod:

1. Nakahihinuha ng damdamin ng mga tauhan batay sa


diyalogong napakinggan (F9PN-IIc-46)
2. Naiaantas ang mga salita (clining) batay sa tindi ng
emosyon o damdamin (F9PT-IIc-46)
3. Nagagamit ang iba’t ibang ekspresyon ng
pagpapahayag ng damdamin (F9WG-IIc-48)
4. Nabibigyang puna ang kabisaan ng paggamit ng mga
hayop bilang tauhan na parang taong nagsasalita at
kumikilos (F9PB-IIc-46)
5. Naisusulat muli ang isang pabula sa paraang
babaguhin ang karakter ng isa sa mga tauhan
nito(F9PU-IIc-48)

1
Subukin

Bago tayo magpatuloy sa ating aralin,


tingnan muna natin kung ano na ba ang iyong
nalalaman sa aralin na ating tatalakayin sa modyul
na ito.
Basahin at sundin mo ang panuto bilang
iyong gabay sa gawain. Paghusayan mo ha?

PAUNANG PAGTATAYA

Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pahayag at piliin ang titik ng


pinakatamang sagot sa sagutang papel.
Para sa aytem 1-6, basahin ang bahagi ng teksto na nasa kahon.

“Sa maliit na kubo nakatira ang mag-inang pusa. Hindi matatawaran ang
pagmamahal ni Binay sa kanyang dalawang anak. Kaya labis ang pag-aalaga niya.
“Ikaw Milay ang taba mo?”, wika ni Binay. Tuwang- tuwa naman si Kabong
habang dinidilaan ng ina ang balahibo nito.
“Sa ‘di kalayuan takam na takam na nagmamasid si Bowa, ang malaking
ahas na kaibigan ni Binay, sa malulusog na katawan ng mga kuting. Agad niya
itong nilapitan, “Binay! mukhang napakalusog ng mga anak mo ah. Napangiti pa
habang tuloy tuloy sa pagsasalita. Ay! oo nga pala may gusto akong ipakita sa
iyo Binay, na tiyak magugustuhan mo, tira-tirang laman ng manok. Hindi ko kasi
mauubos ito. Halika! tingnan natin?” Napalundag sa sobrang tuwa si Binay na
agad naman itong sumama. Pagdating nila roon, walang pagkain na nakikita ang
inang pusa.
“Oh, nasaan na ang pagkain?” tanong ni Binay. “Sandali! Sandali! Dito lang
yon ah”, pakunwaring paghahanap si Bowa. “Binay hintayin mo ako rito, nasa
kabila lang pala”, pagsisinungaling nito. “Sige, pero bilisan mo lang kasi
nagugutom na ang mga anak ko”. Yahoo! singbilis ng kidlat na nawala si Bowa at
agad dumiritso sa kubo. Sa sobrang inis ni Binay sa kahihintay na bumalik ang
kaibigan nagpasya siyang umuwi na ng bahay. “Teka lang! bakit tahimik
masyado?, pagtataka ni Binay. “Milay! Kabong! mga anak nasaan na kayo?”
Nawawala ang kanyang mga anak. Naghihinagpis si Binay sa nangyari at sinisi
ang sarili. Simula noon hindi na rin nagpakita si Bowa, ang kaibigan niyang ahas.
-Ang teksto ay sariling likha
ni: Elsie V. Malagum

2
1. Batay sa papel na ginagampanan ng ahas sa pabula, anong damdamin
ang mahihinuha sa pahayag?
A. paghanga
B. pagtulong
C. pagkatuwa
D. panlilinlang

2. Anong positibong aral ang ipanahihiwatig ng ginampanang papel ng


pangunahing tauhan?
A. Lahat ng kaibigan ay mapagkatiwalaan.
B. Huwag maniniwala sa mga sinasabi ng iba.
C. Mag-ingat sa mga mapagkunwaring kaibigan.
D. Ang buhay ay may maraming pagsubok.

3. Paano ginampanan ng mga hayop ang kanilang papel bilang tauhan sa


kuwento?
A. Sa pamamgitan ng pagsasalita at pagkikilos na parang mga tao
B. Sa pamamagitan ng pagpapalit - anyo nito ng isang tao
C. Sa paraang sila ang namamahala sa kuwento
D. Sa paraang sila ang sumasaksi sa pagtatanghal ng mga aktor

4. Napalundag sa sobrang tuwa si Binay na agad naman itong sumama. Sa


pangungusap na ito, anong damdamin ang nangingibabaw sa tauhan?
A. pagkalungkot
B. pagkagulat
C. paghanga
D. pagkatuwa

5. Sa di kalayuan takam na takam na nagmamasid si Bowa, ang malaking ahas


na kaibigan ni Binay, sa malulusog na katawan ng mga kuting. Alin sa mga
sumusunod ang nagpapahiwatig sa tunay na damdamin ng tauhan?
A. Nagugustuhan niya ang mga kuting
B. Itinuturing niyang parang anak ang mga kuting
C. Hinahangaan niya ang pagmamahalan ng mag-iinang pusa
D. Gusto niyang kainin ang mga malulusog na kuting

6. “Milay! Kabong! Mga anak nasaan na kayo?”, sigaw ng inang pusa nang hindi
matagpuan ang mga anak. Anong damdamin ang mahihinuha sa pahayag ng
tauhan?
A. pag-aalala
B. pagkalungkot
C. pagmakaawa
D. pagkatuwa

7. Tama ang naging pasya at desisyon niya sa kanyang sarili na mahalin


niya ang kanyang mga kaaway. Anong damdamin ang ipinapakita sa
nagpapahayag nito?
A. pagsalungat
B. pagkainis
C. pagkalungkot
D. pagsang-ayon

3
8. “Naku! Tumaas ang bilang ng nagpositibo sa Covid-19.” Anong ekspresyon
ng damdamin ang ipinapahayag dito?
A. patalinghaga
B. diretsahang paraan
C. maikling sambitla
D. pandamdam

9. “Bilis!” Anong ekspresyon ng damdamin ang ipinapahayag nito?


A. pandamdam
B. maikling sambitla
C. naglalarawan
D. patalinghaga
10. Alin sa mga hayop na ito ang may katangiang taksil na inihalintulad sa
isang tao?
A. aso
B. pagong
C. ahas
D. kalabaw

Mahusay! Alam kong nasagot mo nang maayos


ang gawain sa “Subukin”. Ngayon naman, ating
lalakbayin ang makulay na panitikan ng Korea. Pag-
aaralan natin ang pabula na isinalin ni Vilma C.
Ambat sa Filipino na pinamagatang “Ang Hatol ng
Kuneho”.

Aralin
Pabula ng Korea: Ang Hatol ng
1 Kuneho

Balikan

Bago tayo magpatuloy kaibigan, nais ko munang


balikan mo ang nakaraan nating aralin. Natatandaan mo
pa ba ito? Tama! Tungkol sa Tanka at Haiku ng bansang
Japan. Subukin nga natin kung talagang naaalala mo ito.
Sundin mo ang mga panuto sa ibaba.

4
Gawain 1: Pagkakaiba at Pagkakatulad Balikan!
A. Panuto: Kopyahin ang Venn diagram sa iyong papel at ibigay ang
pagkakaiba at pagkakatulad ng Tanka at Haiku.

Haiku Tanka

Pagkakaiba Pagkakatulad Pagkakaiba

B. Panuto: Piliin ang tamang salitang binigyang kahulugan ng pahayag. Isulat ang
sagot sa inilaang puwang.
______________1. Kapalaran ng tao BU:hay bu:HAY

______________2. Listahan ta:LA TA:la

C. Panuto: Tukuyin ang wastong tono ng pahayag batay sa layunin. Maaaring


gamitin ang bilang 1 sa mababa, bilang 2 sa katamtaman, at bilang 3 sa mataas.
Halimbawa: mayaman = 213 , pagtatanong
mayaman = 231 , pagpapahayag
1. kanina = _______, pag-alinlangan

kanina = _______, pagpapatibay, pag papahayag

2. magaling = ______, pagpupuri


magaling = ______, pag-aalinlangan

D.Panuto: Basahin ang sumusunod na pahayag. Subukin kung anong mga


pagkakaiba ng kahulugan ang maibibigay sa paggamit ng hinto at antala.

1.Hindi si Arvyl ang sumulat sa akin.


2.Hindi, si Arvyl ang sumulat sa akin.

3.Hindi si Arvyl, ang sumulat sa akin.

5
Tuklasin

Yesss! sa wakas ay narito na tayo sa


pinakamahalagang bahagi ng iyong modyul, ang gawaing
pagbasa at paglinang ng iyong pag-unawa kung
naintindihan mo ang iyong binasa.

Kaibigan babasahin na natin ang Pabula mula sa Korea


na isinalin ni Vilma C. Ambat na pinamagatang “Ang Hatol
ng Kuneho” Sa iyong pagbabasa, suriin mo ang ang iba’t
ibang karakter o katangian ng mga tauhan.

Handa ka na ba? Basa na!

Ang akdang ito ay makikita sa:


Aklat ng Kagawaran ng Edukasyon
Panitikang Asyano – Ikasiyam na Baitang
Modyul ng Mag-aaral sa Filipino
Mga manunulat: Romulo N. Peralta, Donabel C. Lajarca et
al.
Pahina: 105-107
Pamagat: Ang Hatol ng Kuneho
Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat

Paglinang ng Talasalitaan
Gawain 2. A. Tara Hanapin Natin!
Panuto: Hanapin at salungguhitan ang kasingkahulugan na nakapaloob din sa
pangungusap ang salitang may salungguhit din sa pangungusap.

1. Lumupasay ang Tigre dahil sa sobrang gutom at hapong-hapo ang katawan


habang nakahiga sa lupa.
2. Inaaro ng mga baka ang bukid upang may mapagtaniman sila sa kanilang
lupang sinasaka.

3. Malumanay at walang ligoy na nagsasalita ang kuneho na tila dahan dahan


itong naiintindihan ng Tigre.

4. Humingi ng tulong ang Tigre sa taong nakadungaw sa kanya na agad naman


itong nakakaramdam ng pangamba habang nakatingin sa hukay na kinalalagyan
nito.

5. Labis ang pagsusumamo ng lalaki upang hindi kainin ng tigre, ngunit kahit
anong pagmamakaawa gusto parin siyang sakmalin nito.

6
B. Ayon Sa Aking Pag-unawa
Panuto: Basahin at unawain ang mga linya na nasa pabulang binasa at isulat sa
loob ng kahon ang kahulugan. Sikapin mong magamit sa sariling
pangungusap ang mga binigyang-kahulugan na pahayag.

1. Nabuhayan siya ng loob at agad tumayo.

2. Naglaway ang tigre at naglakad paikot sa lalaki.

3. Anong alam ng tao sa pagtanaw ng utang na loob?

4. Hapong-hapo na ang tigre at lumupasay na lamang sa lupa.

5. Gusto sana kitang tulungan subalit nangangamba ako.

7
Gawain 3: Iantas Mo Ako!
Panuto: Iantas ang mga sumusunod na salita ayon sa tindi o digri nito. Isulat ang
salita sa loob ng kahon na pormang hagdan sa tapat ng bilang.

Mga salita Pag-aantas ayon sa tindi ng damdamin

1.
 sigaw 3____________________
 hiyaw
 bulong 2.____________________________

1.______________________________

2.
3.__________________
• galit
• poot 2.____________________
• suklam
1._______________________

3.
• hinagpis 3.__________________
• pighati
• lungkot 2.____________________

1._______________________

4.
• pangamba 3.__________________
• kaba
• takot 2.____________________

1._______________________

5.
 pagkutya 3.__________________
 pag-alipusta
 pag-aapi 2.____________________

1._______________________

8
6. 3._______________________

 damot 2._________________________
 ganid
 sakim 1._______________________________

7. 3.____________________

 pagmamahal 2._______________________
 paghanga
 pagsinta 1.__________________________

8. 3._____________________

 sakit 2._______________________
 hapdi
1.______________________
 kirot

9. 3.______________________

 tawa 2._________________________
 halakhak
 ngiti 1.__ ____________________

10. 3.______________________

• pagkawala 2.______________________
• pagkaubos
• pagkasaid 1.______________________

Gawain 4: Suriin at Unawain!

A. Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. Tama ba ang naging hatol ng kuneho sa suliranin ng tigre at ng lalaki?


Bakit?
2. Kung ikaw ang hahatol sa sitwasyon, gagawin mo rin ba ang ginawa ng
kuneho? Bakit?
3. Sa iyong palagay, kung nakapagsasalitang muli ang mga nilalang sa
kalikasan natin ngayon, ano kaya ang kanilang hatol sa ating mga tao?
Ipaliwanag.
4. Bilang kabataan, ano ang maimumungkahi mo upang maiwasan ang
pang- aabuso ng mga hayop at ang kalikasan.

9
5. Mahihinuha mo ba sa pabulang ito ang kultura at kaugalian ng mga taga-
Korea? Patunayan.
6.Kung may nagawang kabutihan ang ibang tao sa iyo, paano mo ito tutumbasan?

B. Character Mapping

Ang mga tauhan ng pabula ay may iba-ibang karakter o katangian. Kung isusulat
mo uli ang pabula ano ang nais mong baguhin sa karakter nila at bakit?

Dating ugali ng Pagbabagong ugali ng


tauhan sa pabula tauhan at bakit?

tigre

kuneho

lalaki

C: Pagbibigay Hinuha

Panuto: Magbigay ng hinuha sa damdaming ipinahihiwatig ng mga tauhan batay


sa kanilang mga diyalogo. Isulat sa patlang ang iyong sagot.

1. “Pakiusap! Tulungan mo akong makalabas dito, pagmamakaawa ng tigre”.


“Kung tutulungan mo ako, hindi kita makalilimutan habambuhay.”
Ano ang nadarama ng tigre sa mga oras na iyon?
Sagot: _____________________________________________________________

2. “Dapat mo siyang kainin! Tingnan mo, mula nang kami ay isilang ay


naglilingkod na kami sa mga tao. Subalit, ano ang ginagawa nila kapag
kami’y tumanda na…pinapatay kami at ginagawang pagkain!”.
Sagot: _____________________________________________________________

10
3. “Sandali! Sandali! Huwag mong isipin iyan,” pakiusap ng tigre. “Huwag
kang mag-alala, pangako hindi kita sasaktan.”
Sagot: _____________________________________________________________

4. “Tanungin natin ang puno ng Pino kung tama bang kainin mo ako”. “Sige”, ang
wika ng tigre. “Pero pagkatapos natin siyang tanungin, kakainin na kita”.
Sagot: _____________________________________________________________

5. “Anong alam ng tao sa pagtanaw ng utang na loob?” tanong ng puno ng Pino.


“Bakit ang mga dahon at sanga namin ang kinukuha ninyo upang mapainit ang
inyong mga tahanan at maluto ang inyong pagkain? Mga taon ang binibilang
namin upang lumaki. Kapag kami’y malaki na pinuputol ninyo kami!”.
Sagot: _____________________________________________________________

Suriin

Sa bahaging ito mabibigyan ka ng karagdagang


impormasyon tungkol sa ating natatanging aralin na
napapaloob sa modyul na ito at higit sa lahat upang
maunawaan mong lubos ang mga katangian ng
pabula.

Sige, umpishan mo nang basahin at unawain.


Pagbutihan mo!g

a katangian ng pabula.
Kaligirang Pangkasaysayan ng Pabula sa Korea

Ang mga hayop ay hindi lamang mga nilikhang gumagala sa kapatagan at


kabundukan. Ang mga ito ay may simbolong ugnayan sa bansa at sa mga
mamamayan nito. Sa Korea, mahalaga ang ginampanan ng mga hayop sa kanilang
mitolohiya at kwentong bayan.

Ayon sa kanilang paniniwala, noong unang panahon daw ay may isang tigre
at oso na nagnais maging tao. Nang bumaba sa lupa ang kanilang diyos na si Hwanin
(diyos ng kalangitan) ay humiling ang isang tigre at isang oso na maging tao. Ang
sabi ni Hwanin ay magkulong sa kuweba ang dalawa sa loob ng 100 araw. Dahil sa
marubdob na pagnanasang maging tao ay sumunod sa pinag-uutos ang dalawa.
Pagkalipas lamang ng ilang araw ay agad ding lumabas ang tigre subalit nanatili sa
loob ng kuweba ang oso.
Pagkalipas ng 100 araw ay may isang napakagandang babae ang lumabas ng
kuweba. Ang babae ay natuwa sa kaniyang itsura at kinausap muli si Hwanin.
Nagpasalamt siya sa diyos at humiling na sana ay magkaroon siya ng anak.
Pinababa sa lupa ng diyos ang kaniyang anak na si Hwanung (anak ng diyos ng
kalangitan) at ipinakasal sa babae. Sila’y nagkaanak at pinangalanang Dangun. Si
Dangun ay naging hari. Pinaniniwalaang dito nagsimula ang pagkakaroon ng
simbolong hayop ang ibat’t ibang dynasty sa Korea.

11
Ang pabula ay isa sa mga unang panitikan sa daigdig. Noong ika–5 at ika–6
na siglo bago si Kristo, may itinuturing nang pabula ang mga taga– India. Ang
karaniwang paksa ng pabula ay tungkol sa buhay na itinuring na dakilang tao ng
mga sinaunang Hindu, si Kasyapa. Lalong nagpatanyag ang mga ganitong kuwento
sa Gresya. Si Aesop ang tinaguriang “Ama ng mga Sinaunang Pabula” dahil sa
napabantog niyang aklat, ang Aesop’s Fable.

Mga hayop na kumakatawan o sumasagisag sa mga katangian o pag–uugali ng tao.

Halimbawa:
Ahas- ay karaniwan nangangahulugan ng isang taong taksil.
Pagong- makupad.
Kalabaw - matiyaga.
Palaka- mayabang.
Unggoy o matsing- isang tuso
Itinuturo ng pabula ang tama, patas, makatarungan, at makataong ugali at
pakikitungo sa ating kapwa. Ang mga pabula ay lumaganap dahil sa magagandang
aral sa buhay na ibinigay nito.
Sa pagbabasa ng pabula mahalagang matutunan moa ng mga damdamin o emosyon
ng bawat tauhan upang mas lalong mauunawaan ang layunin ng awtor .

Alam mo ba na….
Ang pagpapasidhi ng damdamin ay isang uri ng pagpapahayag ng saloobin
o emosyon sa paraang papataas ang antas nito. Nagagamit ito sa pamamagitan ng
pag-iiba-iba ng mga salitang may ugnayang sinonimo. Isa ito sa ginagamit ng mga
manunulat upang mabibigyang diin ang bawat karakter ng mga hayop na
sumisimbolo rin sa pag-uugali ng tao.

Halimbawa:
Mga salitang nagpapahayag ng damdamin na magkakatulad ngunit may
pagkakaiba sa antas

1. lungkot, pighati , hinagpis

2. damot, ganid , sakim

Ngayon sasamahan kitang suriin ang mga kaalaman


tungkol sa iba’t ibang ekspresyon sa pagpapahayag ng
damdamin nang sa ganoon higit mong maunawaan ang
ating aralin at maipagpatuloy mo pa ang mga susunod
pang gawain na siguradong magagamit mo sa araw-araw
na pakikipagtalastasan. Handa ka na ba?

12
Iba’t ibang Ekspresyon sa Pagpapahayag ng Damdamin
1. Mga pangungusap na Padamdam- mga pangungusap na nagpapahayag ng
matinding damdamin. Ginagamitan ito ng bantas na tandang padamdam (!)
Mga Halimbawa:
Sandali! Sandali! Hintay! Hintay! Ah! Ganito ang kalagayan ninyo.
Sandali! Tigre! Ah! Walang kuwenta! Patawad!

2. Maikling Sambitla- mga salitang iisahin o dadalawahing pantig na


nagpapahayag ng matinding damdamin.

Mga Halimbawa:

Ah! Wow! Ngek! Ayy! Yeheey!

3. Mga pangungusap na nagsasaad ng tiyak na damdamin ng isang tao. Mga


pangungusap na may anyong pasalaysay kaya’t
nahihinuhang hindi gaanong matindi ang damdamin.
Mga halimbawa: 1. Pagkaawa: Labis na nakakaawa ang Tigre kay bumalik
ang lalaki at tinulungan siya.

2. Pagkalungkot: “Wika ng baka, kapag kami tumanda na


pinapatay at gawing pagkain.”

4. Mga pangungusap na nagpapahiwatig ng damdamin sa hindi


diretsahan paraan.
Mga halimbawa: 1. Naglaway ang tigre habang naglakad paikot sa lalaki.
2. Sige Tigre, pawiin mo na ang iyong gutom.

5. Mga salitang naglalarawan para sa pagpapahayag ng damdamin ng tao.


Mga halimbawa: 1. Gutom na gutom na at hapong-hapo na ang tigre.
2. Malumanay at walang ligoy na nagsalita ang kuneho.

6. Mga patalinghagang pagpapahayag ng damdamin o saloobin ng tao.


Mga halimbawa: 1. Tumindig ang aking balahibo nang nakita ko ang
malaking ahas.
2. Nasusunog na ang balat ko sa araw.

13
Ang iba’t ibang ekspresyon sa
pagpapahayag ng damdamin ay tinatawag ding
paraan ng pagpapahayag ng emosyon o saloobin
ng tao. Ito’y may malaking gampanin upang
mapalitaw ang nararamdaman ng bawat tauhan
ayon sa papel na ginagampanan sa alinmang akda
o sitwasyon.

Ang damdamin ay isang emosyon na ang


ibig sabihin ay ang pansariling pagtugon sa mga
pangyayaring nagaganap sa araw-araw na buhay.
Ito ay nararamdaman ng isang tao depende sa kung
paano niya tinatanggap ang mga kaganapang
nangyayari sa kanyang buhay.

Para sa karagdagang kaalaman


Narito ang iba pang ekspresyon o paraan sa pagpapahayag ng damdamin:

a. Pagmamahal sa pamilya at kapwa


Halimbawa: Abala kami sa pagbibigay ng mga pagkain sa mga taong
biktima ng sunog.
b. Ang pagkalungkot sa di-inaasahang pangyayari na di-kanais-nais.
Halimbawa: Tumulo ang luha ko nang malaman kong naulila ang
batang iyan dahil sa sakit na COVID-19.
c. Ang mga pahayag na nagbibigay kasiyahan sa ibang tao
Halimbawa: “Alam mo Lucy nalaman ko na mahilig ka sa bulaklak,
kaya binilhan kita”.

Tandaan mo kaibigan na sa pagpapahayag ng


damdamin may hindi masyadong nailantad kung ano
talaga ang tunay na saloobin ngunit mahihinuha natin
batay sa salaysay ng tauhan. Mapapasin mong
ipinahahayag ito sa payak na pagsasalaysay lamang. Kung
kaya dapat talagang maunawaan mo ang ating aralin at
mapahalagahan dahil natitiyak kong magagamit mo ito sa
pagpatuloy ng iyong pagkatuto.

14
Pagyamanin

Upang mapagtibay ang iyong pag-unawa at


mapayaman pa ang iyong kaalaman sa ating aralin,
sa bahaging ito ng iyong modyul, mayroon akong
mga gawain na inihanda para sa iyo na tiyak
magugustuhan mo! Tara! umpisahan na natin.
Handa ka na ba?

Gawain 5: Emosyon ko, Tukuyin mo!

Panuto: Tukuyin kung sa anong paraan o ekspresyon ipinahahayag ang emosyon


o damdamin ng bawat pahayag. Piliin at bilugan ang titik ng
pinakawastong sagot lamang.
1.”Nagmamakaawa ako, tulungan mo ako.”
A. tiyak na damdamin ng tao C. pandamdam
B. patalinghagang pahayag D. maikling sambitla

2. Tila labis ng nakakaawa ang tinig ng tigre kaya bumalik ang lalaki upang
tulungan ito.
A. paghanga C. pagtulong
B. pagmamakaawa D. pagkagalit

3. Gutom na gutom at hapong-hapo na ang Tigre.


A. patalinghaga C. paglalarawan
B. di tiyak na pagpapahayag D. Padamdam

4. “Sa ganang akin, walang duda sa kung anong dapat gawin”, wika ng baka.
A. pagmamakaawa C. isang sambitla
B. paglalarawan D. hindi diretsahang pagpapahayag ng damdamin

5. “Anong alam ng tao sa pagtanaw ng utang na loob?”, tanong ng puno ng pino.


“Bakit ang mga dahon at sanga namin ang kinukuha ninyo upang mapainit
ang inyong mga tahanan at magluto ang inyong mga pagkain?
A. pagpapahayag ng paghanga C. pagpapahayag ng galit
B. pagpapahayag ng pagmamahal D. pagpapahayag ng panunumbat

6. “Pakiusap, bigyan mo pa ako ng huling pagkakataon. Tanungin natin ang


kuneho para sa kanyang hatol kung dapat mo ba akong kainin”.
A. nagmamakaawa C. nagagalit
B. nakikiusap D.nalulungkot

15
7. Dahil sa sobrang ____________________ikinamamatay niya ang pagkawala ng
kanyang anak.
A. pangamba C. paghihinagpis
B. pagkalungkot D. pighati

8.Nangatog ang katawan ng lalaki sa _____________ nang paikot na naglakad ang


tigre para kainin siya.
A. pangamba C. kaba
B. takot D. galit

9. “Bakit ang mga dahon at sanga namin ang kinukuha ninyo upang mapainit
Ang inyong mga tahanan at maluto ang inyong mga pagkain?” Anong paraan
ng pagpapahayag ng damdamin ang pahayag?
A. paglalarawan C. pagmamahal sa kapwa
B. pagtatanong D. pagmamalasakit

10. Ang mga kabataan ay abala sa pagbibigay ng mga pagkain sa mga biktima
ng sunog.
A. pagmamahal sa pamilya C. pagmamahal sa kapwa
B. paglalarawan D. pagbibigay kasiyahan

Gawain 6: Katwiran Mo, ILahad Mo!


Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag mula sa
dalawang pabulang binasa at ilahad ang iyong pangangatwiran nang
matanto ang kabisaan ng paggamit ng hayop sa akda.

Para sa aytem 1

. Naglaway ang tigre at naglakad paikot sa lalaki.


“Sandali!” “Hindi ba nangako ka sa akin na hindi mo ako sasaktan? Ito ba
ang paraan ng pasasalamat at pagtanaw ng utang na loob?”, sumbat ng lalaki
sa tigre. “Wala na akong pakialam sa pangakong iyan dahil nagugutom ako!
Tugon ng tigre sa lalaki”.

1. Batay sa katangian ng tigre bilang hayop, angkop ba ang kanyang pahayag na


ito upang maipaabot ang mensaheng nais ipahihiwatig ng may akda sa mga
mambabasa? Bakit?

Sagot: _________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

Para sa aytem 2

“Kaming mga baka ang nagbubuhat ng mabibigat nilang dalahin.Inaararo namin


ang bukid upang makapagtanim sila. Subalit ano ang ginawa nila kapag kami
tumanda na…pinapatay kami at ginawang pagkain! Ginagamit nila ang aming
balat sa paggawa ng ano-anong bagay”.

16
2. Anong pagpapahalaga ang nais ipahihiwatig ng may akda sa mga mambabasa
batay sa hinaing o pahayag ng tauhan sa pabula.
Sagot: __________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

Para sa aytem 3

“Sa ibang salita kung ang tao ay hindi nagpakita ng kabutihan at iniwan ang
tigre sa hukay, walang naging problema.” Kaya naisip ko na magpatuloy ang tao
sa kanyang paglalakbay at manatili ang tigre sa hukay. Ang Hatol ng Kuneho”.

3. Sa iyong palagay tama ba ang nagiging hatol ng kuneho? Bakit?


Sagot: _______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

Para sa aytem 4

“Anong alam ng tao sa pagtanaw ng utang na loob?” tanong ng puno ng Pino.


“Bakit ang mga dahon at sanga namin ang kinukuha ninyo upang mapainit
ang inyong mga tahanan at maluto ang inyong mga pagkain? Mga taon ang
binibilang namin upang lumaki. Kapag kami’y malaki na pinuputol ninyo”.

4. Ano ang mensaheng nais palitawin ng papel na ginagampanan ng punong Pino


batay sa kanyang pahayag sa diyalogo sa tao?
Sagot: _________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

Gawain 7: Ihambing Mo Ako!


Panuto: Makikita sa ibaba ang VENN DIAGRAM. Gamit ang teknik na ito,
ibigay ang pagkakatulad at pagkakaiba ng Tao at Hayop.

TAO HAYOP
Pagkakaiba Pagkakaiba
Pagkakatulad

17
Isaisip

Sa iyong paglalakbay ay malapit mo nang makamtan


ang iyong tagumpay. Ang gaan sa pakiramdam di ba! Alam
kong lubos mo ng naintindihan ang ating leksyon pero may
ibibigay pa akong mga gawain na susukat sa iyong
kaalaman at paniguradong maghahatid ng bagong
kaalaman.

Ipakita ang iyong husay kaibigan!

Ipakita ang iyong husay kaibigan!


Gawain 8: Katangian ko, Tularan mo!
A. Panuto: Batay sa pabulang “Ang Hatol ng Kuneho” paano mo
mailalarawan ang katangian at ginagampanan ng bawat tauhan? Gamit
ang Graphic Organizer isulat ang sagot. Kopyahin ang format sa
sagutang papel.

Pangalan Ng Tauhan Katangian Ginampanan

1. Tigre

2. Kuneho

3. Baka

4. Puno ng Pino

5. Isang lalaki

18
B. Punan ng mga hinihiling na kasagutan ang tsart. Isulat ang mga katangian ng
tauhan na nais pamarisan o di-dapat pamarisan at kung ano ang natutunan mula
sa tauhan.

Tauhan Katangiang Nais Ugaling di -dapat Natutuhan sa


Pamarisan Pamarisan tauhan

Isagawa

Wow! napakagaling at narating mo ang bahaging ito - ang


paglalapat ng iyong natutuhan. Konti na lang at matatapos mo
na ang modyul na ito dala ang mga bagong kaalamang iyong
natutuhan.
Ngayon, pagkakataon mo na ilahad ang iyong sariling
pananaw mula sa iyong nabasang pabula na sa tingin mo ay
mahalaga at magagamit sa pang-araw-araw na pamumuhay.
Sa pamamagitan ng isang “Journal”, isulat mo ang nabago sa
iyong sarili at paniniwala mula sa mga aral na natutunan mo sa
mga akdang binasa. Umpisahan mo na!

Gawain 9: Natutuhan mo, Isulat mo!


Panuto: Sumulat ng maikling talata tungkol sa iyong natatanging karanasan sa
buhay na hindi mo nakakalimutan at ilapat ang iyong natutunan sa modyul na ito.
Malaya kang pumili ng iyong sariling pamagat. Isulat sa sagutang papel kopyahin
ang pormat.

_______________________________

Pangalan

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
Pamantayan sa Pagmamarka ng Journal
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
19
______________________________________________________________________________
____________________________________________________________
Napalinaw ng Lubhang Hindi malinaw
Kriterya Pagkakabuo (10 malinaw ang ang pagkakabuo
puntos) pagkakabuo (5 ( 3 puntos)
puntos)
Nilalaman

Organisado

Kalinisan

Tayahin

Binabati kita kaibigan! Hindi mo pa man natatapos


ang modyul na ito ay lubos akong humahanga sa
ipinakita mong pagsisikap na matutuhan ang mga
mahahalagang kaalaman at kasanayan sa araling ito.
Bilib ako sa iyo!

Ngayon ay susukatin natin kung natutuhan mo lahat


ang mga dapat mong malinang sa araling ito. Kaya
sagutan mo na ang gawain…

Gawain 8: Pangwakas na Pagtataya


A. Panuto: Basahing mabuti ang bawat pahayag. Isulat ang tamang
titik ng pinakatamang sagot sa sagutang papel.

Para sa bilang 1-4: Tukuyin ang damdaming nangingibabaw sa tauhan sa


diyalogo.

1. Myrna: “Halika na bilisan mo at aalis na tayo!”


Beth: “Hindi na lang ako tutuloy. Mukhang ayaw ninyo naman akong
kasama.”
A. pagtatampo C. paghanga
B. pagmamalasakit D. pagkahiya

2. Ina: “Ang lakas ng ulan at hindi pa nakakauwi ang iyong mga anak.”
Ama: “Oo nga, wala pa namang dalang mga payong ang mga iyon.”
A. pagkatuwa C. pag-aalala
B. pagsisisi D. pagkatakot

20
3. Ate: “Bakit mo pinuno ng sulat ang aking proyekto? Di ba sinabi kong
huwag mong pakialaman ito?”
Bunso: “Akala ko kasi ate hindi mo na gagamitin.”
A. pagkagalit C. pagkatuwa
B. pagmamalasakit D. paghanga

4. Mario: “Alam mo bang ikaw ang nakakuha ng pinakamataas na marka?”


Allan: “Talaga? Yehey! Nagbunga din ang aking pag-aaral kagabi.”
A. pagkatuwa C. pagtatampo
B. pagsisisi D. pag-aalala

5. Ilagay sa mga baitang o antas ang mga sumusunod na salita ayon sa tindi ng
damdaming ipinahahayag.
1. iyak 2. hikbi 3. hagulgol 4. nguyngoy
A. 2-4-1-3 C. 4-5-3-2-1
B. 1-2-3-4 D. 3-4-5-1-2

6. Sa pangungusap na “Matagal ko nang dapat sabihin sa iyo na mahal kita.


Alin sa sumusunod ang salitang nagpapatindi ng salitang “mahal”?
A. gusto kita C. crush kita
B. type kita D. sinasamba kita

7. Alin sa mga sumusunod na parirala o sugnay ang nagpapahayag ng tindi ng


damdamin.?
A. gutom C. kumakalam ang sikmura
B. hayuk na kayok D. nagugutom

8. Nakapagpatayo si Dona ng malaking bahay mula sa pagtitinda ng gulay. Ang


tamang ekspresyon sa pangungusap na ito ay_________.
A. Naku po! C. Sobra na!
B. Wow! D. Yahoo!

9. Maraming tao ang nawala at namatay dahil sa malakas na lindol. Ang


tamang ekspresyon ng pangungusap ay__________.
A. Wow C. Yeheey!
B. Naku! Po. D. Ngek!

Para sa bilang 10 Halaw sa pabulang “Ang Hatol ng Kuneho”

“Anong alam ng tao sa pagtanaw ng utang na loob?”, tanong ng puno ng


pino. “Bakit ang mga dahon at sanga namin ang kinukuha niyo upang
mapainit ang inyong mga tahanan at magluto ang inyong mga pagkain? Mga
taon ang binibilang namin upang lumaki. Kapag kami’y malaki na pinuputol
niyo”.

10. Ipinahiwatig ng salaysay ang NEGATIBONG ugali na ginagawa ng tao sa ating


kalikasan. Bilang kabataan ano ang dapat gawin upang maging POSITIBO.
ang salaysay.
A. Huwag puputulin ang mga maliliit na punongkahoy.
B. Magtanim ng maraming puno ng pino.
C. Panatilihing malinis ang ating mga kagubatan.
D. Iwasan ang pagputol ng mga punongkahoy at panatilihin ang pag-aalaga.
ng ating kalikasan sa tamang paraan.

21
A. Ipaliwanag ang naging tungkulin ng mga hayop bilang mga tauhan sa
pabula at ang pagkakatulad nila sa tao.

Pamagat ng Akda Naging Tungkulin Pagkakatulad ng


tauhan sa Tao
Ang Hatol ng Kuneho

Pagmamarka sa Paglalahad ng Ideya


Pamantayan Naipapaliwanag nang buong husay (10 puntos) Maayos at may
kahusayan sa pagpapaliwanag (7 puntos) Hindi malinaw ang pagpapaliwanag
(4 puntos)

Pamantayan Naipapaliwanag Maayos at may Hindi malinaw ang


nang buong husay kahusayan sa pagpapaliwanag (4
(10 puntos) pagpapaliwanag (7 puntos)
puntos)
Nilalaman

Organisasyon

Kalinisan

Karagdagang Gawain

Opppssss… may pahabol pa kaibigan!


Kung sa tingin mo ay kulang pa o nais mo pang mas
malinang ang iyong natutuhan sa ating aralin, gawin
mo ang gawain sa bahaging ito.
Sagot na…

Gawain 9: Bagong Pabula, Sariling Likha


Magbasa, makinig o manood ng iba pang mga pabulang gusto o ibig ninyo.
Isulat muli ang pabula at baguhin ang karakter ng isa sa mga tauhan nito.

22
Pamantayan sa Pagmamarka

Pamantayan Puntos Aking Puntos

Malinaw na nailalahad 4 puntos


ang nilalaman ng pabula
Lohikal ang pagkasunod- 4 puntos
sunod ng mga pangyayari
Maayos at malinis ang 4 puntos
pagkakasulat
Pagiging malikhain 3 puntos

Kabuuan 15 punots

Binabati kita sa iyong aktibong pakikilahok at


pakikiisa sa lahat ng mga gawain. Mahirap man o
madali ang pagsagot sa mga pagsasanay ang
mahalaga’y buong puso mong ibinigay ang lahat ng
iyong makakaya upang mapagtagumpayan ito.
Pagbati!

23
24
Tuklasin Tuklasin
Gawain 3 Gawain 2- A
1. bulong, hiyaw ,sigaw
2. galit, suklam ,poot 1. nakahiga
3. lungkot, pighati,hinagpis 2. sinasaka
4. pangamba ,kaba,takot 3. dahan-dahan
5. pagkutya ,pag-api,pag-alipusta
4. nakatingin
6.damot, sakim,ganid
7. paghang,pagsinta,pagmamahal 5. pagmamakaawa
8. kirot,hapdi, sakit Gawain 2-B
9. ngiti, tawa, halakhak Iba iba ang sagot
10. pagkawala,pagkaubos,pagkasaid
B.
Balikan
1.BU:hay Gawain 1: Pagkakaiba at pagkakatulad
2.ta:la Tanka Pagkakaiba Subukin
Ito ay binubuo ng tatlumpo’t isang
C. pantig (31) na may limang taludtod. 1. D
Karaniwang hati ng taludtod ay 7-7-7- 2. C
1.213 5-5 o 5-7-5-7. Ang mga paksa nito ay 3. A
tungkol sa pagbabago, pag-ibig at pag- 4. D
231
iisa. 5. D
2.231 Haiku Pagkakaiba 6. A
Ito ay may labimpitong bilang ang 7. D
213 pantig (17) na may tatlong taludtod 8. A
ang hati ay 5-7-5 o maaring 9. B
D. 10.C
magkapalit-palit. Ang paksa ay tungkol
1./Hindi si Arvyl ang sumulat sa sa kalikasan at pag ibig
akin./ Pagkakatulad-Ang Tanka at haiku ay
parihong nagpapahayag ng masidhing
2.Hindi/ si Arvyl ang sumulat sa damdamin at parihong nagmula sa
akin./ bansang Japan.
3.Hindi si Arvyl/ ang sumulat sa
Susi sa Pagwawasto
25
Tayahin Isaisip
Gawain 8. Gawain 6.
1. A A.
2. C Iba iba ang sagot
3. A
4. A B.
5. A
6. D Iba iba ang sagot
Karagdagang Gawain 7. B
Isagawa
8. B
Iba iba ang sagot
9. B Gawain 7.
10. D Iba iba ang sagot
Suriin
Pagyamanin Gawain 4 Tuklasin
Gawain 3: A at B
Gawain 5. 1. C Iba iba ang sagot
1. A 6. B 2. A Gawain C.
2. C 7. C 1.pagmamakaawa
3. C 8. B 3. C 2. pagkagalit
4. D 9. B 3. pakikiusap
5. D 10.C 4. D 4.pagkainis
Gawain 6 at 7 5. panunumbat
Iba iba ang sagot 5.A
Sanggunian

Peralta, Romulo, et.al., Ang panitikang Asyano-Filipino 9. Philippines: Vibal Group,


Inc., 2014.
Bernales, Johnny. “Guro sa Filipino: Mga salita ayon sa tindi ng ipinahahayag.”
Accessed November 6, 2020.
https://www.scribd.com/doc/294455252/Guro-Sa-Filipino-Mga-Salita-
Ayon-Sa-Tindi-Ng-
Ipinahahayag?fbclid=IwAR0UT_Sqfjyyy39oQErlLNtPb_Z9i_y6b4rjVLJxKi281p
X8clKmLMBekfI.
Casulucan, Kristel. “Mga paraan ng pagpapahayag ng emosyon.” Published March
19, 2017. https://www.slideshare.net/kristelcasulucan/mga-paraan-ng-
pagpapahayag-ng-emosyon.

26
9
Filipino
Ikalawang Markahan – Modyul 3:
Ang Sanaysay

CO_Q2_Filipino9_ Module3
Filipino – Ikasiyam na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 12: Ang Sanaysay
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto
o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit
sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula
sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag


sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Elvisa R. Buot, Cristia Marie C. Colastre, Marlyn P. Arabis
Editor: Josephine L. Tomboc, Susan S. Bellido, Alice B. Maglinte
Tagasuri: Brengilda C. Canama, Mario Shoji N. Romarate, Alma M. Beton
Tagapamahala: Ruth L. Fuentes
Eugenio B. Penales
Sonia D. Gonzales
Majarani M. Jacinto
Juliet A. Magallanes
Florencio R. Caballero
Alma D. Belarmino

Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – Region IX


Office Address: Regional Center, Balintawak, Pagadian City
E-mail Address: region9@deped.gov.ph
Alamin

Maligayang pagdating sa ikatlong modyul


kaibigan. Ako ay nagagalak na natapos mo ang
ikalawang modyul. Napakahusay! Ako nga pala
ang iyong kaibigan na si Kokoy, ako ang iyong
magiging gabay sa iyong makulay na paglalakbay.
Pag-aralan natin ngayon ang tungkol sa
Sanaysay, isang halimbawa nito ay ang sanaysay
ng Taiwan na pinamagatang “Ang Kababaihan ng
Taiwan: Ngayon at Noong Nakalipas na 50 Taon.
Bagamat isang industriyalisadong bansa ang
Taiwan, hindi pa rin nakatatanggap ng pantay na
karapatan ang kababaihan sa larangan ng trabaho
noon ngunit ang ganitong kalagayan ay nagbabago
na sa kasalukuyan.
Sa pagbabasa at pag-aaral ng modyul na ito ay
malalaman natin ang pagpaliliwanag ng pananaw
ng may-akda, kaisipan, layunin, paksa, paraan ng
pagbuo at mga salitang di lantad ang kahulugan
sa sanaysay.
Kaya pagkatapos nating mapag-aralan ang modyul
na ito, ikaw ay inaasahang:
1. Naipaliliwanag ang pananaw ng may-akda
tungkol sa paksa batay sa napakinggan.
2. Naipaliliwanag ang mga: kaisipan, layunin,
paksa, at paraan ng pagkakabuo ng
sanaysay.
3. Naipaliliwanag ang mga salitang di lantad
ang kahulugan batay sa konteksto ng
pangungusap.
Handa ka na ba kaibigan? Sana maibigan mo
ang ating paglalakbay.

1
Subukin

Bago tayo magsimula sa pagtalakay sa ating bagong aralin


ay susubukin ko muna ang iyong kaalaman tungkol dito.
Basahin at unawain ang sanaysay sa ibaba at sagutin ang
mga tanong.

basahin at unawain ang sanaysay sa ibaba at sagutin ang


mga tanong.
Nanunuot sa kalamnan ang lamig na dulot ng kalungkutan, dahil sa
pagkawalay sa iyong magulang upang maragdagan ang kaalaman. Buhay Senior
High School ay isang bagong mundo. Magkakaroon ka ng bagong kaibigan o ka-
ibigan kaya napakainam.
Para sa ating pagpapatuloy, basahin at unawain ang
Ang minsang
sanaysay pagpapadama
sa ibaba ng init
at sagutin ang mgangtanong.
iyong kaibigan o ka-ibigan ay tila ba
Isulat ang
kay- inam, ito’y naging bisyo na ng
titik ng iyong sagot bago ang bilang iyong katawan. Nakalimot ka sa iyong
sinumpaan. “Inay, Itay iuuwi ko diploma ng karunungan.”
Huwag mo sanang kalimutan ang kapal ng kalyo sa kamay ng iyong
magulang, babad nilang mga paa sa putikan, may maipadala lamang sa iyong
pangangailangan.
Ni: Cristia Marie C. Colastre

1. Paano inilahad ng manunulat ang layunin sa binasang talata?


A. sa pamamagitan ng paglalahad ng mga sitwasyon
B. sa pamamagitan ng pag-isa-isa ng nadarama ng mag-aaral
C. sa pamamagitan ng pagbibilang ng paghihirap ng magulang
D. sa pamamagitan ng pagbibigay halimbawa ng pangyayari

2. Paano ipinapakita sa teksto ang realidad sa lipunan na ang mag-aaral ay


may malaking responsibilidad na nakaatang sa kanilang balikat?
A. sa pamamagitan ng sitwasyong naglalahad ng tungkulin ng mag-aaral
B. sa pamamagitan ng pagbibigay linaw sa hirap ng mag- aaral
C. sa pamamagitan ng paglalarawan ng mga karanasan ng mag-aaral
D. sa pamamagitan ng paglalahad ng pangarap ng mag-aaral

3. Ano ang nais ipahiwatig ng pahayag na ito, “Huwag mo sanang kalimutan ang
kapal ng kalyo sa kamay ng iyong magulang, babad nilang mga paa sa
putikan, may maipadala lamang sa iyong pangangailangan”.
A. nagpaalala na kailangan ayusin ng mag-aaral ang kaniyang pag-aaral
B. nagpaalala na kailangan maghirap ang mag-aaral sa pag-aaral
C. nagpaalala na ang sakripisyo ng magulang ay para sa ikabubuti ng anak
D. nagpaalala na ang magulang ay handang magpakahirap para sa anak

2
4. Kung ikaw ang mag-aaral, paano mo susuklian ang sakripisyo ng iyong
magulang para sa iyong magandang kinabukasan?
A. Bilang mag-aaral susuklian ko ang sakripisyo ng aking mga magulang sa
pamamagitan ng pag-aaral nang mabuti at pakikipag kaibigan sa kapwa.
B. Bilang mag-aaral susuklian ko ang sakripisyo ng aking mga magulang
magtatrabaho ako upang maiahon ko sa hirap ang aking pamilya.
C. Bilang mag-aaral susuklian ko ang sakripisyo ng aking pagbubutihin ko
ang aking pag-aaral para sa aking magandang kinabukasan
D. Bilang mag-aaral susuklian ko ang sakripisyo ng aking mga magulang
mag-aaral po ako nang mabuti upang maiahon ko ang aking pamilya sa
hirap.

Para sa bilang 5, pakisangguni sa bahagi ng sanaysay sa ibaba.

Sa gitna ng pandemya buong pugay na iwinagayway ng mga atletang


Pilipino ang bandila ng Pilipinas sa nakaraang 2021 Tokyo Olympics. Buong tikas
na nag-uwi ng medalyang ginto si Hidilyn Diaz sa larangan ng weightlifting sa
babae. Medalyang pilak naman ang alay nina Carlo Paalam at Nesthy Petecio at
medalyang tanso mula kay Eumir Marcial sa larangan ng boksing.

5. Ano ang kaisipang nais ihatid ng sanaysay?


A. Ang Pilipino ay larawan ng isang tunay na manlalarong matikas at
malakas.
B. Ang Pilipino ay larawan ng isang manlalaro na hindi sumusuko hanggat
hindi nagwawagi.
C. Ang Pilipino ay larawan ng laro sa gitna ng pandemya upang malibang.
D. Ang Pilipino ay larawan ng manlalaro na kayang manalo sa anumang
larangan ng isports.

3
Aralin Sanaysay-Ang Kababaihan ng
Taiwan: Ngayon at Noong
3 Nakalipas na 50 Taon

Kaibigan, handa ka na bang simulan ang ating bagong aralin?


Tara na at simulan na natin!

Matatagpuan ang Taiwan sa dakong timog-silangang baybayin ng Punong-


lupain ng Tsina. Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig noong 1945,
pangkat ng mga pulo ay sumailalim sa pamamahala ng Republika ng Tsina.
Pinamamahalaan ang grupo ng pulo ng Republika ng Tsina (Republic of China; ROC)
mula 1945 nang natamo ng ROC ang Taiwan mula sa Hapon bilang bunga ng
Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Bilang isa sa mga bansa ng Silangang-Asya, ang Taiwan ay nagkaroon ng


krisis sa pagpapahalaga ng kanilang kababaihan sa nakalipas na 50 taon. Sa
kasalukuyan, malaki na ang pagbabago sa kalagayan ng mga kababaihan sa
bansang ito.

4
Balikan

Sama-sama muna nating balikan ang natutuhan ninyo


sa nakaraang modyul. Sagutin ang gawain sa ibaba.

Panuto: Basahin at unawain ang bawat bilang. Isulat ang letra ng tamang sagot
sa inyong sagutang papel.

1. Anong uring akdang pampanitikan na ang gumaganap ay mga hayop bilang


tauhan at nagbibigay ng moral na aral sa mambabasa?
A. anekdota
B. maikling kuwento
C. pabula
D. parabula

2. Anong damdamin ang nangingibabaw batay sa dayalogo na iyong mababasa?


“Maligayang-maligaya si Prinsesa Tutubi. Umaawit-awit pa siya sa kanyang
paglipad.”
A. pagkalumbay
B. pagkapoot
C. pagkatuwa
D. paghanga

3. Iantas ang mga salita batay sa kasidhian (clining) ng damdamin nito.


1. sinulyapan 2. minasdan 3. tiningnan 4. tinitigan
A. 1-2-3-4 B. 3-2-1-4 C. 1-3-2-4 D. 4-3-2-1

4. Alin sa sumusunod na parirala o sugnay ang nagpapahiwatig ng


pinakamasidhing damdamin?
a. Galit ako!
B. Kinamumuhian kita!
C. Umalis ka!
D. Layas!

5. Ano ang angkop na ekspresyong dapat sambitin ng isang binata na nakaka


kuha ng matamis na “Oo” sa kanyang nililigawan?
A. Malas!
B. Aba! Nakita ako niya.
C. Yeheey! Sinagot na ako.
D. Wow, ang ganda niya!

5
Tuklasin

Magaling! Alam kong nasagot mo nang mahusay ang mga


katanungan.
Handa ka na ba sa ating talakayan? Halika na! Aalamin na
natin ang tungkol sa Sanaysay.

Gawain 1: Tala-Kaalaman
Basahin ang ilang bahagi ng sanaysay. Ipaliwanag ang paksa at layunin ng
manunulat sa sanaysay. Gamitin ang talahanayan sa pagsagot. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

Ipaliwanag Ipaliwanag ang


ang paksa sa layunin ng
Bahagi ng Sanaysay
bahagi ng manunulat sa
sanaysay. pagsulat

Ngayon, nabago na ang tungkulin ng mga


babae at ito ay lalong naging komplikado. Sa
bahay ng mga Taiwanese, sila pa rin ang may
pananagutan sa mga gawaing-bahay. Ngunit
sa larangan ng trabaho, inaasahang
magagawa nila kung ano ang nagagawa ng
kalalakihan. Sa madaling salita, dalawang
mabibigat na tungkulin ang nakaatang sa
kanilang balikat.

Napakahusay kaibigan! Dalawang mabibigat na trabaho ang


nakaatang sa balikat ng mga kababaihan sa Taiwan kung
kayat naging komplikado ang kanilang tungkulin. Ito ang
paksa ng bahagi ng sanaysay.

Layunin ng manunulat na ilahad ang pagbabago sa tungkulin


ng mga babae upang maging malinaw ang papel na
ginagampanan nila.

6
Suriin

Pagkatapos mong sagutin nang mahusay ang gawain,


inaasahan kong handa ka na upang pag-aralan ang
sanaysay mula sa Taiwan. Maipapaliwanag mo mula sa
pagbabasa nito ang pananaw ng may-akda, paksa,
kaisipan, layunin, paraan ng pagkabuo at mga salitang
di-lantad sa sanaysay.

Basahin ang isang sanaysay na pinamagatang “Ang Kababaihan ng


Taiwan: Ngayon at sa Nakalipas na 50 Taon” nasa pahina 118-119

Isinalin sa Filipino ni Sheila C. Molina

Mababasa mo kaibigan sa dalawang aklat na ito, Peralta, Romulo, et.al., Ang


Panitikang Asyano-Filipino 9. Philippines: Vibal Group, Inc. 2014. at Panitikang
Asyano Modyul ng Mag-aaral sa Filipino.
(posted by admin sa Free Papers: Free Essay on Women in Taiwan: Now & Fifty Years
Ago) http://women-in-taiwan-essay-htm/oct.1,2013.

Ano nga ba ang Sanaysay?


Paano ba ito nabuo?
Alam kong sabik na sabik kang matutuhan ang mga ito!

Alam mo ba….

Ang Sanaysay ay isang matalinong pagkukuro ng sumulat tungkol sa paksa. Ito ay


isang genre o sangay ng panitikan na nasusulat sa anyong tuluyan na maaaring
tumatalakay sa anumang isyu sa kapaligiran maging tao, hayop, pook, pangyayari,
bagay, at guniguni.

Ayon kay Alejandro G. Abadilla, ang sanaysay ay pagsasalaysay ng isang sanay.


Kaya’t ang sinumang susulat nito ay nangangailangan na may malawak na
karanasan, mapagmasid sa kapaligiran at palabasa.

Narito ang mga elemento ng sanaysay:

Paksa ang tawag sa bahaging pinag-uusapan sa sanaysay.

Kaisipan ang tawag sa mga ideyang nabanggit na kaugnay o nagpapalinaw sa tema.

7
Ilan sa mga layunin ng manunulat sa pagsusulat ng sanaysay ay upang
magturo, magpabatid, manghikayat, manuligsa, maglibang at magbigay-puri sa
isang individwal o gawain.

Ang paraan ng pagbubuo ng sanaysay ay maaaring nagsasalaysay,


naglalarawan, nakikipagtalo at nanghihikayat.

Mahalaga ring tandaan na ang uri ng antas ng wika at estilo sa paggamit nito ay
nakaaapekto rin sa pag-unawa ng mambabasa kaya higit na mabuting gumamit ng
simple, natural, at matapat na mga pahayag.

Ang ilang salita ay may di-lantad na kahulugan o ang kahulugan ay nasa


pagitan ng hanay ng mga salita sa pagbuo ng sanaysay.
-Ito’y nangangailangan ng pagbibigay-kahulugan/interpretasyon gamit ang
dating alam ng mga mambabasa upang makuha ang ipinahiwatig ng may-
akda sa kanyang sanaysay.

Gawain 2: Kilalanin Mo Ako!


Gamit ang iyong nalalaman sa ating talakayan patungkol sa sanaysay
Ipaliwanag ang paksa, layunin, kaisipan at paraan ng pagbubuo ng sanaysay na
binasa mo.

Kopyahin at punan ang grapikong presentasyon sa ibaba.

Ang Kababaihan ng Taiwan:


Ngayon at Noong Nakalipas na 50
Taon

Paksa ng Sanaysay Layunin ng Manunulat

Kaisipang napapaloob Paraan ng pagkabuo

8
Binabati kita! Malinaw mong naunawaan ang
nilalaman ng sanaysay sa bansang Taiwan.

1. Ang paksa ay ang pagbabago ng kalagayan ng mga


kababaihan ng Taiwan sa kasalukuyan.

2. Ang isa sa mga kaisipan ay ang pagpapahaba ng


maternity leave nila mula 3 buwan ginawang 1 taon
upang higit na mapangalagaan sila.

3. Layunin ng sanaysay ang pagpapabatid sa mga


mambabasa na iniaangat ang kalagayan ng mga
kababaihan ng Taiwan upang higit silang
mapangalagaan.

4. Naglalarawan ang paraan ng pagbubuo dahil


inilarawan dito ang mga pagbabago sa kalagayan ng
kababaihan.
Ngayon, maghanda para sa pagpapayaman ng iyong
kaalaman.

Pagyamanin

Gawain 3: Kaisipan Mo, Ipahayag Mo!

Ipaliwanag ang kaisipan ng sumusunod na mga pahayag sa loob ng kahon.

Mga Pahayag Kaisipan

Ilang kababaihan lamang sa buong mundo ang


nakakakuha ng pantay na karapatan at paggalang
tulad sa kalalakihan.

Ang mga babae ay walang karapatang magdesisyon


dahil sa kanilang mababang kalagayan sa tahanan.

Isa pa, tumaas ang pagkakataon para sa mga babae


pagdating sa edukasyon.

9
Mayroon pa ring mga kompanya na hindi
makatarungan ang pagtrato sa mga babaing lider
nito.

Marami pa ring dapat magbago sa kalagayan ng


kababaihan sa Taiwan at malaki ang aking pag-asa
na makita ang ganap at pantay na karapatan nila sa
lipunan.

Gawain 4: Ipaliwanag ang kahulugan ng salitang hindi lantad sa mga


pangungusap.

1. Matigas ang tiyan ni Angel. Naimpatso ito.


2. Maganit ang ubo ni Junalyn.
3. Katasin mo ang dahon ng lagundi.
4. Maaaring kapirasong tela ang ibigkis sa sugat ng biktima upang maampat
ang dugo.
5. Naalimpungatang sumunod si Dina sa paglabas ng kanyang ina.

Matapos mong naisagawa nang mahusay ang mga Gawain,


natitiyak kong malinaw na malinaw na sa iyo ang sumusunod
na konsepto.

Isaisip

1. Ang sanaysay ay isang matalinong pagkukuro ng sumulat tungkol sa paksa. Ito


ay isang genre o sangay ng panitikan na nasusulat sa anyong tuluyan na
maaaring tumatalakay sa anumang isyu sa kapaligiran maging tao, hayop, pook,
pangyayari, bagay, at guniguni.

2. Ayon kay Alejandro G. Abadilla, ang sanaysay ay pagsasalaysay ng isang sanay.


Kaya’t ang sinumang susulat nito ay nangangailangan na may malawak na
karanasan, mapagmasid sa kapaligiran at palabasa.

3. Paksa ang tawag sa bahaging pinag-uusapan sa sanaysay.

4. Kaisipan ang tawag sa mga ideyang nabanggit na kaugnay o nagpapalinaw sa


tema.

10
5. Ilan sa mga layunin ng manunulat sa pagsusulat ng sanaysay ay upang
magturo, magpabatid, manghikayat, manuligsa, maglibang at magbigay-puri sa
isang individwal o gawain.

6. Ang paraan ng pagbubuo ng sanaysay ay maaaring nagsasalaysay,


naglalarawan, nakikipagtalo at nanghihikayat.

7. Mahalaga ring tandaan na ang uri ng antas ng wika at estilo sa


paggamit nito ay nakaaapekto rin sa pag-unawa ng mambabasa kaya higit na
mabuting gumamit ng simple, natural, at matapat na mga pahayag.

8. Ang ilang salita ay may di-lantad na kahulugan o ang kahulugan ay nasa


pagitan ng hanay ng mga salita sa pagbuo ng sanaysay.

Isagawa

Upang mas maragdagan pa ang iyong mga natutuhan sa aralin,


halika’t gawin mo ang sumusunod na Gawain.

Gawain 5: Paliwanag Mo! Pakinggan Ko!


Ipaliwanag ang layunin ng Pangulong Duterte sa sumusunod na sinabi niya sa
kanyang huling sona.
1.“Mahal ko ang mga Bicolano!”
2. “Nandiyan na po ang Universal Health Care”.
3. “For those who destroy my youth, I tell you, talagang naiirita ako sa inyo.”
4. “I do not want Filipino families to break up because of drugs.”
5. “Ni minsan hindi ako tumatanggap ng kahit anong regalo galing ng China”.

Gawain 6. Gawin Mo Ako!


Sumulat ng isang napapanahong isyu sa alinmang bansa ng Silangang Asya
buhat sa mga balita, dokumentaryong pantelivisyon o vidyo sa youtube na maaaring
iugnay sa mga ideyang nakapaloob sa akdang “Ang Kababaihan sa Taiwan: Ngayon
at sa Nakaraang 50 Taon”. Pagkatapos, ipaliwanag ang paksa, layunin, kaisipan at
paraan ng pagkabuo nito. Sundin ang format sa ibaba.

11
Pamagat ng Akda

Paksa

Layunin ng Manunulat

Kaisipang Napaloob

Paraan ng Pagbubuo

Napakagaling! Mahusay mong naisagawa ang lahat ng mga


Gawain. Alam kong handang-handa ka nang sagutin ang
pagsubok na sumunod upang malaman natin kung gaano
kalawak ang iyong nauunawaan sa paksa.

Tayahin

1. Manunulat sa pahayagang pampaaralan si Lydia. Nakita niya ang


kakulangan ng kaalaman ng mga kaklase niya sa tamang paraan ng
paghuhugas ng kamay. Ano ang maaaring layunin niya kung susulat
siya tungkol dito? Ipaliwanag kung bakit.
A. magturo dahil hindi nila alam ang tamang paraan ng paghuhugas
B. magpupuri dahil sa kahanga-hangang layunin ni Lydia
C. manghikayat upang malaman ng lahat ang tamang paraan
D. manuligsa dahil hindi nila alam ang tamang paraan ng paghuhugas

2. Batay sa unang tanong, ipaliwanag ang paksa ng susulatin ni Lydia?


A. Ang Pagbabahagi ni Lydia dahil gawin niya ang pagbabahagi.
B. Ang Tamang Paghuhugas ng Kamay dahil tungkol dito ang paksa.
C. Ang Kakulangan ng Kaalaman ng mga Mag-aaral sapagkat kulang ang
kaalaman ng mga bata.
D. Ang kahalagahan ng Paghuhugas ng Kamay sapagkat ilalahad niya ang
kahalagahan nito.

3. Alin ang HINDI katangian ng sanaysay? Bakit?


A. Hayop ang tauhan na nagbibigay ng aral.
B. Karaniwang tumatalakay ito sa mga maiinit na isyu.
C. Naglalahad ito ng sariling opinyon at damdamin ng manunulat.
D. Nagtataglay ng mga bagay na nakaangkla sa katotohanan.

12
Para sa mga bilang 4-7, pakisangguni sa bahagi ng sanaysay sa ibaba

Sa bawat indak ng lamuymoy sa saliw ng ihip ng hangin na sumasabay sa


ngiti ng haring araw ay nagpaaalala na ikaw ay darating. Babaguhin ang nakagawian
na simpleng pabilog lamang ang adorno na nakalagay sa tenga ng binibining
matimtiman. Sa makulay na lumuymoy ako ay tila nahimasmasan sa pagkakatulog
sa lupang tigang. Init at tamis ng pagbabago ay nakita at nalasahan. “Salamat,
salamat pipi kong usal dahil sa iyo muling nasilayan tamis ng kinabukasan.

Ni: Cristia Marie C. Colastre

4. Ano ang paksa ng talata sa itaas? Ipaliwanag.


A. Nagugunita ng sumulat ang panahon na nagbago ang kanyang
paligid dahil sa tao na dumating.
B. Nagugunita ng sumulat ang pagbabagong hatid ng taong bagong
dating sa kanyang buhay.
C. Nagugunita ng sumulat ang pagkakaiba ng mga tao na
dumarating sa kanyang buhay.
D. Nagugunita ng sumulat ang kanyang karanasan sa bawat tao na
kanyang nakasalamuha.

5. Ano ang kaisipang nais iparating ng sanaysay? Bakit?


A. Ang isang bagay na kaaya-aya ay tunay na nagbibigay saya.
B. Ang isang bagay na kaaya-aya ay tunay na biyaya.
C. Ang isang bagay na kaaya-aya ay tunay na kamangha-mangha.
D. Ang isang bagay na kaaya-aya ay tunay na kagila-gilalas.

6. Ano ang layunin ng sumulat ng sanaysay?


A. ipaalam sa mambabasa ang kasiyahang dulot ng pagkakaroon ng
bagong kakilala
B. ipaalam sa mambabasa ang kasiyahang dulot ng pagbabago tungo
sa pag-unlad
C. ipaalam sa mambabasa ang kasiyahang dulot ng patuloy na
inubasyon
D. ipaalam sa mambabasa ang kasiyahang dulot ng taong
nakasalamuha

7. Ano naman ang paraan ng manunulat sa pagbuo ng sanaysay? Bakit?


A. Narativ dahil nagsasalaysay ang nagsasalita sa sanaysay.
B. Deskriptiv dahil inilarawan ang hikaw na may lamuyloy.
C. Persweysiv dahil ang akda ay nanghihikayat ng pagbabago.
D. Argumentativ dahil ito’y nakikipagtalo sa mga mambabasa.

13
Para sa bilang 8-10, basahin ang sanaysay sa ibaba at sagutin ang mga tanong.

Face mask!
Face shield!
Alkohol!
Limitado sa tindahan, madalas nagkakaubusan.
Kaylamig ng simoy ng hangin na humahampas sa kainosentehan ng kanyang
mukha. Punong-puno ng pangarap. Pangarap na sanay makaakyat sa intablado,
mahawakan ang puting papel at masabitan sa leeg ng kende at borloloy na bulaklak.
Subalit ano ito? Virtual Graduation? ‘Di na pwede lumabas kasi may COVID-19, ‘di
na makapaglaro sa kalye? Palaging may face mask na suot at face shield.
Nakakaumay subalit kailangan sabi ni nanay.
Ni: Cristia Marie C. Colastre

8. Subalit ano ito? Virtual Graduation? ‘Di na pwede lumabas kasi may COVID-19,
‘di na makapaglaro sa kalye? Palaging may face mask na suot at face shield.
Nakakaumay subalit kailangan sabi ni nanay. Ano ang pananaw ng may-akda?
A. Gusto ng may-akda na ipaalala na kailangan sumunod sa alituntunin ang
mambabasa sa pag-iwas sa COVID-19.
B. Gusto ng may-akda na ipaalala na kailangan maging alisto sa panahon ng
paglaganap ng COVID-19.
C. Gusto ng may-akda na ipaalala na kailangan merong nakaimbak na
pangunahing pangangailangan ang mambabasa.
D. Gusto ng mga-akda na ipaalala na kailangan sumunod sa alituntunin
upang makaiwas sa COVID-19.

9. Face mask, face shield at alkohol, gaano kahalaga sa kalusugan ng tao


ang mga ito sa panahon ng pandemya?
A. Mahalaga ang face mask, face shield at alkohol upang maiwasan ang
paglaganap ng pandemya.
B. Mahalaga ang face mask, face shield at alkohol upang maiwasan
pagpunta sa doktor dahil sa pandemya.
C. Mahalaga ang face mask, face shield at alkohol upang hindi
mahawaan ng sakit, lalong-lalo na ang COVID-19.
D. Mahalaga ang face mask, face shield at alkohol upang maiwasan ang
mga sakit.

10. Anong uri ng sanaysay ang iyong nabasa?


A. maanyo o pormal
B. malaya o impormal
C. makabago
D. makaluma

14
Magaling! Saludo po ako sa inyong ipinakitang galing sa
pagsagot nang tama sa pagtataya. Upang mas
mararagdagan pa ang iyong nalalaman, subuking maisagawa
ang karagdagdagang gawaing ito.

Karagdagang Gawain

Gawain 7: Dugtungan Tayo

Ilahad mo nga ang iyong natutuhan sa araling ito sa pamamagitan ng


pagdugtong ng mga ibinibigay na pahayag. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Masasabi kong___________________________________________________
__________________________________________________________________

Napag-alaman kong __________________________


_______________________________________________

Natuklasan kong_______________________________
_______________________________________________
________________________________________________

Binabati kita sa ipinakita mong kahusayan! Nagtagumpay ka


sa lahat ng mga gawain. Kung may mga bagay pa na hindi
malinaw sa iyo, balikan lamang ang bawat bahagi ng modyul
na ito o magtanong sa iyong guro.

Maghanda ka na para sa susunod na aralin!

15
16
Subukin
1. A
2. A
3. C
4. C
5. C
Balikan Pagyamanin Tayahin
1. C 1. Hindi pantay ang 1. A
pagkilala sa karapatan
2. C 2. B
ng mga babae.
3. C 3. A
2. Mababa ang
4. B katayuan ng mga 4. A
babae kaya’t wala
5. C silang karapatang 5. B
magdesisyon 6. B
3. May maraming 7. A
babae ang nagkamit ng
mataas na edukasyon 8. A
kaysa mga lalaki. 9. C
4. may mga babaeng 10. B
lider na hindi kinilala
ang katayuan.
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Peralta, Romulo, et.al., Ang panitikang Asyano-Filipino 9. Philippines: Vibal Group,


Inc. 2014.

17
9
Filipino
Ikalawang Markahan – Modyul 4:
Panitikang Asyano: Talumpati

CO_Q2_Filipino9_ Module4
Filipino – Ikasiyam na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 4: Panitikang Asyano – Talumpati
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Rey A. Fernandez, Thelma P. Opada
Naser M. Dacula, Farhan D. Dacula
Editor: Josephine L. Tomboc, Susan S. Bellido
Tagasuri: Brengilda C. Canama, Mario Shoji N. Romarate,
John Mark C. Lloren, Allene E. Duarter, Alma M. Beton
Tagaguhit: Neil John C. Bonggol
Tagapamahala: Ruth L. Fuentes
Eugenio B. Penales
Sonia D. Gonzales
Majarani M. Jacinto
Juliet A. Magallanes
Florencio R. Caballero
Alma D. Belarmino

Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – Region IX


Office Address: Regional Center, Balintawak, Pagadian City
E-mail Address: region9@deped.gov.ph
Alamin

Magandang buhay, kaibigan! Maligayang pagdating sa


ikaapat na modyul kaibigan. Ikinagagalak ko na natapos mo
ang ikatlong modyul. Napakagaling!
Ipamalas mo ang iyong angking galing, talento, at
kakayahan sa pagpapahayag ng sariling pananaw, pagbibigay-
puna, opinyon at pagsulat ng argumento.

Alam kong nasasabik ka na sa mga gawaing aking


inihanda. Ano pang hininintay mo? Tara na!

Alam mo ba?

Ang modyul na ito ay idinisenyo at nilikha


upang lalong mapaunlad at mapayaman ang iyong
mga kasanayan sa pagsasalita, pag-unawa, pagbasa
at pagsulat. Mapatutunayan mo rin na ang
pagtataglay ng mabuting disiplina ay
makapagpapaunlad sa buhay ng tao.
Simulan natin ang ating aralin gamit ang iyong
matang mapanuri! Inaasahan kong pagkatapos ng
ating paglalakbay ay matutuhan at magagawa mo
ang mga sumusunod:
1. Nabibigyang-puna ang paraan ng
pagsasalita ng taong naninindigan sa
kaniyang mga saloobin o opinyon sa
isang talumpati (F9PD-IId-47)
2. Naipahahayag ang sariling pananaw
tungkol sa isang napapanahong isyu sa
talumpating nagpapahayag ng matibay
na paninindigan (F9PS-IId-49)
3. Nakasusulat ng isang argumento hinggil
sa napapanahong isyu sa lipunang Asya
(F9PU-IId-49)
4. Nagagamit ang angkop na mga pahayag
sa pagbibigay ng ordinaryong opinyon,
matibay na paninindigan at mungkahi
(F9WG-IId-49)

1
Subukin

Ang mga sumusunod ay ang panimulang


pagsusulit na susukat sa lawak ng iyong kaalaman sa
panibagong aralin na dapat mong matutuhan.

Sa ngayon, subukin muna natin ang iyong


kakayahan sa pamamagitan ng pagsagot sa mga
sumusunod na katanungan. Halika na’t iyong
umpisahan.

Panimulang Pagtataya

Gawain 1.1
Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ang tamang sagot sa iyong sagutang
papel.

1. Isang paraan ng epektibo at mahusay na pagtatalumpati na dapat


iangkop ang ekspresyon ng mukha, huwag magkamot ng ulo, ayusin ang
pwesto ng kamay.
A. kilos
B. tindig
C. tinig
D. kumpas

2. Anong genre ng panitikan ang pinababatid sa pamamagitan ng pagsasalita sa


entablado na kung saan ipinapahayag ng tagapagsalita ang isang kaisipan tungkol
sa isang paksa?
A. Sanaysay
B. Tula
C. Talumpati
D. Dula

3. Alin sa mga sumusunod ang hindi layunin ng talumpati?


A. Ibigay ang wasto at nararapat na konsepto o kaisipan ukol sa isang paksa, o
pagbibigay ng wastong paraan upang makabuo ng isang bagay.
B. Ibigay ang mga kaalaman o impormasyon ukol sa isang paksa na hindi pa
nalalaman ng mga tagapakinig.
C. Makapanghimok tungo sa positibong pagpapakilos ukol sa isang
paniniwala o hangarin.
D. Malalalim ang gagamiting salita sa talumpati.

2
4. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa katangian at nilalaman ng mahusay
na tekstong argumentatibo?
A. Mahalaga at napapanahong isyu.
B. Malinaw at lohikal na transisyon.
C. Mahaba ang pagpapahayag.
D. Maikli ngunit malaman.

5. Alin sa mga sumusunod ang nagpapahayag ng matibay na opinyon?


A. Buong giting kong sinusuportahan ang iyong proyekto.
B. Kung hindi ako nagkakamali, tama siya.
C. Sa aking palagay, may punto ka.
D. Sa tingin ko, mali siya.

Gawain 1.2
Panuto: Pumili ng isang napapanahong isyu o paksa sa loob ng kahon at isulat sa
nakalaang espasyo ang iyong sariling pananaw/opinyon o argumento hinggil dito.
Gawin mong gabay ang pamantayang nasa pahina 16 sa gagawin mong pagsagot.

 Paghina ng ekonomiya sa bansa


 Pagtaas sa kaso ng Covid-19 sa Pilipinas
 Social Media sa Kabataan

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
Kaibigan, naging madali ba sa iyo ang
__________________________________________________________________________________
pagsusulit? Aling bahagi ang madali para sa iyo at
__________________________________________________________________________________
aling bahagi naman ang mahirap? Huwag kang mag-
__________________________________________________________________________________
alala panimula pa lang naman iyan. Sinusukat
lamang natin ang taglay mong kaalaman tungkol sa
__________________________________________________________________________________
paksa. Tutulungan kitang unawin ang iba’t ibang
__________________________________________________________________________________
kasanayang dapat mong matutunan at ang
magagandang ugaling makapagpapaunlad ng iyong
__________________________________________________________________________________
katauhan sa pamamagitan ng mga gawaing aking
__________________________________________________________________________________
inihanda.
__________________________________________________________________

3
Aralin
Talumpati
1
Ang galing–galing mo, kaibigan! Binabati kita
sa iyong buong husay na pagsagot sa Subukin.
Ngayon, handa ka na ba sa panibagong aralin? Kung
Oo, Magaling!

Ito ay may kaugnayan pa rin sa pagpapahayag


ng sarili mong pananaw, opinyon o saloobin kaya
madali lang ito. Pero bago ‘yan, subukin muna nating
balikan ang nakaraang aralin upang matiyak natin na
ikaw ay may natutuhan dito.

Balikan

Kaibigan, balikan muna natin ang ating nakaraang


paglalakbay. Naalala mo pa ba ang huli nating pinag-
usapan?

Tumpak! Tungkol sa sanaysay na “Ang Kababaihan


ng Taiwan: Ngayon at Noong Nakalipas na 50 Taon na
isinalin ni Sheila C. Molina.

Ito ay nakatuon sa suliraning kinakaharap ng


kababaihan ng Taiwan noon.

Gawain 2.1: Paghambingin mo

Panuto: Paghambingin ang kababaihan ng Taiwan noon at ngayon gamit ang Venn
Diagram. Gawin mong gabay ang pamantayang nasa pahina 16 sa gagawin mong
pagsagot. Isulat ang iyong sagot sa iyong sagutang papel.

4
Kababaihan ng Taiwan Noon Kababaihan ng Taiwan Ngayon

Pagkakaiba Pagkakatulad Pagkakaiba

Magaling! Talagang naunawaan mo na ang nakaraang


leksiyon tungkol sa sanaysay. Ako’y nasisiyahan sa iyong
ipinakita. Tara na at ipagpatuloy na natin ang ating
paglalakbay.

Tuklasin

Gawain 3.1 Paglinang ng Talasalitaan


Panuto: Ibigay ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit sa pangungusap
batay sa clue na nasa ibaba.

1. Ayon sa mga batikang manunulat, mahalagang maipahayag mo ang


sariling pananaw o ideya sa iyong akdang susulatin.

K P T

2. Napakabilis ang paglaganap ng Covid -19 sa ating bansa, kaya


minabuting manatili sa bahay at kumain na masustansyang pagkain
para mapalayo sa naturang virus.
P D I

3. Isang pagpupugay sa mga frontliners dahil sa kanilang walang habas na


pagserbisyo sa ating bansa lalong lalo na sa pandemyang ito.
T G

5
4. Ang pag-usbong ng iba’t ibang variant ng Covid-19 ay nakakabahala sa
lahat ng mamamayan.
P K R N

5. Sa panahon ng pandemya sa ating bansa maraming naapektuhan,


lalong lalo na ang mga mahihirap, ang kanilang araw-araw na kita ay
walang nalalabi para pambili ng ulam hanggang bigas lang.
N T T A

Gawain 3.2 Apat na Larawan, Isang Salita

Panuto: Suriing mabuti ang larawan pagkatapos ay sagutin ang mga sumusunod na
katanungan. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

A. B.

C. D

1. Ano ang nasa larawan na ito?

A._____________________________________________________________________________

B._____________________________________________________________________________

C._____________________________________________________________________________

D._____________________________________________________________________________

6
2. Ano ang isang salitang mabubuo mula sa apat na larawan na ito?
_________________________________________

Nasiyahan ka ba sa inihanda kong gawain? Ang gawaing


iyon ay may kaugnayan sa talumpating ating tatalakayin. Sige
nga’t basahin mo kaibigan.

“Nagbabagang Klima, Magbabago Pa Kaya?”


ni Ashley Coronel

Iklik ang link https://malikhaingpagsulatblog.wordpress.com/2017/02/25/pag-babago-ng-


ating-kalikasan/

Pamprosesong Tanong
Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong.
1. Ano ang pangunahing layunin ng may-akda sa talumpating nabasa?
________________________________________________________________________
__________________________________________________________________
2. Sa palagay mo, meron pa ba tayong magagawa para maagapan ang pagbabago
ng klima sa ating bansa?
________________________________________________________________________
_________________________________________________________________
3. Sang-ayon ka ba sa sinabi ng may-akda na “Tayo ang sumira ng kalikasan
kaya’t sa atin din nakasalalay ang pag-asa?” Bakit?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________
4. Bilang kabataang Pilipino, paano ka makatutulong sa ating bayan upang
mapagaan ang ating problema sa pagbabago ng klima?
________________________________________________________________________
__________________________________________________________________

Ops! Ang nabasa mo ay isang


halimbawa lang ng talumpati. Ipagpatuloy
mo pa ang pagbabasa upang iyong lubos na
maunawaan ang ating aralin. Halika na…
Sabay nating alamin.

7
Suriin

Kaibigan, ang husay mo talaga! Suriin at basahin


mong maigi ang paksang ating pag-uusapan dahil magsisilbi
itong gabay upang mas lalo mong maintindihan ang ating
paksa. May mga nakahandang gawain o pagsasanay sa
ibaba para matasa ang iyong angking galing. Laban
kaibigan, napakahusay mo! Ako’y nasisiyahan sa iyong
angking galing kaya simulan mo na.

Ano ang Talumpati?

Ang talumpati ay sining ng pagpapahayag ng isang kaisipan tungkol sa isang


paksa sa paraang pasalita sa harap ng tagapakinig.
Bahagi ng talumpati

1. Panimula - inilalahad ang layunin ng talumpati, kaagapay na ang istratehiya


upang kunin ang atensiyon ng madla.
2. Katawan – nakasaad dito ang paksang tatalakayin ng mananalumpati.
3. Pangwakas - ang pinakasukdol ng buod ng isang talumpati. Dito nakalahad
ang pinakamalakas na katibayan, paniniwala at katuwiran upang makahikayat
ng pagkilos sa mga tao ayon sa layunin ng talumpati.

Uri ng Talumpati ayon sa pamamaraan


A. Impromptu o Biglaan- Ito ay walang paghahandang isinasagawa sapagkat
biglang tatawagin ang mananalumpati at pagsasalitain.

B. Ekstemporanyo o Maluwag- Binibigyan ng kaunting panahon ang


mananalumpati na makapa-isip –isip sa paksang doon din lamang ipinaalam
sa kanya kaya’t karaniwang naisasagawa lamang ang balangkas para
sundan sa hindi isinaulong sasalitain.

Preparado o handa- Bago sumapit ang okasyon ng pagtatalumpatian ang paksa ay


ipinaalam na. Ito ay sadyang pinaghahandaan ng husto, sinasaliksik, isinasaulo at
pinagsasanayan pa.

8
Uri ng Talumpati ayon sa layunin

1. Talumpating Pampalibang
Ang mananalumpati ay nagpapatawa sa
pamamagitan ng anekdota o maikling kuwento.
Kadalasan ito ay binibigkas pagkatapos ng isang
salu-salo.
Basahin ang isang halimbawa sa link na ito:
https://enriquezleah25blog.wordpress.com/2015
/10/20/pauso-talumpating-nanlilibang/.
2. Talumpating Nagpapakilala
Kilala rin ito sa tawag na panimulang talumpati at
karaniwan lamang na maikli lalo na kung ang
ipinapakilala ay kilala na o may pangalan na.
Isang halimbawa ay ang pagpapakilala sa
panauhing pandangal sa araw ng pagtatapos.
3. Talumpating Pangkabatiran
Ito ang gamit sa mga panayam, kumbensiyon, at
mga pagtitipong pang-siyentipiko, diplomatiko at
iba pang samahan ng mga dalubhasa sa iba’t
ibang larangan.

4. Talumpating Nagbibigay-galang
Ginagamit ito sa pagbibigay galang at pagsalubong
sa isang panauhin, pagtanggap sa kasapi o kaya ay
sa kasamahang mawawalay o aalis.
5. Talumpating Nagpaparangal
Layunin nito na bigyang parangal ang isang tao o
kaya magbigay ng papuri a mga kabutihang
nagawa nito.
Halimbawa: Talumpating nagbibigay pugay kay
Hidilyn Diaz sa pagkakamit ng ginto sa Olympics
2021.
6. Talumpating Pampasigla
Pumupukaw ng damdamin at impresyon ng mga
tagapakinig.

9
Mga Bahagi at Dapat Taglayin ng isang Talumpati upang maging Mabisa

Panimula. Sa bahaging ito tinatawag ang pansin ng mga tagapakinig.


Paglalahad. Ang bahaging ito ang pinakakatawan sa talumpati. Dito inilalahad ang isyu at
pagpapahayag ng diwa sa paksang tinatalakay.

Paninindigan. Dito ipinapaliwanag ng nagtatalumpati ang kanyang pangatwiran hinggil sa


isyu. May layunin itong humikayat o magpaliwanag sa mga nakikinig.

Pamimitawan. Sa bahaging ito binibigkas ang pangwakas na pangungusap ng isang


talumpati. Kailangan din magtaglay ito ng masining napangungusap upang mag-iwan ng
kakintalan sa mga taga-pakinig.
Ang tekstong argumentatibo ay naglalahad ng paniniwala, pagkukuro, o pagbibigay ng
pananaw patungkol sa isang mahalaga o napapanahong isyu.

Katangian at Nilalaman ng Mahusay na Tekstong Argumentatibo


1. Mahalaga at napapanahong paksa/isyu.
2. Maikli ngunit malaman at malinaw na pagtukoy sa unang talata ng teksto.
3. Malinaw at lohikal na transisyon sa mga bahagi ng teksto.
4. Maayos na pagkakasunod-sunod ng talatang naglalaman ng mga ebidensiya ng
argumento.
5. Matibay na ebidensiya para sa argumento.

Mula sa “Ang Panitikang Asyano - Filipino 9” nina Peralta, R., Lajarca, D., Cariño, E. et al.
(2014). Kinuha mula sa https://prezi.com/3dfnh5valsye/tekstong-argumetatibo/

Pagyamanin

Kaibigan! May gawain pa akong inihanda para sa’yo


upang mas lalong madagdagan pa ang iyong kaalaman. Alam
kong kayang-kaya mo ‘to! Kaya’t ano pang hinihintay mo?
Simulan mo na!

Gawain 4.1
Panuto: Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon na nasa ibaba. Isulat ang sagot sa
patlang bago ang bilang.

pampalibang pangwakas argumentatibo

pampasigla panimula impromptu

________ 1. Ito ay naglalahad ng paniniwala, pagkukuro, o pagbibigay ng pananaw


patungkol sa isang mahalaga o napapanahong isyu.

10
________ 2. Talumpating pumupukaw ng damdamin at impresyon ng mga
tagapakinig.
________ 3. Talumpating nagpapatawa sa pamamagitan ng anekdota o maikling
kuwento.
________ 4. Ito ang pinakasukdol ng buod ng isang talumpati.
________ 5. Ito ay walang paghahandang isinasagawa sapagkat biglang tatawagin
ang mananalumpati at pagsasalitain.

Gawain 4.2

Panuto: Pumili sa kahon ng isang napapanahong isyu at ilahad ang iyong argumento,
sariling pananaw o opinyon sa napiling isyu o paksa. Kinakailangan maayos
na naisulat ang argumento ayon sa bahagi nito at katangian ng mahusay na
tekstong argumentatibo. Sundin ang format sa ibaba. Gawin mong gabay ang
pamantayang nasa pahina 16 sa gagawin mong pagsagot.

 Child Labor
 COVID-19 Pandemya
 Pagbigay ng Social Amelioration Program
 Mass Testing para sa COVID-19

NAPAPANAHONG ISYU

Panimula

______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

Katawan

______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

Wakas/Kongklusyon

______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

11
Isaisip

Napakahusay mo talaga, kaibigan. Batid kong napayabong


na ang iyong kaalaman tungkol sa pagpapahayag ng
sariling pananaw/opinyon at argumento

Gawain 5.1

Panuto: Punan ng wastong impormasyon ang sumusunod na talahanayan.

ANO ANG IYONG NATUTUHAN? GAANO ITO KAHALAGA?

A.

B.

C.

Gawain 5.2

Panuto: Gamit ang horizontal hierarchy, ilahad ang mga uri ng talumpati ayon sa
pamamaraan at layunin.

TALUMPATI

12
Isagawa

Napakasaya ko kaibigan dahil malapit mo nang


matapos ang modyul na ito at alam ko ring
naunawaan mo na ang araling nakapaloob dito.
Ipagpatuloy mo pa ang pagsagot upang makahasa ang
iyong kaalaman.

Gawain 6.1. Mundo Mo, Sagip Mo!


Panuto: Sa iyong sariling pananaw tungkol sa lumalalang suliranin ng pagbabago ng
klima, ano ba ang maaari mong magawa o maitulong upang maisalba ang ating
mundo? Isa-isahin ito at isulat sa kahong nakapaligid sa larawan ng mundo.

Paano mo maipapakita ang koneksiyon ng natutuhan sa pang-araw-araw na buhay?


_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

13
Gawain 6.2

Panuto: Pagmasdan ang mga larawang nasa ibaba. Pumili lang ng isang
napapanahong isyu na labis mong nagustuhan. Pagkatapos bumuo ka ng
isang talata gamit ang angkop na pahayag na magbibigay ng opinyon,
argumento, paninindigan at mungkahi. Isulat mo ang iyong sagot sa
nakalatag na espasyo. Gamiting gabay ang pamantayang nasa susunod na
pahina.

1. _________________________________
_________________________________

_________________________________

_________________________________
_________________________________

_________________________________

2. _________________________________

_________________________________
_________________________________

_________________________________
_________________________________
_________________________________

3. _________________________________

_________________________________

_________________________________
_________________________________

14
Pamantayan Laang Puntos Aking
Marka
Akma sa paksa ang pagpapahayag ng sariling 5
pananaw/opinyon/argumento.
Malinaw na ipapahayag ang sariling 5
pananaw/opinyon/argumento hinggil sa napiling
napapanahong isyu.
Maayos na naisulat sariling pananaw/opinyon/ 5
argumento ayon sa mga bahagi nito.
Nakahihikayat at nakapagbigay-linaw ang kabuoan sa 5
pagsusulat ng sariling pananaw/opinyon/argumento.
Kabuoang Puntos 20
5 – Napakahusay 2 – Di-gaanong Mahusay
4 – Mahusay 1 – Sadyang Di-Mahusay
3 – Katamtaman

Tayahin

Matapos ang maraming gawain at pagsasanay na


ibinigay ko sa iyo, masaya ako dahil naabot mo ang bahaging
ito. Tiyak ko na marami ka nang natutuhan, kaya
panigurado na masasagutan mo ang panghuling pagsubok
na ito. Nais ko lang malaman kung hanggang saan na ang
kaalaman mo sa modyul na ito. O, handa ka na ba? Simulan
mo na!

Pangwakas na Pagtataya
Gawain 7.1

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Isulat ang titik ng tamang
sagot sa iyong sagutang papel.

1. Ano ang sining ng pagpapahayag ng isang kaisipan tungkol sa isang


paksa sa paraang pasalita sa harap ng tagapakinig?
A. argumento
B. talumpati
C. impromptu
D. anekdota

15
2. Alin sa mga sumusunod ang nagpapahayag ng positibong paninindigan?
A. Hayaang ang pamahalaan ang maghanap ng solusyon sa
kinakaharap na suliranin.
B. Huwag sundin ang sinasabi ng nasa panunungkulan dahil wala
silang
C. pakialam sa iyo, buhay mo iyan.
D. Hindi natin makakayang gawin ang simpleng bagay tulad ng
pagtitipid ng kuryente at tubig dahil mga bata pa tayo.
E. Sa puntong ito, dapat tayong magtulong-tulong sa paglutas sa suliranin
sa basura.

3. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang HINDI nagpapahayag ng katangian


sa argumento, opinyon, at pananaw?
A. Mahalaga at napapanahong paksa.
B. Malinaw at lohikal na transisyon sa mga bahagi ng teksto.
C. Maikli ngunit malaman at malinaw.
D. Malinaw ngunit hindi nagkasunod-sunod ang mga talata.

4. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga pahayag na nagbibigay ng


matatag na opinyon?
A. Labis akong naninindigan na si Nesthy ang tunay na wagi sa larong iyon.
B. Kung ako ang tatanungin, mas mabuting ma-vaccine ang lahat.
C. Lubos kong pinaniniwalaang mahal niya ang kanyang trabaho.
D. Kumbinsido akong magbabalik din tayo sa dating normal.

5. Paano nakakatulong ang talumpati sa pang araw-araw na buhay? Piliin ang


pinakaangkop na sagot.
A. Nakapagbibigay inspirasyon sa mga tao.
B. Nakapag-udyok na gawin ang kanilang ipinaglalaban.
C. Upang malayang makapagpahayag ng sariling opinyon, ideya at argumento hinggil
sa napapanahong isyu.
D. Maka-aliw sa ibang tao.

16
Gawain 7.2

Panuto: Sipiin sa iyong sagutang papel ang kasunod na organizer para ipahayag ang
iyong sariling pananaw/opinyon at argumento sa isang napiling
napapanahong isyu sa lipunang Asya. Kaibigan, gawin mong gabay ang
pamantayang nasa ibaba sa gagawin mong pagsusulat.

_____________________ ____________________
_____________________ ____________________
_____________________ Mga ____________________
_____________________ Napapanahong ____________________
_____________________ Isyu o Paksa ____________________
_____________________ ____________________
_____________________ ____________________
_____________________ 1. Kahirapan ____________________
_____________________ ____________________
2. Korupsiyon
_____________________ ____________________
_____________________ 3. Aborsiyon ____________________
_____________________ ____________________
_____________________ ____________________
_____________________ ____________________
_____________________ ____________________
_____________________ ____________________
_____________________
_____________________
Pamantayan Laang Aking
_____________________ Marka
_____________________ Puntos

Akma sa paksa ang pagpapahayag ng sariling 5


pananaw/opinyon/argumento.
Malinaw na ipapahayag ang sariling 5
pananaw/opinyon/argumento hinggil sa napiling
napapanahong isyu.
Maayos na naisulat sariling 5
pananaw/opinyon/argumento ayon sa mga bahagi
nito.
Nakahihikayat at nakapagbigay-linaw ang kabuoan sa 5
pagsusulat ng sariling pananaw/opinyon/argumento.
Kabuoang Puntos 20
5 – Napakahusay 2 – Di-gaanong Mahusay
4 – Mahusay 1 – Sadyang Di-Mahusay
3 – Katamtaman

Wow! Ang galing mo, kaibigan! ‘Di ba sabi ko sa


iyo kayang-kaya mo? Ikaw pa!

17
Karagdagang Gawain

Kaibigan, ikinalulugod kong batiin ka dahil naabot mo


ang rurok ng tagumpay sa ating paglalakbay sa araling ito.
Napakahusay at napakagaling mo! Ipagpatuloy mo ‘yan
kaibigan, saludo ako sa iyo. Itong bahaging ito ay ang
panghuling gawain kaya ano pang hinihintay mo? Simulan mo
nang sagutin. Kayang-kaya ‘yan, ikaw pa. Mabuhay ka!

Gawain 8

Opinyon Mo’y Ipahayag

Panuto: Bumuo ka ng mga pangungusap na nagpahahayag ng iyong opinyon at


pananaw batay sa mga kaganapan sa loob ng palaso. Isulat sa papel ang iyong sagot.
Gawing batayan sa pagsagot ang pamantayang nasa kasunod na pahina.

Opinyon at Pananaw

_____________________________
1. Paglaganap ng _____________________________
Corona Virus _____________________________
_____________________________
___________________________

Opinyon at Pananaw
2. Pagwawagi ni Catriona _____________________________
Gray bilang Miss Universe _____________________________
2018 _____________________________
_____________________________
___________________________

. Pagkapanalo ng Pilipinas Opinyon at Pananaw


sa 30th Southeast Asian _____________________________
Game (Sea Games) _____________________________
_____________________________
_____________________________
___________________________

18
Pamantayan Laang Aking
Marka
Puntos

Akma sa paksa ang pagpapahayag ng sariling 5


pananaw/opinyon/argumento.
Malinaw na ipapahayag ang sariling 5
pananaw/opinyon/argumento hinggil sa napiling
napapanahong isyu.
Maayos na naisulat sariling 5
pananaw/opinyon/argumento ayon sa mga bahagi
nito.
Nakahihikayat at nakapagbigay-linaw ang kabuoan sa 5
pagsusulat ng sariling pananaw/opinyon/argumento.
Kabuoang Puntos 20
5 – Napakahusay 2 – Di-gaanong Mahusay
4 – Mahusay 1 – Sadyang Di-Mahusay
3 – Katamtaman

Binabati kita sa iyong pagtitiyagang sagutan


nang buong husay ang lahat ng mga gawain sa modyul
na ito. Kung mayroong bahagi sa aralin na ito na hindi
mo naunawaan maari kang sumangguni sa iyong guro.

19
20
Tayahin Isaisip
Gawain 7.1 Gawain 5.1
Ang mga mag-aaral ay
1. B may iba’t ibang sagot at
nasa guro ang
2. D pagpapasya.
3. D Gawain 5.2
1. Ayon sa Pamamaraan
4. B A. Ayon sa Impromptu
o Biglaan
5. C B. Ekstemporanyo o
Maluwag
Gawain 7.2 C. Preparado o
Ang mga mag-aaral Handa
2. Ayon sa Layunin
ay may iba’t ibang A. Pampalibang
sagot at nasa guro B. Nagpapakilala
ang pagpapasya. C. Pangkabatiran
D. Nagbibigay-galang
E. Nagpaparangal
F. Pampasigla
Pagyamanin Tuklasin Subukin
Gawain 4.1 Gawain 3.1
Gawain 1.1
1. Argumentatibo 1.Eksperto
1. A
2.Pagdami
2. Pampasigla
3. tigil 2.C
3. Pampalibang 4.Pagkakaroon
5. natitira 3. D
4. Pangwakas
4. C
5. Impromptu Gawain 3.2
5. A
Gawain 4.2 1.taong nag
nagsasalita
Ang mga mag-aaral ay
may iba’t ibang sagot at 2. mikropono
nasa guro ang
pagpapasya.
3. rustrum
4. taong madla
5. talumpati
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
MGA AKLAT

Peralta, R., Lajarca, D., Cariño, E. et al. (2014). Ang Panitikang Asyano -
Filipino 9. Vibal Group, Inc.

MGA INTERNET SOURCE

Mariano, Rocel (2019, February 27). Tekstong Argumentatibo. Kinuha mula sa


https://prezi.com/3dfnh5valsye/tekstong-argumetatibo/

Clipart. Email (2020) Microphone Clipart. Kinuha mula sa http://clipart-


library.com/clipart/microphone-cliparts_3.htm

Clipart. Email (2020) Audience Sitting Stock Illustrations. Kinuha mula sa


https://www.clipart.email/download/10650674.html

Vector Graphic. Presentation podium for lectures or public speaking. Kinuha mula sa
https://nohat.cc/f/presentation-podium-for-lectures-or-public-speaking-
vector-graphic/comvecteezy554538-201908141633.html

21
9
Filipino
Ikalawang Markahan – Modyul 5:
Panitikang Asyano: Maikling
Kuwento ng Silangang Asya

CO_Q2_Filipino9_ Module5
Filipino – Ikasiyam na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 5: Panitikang Asyano-Maikling Kuwento ng Silangang Asya
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na hindi maaaring magkaroon ng


karapatang-sipi sa anomang akda ang pamahalaan ng Pilipinas. gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Jesselita Silao-Maglasang, Jill B. Lubguban, Jevic S. Cruz,
Maimona S. Gumikas–Piang, Lailyn A. Pepito, Ricky C. Arabis,
Godafreda C. Ugmad
Editor: Josephine L. Tomboc, Susan S. Bellido
Tagasuri: Alma M. Beton
Tagapamahala: Ruth L. Fuentes
Eugenio B. Penales
Sonia D. Gonzales
Majarani M. Jacinto
Juliet A. Magallanes
Florencio R. Caballero
Alma D. Belarmino

Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – Region IX


Office Address: Regional Center, Balintawak, Pagadian City
E-mail Address: region9@deped.gov.ph
Alamin

Kumusta kaibigan? Maligayang pagdating sa ikalimang


modyul. Ako ay nagagalak na natapos mo ang ikaapat na
modyul. Napakagaling! Ako ang iyong kaibigang si Liway na
makakasama mo sa iyong paglalakbay.
Natatandaan mo pa ba kaibigan ang ating tinalakay
noong nakaraang aralin? Ito ay ang tungkol sa
pagpapahayag ng sariling pananaw o opinyon at argumento
sa mga napapanahong isyu sa lipunang Asya.
Bawat isa sa atin ay may kaniya-kaniyang kuwento sa
buhay. Ang mga ito ay nagbibigay sa atin ng kaalaman at
inspirasyon habang tayo ay nabubuhay.
Paano nga ba bubuuin ang isang napakagandang
kuwento? Iyan ang lalakbayin natin sa linggong ito, aalamin
at pag-aaralan natin ang tungkol sa banghay ng maikling
kuwento at ang mga kultura na nakapaloob dito.
Alam ko na nasasabik ka na rin na galugarin ang mga
maikling kuwento na nagmula sa Silangang Asya. Halina’t
sabay nating pag-aralan ang ilan sa kanilang panitikan tulad
ng maikling kuwento mula sa Tsina na may malaking
impluwensiya sa uri ng panitikan na mayroon tayo ngayon
sa Pilipinas.
Para mas maging kapanapanabik ang ating
paglalakbay, babasahin natin ang akdang Niyebeng Itim ni
Liu Heng na isinalin sa Filipino ni Galileo S. Zafra, akdang
nagmula sa Tsina.
Simulan na natin ang ating aralin gamit ang inyong
malikot na imahinasyon at matang mapanuri.

Sa ating paglalakbay, inaasahang matatamo ang sumusunod habang


isinasagawa ang mga gawain:
 nasusuri ang maikling kuwento batay sa estilo ng pagsisimula,
pagpapadaloy at pagwawakas ng napakinggang salaysay
 nahihinuha ang kulturang nakapaloob sa binasang kuwento na may
katutubong kulay
 nabibigyang kahulugan ang mga imahe at simbolo sa kuwento at
 naisasalaysay ang sariling karanasan na may kaugnayan sa kulturang
nabanggit sa nabasang kuwento.
 naisusulat ang isang paglalarawan ng sariling kultura na maaaring
gamitin sa isang pagsasalaysay.
 nakagagamit ng mga pahayag sa pagsisimula, pagpapatuloy ng
pangyayari at pagtatapos ng isang kuwento.

1
Subukin

Paalala lamang kaibigan na ang bawat bahagi ng


modyul na ito ay nagtataglay ng mga gawain at
pagsubok na lilinang ng iyong kakayahan. Huwag kang
mag-alala dahil naririto naman ako nakahandang
gumabay sa iyo. Sundin mo lamang ang aking mga
panuto at mga gawaing ipagagawa sa iyo.

Ang bahaging Subukin, ay ang panimulang


pagsusulit na susukat sa lawak ng iyong kaalaman sa
pag-aaralang aralin. Sige nga, subukan natin.

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap at piliin ang tamang
letra na tumutukoy sa wastong sagot. Isulat sa sagutang papel ang mga
sagot.

1. Anong uri ng masining na panitikan ang naglalaman ng isang maikling


salaysay tungkol sa isang mahalagang pangyayari na kinabibilangan ng isa o
ilang tauhan?
A. maikling katha C. maikling akda
B. maikling tula D. maikling talata

2. Alin sa sumusunod na mga bahagi ng kuwento ang naglalahad ng mga


kasagutan sa suliranin ng akda?
A. panimula C. banghay
B. wakas D. pababang aksiyon

3. “Puwede kang manatili dito ngayon, sabi ni Tito Rey.” Anong elemento ng
maikling kuwento ang lantad sa pahayag na ito?
A. tagpuan C. banghay
B. tauhan D. tema

4. “Halos Bagong Taon na.” “Puwede kang manatili dito ngayon, sabi ni Tiya
Luo.” Alin sa sumusunod ay sumasalamin sa kulturang Tsino?
A. A. pag-iwas sa responsibilidad C. pakikipagkaibigan
B. B. pagpapahalaga sa pamilya D. pakikipagkapuwa

2
5. “Isang bagay lang ang hinding-hindi ko makakalimutan tungkol kay
Dingdong-hindi pa siya pumupunta dito nang hindi niya taglay ang ingay at
halakhak.” Ano ang ipinapahiwatig ng nakaitalisadong mga salita?
A. masayahing tao si Dingdong C. mahirap kalimutan si Dingdong
B. maraming naiinis kay Dingdong D. mahilig humalakhak si Dingdong

6. Ayon sa pahayag sa bilang 5, ano ang layunin ng may-akda sa paghahatid ng


kaniyang kuwento?
A. ipakilala ang mga tauhan C. isalaysay ang mga pangyayari
B. maghatid ng mga mag-aaral D. ilarawan ang lugar at mga
kaugalian
7. Anong larangan ang sumasakop sa mga gumagalaw na larawan bilang isang
anyo ng sine o bilang bahagi ng industriya ng libangan?
A. dula C. pelikula
B. role play D. maikling kuwento

8. Alin sa mga pahayag sa ibaba ang HINDI kabilang sa mga katangian ng isang
mahusay na paglalarawan?
A. may tiyak at kawili- wiling paksa
B. may tiyak na layunin sa paglalarawan
C. may malinaw na pagbuo sa mga larawang nais ipakita
D. gumamit ng anumang salitang nakaaantig sa damdamin ng mambabasa

9. Aling pahayag sa ibaba ang tumutukoy sa kahalagahan ng pangatnig at


transitional devices?
A. nakatutulong sa pagsusunod-sunod ng mga pangyayari sa isang kuwento
B. nagbibigay- kahulugan sa konotasyon at denotasyon ng mga salita
C. tumutukoy sa mga pangunahing tauhan sa maikling kuwento o alamat
D. kumikilala kung kailan naganap, nagaganap, at gaganapin ang kilos o
pangyayari

10. “Saan man siya magpunta laging may nagsasabi sa kaniya ng dapat gawin at
hindi dapat gawin, sa pagtingin sa kaniya ng mababa umaangat ang kanilang
sarili.” Ano ang iyong mahihinuha sa pahayag?
A. may mga taong sunod-sunuran
B. may mga taong mapagsamantala
C. may mga taong api at mapagmataas
D. may mga taong walang kakayahang ipaglaban ang sarili

3
Maikling Kuwento:
Aralin
Niyebeng Itim
1 ni Liu Heng
Salin ni: Galileo S. Zafra

Magaling, alam kong nasagutan mo nang maayos


ang subukin. Ngayon naman, ating lakbayin ang
makulay at mahiwagang panitikan ng Tsina. Sabay
nating pag-aralan ang ilan sa kanilang mga akda na
may malaking ambag sa sarili nating panitikan. Ngayon
ay dumako naman tayo sa isang kuwento ng
katutubong kulay, ang Niyebeng Itim. Ilalahad sa
araling ito ang isang maikling kuwento na tumatalakay
sa isang tauhang nagnanais na kumawala sa
nakasanayang tradisyon ng kanilang lahi.
Nasasabik ka na ba kaibigan?

Balikan

Bago tayo magpatuloy ay balikan muna natin ang ating


nakaraang aralin. Naalala mo pa ba ang ating huling
aralin?

Napag-alaman natin na ang tekstong argumentatibo ay naglalahad ng


paniniwala, pagkukuro o pagbibigay ng pananaw patungkol sa isang mahalaga
o napapanahong isyu. Isang halimbawa nito ay talumpati.
Ang tekstong argumentatibo ay may pangunahing bahagi. Bawat bahagi
ay magkakaugnay upang higit na maging matibay ang mga pangangatuwirang
inilalahad. Ang mga bahaging ito ay panimula, katawan, at konklusyon.

Ngayon, sagutin mo muna ang katanungan sa ibaba.

Galingan mo!

4
Panuto: Tama o Mali: Tukuyin kung ang mga pangungusap ay tama o mali. Isulat
ang salitang TAMA kung wasto ang isinasaad sa pangungusap at MALI
naman kung hindi ito wasto. Isulat sa sagutang papel ang iyong sagot.

_____1. Lahat na argumento ukol sa inihaing proposisyon ay kailangang


organisadong maihanay sa katawan ng tekstong argumentatibo.

_____2. Mahalagang may malawak na kaalaman ukol sa isyung tinalakay ang


manunulat upang mabigyan niya ng bigat ang pangangatuwiran.

_____3. Ang pangangatuwiran ay maaaring sisimulan sa maliit na patunay tungo sa


paglalahat.

_____4. Kailangang mahaba, malaman at malinaw ang unang talata ng tekstong


argumentatibo.

_____5. Ang tekstong argumentatibo ay nagtataglay ng matibay na ebidensya.

Tuklasin

Bago natin basahin ang nakasasabik na akda ay


pagmumuni-munihan muna natin ang tanong na “Bakit
kailangan nating magpatuloy sa buhay sa kabila ng mga
pagsubok na ating nararanasan?” Sa kuwentong ating
babasahin ngayon ay malalaman natin ang kasagutan sa tanong
na ito.

Halika! Samahan mo ako at umpisahan nating basahin at unawaing mabuti


ang isang kuwento mula sa bansang Tsina. Hindi lamang sa laki ng bansa at bilang
ng populasyon nangunguna ang Tsina ngunit hindi rin sila pahuhuli sa larangan
ng panitikan. Isa ang Tsina sa mga bansa sa Asya na may pinakamayamang
panitikan. Sinasabi nga sa mga pag-aaral na kung gaano katanda at kayaman ang
sibilisasyon ng mga Tsino ay ganoon din katanda at kayaman ang kanilang
panitikan. Mayaman ang Tsina sa iba’t ibang klase ng panitikan, maging ito man
ay tuluyan o patula. Narito ang isa sa halimbawa ng panitikan ng Tsina, ang
maikling kuwento na pinamagatang “Niyebeng Itim” ni Liu Heng na isinalin ni
Galileo S. Zafra.

Bago natin tuluyang buksan ang buhay ng ating pangunahing tauhan sa


kuwento ay pagyamanin muna natin ang inyong kaalaman sa talasalitaan.

5
Pagpapayaman sa Talasalitaan

Panuto: Magbigay ng mga salitang may kaugnayan sa salitang Niyebeng Itim.

Niyebeng
Itim

HALIKA, MAGBASA TAYO!

Basahin at unawain mong mabuti ang kuwentong pangkatutubong-kulay


mula sa Tsina na pinamagatang Niyebeng Itim ni Liu Heng na isinalin sa Filipino
ni Galileo S. Zafra na matatagpuan sa aklat na Panitikang Asyano 9 nina Peralta,
R. N. et. al. (2014), Modyul ng mga Mag-aaral, pahina 133 hanggang pahina 142.
Pagkatapos ay sagutin ang mga gawain na nasa ibaba.

Magaling kaibigan! Natapos mong basahin ang


kuwento. Kamusta? Marami ka bang natutuhan?
Magaling!
Ngayong tapos mo nang basahin ang kuwento
ay sagutin mo ang mga sumusunod.

Gawain 1:

Panuto: Batay sa mga pahayag na ginamit sa binasang akda, ibigay ang kahulugan
ng mga imahe at simbolo na nakapaloob dito. Isulat ang kahulugan sa
kahon.

1.
Pakiramdam ni Huiquan ay isa siyang
basurahan o isang pirasong basahan na
nais magtago sa isang butas.

6
2.

Ang bakuran, na may mahigit sa pito o


walong talampakan ang luwang, ay tulad ng
balon sa ilalim ng kumikinang na bughaw
na langit.

Gawain 2.
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na mga tanong mula sa maikling kuwentong
binasa.
1. Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento? Itala ang mga katangian nito.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
_______________________________________.

2. Anong katangian ng pangunahing tauhan ang dapat na pamarisan? Ang hindi


dapat pamarisan? Bakit?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
________________________________________.

3. Ano ang tema ng kuwentong binasa?


___________________________________________________________________________
______________________________________________________________.

4. a. Paano sinimulan ng may-akda ang kuwento?


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
________________________________________.

b. Ano ang suliraning taglay ng pangunahing tauhan?


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
_______________________________________.

c. Paano hinarap ni Li Huiquan ang kaniyang problema?


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
____________________________________________________.

d. Ano ang mga hakbang na kaniyang ginawa?


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________.

7
e. Paano winakasan ng may-akda ang kuwento?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________.

Gawain 3:

Panuto: Ilahad ang nahihinuhang kulturang Tsino na nakapaloob sa binasang akda


sa sumusunod na sitwasyon. Isulat ang iyong sagot sa loob ng mga kahon.

PAMAGAT NG KUWENTO

TRADISYON PANANAW SA BUHAY KAUGALIAN

Sadyang pinahanga mo ako kaibigan sa iyong


ipinakitang galing. Huwag kang bibitaw dahil mas
marami ka pang matutuhan sa mga sumusunod
nating talakayan.

Suriin

Upang madagdagan pa kaibigan ang


iyong kaalaman ay sabay nating pag-aralan
ang susunod na paksa. Makatutulong din
ito upang mas lalo mo pang maunawaan
ang ating talakayan sa araw na ito.

8
Ano ang Banghay?

Isang mahalagang elemento ng maikling kuwento ang banghay o plot. Ito ay


kailangang maging kawili-wili at mabisang maipahayag ang kaisipang nais ikintal sa
isipan ng mga mambabasa.

Ang banghay ay tumutukoy sa maayos na pagsasalaysay ng mga pangyayari


tulad ng ano ang mga pangyayari at ano ang kaugnayan at kahulugan ng mga
pangyayaring ito. Samakatuwid, ang banghay ay ang maayos at malinaw na
pagkakasunod–sunod ng mga magkakaugnay na pangyayari sa akda.
Banghay ng Maikling Kuwento:

1. Simula – dito nakasalalay ang kawilihan ng mga mambabasa at ipinakita


kung saan at paano nagsimula ang kuwento. Sa bahaging ito maaaring
mailahad agad ang suliranin at kadalasang ipinakilala ang iba pang mga
tauhan sa kuwento.
2. Suliranin – ang problemang haharapin ng mga tauhan sa kuwento. Ito ang
nagsisilbing dugo ng bawat kuwento, ang nagpapadaloy at nagbibigay ng
interes sa istorya.

3. Pataas na Aksiyon – dito nagaganap ang paglalahad ng suliranin. Isinasaad


ang mga nagiging reaksiyon o hakbang ng mga tauhan sa suliraning
kinakaharap. Tinatawag din itong saglit na kasiglahan o ang panandaliang
pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa kuwento.

4. Kasukdulan – Ang pinakamataas na antas sa bahagi ng kuwento. Masasabing


dito sa bahaging ito ang pinakapinanabikan na bahagi ng kuwento. Sa
bahaging ito ng kuwento makakamtan ng pangunahing tauhan ang
katuparan o kasawian na kaniyang ipinaglalaban. May mga kuwentong ang
kasukdulan ang nagiging wakas ng kuwento.

5. Pababang Aksyon – dito makikita ang kakalasan. Sa kakalasan ng mga


kumbensyunal o tradisyunal na kuwento, dito binibigyang kasagutan ang
mga suliraning inilahad sa kuwento. Maaaring masasagot sa bahaging ito ang
lahat ng tanong na nasa isipan ng mambabasa.

6. Wakas – ito ay tumutukoy kung paano nagwakas o nagtapos ang kuwento.


Ang wakas ay maaaring masaya, malungkot o nagbubukas sa iba pang ideya
o tinatawag na open-ended sa isipan ng mga mambabasa.

Batid kong nagkaroon ka na ngayon ng ideya tungkol sa


banghay ng maikling kuwento. Ngayon naman ay patuloy mong
basahin ang isa sa mga uri ng maikling kuwento, bilang dagdag
pang kaalaman.

9
May iba’t ibang uri ang maikling kuwento. Isa sa mga uri nito ay ang
Kuwento ng Katutubong Kulay. Binibigyang-pokus sa kuwentong ito ang
kapaligiran, ang mga kaugalian, at mga pananamit, ang uri ng pamumuhay at
hanapbuhay sa nasabing pook, paniniwala at pananaw sa buhay. Ang kuwentong
Niyebeng Itim ni Liu Heng ay isang halimbawa nito dahil ito’y sumasalamin sa
kultura at tradisyong kinabibilangang lugar ng pangunahing tauhan.

Ang kultura ay nagsisilbing pagkakakilanlan ng isang lugar. Ito ay


nahahati sa dalawang uri, ang materyal at di-materyal na kultura. Ang unang uri
ay tumutukoy sa mga nahahawakan o konkreto, nililikha at ginagamit ng pangkat
etniko tulad ng pagkain, pananamit, kasangkapan, at tirahan habang ang
ikalawang uri ay tumutukoy naman sa mga hindi nahahawakan ngunit
isinasagawa tulad ng tradisyon, kaugalian, gobyerno, sining,
paniniwala/relihiyon, wika at panitikan.
Ang maikling kuwentong Niyebeng Itim ay naglalayong ipahayag ang mga
katangian at paniniwala sa buhay ng mga Tsino. Layunin nitong ipahayag ang
kanilang damdamin batay sa mga pagsubok na kanilang dinanas. Ito ay punung-
puno ng mga imahe at simbolo mula sa kapaligiran, kilos at pananalita ng
tauhan. Gumagamit ang mga kuwentista ng mga simbolo at imahe upang mas
mapalutang ang rikit ng kanilang akda.
Ang imahe ay tumutukoy sa representasyon ng isang bagay, tao o ideya.
Ang simbolo naman ay mga salita na kapag binanggit sa akda ay nag-iiwan ng
iba’t ibang pagpapakahulugan sa mambabasa ngunit ang ito ay dapat di malayo
sa pagbibigay-kahulugan ng may-akda.
Ang salitang niyebeng itim ay ginamit upang ilarawan ang dalawang
kulang ng buhay na dinanas ng pangunahing tauhan. Ang niyebe o yelo ay kulay
puti na naglalarawan ng panahon ng taglamig dahil ang kuwento ay nangyari sa
panahon ng pasko. Ang itim naman ay nangangahulugan ng mapait na karanasan
ng pangunahing tauhan.

Huwag ka munang mabagot kaibigan. Basahin


ang karagdagang impormasyon na ito upang mapadali
ang susunod na mga gawain.
Mahalaga na ang bawat isa ay matutong
gumamit ng mga pahayag tulad ng pangatnig at
transitional devices upang magamit sa pagsisimula,
pagpapatuloy ng mga pangyayari at pagtatapos ng
isang kuwento.

10
Ang mga pangatnig at transitional devices ay ginagamit sa pag-uugnay-
ugnay ng mga pangungusap at sugnay. Sa pamamagitan nito, napagsusunod-sunod
natin nang tama ang mga pangyayari sa isang kuwento ayon sa tamang gamit nito.

Pangatnig ang tawag sa mga salitang nag-uugnay sa dalawang salita, parirala o


sugnay.

Transitional devices naman ang tawag sa mga kataga na nag-uugnay sa


pagsusunod-sunod ng mga pangyayari (naratibo) at paglilista ng mga
ideya, pangyayari at iba pa sa paglalahad.

Transitional Devices:

1. sa wakas, sa lahat ng ito – panapos


Mga Halimbawa
a. Sa wakas, nakalaya na rin si Li Huiquan sa bilangguan.
b. Sa lahat ng ito, napagtanto niya ang kahalagahan ng kanyang ina.
2. kung gayon – panlinaw

Mga Halimbawa
a. Malinaw ang paalala ng ina sa kaniya, kung gayon kaya ni Li Huiquan ang
mga pagsubok sa kanyang buhay.

Narito ang ilang halimbawa ng pangatnig at transitional devices na


karaniwang ginagamit sa Filipino:

1. subalit,datapwat,ngunit - ginagamit na paninsay o panalungat.


Mga Halimbawa:
a. Matumal ang benta datapwat hindi siya sumusuko sa pagtitinda.
b. Mahal ni Li Huiquan ang kanyang ina subalit di niya ito naipakita
nang ito’y buhay pa.
c. Maaga silang pumila para makakuha ng lisensya ngunit naubusan
na siya ng kota para sa pagtitinda ng mga prutas.

2. samantala, saka – ginagamit na pantuwang


Mga Halimbawa:
a. Natutuhan niya ang paggalang sa mga nakakatanda saka ang
pagsunod.
b. Masaya ang lahat sa pagsalubong sa pasko samantala siya ay abala
sa pagkumpuni ng kaniyang kariton.

3. kaya, dahil sa – ginagamit na pananhi

Mga Halimbawa:
a. Nakabenta si Li Huiquan ng dalawampung panlamig na angora kaya
sumigla siya.
b. Masaya na si Li Huiquan dahil sa mayroon na siyang magawa.

11
Batid kong nauunawaan
mo na ang mga impormasyon
tungkol sa ating aralin. Tiyak
kong masasagot mo nang buong
husay ang susunod na gawain.

Pagyamanin

Binabati kita sa iyong kahusayan!


Ituloy mo pa ang pagpapalalim ng iyong
kaalaman kaugnay sa tinalakay na bahagi ng
aralin.

Basahin ang isa na namang uri ng


maikling kuwentong Nagmamadali ang
Maynila ni Serafin G. Guinigundo na
makikita pa rin sa aklat ng Panitikang Asyano
9 nina Peralta, R. N. et. al. (2014), Modyul ng
mga Mag-aaral sa pahina 145 at tukuyin kung
paano masasalamin sa kuwentong ito ang
ating kultura bilang isang Pilipino.

Gawain 1:
Panuto: Ilarawan ang lugar, kilos/gawi, at uri ng pamumuhay ng mga tao noon sa
Maynila at ihambing ito sa kapaligirang kinabibilangan mo gamit ang tsart sa ibaba.

ASPETO NG PAGHAHAMBING
PAGHAHAMBING PAGKAKATULAD/PAGKAKAIBA
Nagmamadali Ang Ang Aking Kapaligiran
Maynila
pisikal na anyo ng lugar
tradisyon/kilos/gawi ng tao
paniniwala/pilosopiya

12
Gawain 2:

Panuto: Isalaysay ang iyong sariling karanasan na may kaugnayan sa mga


kulturang iyong binanggit sa Gawain 1. Ang Rubriks sa pahina 19 ang gagamitin sa
pagmamarka.

____________________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________________

Gawain 3:

Panuto: Ipaliwanag ang nakapaloob na imahe at simbolo na hinalaw na pahayag sa


binasang kuwento.

Mga Pahayag Pagpapaliwanag

"Mga mama... mga ale... ginto...?" ang


alok-anyaya ng isang babaing nakakimona at
ang saya ay humihilahod sa sakong at siyang
lumilinis sa makapal na alikabok sa
bangketa.

“Alam mo na ang bilis natin, hindi ka maaano.


Hawak natin ang ibon.”

13
Isaisip

Binabati kita sa malaniyebeng katapatan sa


pagsagot mo sa mga gawain. Batid kong lahat ng iyong
natutuhan ay hindi lang isinaisip kundi isinapuso mo
rin.

Nawa’y ang mga ginintuang-aral na napulot mo


mula sa pag-aaral na ito ay maging sandata mo upang
ipagpatuloy ang paglalakbay mula sa modyul na ito
hanggang sa susunod na modyul.

Anong
Anong konsepto
pagpapahalaga
ang aking
ang aking
natutuhan sa
natamo?
aralin?

_______________________________ _______________________________
_______________________________ _______________________________
_______________________________ _______________________________
_______________________________ _______________________________
_______________________________ _______________________________
_______________________________ _______________________________

Bakit mahalaga
ang paggamit ng
mga transitional
devices?

_______________________________
_______________________________
_______________________________
_______________________________
_______________________________
_______________________________

14
Isagawa

Muli kitang binabati sapagkat naramdaman ko ang


pagsusumikap mong matuto kaya umabot ka sa bahaging
ito. Malapit mo nang matapos ang iyong paglalakbay. Ang
mga ginuntuang kaisipan ay nagpapasidhi ng iyong
hangarin na suungin nang walang pag-aatubili ang mga
gawaing iniatas sa iyo. Ngayon ay nais kong subaybayan
ka sa iyong landas kung paano mo ito huhugutin mula sa
hibla ng iyong buhay.

Iugnay Mo!
Panuto: Sumulat ng isang sanaysay na may tatlong talata na nagpapakita ng diwa
ng BAYANIHAN sa inyong lugar ngayong panahon ng pandemya gamit ang
mga transitional devices sa ibaba.

sa lahat ng ito dahil sa kaya

sa wakas ngunit samantala

_________________________________________________________________________
_

_________________________________________________________________________
_

_________________________________________________________________________
_

_________________________________________________________________________
_

_________________________________________________________________________
_

_________________________________________________________________________
_

_________________________________________________________________________
_
15
_________________________________________________________________________
_
Rubriks sa Pagmamarka:

Batayan Napakahusay Mahusay Pauunlarin Nangangailangan


pa ng
5 4 3 Pagsasanay
2
Nilalaman Maayos na Maayos ang Bahagya lang Malabo ang
maayos ang paglalahad sa ang pagkakalahad sa
paglalahad sa paksa ngunit pagkakalahad paksa at hindi
paksa at hindi lahat na sa paksa at iilan nasusunod ang
nasusunod panuntunan ng lang sa mga mga panuntunan
lahat na guro ang panuntunan ng guro
panuntunan ng nasusunod ang nasusunod
guro

Mekaniks Malinaw na Malinaw na Bahagyang Hindi sumunod


malinaw na sumunod sa sumunod sa sa tamang gamit
sumunod sa tamang gamit tamang gamit ng mga bantas,
tamang gamit ng mga bantas, ng mga bantas, espasyo, baybay,
ng mga bantas, espasyo, espasyo, at pagbuo ng
espasyo, baybay, at baybay, at talata.
baybay, at pagbuo ng pagbuo ng
pagbuo ng talata. talata.
talata.

Organisasyon Mahusay na Mahusay ang Hindi gaanong Hindi mahusay


mahusay ang pagkakasunud- mahusay ang ang
pagkakasunud- sunod o daloy pagkakasunud- pagkakasunud-
sunod o daloy ng mga ideya sunod o daloy sunod o daloy ng
ng mga ideya ng mga ideya mga ideya

Tayahin

Mahusay kaibigan, mukhang naintindihan


mo na nga ang ating aralin. Hindi ba madali lang?
At tulad ng sinabi ko, narito lang ako laging
nakaagapay sa iyo. Alam kong nasunod mo
naman lahat ng panuto at nagawa mo nang
maayos ang mga ipinagawa ko sa iyo.
Sa bahaging Tayahin, matatasa o
masusukat ang antas ng pagkatuto o lawak ng
kaalaman na iyong natutuhan sa pag–aaral sa
modyul na ito. Halika at tayahin na natin.

16
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap at piliin ang
tamang letra na tumutukoy sa tumpak na kasagutan. Isulat sa sagutang papel
ang mga sagot.

1. Anong elemento ng maikling kuwento ang nais bigyang-pansin sa bahaging


ito?
Natatanaw ko ang aking sarili sa isang masusukal at tahimik na
kapaligiran. Tanging huni ng ibon lamang ang maririnig at paspas ng
hangin. Isang maliit na bahay na giray na giray na yari sa kawayan ang
makikita sa di-kalayuan.

A. tagpuan C. tauhan
B. banghay D. kasukdulan

2. Ang krisis ay may simula, ________ may katapusan kaya hanapin ang
pinakamaikling landas sa pagitan ng simula at katapusan nito. Alin sa
sumusunod ang angkop na pangatnig upang mabuo ang diwa ng
pangungusap?
A. dahil sa C. at
B. datapwat D. samantala

3. Anong bahagi ng kuwento ang tumutukoy sa kapana-panabik na pangyayari


sa kuwento?
A. panimula C. suliranin
B. kasukdulan D. wakas

4. Tukuyin ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari batay sa


kuwento na nakapaloob sa kahon.

Isang araw, namamasyal si Vilma sa plaza kasama ang kaniyang mga


kaibigan. Habang naglalakad, nabangga siya ng isang batang gusgusing
lalaki. Napikon si Vilma, at pinagalitan niya ang bata. Humingi ng tawad
ang bata, at inirapan lang ito ni Vilma. Pumasok sila sa isang Department
Store malapit sa plaza upang bumili ng mga gagamitin para sa kanilang
proyekto. Nang siya ay magbabayad na, wala sa kaniyang shoulder bag ang
pitaka. Bigla niyang natandaan na binangga siya ng isang batang lalaki, at
tiniyak niya na ito ang kumuha ng kaniyang pitaka. Agad hinanap ng
magkakaibigan ang bata. Nang makita nila ito, agad hinablot ni Vilma ang
damit ng bata at pilit na pinaamin sa pagkuha ng kaniyang pitaka. Tinakot
nila itong dalhin sa isang presinto ng pulis. Walang tigil naman ang
pagtanggi ng bata. Dahil sa takot na madala sa pulis ay bigla itong
tumakbo. Hindi niya napansin ang humarurot na sasakyan kaya siya ay
nabangga.

I. Habang papunta sa plaza, nabangga siya ng isang batang lalaki.


II. Pilit na pinaamin sa pagkuha ng kanyang pitaka.
III. Nang siya ay bumili ng mga gamit para sa proyekto, napansin niya na
wala sa kanyang shoulder bag ang pitaka.
17
IV. Ngunit ang bata ay panay ang tanggi kahit na pilit na pinapaamin ni
Vilma.

A. I, II, III, IV C. I, IV, III, II


B. I, III, II, IV D. I, III, IV, I

5. Ilang beses na rin kaming nagkasabay kumain ng aking ama. Maraming


pagkakataon na rin na maaari ko nang maipagtapat ang tunay na saloobin ko
sa ginawa niya. Subalit ang aking bibig ay waring kinandado at ang paa ko’y
nangangatog sa kaba. Ano ang ipinapahiwatig ng pahayag na ito?
A. natatakot siya sa kanyang ama
B. may galit siya sa kanyang ama
C. hindi niya kapalagayang loob ang ama
D. masama ang loob niya sa kanyang ama

6. “Alam mo ba kung paano ka nakakuha ng lisensya gayong maraming retirado


at walang trabaho ang hindi makakuha?” “Dahil…dahil kailangan ko ng
trabaho?” “Kinakailangan ka ng pamahalaan, tiyak ko na alam mo iyan.” Ano
ang mahihinuha sa usapang ito?
A. dapat magbayad sa kapwa
B. walang pakialam sa kapwa
C. may pagpapahalaga sa mga mamamayan
D. higit na pinahahalagahan ang lalaki kaysa babae

7. “Dapat lang na maging maayos ang buhay mo sa taong ito. Dapat may trabaho
ka na. Ayusin mo at hahanapan kita ng nobya.” Anong katangian ng mga
lalaki ang ipinakikita rito?
A. inaasahang mangalaga sa tahanan
B. inaasahang mag-alaga sa mga anak
C. inaasahang magtrabaho para sa asawa
D. inaasahang magtrabaho para sa pamilya

8. Alin sa sumusunod na mga pahayag ang HINDI gumagamit ng transitional


devices?
A. Maaabot din niya ang kanyang pangarap.
B. Sa wakas, nakatapos din siya ng pag-aaral.
C. Sa pagkakataong ito, ako na ang masusunod.
D. Nakatanggap sila ng award dahil sa pagtutulungan.

9. “Gustong lumaban ni Rigor ngunit wala siyang lakas kaya nagpanggap na


lamang siyang tanga.” Ano ang ibig sabihin ng pahayag?
A. duwag C. matapang
B. mahina ang loob D. takot

10. “Nakabilanggo pa rin ang kanyang isip at damdamin kahit siya ay nakalaya
na mula sa ilang taong pagkabilanggo.” Ano ang ipinapahiwatig ng pahayag
na ito?
A. Naalala niya ang kanyang mga kasama sa bilangguan.
B. Hindi pa rin siya nakalabas mula sa bilangguan.
C. Iniisip niya ang mga naiwan sa loob ng bilangguan.
D. Lagi niyang naalala ang mga karanasan sa loob ng bilangguan.

18
Karagdagang Gawain

Mahusay ang ginawa mo kaibigan! Nagawa mo lahat


ang mga gawain at naunawaan mo ang ating aralin. Ito na
ang huling gawain para sa modyul na ito.

Panuto: Sa iyong sagutang papel, gawin ang sumusunod.

1. Gumuhit/gumupit ng mga larawang nagpapakita ng kulturang may


kaugnayan sa iyo.
2. Sumulat ng isang sanaysay na nagsasalaysay sa larawang napili/iginuhit.
3. Gamitin ang rubriks sa pahina 19 sa pagsulat.

Sa wakas ay natapos mo rin ang


modyul na ito. Pinahanga mo ako sa iyong
galing! Binabati kita kaibigan sa ipinakita
mong pagtitiyaga at kahusayan. Natapos mo
nang buong husay at galing ang modyul na
ito. Kung mayroon mang bahagi sa mga
aralin na ito na hindi mo naunawaan,
mangyaring makipag-ugnayan ka sa iyong
guro.

19
Susi sa Pagwawasto

20
Mga Sanggunian

Mga Aklat

Peralta, R.N. et. al (2014). Ang Panitikang Asyano- Filipino 9, Vibal Group, Inc.

Mga Elektronikong Sanggunian


https://www.slideshare.net/bestinenarsus1/ano-ang-kultura

21
9
Filipino
Ikalawang Markahan – Modyul 6:
Dula: “Munting Pagsinta” at
“Dahil sa Anak”

CO_Q2_Filipino9_ Module6
Filipino – Ikasiyam na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 6: Dula: “Ang Munting Pagsinta” at “Dahil sa Anak”

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na hindi maaaring magkaroon ng


karapatang-sipi sa anomang akda ang pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtatakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Anomang parte ng materyales na ito ay hindi maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang


paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumubuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: April Rose T. Sumalpong


Cherry Pinck Acaylar Amarilla
Rosalie A. Pastor
Secil L. Veranda
Editor: Josephine L. Tomboc, Susan S. Bellido
Tagasuri: Thelma P. Opada, Mario Shoji N. Romarate, Alma M. Beton
Tagapamahala: Ruth L. Fuentes
Eugenio B. Penales,
Sonia D. Gonzales
Majarani M. Jacinto
Juliet A. Magallanes
Florencio R. Caballero
Alma D. Belarmino

Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – Region IX


Office Address: Regional Center, Balintawak, Pagadian City
E-mail Address: region9@deped.gov.ph
Alamin

Maligayang pagdating sa ikaanim na modyul!


Kumusta ang araw mo? Malugod kong binabati ang
iyong ipinamalas na kagalingan. Muli ako’y naririto,
ang iyong kaibigan na si Liway hangad lagi ang iyong
tagumpay!
Handa ka na ba? Sa pagkakataong ito, ihanda
ang iyong sarili para sa panibagong kaalaman. Tara at
lakbayin natin ang mundo ng panitikan ng Silangang
Asya!

Oops! Alam kong ikaw ay nasasabik nang pag-aralan ang mga


panitikan ng Silangang Asya, sa araw na ito sabay nating pag-aralan ang
mundo ng dula. Inaasahang maipamalas mo ang pag-unawa at
pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan ng Silangang Asya at
makasusuri sa dula na may pamagat na “Munting Pagsinta” at “Dahil sa
Anak” at mga elemento nito.

Halina’t sabay nating linangin ang kakayahan mo sa pagsusuri sa


binasang dula batay sa pagkakabuo at elemento nito.

Sa araling ito, inaasahang maipamalas mo ang pag-unawa at pagpapahalaga


sa dula na may pamagat na “Munting Pagsinta” na hinalaw ni Mary Grace A. Tabora
sa pelikula ni Sergei Bordov na mula sa Mongolia. Sumasalamin sa dula ang kultura
ng mga taga-Mongolia patungkol sa pakikipag-ayos sa mga lahing pinagkakautangan
sa pamamagitan ng pagpapakasal sa anak nito. Mahihinuha rin dito na ang mga
Mongolian ay nagsasagawa ng pagpili ng magiging kabiyak sa hinaharap sa murang
edad. Isa pa ay ang pakikipagkasundo ng mga magulang sa pag-iisang dibdib ng
kanilang mga anak.

Kaibigan, sa pagtatapos ng ating paglalakbay, inaasahan kong magagawa mo


ang kasanayang ito:

 nauuri ang mga tiyak na bahagi at katangian ng isang dula batay sa napakinggang diyalogo
o pag-uusap (F9PN-IIg-h-48);
 nasusuri ang binasang dula batay sa pagkabuo at mga elemento nito
(F9PB-IIg-h-48);
 napaghahambing ang mga napanood na dula batay sa mga katangian at elemento nito
(F9PD-IIg-h-48); at
 nagagamit ang mga angkop na pang-ugnay sa pagsulat ng isang maikling dula tungkol sa
karaniwang buhay ng isang pangkat ng tao sa ilang bansa ng Asya. (F9PU at WG-IIg-h-51).

1
Subukin

Magandang buhay! Heto na, heto na talaga ang


iyong unang gawain! Handa ka na ba?

Bago natin tatahakin ang mundo ng Mongolia


upang alamin ang kanilang mga dula, nais ko
munang subukin ang inyong kakayahan sa pagsagot
ng mga katanungan na siyang makatutulong sa iyo
sa paglalakbay sa modyul na ito. Handa ka na ba?

Gawain: Piliin Mo!


Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat bilang, pagkatapos, piliin at isulat
ang titik ng tamang sagot.
1. “Kawangis ng madilim na kalangitan ang nadarama ng magiting na mandirigmang
naninimdim sa takbo ng kapalarang sinapit na nakatalungko sa isang sulok ng
makipot at karima-rimarim na piitan.” Alin ang maaring tagpuan sa pangungusap?
A. Madilim na kalangitan C. Takbo ng kapalaran
B. Magiting na mandirigma D. Makipot na piitan

2. Ang mag-amang Dan at Danilo ay masayang naglakbay pauwi sa kanilang


dampa sa malayong nayon ng Mabini. Ang nakasalungguhit na mga salita ay
tumutukoy sa __________ ng isang teksto.
A. Banghay C. Iskrip
B. Tagpuan D. Tauhan

3. Masayang namamasyal ang munting binibini sa malawak na parang kung saan


napapalibutan ng malaparaisong tanawin. Ang maaaring tauhan sa
pangungusap ay _________.
A. Masayang namamasyal C. Munting binibini
B. Malawak na parang D. Malaparaisong tanawin

4. Ang pagkakaroon ng isang mataas at matibay na edukasiyon ay isang saligan


upang mabago ang takbo ng iyong buhay gayundin sa isang lipunan tungo sa
pagkakaroon ng isang masaganang buhay at ekonomiya. Ang teksto ay
pumapaksa tungkol sa _________.
A. Pagbabago sa ekonomiya
B. Pagkakalugmok sa kahirapan
C. Pagtatapos ng matibay at mataas na edukasiyon
D. Paghahangad ng masagana at marangal na buhay

2
5-10. Panuto: Basahing mabuti at isulat ang letra ng angkop na pang-ugnay sa
sumusunod na pahayag.

5. Ang kanyang nilutong ulam na tinolang manok ay _______ lahat.


A. para sa C. tungkol sa
B. ukol kay D. hinggil sa

6. Gusto niyang bumili ng damit, _________ wala siyang pera.


A. dahil C. ngunit
B. kung gayon D. sapagkat

7. Masama sa may sakit na diabetes ang matatamis _____ pagkain.


A. sa C. ng
B. na D. nang

8. Umasenso ang kanyang buhay ________ sa kanyang pagsisikap sa trabaho.


A. dahil C. ngunit
B. subalit D. sapagkat

9. Ang pagsusulit sa araw na ito ay __________ mga uri ng tula.


A. para sa C. dahil sa
B. tungkol sa D. ukol kay

10. Napagod sa kaniyang paglalakbay si Elmo kaya nagpahinga siya _____ lilim ng
punongkahoy.
A. sa C. ng
B. na D. nang

Aralin Dula: “Munting Pagsinta”


at “Dahil sa Anak”
1

Balikan

Bago natin ipagpatuloy ang iyong paglalakbay


subukin nga nating balikan kung naaalala at
natatandaan mo pa ba ang iyong huling aralin? Gamit
ang iyong kuwaderno, sagutin ang mga sumusunod na
tanong.

3
1. Ano ang maikling kuwento?
2. Ilahad ang mga bahagi ng maikling kuwento at kahulugan nito.

3. Ano ang kahalagahan ng maikling kuwento sa panitikang Asyano?

Mga Tala para sa Guro

Mga bagay na dapat ipaalam sa mga mag-aaral:


1. Magpatulong sa nakatatandang kapatid kung nahirapan.
2. Huwag mag-atubiling magtanong kung may hindi naunawaan.
3. Basahin at sundin ang mga panuto at gawin ang mga pagsasanay.

Tuklasin

Halika! Samahan mo ako at umpisahan nating


alamin at unawain ang isang nakakakilig na dula
mula sa bansang Mongolia.

Magbasa Tayo!

Panuto: Basahin ang dalawang dula na pinamagatang “Munting Pagsinta” at “Dahil


sa Anak” na makikita ninyo sa inyong libro na Panitikang Asyano 9, Modyul
ng Mag-aaral sa Filipino na nasa pahina 151-158.

Ang mga pangyayari sa dalawang dula ay tungkol sa ama at anak, na


nagpapakita na ang mga magulang ay nakikialam sa pagpapasya ng anak
tungkol sa kanilang pag-asawa ngunit sa kalaunan ay pag-ibig pa rin at
pagpapatawad ang mananaig sa bawat isa.
Gawain 1: Ideya mo, Ilahad mo!

4
Gawain 1: Ideya mo, Ilahad mo!

Panuto: Isulat ang iyong sagot sa inyong sagutang papel.

1. Nakaantig ba ng damdamin ang mga linya ng mga aktor sa dula?

2. Malinaw bang naiparating ang tema ng dula sa mga mambabasa?

3. Paano mo maihahambing ang dalawang dulang iyong nabasa?

4. Ano ang iyong sariling pananaw tungkol sa mga magulang na nagpapasya para sa
kanilang mga anak?

Suriin

Magaling kaibigan! Natapos mong basahin at


sagutin ang gawain, kumusta? Marami ka bang
natutuhan?
Ngayon ipaliwanag ko sa iyo ang mga ito.
Sundan at tandaan ang mga mahahalagang
kaalaman dahil magagamit mo ito sa susunod pang
mga gawain na iyong tatahakin.

Alam mo ba na?

Inilalarawan ng panitikang Filipino ang damdamin nating mga Pilipino sa


pamamagitan ng pasalita o pasulat. Sa pamamagitan nito, binibigyang interpretasyon
natin ang ating pamumuhay, kaugalian, tradisyon, paniniwala at maging pulitika.
Samantalang, bahagi ng panitikang Filipino ang dula. Bilang isang panitikan ito ay
ang paraan ng panggagagad ng mga pangyayari sa tunay na buhay sa entablado.

Ginagamit rin ang dula bilang midyum upang panatilihin ang nakaraan at
kasaysayan, maituwid ang maling pamamalakad, at matalunton ang direksiyon ng
bukas. Binanggit ni Villafuerte (2000) na ayon kay Rentra (1972) nilalayon ng dula na
makalikha ng pagbabago, naghahamon ay nagyayakag na makisangkot ang
manonood sa dalawang kaparaanan; ang pagpapakilala ng pamantayang panlipunan
at ang pagwawasto sa mga walang katarungan.

Binubuo ang dula ng iba’t ibang bahagi na nagdaragdag ng pagiging malikhain nito:

5
1. Yugto - Nahahati ang mga dula sa iba’t ibang yugto depende sa haba nito.
May mga dulang may iisang yugto na kung saan nagaganap ang dula sa isang
lugar at pangyayari lamang.
Hal. Ang pagtatapos ng pag-uusap ng mag-amang Yesugei at Temujin.

2. Eksena - Ang bumubuo sa isang yugto. Sa madaling sabi, ito ay isang


pangyayari sa isang lugar sa isang panahon. Ito rin ay maituturing na
paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhang gumaganap sa dula.

Hal. Ang pagdidiskusyon ng mag-amang Yesugei at Temujin hinggil sa pag-


aasawa habang papaalis.

3. Tagpo-. Ang pagpapalit o ang iba’t ibang tagpuan na pinangyarihan ng mga


pangyayari sa dula.

Hal. Mapapadpad si Temüjin sa isang dampa kung saan nakatira ang


dalaginding na si Borte.

Mga Katangian ng Dula

May kani-kaniyang katangian ang bawat dula gayunman, nakapokus ang


mga katangiang ito sa paksa at pangkalahatang ideyang nais ipahiwatig nito. Mga
paksang binibigyang interpretasyon sa dula. Madalas tulad ng ibang uri ng
panitikan hindi ito kaagad nilalantad. Binibigyang hugis ito ng simbolo na resulta ng
pagiging malikhain ng direktor sa kaniyang pagpapatakbo sa dula at pagganap ng
mga artista.

Nagtataglay ang bawat artista at direktor ng mga teknik na naiiba sa iba.


Inilarawan ni Ricky Lee ang mga teknik na ito tulad ng pagpunta sa Quiapo na kung
ang isang tao ay malikhain, hahanap ito ng ibang direksiyon na hindi dadaanan ang
gagawin ng iba. Naniniwala rin si Lee na ang bawat artista ay may maliit na taong
gumagamit ng lente sa naiibang paraan.

Naiimpluwensiyan rin ang katangian ng dula sa paggamit ng mga sangkap ng


dula; ang boses, katawan at isip. Ginagamit ang boses ng mga artista sa pagbigkas
ng mga iskrip at ito rin ang nagtatakda ng maaaring maging damdamin ng mga
manonood. Ginagamit ang katawan sa bawat pagkilos, pagsayaw, pag-indayog at
paggalaw ng bawat artista. Ginagamit naman ang isip para sa pagbibigay
interaksiyon ng bawat karakter ng dula sa bawat isa.

Elemento ng Dula
1. Iskrip- nakasulat ang detalyadong dayalogo ng mga tauhan sa isang dula.
Para kay Ricky Lee ang isang epektibong script ay iyong bumubuhay sa
imahinasyon at dumadausdos sa kaibuturan ng kaniyang mambabasa,
manonood at maging ng gaganap nito. Nakalagay rin sa mga iskrip ng dula
ang mga teknikal na kailanganin at kahingian ng isang dula.

6
2. Banghay- pagkasunod-sunod ng mga pangyayari

4. Gumaganap/Karakter o Aktor- Ang nagbibigay buhay sa mga tauhan sa


iskrip; sila ang nagbibigkas ng diyalogo; sila ang nagpapakita ng iba’t ibang
damdamin; sila ang pinanonood na tauhan sa dula; ang nagsasabuhay sa
iskrip ng dula.

4. Tanghalan- anumang lugar na pinagpasyahang pagtanghalan ng isang dula.


Maaaring entablado, kalye at iba pa.

5. Direktor –Nagbibigay ng pagpapakahulugan sa iskrip. Ito rin ang nagpapasya


sa itsura ng tagpuan, damit ng mga tauhan hanggang sa paraan ng
pagganap at pagbigkas ng mga tauhan sa iskrip.

6. Manonood- ang siyang manonood na siyang nagbibigay reaksiyon sa mga


damdaming ipinahihiwatig ng isang dula

Mga Pantulong sa Paghahambing


Dalawang-uri ng Paghahambing
Ang dalawang uri ng paghahambing ay magkatulad at di-magkatulad na
paghahambing. Ang dalawang uri ng paghahambing na ito ay ginagamit upang
ipahayag o ilarawan ang mga bagay na mas madaling maunawaan ng nakikinig o
mambabasa sapagkat maaaring kilala niya ang isa sa mga bagay na inihahambing.
Maaaring paghambingin ang mga tao, hayop, halaman, lugar o ideya.

Paghahambing na Magkatulad
Ang paghahambing na magkatulad ay paghahambing sa dalawang bagay na may
parehong katangian, anyo o katayuan. Halimbawa ng inihahambing na magkakatulad
ay mga kambal o mga pare-parehong lugar na maunlad. May mga panandang
ginagamit sa paghahambing na magkatulad gaya ng mga sumusunod na halimbawa.

Magkasintangos ang ilong ng kambal na sina Maria at Marita.


Kawangis ng bulaklak na sampaguita ang hinhin at yumi ni Isabel.
Sintangkad ng aming pintuan ang tatay ni Emman.

Paghahambing na Di- magkatulad


Ang paghahambing na di-magkatulad ay paghahambing sa dalawang bagay na
may iba’t ibang katangian, anyo o katayuan. Maaari ring ihambing na di-magkatulad
ang kambal na may iba’t ibang katangian o anyo. May mga pananda ring ginagamit sa
paghahambing na di-magkatulad gaya ng mga sumusunod na halimbawa.

Di hamak na mas matatalino ang mga batang kumakain ng gulay kaysa mga
batang pihikan sa pagkain.
Hindi gaanong matamis ang niluto mong keyk ngayon kumpara sa keyk na
ginawa mo kahapon.
Napakalambing umawit ni Mericris di katulad ng kanyang kapatid na parang
laging galit pag kumakanta. Rakista kasi ang kapatid ni Mericris.
Mas matangos ang ilong ni Maria kaysa ilong ng kakambal niyang si Marta.

7
Ang Mga Pang-ugnay
Ang mga pang-ugnay ay mga salitang nagpapakita ng relasyon ng dalawang
yunit sa pangungusap, maaaring salita, dalawang parirala o ng dalawang sugnay.
Uri ng mga Pang-ugnay (Connectives)
A. Pangatnig (conjunction) - mga salitang nag-uugnay ng dalawang salita, parirala
o sugnay na pinagsunod-sunod sa pangungusap.
Mga Uri ng Pangatnig:

1. Pamukod – ginagamit upang itangi ang isa sa isa pang bagay gaya
ng o, ni, maging at man.

Halimbawa: Batid ko ang pagkapanalo ng ating grupo kung si


Josephine man ang piniling lider natin.

2. Paninsay o pasalungat – ginagamit kung nagsasaaad ng


pagsalungat gaya ng: ngunit, datapwat, subalit, samantala, kahit.
Halimbawa: Maganda nga si Marie ngunit suplada naman.

3. Panubali o Panlinaw – nagsasaaad ng panubali o pasakali, gaya


ng: kung, kapag, pag, sakali, sana.
Halimbawa: Hindi tayo makapamasyal kapag hindi makauwi ng
maaga ang nanay.

4. Pananhi – tumutugon sa tanong na bakit, nagsasaaad ng


kadakilaan, nagbibigay ito ng dahilan o katuwiran para sa
pagkaganap ng kilos, gaya ng: dahil sa, sanhi sa, sapagkat,
mangyari.
Halimbawa: Namaos si Jane dahil sa matagal na pagtatalumpati.

B. Pang-angkop (ligature) - mga katagang nag-uugnay sa panuring at salitang


tinuturingan.

1. Pang-angkop na na- ito ay iniaangkop sa mga salitang nagtatapos sa katinig


tulad ng b, k, p, at iba pa.
Halimbawa:
kapatid na babae
masarap na pagkain
matatag na kinabukasan
marangal na pag-uugali

2. Pang-angkop na ng- ito ay ginagamit kapag ang kaangkupan ay nagtatapos


sa patinig. Ikakabit ito sa unang salita.
Halimbawa:

babaeng kapatid
bagong bayani
mabuting anak
pag-uugaling marangal

8
3. Pang-angkop na g- ito ay ikakabit sa mga salitang nagtatapos sa titik n
sa magkasunod na salitang naglalarawan at inilalarawan.
Halimbawa:
butihin manugang - butihing manugang
bayan magiliw - bayang magiliw
maalinsangan lugar- maalinsangang lugar
A. Pang-ukol- (Preposition sa wikang Ingles) ay kataga o salitang nag-uugnay
sa pangngalan o panghalip sa ibang salita sa pangungusap.
Iba’t ibang Pang-ukol:
ni/nina kay/kina, laban sa/kay ayon sa / kay
para sa/kay ukol sa/kay tungkol sa/kay
hinggil sa/kay alinsunod sa kay ng

Pagyamanin

Kumusta? Siksik-liglig na ba ang iyong


kaalaman? Ngayon, muling balikan ang dulang
“Munting Pagsinta”. Handa ka na bang gawin ito?
Sige, maaari mo nang simulan.

Gawain 1: Pagyamanin Mo!


Panuto: Tukuyin kung anong bahagi ng dula ang nakapaloob sa sumusunod na
pahayag: Hanapin mula sa kahon ang inyong kasagutan.

Tauhan Eksena Yugto Tagpo

_____ 1. Ito ay ang paglabas at pagpasok ng kung sinong tauhang gumanap o


gaganap sa eksena.
_____ 2. Maaaring magbadya ng pagbabago ng tagpuan ayon sa kung saan
gaganapin ang susunod na pangyayari.
_____ 3. Ito ang paghahati sa dula, kung baga sa nobela ito ay kabanata.
_____ 4. Lumabas si Amelia, umiiyak habang hinahaplos ang tangan tangan na alaga.
_____ 5. Sa isang dipang lugar nakatirik ang isang napakalaking krus.

9
Gawain 2.a. Bubble Map

Panuto: Gamit ang bubble map, kilalanin mga bahagi ng dula ayon sa mga detalyeng
naglalarawan sa bawat bahagi na nakapaloob sa dulang “Munting Pagsinta”.

. Sa makipot na . pag-uusap ng mag-amang


piitan Yusegei at Temujin
. Sa maliit na . pag-uusap ni Borte at
dampa
Temujin
. Sa ilog
. nakita nina Temujin at Borte
si Yesugei
Bahagi
ng Dula

. pagtatapos ng pag-uusap ng mag-ama


. matapos na magkasundo na magpakasal
. paghingi ng pahintulot ni Temujin na si
Borte ang pakasalan
.

Gawain 2.b Ibahagi Ko ang Natutunan Ko


Panuto: Magbanggit ng dalawang dulang nabasa o napanood at paghambingin ang
mga elemento nito sa tulong ng mga pang-ugnay. Isulat ang inyong sagot sa tsart ng
paghahambing.
TSART NG PAGHAHAMBING
PAGHAHAMBING
(iba pang nabasa o napanood na dula)
ELEMENTO NG DULA
Pamagat ng Dula Pamagat ng Dula

Iskrip

Aktor

Tanghalan

Direktor

Manonood

10
Isaisip

ISIP…ISIP…

Ang buhay ay tulad ng isang dula ikaw ang


direktor, artista at scriptwriter at nakadepende ito kung
paano mo idederehe ang dula ng sarili mong buhay.

Kung bibigyan ka ng pagkakataong maging dula ang kuwento ng iyong buhay


tungkol saan ito? Bakit mo ito napili?
Isulat ang sagot sa kwaderno.

Isagawa

Sa bahaging ito, gusto kong malaman kung


gaano kahusay ang iyong antas ng pagkatuto at
pag-unawa upang makamit ang layunin sa
natutuhang aralin.
Dito mo mapapatunayan kaibigan kung
talagang naunawaan mong mabuti ang ating
talakayan at mga gawain. Gamitin ang iyong
kaalaman sa gawaing ito at ibahagi ang kahalagahan
nito sa iyong buhay.

11
Gawain 3

Panuto: Bilang isang mabuting anak sumulat ng iskrip ng dula na naglalarawan kung
paano ka makatutulong sa mga gawaing bahay. Salungguhitan ang mga ginamit na
pang-ugnay. Isulat ito sa isang buong bondpaper at gamiting gabay ang rubriks na ito
sa pagmamarka ng iyong awtput.

Pamantayan Di – Pangkaraniwan Kahanga – hanga Katanggap – Pagtatangka


tanggap
4 3 1
2

Paksa Tumpak at May kaugnayan sa May kaunting Walang kaugnayan


mapanghamon paksa kaugnayan

Pagkama- Napakamalikhain at Malikhain ngunit May kakulangan Hindi malikhain


likhain napakahusay ang kulang sa mga sa mga sangkap
paggamit ng sangkap sangkap ng iskrip, ng iskrip gaya ng
ng iskrip gaya ng dayalogo, dayalogo, tauhan,
tauhan, sulyap sa sulyap sa
suliranin, tagpuan, at suliranin,
iba pa. tagpuan, at iba
pa.

Kalidad ng Makapukaw interes Makatawag pansin Pansinin ngunit Di - pansinin, di -


Ginawa at tumitimo sa di- makapukaw makapukaw
isipan interes interes.

Kalinisan Maganda, malinis at Malinis Ginawa nang Minadali ang


kahanga- hanga ang mabilisan ngunit pagbuo at marumi
pagkagawa malinis

Takdang Oras Nakapagsumite nang Nakapagsumite sa Nakapagsumite Higit sa isang linggo


maaga takdang oras ngunit hindi sa ang kahulihan
takdang oras

Iskala ng Pagmamarka:
16-20 – Di – pangkaraniwan
11-15 – Kahanga – hanga
6-10 – Katanggap – tanggap
1-5 – Pagtatangka

12
Tayahin

Bravo! Talagang pinaghusayan mo…

Sa bahaging ito, ating tatayahin ang iyong


nalalaman mula sa modyul na ito.

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.


1. Paano mo maihahambing si Temujin sa dulang Munting Pagsinta kay Manuel
sa dulang “Dahil sa Anak” batay sa pangyayari sa dula?
A. Mas magalang si Temujin kaysa kay Manuel.
B. Si Manuel ay mas pasaway kaysa kay Temujin.
C. Si Temujin ay mas matapang kaysa kay Manuel.
D. Sina Temujin at Manuel ay parehong masunurin.

2. Paano mo ihahambing ang tanghalan ng dalawang dula?


A. Parehong maaliwalas ang tanghalan ng dalawang dula.
B. Mas magara ang tanghalan ng dulang Dahil sa Anak kaysa sa Munting
Pagsinta.
C. Mas malawak ang tanghalan ng dulang Munting Pagsinta kaysa sa dulang
Dahil sa Anak
D. Ang tanghalan ng dulang Munting Pagsinta ay mas makulay kaysa sa
dulang Dahil sa Anak.

3. Paano mo ihahambing ang mga pangyayari sa dalawang dula?


A. Higit na masalimuot ang mga eksena sa dulang Munting Pagsinta.
B. Magkakatulad ang dinanas na pagsubok ng mga pangunahing tauhan.
C. Magkaiba ang paraan ng paglutas ng suliranin ng mga pangunahing tauhan
sa dula
D. Higit na nakakaaliw ang simula ng dulang Dahil sa Anak kaysa
sa Munting Pagsinta.

4. Alin sa dalawang dula ang sa tingin mong higit na angkop panoorin ng mga
batang manonood?
A. Ang Munting Pagsinta dahil mas marami ang mga aktor na gumaganap.
B. Ang Dahil sa Anak, dahil ang mga eksena ay nangyayari sa totoong buhay.
C. Ang Dahil sa Anak, dahil maayos ang pagkasunod-sunod ng mga
pangyayari nito.
D. Ang Munting Pagsinta, dahil higit na maayos ang pakikitungo
ng anak sa kanyang ama.

13
5 – 6. Panuto: Suriin ang dayalogo at tukuyin kung anong bahagi ito ng dula

5. Pag-uusap nina Borte at Temüjin:


Borte: “Anong mayroon sa akin, bakit ako ang pinili mo?”

Temujin: “Di ko rin alam. Ang tanging alam ko lamang ay ito ang ibinigay ng
pagkakataon sa akin. Ikaw ang aking nakita. Kaya naman pagbigyan mo na
ako. Hindi naman ibig sabihin na pumayag ka ay pakakasal na tayo.”

A. Tagpo B. Yugto C. Banghay D. Eksena

6. Yesügei: “Ganang desidido ka na, sino ba ako para di-sumang-ayon sa


iyong kagustuhan. Ang iyong buhay naman ang nakataya rito” (Matiim na
titingnan si Borte) “Okay lang ba sa iyo?”

Borte: “Opo!”

Yesügei: “Kung gayon halina kayong dalawa at kausapin natin ang


mga magulang mo Borte.”

Matapos makipagsundo sa mga magulang ni Borte, ang mag-ama ay


naglakbay pauwi sa kanilang dampa sa malayong nayon ng Mongolia.

A. Tagpo B. Yugto C. Banghay D. Eksena

7. Ano ang tawag sa katumbas ng “salaysay” o pagsasaayos ng dula


ng mandudula o “playwright”?

A. banghay B. paksa C. kilos D. tanghal

8. Ano ang tawag sa pinakaluluwa ng isang dula?

A. tauhan B. iskrip C. manonood D. entablado

9 – 10. Panuto: Basahin at unawain ang mga pahayag at tukuyin kung ano ang
kataga o salitang pang-ugnay ang angkop gamitin sa sumusunod na
pahayag.

9. Matalino si Anthoneth ________ siya ay sakitin.

A. ngunit B. tungkol sa C. ayon sa D. pati

10. Masipag ____ bata si Mariel lalo na sa mga gawaing bahay.

A. ng B. na C. –g D. at

14
Karagdagang Gawain

Binabati kita dahil nakaabot ka hanggang dulo,


kaibigan! Ibig sabihin matagumpay mong nasagutan
at nalagpasan ang mga pagsubok na aking inihanda
para sa iyong makabuluhang pagkatuto. Narito na
ang huling pagsubok na ibibigay ko sa iyo, handa ka
na ba?!

Pagbuo ng Dula
Sumulat Na!
Panuto: Sumulat ng isang maikling dula tungkol sa karaniwang buhay ng isang tao
sa ilang bansa sa Asya. Tiyaking nakapaloob ang bawat bahagi ng dula, elemento at
katangian nito.
__________(Pamagat)______________

___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________.

15
Pamantayan sa Pagsulat ng Dula

Pamantayan Di – Kahanga – hanga Katanggap –


Pangkaraniwan tanggap
4
5 3

Paggawa sa Tumpak at Di masyadong maayos May kaunting


Iskrip maayos ang ang pagkasunod- kamalian sa
pagkasunod- sunod na pangyayari pagkasunod-sunod
sunod na na pangyayari
pangyayari

Pagpapahalagang Napakamalikhain Malikhain ngunit May kakulangan sa


Asyano at napakahusay kulang sa mga mga sangkap sa
ang paglalahad sa sangkap sa paglalahad ng
pagpapahalagang paglalahad ng pagpapahalagang
Asyano pagpapahalagang Asyano
Asyano

Kabuoang Makapukaw Makatawag pansin at Pansinin ngunit di-


Pagkabuo interes at may maayos na makapukaw interes
maganda ang pagkakabuo at di masyadong
pagkakabuo maayos ang
pagkakabuo

Iskala ng Pagmamarka:
10-15 – Di – pangkaraniwan
7-9 – Kahanga – hanga
1-6 – Katanggap – tanggap

16
17
PAGYAMANIN Isaisip
Bubble Map
Tagpo
Eksena
Yugto
Ibahagi ko ang natutunan ko
-Nakadepende sa mag-aaral ang sagot
Isaisip
Nakadepende sa sagot Tayahin Subukin
ng mga mag-aaral 1. A
2. B 1. d
Pagyamanin
3. C 2. d
1. Tagpo
4. D 3. c
2. Eksena
5. B 4. d
3. Yugto
6. D 5. a
4. Eksena
7. A 6. c
5. Tagpo
8. B 7. b
Nakadepende sa sagot
9. A 8. a
ng mga mag-aaral
10. B 9. b
10.a
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Peralta, Romulo, et al. Ang panitikang Asyano-Filipino: Modyul ng mag-aaral sa


Filipino. Pasig City: Kagawaran ng Edukasyon, 2014.

Largo, Rowena C, et al. Hinirang: Wika at Panitikang Filipino sa Makabagong Panahon.


Quezon City. Intelligente Publishing Inc. 2019.

Lee, Ricky. Trip to Quiapo. Quezon City. Philippine Writers Studio Foundation,
Inc.1998.

18
9
Filipino
Ikalawang Markahan – Modyul 7:
Pahayag Mo, Paliwanag Ko

CO_Q2_Filipino9_ Module7
Filipino – Ikasiyam na Baitang
Alternative Delivery ModeoIkalawang Markahan – Modyul 7: Pahayag Mo, Paliwanag
Ko
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293 ng Seksiyon 176, hindi maaaring magkaroon ng


karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Mercy T. Andujar, Knith Joy G. Ponce
Editor: Josephine L. Tomboc, Susan S. Bellido
Tagasuri: Mario Shoji N. Romarate, Alma M. Beton
Tagapamahala: Ruth L. Fuentes
Eugenio B. Penales
Sonia D. Gonzales
Majarani M. Jacinto
Juliet A. Magallanes
Florencio R. Caballero
Alma D. Belarmino

Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – Region IX


Office Address: Regional Center, Balintawak, Pagadian City
E-mail Address: region9@deped.gov.ph
Alamin

Halika, sasamahan kita sa iyong


paghakbang sa bago mong karanasan sa
pagkatuto gamit ang modyul na ito. Sabay
nating alamin kung paano inihanda at
dinisenyo ang modyul na ito para sa
paglinang ng iyong kakayahan sa pagbasa
at pag-unawa. Huwag kang magdalawang
isip na gamitin ang pagkakataong ito na
mapaunlad ang iyong mga kakayahang
maipaliliwanag ang bisa ng nabasang akda
sa iyong sariling kaisipan at damdamin. Sa
dulo ng karanasang ito ay makakamit mo
ang kakayahang nabanggit sa ibaba:

 naipapahayag ang damdamin sa


napakinggang akda
naipapaliwanag ang naging bisa ng
nabasang akda sa sariling kaisipan
at damdamin
Tandaan mong kasama mo ako sa paglalakbay na ito.

Pansinin mo ito. Ano kaya ang mararamdaman mo o kaya ay maiisip mo


tungkol sa mga pahayag na ito?

 Marami ang may sabi na unti-unti nang nawawala ang kagandahang


asal ng mga kabataan ngayon.
 Ang social media ay tambakan ng parehong basura at ginto.

May epekto ba ang mga pahayag na ito sa iyo?

1
Subukin

Kaya mo ito!
Huwag kang mag-alala kung hindi mo man masagot nang
tama ang mga tanong sa bahaging ito. Ito ay paunang pagsusulit
lamang upang malaman mo kung ikaw ba ay may imbak nang
kaalaman ukol sa aralin, at kung wala man ay malalaman mo
kung gaano pa ang dapat mong matutuhan. Ituloy mo lamang ang
paghakbang sa bagong karanasang ito. Gagabayan kita hanggang
dulo.

Panuto: Basahin at unawain mong mabuti ang mga pahayag/teksto at mga


katanungan. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat ito sa iyong
sagutang papel.
________ 1. “Yehey! Pasado ako sa pagsusulit” Anong damdamin ang ipinahahayag
sa pangungusap?
a. masaya b. nanlulumo c. humahanga d. malungkot

________ 2. Anong damdamin ang ipinamalas sa pangungusap na ito?


“Ano ba! Huwag ka ngang makialam!”
a. pag-asa b. masaya c. pagtanggi d. inis

________ 3. “Pasensya na! Pero ayaw kong makisali sa gawaing masama!” Anong
damdamin ang ipinamalas sa pangungusap na ito?
a. pag-asa b. masaya c. pagtanggi d. galit

_________4. Anong damdamin ang nangingibabaw sa pangungusap na ito?


“Natutuwa ako at nakinig ka rin sa aking payo.”
a. pag-asa b. masaya c. pagtanggi d. galit

_________5. Anong damdamin ang ipinamalas sa pangungusap na ito “Sana nga


magkaroon ng katuparan ang iyong mga pangarap.”
a. pag-asa b. masaya c. humahanga d. galit

_______6. Anong ugali ang ipinakita ng tauhan batay sa teksto sa ibaba?


Isang dalaga ang labis na nahumaling sa paglalaro ng Mobile Legend at hindi
na halos tumutulong sa gawaing bahay. Inutusan siya ng kanyang ina
maghugas na muna ng pinggan ngunit hindi parin siya kumilos. Kinuha ng ina
ang selpon ng anak at hindi na ito maaring gumamit ng gadget sa buong linggo.

a. katapangan b. pagkamasunurin c. pasaway d. masayahin

2
________7. Batay pa rin sa pahayag sa bilang 6, aling pangungusap ang
naglalarawan na nilabag ng tauhan ang kaniyang magulang?
a. una b. pangalawa c. pangatlo d. pang-apat

________8. Habang binabasa mo ang tekstong ito, anong damdamin


ang nangingibabaw sa iyong katauhan?
a. lungkot b. pagkadismaya c. pananabik d. kaba

_______9. Mula sa tekstong nasa loob ng kahon, ano ang nararamdaman ng


matanda kung kaya siya ay humingi ng tulong mula sa kanyang
pagkakahulog?
a. takot b. lungkot c. galit d. pagtataka

May magsasakang ginabi sap ag-uwi dahil sa matinding pag-ulan. Naglalakad


ang magsasaka na mula sa kanyang lupain na may kalayuan mula sa bayan.
Hindi niya napansin na lumihis na pala siya sa daan at nahulog siya sa isang
hukay na tambakan ng mga patay na hayop. Nagpumilit na makaahon mula
sa maputik na hukay ang matanda at sumigaw nang buong lakas.

______10. Bakit kinailangan ng matanda na sumigaw?


a. para marinig b. para makita c. para makaligtas d. lahat ng nabanggit

Aralin
Pag-unawa sa Binasa
1
Ang
Humakbang ka pa! Nakatutuwa ang ipinakita mong galing sa
katatapos na gawain. Alam kong sabik ka ring
maipagpapatuloy ang iyong karanasan sa pagkatuto sa araw
na ito. Pero bago ‘yun, sabay muna nating balikan ang
nakaraang leksiyon. Natutuhan mo na ang pagpapakahulugan
ng mga salita at maging ang mga sinisimbolo ng mga salita sa
mga pahayag. Tingnan natin kung naalala mo pa ang mga ito.
Mahalaga ito upang mapalawak mo pa ang iyong kakayahan sa
pang-unawa.

Gagabayan pa rin kita hanggang mapagtagumpayan mo


ang gawaing ito.

Ang pag-unawa sa binasa, higit sa lahat ang kakayahang maipaliwanag ang


mensahe ng akda ay mahalagang kakayahan na kailangan mong malinang. Sa
araling ito ay mas mapapalawak mo pa ang iyong kakayahang maipahayag ang
damdamin, pag-unawa at maipaliwanag ang bisa ng akdang mababasa at iba pang
teksto batay sa bisa nito sa sariling kaisipan at damdamin.

3
Balikan

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na mga pahayag at


sagutin ang mga tanong. Titik lang ang isusulat sa patlang.

Ina
Ni: Mercy T. Andujar

Ang ina ay ilaw at lakas ng tahanan


May malambot na puso
Ngunit siya ay malakas na sandalan ng lahat
Masipag, matapang at matulungin
Mapagpatawad at mapag-aruga sa lahat ng mga anak
Malinis ang puso maging sa pag-ibig sa Diyos
Manining na tala na nagdadala ng tuwa.

_________1. Sino ang inilarawan sa akda?


a. bituin b. ang ina c. tala d.umaga
_________2. Saan inihahalintulad ang ina?
a. sa tanawin b.sa puso c. sa ilaw d.sa gawain
_________3. Ano ang kahulugan ng mga salitang may salungguhit?
a. tapat sa pagmamahal c. masarap magmahal
b. malinis sa katawan d. ayaw na muna magmahal

Mga Tala para sa Guro

Sa pamamagitan ng modyul na ito ay maipapagpapatuloy ng bawat mag-aaral


ang mga gawain sa pagkatuto at mabibigyan sila ng pagkakataon na malinang
ang iba't ibang kakayahan sa pag-unawa sa kabila ng pandemya.

Nakasalalay sa tamang paggabay ang tagumpay ng modyul na ito. Gawing


magaan at masaya ang mga pamamaraan sa pamimigay at pagkuha ng
modyul na ito sa lahat ng mga mag-aaral. Nawa ay pagpalain tayo ng
Maykapal.

4
Tuklasin

Magpapatuloy pa tayo. Sabay nating alamin ang mga


kuwsentong “Naisahan Ako ng Aking Diyos at ng isang
mag-aaral na hindi sumusuko sap ag-abot ng kanyang
tagumpay.
Nasasabik akong malaman kung ano ang magiging
epekto ng akdang ito sa iyong sariling damdamin at
kaisipan. Simulan na natin ang gawain, tara na! ang
naging bisa ng nabasang akda sa sariling kaisipan at
damdamin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang akdang Kapag Naiisahan Ako ng


Aking Diyos sa pahina 76-78 ng Panitikang Pilipino Para sa Baitang 9.

Magaling! Natapos mo nang buong husay ang pagbabasa ng akdang ito.


Nakatitiyak akong nagustuhan mo ito. Halika! Sagutin
natin ang mga tanong nang may kasiglahan. Isulat ito sa inyong
sagutang papel.

1. Anong damdamin ang nagingibabaw sa akda?

2. Paano mo mailalarawan ang iyong nararamdaman habang binabasa ang


akda?

3. Kung ikaw ang nasa katayuan ng nagsasalita, iisipin mo rin bang iniisihan
ka ng iyong Diyos? Bakit? Bigyan ng patotoo ang iyong sagot.

Binabati ulit kita! Sa ipinakita mong kasiglahan sa


una nating gawain. Patunay lamang ito na handang-
handa ka na rin para sa susunod. Kayang-kaya mo
ito! Kaya ituloy mo lang.

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang maikling kuwentong “Si Cita na


Hindi Sumusuko” ni Mercy T. Andujar.

5
Si Cita na Hindi Sumusuko
Ni: Mercy T. Andujar

Isinilang si Cita sa gitna ng kadukhaan. Lumaki at nagdalaga siya sa lalo


pang mahirap na kalagayan. Sa kabila nito ay hindi kakitaan ng panghihina at
kalungkutan si Cita. Palaban siya at positibo ang pananaw sa buhay. Sa kanyang
pagtatapos ng hayskul kinausap siya ng kanyang ina, “anak hindi na kita kayang
pag-aralin pa, maghanap ka muna ng mapapasukan anak, magtulungan tayong
mapag-ipunan ang iyong pag-aaral.’

Nalungkot si Cita sa kanyang narinig at naawa sa ina. “Inang, kaya ko na po


ang aking sarili, payagan po ninyo akong maghanap ng mapagtrabahuan at
isasabay ko na rin ang aking pag-aaral.” Nag-alinlangan man ang ina ay pumayag
parin ito sa hiling ng anak kahit masakit man sa kanya na mawalay dito.” Ulila
na sa ama si Cita kaya ang mag-ina ang magkatuwang sa buhay. May tatlo pa
siyang mga mas batang kapatid na pawang nag-aaral din.

Minsan lang sa isang taon nakakauwi si Cita mula sa amo nitong may-ari ng
isang karenderya. Tiniis ni Cita ang paggising ng madaling araw at pagtulog ng
hating-gabi para sa pagkamit ng kanyang pangarap na matulungan at maiahon
ang pamilya sa kahirapan.

Maraming pagkakataon na naiinggit siya sa mga dalagang kaedad niya na


masayang kumakain kasama ang kanilang pamilya at nagagawa ang mga gusto
nila nang walang ibang iniisip. “Darating din ang araw na maisasama ko ang
aking mga kapatid at si Inay sa isang mamahaling restawran,” bulong ni Cita sa
sarili at ito na rin ang nagbibigay sa kanya ng ibayong lakas upang ituloy ang
pangarap at tiisin ang hirap ng pagtatrabaho habang nag-aaral.

May mga pagkakataon na hindi na nakakaligo si Cita sa dami ng mga gawaing


iniatas sa kanya, minsan ay napaglipasan na rin siya ng gutom para lang matapos
ang gawain at maiwasan ang tindi ng galit ng amo kapag hindi niya nagagawa
ang bagay na iniuutos sa kanya.

Lumipas ang maraming buwan at mga taon nalalapit na ang pagtatapos ni Cita
sa kursong Computer Science at may ipinangako na ring trabaho sa kanya ang
kanyang propesor dahil sa ipinakita nitong kasipagan at galing sa klase.

Sa wakas naabot din ni Cita ang inaasam na tagumpay. “Ipinagmamalaki kita


anak sa iyong lakas ng loob at determinasyon, sa kabila ng ating kahirapan ay
nakapagtapos ka ng pag-aaral at hindi ka sumuko.’ Nagawa rin ni Cita na ilipat
ng mas komportableng tirahan ang ina at mga kapatid at siya na rin ang nag-
paaral sa mga ito. Patunay si Cita na makakamit ng tao ang kanyang ninanais
kung siya ay may tiwala sa Diyos at pagpupursige sa buhay.

6
Suriin

Ang akdang nabasa ay isang maikling kuwento na nakasentro sa buhay ng


isang mag-aaral na hindi sumusuko sa kahirapan at nagsumikap upang makamit
ang tagumpay at maiahon ang pamilya sa kahirapan. Ganun din ang akdang “Kapag
Naiisahan Ako ng Aking Diyos,” na tumatalakay sa taong kontrolado at pinaplano
ang sarili ngunit nabatid niya na ang Diyos parin ang higit na nakaklaalam at
mahalagang manalig at magtiwala sa Kanya.
Binibigyan ng pokus dito ang mga pangyayari na hahasa sa iyong kakayahang
umunawa. Sa pagkapkata ong ito mapapatunayan mo kung gaano kalawak ang
iyong naunawan. Ano ba ang naging bisa nito sa iyong kaisipan? Nabago ba ang
iyong natutunan mula sa nagdaang talakayan? Ano ang naging bisa ng mga akdang
ito sa iyong damdamin? Sumasang-ayon kaba sa ikinikilos ng mga tauhan o taliwas
ito sa iyong pananaw. Nagkaroon ba ng bisa ang mga akdang ito sa iyong katauhan?
Nagkaroon ka ba ng mas malawak pag-unawa sa kahulugan ng lakas ng loob at
naunawaan moa ng kasamaang dulot ng pagpapabaya?
Bago ka magpatuloy ay sagutin mo muna ito. Lagyan mo ng tsek ang puwang
ng iyong sagot sa iyong sagutang papel.

Naintidihan mo ba ang akda?


Oo _______
Hindi gaano _______
Hindi, kailangan kong basahin ulit _______
Natutuwa ako sa iyong katapatan sa pagsagot. Ngayon alam kong handa ka
na para sagutin ang mga tanong bilang pagsusuri kung gaano mo inuunawa ang
akdang ito at kung gaano ito nakaaapekto sa iyong pag-iisip at damdamin.
Higit mo pang maunawaan ang ating aralin habang isinasagawa mo ang mga
sumusunod:
Ituloy mo lang! Patuloy din akong gagabay sa iyo.
Panuto: Isulat mo kung paano nakaapekto sa iyo ang nabasang akda batay
sa mga sumusunod:
1. May naalala ka bang pangyayari na hawig sa mga pangyayari sa akda? Ano
ito?
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

7
2. Sa persepsyon ng mga magulang, anong damdamin kaya ang
nararamdaman sa huling bahagi ng akdang ito? Ipaliwanag.
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

3. Aling pangyayari ang higit mong maiuugnay sa iyong sariling karanasan?

__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

Mahusay ang iyong ginawa! Naipahayag mo nang maayos ang naging bisa ng
akdang ito, “Si Cita na Hindi Sumusuko” batay sa iyong sariling kaisipan at
damdamin. Mahalaga rin sa iyong kakayahang umunawa ang pagkilala sa
damdaming namayani sa isang akda.

Pansinin mo ito!
Ang damdamin ay isang pandama, pakiramdam, personal na opinyon o ideya
tungkol sa isang bagay, palagay, kuro, pakikiramay, anumang pakiramdam na
sinasabing hindi bunga ng pag-iisip gaya ng pag-ibig, galit o lungkot, niloloob o
anumang opinyong nagmula sa puso.

Ang pagpapahayag ng damdamin o emosyon ay may iba’t ibang paraan.


Natatangi ang pagpapahayag ng damdamin sa iba’t ibang paraan sapagkat ginagamit
ang bantas na padamdam (!) sa pagpapahayag nito

Narito ang ilan sa mga halimbawa na nagpapahayag ng sariling emosyon o


damdamin:

1. Damdaming nagpapahayag ng paghanga.


Hal:
Wow! Ang ganda mo ngayon.

2. Damdaming nagpapahayag ng pagkagulat.


Hal:
Ay! Nabasag ang baso.

3. Damdaming nagpapahayag ng pagkatakot.


hal:
Naku po! May lumitaw yata ritong bangkay.

8
4. Damdaming nagpapahayag ng kasiyahan.
Hal:
Yehey! Pasado ako sa pagsusulit.

5. Damdaming nagpapahayag ng pag-asa.


Hal:
Sana nga! Magkaroon ng katuparan ang iyong mga pangarap.

6. Damdaming nagpapahayag ng galit/ inis.


Hal:
Ano ba! Huwag ka ngang makialam.

Sagutin ang katanungan: Isulat sa iyong sagutang papel.

1. Ipaliwanag ang damdaming nangingibabaw sa nabasang akda? .

Pagyamanin

Higit mo pang malilinang ang iyong kakayahang


maipahayag ang damdamin, pag-unawa at maipaliwanag
ang bisa ng akdang nabasa sa pamamagitan ng iyong
masigasig na pagtugon sa bahaging ito.

Pansinin Mo
Panuto: Basahin mo ang mga bahaging nagmula sa akdang iyong nabasa at
sagutin ang mga tanong nang buong katapatan.

Tiniis ni Cita ang paggising ng madaling araw at pagtulog ng hating-gabi para


sa pagkamit ng kanyang pangarap na matulungan at maiahon ang pamilya sa
kahirapan

9
Ano ang nararamdaman mo sa bahaging ito ng akda? Bakit?
________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

May mga pagkakataon na hindi na nakakaligo si Cita sa dami ng mga gawaing


iniatas sa kanya, minsan ay napaglipasan na rin siya ng gutom para lang matapos
ang gawain at maiwasan ang tindi ng galit ng amo kapag hindi niya nagagawa ang
bagay na iniuutos sa kanya.

Sa bahaging ito, ipinakita ba na pinahalagahan ni Cita ang kanyang


kinabukasan? Naging makatarungan ba ang kaniyang mga kilos?

Oo _____
Hindi _____
Ipaliwanag:
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

. “Ipinagmamalaki kita anak sa iyong lakas ng loob at determinasyon, sa


kabila ng ating kahirapan ay nakapagtapos ka ng pag-aaral at hindi ka
sumuko.’

Nang mabasa mo ang bahaging ito, ano ang tumatakbo sa isip mo?
Ipaliwanag:
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Panuto: Itala mo ang mga pangyayari sa kuwentong “Si Cita na Hindi


Sumusuko” na kung saan nagkaroon ka ng iba’t ibang reaksiyon at ipaliwanag
kung bakit.

Sa aling pangyayari sa akda na ikaw ay nakaramdam ng inis? Bakit?


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
____________________________________.

10
Aling bahagi ng akda kung saan nakaramdam ng panghihinayang? Ipaliwanag.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
_____________________________________.

Binabati ulit kita sa iyong matagumpay na pagtugon sa mga gawain. Ang ipinakita
mong sipag sa pag-aaral ay malaking bagay upang makamit ang mga layunin sa
modyul na ito.

Isaisip

Tara na! Lawakan pa natin ang iyong natutunhan,


kapansin-pansin na ang iyong kaalaman sa
pagpapahayag ng bisa ng akda sa iyong sariling
damdamin at kaisipan. Ngayon ay mas bigyang diin
natin ang pagpapahayag ng damdamin sa iyong
mababasa o kaya ay marinig na akda.

Laging Tandaan…

Ang pagpapahayag ng damdamin o emosyon ay tumutukoy sa damdamin na


kung saan ang pandama, pakiramdam, personal na opinion o ideya na tungkol sa
isang bagay, palagay, kuro, pakikiramay, anumang pakiramdam na sinasabing
hindi bunga ng pag-iisip gaya ng pag-ibig, galit o lungkot na niloloob o anumang
nagmula sa puso.
Narito ang ilan sa mga halimbawa ng pagpapahayag ng emosyon upang
maging gabay sa pagpapahayag ng damdamin ukol sa isang akda. Tandaan ding
hindi mo maibigay o makuha ang damdamin kung hindi mo naunawaan ang
nilalaman ng akda.
1. Damdaming nagpapahayag ng Paghanga
2. Damdaming nagpapahayag ng Pagkagulat
3. Damdaming nagpapahayag ng Pagkatakot
4. Damdaming nagpapahayag ng Kasiyahan
5. Damdaming nagpapahayag ng Pag-asa
6. Damdaming nagpapahayag ng Galit

11
Isagawa

Push mo pa ‘to!
Maganda ang ipinakita mong kasiglahan sa
pagsagawa sa mga naunang bahagi ng modyul

1. Sa pinagdaanang hirap ni Cita, alin dito ang tumatak sa iyong isip at


damdamin at bakit?

Damdamin ko, ipahayag ko!

Panuto: Pumili ng smiley sa ibaba bilang kinatawan sa iyong damdamin habang


binabasa ang akdang Si Cita na Hindi Sumusuko at ipaliwanag kung bakit mo
ito nararamdaman.

Paliwanag:

___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

12
Ikonek mo! Ituloy mo lang ang iyong masigasig na pagsasagawa ng mga
pagsasanay na ito para sa iyong higit na pagkatuto. Gagabayan pa rin kita
hanggang dulo.

Panuto: Buoin mo ang mga pahayag sa pamamagitan ng pagpupuno ng inyong


sagot sa patlang. (mula sa iyong nabasang Si Cita na Hindi Sumusuko)

1. Inakala ni Juan na hindi na darating ang araw na maghihirap sila, ngunit

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

2. Sa halip na mag-aral at tumulong sa kabuhayan ng mga magulang si Juan


naman sa kabaligtaran ay -
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

3. Ang pagkamatay ng ama ni Juan at pagkaubos ng kanilang kabuhayan ay


nagpapakita ng katotohanan na ---
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

B. Kung ipo-post mo sa iyong facebook account ang iyong reaksiyon sa


kinasapitan ni Juan sa akda, ano ang iyong magiging post?

____________ __________________________________________________________________

f ________________________________________________________________
_________________________________________________________________

13
Tayahin

Yeheyyy… Nalalapit ka na sa pagtatapos ng modyul. na ito. Nakatutuwa ang


iyong ipinakitang kasiglahan hanggang ngayon kaya siguradong magiging madali sa
iyo ang pagsusulit na ito.

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na mga


pahayag o katanungan. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.

______ 1. “Inang, kaya ko na po ang aking sarili, payagan po ninyo akong maghanap
ng mapagtrabahuan at isasabay ko na rin ang aking pag-aaral.”
Bakit ganito ang sinabi ni Cita sa kanyang ina? Ano ang ipinakita niyang pag-uugali?
A. Ayaw niyang mag-aalala ang ina at gusto niyang makatulong.
B. Sobrang kampante siya sa kanyang kakayahan.
C. Galit siya sa ina at ayaw na niya itong makita.
D. Matapang si Cita at gusto niyang lumayo.
______ 2. “Ipinagmamalaki kita anak sa iyong lakas ng loob at determinasyon, sa
kabila ng ating kahirapan ay nakapagtapos ka ng pag-aaral at hindi ka sumuko.’
Anong damdamin ang nangingibabaw sa pahayag na ito?
A. lungkot
B. alinlangan
C. pagmamalaki
D. pasasalamat

______ 3. Marami ang nahumaling sa tiktok, may mga matatanda at bata.


Nakapagbibigay diumano ito sa kanila ng aliw at kasiyahan. Batay sa pahayag na
ito, ang mga nagtitiktok ay nakaramdam ng –
A. tuwa
B. takot
C. lungkot
D. pagmamalaki

______ 4. Laging trending ang loveteam na Donbelle at humakot ng maraming views


ang IWant Series na He’s Into Her. Bakit nangyari ito? Anong damdamin ang
nangingibabaw sa mga manonood sa kanila?
A. pagkatuwa
B. paghanga
C. pananabik
D. simpatiya

14
Tunghayan mo ang maikling anekdotang ito at sagutin ang mga katanungan bilang 5-9
Anekdota ng Posporo
Ni: Gng. Mercy T. Andujar
Sa isang malayong lugar, may isang matanda na nakatira sa loob ng gubat. Ang
matandang ito ay laging may dalang posporo saan man siya magpunta.
Isang hapon may binatang nagmamaneho ng magarang sasakyan na napatigil sa
lugar na malapit sa kanyang kinaroroonan. Tumirik ang sasakyan nito at hindi na
makausad. Nakita ng matanda ang binata at nilapitan. Papalubog na ang araw at malapit
nang dumilim. Iniabot ng matanda sa binata ang posporo at sinabing gamitin niya ito.
Tinanggihan ng binata ang matanda dahil may flashlight naman siya at gumagana
ang ilaw ng kotse. Umalis ang matanda at iniwan ang binata. Magdamag na nasa loob
ng sasakyan ang binata at hindi ito kaagad nakatulog sa dami ng lamok at sa gutom.
Pagsikat ng araw ay nagising ang binata, napansin niya ang posporo na inabot ng
matanda. Binuksan niya ito at laking gulat niya nang may kakaiba itong laman at
nagsasaad na ’lahat ng iyong hiling ay ibibigay sa bawat pagsindi mo.” Sinubok ng binata
ang pagsindi at humiling ng pagkain. Laking gulat nalang niya nang nagkatotoo ito.
Nanghinayang ang binata sa kanyang pagtanggi dito.

_____ 5. Ano ang natutuhan mo sa akda?


A. maging magalang at mabait
B. magbigay galang at matutong magpasalamat
C. kilalanin ang mga taong kaharap
D. maging positibo lang

______ 6. Tinanggihan ng binata ang tulong ng matanda. Anong damdamin ang


maaring nangibabaw sa puso ng matanda sa bahaging ito? Bakit?
A. Nalungkot dahil naawa siya sa katigasan ng binata.
B. Nanghinayang, dahil hindi tinanggap ang tulong niya.
C. Nagalit dahil hindi man lang kinilala ng binata ang tulong niya.
D. Dismayado sa ipinakita ng binata.

______ 7. Bakit nanghinayang ang binata sa hindi niya pagtanggap sa tulong ng


matanda?
A. Hindi sana siya nagutom at nakagat ng lamok.
B. Hindi niya nakausap ang matanda.
C. Hindi niya nabigyan ng tulong ang matanda.
D. Natagalan ang kanyang biyahe.

______ 8. Anong katotohanan ng buhay ang ipinakita ng akda na iyong napapansin


kahit sa panahon natin ngayon?
A. Maraming masamang tao sa mundo.
B. Pinahalagahan ng tao ang mga materyal na bagay kaysa sa tao.
C. Lagi pa ring umuulan kahit saan.
D. May mabubuti pa ring tao sa mundo.

15
______ 9. Anong ugali ng matanda ang hinahangaan mo at bakit?
A. Mapagkumbaba siya.
B. Mapagkumbaba siya dahil hindi man lang siya nagpakilala.
C. Maginoo siya dahil hindi man lang siya nagalit.
D. Suplado siya dahil hindi man lang siya nagpakilala.

______ 10. Aling damdamin ang ipinakita sa pangungusap na ito: “Pasensya na!
pero ayaw kong makisali sa gawaing masama!”
A. galit
B. umaasa
C. masaya
D. pagtanggi

Karagdagang Gawain

Masaya ako at nakasama kita sa karanasan mong ito. Sana ay naging


masaya ka rin. Bago mo ibalik ang modyul na ito ay tanggapin mo muna ang
masayang hamon ng karagdagang gawain para sa iyong higit na pagkatuto.

Panuto: Mamili ka ng dalawang paksa mula sa agpipilian. Babasahin mo ito sa


internet o di kaya ay sa mga magasin, pampaaralang papel o sa pahayagan. Isulat
ang mga bagay na nakapagbibigay sa iyo ng mga bagong pananaw at damdamin sa
iyong buhay, pag- aaral, pakikipagkaibigan o sa iyong mga mithiin.

Pagkahumaling ng mga Pilipino sa Korean Drama


Ang pagbubukas ng pasukan sa buwan ng Agosto
Ang pagbabago ng kalagayan ng pag-aaral ngayon
Social media at Netflix

Wow na wow! Binabati ulit kita sa iyong matagumpay na pagtatapos


sa modyul na ito. Alam kong gusto mo pang matuto kaya ipagpatuloy
mo ang iyong paglalakbay sa sunod na modyul.

16
17
Balikan Tayahin Subukin
1. b 1. A 1. a
2. c 2. C 2. d
3. a 3. C 3. c
4. B 4. b
5. B 5. a
6. lahat ay tamang 6. c
sagot 7. b
7. B 8. b
8. B 9. c
9. A 10. d
10. C
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Aklat
Vibal Group, 2013) Panitikang Asyano, 5th Floor Mabini Building, DepEd Complex
Meralco Avenue, Pasig City Philippines

Elektronikong Sanggunian

Pixabay.illustrations happy faces emoticons smiley emoji. Mula sa


https://pixabay.com/illustrations/happy-faces-emoticons-smiley-emoji-5049116/

18
9
Filipino
Ikalawang Markahan – Modyul 8:
Linggwistikong Kahusayan,
Gamitin Mo

CO_Q2_Filipino9_ Module8
Filipino – Ikasiyam na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 8: Linggwistikong Kahusayan, Gamitin Mo
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan
na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Bheverly Joy C. Dison, Mary Annie O. Acosta,
Jossie M. Seno
Tagasuri: Jeffry C. Villamor, Alma M. Beton
Editor: Josephine L. Tomboc, Susan S. Bellido, Lilibeth D. Meliton
Tagapamahala: Ruth L. Fuenes
Eugenio B. Penales
Sonia D. Gonzales
Majarani M. Jacinto
Juliet A. Magallanes
Florencio Caballero
Alma D. Belarmino

Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – Region IX


Office Address: Regional Center, Balintawak, Pagadian City
E-mail Address: region9@deped.gov.ph
Alamin

Maligayang pagdating sa ikawalong modyul


kaibigan. Ako ay nagagalak na natapos mo ang mga
nakaraang modyul. Napakahusay mo! Narito ako, ang
iyong kaibigang gagabay sa iyong mga gawain sa
modyul na ito.

Handa ka na ba kaibigan? Nais mo pa bang


madaragdagan ang iyong kaalaman?

Alam mo ba na sa likod ng tagumpay ng isang


mahusay na manunulat, ay ang pag-iipon nito ng
napakaraming kaalaman. Kabilang sa mga kaalamang
ito ay ang mga istruktura at kalikasan ng Wikang
Filipino. Mahalagang matutuhan ang mga ito!

Bahagi ng ating talakayan sa modyul ang


pagpapalalim ng mga kasanayang iyong natutuhan sa
mga akdang pampanitikan ng Silangang Asya,
paggamit ng linggwistikong kahusayan upang makabuo
ng sariling akda na may orihinalidad, kaangkupan sa
paksa at taglay ang mga elemento ng akda.

Simulan na natin ang ating aralin gamit ang iyong aktibong pag-iisip at
mapagkumbabang damdamin. Inaasahan na pagkatapos ng ating paglalakbay at
pagtuklas ay matutuhan mo ang mga sumusunod:

 Nabibigyang- kahulugan ang mahihirap na salita batay sa konteksto ng


pangungusap; ang matatalinghagang pahayag sa parabola; ang mga
salitang may natatagong kahulugan; ang mga salita batay sa kontekstong
pinaggamitan; ang mahihirap na salita batay sa kasingkahulugan at
kasalungat na kahulugan (F9PT-IIi-j-49);
 Naisusulat ang sariling akda na nagpapakita ng pagpapahalaga sa
pagiging Asyano (F9PU-IIi-j-52); at
 Nagagamit ang linggwistikong kahusayan sa pagsulat ng sariling akda na
nagpapakita ng pagpapahalaga sa pagiging isang Asyano (F9WG-IIi-j-52).

1
Subukin

Maghanda kaibigan. Susubukan muna natin kung


mayroon ka nang nalalaman tungkol sa ating aralin.

Panuto: Basahin ang bawat aytem at piliin ang angkop na sagot sa mga sumusunod
na mga pahayag. Isulat lamang ang titik ng wastong sagot na iyong napili sa
sagutang papel.
1. Ang dating kiming tagasunod lamang ay natutong tumutol laban sa karahasan
_____ hindi na matanggap ang dinaranas na kaapihan. Aling pang-ugnay ang
akma sa pangungusap?
A. nang
B. subalit
C. sapagkat
D. saka

2. Sa nangyayaring krisis ngayon sa ating bansa, bilang mamamayan ano ang


magagawa natin upang makatulong? Batay sa tanong, ano ang angkop na
pahayag sa pagbibigay opinyon?
A. Sa aking palagay, upang makatulong sa nangyayaring krisis sa ating bansa
kinakailangang tayo ay magtiwala sa namumuno, maging sa pagsunod sa
batas nang sa gayon hindi madaragdagan ang kanilang problema.
B. Sa tingin ko, kinakailangan din nating kumilos sa pamamagitan ng pag-
aalsa laban sa namumuno.
C. Ibig kong ipasa Diyos na lamang ang lahat.
D. Kinakailangang na maging aktibo ako sa lahat nang ipapatupad na batas
at gawain nang ating bansa.

3. Noong unang panahon, may isang tigre na nahulog sa napakalalim na hukay.


Sumigaw siya nang sumigaw upang humingi ng tulong. ______ ay nakarinig siya
ng mga yabag. Nabuhayan siya ng loob at agad tumayo upang sumigaw ng tulong.
Sa huli, tinulungan ng tao na makaahon ang tigre sa hukay. Anong pahayag ang
isusulat sa patlang upang mabuo ang kuwento?
A. sa simula pa lamang
B. walang ano-ano
C. pagkatapos
D. sa wakas

4. Alin sa mga sumusunod ang ekspresyong gagamitin upang maipahayag ang


damdamin sa pangungusap na ito? “___________, mas pipiliin ko ang
makapagtapos ng pag-aaral kahit maraming pagsubok.”
A. Higit na
B. Siguro makabubuting
C. Kung ako ikaw
D. Inaakala kong

2
5. Anong pagpapahalaga sa pagiging Asyano ang likas sa mga taga-Silangang Asya.?
A. Paggalang sa nakakatanda
B. Pangingibabaw ng pamayanan sa indibidwal
C. Sama-sama sa paggawa
D. Mahigpit na pagkakabuklod-buklod ng pamilya
6. Paano nagiging mabisa ang mga akdang pampanitikan ng Silangang Asya sa
pagpapakilala ng kultura at kaugalian ng mga bansa nito sa mga mambabasa?
A. Sa pamamagitan ng makikita sa mga akdang pampanitikan ang kanilang
paniniwala, pilosopiya, katangian, kaugalian at kultura ng kanilang lahi
B. Sa pamamagitan ng makikita sa kung paano sila kumikilos sa akdang
pampanitikan
C. Sa pamamagitan ng mga pagpapahalaga na ipinapakita nila sa akdang
pampanitikan
D. Sa pamamagitan ng makikita sa mga akdang pampanitikan ang kanilang
ugali
7. Hindi nila sinisisi si Linda, sapagkat naniniwala ang mga taga- Linawon na sa
puso ng dalaga ay hindi nagbuko ang damdaming nagnanasa ng karangalan. Ang
tanging dinaramdam lamang nila’y ang pagkawala ng dating mainam na ugali ng
ama ni Linda na si Tandang Mando. Ang ibig sabihin ng sinalungguhitang parirala
ay____.
A. naging mayabang
B. mahirap itong pakisamahan
C. nagbago ang pakikitungo sa kapwa
D. nagbago ang magandang pag-uugali

8. Hindi na kaila sa mga taga-Pandacan ang pakikipagkasintahan ni Lorena sa


inhinyerong namamahala sa binuksang lansangang nagmumula sa kabayanan.
Hindi nila dinaramdam ang gayon, sapagkat wika nila’y likas na yaon sa mga
taong magkakatugon ang damdamin. Ang ibig sabihin ng magkatugon ang
damdamin ay________________________.
A. pareho ang minamahal
B. pareho ang iniibig
C. iisa ang itinitibok ng puso
D. iisa ang isinisigaw
9. Mayaman ang batang binusog ng pabula. Ano ang nais ipahiwatig nito?
A. Matalino ang bata sapagkat nagbabasa ng pabula.
B. Mayaman ang bata sa kaalaman tungkol sa mga hayop.
C. Matalino at may mabuting asal ang batang natuto sa mga pabula.
D. Maraming maibabahagi sa iba ang batang maraming nabasang kuwento.

10. Anong bansa sa Silangang Asya ang kilala at nangunguna sa larangan ng


ekonomiya at teknolohiya hindi lamang sa Asya kundi maging sa buong daigdig?
A. Pilipinas
B. Japan
C. Korea
D. Taiwan

3
Aralin Linggwistikong

1 Kahusayan, Gamitin Mo!

Magaling! Ngayon ay alam kong handa ka na sa ating


bagong aralin.

Sa pamamagitan ng mga gawaing inihanda para sa


iyo, alam kong magagamit mo ang linggwistikong kahusayan
sa pagsulat ng sariling akda na nagpapakita ng
pagpapahalaga sa pagiging isang Asyano.

Simulan na natin ang iyong pag-aaral kaibigan!

Balikan

Naalala mo pa ba ang mga bansang napabilang sa Silangang Asya?


Magaling! Ito ay ang mga bansang Japan, Korea, Taiwan, China at Mongolia.
Nauunawaan at napahahalagahan mo ba ang tanka at haiku, pabula,
sanaysay, maikling kuwento, at dula sa pag-aaral nito?
Naisakatuparan mo ba lahat ng nakaatang na Gawain sa Modyul 1 hanggang
Modyul 7?

Mga Tala para sa Guro

Bilang isang tagapagdaloy, ikaw ay inaasahang gumamit ng iba’t


ibang paraan sa pagtuturo ng modyul na ito. Kailangan mong
ipaalam sa mga mag-aaral ang mahusay na pagbasa at pagsunod
nang wasto sa mga panuto.

4
Tuklasin

Napakahusay mo kaibigan!
Sa kasunod na mga Gawain, tuklasin mo ang mga
bagay na makatutulong upang makabubuo ka ng iyong
sariling akda.

Gawain 1. Suriin Mo!


Panuto: Suriin ang pangungusap at piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Batay sa sanaysay na pinamagatang “Ang Kababaihan ng Taiwan: Ngayon at


Noong Nakaraang 50 Taon”, ang mga babae ay walang karapatang
magdesisyon _____ kanilang mababang kalagayan sa tahanan.
A. sapagkat C. dahil sa
B. palibhasa D. maging

2. “Natatalastas ko ang iyong ikinagagalit. Oo, hindi kita sinisisi…


_________ may katuwiran ka, datapwat lahat ay may kaniya- kaniyang
hangganan…” wika ni Don Cristobal sa dulang “Dahil sa Anak”.
A. kung ako ang tatanungin C. sa totoo lang
B. sa palagay ko’y D. kung hindi ako nagkakamali
3. Alin sa sumusunod na pangungusap ang angkop na pahayag sa pagtatapos
ng isang kuwento?
A. Sa huli, naisipan ng prinsesang tutubi na lumipad patungo sa labas ng
kaharian.
B. Sa huli, pinagtawanan ng mga matsing ang nabasang prinsesa ng
tutubi.
C. Sa wakas, nagsalubong sa gitna ng parang ang mga manlilipad na
tutubi at ang hukbong sandatahang matsing.
D. Sa wakas, naipaghiganti nila ang pagkaapi ng kanilang prinsesa at ng
buong kahariang Matutubina.
4. Alin sa mga sumusunod ang ekspresyon sa pagpapahayag ng damdamin?
A. inaakala kong mas C. gusto mong sumang-ayon
B. sa aking palagay D. kaawa- awang bata
5. Alin sa mga sumusunod ang nagpapahayag na “Hindi siya ang kaibigan ko.”
A. Hindi, siya ang kaibigan ko. C. Hindi siya ang kaibigan ko.
B. Ako, hindi siya ang iyong kaibigan. D. Hindi, ako ang kaibigan mo.

5
Gawain 2. Pagtapat-tapatin Mo!
Piliin sa Hanay B ang mga pangungusap o mga pangyayari na nagpapakita ng
pagpapahalaga natin bilang Asyano. Isulat ang titik ng tamang sagot sa inyong
sagutang papel.

Hanay A Hanay B
1. Japan A. binibigyang pansin ang karapatan at
2. Korea kahalagahan ang mga kababaihan
3. Taiwan B. bilang Asyano pinapahalagahan natin ang ating
4. China kapaligiran lalo na ang kalikasan ito’y makikita
5. Mongolia natin sa mga akdang tanka at haiku
C. makikita sa kanilang maikling kuwento ang
pagpapahalaga sa pagkabuklod-buklod ng
pamilya
D. sa kanilang dula pinapahalagahan ang buhay
at relasyon ng mag-ama
E. may pagpapahalaga sa mga hayop at
naniniwalang ito’y may simbolong ugnayan
sa bansa at sa mga mamamayan

Gawain 3. Sagutan Mo!

Panuto: Suriin at sagutan ang mga sumusunod. Isulat sa papel ang tamang sagot sa
puwang/kahulugan sa initimang mga salita.

1. Payapa at tahimik
Ang araw ng tagsibol
Maaliwalas
Bakit ang Cherry
Blossoms
Naging mabuway?

Ano ang kahulugan ng salitang mabuway?


A. paglipas ng panahon C. nalanta
B. malapit na ang taglamig D. namumukadkad
2. Ano ang simbolo ng imaheng kuneho sa pabulang “Ang Hatol ng Kuneho”?
A. mahinahong tao C. mahinang tao
B. makatarungang tao D. matalinong tao
3. Iantas ang mga sumusunod na salita batay sa tindi ng emosyon o damdamin:
(ligaya, tuwa, ngiti, saya)
A. ngiti, saya, ligaya, tuwa C. saya, ngiti, tuwa, ligaya
B. ngiti, saya, tuwa, ligaya D. saya, tuwa, ngiti, ligaya
4. Kinabukasan ipinagpatuloy ng tigre ang paghingi ng tulong hanggang siya’y
mapagaw. Nang walang tulong na dumarating lumupasay siya sa lupa. Ang
ibig sabihin ng lumupasay ay:
A. nahiga C. lumubog
B. bumulagta D. nagpahinga

6
5. Nais sanang tulungan ng lalaki ang tigre subalit nangibabaw ang kaniyang
pangamba.
A. pag-aalinlangan C. pagdadalawang-isip
B. takot D. hinala

Suriin

Nasuri mo na ba ang iyong linggwistikong


kahusayan? Tara na at mas paunlarin pa ang
iyong karunungan at kagalingan. Pag-ukulan mo
ng pansin kaibigan ang mga sumusunod:

Ano na nga ba ang mga natutunan mong linggwistikong kahusayan?


Matatandaang naituro na sa iyo ang mga ito sa mga nagdaang modyul ng ikalawang
markahan. Kaya ngayon ay magkaroon tayo ng pagbabalik tanaw upang maging
handa ka sa pangwakas na awtput.

Sa unang bilang ng tuklasin ay tinalakay muli ang tungkol sa pang-ugnay.


Nalalaman mong ang akmang ginamit sa pangungusap upang maiuugnay ang
sugnay na makapag-iisa sa sugnay na di-makapag-iisa ay ang “dahil sa”, bilang
pantulong sa unang sugnay.

Tinalakay din sa unang Gawain ng tuklasin ang iba pang paksang


panggramatika katulad ng mga pahayag na “sa palagay ko’y” sa ikalawang bilang
upang maipahayag ng nagsasalita sa dula ang kaniyang opinyon sa kinakausap.
Gayundin sa ikatlong bilang kung saan nagamit mo ang angkop na pahayag na
naghuhudyat sa wakas na ang ibig sabihin sa bahaging ito nagtatapos ang kuwento.

Nandiyan naman sa pang-apat na bilang ng tuklasin ang pariralang “kaawa-


awang bata” na halimbawa ng ekspresyon sa pagpapahayag ng damdamin na
pagkaawa. Kasunod nito ay ang pagkakaiba ng kahulugan ng salaysay kapag
ginamitan ng ponemang suprasegmental na hinto/antala. Naiiba talaga ang
kahulugan kapag sinabing “hindi, siya ang kaibigan ko” ibig sabihin sinagot mo nang
hindi ang naunang katanungan na marahil iba ang itinuturong kaibigan. Pagkatapos
ay idinurugtong mo ang katotohanang siya ang kaibigan ko na ang tinutukoy mo ay
ang ibang tao. Samantalang kapag sinabi na “hindi siya ang kaibigan ko” na
diretsahang ipinaalam na hindi ang kaharap mo ang siyang iyong kaibigan.

Nagbalik-aral din tayo sa Gawain 2 kung saan iniisa isa natin ang mga akdang
pampanitikan na nagmula sa Silangang Asya. Matatandaang ang Tanka at Haiku ay

7
nagmula sa bansang Japan kung saan nangingibabaw dito ang pagpapahalaga sa
kapaligiran lalo na ang kalikasan na mas lalong napahahalagahan sa pamamagitan
ng pagpapanatili at pagpapayaman nito sa kabila ng pag-unlad. Ang pabulang “Ang
Hatol ng Kuneho” na nagmula sa Korea ay kakikitaan nang kanilang paniniwalang
ang mga hayop ay may simbolong ugnayan sa bansa at sa mga mamamayan.
Sinasabing ginamit ng mga taga Korea ang simbolong hayop sa kanilang iba’t ibang
dynasty. Hindi rin pahuhuli ang bansang Taiwan sa kanilang sanaysay na
pinamagatang “Ang Kababaihan ng Taiwan: Ngayon at Noong Nakalipas na 50 Taon”.
Inilahad sa sanaysay ang hindi pantay na karapatan ng babae sa lalaki sa larangan
ng trabaho, subalit sa ngayon ay binibigyang pansin na ang karapatan at
kahalagahan ng mga kababaihan. Kakikitaan naman ang maikling kuwento ng tsina
nang pagpapahalaga sa pagkabuklod-buklod ng pamilya. At ang Mongolia ay ang
may pagpapahalaga sa buhay at relasyon ng pamilya.
Nilinang naman sa Gawain 3 ang iyong kagalingan sa pagpapakahulugan sa
mga matatalingha-gang mahahalagang salitang ginamit sa tanka. Ang salitang
mabuway sa tanka ni Ki no Tomonori na isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat ay
nangangahulugan pala na nalanta. Sa ikalawang bilang naman ay ang
pagpapakahulugan sa imaheng kuneho sa pabula na sumisimbolo sa matalinong
paghahatol ng tao.
Kung sa tindi ng damdamin o emosyon naman ang pag-uusapan ay
napakadali sa atin ang pag-antas nito lalo’t tungkol sa pag-ibig. Hindi maikaila sa
atin na sa pamamagitan ng galaw ng labi masasabi natin ang emosyong taglay ng
tao. Nagsimula sa ngiti, tumindi sa saya, mas lalong tumindi sa tuwa at
pinakamsidhing naramdaman ang ligaya. Lahat ng ito’y bunga ng pagsasapuso sa
mga nagdaang leksyon. Katulad na lamang ng pang - apat at panlimang bilang kung
saan nakapokus ito sa pagpapakahulugan ng mga salita batay sa konteksto ng
pangungusap. Ibig sabihin, atin lamang unawain ang pangungusap at ang ideyang
ipinapahiwatig ng bawat salita na bumubuo nito. Sa salitang lumupasay ay
matutunogan mong bumulagta ang kahulugan nito sapagkat nalalaman mo mula sa
pangungusap na ilang araw ng humingi ng tulong ang tigre kaya siya napagaw at
nanghina at bumulagta. Samantalang ang pangamba ay nangangahulugang takot.
Sino ba naman sa atin ang hindi matatakot kung makakita ng tigre? Hindi ba?

Ngayon, malinaw na ba sa iyo ang lahat? Kung gayon, maghanda para sa


kasunod na Gawain.

8
Pagyamanin

Kaibigan, kapag nasagot mo ang mga sumusunod na


gawain, tiyak mapagyayaman mo ang iyong natutuhan.

Gawain 1. Gawin Mo!

Panuto: Basahin ang mga pangungusap. Kopyahin at bilugan ang ginamit na


pahayag sa pagbibigay ng opinyon, matibay na paninindigan at mungkahi.

1. “Sa ganang akin, walang duda sa kung ano ang dapat gawin,” wika ng baka sa
tigre. “Dapat mo siyang kainin!”
2. “Sa totoo lang, walang alam ang tao sa pagtanaw ng utang na loob kaya ang
hatol ko ay kainin mo ang tao,” sabi ng puno sa tigre.
3. “Sa ibang salita, kung ang tao ay hindi nagpakita ng kabutihan at iniwan ang
tigre sa hukay, walang naging problema. Kaya naisip ko na magpatuloy ang tao
sa kaniyang paglalakbay at dapat manatili ang tigre sa hukay.” sabi ng kuneho
sa dalawa.

Gawain 2. Ikuwento Mo.

Panuto: Gamit ang mga pahayag sa pagsisimula, pagpapatuloy ng mga pangyayari


at pagtatapos ng isang kuwento, punan ang mga patlang sa salaysay na nasa
ibaba. Isulat ang tamang sagot sa sagutang papel.

isang araw pagkatapos noong unang panahon


sa huli walang ano-ano’y

1. ______________, sa malayong kaharian ng mga tutubi ay may naninirahang isang


prinsesang tutubi. 2. ________________, naisipan niyang lumipad patungo sa labas ng
kaharian. Wiling-wili siya sa lahat ng kaniyang nakikita kung kaya’t hindi niya
napansin ang pamumuo ng maiitim na ulap sa papawirin. 3. _____________ bumagsak
ang napakalakas na ulan. Naisipan ng prinsesang tutubi na sumilong muna sa isang
punongkahoy. 4. ________________ ng malakas na pagbagsak ng ulan naalala ng
prinsesa na baka hinanap na siya ng Haring Tubino at Reyna Tubina. 5. ____________,
mabilis na lumipad ang prinsesa pauwi sa kanilang tahanan.

9
Gawain 3. Unawain Mo!
Sagutin ang mga tanong o gawain sa isang sagutang papel.
Isulat sa iba pang mga bilog ang hinihingi sa gitnang bilog.

Mga Pangungusap o Pangyayari na


nagpapakita ng Pagpapahalagang Asyano sa
mga akdang pampanitikan ng Silangang
Asya katulad ng Tanka at Haiku.

Gawain 4. Pagpapakahulugan.

Panuto: Bigyang kahulugan ang mga salitang sinalungguhitan sa pangungusap.


Isulat sa sagutang papel ang iyong sagot.
1. Sa kagubatan
Hangi’y umaalulong
Walang matangay.
A. nalulungkot C. naghihinagpis
B. nagsisigaw D. pumapailanlang
2. Ang gobyerno ng Taiwan ay gumagawa na ng batas sa pagkakaroon ng pantay na
karapatan upang higit nilang mapangalagaan ang kababaihan.
A. kakayahan na gawin ang gusto kahit mali
B. tungkulin bilang mamamayan
C. tungkulin na nararapat para sa isang indibidwal
D. kakayahan na magdesisyon at gumawa ng mga bagay na may kalayaan
3. Kaya’t nang matapos ang labanan ay nakabulagtang lahat ang mga matsing.
Samantala, walang sinumang tinamaan sa mga mabilis umiwas at lumipad na
mga tutubi.
A. sumisimbolo sa pagiging matulin, tapang at lakas
B. sumisimbolo sa pagiging matalino at mapagkumbaba
C. sumisimbolo sa pagiging tuso at mapamaraan
D. sumisimbolo sa pagiging marahas at mapanlinlang

10
4. Nag-order siya ng kinse na larawan para hindi na siya bumalik pa sa
susunod at ikinabuwisit niya ang ituring na kahangalan ang ganito.
A. kapuri-puri C. katarantaduhan
B. katawa-tawa D. kakaiba

5. Ang paghanga natin sa mga akdang pampanitikan ng Silangang Asya ang


mag-uudyok sa atin ng higit na pag-irog mandi’y pagmamahal sa Inang
Bayan. Batay sa pangungusap alin sa tatlong sinalungguhitang salita ang
may pinakamasidhing damdamin ang ipinahayag?
A. paghanga C. pag-ibig
B. pagmamahal D. pag-irog

Magaling!

Sa tingin ko’y napagyaman nang muli ang iyong kaalaman. Ngayon ihanda na ang
iyong sarili sa mas kapana-panabik na mga Gawain.
Sigurado akong masisiyahan ka!

Isaisip

Huwag kalimutan ang mga nagdaang karunungan at


kaalaman dahil ito ay susi sa iyong magandang kinabukasan.
Laging isaisip at ito ay… tandaan!

Panuto: Kumpletuhin ang Hagdan ng mga Konsepto.

Ngayon, masasabi ko na …

Upang maiuugnay natin ang sugnay na makapag-iisa sa sugnay na di-


makapag – iisa ay kinakailangan nating gumamit ng mga salitang _________. Para
naman maipahayag ng nagsasalita ang kaniyang opinyon sa kausap ay gumamit
tayo ng mga pahayag katulad ng ___________. At sa mabisang pagkukuwento gamit
ang pahayag na ________bilang hudyat sa pagsisimula, ______ sa pagpapatuloy ng
mga pangyayari at _________ sa pagtatapos ng kuwento. Habang gamit naman natin
ang _________ bilang ekspresyon sa pagpapahayag ng damdamin.

11
Natuklasan ko na…

Hindi pawang kuwento lamang ang dala ng mga akdang panitikan sa Silangang
Asya, kundi iniisa - isa nito ang iba’t ibang pagpapahalagang Asyano na tunay na
kahanga – hanga at dapat panatilihin at paunlarin. Sa tanka at haiku ng Japan ay
makikita ang _____________________. Sa pabula ng Korea na “Ang Hatol ng Kuneho”
ay kakikitaan naman ng pagpapahalaga sa ________________. Hindi rin pahuhuli
ang Taiwan sa kanilang sanaysay na “Ang Kababaihan ng Taiwan: Ngayon at Noong
Nakaraang 50 Taon” na nagpapakita ng _____________. Gayundin ang China sa
kanilang maikling kuwento na “Niyebeng Itim” na kakikitaan ng _____________.
Panghuli ay ang Mongolia sa kanilang dulang “Munting Pagsinta” na
nagpapahalaga sa ______________________.

Natutuhan ko sa buong modyul na…

Ang mga matatalinghagang mahahalagang salitang ginamit sa tanka at haiku ng


Japan ay may mga nakatagong kahulugan katulad ng paglagas ng Cherry
Blossoms na nangangahulugang _______ na ang Cherry Blossoms. Gayundin sa
pabula ng Korea na gumagamit ng mga tauhang hayop bilang imahe o simbolo
sa nais ipakahulugan ng mga manunulat. Halimbawa ang imaheng tigre na
nangangahulugang ___________. Naipaliliwanag din natin ang mga salitang di-
lantad ang kahulugan batay sa konteksto ng pangungusap. Gaya ng
lumupusay na ang ibig sabihin ay _________At ang huli, ay ang pag-aantas nga
mga salita batay sa tindi ng damdamin: ngiti, saya, ______, ligaya.

Magaling! Ngayon handa ka na upang ipakita ang iyong linggwistikong kahusayan


sa pagsulat ng iyong sariling akda na nagpapakita ng pagpapahalaga sa pagiging
Asyano.

Isagawa

Panuto:
Sa isang bondpaper, sumulat ng islogan tungkol sa nangyayaring pandemya
na nagpapakita ng pagpapahalaga sa pagiging Asyano batay sa sumusunod na
pamantayan:

12
Pamantayan

Blg. Deskripsiyon Bahagdan

1 May pagkamalikhain at may orihinalidad 30%

2 Nagpapahayag ng mga Asyanong Pagpapahalaga. 30%

3 Mabisa ang paggamit ng mga salita batay sa pahayag 20%


o damdaming nais ipahiwatig.

4 Nagagamit ng may kahusayan ang mga ekspresyon 20%


sa pagpapahayag ng damdamin, pahayag sa
pagbibigay opinyon, pahayag sa
pagsisimula/pagpapatuloy/pagwawakas, angkop na
pang-ugnay.

Kabuuan 100%

Tayahin

Basahin, unawain at isagawa mo ang nakaatang na


Gawain:

Sa kasalukuyan, maraming suliranin ang


kinakaharap ng ating bansa at ng mga bansa sa buong
daigdig. Isa na rito ang pandemya na kumakalat at
kumikitil ng buhay. Maraming pag-aaral ang isinagawa
at isa ang pagbabakuna sa nakikitang solusyon upang
maagapan ang nasabing pandemya.
Bilang isang mamamayang Pilipino at bilang Asyano,
ano ang iyong opinyon tungkol dito?
Gamit ang iyong natutuhan sa buong ikalawang
markahan ay sumulat ka ng sariling akda (kasabihan,
tanaga, memes o hugot lines) tungkol sa pagbabakuna
na nagpapakita ng Asyanong pagpapahalaga.

Gawing gabay ang pamantayan na inihanda para


sa Gawain.

13
Naririto ang pamantayan sa isusulat na akda

Blg. Deskripsiyon Bahagdan

1 Nagamit ang angkop na salita (tamang pang-ugnay, tamang 25%


ekspresyon sa pagpapahayag ng damdamin, angkop na mga pahayag
sa pagbibigay ng opinyon, at angkop na pahayag sa pagsisimula,
pagpapatuloy at pagtatapos ng isang kuwento) upang mabisang
maipahayag ang mensahe.

2 Kakikitaan ng pagpapahalaga sa pagiging Asyano 15%

3 May malaking kaugnayan sa paksa ang islogan 15%

4 May orihinalidad 15%

5 Malinis at malinaw ang pagkakasulat ng mga salita 15%

6 Malikhain sa pagpost sa social media at nagagamit ng tama ang mga 15%


mahihirap at matatalinghagang salita.

Kabuuan 100%

Mahusay kaibigan!
Natatalas kong iyong naisapuso ang lahat ng mga Gawain at kaalaman sa buong
ikalawang markahan. Ikinagagalak ko ang mabuti mong partisipasyon sa modyul na
ito!

Karagdagang Gawain

Upang matitiyak mo ang iyong natutuhan sa


ating aralin, gawin mo ang gawain na kasunod.

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa iyong sagutang papel.

1. Ang paggamit ng hayop na ito sa akda ay nangangahulugang mabagsik,


mapanlinlang at walang utang na loob.
A. tigre C. baka
B. tao D. kuneho
2. Alin sa magkapares na salita ang magkasingkahulugan?
A. padapuan-pagapangan C. iyak nang iyak - umaatungal
B. wagas - dalisay D. magpahele-magpa-alaga

14
3. Ang sumusunod ay halimbawa ng ekspresyon sa pagpapahayag ng damdamin
maliban sa __________.
A. Lubos kaming natutuwa sa iyong pagdating. C. Salamat!
B. Yehey! Nanalo ako! D. Gusto ko sanang sumang-ayon sa’yo.
4. Ginagamit sa mga kuwentong ito ang mga hayop bilang tauhan.
A. maikling kuwento C. sanaysay
B. pabula D. dula
5. Punan ng tamang pang-ugnay ang pangungusap. “Nag-aral siya ___ leksyon para sa
nalalapit na pagsusulit.”
A. ng C. nang
B. sa D. may
6. Gamit ang konotasyon na pagpapakahulugan, ano ang “pusang itim”?
A. uri ng hayop C. kulay
B. nagbabadya ng kamalasan D. nangangalmot
7. “___________, sa Kyoto'y may isang relihiyosong lalaki. Madalas
siyang bumisita sa Rokkaku-do (Dambanang Heksagonal) para mag-alay ng
taimtim na panalangin kay Kannon-sama, ang Diyosa ng Awa, na
nakadambana roon.” Anong pahayag ang gagamitin upang mabuo ang salaysay?
A. pahayag sa pagsisimula C. pahayag sa pagtatapos ng kuwento
B. pahayag sa pagpapatuloy ng pangyayari D. pahayag sa kuwento
8. Simula nang makalabas sa kulungan si Li Huiquan ay kinupkop siya agad ni Tiyo
Lou. Tinulungan upang makapagsarili ng negosyo at magbagong buhay. Anong
pagpapahalagang Asyano ang ipinapakita sa salaysay?
A. Pagpapahalaga sa pamilya . C. Pananampalataya o pananalig sa Diyos.
B. Paggalang sa nakatatanda . D. Paggalang sa awtoridad.
9. Tumutukoy ito sa literal na pagpapakahulugan sa mga salita.
A. denotasyon C. kasingkahulugan
B. konotasyon D. kasalungat
10. Ang pangatnig ay mga kataga o salita na _______ng dalawang salita, parirala, o
sugnay na pinagsunod-sunod sa pangungusap.
A. nagsasama C. nagtuturing
B. nag-uukol D. nag-uugnay

Binabati kita! Matagumpay mong


naisagawa ang mga gawain sa araling ito.
Kung hindi mo pa lubos na naunawaan ang
paksa, ay maaari mong balikan ang modyul
na ito o di kaya’y magtanong sa iyong guro.
Tandaan, ang nagtatanong ay nagpapahayag
ng pagnanais na matuto. Kung malinaw na sa
iyo ang lahat ay maaari ka nang magpatuloy
sa iyong paglalakbay.

15
16
Tuklasin
Gawain 1 Gawain 3
1. C 1. C
2. B 2. D
3. D 3. B
4. D 4. B
5. C 5. B
Gawain 2 Pagyamanin
1. B
2. E Gawain 1.
3. A
4. C 1. sa ganang akin
5. D 2. sa totoo lang
3. sa ibang salita
Gawain 2
Subukin Karagdagang 1.noong unang panahon
Gawain 2. isang araw
1. C 3. walang ano-ano’y
2. A 4. pagkatapos
1. A
3. B 5. sa huli
2. B
4. C
3. D
5. D Gawain 4
4. B
6. A
5. C
7. C 1. A
6. B
8. C 2. D
7. A
9. C 3. A
8. A
10. B 4. C
9. A
10.D 5. B
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian:

Peralta, Romulo N., Lajarca, Donabel C., Cariño, Eric O., Lugtu, Ma. Aurora C., et al., Panitikang
Asyano, Modyul ng Mag-aaral sa Filipino 9. Pasig City Philippines: Vibal Group Publishing House,
Inc.2014

17
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like