You are on page 1of 15

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

PANGALAN: _____________________ PETSA: _________________ ISKOR:________


Grade Level: 9
Nagmula ang salitang Ekonomiks sa salitang pranses na “economie” na ang
ibig sabihin ay pamamahala ng sambahayan. Dito naman hinango sa salitang
Griyego ang salitang oikonomia na mula sa dalawang salitang oikos na
nangangahulugang bahay at nomos na ang ibig sabihin ay mamahala.
1. Ang ekonomiks ay nagmula sa salitang Griyego “oikonomia”. Ano ang ibig
sabihin ng salitang ito sa wikang Pilipino?
A. Disiplinadong Mamamayan
B. Organisadong Pamayanan
C. Pamamahala ng Sambahayan
D. Panlipunang Organisasyon ng Sambahayan

2. Ito ay isang mekanismo kung saan ay inaasahan na magkakaroon ng isang


maayos na pamamahagi at paggamit ng limitadong pinagkukunang yaman
ng bansa.
A. Alokasyon
B. Kakulangan
C. Kakapusan
D. Distribusyon

3. Sa Pinag-uutos na Ekonomiya, ang desisyon ng pamahalaan ang siyang


nasusunod sa pamamalakad ng pamilihan. Samantalang sa tradisyunal
na ekonomiya naman ay ang tribu or ang kanilang kultura ang batayan
ng pamamalakad sa ekonomiya maging sa pamayanan. Sino ang
nasusunod sa pamamalakad at pagpapatakbo ng pamilihan sa
pampamilihang uri ng ekonomiya?
A. Konsyumer/ Pamahalaan
B. Konsyumer/ Prodyuser
C. Pamahalaan/Tribu
D. Tao/ Pamahalaan

4. Bakit mahalaga ang pag-aaral ng ekonomiks para sa pananaw ng mga


mag-aaral?
A. Mapalalim ang panlipunang kaisipan ng mga mag-aaral hinggil sa mga
isyu sa ating lipunan.
B. Upang mapahalagahan ang tamang paggasta at pagdedesisyon sa
pagpili ng pangangailangan at kagustuhan.
C. Ito ay humuhubog sa kaisipan upang maging mapanuri at maging
matalino sa pag-gawa ng desisyon sa pang-araw araw na pamumuhay.
D. Ang pag-aaral ng ekonomiks ay bahagi ng pang-araw araw na
pamumuhay ng isang indibidwal na nagiging batayan ng kanyang
kaalaman at pagiging bahagi ng lipunan.

Address: Matalino St., D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 • Email Address: region3@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

5. Ang produksyon ay isang proseso na nagpapabago sa anyo ng isang


produkto. Alin sa mga sitwasyon ang nagpapakita ng proseso ng
produksyon?
A. Sikat na sikat ang tinapay na minasa mula sa bayan ng Bustos.
B. Si Tatay Danny ay namitas ng mga mangga upang ibenta sa pamilihang
bayan ng Baliwag.
C. Masarap ipangpasalubong ang mga tuyo, tinapa at daing na pusit mula
sa Bataan.
D. Umangkat ng sitsaron si Aling Levy sa bayan ng San Miguel, Bulacan
upang ibenta sa kanyang mga kaopisina.

6. May mga katangian ang mga entrepreneur upang maging matagumpay


ang sektor ng produksyon. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang dito?
A. Marunong makisama sa kaniyang mga kasamahan sa trabaho.
B. Sinusuring mabuti ang mga pangangailangan ng kaniyang negosyo.
C. Mahusay maghanap ng mga negosyante na maaaring maging kabahagi
sa kaniyang negosyo.
D. Nagpaplano at nagdedesisyon para sa lahat kapakanan ng kanyang
mga nasasakupan.

7. Alin ang naglalarawan sa pagkonsumo sa aspekto ng ekonomiya?


A. Ito ay tumutukoy sa pagbili at paggamit ng mga produkto at serbisyo
batay sa pangangailangan ng indibidwal.
B. Ito ay tumutukoy sa proseso ng pagbili ng mga produkto at serbisyo.
C. Ito ay pagtugon sa ating walang pangangailangan at kagustuhan ng
tao.
D. Ito ay mekanismo upang maging maayos ang mapapahagi ng
pinagkukunang yaman ng bansa.

8. Ang mga pahayag ay karapatan ng mga mamimili maliban sa isa.


A. Karapatan ng mga mamimili na guluhin at piliin ang mga produkto na
kanilang nais bilhin.
B. Karapatan ng mga mamimili naibalik ang mga produkto kung ito ay
lagpas na sa expiration date.
C. Karapatan ng mga mamimili na suriin ang mga sangkap ng kanilang
mga produkto bago ito ipagbili.
D. Karapatan ng mga mamimili na siguraduhin na ligtas at maayos ang
kanilang mga produktong bibilhin.

Address: Matalino St., D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 • Email Address: region3@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

9. Sa bawat pagpapasya ay nararanasan ang trade-off at opportunity cost.


Ang trade-off ay ang pagpili o pagsasakripisyo ng isang bagay kapalit ng
ibang bagay at ang opportunity cost ay ang halaga ng bagay o best
alternative na handing ipagpalit sa bawat paggawa ng desisyon. Bakit may
nagaganap na trade off at opportunity cost?
A. Dahil sa limitado ang kaalaman ng konsyumer.
B. Dahil walang katapusan ang kagustuhan ng tao.
C. Upang makagawa ng produktong kailangan ng pamilihan.
D. Dahil may umiiral na kakapusan sa mga produkto at serbisyo.

10. Isa sa mga tungkulin ng mamimili ay ang pagkakaroon ng malasakit


panlipunan, sa paanong paraan nakakatulong sa kapwa ang pagtangkilik
natin sa mga produktong sariling atin?
A. Sa pagtangkilik natin sa ating mga produkto, mas nakikilala ito ng
ibang bansa.
B. Sa ganitong paraan, mas marami ang mahihikayat na magnegosyo at
umasenso sa buhay.
C. Maiiwasan ang pagkakaroon ng artipisyal na kakulangan sa mga
produkto dahil dadami ang demand dito.
D. Wala itong epekto dahil ang konsyumer ay may karapatang pumili ng
produkto at serbisyo na kanyang bibilhin.

11. Inaasahanna tataas ang presyo ng bigas sa susunod na Linggo, ano ang
epekto nito sa desiyon mo ngayon sa pagbili ng bigas?
A. Dadami ang bibilhing bigas.
B. Bababa ang dami ng bibilhing bigas.
C. Tataas ang pagbili ng alternatibong produkto.
D. Pantay lamang sa kasalukuyan ang iyong bibilhin.

12. Ang social media sa kasalukuyan ang isa sa may malawak na


impluwensiya sa iba’t ibang larangan ng anunsyo ng mga produkto at
serbisyo, paano mo mapapangalagaan ang iyong karapatan sa tamang
impormasyon?
A. Pahalagahan ang kalidad at hindi ang tatak ng produkto at serbisyong
bibilhin.
B. Palagiang gumamit ng recycled na produkto upang mapangalagaan ang
kapaligiran.
C. Palagiang pumunta sa timabangang-bayan upang matiyak na husto
ang biniling produkto.
D. Pag-aralan ang nakatatak sa etiketa ukol sa sangkap, dami, at
komposisyon ng produkto.

Address: Matalino St., D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 • Email Address: region3@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

13. Kung ikaw ay isang matalinong mamimili ano ang dapat mong isaalang-
alang sa tamang pagpapasya?
A. Isaalang-alang ang mga kasamahan sa bahay.
B. Isaalang-alang ang mga pangarap na ninanais.
C. Isaalang-alang ang mga kaibigan at katrabahao.
D. Isaalang-alang ang opportunity cost o halaga ng isang bagay na
kailangang ipagpalit sa paggawa ng desisyon.

14. Isa sa mga tungkulin ng mamimili ay ang pagkakaroon ng malasakit


panlipunan, sa paanong paraan nakakatulong sa kapwa ang pagtangkilik
natin sa mga produktong sariling atin?
A. Sa pagtangkilik natin sa ating mga produkto, mas nakikilala ito ng
ibang bansa.
B. Sa ganitong paraan, mas marami ang mahihikayat na magnegosyo at
umasenso sa buhay.
C. Maiiwasan ang pagkakaroon ng artipisyal na kakulangan sa mga
produkto dahil dadami ang demand dito.
D. Wala itong epekto dahil ang konsyumer ay may karapatang pumili ng
produkto at serbisyo na kanyang bibilhin.

15. Si Olive at Mocha ay nagnanais na magtayo ng negosyp sa kanilang


probinsya ngunit hangad din nilangmakatulong sa mga kababayan?
Paano kaya nila nito magagawa?
A. Kuhanin ang mga kababayan nila upang ang mga ito ang magsilbing
lakas- paggawa sa kanilang kompanya.
B. Magmasid sa kanilang probinsya upang ang mga salik ng produksyon
ay sa kanilang probinsya magmula.
C. Bilhin ang mga kabuhayan ng mga mamamayan at palitan ang mga ito
sa ibang lugar.
D. Umangkat sa ibang bayan ng mga salik ng produksyon.

16. Ito ang tawag sa dami ng kalakal na handa at kayang bilhin ng mga
mamimili sa isang takdang panahon.
A. Demand
B. Produkto
C. Suplay
D. Timbang

Address: Matalino St., D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 • Email Address: region3@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

17. Ang mekanismo kung saan nagtatagpo ang prodyuser at konsyumer


upang maganap ang bentahan.
A. Lansangan
B. Pamilihan
C. Pasyalan
D. Sanglaan

18. Sa bawat pagtaas ng presyo ng mga produkto ay pagbaba na demand o


pagnanais ng tao na bilhin ang mga produkto kahit na ito ay kailangang
pangangailangan. Anong batas ang tinutukoy ng pahayag?
A. Batas ng Presyo
B. Batas ng Suplay
C. Batas ng Demand
D. Batas ng Pagkunsumo

19. Paano nakaaapekto ang mga sakuna tulad ng bagyo at baha sa demand
ng pagkain ng mga Pilipino?
A. Bumababa ang presyo ng mga produktong naaani.
B. Marami ang nasisirang produkto sa mga pagawaan at bodega.
C. Nagtataas ang presyo ng mga bilihin dahil sa nalubog sa baha.
D. Nalulugi ang mga magsasaka dahil sa pagkasira ng mga pananim.

20. Ano ang relasyon ng presyo at dami ng suplay na makikita sa kurba sa


ibaba? P A

0 Qs

A. Ang paggalaw ng paitaas o upward sloping curve ay nagpapakita ng


direktang ugnayan sa pagitan ng presyo at sa dami ng gusto at handang
ipagbili ng mga prodyuser.
B. Ang paggalaw ng paibaba o downward sloping curve ay nagpapakita ng
direktang ugnayan sa pagitan ng presyo at sa dami ng gusto at handang
ipagbili ng mga prodyuser.
C. Ang paggalaw ng paitaas o upward sloping curve ay nagpapakita ng
magkasalungat na ugnayan sa pagitan ng presyo at sa dami ng gusto at
handing ipagbili ng mga prodyuser.
D. Ang paggalaw ng paibaba o downward sloping curve ay nagpapakita ng
magkasalungat na ugnayan sa pagitan ng presyo at sa dami ng gusto at
handing ipagbili ng mga prodyuser.

Address: Matalino St., D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 • Email Address: region3@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

21. Si G. Lopez ang nagmamay-ari ng Lopez Rice Mill. Inaasahan niya na sa


mga buwan ng Hunyo - Disyembre ay mababawasan ang suplay ng palay.
Ano ang dapat gawin ni G. Lopez bilang isang tapat na negosyante?
A. Magbaba ng presyo sa abot kaya ng mga tao.
B. Magbenta siya ng bigas sa mga mahihirap sa mababang presyo.
C. Mamili ng palay habang mababa ang presyo at ibenta sa mababa na
presyo.
D. Magbenta ayon sa pangangailangan ng tao at kanyang bilhin ng
mamamayan.

22. Ang ekwilibriyo sa pamilihan ay nagaganap kung nagkakaroon ng


kasunduan sa quantity demanded at quantity supplied. Sa kalagayang ito,
ano ang implikasyon ng pagkakaroon ng ekwilibriyo sa pamilihan?
A. Sapagkat pantay ang quantity supplied at quantity demanded.
B. Sa kadahilaan na nagkaroon ng kasunduan ang mga prodyuser at
konsyumer.
C. Sapagkat walang labis na produkto na maiiwan at walang mamimili
ang hindi makakakuha ng produkto.
D. Sa presyong ekwilibriyo, parehong kumita ang konsyumer at ang
prodyuser sapagkat ang dami ng produktong kayang ipagbili ay kasing
halaga ng produkto na kanyang ibigay ng prodyuser.

23. Alin sa mga pahayag ang nagpapakita ng shortage sa pagitan ng presyo


at demand ng produkto?
A. Kapag mas marami ang naghahangad ng produkto, at limitado lamang
ang suplayer ng produkto.
B. Kapag mas mababa ang presyo ng produkto at hindi kayang pantayan
ng suplayer ang demand ng mamimili.
C. Sa mga panahon na may okasyon at bagong sweldo ang mamamayan
ay nakakabili sila ng mga produktong kanilang kailangan.
D. Kung ang produkto ay pangunahing pangangailangan ng pamilya.

24. May mga pagkakataon na hindi nagkakasundo ang prodyuser at


konsyumer sa pamilihan. Tukuyin kung alin sa mga sitwasyon ang
nagpapakita ng disekwilibriyo sa pamilihan.
A. Mas mababa ang naging presyo sa palay sa Isabela kumpara sa
Bulacan.
B. Ibinaba ni Mang Jerry ang presyo ng kanyang mga panindang gulay
sapagkat malapit na siyang magsara.
C. Labis na nagtaas ng presyo ng ice cream kaya’t nagdesisyon ang isang
tindahan na gawing Buy 1 Take 1 ito.
D. Hindi binayaran ni Mang Kanor ang kanyang order na 1 kabang bigas
sapagkat hindi sila nagkasundo sa pagbabago ng presyo.

Address: Matalino St., D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 • Email Address: region3@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

25. Sa ganap na kompetisyon ng estruktura ng pamilihan, may maraming


mapagpipiliang produkto, nalilito ka sa pagpili kung ano ang bibilihin mo,
paano mo masabi na ikaw ay lumikha ng tamang desisyon sa pagbili ng
nagustuhang produkto?
A. Binibili ang produktong may murang presyo.
B. Binibili ang produktong may magandang hitsura.
C. Binibili ang produktong sapat lamang sa pangangailangan.
D. Sinusuri kung nasa tama ba o wastong sukat at timbang ang produkto.

26. Ipaliwanag ang nais ipahiwatig ng graph upang maipahayag ang


ugnayan ng presyo sa demand at suplay.
A. Nagaganap ang surplus kung mas marami ang supply kung
ihahambing sa demand ng mga mamimili.
B. Nagkakaroon ng shortage kapag hindi nagkakasundo konsyumer at
prodyuser sa dami ng supply at sa takdang presyo.
C. Upang maipakita ang tuwirang relasyon ng presyo at produkto,
kailangang magkaroon ng ugnayan at pagkakasundo ang konsyumer at
ang prodyuser batay sa takdang dami sa tamang presyo.
D. Ang pamilihan ay isang mekanismo na kung saan ang suplayer at
konsyumer ay nagtatagpo upang maganap ang isang transakyon.

27. Si Juana ay nagbebenta ng mga tsinelas at mga damit. Nakita niya na


mas malakas ang bentahan ngayon ng kagamitang medikal kagaya ng
hand sanitizers, face shields at disposable face masks kaya
napagdesisyonan niyang palitan ang kanyang paninda na walang pumpigil
sa kanya. Anong uri ng estruktura ng pamilihan makikita ang ganitong
katangian?
A. Pamilihang may hindi ganap na kompetisyon, dahil magkakatulad ang
produkto.
B. Pamilihang may ganap na kompetisyon, dahil malaya ang impormasyon
ukol sa pamilihan.
C. Pamilihang may hindi ganap na kompetisyon, dahil may kakayahang
hadlangan ang kalaban.
D. Pamilihang may ganap na kompetisyon, dahil malaya ang paggalaw ng
sangkap ng produksiyon.

Address: Matalino St., D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 • Email Address: region3@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

28. Sa ganap na kompetisyon ng estruktura ng pamilihan, may maraming


mapagpipiliang produkto, nalilito ka sa pagpili kung ano ang bibilihin mo,
paano mo masabi na ikaw ay lumikha ng tamang desisyon sa pagbili ng
nagustuhang produkto?
A. Binibili ang produktong may murang presyo.
B. Binibili ang produktong may magandang hitsura.
C. Binibili ang produktong sapat lamang sa pangangailangan.
D. Sinusuri kung nasa tama ba o wastong sukat at timbang ang produkto.

29. Sa iyong panonood ng balita ay nabanggit dito ang kahalagahan ng


pagpapatupad ng Suggested Retail Price sa pamilihan, anong kahalagahan
ang nagpapatibay dito?
A. Upang mapanatiling abot-kaya para sa mamamayan ang nasabing
produkto.
B. Upang maiwasan ang pangaabuso sa panig ng negosyante at ng
mamimili ginagampanan.
C. Upang mabigyan ng tulong ang mga negosyante upang maiwasan ang
pagkalugi at pagbawas ng kita.
D. Upang mapigilan ang pananamantala ng mga negosyante sa labis na
pagpapataw ng presyo sa kanilang produkto.

30. Sa hamong kinakaharap ng ating ekonomiya, paano mapapanatili ng


pamahalaan ang metatag na presyo sa pamilihan?
A. Panghuhuli sa mga lumalabag sa batas.
B. Pagtatakda ng price floor at price ceiling kung kinakailangan
C. Pagkakaloob ng subsidiya sa sa mga negosyante o mangangalakal.
D. Paghihikayat sa mga maliliit na negosyante na palawakin pa ang
negosyo.

31. Alin ang hindi tungkulin ng sambahayan sa paikot na daloy ekonomiya?


A. Nagbabayad ng buwis sa pamahalaan.
B. Nagkakaloob ng salik pamproduksyon.
C. Nagkakaloob ng subsidy at transfer of payments para sa ikabubuti ng
bansa.
D. Nag-iimpok sa pamilihang pinansyal upang may magamit na puhunan
ang bahay-kalakal.

32. Alin ang hindi tungkulin ng sambahayan sa paikot na daloy ng


ekonomiya?
A. Nagbabayad ng buwis sa pamahalaan.
B. Nagkakaloob ng salik pamproduksyon.
C. Nag-iimpok sa pamilihang pinansyal upang may magamit na puhunan
ang bahay-kalakal.
D. Nagkakaloob ng subsidy at transfer of payments para sa ikabubuti ng bansa.

Address: Matalino St., D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 • Email Address: region3@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

33. Sa ikaapat na modelo, paano inilarawan ang gampanin ng pamahalaan


sa ekonomiya?
A. Pag-iimpok
B. Pamumuhunan
C. Paniningil ng buwis
D. Pakikipagkalakalan

34. Sa kabuuan, ano ang inilalarawan sa paikot na daloy ng ekonomiya?


A. Kita at gastusin ng pamahalaan.
B. Kalakalan sa loob at labas ng bansa.
C. Ugnayan ng bawat sektor ng ekonomiya.
D. Transaksiyon ng mga institusyong pampinansyal.

35. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang pinakamabisang paraan


upang masukat ang economic performance ng bansa?
A. Masusukat sa pamamagitan ng ulat at datos mula sa pamahalaan.
B. Masusukat sa pamamagitan ng dami ng paglalakbay ng pangulo ng
bansa.
C. Nasusukat sa pamamagitan ng kalagayan ng import at export ng bansa.
D. Masusukat sa pamamagitan ng pagbuti ng kalagayan sapamumuhay
ng lahat ng mamamayan ng bansa.

36. Marami ang bumibili ng bulaklak at tsokolate tuwing araw ng mga puso
kung kaya’t tumaas ang presyo ng mga ito, anong klasipikasyon ng
implasyon ang ipinakikita batay sa pangungusap?
A. Cost Push Inflation
B. Demand Pull Inflation
C. Petro Dollar Inflation
D. Profit Push Inflation

37. Kayo ay may pagawaan ng tela, nagkataon na tumaas ang mga halaga
ng materyales na inyong inaangkat mula sa ibang bansa, isabay pa ang
pagtaas ng singil sa kuryente at sahod ng mga manggagawa, kaya’t
napilitan kayo na itaas ang presyo ng inyong gawang tela upang hindi kayo
malugi. Batay sa sitwasyon ano ang dahilan o sanhi ng implasyon?
A. Cost Push Inflation
B. Demand Pull Inflation
C. Petro Dollar Inflation
D. Profit Push Infaltion

Address: Matalino St., D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 • Email Address: region3@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

38. Ang pamahalaan ay naglalaan ng malaking badyet para sa mga


programa at proyekto nito para sa mga mamamayan. Taun-taon
nagkakaroon ng alokasyon para sa bawat ahensya ng pamahalaan. Saan
nanggagaling ang pinakamalaking pinagkukunan ng pondo ng
pamahalaan para sa nabanggit na alokasyon?
A. Mula sa pangungutang sa ibang bansa.
B. Kita mula sa publikong negosyo ng pamahalaan.
C. Mula sa pinagbilhan ng ari-arian ng pamahalaan.
D. Buwis mula sa mga mamayan at mga negosyante.

39. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng mga palatandaan na kailangan


ng magpatupad ng Expansionary Fiscal Policy ang pamahalaan. Alin sa
mga palatandaan ang hindi kabilang?
A. Mababa ang pangkalahatang demand ng sambahayan.
B. Pababain ang gastos ng pamahalaan at pataasin ang buwis.
C. Walang insentibo sa mga mamumuhunan na gumawa o magdagdag pa
ang produksyon.
D. Ang kabuuang output ay mababa ng higit sa inaasahan dahil hindi
nagamit ang mga resources.

40. Isa sa gawaing nakapaloob sa patakarang piskal ay ang pagbuo ng


badget sa iba’t-ibang ahensya nito. Binibigyan ng pondo ang bawat
ahensya batay sa prayoridad at isa dito ang ahensya ng edukasyon. Sa
panahon ngayon bilang isang mag-aaral paano mo maipapakita ang
pahahalagaan sa mga pondong ginagamit para sa edukasyon?
A. Basahin at saguting mabuti ang mga modyul na pinagkagastusan.
B. Humingi ng karagdagang kopya para may reserba kapag nawala ang
isa.
C. Makinig at manood sa mga programang inilunsad ng pamahalaan gaya
sa Deped TV.
D. Ingatan at muling ibalik sa paaralan ang mga modyul kapag natapos
bawat quarter.

41. Ang nilalagakan ng savings na siya ring tagapamagitan sa nag-iipon ng


pera at sa nais umutang o mag-loan.
A. Economic Investment
B. Economic Performance
C. Financial Intermediaries
D. Financial Statement

Address: Matalino St., D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 • Email Address: region3@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

42. Paano magkaugnay ang pag-iimpok at pamumuhunan sa patuloy na


pagdaloy ng Kita at paglago ng ekonomiya.
A. Kaunting pamumuhunan, kaunting kita, kaunting pag-iimpok.
B. Mataas na pamumuhunan, mataas na produksyon, mataas na kita.
C. Kapag naibalik ito bilang pamumuhunan ay maaring magamit muli sa
produksyon.
D. Matatag na ekonomiya ay walang kaugnayan sa pag-iimpok at
pamumuhunan.

43. Bakit mahalaga ang pagbabayad ng buwis?


A. Makapag lalakbay ang pangulo ng bansa.
B. Mabawasan ng kaunti ang kita ng mamamayan.
C. Magkaroon ng reserbang salapi ang Bangko Sentral.
D. Maisakatuparan ang mga programa at proyektong pambansa.

44. Ang sumusunod ay patakarang ginagamit ng Banko Sentral ng


Pilipinas upang maayos na maipatupad ang patakarang pananalapi. Alin
sa sumusunod na patakaran ang hindi kabilang?
A. Moral Suasion
B. Fiat Money Authority
C. Open Market Operation
D. Reserved Requirement

45. Ang patakarang ito ay nauukol sa paggamit ng pamahalaan sa


pagbubuwis at paggasta upang makontrol ang paggalaw ng ekonomiya.
A. Patakarang Piskal
B. Patakarang Pananalapi
C. Patakarang Pagpapautang
D. Patakaran sa Pamumuhunan

46. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa mga pagbabago mula sa


hamak na kalagayan tungo sa mas mataas na antas ng pamumuhay?
A. Inobasyon
B. Kabuhayan
C. Pagsulong
D. Pag-unlad

Address: Matalino St., D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 • Email Address: region3@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

47. Ang tao ang itinuturing na pinakamahalagang salik ng pag-unlad ng


ekonomiya ng bansa. Ano ang angkop na paliwanag ukol dito?
A. Dahil ang tao ang nakikinabang sa pag-angat ng ekonomiya.
B. Dahil ang tao ang namamahagi ng mga pinagkukunang –yaman.
C. Dahil sa kanilang pamumuhunan sa ating bansa, nagdudulot ito ng
empleyo sa bansa.
D. Dahil sa kanilang kasanayan, abilidad at kakayahan sa paglinang ng
pinagkukunang-yaman.

48. Ano ang ginagamit na panukat ng pambansang kaunlaran na nakabatay


sa kalagayan ng pamumuhay ng tao gaya ng edukasyon, kalusugan at
antas ng pamumuhay?
A. Gross National Income
B. Gross National Product
C. Human Development Index
D. Human Development Report

49. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng pagmamahal sa bayan?


A. Pag-aaral ng mabuti
B. Pangangalaga sa kalikasan
C. Pagtulong sa kapwa na nangangailangan
D. Lahat ng nabanggit

50. Alin sa sumusunod na gawain ang nagpapahayag ng tamang pagboto?


A. Iboto ang mga kamag-anak at kaibigang kandidato.
B. Piliin ang kandidatong sikat at kilala na sa inyong lugar.
C. Iboto ang taong makatutulong sa mga personal na pangangailangan.
D. Suriing mabuti ang kakayahan ng bawat kandidato upang makapili
ng karapat-dapat ng maging pinuno.

51. Alin sa mga sumusunod na sektor ng ekonomiya ang sinasabing


nagtataguyod sa malaking bahagdan ng ekonomiya dahil ang lahat ng
sektor ay dito umaasa?
A. Impormal na Sektor
B. Sektor ng Industriya
C. Sektor ng Agrikultura
D. Sektor ng Paglilingkod

Address: Matalino St., D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 • Email Address: region3@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

52. Noong Hunyo 2014, natapos na ang Comprehensive Agrarian Reform


Program Extension Reforms (CARPER). Kay ang iba’t-ibang samahan at ang
Simbahang Katoliko ay nagkapit- bisig upang hilingin sa pamahalaan na
dagdagan pa ng dalawang taon ang implementasyon nito. Bakit ba
mahalaga ang repormang agraryo ng pamahalaan para sa mga
magsasaka?
A. Nagkaroon ng sariling lupa ang mga magsasaka.
B. Natutugunan ng pamahalaan ang mga hinaing at problema ng sector
ng agrikultura.
C. Nabibigyang-pansin ang mga mag-sasaka sa pamamagitan ng maayos
na Sistema ng pautang, mga proyektong pang-imprastruktura,
radistribusyon ng lupa, at iba pa.
D. Lahat ng nabanggit

53. Ang industriyalisasyon, sa kasalukuyan, ang nagsisilbing batayan ng


kaunlaran ng isang bansa. Sa pananaw na ito, nagaganap lamang ang
kaunlaran kung nagkakaroon ng pagbabago mula sa pagiging agrikultural
patungo sa pagiging industriyal. Ngunit marami ring limitasyon ang
industriyalisasyon. Alin sa sumusunod na pahayag ang hindi nagpapa-
totoo rito?
A. Ang pag-unlad ng teknolohiya ay nakatutulong upang makagawa pa ng
mas maraming produkto at serbisyong kailangan at gusto ng mga tao.
B. Ang malawakang paggamit ng teknolohiya katulad ng mga makinarya
ay nakaaapekto sa availability ng hanapbuhay para sa mga
manggagawa.
C. Nakatutulong sa pagbabayad ng utang panlabas ng bansa bunga na rin
ng mataas na pambansang kita.
D. Unti-unting nasisira ang ating kapaligiran dulot ng polusyon sa
masyadong mabilis na industriyalisasyon.

54. Alin sa sumusunod na sektor ang namamahala sa pagproseso ng mga


hilaw na material upang ito ay maging isang produkto?
A. Agrikultura
B. Industriya
C. Paglilingkod
D. Impormal na sektor

Address: Matalino St., D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 • Email Address: region3@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

55. Ang kakayahan ng sector ng paglilingkod na matugunan ang


pangangailangan ng lipunan ay isang palatandaan ng masiglang
ekonomiya ng bansa. Bakit itinuturing na mahalaga ang papel na
ginagampanan ng sector ng paglilingkod?
A. Sila ang namumuhunan sa mga bahay-kalakal.
B. Larawan sila ng mataas na antas ng pamumuhay sa isang bansa.
C. Sila ang dahilan upang magkaroon ng oportunidad sa pagkakaroon ng
trabaho sa ibang bansa.
D. Sila ay nagkakaloob ng lakas-paggawa, kasanayan, kaalaman, at
serbisyo upang matugunan ang mithiin ng pangangailangan.

56. Ayon sa IBON Foundation, ang impormal na sector ay kabilang sa


“isang kahig, isang tuka”. Ano naman ang positibong epekto ng
paglaganap ng impormal na sector? Ang kakayahan ng sector ng
paglilingkod na matugunan ang pangangailangan ng lipunan ay isang
palatandaan ng masiglang ekonomiya ng bansa. Bakit itinuturing na
mahalaga ang papel na ginagampanan ng sektor ng paglilingkod?
A. Ito ay larawan ng pagiging industriyalisado ng bansa.
B. Sumasalamin ito sa paglaganap ng backyard industries.
C. Maraming mamamayan ang umaasa na lamang sa pamahalaan.
D. Ito ay manipestasyon ng pagiging mapamaraan ng mga Pilipino upang
tugunan ang pangangailangan sa kabila ng krisis sa buhay.

57. Alin sa mga sumusunod ang nangangasiwa sa operasyon ng Bureau


Research Center na nagpapalaganap ng mga datos, statistics,
impormasyon ukol sa ekonomiya, kalakalan, industriya, pamahalaan, at
kapakanan ng mga mamimili.
A. Trade Liberalization
B. Foreign Trade Services Corps
C. Center for Industrial Competitiveness
D. Trade and Industry Information Center

58. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng bunga ng


pamimirata sa bansa?
A. Kakulangan ng trabaho sa bansa.
B. Kakulangan ng mahigpit na pagpapatupad ng mga batas na laban sa
pamimirata.
C. Pagnanais ng ilang negosyante na kumita nang malaki kahit sa ilegal
na pamamaraan.
D. Kakulangan ng komprehensibong kampanya sa mga tao ukol sa
masasamang bunga nito.

Address: Matalino St., D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 • Email Address: region3@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

59. Ang mga bansa ay makikinabang sa isa’t isa ayon sa konsepto ng


comparative advantage. Alin sa sumusunod na paraan sila makikinabang?
A. Kasunduang Multilateral trade
B. Embargo at quota
C. Espesyalisasyon at kalakal
D. Sabwatan at kartel

60. Alin sa mga sumusunod ang layunin ng World Trade Organization?


A. Naglalayong paunlarin at isulong ang malayang kalakalan sa bawat
kasapi ng ASEAN pati ang mga bansang dialogue partner nito.
B. Pagsusulong ng isang maayos at malayang kalakalan sa pamamagitan
ng pagpapababa sa mga hadlang sa kalakalan (trade barriers).
C. Isulong ang kaunlarang pang-ekonomiya at katiwasayan sa rehiyong
Asia-Pacific kaugnay na rin ng pagpapalakas sa mga bansa at
pamayanan nito.
D. Lahat ng nabanggit.

Address: Matalino St., D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 • Email Address: region3@deped.gov.ph

You might also like