You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region VIII
SCHOOLS DIVISION OF CATBALOGAN CITY

MASUSING BANGHAY ARALIN


sa
ARALING PANLIPUNAN 9

MARKAHAN: IKAAPAT NA MARKAHAN

I. LAYUNIN
Nasusuri ang bahaging ginagampanan ng agrikultura, pangingisda, at paggugubat sa
ekonomiya at sa bansa (AP9MSP-IVc-6)
Localized Competency: Nasusuri ang bahaging ginagampanan ng agrikultura at
pangingisda sa ekonomiya ng siyudad ng Catbalogan

II. NILALAMAN

Paksa: Ang bahaging ginagampanan ng agrikultura, pangingisda at paggugubat sa


ekonomiya at sa bansa

KBI: Pagpapahalaga sa bahaging ginagampanan ng sektor ng agrikultura sa


pagpapaunlad ekonomiya ng Catbalogan City

III. KAGAMITAN SA PAGKATUTO

Sanggunian : AP9 K to 12 Gabay Pangkurikulum pahina 92, Ekonomiks Araling Panlipunan


Modyul para sa Mag-aaral pahina 365-368

Kagamitan: Mga larawan ng iba’t ibang gawain ng sektor ng agrikultura at produkto sa siyudad ng
Catbalogan, Netbook at Projector

IV. PAMAMARAAN

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL


A. Balik-aral

Bilang isang kabataang Pilipino, papaano Bilang isang kabataang Pilipino, ako po ay
ka makapag-aambag sa pag-unlad ng makapag-aambag sa pag-unlad ng bansa sa
bansa? pamamagitan po ng pag-aaral ng mabuti.

Bakit mahalaga para sa mga kabataan ang Kung mag-aaral tayo ng mabuti, magkakaroon
mag-aral ng mabuti? tayo ng kasanayan na magagamit natin para
mapabuti ang ating pamumuhay at dahil dito
makakatulong tayo para mapaunlad ang ating
bansa.

2nd Floor, Laohoo Bldg., Del Rosario St. Catbalogan City


Email: depedcatbalogancitydivision15@gmail.com
BuNGKARAS - Building New Generation Knowledge and Attitudes by Raising Advanced and Innovative School Leaders Facebook Page: DepEd Catbalogan City Division
“Liderato nga maabtik DepEd nga makarit” (Empowered and Innovative leadership results to dynamic DepEd)
Catbalogan City
Telefax: (005) 251-3196 (055) 543 8268
Tama!
Mayroon pa bang ibang kasagutan? Hindi ako gagamit ng ipinagbabawal na gamot.

Tama!
Mayroon pa bang ibang kasagutan? Pangangalagaan ko ang kapaligiran.
Susunod sa mga batas na ipinatutupad ng ating
bansa.
(Iba-iba ang magiging sagot ng mga mag-aaral)
Magagaling! Ako ay natutuwa dahil sa
inyong mga ibinahaging kasagutan.

B. Paglinang na Gawain

Gawain:

“Larawan kong hindi Kupas!”


(Ipapakita ang mga larawan sa mag-aaral
sa pamamagitan ng power point
presentation)

Panuto: Suriin kung anong gawaing pang


ekonomiko sa Catbalogan ang ipinapakita
sa larawan. Pagtapat-tapatin ang hanay A
sa hanay B.

A B
(Mga inaasahang sagot)
1. a. Pangingisda
1. b
2. e
3. a
2. b. Paghahayupan 4. c

3. c. Paghahalaman

4. d. Pagmimina

e. Paggugubat

2nd Floor, Laohoo Bldg., Del Rosario St. Catbalogan City


Email: depedcatbalogancitydivision15@gmail.com
BuNGKARAS - Building New Generation Knowledge and Attitudes by Raising Advanced and Innovative School Leaders Facebook Page: DepEd Catbalogan City Division
“Liderato nga maabtik DepEd nga makarit” (Empowered and Innovative leadership results to dynamic DepEd)
Catbalogan City
Telefax: (005) 251-3196 (055) 543 8268
Pamprosesong Tanong:

1. Sa inyong palagay sa anong sektor ng Para po sa akin ang mga nabanggit na gawain
ating ekonomiya nabibilang ang mga ay kabilang po sa sektor ng agrikultura.
nabanggit na gawain?

Magaling!

2. Ano ang pagkakaintindi ninyo sa Para po sa akin ito ay may kinalaman sa


salitang agrikultura? pagtatanim.
(Iba-iba ang magiging sagot ng mga mag-aaral)

Sang-ayon ba kayo sa naging sagot ng Opo!


inyong kaklase?

3. Anu-ano ang mga gawaing pang- Ang mga gawaing pang-ekonomiko na nasa
ekonomiko na nasa larawan ang matatagpuan larawan na matatagpuan sa Catbalogan at sa
sa siyudad ng Catbalogan? Sa inyong aming pamayanan ay pagtatanim ng gulay at
pamayanan? palay.

Magaling!

Mayroon pa bang maidaragdag? Opo! Makikita rin po sa aming komunidad ang


gawaing pangingisda, pag-aalaga ng hayop at
paggugubat?

Salamat sa inyong mga ibinahaging


kasagutan!

Paghahalaw/Malayang talakayan

1. Bakit kaya itinuturing na agrikultural na Dahil malaking bahagi ng ekonomiya ay


bansa ang Pilipinas? nakadepende sa sektor ng agrikultura.

2. Anu-ano ang mga pangunahing pananim Palay, mais niyog at marami pang iba.
ang matatagpuan sa Pilipinas? sa Catbalogan? (Iba-iba ang magiging sagot ng mga mag-aaral)

3. Anu-ano ang mga halimbawa ng mga Kalabaw, baka, kambing, baboy, manok, pato at
hayop ang inaalagaan sa inyong pamayanan? iba pa.

4. Ano ang kahalagahan ng sektor ng Nagbibigay ng trabaho o hanapbuhay.


agrikultura sa ekonomiya ng siyudad ng Pinagkukunang ng pagkain.
Catbalogan? Sa inyong pamayanan? (Iba-iba ang magiging sagot ng mga mag-aaral)

2nd Floor, Laohoo Bldg., Del Rosario St. Catbalogan City


Email: depedcatbalogancitydivision15@gmail.com
BuNGKARAS - Building New Generation Knowledge and Attitudes by Raising Advanced and Innovative School Leaders Facebook Page: DepEd Catbalogan City Division
“Liderato nga maabtik DepEd nga makarit” (Empowered and Innovative leadership results to dynamic DepEd)
Catbalogan City
Telefax: (005) 251-3196 (055) 543 8268
Lektura:

 Humigit kumulang na 7,100 isla ang


bumubuo sa Pilipinas. Dahil sa lawak at
dami ng mga lupain, napabilang ang
Pilipinas sa mga bansang agrikultural
dahil malaking bahagi nito ang ginagamit
sa mga gawaing pang-agrikultura. Sa
katunayan, malaking bilang ng mga
mamamayan ang nasa sektor na ito ng
ekonomiya.
 Nahahati ang sektor ng agrikultura sa
paghahalaman (farming),
paghahayupan(livestock), pangingisda
(fishery) at paggugubat (forestry)
 Maraming mga pangunahing pananim ang
bansa tulad ng palay, mais niyog
(“itinuturing bilang Tree of Life”), tubo,
saging pinya, kape, manga, tabako, at
abaka karamihan din sa mga ito ay
makikita sa mga lupain ng siyudad ng
Catbalogan.
 Ang paghahayupan naman ay binubuo ng
pag-aalaga ng kalabaw, baka, kambing,
baboy, manok, pato at iba pa.
Ang paghahayupan ay gawaing
pangkabuhayang kinabibilangan ng ating
mga tagapag-alaga ng hayop. Mayroon
ding mga pribadong korporasyon na nasa
ganitong hanapbuhay. Katunayan nasa
barangay New Mahayag Catbalogan
matatagpuan ang Oscar and Lydia
Gonzales Farm kung saan ito ay isa sa mga
nag-aalaga at tagapagtustos ng karne ng
baboy sa pamilihan ng Catbalogan.
 Itinuturing ang Pilipinas bilang isa sa mga
pinakamalaking tagapagtustos ng isda sa
buong mundo. Isa sa mga pinakmalaking
daungan ng mga huling isda ay
matatagpuan sa ating bansa. Sa Catbalogan
kilala ang Pier 1 na bagsakan ng mga
huling isda na galing sa Maqueda Bay at
iba’t ibang isla ng lungsod. Bahagi din ng
gawaing pangingisda ay ang panghuhuli ng
hipon, sugpo, at pag-aalaga ng mga
2nd Floor, Laohoo Bldg., Del Rosario St. Catbalogan City
Email: depedcatbalogancitydivision15@gmail.com
BuNGKARAS - Building New Generation Knowledge and Attitudes by Raising Advanced and Innovative School Leaders Facebook Page: DepEd Catbalogan City Division
“Liderato nga maabtik DepEd nga makarit” (Empowered and Innovative leadership results to dynamic DepEd)
Catbalogan City
Telefax: (005) 251-3196 (055) 543 8268
damong dagat na ginagamit sa paggawa ng
gulaman na isa sa mga pinagkakakitaan ng
mga mamamayan ng barangay Pupua
siyudad ng Catbalogan.

(Pagpapakita ng iba’t ibang larawan sa


mga mag-aaral na hango sa DLHTM)

Aligi

Bulad (Dried Fish)

Baduya na pasayan

 Ang paggugubat ay isang pangunahing


pang-ekonomikong gawain sa sektor ng
agrikultura, patuloy na nililinang ang ating
mga kagubatan bagamat tayo ay
nahaharap sa suliranin ng pagkaubos ng
mga yaman nito. Mahalaga itong
pinagkukunan ng plywood, tabla, troso, at
veneer. Bukod sa mga nabanggit na
produkto, pinagkakakitaan din ang rattan
na makikita din sa barangay Payao
Catbalogan City, nipa, anahaw, kawayan,
pulot-pukyutan at dagta ng almaciga.
 Hindi matatawaran ang papel o
kahalagahan ng sektor ng agrikultura sa
ekonomiya ng Catbalogan at lalong lalo na
sa ating bansa. Dahil dito, ang agrikultura
2nd Floor, Laohoo Bldg., Del Rosario St. Catbalogan City
Email: depedcatbalogancitydivision15@gmail.com
BuNGKARAS - Building New Generation Knowledge and Attitudes by Raising Advanced and Innovative School Leaders Facebook Page: DepEd Catbalogan City Division
“Liderato nga maabtik DepEd nga makarit” (Empowered and Innovative leadership results to dynamic DepEd)
Catbalogan City
Telefax: (005) 251-3196 (055) 543 8268
ay nararapat na bigyang-pansin upang
mapalakas at maging katuwang ng
pamahalaan sa pagkakamit ng kaunlaran
ayon sa sumusunod na kahalagahan:
1. Ang agrikultura ay pangunahing
pinagmumulan ng pagkain.
2. Pinagkukunan ng materyal para
makabuo ng bagong produkto
3. Pinagkukunang ng kitang panlabas
4. Pangunahing nagbibigay ng trabaho
sa mga Pilipino
5. Pinagkukunan ng sobrang
manggagawa mula sa sektor ng
agrikultural patungo sa sektor ng
industriya at paglilingkod.

C. Karagdagang Gawain

Bilang isang mag-aaral o konsyumer, may


maiaambag ka ba upang mapaangat ang
kalagayan ng sektor ng agrikultura?

D. Paglalapat

Panuto: Batay sa talakayan, ibigay ang


papel na ginagampanan ng bawat subsektor
ng sektor ng agrikultura sa ekonomiya ng
Catbalogan City.

E. Pagtataya

Panuto: Sagutin ang mga tanong sa isang


ikaapat na bahagi ng papel.
1. Anong A ang tumutukoy sa
paghahalaman at pagpaparami ng mga
hayop?
2. Anong D ang naibibigay ng agrikultura
sa ating ekonomiya?

2nd Floor, Laohoo Bldg., Del Rosario St. Catbalogan City


Email: depedcatbalogancitydivision15@gmail.com
BuNGKARAS - Building New Generation Knowledge and Attitudes by Raising Advanced and Innovative School Leaders Facebook Page: DepEd Catbalogan City Division
“Liderato nga maabtik DepEd nga makarit” (Empowered and Innovative leadership results to dynamic DepEd)
Catbalogan City
Telefax: (005) 251-3196 (055) 543 8268
3. Anong N ang tinaguriang “Tree of Life”?
4. Anong Y ang binibili ng agrikultura sa
industriya?
5. Anong H ang ibinibigay ng agrikultura sa
industriya

F. Gawaing Bahay

Panuto: Sa isang kalahating bahagi ng


papel sagutin ang mga sumusunod
na katanungan.

1. Paano nakikinabang ang ating bansa sa


agrikultura?

2. Anu-ano ang mga suliraning


nararanasan ng sektor ng agrikultura,
pangingisda, at paggugubat?

V. MGA PUNA

1. Ang layunin ay nakuha sa loob ng 60 na minuto.


2. Walumput limang porsiyento (85%) ng mga mag-aaral ang nakaunawa sa aralin batay sa
resulta ng maikling pagsusulit.

VI. PAGNINILAY

1. Malaki ang naitulong ng paggamit ng netbook at projector dahil mas madaling naunawaan ng
mga mag-aaral ang paksa at nakuha ang inaasahang kasanayan.
2. Mas madali nilang naintindihan ang paksa dahil sa paggamit ng contextualization sa talakayan.

Inihanda ni:

EMMYLOU PESIDAS-ARMA
Guro sa AP9

2nd Floor, Laohoo Bldg., Del Rosario St. Catbalogan City


Email: depedcatbalogancitydivision15@gmail.com
BuNGKARAS - Building New Generation Knowledge and Attitudes by Raising Advanced and Innovative School Leaders Facebook Page: DepEd Catbalogan City Division
“Liderato nga maabtik DepEd nga makarit” (Empowered and Innovative leadership results to dynamic DepEd)
Catbalogan City
Telefax: (005) 251-3196 (055) 543 8268

You might also like