You are on page 1of 3

Unang Buwanang Pagsusulit

Araling Panlipunan 9
S.Y 2021-2022
Pangalan: Marka:

Baitang: Grade 9 EZEKIEL Petsa: _____________

Guro: Dir. Kristine Joy F. Guban Lagda ng Magulang:

I. PAGPILI
PANUTO: Basahin mabuti ang bawat katanungan. Piliin ang letra ng tamang sagot.

1.Ang pangangailangan ay ang mga bagay na dapat maging prioridad para sa ating pang-araw-araw na pamumuhay. Kung
uunahin ang pangangailangan kaysa sa kagustuhan, ang sumusunod ay maaring maganap maliban sa _________.
A. Magiging maayos ang pagbabadyet
B. Maging pantay ang distribusyon sa pamilya
C. Maiiwasan ang kakulangan sa suliranin sa kakapusan
D. Matutunan ng maisakatuparan ang lahat ng layunin
2. Naaprubahan ang papeles ni Zoe sa kanyang pinagtatrabahuhan kung kaya’t nadagdagan ng halagang limang libo ang
kanyang sahod. Naisipan niyang bumili ng mga branded na damit para sa kanyang sarili. Alin sa mga sumusunod ang mga
salik na nakakaapekto sa kanyang pagkonsumo?
A. Kita
B. Mga Inaasahan
C. Panahon
D. Presyo
3. Bumili ang kaibigan mong si May sa grocery store ng mga pagkain subalit nang babayaran na niya ito, napagtanto
niyang sumobra sa bilang ang nakalaang salapi para sa kanyang mga pinamili. Kung ikaw ang nasa sitwasyong ito, paano
mo maiiwasan ang ganitong suliranin?
A. Kumuha lamang ng iyong gustong bilhin
B. Magpasama sa kaibigan na mamili
C. Pigilan ang sarili na mamili ng mga kailangan
D. Ugaliing mag badyet at gumawa ng listahan
4.May mga produktong tumataas ang antas ng pangangailangan kapag tag-init gaya ng halo-halo at ice cream. Gayundin
ang pagtaas ng pangangailangan ng lugaw at pares kapag taglamig. Aling salik ang nakakaapekto dito?
A. Kita
B. Edad
C. Panahon
D. Presyo
5. Kung ang pamilya ay humaharap sa mga suliraning pang-ekonomiya, mas magiging matalino ang pagdedesisyon kung
sinusunod ang mga hakbang sa matalinong pagpapasya. Bilang miyembro ng inyong pamilya, paano mo mailalarawan
ang matalinong pagpapasya?
A. Bigyang damdamin ang mga suliranin
B. Nagpapakita ng produktibo at makatotohanan
C. Pagbasa ng mga datos at impormasyon
D. Pagsunod sa payo ng mga kamag-anak
6. Ang salitang ekonomiks ay hango sa salitang oikonomia na nagmula sa salitang _______.
A. Romano
B. Espanyol
C. Griyego
D. Filipino
7. Ano ang tawag sa pagpili ng isang produkto kapalit ng isa pang produkto.
A. Incentives
B. Trade-off
C. Marginal Thinking
D. Opportunity Cost
8. Isa rin sa mga pangunahing suliranin ng ekonomiks ang ________ kung saan ang halaga ng produkto na handang
ipagpalit.
A. Incentives
B. Trade-off
C. Marginal Thinking
D. Opportunity Cost
9. Ang isa sa mga pakay ng ekonomiks ay ang kung paano ito ipoprodyus. Ang proseso ng paggawa ay nakadepende sa
mga negosyante kung ito ay gagamitan ng mga manggagawa o makinarya, ano tawag sa produksiyon kung saan mas
gumagamit ng mga manggagawa kaysa sa makinarya?

A. Capital Intensive
B. Labor Intensive
C. Product Intensive
D. Company Intensive

10. Ang sangay ng ekonomiks ay nahahati sa dalawa. Ano ang tawag sa sangay ng ekonomiks na pinag-aaralan ang pag-
uugali at paraan ng pagpapasya ng maliit na yunit ng ekonomiya?

A. Makroekonomiks
B. Mikroekonomiks
C. Multiekonomiks
D. Homeekonomiks

II. TAMA o MALI


PANUTO: Isulat ang TAMA kung ang pangungusap ay nagsasabi ng katotohanan at kung MALI kung ang
pangungusap ay walang katotohanan.

11. Responsibilidad ng pamahalaan ang tanging gampaning pangalagaan ang likas na yaman.
12. Lahat ng ekonomiya ay may kakapusan.
13. Kapag wala kang mabiling bigas sa pamilihan, maari mo nang ipagpalagay na may kakapusan.
14. Ang kita ay isang napakahalagang instrumento sa pagkonsumo.
15. Hindi pantay-pantay ang kapasidad ng mga tao sa pagtugon sa mga pangangailangan dahil hindi lahat may
kakayahan na matugunan ito.
16. Ang kagustuhan ni Angelo na makasama ang kanyang mga kaibigan ay isang halimbawa ng economic want.
17. Kung ang kotse ay binili para sa personal na gamit, ito ay tinatawag na intermediate goods.
18. Ang pangangailangan ay isang partikular na bagay na hinihiling ng tao.
19. Dahil sa ekonomiks, lumalawak ang pananaw ng mga tao sa pagpapamilya.
20. Ayon sa ekonomiks, hindi tumutubo ang pera sa loob ng alkansya at hindi rin ito umiikot sa ekonomiya.
_______21. Sinabi ni Alfred Marshall, ang ekonomiks ay isang agham na may kinalaman sa paggawa, pamamahagi at
paggamit ng mga kalakal at serbisyo.
_______22. Nakakaapekto sa ekonomikong kagustuhan ang pagbabago ng klima at topograpiya.
23. Ang pangangailangan ay mga bagay na pangunahing batayan para mabuhay.
_______24. Madalas na ang mga artista ang ginagamit na endorser sa mga produkto upang makahikayat ng mga
mamimili.
_______25. Itinuturing na pampublikong kagustuhan ang mga pangangailangan ng buong populasyon at
nakikinabang ang lahat ng mamamayan dito.

III. PUNAN ANG PATLANG


PANUTO: Isulat ang konsepto ng tinutukoy sa bawat bilang.

26. Ang ______ ay makapangyarihan dahil nababago nito ang isipan ng mga mamimili sa pagkonsumo.
27. Ang tawag sa mga bagay na pangunahing batayan upang mabuhay ay _________.
28. Ang _____ ang hindi kasapatan sa mga pinagkukunang-yaman upang mapunan ang pangangailangan at
kagustuhan ng mga tao.
29. Ang _______ ay kaganapan kung saan hindi kayang mapunan ang dami ng manlilikha ng produkto ang dami
ng planong pagkonsumo ng tao.
30.Ayon kay ________, ang ekonomiks ay ang pag-aaral ng sangkatauhan sa karaniwang kalakalan sa buhay.

IV. PAGTUKOY
PANUTO: Isulat ang T kung ang pangungusap ay tungkol sa Trade-Off, O kung ito ay tungkol sa Opportunity
Cost, M kung ito ay tungkol sa Marginal Thinking at I kung ito ay tungkol sa Incentives.

31. Mas pinili ni Nicole bumili ng kanin kaysa sa juice.


32. Prayoridad ni Joseph ang pag-aaral ngunit kailangan din niyang magtrabaho.
33. Pinagsisikapan ni Mica na makakuha ng mataas na marka upang magkaroon ng bagong laptop.
34. Mas pinili ni Vind na gumawa ng kanyang mga module kaysa maglaro ng mobile legend.
35. Si Jhanella ay nag-iisip kung magkano ang magagastos kung siya ay magbabakasyon sa Japan.
36. Nakapasa sa isang sikat na unibersidad si Dale ngunit malayo ito sa kanilang lugar.
37. Mas pinili ni Justine umuwi ng maaga kaysa gumala kasama ang barkada.
38. Paglalaan ng pondo para sa kilalang produkto sa telebisyon.
39. Naisipan ni Erica magpagawa ng bahay bago magnegosyo.
40. Mag-aaral ng mabuti para makakuha ng mataas na marka at makapasa.
V. PAGIISA-ISA

41-45
Magbigay ng mga salik na nakakaapekto sa ekonomikong kagustuhan
41.
42.
43.
44.
45.

46-50
Ibigay ang limang teorya ni Abraham Maslow.
46.
47.
48.
49.
50.

“For to me, to live is Christ and to die is gain”


Philippians 1:21

Inihanda ni: Iniwasto ni:

Dir. Kristine Joy F. Guban Dir. Christine T. Suarez


Guro Punong-guro

You might also like