You are on page 1of 2

_______________________

Republic of the Philippines Lagda ng Magulang sa


Department of Education ibabaw ng Pangalang
REGION VII - CENTRAL VISAYAS
DIVISION OF LAPU-LAPU CITY
MACTAN NATIONAL HIGH SCHOOL
FILIPINO 9
QUARTER 2
Lagumang Pasulit 2. 1
(Linggo 1&2)
Pangalan:_________________________________Sek.:_______________Petsa:_________Iskor_____
Contact no._______________________________
Panuto: Basahing mabuti ang bawat katanungan at Itiman ang titik ng napiling sagot.
1. Alin sa mga sumusunod na anyo ng tula ang pinahahalagahan ng panitikang hapon?
A. Tanka at Haiku C. Tanaga at Ambahan
B. Tanka at Tanaga D. Tanaga at Haiku
2. Maikling tula mula sa Japan na binubuo ng labinpitong pantig lamang.
A. Tanka B. Tanaga C. Haiku D. Ambahan
3. Maikling tula mula sa Pilipinas na binubuo ng apat na taludtod at may sukat na dalawampu’t walong
pantig.
A.Tanka B. Tanaga C. Haiku D. Ambahan

1 2 3
Kung masakit na Panaginip pa nga ba? Ikaw lang ang bubuyog
Limutin mo na siya o bangungot na na tumatalbog talbog
Pangako sinta o aking sinta puso ko ay nabilog
Ikaw ay liligaya Bakit ikaw pa irog?
Kahit wala na siya
Sariling katha ni Gng. Venus L. Amores
4. Anong uri ng tula ang Tula bilang 1?
A.Tanka B. Tanaga C. Haiku D. Ambahan.
5. Mula sa mga tula sa itaas alin sa mga ito ang Halimbawa ng Haiku?
A. 1 B. 2 C. 3 D. wala sa nabanggit
6. Anong uri ng tula ang Tula bilang 3?
A.Tanka B. Haiku C. Tanaga D. Ambahan
7. Ano ang ibig sabihin ng Bubuyog sa tula bilang 3?
A. tusong manliligaw C. sakim na manliligaw
B. mapaglarong manliligaw D. masugid na manliligaw
8. Ano ang ibig sabihin ng paglagas ng Cherry Blossoms sa mga Tanka ng Hapon.
A. Paglipas ng Panahon C. Mainit na ang Panahon
B. Malapit na ang taglamig D. Nalanta na ang Cherry Blossoms.
9. Ang mga sumusunod ay mga katangian ng tulang tanka maliban sa___
A. sumibol noong ikawalong siglo C. ang paksa ay kalikasan at pag-ibig
B. ginagamit sa larong aristocrats. D. may sukat na tatlumput isang pantig
10. Ang mga sumusunod ay pagkakapareho ng tanka at haiku maliban sa
A. ginagamit sa larong aristocrats.
B. parehong anyo ng tula ng mga hapon
C. nagpapahayag ng masidhing damdamin
D. sa mga tulang ito layong pagsamasamahin ang mga ideya at imahe.
11. Hindi maganda ang tubo ng halaman kaya namatay. Paano binibigkas ang salitang na
sinalungguhitan sa pangungusap?
A. Tu.boh B. TU:boh C. tu.BO? D. TU.bo?
12. bu.KAS: hindi nakasara ; LA:bi? :__________
A. natira C.pagkaing hindi naubos B. ibaba’t itaas ng nguso D. A at C
13. Alin sa sumusunod na pahayag ang nangangahulugang “inaamin niya ang kasalanan”.
A. Hindi, ako ang may kasalanan C. Hindi ako, ang may kasalanan
B. Hindi ako ang may kasalanan. D. wala sa nabanggit
14. Bakit mahalagang pag-aralan ang pabula?
A. Ang pabula ay sumasalamin sa ating kultura
B. Ito ay bahagi ng ating panitikan kaya mahalagang pag-aralan
C. Mayaman sa talinghaga ang pabula kaya nagpapalawak ng ating isipan.
D. Nahuhubog ng pabula ang mabuting pag-uugali ng taong bumabasa nito.
15. Sa pabulang ang Hatol ng Kuneho sino sa mga tauhan ang nahulog sa hukay?
A. Kuneho B. Lalake C. Tigre D. Baka
16. Sino sa mga tauhan ang tinaguriang matalino?
A. Kuneho B. Lalake C. Tigre D. Baka
17. Alin sa mga karunungang bayan ang nagpapahiwatig ng mensahe ng pabula “Ang Hatol ng Kuneho”?
A. Daig ng maagap ang masipag
B. Kung may isinuksok, may madurukot.
C. Kung ano ang iyong itinanim, siya mong aanihin.
D. Ang ‘di lumingon sa pinanggalingan ay ‘di makararating sa paroroonan.
18. Ang mga sumusunod ay mga aral na matutunan mula sa pabulang Ang hatol ng Kuneho maliban sa__
A. Matutong tumupad sa pangako C. Unahing hanapin ang paraan huwag ang dahilan
B. Matutong tumanaw ng utang na loob D. Huwag gawin sa iba kung ayaw mong gawin ito sa iyo
19. Ang tinaguriang ama ng mga sinaunang pabula
A. Aesop B. Jose Rizal C. Manuel L. Quezon D. Vilma C. Ambat
20. Ito ay isa sa mga sinaunang panitikan sa daigdig na ang mga tauhan ay hayop
A. Alamat B. Maikling Kwento C. Pabula D. Parabula
_____________________________________________________________________________________

II. Performance Task- 2.1 60%

Gumawa ng isang Tula na Tanaga (1 saknong lamang). Isulat sa loob ng kahon ang iyong
tula. Lagyan ng sukat sa Gilid at ipakita ang pagpapantig o ang pagsukat na ginanwa sa tula,
Katulad ng halimbawa na nasa Learning Activity Sheet. Isulat sa loob ng kahon.
Tandaan na ang Tanaga ay may apat lamang na taludtod na may 7 pantig sa bawat taludtod.

You might also like