100% found this document useful (1 vote)
187 views3 pages

Exam For Grade 9

Ang dokumento ay tungkol sa ika-tatlong markahan sa Araling Panlipunan 9. Naglalaman ito ng maraming tanong tungkol sa mga konsepto sa paikot na daloy ng ekonomiya tulad ng mga aktor, modelo at katangian ng pagiging matalinong mang-iipon.

Uploaded by

Melody Maicom
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
100% found this document useful (1 vote)
187 views3 pages

Exam For Grade 9

Ang dokumento ay tungkol sa ika-tatlong markahan sa Araling Panlipunan 9. Naglalaman ito ng maraming tanong tungkol sa mga konsepto sa paikot na daloy ng ekonomiya tulad ng mga aktor, modelo at katangian ng pagiging matalinong mang-iipon.

Uploaded by

Melody Maicom
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd

IKATLONG MARKAHAN PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN 9

I. MULTIPLE CHOICE:
PANUTO: Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Ang aktor na ito ang nagbibigay opurtunidad sa ekonomiya ng bansa sa pamamagitan ng


pagbukas nito sa mga internasyonal na sektor.
a. Bahay-kalakal c. Panlabas na sector
b. Financial Intermediaries d. Sambahayan

2. Ito ang nagpoproseso ng mga hilaw na materyales upang makagawa ng produkto at serbisyo.
a. Bangko c. Pamahalaan
b. Sambahayan d. Bahay-kalakal

3. Ang mga sumusunod ay ang mga aktor ng paikot na daloy ng ekonomiya maliban sa isa.
a. Panlabas na Sektor c. Sambahayan
b. Pagkonsumo d. Pamahalaan

4. Sa paanong paraan matutugunan ng sambahayan ang kanilang pangangailangan at


kagustuhan?
a. Pagpapagamit ng mga salik na produksiyon sa anyo ng paggawa, lupa at capital.
b. Pagpapagamit ng kita sa anyo ng sahod, tubo at interes.
c. Pagpoproseso ng mga produkto ng bahay-kalakal.
d. Pagbibigay ng kanilang produkto.

5. Ang mga sumusunod ay ang mga tungkulin ng pamahalaan sa paikot na daloy ng ekonomiya,
MALIBAN sa isa.
a. Panatalihing maunlad ang ekonomiya ng bansa.
b. Nagpoproseso ng mga hilaw na materyales.
c. Panatilihin ang kaayusan ng bansa.
d. Nangongolekta ng buwis.

6. Sa pamilihang ito nagmumula ang mga salik ng produksyon.


a. Pamilihan ng salik ng produksiyon c. Pamilihan ng kalakal at paglilingkod
b. Pamilihang Pinansiyal d. Pamilihan ng produkto at serbisyo

7. Alin sa mga sumusunod ang dalawang aktor na nakapaloob sa ikalawang modelo ng paikot na
daloy ng ekonomiya.
a. Bahay-kalakal at Pamahalaan c. Bahay-kalakal at Sambahayan
b. Sambahayan at Pamahalaan d. Bahay-kalakal at Panlabas na Sektor

8. Maraming mga mamamayang Filipino ang gustong mag-ipon, sa paanong paraan ng pag-iipon
masisiguro ng mga ito na ang kanilang pera ay patuloy na umiikot sa ekonomiya ng bansa?
a. Bangko c. Pwede ang a at b.
b. Alkansiya d. Wala sa nabanggit.

9. Sa ikatlong modelo ng paikot na daloy ng ekonomiya nagaganap ang _________at ________


sapagkat nagkakaroon na ng pagpaplano sa hinaharap ang sambahayan.
a. Pag-iimpok at pamumuhunan c. Pagkonsumo at Paglilingkod
b. Pag-iimpok at pagkonsumo d. Wala sa nabanggit.

10. Ikaw ay napunta sa isang pulo na walang tao at walang pagkakataon na ikaw ay makaalis
agad doon, ano ang nararapat mong gawin upang mabuhay?
a. Gagawa ng sariling bahay, bubuo ng sariling damit at maghahanap ng pagkain.
b. Lalanguyin ang dagat hanggang sa maubusan ng hininga.
c. Sumigaw nang sumigaw.
d. Wala sa nabanggit.
IKATLONG MARKAHAN PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN 9

11. Ito ay nagpapakita ng simpleng ekonomiya.


a. Ikalawang Modelo c. Ikaapat na Modelo
b. Unang Modelo d. Ikalimang Modelo

12. Ang aktor na ito ang naidagdag sa ikaapat na modelo ng paikot na daloy ng ekonomiya.
a. Panlabas na Sektor c. Bahay-kalakal
b. Pamahalaan d. Sambahayan

13. Sa modelong ito, binubuksan ang ekonomiya kung saan ay nagluluwas ang bahay-kalakal ng
mga produkto sa panlabas na sektor samantalang ang sambahayan naman ay nag-aangkat mula
dito.
a. Ikaapat na Modelo c. Ikalimang Modelo
b. Ikatlong Modelo d. Ikalawang Modelo

14. Ang mga sumusunod ay ang mga paraan ng pagsukat ng GNI maliban sa isa.
a. Paraan Batay sa Paggasta c. Paraan Batay sa Kita
b. Paraan Batay sa Pagkain d. Paraan batay sa Pinagmulang Industriya

15. Si Dalla ay nagtatrabaho bilang kahera sa isang malaking supermarket ng Pilipinas, ano ang
tawag sa salaping natanggap kapalit ng kanyang serbisyo sa nasabing establisyamento.
a. Kita c. Ipon
b. Tubo d. Interes

16. Si Sehun ay magbubukas ng bank account, kaya inalam niya kung sino ang may-ari ng
kanyang bangko pati na din ang mga tao sa likod nito. Anong katangian ng pagka-matalinong
mang-iipon ang ipinakita ni Sehun?
a. Alamin ang serbisyo at mga bayarin sa iyong bangko
b. Ingatan ang bank records
c. Kilalanin ang bangko
d. Maging Maingat

17. Sinisigurado ni Tyler na up-to-date ang kaniyang bank records kapag siya ay nagkakaroon ng
transaksiyon sa kanyang bangko. Anong katangian ng pagkamatalinong mang-iipon ang
ipinapakita ni Tyler?
a. Alamin ang serbisyo at mga bayarin sa iyong bangko
b. Ingatan ang bank records
c. Kilalanin ang bangko
d. Maging Maingat

18. May nag-alok kay Drixel ng napakalaking halaga ng pera kapalit ng kanyang 3,000. Ito ay
tinanggihan ni Drixel dahil ayon sa kanya ay sobrang maganda ang offer para paniwalaan.
Anong katangian ng pagka-matalinong mang-iipon ang ipinakita ni Drixel?
a. Alamin ang iyong bangko
b. Ingatan ang bank records
c. Maging Maingat
d. Wala sa nabanggit

19. Binabasa muna ni Abby ang terms and condition ng mga papeles na kanyang pinipirmahan sa
bangko bago niya ito tuluyan na pirmahan. Anong katangian ng pagka-matalinong mang-iipon
ang ipinakita ni Abby?
a. Alamin ang tungkol sa PDIC insurance
b. Alamin ang Produkto ng iyong bangko
c. Kilalanin ang iyong Bangko.
d. Maging Maingat

20. Alin sa mga sumusunod ang HINDI dapat pagkatiwalaan sa pagkilala ng iyong bangko?
a. PDIC c. Website ng Bangko
IKATLONG MARKAHAN PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN 9

b. BSP d. Chismis

II. ALTERNATE RESPONSE


TAMA o MALI
PANUTO: Isulat ang TAMA kung ang pahayag ay wasto at MALI naman kung hindi.

__________21. Ang sambahayan at bahay-kalakal sa unang modelo ng paikot na daloy ng


ekonomiya ay iisa.
__________22. Kumikita ang sambahayan sa interes, kita ng entreprenyur, renta o upa, at
pasahod sa paggawa.
__________23. Sa ikalawang modelo ng paikot na daloy ng ekonomiya, sa pamilihan ng kalakal
at paglilingkod napupunta ang mga yaring produkto ng bahay-kalakal.
__________24. Ang bahay-kalakal, sambahayan at pamahalaan ay may kakakayahang lumikha
ng mga produkto.
__________25. Sa ikatlong modelo ng paikot na daloy ng ekonomiya, ang pag-iimpok at
pamumuhunan ay nagiging mahahalagang gawaing pang-ekonomiya.
__________26. Sa ikaapat na modelo, ang kita ng pambansang ekonomiya ay maitatakda ng
kabuuang gastusin ng sambahayan, bahay-kalakal at pamahalaan.
__________27. Upang maging matatag ang ekonomiya, mahalagang makalikha ng negatibong
motibasyon ang mga gawain ng pamahalaan.
__________28. Maaaring magkapareho ang mga produkto ng dayuhang bansa sa mga
produktong local ng Pilipinas.
__________29. Ang Bangko Sentral ng Pilipinas ay ang ahensiya ng pamahalaan na nagbibigay
ng proteksyon sa mga depositor sa bangko.
__________30. Habang dumadami ang namumuhunan, bumababa ang nabibigyan ng empleyo.

III. IDENTIFICATION
PANUTO: Piliin sa kahon ang tamang sagot at isulat ang titik sa espasyong naibigay.
a. Deposit insurance e. Implasyon i. 6.1%
b. 10% f. Savings j. Hyperinflation
c. Shrinkflation g. Demand-Pull k. Cost-Push
d. Basket of Goods h. Purchasing Power

_____31. Ang sistemang ito ay nakakapanghikayat sa mga mamamayan na mag-impok sa


bangko.
_____32. Ayon kay Roger Farmer, ito ang pagpapaliban ng paggastos.
_____33. Basehan ng gobyerno sa mga polisiya tungkol sa pera.
_____34. Patuloy na pagtaas ng presyo bawat oras, araw at linggo.
_____35. Hindi naaapektuhan ang presyo ngunit lumiliit ang size ng produkto.
_____36. Ilang porsyento ng implasyon ang naitala noong June 2022.
_____37. Dito nakapaloob ang mga pangunahing pangangailangan ng tao.
_____38. Ito ay bunga ng pagkakaroon ng maraming salapi ng tao.
_____39. Nagkakaroon ng kakulangan sa produkto.
_____40. Pagtaas ng gastusing pamproduksiyon.

You might also like