You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION VI – WESTERN VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF ESCALANTE CITY
OLD POBLACION NATIONAL HIGH SCHOOL

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA ESP 9


SY 2022-2023

Panuto: Isulat sa kahon ang limang (5) karapatan ng isang tao.


1. 4.
2. 5.
3.

Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Piliin ang pinakaangkop na sagot at isulat
ang titik sa iyong sagutang papel.
6. Ang __________ ay mga bagay na inaasahang magagawa o maisasakatuparan ng isang tao.
A. Karapatan B. Konsensiya C. Sinseridad D. Tungkulin

7. Alin sa mga sumusunod ang tungkulin ng isang mag-aaral?


A.pagsuot ng uniporme C. pagpasok sa paaralan sa takdang oras
B. pagsuot ng Identification Card (ID) D. lahat ng mga nabanggit
8. Si Senador Manny Pacquiao ay nagmungkahi na ibalik ang pagpapataw ng parusang
kamatayan sa mga kriminal o nagkasala sa batas. Sinasang-ayunan mo ba na ibalik ang
ganitong klaseng parusa?
a. Opo, para mabigyan ng hustisya ang mga biktima.
b. Opo, para mabawasan na ang kriminalidad sa ating lipunan.
c. Hindi, dahil may mga taong napagbintangan lamang sa krimeng hindi naman ginawa.
d. Hindi, dahil ang buhay ay sagrado. Ang Diyos ang tagapagbigay buhay at tanging Siya
lang ang may karapatang bawiin ito ayon sa Kanyang kalooban.
9. Isang pulubi na maraming dumi sa katawan at may masangsang na amoy ang nais pumasok
sa isang supermarket upang bumili ng kanyang pagkain. Subalit hindi siya pinatuloy ng
gwardya. Tama ba ang naging pagtrato sa kanya?
a. Opo, dahil pangingilagan siya ng ibang namimili kapag pumasok siya sa loob.
b. Hindi, dahil may pambayad naman siya.
c. Opo, dahil pwede naman siyang bumili sa mga maliliit na tindahan sa labas.
d. Hindi, dahil hangad lamang niya na makabili ng pagkain at may karapatan at kalayaan
din siya kagaya ng iba pang mamamayan.

10. Ang mga sumusunod ay mga paglabag sa karapatang pantao maliban sa isa.
a. Terorismo c.Pagpatay sa sanggol
b. Pagbabayad ng utang d. Diskriminasyong pangkasarian
11. Sa papaanong paraan napapakinabangan ng tao ang karapatan?
a. Sa paggawa ng moral na kilos. c. Dahil tao lamang ang nakagagawa ng moral na
kilos.
b. Dahil tao lang ang may isip. d. Dahil tao lamang ang nakagagawa ng moral na
kilos.
12. Alin ang angkop na paglalarawan ng paglabag sa karapatang pantao?
a. Hindi pahihintulutang mag-absent bukas ang isang tinedyer
b. Mga karpinterong nagtatrabaho ng walang sumbrero
c. Isang Linggo ng hindi makapagtinda sa palengke dahil sa pandemya.
d. Pinagtatrabaho ang mga menor de edad sa isang minahan upang makatulong sa mga
magulang

13. Hindi maaalis sa tao ang karapatang ito dahil kailangan niya ang mga ari-arian upang
mabuhay nang maayos at makapagtrabaho ng produktibo.
a. pribadong ari-arian b. bumili ng mga ari-arian
b. mag-impok sa bangko d. umangkin ng ari-arian
14. Kapag nilabag ang karapatang pantao magkakaroon ng _____________.
a. pag-iisip ng pagsisisi b. damdamin ng pagsissi
b. pananagutan d. pagmumuni
15. Kayong magkaka-eskwela ay nasa paborito ninyong kainan. May pumasok na binatilyo na
may kapansanan sa paglalakad. Napansin mong walang bakanteng lamesa at upuan para sa
binatilyo na tila uhaw at gutom na. Ano ang gagawin mo?
a. Hahayaan ko siya at patuloy akong makikipagkwentuhan at tawanan sa aking mga
kaeskwela.
b. Tatawagin ko siya para umupo nang sandali sa aming grupo habang naghihintay siya ng
may mabakante.
c. Tatawagin ko ang pansin ng isa sa mga service crew para maglaan ng lugar para sa mga
taong may kapansanan.
d. Makikipagkilala at makikipagkwentuhan ako sa binatilyong may kapansanan habang
hindi pa siya nakakahanap ng lugar sa kainan.

16. Ang _____ ay tumutukoy sa mga prinsipyo na nagsisilbing gabay sa mga pananaw ng tao na
may kinalaman sa kung papaano niya itrato ang kanyang kapuwa at sa kanyang dignidad
bilang tao.
a. Karapatan b. Konsensiya c. Sinseridad d. Tungkulin

17. Ang kagustuhan na lumipat o tumira sa ibang lugar at magkaroon ng oportunidad tulad ng
trabaho o komportableng pamumuhay o ligtas sa anumang panganib ay sinusuportahan ng
karapatang ________________.
a. magtrabaho o maghanap buhay. c. pumunta sa ibang lugar at maghanap buhay
b. pumunta sa ibang lugar. d. mag-abroad.

18. Maagang nag-asawa sina Gina at Peter. Maraming pagsubok silang naranasan sa kanilang
pagsasama. Gayunpaman, nanatiling matatag ang kanilang pagmamahalan. Maraming
nanghusga sa kanila. Pinagsikapang magtrabaho nang maayos ng mag-asawa upang
umunlad ang kanilang buhay. Ito ay ang kanilang karapatang ____________________.
a. Mag-asawa. c. Magkapagtrabaho.
b. Magkaroon ng pribadong ari-arian. d. Makapumunta sa ibang lugar o bansa.

19. May nakita kang isang lalaking naka-kotse na pinapagalitan ang isang matandang drayber
dahil sa hindi pagpaparada nang tama sa kanyang dyip. Habang pinagsasalitaan siya nang
hindi maganda, naroon sa tabi niya ang kanyang paslit na apo. Ano ang gagawin mo?
a. Panonoorin ko ang nangyayaring kaganapan.
b. Tatawagin ko ang paslit na apo para lumayo kami sa kaganapan.
c. Tatawag ako ng kinauukulan tulad ng barangay tanod o pulis para mamagitan sa kanila.
d. Pupuntahan ko ang lalaki at ang matandang drayber at pagsasabihan ko sila na tumigil
na.

20. Ano ang totoo para sa karapatan, kasunduan, kabutihan at kawang-gawa?


a. bagay na pansarili lamang.
b. mahalagang bagay para sa lahat ng nilalang.
c. magdudulot ito ng pagkakapantay-pantay sa lahat ng tao.
d. mahalagang katangian na nararapat na mayroon ang bawat tao.
21. Alin sa mga sumusunod ang HINDI nangangahulugan ng salitang paggawa?
A. Isang bagay na hindi matatakasan at kailangang harapin sa bawat araw
B. Isang gawain ng tao na nangangailangan ng likas na pagkukusa at pagkamalikhain
C. Isang pagkilos na hindi batay sa kaalaman
D. Malaking bahagi ng pagkatao na kailangang isagawa ng may pananagutan

22. Sa pamamagitan ng paggawa nakakamit ng tao ang mga sumusunod, maliban sa:
a Suporta para sa pansariling pangangailangan
b Karapatang samsamin ang pag-aari ng iba
c Mataas na tiwala sa sarili
d Pagkakataong makisalamuha at makisama sa iba
23. Kailan masasabi na ang paggawa ay isang moral na obligasyon para sa kapuwa, pamilya, at
lipunan na kaniyang kinabibilangan?
A. Kapag iniisip ng tao ang kaniyang sarili sa kaniyang paggawa
B. Kapag kinakailangang isama sa layunin ng tao sa paggawa ang makatutulong sa kaniyang
kapuwa.
C. Kapag kinakailangan ng tao na maghanap ng hanapbuhay na ang layunin ay makatulong at
magsilbi sa kapuwa.
D. Lahat ng nabanggit

24. Ang tao ay gumagawa upang kitain ang salapi na kaniyang kailangan upang matugunan ang
kaniyang pangunahing pangangailangan. Ang pangungusap ay _____________.
A. Tama, dahil likas sa tao na unahing tugunan ang kaniyang pangunahing pangangailangan.
B. Tama, dahil hindi mabibili ng tao ang kaniyang pangangailangan kung wala siyang pera.
C. Mali, dahil hindi nararapat na pera ang maging layunin sa paggawa
D. Mali, dahil mas mahalagang isipin na matugunan ang pangangailangan ng kapuwa bago ang
sarili

25. Saan nakikita ang tunay na halaga ng paggawa?


A. Sa proseso na pinagdaanan bago malikha ang isang produkto
B. Sa kalidad ng produkto na nilikha ng tao
C. Sa haba ng panahon na iginugol upang malikha ang isang produkto
D. Sa katotohanan na ang gumawa o lumikha ng produkto ay tao

26. Ang paggawa ay para sa tao at hindi ang tao para sa paggawa. Ito ay nangangahulugang __.
A. hindi kasangkapan ang tao na kailangan para mapagyaman ang paggawa bagkus kailangan niya
ang paggawa upang makamit niya ang kanyang kaganapan.
B. hindi kasangkapan ang tao na kinakailangan para mapagyaman ang paggawa bagkus ang tao
ang kailangan upang mapagyaman ang mga kasangkapan na kinakailangan sa pagpapayaman
ng paggawa
C. ang tao gagamit ng lahat ng mga nilikha bunga ng paggawa at hindi nararapat na iasa lamang
ng tao ang kaniyang pag-iral sa mga produktong nilikha para sa kaniyang kapuwa.
D. ang tao ang gagamit ng lahat ng mga nilikha bunga ng paggawa kung kaya ibinubuhos ng tao
ang lahat ng kaniyang pagod at pagkamalikhain upang makagawa ng isang makabuluhang
produkto.

27. Ang sumusunod ay layunin ng paggawa maliban sa isa __________.


A. Kumita at ipagdamot ang bunga ng paggawa
B. Kumita ng salapi na kailangan upang matugunan ang pangangailangan
C. Makapag-ambag sa patuloy na pag-angat at pagbabago ng Agham at Teknolohiya
D. Maiangat ang kultura at moralidad ng lipunang kinabibilangan

28. Ang paggawa ay isang moral na obligasyon para sa kapuwa, sa kanyang pamilya, sa lipunan na
kaniyang kinabibilangan at sa bansa. Ito ay nangangahulugang:
A. Hindi nararapat na isipin ng tao ang kanyang sarili sa kanyang paggawa.
B. Kailangang kasama sa layunin ng tao sa paggawa ang makatulong sa kaniyang kapuwa.
C. Kailangan ng tao na maghanap ng hanapbuhay na ang layunin ay makatulong at magsilbi sa
kapuwa.
D. Lahat ng nabanggit

29. Ang pinakamataas na layunin ng paggawa ay ang _____________.


A. pagtulong sa mga nangangailangan. C. pag-angat ng kultura at moralidad.
A. pagkamit ng kaganapang bilang tao. D. pag-angat at pagbabago ng Agham at Teknolohiya.

30. Ano ang obheto ng paggawa?


A. Kalipunan ng mga gawain, resources, instrument at teknolohiya na ginagamit ng tao upang
makalikha ng mga produkto
B. Mga taong gagamit ng mga produktong nilikha
C. Tunay na layunin ng tao sa kaniyang paglikha ng mga produkto
D. Kakayahang kakailanganin ng tao upang makalikha ng isang produkto
31. Ang buhay na walang patutunguhan ay walang katuturan at ang paggawa ang nagbibigay
katuturan dito. Sa pamamagitan ng paggawa nakakamit ng tao ang sumusunod maliban ?
A. nabibigyang-dangal ang kanyang pagkatao.
A. nagagampanan niya ang kanyang tungkulin sa Diyos.
B. nakakayanan niyang suportahan ang kanyang mga pangangailangan.
C. napagyayaman ang pagiging makasarili.

32. Ang pag-unlad ng teknolohiya ang isa sa mga palatandaan ng pag-unlad ng ekonomiya ng isang
bansa ngunit unti-unti rin nitong nailalayo ang tao sa kanyang tunay na esensiya sa mundo.
Alin sa sumusunod ang nagpapatibay sa pahayag na ito?
A. pagbuo ng tao ng kaniyang pagkakakilanlan at kakayahan
B. pagkamit ng kaganapang pansarili
C. pagtulong sa kapuwa upang makamit ang kanyang kaganapan
D. lahat ng nabanggit

33. Sino sa sumusunod ang hindi nakatutulong sa pag-angat ng antas kultural ng bansa sa
pamamagitan ng kanilang paggawa?
A. Si Antonio na gumagawa ng mga muwebles na yari sa rattan at buli at nilalapatan ng modernong
disenyo
B. Si Renee na gumagawa ng mga damit na yari sa materyal na tanging sa bansa nakikita at
inilalapat sa yari ng mga damit ng mga banyaga
C. Si Romeo na nag-eexport ng mga produktong gawa sa mga kalapit na bansa
D. Si Shiela na gumagawa ng mga pelikulang tungkol sa mga isyung panlipunan ng bansa na
inilalahok sa mga timpalak sa buong mundo.

34. Sa paanong paraan nagiging hindi makabuluhan ang paggawa?


A. Kapag ang tao ay tinitingnan ang paggawa bilang tunguhin (goal) at hindi daan (means) sa
pagkamit ng tunguhin
B. Kapag ang pagbibigay ng iyong lahat ng panahon at pagod sa paggawa ay hindi nagwawaglit sa
pag-aalay nito para sa kapurihan ng Diyos
C. Kapag ibinibigay ng tao ang lahat ng kaniyang makakaya sa paggawa upang kaniyang matamasa
ang bunga ng kanyang pinagpaguran
D. Kapag nakikita at nauunawaan ng tao ang kahulugan ng kaniyang paggawa

35. Ano ang mabuting naidudulot ng pag-unlad ng Agham at Teknolohiya sa pagiging produktibo ng
tao sa paggawa ____________.
A. Hindi nagkakaroon ng pagkakataon ang tao na magamit ang kaniyang pagkamalikhain
B. Mas nababawasan ang halaga ng isang produkto dahil hindi ito nahawakan ng tao.
C. Nagkakaroon ng katuwang ang tao sa mabilis na paglikha ng maraming produkto
D. Nababago na ang kahulugan ng tunay na paggawa.

36.Bakit mahalaga ang pakikilahok at bolunterismo?


A. Upang maipakita ang pagmamahal sa kapwa
A. Upang maibahagi ang sarili sa kapwa at makamit ang kabutihang panlahat
B. Upang matugunan ang pangangailangan ng iba
C. Upang magampanan ang mga tungkulin

37. Kailan nagkakaroon ng kabuluhan ang buhay ng isang tao?


A. Kung naibabahagi niya ang kanyang sarili sa kaniyang kapwa
A. Kung siya ay nagiging mayaman
B. Kung nagagampanan niya ang kaniyang mga tungkulin bilang tao
C. Kung mahal niya ang kaniyang kapwa

38.Ito ay paraan ng pagpapakita ng paglilingkod sa kapwa nang may pagmamahal sa kapwa at sa


kaniyang lipunan.
A. Pakikilahok B. Bolunterismo C. Paglilingkod D. Pananagutan

39.Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng bolunterismo?


A. Bayanihan (lipat bahay) C. Wellness program ng barangay tulad ng libreng gupit
B. Pagtutulungan ng iba’t ibang ahensya sa paglilinis ng mga estero D. Dental mission ng mga
militar

40.Ano ang tawag sa pagtulong ng isang tao sa isang partikular na gawain nang naayon sa kaniyang
tungkulin upang makamit ang kabutihang panlahat?
A. Pananagutan B. Paglilingkod C.Bolunterismo D. Pakikilahok

Prepared By: RHODA ROSE T. LIM

You might also like