You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III
Schools Division of Zambales
BOTOLAN NATIONAL HIGH SCHOOL
IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO GRADE 9
SY 2018-2019

Pangalan: _____________________________ Petsa: _________________


Taon at Pangkat: _______________________ Guro : _________________

PANUTO:
Basahin ang bawat pangungusap at unawain ang tanong. Piliin ang pinakaangkop nasagot at isulat ang titik ng
tamang sagot sa patlang.
_____ 1.Ang mabuti ay:
a. paggawa ng tama c.pagbuo ng sarili
b. pagsunod sa batas d.pagsunod sa Diyos
_____ 2. Ang likas na batas na moral ay:
a. nilikha ni Tomas de Aquino c.inimbento ng mga pilosopo
b. nauunawaan ng tao d.galing sa Diyos
_____ 3. Tama ang isang bagay kung:
a. ito ay ayon sa mabuti c. makapagpapabuti sa tao
b.walang nasasaktan d. magdudulot ito ng kasiyahan
_____ 4. Ang tama ay pagsunod sa mabuti:
a. sa lahat ng panahon at pagkakataon
b. ayon sa sariling tantya
c. angkop sa pangangailangan at kakayahan
d. nang walang pasubali
_____5. Ano ang totoo para sa karapatan, kasunduan, kabutihan at kawanggawa?
a. Ito ay mga bagay na pansarili lamang
b. Ito ay mahahalagang bagay para sa lahat ng nilalang
c. Ito ay mahalagang bagay na nararapat na mayroon ang bawat tao
d. Ito ay magdudulot ng pagkakapantay-pantay sa tao
_____6. Ano sa mga sumusunod ang hindi gaanong importanteng batayan ng pagkatao at halaga ng tao?
a.konsensya b.dignidad c.katwiran d.kilos-loob
_____7. Ang ____ ay mga prinsipyong gumagabay sa pananaw ng tao tungkol sa pagtrato ng kaniyang kapwa,
at sa dignidad niya bilang tao.
a. katwiran b. konsensya c. karapatang pantao d.karunungan
_____8. Ang lahat ng tao’y isinilang na____ at pantay-pantay sa karangalan at mga karapatan.
a. Malaya b.may kilos-loob c.konsensya d.may katwiran
_____9. Alin sa mga sumusunod ang hindi nangangahulugan ng salitang paggawa?
a. isang bagay na hindi matatakasan at kailangang harapin sa bawat araw.
b. isang gawain ng tao na nangangailangan ng orihinal, pagkukusa at pagkamalikhain.
c. isang pagkilos nahindi nababatay sa kaalaman
d. malaking bahagi ng pagkatao na kailangang isagawa nang may pananagutan.
_____10. Siya ang may akda ng Laborem Exercens na nangangahulugan na ang paggawa-pangkaisipan man
o manwal, anoman ang kaniyang kalikasan o kalagayan, na makatao ay nararapat para sa tao bilang anak
ng Diyos.
a. Pope John Paull II c. Pope John XXIII
b. Max Scheler d. St. Augustine
_____11. Isang organisasyong pinasimulan ni Tony Meloto na naglalayong tumutulong sa pagbibigay ng bahay
na matitirhan para sa mga mahihirap.
a. PAGIBIG Funds c. Gawad Kalinga
b. Housing Foundation Inc. D. Tahanan Para sa Lahat
_____12. Ang mga sumusunod ay layunin ng paggawa maliban sa isa:
a. maipagmalaki ang kakayahan at karunungan
b. kumita ng salapi na kailangan upang matugunan ang pangunahing pangangailangan
c. makapag-ambag sa patuloy na pag-angat at pagbabago ng agham at teknolohiya
d. maiangat ang kultura at moralidad ng lipunang kinabibilangan.
_____ 13. Ang mga sumusunod ay kahulugan ng pakikilahok maliban sa:
a. Ang pakikilahok ay maaring tawaging bayanihan, damayan o kawanggawa.
b. Ang pakikilahok ay tumutulong sa tao upang maging mapanagutan sa kapwa.
c. Ang pakikilahok ay isang tungkulin na kailangang isakatuparan ng lahat na mayroong kamalayan at
pananagutan tungo sa kabutihang panlahat.
d. Ang pakikilahok ay isang malayang pagpili. Hindi maaring pilitin o pwersahin ang tao upang isagawa ito.
_____ 14. Ito ay nangangahulugang pagiging karapat-dapat ng tao sa pagpapahalaga at paggalang mula sa kaniyang
kapwa.
a. Bolunterismo b. Dignidad c. Pakikilahok d. Pananagutan
_____ 15. Alin sa mga sumusunod ang benepisyo ng bolunterismo?
a. Nagkakaroon ng kasiyahan ang isang tao kapag siya ay naglilingkod.
b. Nagkakaroon siya ng panahon na higit na makilala hindi lamang ang iba kundi pati na ang kanyang sarili.
c. Nagkakaroon siya ng personal na paglago.
d. Lahat ng nabanggit.
_____ 16. Anu-ano ang dapat Makita sa isang tao na nagsasagawa ng pakikilahok at bolunterismo?
a. Kayamanan, Katanyagan, Talento
b. Pagkakawang-gawa, Pagkakaisa, Pagmamahal
c. Panahon, Talento, Kayamanan
d.Pagkamalikhain, Talento, Pagmamahal
_____ 17. Paano natututunan ang likas na batas moral:
a. binubulong ng anghel c. basta alam mo lang
b. tinuturo ng magulang d. sinisigaw ng konsensya
_____ 18. Ang mabuti ay:
a. laging tama c. minsan tama
b. iba-iba sa tao d. pare-pareho sa tao
_____ 19. Ang mga batas ng lipunan ay nilikha upang:
a. protektahan ang mayayaman at may kapangyarihan
b. ingatan ang interes ng marami
c. itaguyod ang karapatang-pantao
d. pigilan ang masasamang tao
_____ 20. Alin ang hindi kabilang na dahilan kung bakit mayroong batas?
a. magkaroon ng kaayusan
b. mabilis na makamit ang kaunlaran
c. mailigtas ang mga tiwali at corrupt na tao
d. mapangalagaan ang karapatan ng tao
_____ 21. Ano ang pinakapundamental na batas na hinihinging magulang sang-ayon sa likas na batas moral?
a. batas ng tao c. mahalin ang sarili
b. batas ng Diyos d. Ten Commandments
_____22. Kapag ang isang tao ay mabuting nakikipag-ugnayan sa kapwa niya, magdudulot ito ng
a. kaligayahan, kapayapaan at pagkakaisa
b. mas malalim na pagkakaintindihan
c. karunungan
d. wala sa nabanggit
_____23. Ang isyung ito ay madalas na nangyayari sa probinsya kung saan ang lupang alam nila na pamana ng
kanilang
mga ninuno ay pilit na inangkin ng mga mayayamang negosyante.
a. Terorismo c. Pagkamkam ng Lupa
b. Pang-aabuso d. Diskriminasyong Pangkasarian
_____24. Pagbibigay o paglalagay ng kategorya o kahulugan ang isang tao o bagay
a. diskriminasyon c. pang- aabuso
b. stereotyping d. wala sa nabanggit
_____25.Ano ang obheto ng paggawa?
a. Kalipunan ng mga gawain, resources, instrumento at teknolohiya na ginagamit ng tao upang
makalikha ng mga produkto
b. Mga taong gagamit ng mga produktong nilikha
c. Tunay na layunin ng tao sa kaniyang paglikha ng mga produkto
d. Kakayahang kakailanganin ng tao upang makalikha ng isang produkto
_____26. Paano nasasabi na ang paggawa ay isang moral na obligasyon para sa kapwa, sa kaniyang pamilya, sa
lipunan na kaniyang kinabibilangan at sa bansa?
a. Kapag hindi iniisip ng tao ang kaniyang sarili sa kaniyang paggawa.
b. Kapag kinakailangang isama sa layunin ng tao sa paggawa ang makatutulong sa kaniyang kapwa.
c. Kapag kinakailangang ng tao na maghanap ng hanapbuhay na ang layunin ay makatulong at magsilbi sa
kapwa.
d. Lahat ng nabanggit
_____27. Paano kinikilala sa ibang bansa ang Pilipino sa larangan ng paggawa?
a. May mabagal na pagkilos at di pulidong pagtatrabaho
b. May kasipagang angkin, hindi matatawarang talino at labis na pagmamahal sa paggawa
c. May mataas na pagtingin sa sarili na ibinabatay sa trabahong nababagay sa kanila
d. Sumusunod sa tamang oras ng pagpasok, pagpapahinga at pagtatapos sa paggawa
_____28.Ang tao ay gumagawa upang kitain ang salapi na kaniyang kailangan upang matugunan ang kaniyang
pangunahing pangangailangan. Ang pangungusap ay:
a. Tama, dahil likas sa tao na unahing tugunan ang kaniyang pangunahing pangangailangan.
b. Tama, dahil hindi mabibili ng tao ang kaniyang pangangailangan kung wala siyang pera.
c. Mali, dahil hindi nararapat na pera ang maging layunin sa paggawa.
d. Mali, dahil mas mahalagang isipin na matugunan ang pangangailangan ng kapwa bago ang sarili.
_____ 29. Ang pakikilahok ay isang tungkulin na kailangang isakatuparan ng lahat na mayroong kamalayan at
pananagutan tungo sa kabutihang panlahat. Ito ay mahalaga sapagkat:
a. Maisasakatuparan ang isang gawain na makatutulong upang matugunan ang pangangailangan ng lipunan.
b. Magagampanan ang mga gawain o isang proyekto na mayroong pagtutulungan.
c. Maibabahagi ang sariling kakayahan na makatutulong sa pagkamit ng kabutihang panlahat.
d. Lahat ng nabanggit
_____ 30. Ang pakikilahok ay hindi minsanan lamang. Ito ay dapat isang patuloy na proseso hanggat kaya mo at
mayroon kang kayang gawain para sa ikabubuti ng iyong lipunan.
a. Tama, dahil mula dito nabibigyan ng saysay ang iyong pagiging tao na nilikha ayon sa wangis ng Diyos.
b. Tama, dahil nakikibahagi siya sa lipunan bilang aktibo kasapi nito at ginagawa niya ito bilang
pampalipas oras.
c. Mali, dahil ang mga tao kapag nakuha na ang kanilang nais o pakay ay humihinto na sa kanilang ginagawa.
d. Mali, dahil ang tao na naglilingkod o tumutulong dahil mayroong silang hinihintay na kapalit.
_____ 31.Alin sa mga sumusunod ang hindi halimbawa ng pakikilahok at bolunterismo?
a. Tuwing hapon pagkatapos ng klase ay tinuturan ni Marian ang mga batang hindi nakapag-aaral sa
kanilang lugar upang matutong bumasa at sumulat.
b. Si Dingdong ay pumupunta sa bahay ampunan ng mga bata upang alagaan ang mga ito tuwing bakasyon.
c. Tuwing eleksyon ay sinisigurado ni Daniel na bumoto at piliing mabuti ang tunay na karapat- dapat na
mamuno.
e. Sumali si Kathryn sa paglilinis ng paligid sa kanilang barangay sapagkat nais niyang makiisa sa layunin
nitong mapanatili ang kalinisan at kalusugan ng kaniyang mga kapit-bahay.
_____ 32. Hindi makakalahok si James saBrigada Eskwela ng kanilang paaralandahil kinakailangan niyang alagaan
ang kanyang lola na maysakit ngunit siya ay nagbigay ng gamit sa paglilinis tulad ng walis at sako na
paglalagyan ng basura. Ano kayang antas ng pakikilahok ang ipinakita niJames?
a. Impormasyon c. Sama-samang Pagkilos
b. Sama-samang pagsuporta d. Pagsuporta
_____ 33. Ang pagiging makatao ay:
f. ang pagsaklolo sa iba c. pagpanig sa tao
g. ang pagiging matulungin sa kapwa d. pagsunod sa utos ng Diyos
_____ 34. Piliin sa mga sumusunod ang tamang panukala:
a. Nagpapalit ang likas na batas moral sa paglipas ng panahon.
b. Iba-iba sa mga iba-ibang kultura ang likas na batas moral.
c. Isa lang ang likas na batas moral para sa lahat.
d. Isa lang ang likas na batas moral na may iba-ibang pag-aanyo.
_____ 35.Ano ang pagkakaiba ng mabuti at tama?
a. Ang mabuti ay angkop at ang tama ay preskripsyon.
b. Ang mabuti ay ikasisiya ng marami at ang tama ay iilan lamang
c. Ang mabuti ay pare-pareho at ang tama ay magkakaiba.
d. Ang mabuti ay kilos tungo sa pagbubuo ng sarili at ng ugnayan at ang tama ay pagpili ng mabuti batay
sapanahon, kasaysayan at sitwasyon.
_____ 36.Bakit pinakamahalaga ang pagiging makatao?
a. Upang hindi ituring na hayop.
b. Upang ingatan at payabungin ang tao.
c. Upang mapakinabangan ang tao.
d. Upang ituring na pinakamataas ang tao.
_____ 37.Ano ang ibig sabihin ng First Do No Harm na unang hakbang sa pagtupad sa mabuti?
a. Iniisip ang ikabubuti ng iba. c. Iniisip ang pag-unlad ng sarili.
b. Huwag manakit at makasakit. d. Gawin ang tama at nararapat.
_____ 38. Alin ang hindihalimbawa ng mga paglabag sa karapatang pantao:
a. Police brutality c. Human Trafficking
b. Land Grabbing d. Gender Equality
_____39. Ang karapatan ang may kaakibat na____.
a. tungkulin c.dignidad
b.konsensya d.kilos-loob
_____40. Ang ____ ang magbubukas sa isang malayang pagpili kung ano ang makakabuti sa kanya.
a. karapatan c. dignidad
b.katalinuhan d. katwiran
_____41. Ang tao ay may malalim na____ at pinagmulan.
a. Karapatan c. Dignidad
b.Kahulugan d. Konsensya
_____42. Ito ay itinaguyod ng ibat ibang indibidwal mula sa ibat ibang panig ng mundo dahil sa mapait
na karanasang dulot ng World War II.
a. Universal Declaration of Human Rights c. Gabriela
b. United Nation General Assembly d. wala sa nabanggit
_____43. Ang pagpapahayag nito ay pagsusumikap na tapatan ng kaakibat na tungkulin ng bawat karapatan.
a. Universal Declaration of Human Rights
b. Universal Declaration of Human Responsibilities
c. Human Responsibilities Advocates
d. People Welfare Society
_____44. Ano ang nagiging epekto sa pagiging produktibo ng tao at paggawa ng pag-unlad ng agham at teknolohiya?
a. Hindi nagkakaroon ng pagkakataon ang tao na magamit ang kaniyang pagkalamikhain.
b. Mas nababawasan ang halaga ng isang produkto dahil hindi ito nahawakan ng tao.
c. Nagkakaroon ng katuwang ang tao sa mabilis na paglikha ng maraming produkto.
d. Nababago na ang kahulugan ng tunay na paggawa.
_____45.Saan nakikita ang tunay na halaga ng paggawa?
a. Sa proseso na pinagdaanan bago malikha ang isang produkto
b. Sa kalidad ng produkto na nilikha ng tao
c. Sa haba ng panahon na ginugol upang malikha ang isang produkto
d. Sa katotohanan na ang gumawa o lumikha ng produkto ay tao
_____46. Ang paggawa ay para sa tao at hindi ang tao para sa paggawa. Ito ay nangangahulugang:
a. Hindi kasangkapan ang tao na kinakailangan para mapagyaman ang paggawa bagkus kailangan niya ang
paggawa upang makamit niya ang kaniyang kaganapan.
b. Hindi kasangkapan ang tao na kinakailangan para mapagyaman ang paggawa bagkus ang tao ang kailangan
upang mapagyaman ang mga kasangkapan na kinakailangan sa pagpapayaman ng paggawa.
c. Ang tao ang gagamit ng lahat ng mga nilikha bunga ng paggawa at hindi nararapat na iasa
lamang ng tao ang kaniyang pag-iral sa mga produktong nilikha para sa kaniya ng kaniyang kapwa.
d. Ang tao ang gagamit ng lahat ng mga nilikha bunga ng paggawa kung kaya ibinubuhos ng tao ang lahat ng
kaniyang pagod at pagkamalikhain upang makagawa ng isang makabuluhang produkto.
_____47. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng panlipunang dimensyon ng paggawa?
a. Ang paggawa ay paggawa para sa kapwa at kasama ang kapwa.
b. Ang paggawa ay paggawa ng isang bagay para sa iba.
c. Ang paggawa ay nagbubukas para sa pagpapalitan, ugnayan at pakikisangkot sa ating kapwa.
d. Ang paggawa ay pagkilala sa kagalingan ng mga likha ng kapwa.
_____ 48. Bakit mahalaga na dapat may kamalayan at pananagutan sa Pakikilahok?
a. Upang matugunan ang pangangailangan ng lipunan.
b. Upang magampanan ang mga gawain o isang proyekto na mayroong pagtutulungan.
c. Upang maibahagi ang sariling kakayahan na makatutulong sa pagkamit ng kabutihang panlahat.
d. Upang maipakita ang diwa ng pagkakaisa at pagmamahalan.
_____ 49.Sa Bolunterismo, kung hindi mo ito gagawin, hindi ka apektado, kundi yaong iba na hindi mo tinulungan.
Ang pahayag na ito ay:
a. Tama, sapagkat maraming tao ang nangangailangan ng iyong tulong.
b. Mali, sapagkat ang hindimo pagtulong ay isang bagay na maaring makaapekto sa iyo.
c. Tama, sapagkat maari kang managot sa iyong konsensiya sapagkat hindi ka tumugon sa
pangangailangan ng iyong kapwa sa mga sandaling yaon.
d. Mali, sapagkat hindi maaring pilitin ang tao sa kanyang gagawin. Ito dapat ay manggaling sa puso
_____ 50.Mahalaga ba ang pakikilahok at bolunterismo ng isang kabataan?
a. Oo, dahil lahat tayo ay may kakayahang tumulong.
b. Oo, dahil sa pakikibahagi nito ay makamit natin ang layunin na makatulong para sa ikabubuti at ika-uunlad ng
nakararami.
c. Hindi, dahil dahil pagsasayang lang ito ng panahon.
d. Hindi, dahil mas marami pang makabuluhang bagay na dapat pagtuunan ng pansin.

“Ang buhay na walang patutunguhan ay walang katuturan at ang paggawa ang nagbibigay ng katuturan dito.” (Anonymous)

Prepared by:

You might also like