You are on page 1of 2

UNANG LAGUMANG PAGSUSULIT

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9
Unang Markahan

Pangalan: Iskor:
Seksyon: Petsa:

Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
_____1. “Walang sinumang tao ang maaring mabuhay para sa kaniyang sarili lamang”, ito ay nangangahulugang?
a. kinakailangan ng taong makibahagi at mamuhay sa lipunan.
b. ang pagiging kasama-ng-kapuwa.
c. pagpapahalaga sa kapuwa
d. pagsasagawa ng mga bagay na kailangan upang mahubog ang pagkatao
_____2. Anong elemento ng kabutihang panlahat ang tumutukoy sa pagpapahalaga ng kalikasan ng tao, pagpapahalaga sa
kanyang dignidad?
a. tawag ng katarungan o kapakanang panlipunan ng lahat
b. katiwasayan c. kapayapaan d. paggalang sa indibidwal na tao
_____3. Ito naman ay ang elemento ng kabutihang panlahat na tumutukoy sa pagkakaroon ng katahimikan, kapanatagan o
kawalan ng kaguluhan sa lahat ng aspekto ng buhay.
a. kapayapaan c. tawag ng katarungan o kapakanang panlipunan ng lahat
b. paggalang sa indibidwal na tao d. katiwasayan
_____4. Anong elemento naman ng kabutihang panlahat ang tumutukoy sa pag-unlad na kabuuang pokus ng panlipunang
tungkulin na kailangang maibigay sa tao.
a. tawag ng katarungan o kapakanang panlipunan ng lahat
b. katiwasayan c. kapayapaan d. Paggalang sa indibidwal na tao
_____5. Isang propesor ng pilosopiya sa Ateneo de Manila University, na naniniwalang ang buhay ng tao ay panlipunan.
a. Dr. Manuel Dy b. Sto Thomas de Aquino c. Aristotle d. John F. Kennedy
_____6. Paano maipakikita ang kabutihang panlahat sa lipunan.?
a. sa paggawa at pag-iisip para sa lahat c. sa pamamagitan ng pagtulong sa nangangailangan
b. sa paggawa ng naiisip na dapat d. sa pamamagitan ng pagkakaisa
_____7. Paano malalampasan ang mga balakid sa pagkamit ng tunay na layunin ng lipunan?
a. Laging unahin ang sariling pangangailangan
b. Paunlarin ang kalagayan ng buhay sa lipunan
c. Igalang ang bawat isa, kilalanin ang dignidad ng bawat indibidwal at isipin ang kabutihang panlahat at hindi pansarili lamang.
d. Isagawa ang mga dapat gawin sa isang lipunan
_____8. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga elemento ng kabutihang panlahat ayon sa katuruan mula sa
Compendium of the Social Doctrines of the Church?
a. ang paggalang sa inidbidwal na tao c. ang personal na mithiin
b. ang Kapakanang panlipunan ng pangkat d. ang kapayapaan
_____9. Kinakailangang kilalanin, igalang, at pakaingatan ng tao na siyang mahalagang bahagi ng ating lipunan. Sa aling
elemento ng kabutihang panlahat ito nakapaloob?
a. ang paggalang sa inidbidwal na tao c. ang tawag ng katarungan
b. ang Kapakanang panlipunan ng pangkat d. ang kapayapaan
_____10. Ano ang tunay na layunin ng lipunan?
a. kapayapaan b. kabutihang panlahat c. katiwasayan d. kasaganaan
_____11. Ang mga sumusunod ay elemento ng kabutihang panlahat maliban sa _______.
a. kapayapaan b. katarungan c. katiwasayan d. paggalang sa dignidad
_____12.Ito ay may tungkulin na hubugin ang kaalaman at kasanayan ng mga kabataan upang maihanda sa mundo ng paggawa.
a. pamahalaan b. simbahan c. negosyo d. paaralan
_____13. Si Kapitan Berting ay namahagi ng facemask at alcohol sa kaniyang nasasakupan. Anong uri ng kabutihan ang
ipinapakita dito?
a. pansarili b. pangnakararami c. panlahat d. panlipunan
_____14. Sa anong paraan mo maipapakita ang pagiging responsableng
mamamayan?
a. pagbabasa ng wattpad buong araw c. pagtatapon ng basura kung saan-saan
b. paglalalaro ng mobile legends magdamag d. pagpapanatili ng kalinisan sa kapaligiran
_____15. Sa kabila ng COVID-19, ang kabutihang panlahat ay nararapat pa ring isaalang-alang. Alin sa mga sitwasyon ang hindi
nagpapakita nito?
a. pagbibigay ng relief goods sa mga mamamayan c. pagkakaroon ng libreng mass testing para sa lahat
b. pagpapatigil ng edukasyon d. libreng pagpapagamot sa mga nagkasakit
_____16. Tungkulin nito ang gabayan ang mga mamamayan patungo sa tamang
landas at moralidad.
a. simbahan b. pamahalaan c. negosyo d. paaralan
_____17. Bilang bahagi ng iyong pamilya, paano mo maipapakita ang iyong pakikisa?
a. makikiisa sa mga alintuntuning pampamilya c. ipilit ang pansariling kagustuhan
b. huwag pansinin ang utos ng mga magulang d. gawin lamang ang nakaatas na gawaing bahay
_____18. Ito ay may tungkuling pangasiwaan ang lipunan at tugunan ang pangangailangan ng nasasakupan.
a. simbahan b. pamahalaan c. negosyo d. paaralan
_____19. Ang mga sumusunod ay tungkulin ng pamilya maliban sa ___________.
a. pagtuturo ng kagandahang-asal
b. pagpapabaya sa mga anak
c. pagpapakilala sa Diyos
d. paghubog ng responsableng mga anak
_____20. Paano mo maipapakita ang paggalang sa dignidad ng tao?
a. huwag pansinin ang mga matatanda
b. respetuhin ang paniniwala ng iba
c. pagtawanan ang pagkakamali ng iba
d. bastusin ang mga kababaihan
______21. Bilang mag-aaral, ano ang maaari mong gawin upang makamit ang kabutihang
panlahat?
a. Paggalang sa indibidwal na tao c. Pagliban sa klase
b. Pagbubuyo ng kaklase d. Walang pakialam sa iba
______22. May tatlong kondisyon sa pagkamit ng kabutihang panlahat ayon kay:
a. Joseph de Torre c. Dr. Manuel Dy, Jr.
b. Sto. Tomas de Aquino d. John F. Kennedy
______23. Ang mga sumusunod ay kondisyon sa pagkamit ng kabutihang panlahat maliban sa:
a. Ang lahat ng tao ay dapat na mabigyan ng pagkakataong makakilos nang malaya
na ginagabayan ng diyalogo, pagmamahalan at katarungan
b. Ang pangunahing karapatang pantao ay nararapat na mapangalagaan
c. Ang paggalang sa indibidwal ng tao
d. Ang bawat indibidwal ay nararapat na mapaunlad ang kanyang sarili patungo
______24. Ang tunguhin ng lipunan ay kailangang pareho sa tunguhin ng bawat indibidwal.
Ang pangungusap ay:
a. Tama, dahil sa pagkakataon na ganito lamang matitiyak na makakamit ang tunay na layunin ng lipunan
b. Tama, dahil mahalagang makiayon ang bawat indibidwal sa layuning itinalaga ng lipunan
c. Mali, dahil my natatanging katangian at pangangailangan ang bawat indibidwal
d. Mali, dahil ang bawat isang indibidwal sa lipunan ang nararapat na magtakda ng mga layunin
______25. Bilang mag- aaral, paano ka makatutulong sa ating lipunan?
a. Pagkakaroon ng maraming barkada
b. Madalas na pagliban sa klase
c. Madalas na nasa computer shop
d. Sisikaping magkaroon ng mataas na marka

You might also like