You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION VIII – EASTERN VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF CATBALOGAN CITY
SILANGA NATIONAL HIGH SCHOOL

LAGUMANG PAGSUSULIT SA UNANG MARKAHAN EsP9


Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Ano ang tunay na layunin ng lipunan?
a. kapayapaan b. kabutihang panlahat c. katiwasayan d. kasaganaan

2. Ano ang kabutihang panlahat?


a. Kabutihan ng lahat ng tao
b. Kabutihan ng mga pangkat na kasapi ng lipunan
c. Kabutihan ng bawat indibidwal na kasapi ng lipunan
d. Kabutihan ng lipunang nararapat bumalik sa lahat ng mga kasapi nito

3. Ito ay nagmula sa salitang ugat na “lipon” na nangangahulugang pangkat.


a. lipunan b. komunidad c. communis d. panlipunan

4. Ito ay indikasyon ng pagkakaroon ng kabutihang panlahat, ang katatagan at seguridad ng makatarungang kaayusan.
a. kapayapaan b. katarungan c. katiwasayan d. paggalang

5. May kapayapaan kapag __________


a. iginagalang ang bawat indibidwal
b. umiiral ang katarungan
c. iginagalang ang bawat indibidwal at umiiral ang katarungan
d. may katahimikan at kapanatagan

6. Ang mga sumusunod ay elemento ng kabutihang panlahat maliban sa:


a. Kapayapaan
b. Katiwasayan
c. Paggalang sa indibidwal na tao
d. Tawag ng katarungan o kapakanang panlipunan ng lahat

7. Ang salitang komunidad ay galing sa salitang Latin na communis na nangangahulugang


a. common o nagkakapareho c. pangkat
b. komon o nagkakapareho d. sagot a at c

8. Ang mga sumusunod ay mga katangian na dapat taglay ng isang matiwasay na lipunan, maliban sa______
a. pagkakaisa b. maunlad c. pagtutulungan d. kanya – kanya

9. Ayon kay _____________ ang kabutihang panlahat ay ang pangkalahatang kondisyong pantay na ibinabahagi para sa
kapakinabangan ng lahat ng kasapi ng isang lipunan.
a. John Rawis b. Sto. Tomas de Aquino c. Jacques Maritain d. Dr.Manuel Dy

10. “Huwag mong itanong kung ano ang magagawa ng bansa para sa iyo, kundi itanong mo kung ano ang magagawa mo para sa
iyong bansa.” Ang mga katagang ito ay winika ni:
a. Aristotle b.Sto. Tomas de Aquino c. John F. kennedy d. Dr.Manuel Dy

11. Ang ekonomiya ay nagmula sa salitang Greyigo na “oikos” na ibig sabihin ay __________ at “nomos” na ibig sabihin ay
___________________.
a. bahay at pamamahala c. bahay at pamahalaan
b. pamamahala at budget d. budget at pamahalaan

12. Alin sa mga sumusunod ang maaaring maihalintulad ang ekonomiya?


a. pamamahala sa budget c. pamamahala sa budget
b. pamamahala sa pamahalaan d. pamamahala sa bahay

13. Alin sa mga sumusunod ang katotohanan sa likod na “ang tao ay pantay – pantay”?
a. likha lahat ng Diyos c. lahat ay dapat mayroong pag -aari
b. lahat ay may kanya-kanyang angking kaalamanan d. lahat ay iisa ang mithiin

14. Ang mga sumusunod ay mga katangian na dapat taglay ng isang mabuting ekonomiya maliban sa ______________________
a. organisado c. naglalamangan sa isa’t-isa
b. maunlad d. mapayapa

15. Ito ay ang mga pagkilos na masisiguro na ang bawat bahay ay magiging tahanan.
a. lipunang pang – ekonomiya c. lipunang sibil
b. lipunan d. pamahalaan
16. Ito ay ang kusang – loob na pag – oorganisa sa sarili tungo sa sama – samang pagtuwang sa isa’t – isa.
a. Lipunang Sibil c. Lipunang Pang – ekonomiya
b. Lipunan d. Ekonomiya

17. Anumang bagay na “nasa pagitan” o “namamagitan” sa nagpapadala at pinadadalhan ay tinatawag sa Latin na _______________.
a. medium o media b. media c. medium d. medium o mass media

18. Alin sa mga sumusunod ang HINDI katangian ng lipunang sibil?


a. May isinusulong na pagpapahalaga c. Walang pang – uuri
b. Pagkukusang – loob d. Walang kalayaan sa pagsasalita

19. Uri ng organisasyon na tanging layunin ay pangalagaan at protektahan ang karapatan ng mga kababaihan.
a.Couples for Christ c. Gabriella
b. media d. simbahan

20. Hindi nito isinasaalang – alang ang kalagayang panlipunan ng mga kasapi; mayaman o mahirap, may pinag – aralan o wala, kilala
o hindi, anumang kasarian dahil isinusulong ang kabutihanng panlahat. Anong uri ng katangian ng lipunang sibil ang tinutukoy nito?
a. Walang pang –uuri c. Pagkukusang – loob
b. Bukas na Pagtatalastasan d. Pagiging Organisado

Para sa 21 – 30 na tanong, isulat ang salitang TAMA kung ang pahayag ay tama at MALI naman kung ito ay mali.

______21. Ang tunay na tunguhin ng lipunan ay ang kabutihang panlahat ng komunidad na nararapat na bumalik sa lahat ng
indibidwal na kasapi nito.

______22. Sa pamamagitan lamang ng lipunan makakamit ng tao ang layunin ng kanyang pagkakalikha.

______23. Sa lipunan, nagkakaroon ang tao ng pagkakataong maipakita ang pagmamalasakit, ang tumulong at matulungan sa panahon
ng pangangailangan.

______24. Ang kapayaaan ay resulta ng pagkakaroon ng katahimikan, kapanatagan, at kawalan ng kaguluhan.

______25. Ang kabutihang panlahat ay hindi lamang nangyayari ng kusa.

_______26. Sadyang magkakaiba ang mga tao.

_______27. Ang karanasan sa pag – ibig ng magulang ay isang ekonomiyang hindi malayo sa ekonomiya ng lipunan.

_______28. Ang ekonomiya ay hindi tulad lamang din ng ng pamamahala sa bahay dahil ito ay malawak ang sakop.

_______29. Ang lipunan ay nagsisikap na pangasiwaan ang mga yaman ng bayan ayon sa kaangkupan nito sa mga pangangailangan
ng tao.

_______30. Ang lipunang pang – ekonomiya ay nagsisikap na pangasiwaan ang mga yaman ng bayan ayon sa kaangkupan nito sa mga
pangangailangan ng tao.

Inihanda ni:

MARIA VILLA P. CABAEL


Guro sa EsP

You might also like