You are on page 1of 3

Panninan Integrated School

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT


SA
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9

Pangalan: __________________________________________________________Iskor: _________

Grado at Pangkat: ____________________________________________Guro: Rizalyn T. Domingo

Panuto: Isulat sa patlang bago ang bilang ang titik ng pinakamalapit na sagot
Knowledge

_____1. Ano ang tunay na layunin ng lipunan?


a. kapayapaan b. kabutihang panlahat c. katiwasayan d. kasaganaan
_____2. Ano ang kabutihang panlahat?
a. Kabutihan ng iisa lamang b. Kabutihan ng isang pangkat sa lipunan c. Kabutihan ng tao d. Kabutihan ng lipunang
nararapat bumalik sa lahat ng mga kasapi nito
_____3. Ang mga sumusunod ay hadlang sa pagkamit ng kabutihang panlahat maliban sa:
a. Pagkilos na naaayon sa ikabubuti ng karamihan c. Pakikinabang lamang sa benepisyong
hatid ng kabutihang panlahat
b. Pagkakaroon ng pakiramdam na mas malaki ang naiiambag ng sarili kaysa sa iba d. Pagkakait ng tulong para sa
kapwa na nangangailangan
_____4. Ang mga sumusunod ay elemento ng kabutihang panlahat maliban sa:
a. Kapayapaan b. Katiwasayan c. Paggalang sa indibidwal na tao d. Tawag ng katarungan o kapakanang
panlipunan ng lahat
_____5. Ang buhay ng tao ay panlipunan. Ang pangungusap ay:
a. Tama, dahil sa lipunan lamang siya nakapamumuhay c. Mali, dahil may mga pagkakataong ang tao ang
nagnanais na makapag-isa
b. Tama, dahil lahat ng ating ginagawa at ikinikilos ay nakatuon sa ating kapwa d. Mali, dahil may iba pang aspekto ang
tao maliban sa pagiging panlipunan
_____6. Ang kahulugan ng “mass media” ay:
a. impormasyong hawak ng marami b. isahan ngunit maramihang paghahatid ng impormasyon c. impormasyong
nagpapasalin-salin sa marami d. paghahatid ng maraming impormasyon
_____7. Ang pangunahing layunin ng lipunang sibil ay:
a. pagpaparating ng mga karaingan sa pamahalaan b. pagbibigay-lunas sa suliranin ng karamihan c. pagtalakay ng mga
suliraning panlipunan d. pagbibigay-pansin sa pagkukulang ng pamahalaan.
_____8. Ang pananatili nating kaanib ng isang institusyong panrelihiyon ay bunga ng:
a. kawalan ng saysay ng buhay sa gitna ng mga tinatamasa c. kapangyarihang hawak ng mga lider
ng relihiyon
b. kalakarang kinamulatan natin sa ating mga magulang d. pagkakatantong hindi tayo nag-iisa sa
paghahanap ng katuturan ng buhay
______9. Ito ang pinakamabigat na dahilan kung bakit kailangan nating magpatulong sa iba:
a. Iba’t iba tayo ng mga kakayahan c. Hindi lahat ng pangangailangan natin ay
matatamo nating mag-isa
b. Magkakaroon tayo ng panahon para sa iba pa nating nais gawin d. Nais nating magkaroon ng saysay ang
kakayahan ng iba
______10. Ang salitang “ekonomiya” ay hango sa griyegong salita na:
a. eko at nomiya b. oikos at nomos c. oko at nomoya d. wala sa nabanggit
______11. Ayon sa isang propesor ng Pilosopiya, binubuo ng tao ang lipunan at binubuo ng lipunan ang tao. Ito ay
nangangahulugang:
a. Ang tao ang gumagawa sa lipunan at kaalinsabay nito ay ang lipunan at hinuhubog ng lipunan ang mga tao
b. Ang tao ang bumubuo sa lipunan dahil mula sa kanyang pagsilang ay nariyan na ang pamilyang nag-aaruga sa kaniya;
binubuo ng lipunan ang tao dahil matatagpuan ang tao sa lahat ng bahagi nito.
c. Ang tao ang bumubuo sa lipunan dahil ang kanilang mga kontribusyon dito; binubuo ng lipunan ang tao dahil ang
lipunan ang nagbubuklod sa lahat ng tao.
d. Ang tao ang bumubuo sa lipunan dahil pamilya ang nag-aruga sa tao at dahil matatagpuan ang tao sa lahat ng bahagi
nito; binubuo ng lipunan ang tao dahil sa lipunan makakamit ang kaniyang kaganapan ng pagkatao.
______12. Ito ay mga halimbawa ng Prinsipyo ng Subsidiarity, maliban sa: a. marangal na pamumuhay b. maayos na
edukasyon c. pagtutulungan d. pagkakaloob maayos na pabahay
______13. Ito ay mga halimbawa ng Prinsipyo ng Solidarity, maliban sa:
a. sama-samang pagtakbo para sa kalikasan b. pagkakaroon ng kaalitan c. bayanihan at kapit-bahayan d. pagkakaroon ng
panahon sa pagpupulong
______14. May kasinungalingan sa mass media kung mayroong:
a. paglalahad ng mga impormasyong hindi pakikinabangan. b. pagpapahayag ng sariling kuro-kuro. c. paglalahad ng
iisang panig ng usapin. d. pagbanggit ng maliliit na detalye.
______15. Ang pananatili nating kaanib ng isang institusyong panrelihiyon ay bunga ng:
a. kawalan ng saysay ng buhay sa gitna ng mga tinatamasa. c. kapangyarihang hawak ng mga lider ng
relihiyon.
b. kalakarang kinamulatan natin sa ating mga magulang. d. pagkakatantong hindi tayo nag-iisa sa
paghahanap ng katuturan ng buhay.
______16. Bakit nagkukusa tayong mag-organisa at tugunan ang pangangailangan ng nakararami?
a. Sa ganito natin maipapakita ang ating pagkakaisa. c. Walang ibang maaaring gumawa nito para sa
atin.
b. Ang sama-samang pagkilos ay nagpapagaan sa gawain. d. Hindi sapat ang kakayahan ng pamahalaan
upang tumugon.
_______17. Ang mga sumusunod ay naglalarawan sa lipunang pang-ekonomiya maliban sa:
a. Maihahalintulad sa pamamahala ng budget sa isang bahay c. Pangangasiwa ng yaman ng bayan ayon sa kaangkupan
nito sa mga pangangailangan ng tao
b. Pagkilos para sa pantay na pagbabahagi ng yaman ng bayan d. Pagkilos upang masiguro na ang bawat bahay ay
magiging tahanan sa pamamagitan ng pangangasiwa ng yaman ng bayan
_______18. Sa lipunang pang-ekonomiya, ano ang pagkakaiba ng pantay sa patas?
a. Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong benepisyo sa lahat ng tao sa lipunan, ang patas ay pagbibigay ng nararapat
para sa tao batay sa kanyang pangangailangan
b. Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong benepisyo sa lahat tao sa lipunan, ang patas ay pagbibigay ng nararapat
para sa tao batay sa kanyang kakayahan
c. Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong pagturing sa lahat ng tao sa lipunan, patas ay ang paggalang sa kanilang
mga karapatan
d. Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong pagturing sa lahat ng tao sa lipunan, patas ay pagtiyak na natutugunan ng
pamahalaan ang lahat ng pangangailangan ng mga tao
_______19. Ang mahusay na pamamahala ay may kilos na:
a. Mula sa mamamayan patungo sa namumuno b. Mula sa namumuno patungo sa mamamayan c. Parehong a at b d. Mula
sa mamamayan para sa nasa mamamayan
_______20. Nasa kanilang kamay ang tungkulin na pangalagaan ang nabubuong kasaysayan ng pamayanan: a. Mga Batas
b. Mamamayan c. Kabataan d. Pinuno
_______21. Ang tunay na “boss” sa isang lipunang pampolitika ay ang: a. mamamayan b. pangulo c. pangulo at
mamamayan d. halal ng bayan
_______22. Upang mabuo ang isang lipunan at mabuklod ang mga tao, kailangan ng _____? a.pagbibigayan b. pag-
uugnayan c. respeto d. kaganapan
_______23. Alin sa sumusunod ang makakapagpatatag ng lipunan?
a. pagsisikap ng bawat tao b. mapanatili ang kabutihang panlahat c. pagsasabuhay ng moral na pagpapahalaga d. lahat
ng nabanggit
_______24. Binibigyang diin ng prinsipyo ng solidary ang sumusunod, maliban sa:
a. kabutihang panlahat b. tungkulin c. privacy d. kooperasyon
_______25.Binibigyang diin ng prinsipyo ng subsidiarity ang sumusunod, maliban sa:
a. katauhan ng isang indibidwal b. karapatan c. kalayaan d. pagkakapantay-pantay
_______26. Ano ang kahulugan ng salitang “oikos”?
a. paaralan b. bahay c. simabahan d. palengke
_______27.Ano ang kahulugan ng salitang “nomos”
a. pamahalaan b. pamamahala c. pamunuan d. lipunan
_______28.Ang pamahalaan ay gumagawa at nagpapatupad ng batas upang matiyak na:
a. Ang lahat ay magiging masunurin c. bawat mamamayan ay may tungkuling dapat gampanan
b. Matutugunan ang mga pangangailangan ng lahat d. walang magmamalabis sa lipunan
_______29. Alin sa mga sumusunod ang makatarungang programa ng gobyerno?
a. Paggiba sa mga tahanan ng mga iskwater c. Paggawa ng mga bahay na bot-kayaa ng mga
mahihirap
b. Paglilipat ng mga mahirap sa mga probinsya d. Paglulunsad ng housing project para marentahan ang
mga maykaya
_______30. Ipinasok sa emergency room ang isang nasagasaang lalaki. Ayaw siyang gamutin ng mga taga-ospital sa
dahilang wala siyang pambayad. Ano ang tamang reaksyon tungkol dito?
a. Tama lang ang ginawa ng taga-ospital c. Dapat gamutin muna ang pasyente bago magpabayad
sa ospital
b. Dapat bayaran ng nagpasok sa kanya ang gastusin d. Dapat hanapin ang nakasagasa upang
masigurong may magbabayad sa ospital

Process
_______31. Alin sa mga sumusunod na halimbawa ang nagpapahayag ng pananagutan?
a. Pakikilahok at pakikiisa sa mga programa ng pamahalaan b. Pagboto c. Pagbabayad ng buwis d. Lahat ng mga ito
_______32. Ang pag-unlad, pagbabago at pagsasaayos ng lipunan at bansa ay nakasalalay sa mga kasaping ___________.
a. walang pakialam b. masayahin c. responsable d. duwag
_______33. Ito ay may layuning turuan at tulungan ang tao na marating ang tagumpay at masaganang pamumuhay
maging sa pagbibigay ng kaalaman. Ano ito?
a. Paaralan b. Pamahalaan c. Pamilya d. Simbahan
_______34. Sa pamamagiitan nito natutuhan ng tao ang katotohanan ukol sa Diyos na hindi karaniwang natutuhan sa iba
pang institusyon. Ano ito?
a. Pamahalaan b. Simbahan c. Paaralan d. Pamilya
_______35. Ang mga sumusunod ay mga gawain o serbisyong ibinibigay ng pamahalaan. Alin ang hindi?
a. Pagbibigay ng trabaho sa mahihirap b. Pagkakaroon ng mga batas at programa c. Matulungan at mapaglingkuran ang
mga tao d. Sumiil sa mga mamamayan
_______36. Ito ang pinakamaliit nay unit ng lipunan. Ano ito?
a. Pamilya b. Pamahalaan c. Simbahan d. Paaralan
_______37. Ang bawat karapatan na tinatamasa ng isang tao sa lipunan at bansang kanyang kinbibilangan ay may
kaakibat na __________________?
a. kaganapan b. pamilya c. pananagutan d. kasiyahan
_______38. Piliin sa mga sumusunod na pahayag kung paano maaalagaan at maipaglaban ang karapatan.
a. Sumali sa mga rally at strikes sa kalye b. Maging masunurin sa batas b. Tumahimik na lamang d. Wala sa mga
nabanggit
_______39. Ang bawat tao ay isinilang na may pantay na dignidad at magkatulad na pangangailangan upang matamo ang
___________________?
a. kaganapan b. pananagutan c. kasiyahan d. lahat ng mga nabanggit
_______40. Piliin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pakahulugan ng lipunan:
a. Mga taong lulan ng bus b. Grupo ng mga taong tumatawid sa kalye c. Mga Barangay kagawad na nasa
meeting d. Lahat ng nabanggit
_______41. Ang lipunan ay samahan ng mga tao na may _______? a. magkaugnay na mithiin b. magagandang pangarap
c. iisang layunin d. iisang paniniwala
_______42. Ang mga pamamaraan at sistema sa lipunan ay kailangang________? a. pinagkasunduan b. magkaugnay c.
magkaiba d.pinagdebatihan
_______43. Mahalaga ang lipunan sapagkat sa pamamagitan nito ay natatamo ng tao ang _______? a. kasiyahan b.
espiritwalidad c. mataas na kalagayan d. kaganapan
_______44. Ang lipunan ay para sa tao. Nangangahulugan ito na _____________?
a. ang layunin ng lipunan ay para sa tao c. ang mga tao ay para sa lipunan
b. ang lipunan ay binubuo ng mga tao d. ang lipunan at ang mga tao ay magkaugnay
_______45. Ito ay kailangan upang maisulong ang kabutihang panlahat para sa ikauunlad ng lipunan. Ano ito?
a. Interes ng bawat tao b. Personal na tunguhin c. Partisipasyon ng mamamayan d.
Magkatugmang pananaw
Understanding
_______46. Ito ay mga aspekto para sa kaganapan ng tao. Alin ang hindi?
a. Paggalang sa pagkatao ng indibidwal c. Paggalang sa kabutihan at pag-unlad ng buong lipunan
b. Paggalang sa mga magulang d. Paggalang sa kasiguruhan ng katarungang panlipunan
_______47. Si Mang Tony ay mahilig mag-alaga ng hayop lalung-lalo na sa mga baboy. Kung kaya ang kanyang
personal na hilig ay nagdudulot ng hindi kanais-nais na amoy sa pamayanan. Kahit na gusting-gusto niya, unting-unti
niyang ibinenta ang mga alagang baboy para sa ikabubuti at pagkakaroon ulit ng sariwang hangin sa pamayanan. Ano
ang ipinahihiwatig ng salaysay?
a. Ang pag-aalaga ng baboy ay nakatutulong sa araw-araw na gastusin c. Nakatutulong sa pag-unlad ang pagiging
masipag
b. Maaring magbago ang buhay kung may pagsisikap d. Ang personal na kabutihan ay hindi dapat
sumalungat sa kabutihang panlahat
_______48. Alin ang hindi magandang estratehiya para makatulong sa panlipunang pag-unlad?
a. Pagakakaroon ng disiplina sa pagtatapon ng basura c. Pagsisikap na makatapos sa pag-aaral
b. Pagboto sa popular na kandidato d. Paglahok sa gawaing pansibiko
_______49. Naging kasapi ng Rotary Club si Mang Cris. Nakaugalian na ng samahan ang magkaroon ng programang
makatulong sa mga mahihirap sa pamamagitan ng Medical Mission bawat taon. Ano ang ipinapahiwatig ng sitwasyon?
a. Pagmamalasakit sa mga nangangailangan b. Pagbibigay ng payo c. Pag-conduct ng Family Planning Seminar d. Lahat
ng mga ito
_______50. Alin sa mga sumusunod na halimbawa ang nagpapakita ng pagkikiisa sa mga proyekto at gawaing
pampamayanan?
a. Pag-aatend ng meeting sa barangay b. Pagbabalewala sa mga tungkuling pampamayanan c. Pagsasawalang-kibo sa mga
isyung panlipunan d. Lahat ng mga ito

You might also like