You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region I
SCHOOLS DIVISION OF ILOCOS SUR
Bantay, Ilocos Sur
SUGPON NATIONAL HIGH SCHOOL 300036
Poblacion Sugpon, Ilocos Sur 09175685991

UNANG PANAHUNANG PAGSUSULIT SA EsP 9

Pangalan:________________________________________Baitang/Pangkat:___________________ Nakuha:__________

I. Basahin nang maigi at sagutin ang mga sumusunod.

Para sa bilang 1 – 11, piliin ang letra ng tamang sagot at isulat sa nakalaang patlang.

____1. Ayon kay Dr. Manuel Dy, isang propesor ng Pilisopiya sa Ateneo de Manila University, binubuo ng mga tao ang
lipunan at binubuo ng lipunan ang mga tao. Ito ay nangangahulugang __________.
A. Ang tao ang gumagawa sa lipunan at kaalinsabay nito ay ang lipunan at hinuhubog ng lipunan ang mga tao.
B. Ang tao ang bumubuo sa lipunan dahil mula sa kaniyang pagsilang ay nariyan na ang pamilyang nag-aaruga sa
kaniya; binubuo ng lipunan ang tao dahil matatagpuan ang tao sa lahat ng bahagi nito.
C. Ang tao ang bumubuo sa lipunan dahil ang kanilang mga kontribusyon ang nagpapalago at nagpapatakbo dito;
binubuo ng lipunan ang mga tao dahil ang lipunan ang nagbubuklod sa lahat ng tao.
D. Ang tao ang bumubuo sa lipunan dahil pamilya ang nag-aruga sa tao at dahil matatagpuan ang tao sa lahat ng
bahagi nito; binubuo ng lipunan ang mga tao dahil sa lipunan makakamit ang kaganapan ng kaniyang
pagkatao.
____2. Ang buhay ng tao ay panlipunan. Ang pangungusap ay_____________.
A. tama, dahil sa lipunan lamang siya nakapamumuhay
B. tama, dahil lahat ng ating ginagawa at ikinikilos ay nakatuon sa ating kapwa;
C. mali, dahil may mga pagkakataong ang tao ang nagnanais na makapagisa.
D. mali, dahil may iba pang aspekto ang tao maliban sa pagiging panlipunan
____3. “Huwag mong itanong kung ano ang magagawa ng bansa para sa iyo, kundi itanong mo kung ano ang magagawa mo
para sa iyong bansa.” Ang mga katagang ito ay winika ni:
A. Aristotle B. Bill Clinton C. John F. Kennedy D. St. Thomas
____4. Ang mga sumusunod ay hadlang sa pagkamit ng kabutihang panlahat maliban sa:
A. paggawa ng tao ayon sa kanyang pansariling hangad
B. pagkakaroon ng pakiramdam na mas malaki ang naiiambag ng sarili kaysa sa nagagawa ng iba
C. pakikinabang sa benepisyong hatid ng kabutihang panlahat subalit pagtanggi sa pagbabahagi para sa pagkamit
nito
D. pagkakait ng tulong para sa kapwa na nangangailangan
____5. Ano ang dahilan kaya nanatiling buo ang isang samahan? Mayroon silang ____________.
A. kontribusyon B. gampanin C. pagmamahalan D. katalinuhan
____6. Alin sa mga sumusunod ang bumubuo at nagpapatupad ng batas para sa lipunan?
A. pamahalaan B. pamilya C. simbahan D. paaralan
____7. Alin sa mga sumusunod ang hindi kasama sa element ng kabutihang panlahat?
A. kapayapaan B. Paggalang sa indibidwal na tao C. katiwasayan D. Tawag ng katarungan
____8. Batay sa mga elemento ng kabutihang panlahat sa tanong bilang 7 na nasa itaas, alin sa mga sumusunod ang
tumutukoy sa pagrespeto sa kapwa?
A. a B. b C. c D. d
____9. Batay sa mga elemento ng kabutihang panlahat sa tanong bilang 7 na nasa itaas, alin sa mga sumusunod ang
tumutukoy sa pagkamit at pagbibigay ng hustisya sa tao?
A. a B. b C. c D. d
____10. Batay sa mga elemento ng kabutihang panlahat sa tanong bilang 7 na nasa itaas, alin sa mga sumusunod ang
makakamit kung may katahimikan, kapanatagan o kawalan ng kaguluhan sa lahat ng aspekto ng buhay?
A. a B. b C. c D. d
____11. Suriin mabuti, ang mga sumusunod ay hadlang sa pagkamit ng kabutihang panlahat maliban sa:
A. Paggawa ng tao ayon sa kanyang pansariling hangad
B. Pagkakait ng tulong para sa kapuwa na nangangailangan
C. Pagkakaroon ng pakiramdam na mas Malaki ang naiaambag ng sarili kaysa sa paggawa ng iba
D. Pakikinabang sa benepsiyong hatid ng kabutihang panlahat subalit pagtanggi sa pagbabahagi para sa pagkamit
nito
12. ipaliwanag ang kabutihang panlahat sa sarili mong pananaw. Isulat ang sagot sa ibaba.
_____________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________

Para sa Bilang 13 hanggang 22,


Panuto. Hanapin sa HANAY B ang tinutukoy sa HANAY A.
HANAY A HANAY B
____13. paaralan a. batas
____14. simbahan b. magulang
____15. pamilya c. paniniwala
____16. mga negosyo d. pangkat ng tao
____17. pamahalaan e. malasakit sa iba
____18. lipunan f. kaalaman
____19. institusyon g. ekononomiya
____20. pakikipagkapwa-tao h. organisasyon
____21. kabutihan i. pagbigay-galang
____22. respeto j. malinis na kalooban

Para sa bilang 23 – 27, piliin ang letra ng tamang sagot at isulat sa nakalaang patlang.
____23. Paano nakaaapekto sa buhay ng tao ang lipunang kanyang kinabibilangan?
A. Ang tao kailanman ay hindi naaapektuhan ng lipunan.
B. Ang lipunan ay nakatutulong sa pagbubuo ng pagkatao.
C. Ang tao ay hinuhubog ayon sa lipunang kaniyang kinabibilangan.
D. Ang lipunan ay walang kontribusyon sa paghubog ng pagkatao.
____24. Alin ang HINDI nagpapakita ng halimbawa ng kabutihang panlahat?
A. Pakikipagkapwa-tao C. Panghuhusga B. Pagbibigayan D. Paggalang
____25 Alin sa sumusunod ang nagsasabuhay kung ano ang tunay na layunin ng lipunan?
A. kabutihang panlahat B. kapayapaan C. kasaganaan D. katiwasayan
____26. Alin ang nagpakita ng kabutihang panglahat? “Ang tunguhin ng lipunan ay kailangang pareho sa tunguhin ng bawat
indibidwal.” Ang pangungusap ay:.
A. Mali, dahil may ibat-ibang katangian at pangangailangan ang bawat isang indibidwal
B. Tama, dahil mahalagang makiayon ang bawat indibidwal sa layuning itinalaga ng lipunan
C. Tama, dahil sa ganitong pagkakataon matitiyak na makakamit ang tunay na layunin ng lipunan.
D. Mali, dahil ang bawat indibidwal ng ating lipunan ang nararapat na nagtatakda ng mga layunin.
____27. Paano maisakatuparan ang konsepto ng katagang ito? “Kalayaan at pagkakapantay-pantay ang nararapat na
manaig sa lipunan”
A. Sa kalayaan masasakripisyo ang kabutihan ng indibidwal.
B. Pagkapantay pantay makamit ng tao sa lipunan ayon sa likas na batas.
C. Sa pagitan ng kalayaan at pagkapantay pantay lahat ay mag alay ng sakripisyong mithiin.
D. Ang kalayaan ay mahalaga upang mangingibabaw ang paggalang sa mga karapatan ng tao.
28. Magbigay ng halimbawa ng nagpapakita ng Prinsipyo ng Solidarity. Isulat ang sagot sa ibaba.
___________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________

Para sa bilang 29 – 33, p65iliin ang letra ng tamang sagot at isulat sa nakalaang patlang.
____29. Ang ating lipunan ay binubuo ng mga batas na nilikha para sa kabutihang panlahat. Alin sa sumusunod ang hindi
tunay na diwa nito?
A. protektahan ang mayayaman at may kapangyarihan
B. kondenahin ang mapagsamantala sa kapangyarihan
C. itaguyod ang karapatang-pantao
D. ingatan ang interes ng marami
____30. Paano sinikap ng ating estado na iangkop ang kultura bilang pagkilala sa karapatan ng bawat mamamayan?
A. sa pamamagitan ng pagbuo ng konstitusyon kalakip ang mga karapatan at proteksiyon ng mga mamamayan
B. sa pamamagitan ng pagtatayo ng maraming imprastraktura senyales ng pag-unlad ng ekonomiya ng bansa
C. sa pamamagitan ng pagtatatag ng iba’t ibang samahan na sasagot sa pangangailangan ng bawat mamamayan
D. sa pamamagitan ng paglikha ng maraming mga batas
____31. Alin sa sumusunod ang naglalarawan na tama ang isang pasya?
A. magdudulot ito ng kasiyahan B. makapagpapabuti sa tao C. ito ay ayon sa mabuti D. walang nasasaktan
____32. Suriin ang pangungusap, ano ang makakamit ng Lipunan kung ang lahat ng mamamayan ay nakikilahok?
A. pag-unlad B. pagkakaisa C. kabutihang panlahat D. pagtataguyod ng pananagutan
____33. Sa iyong palagay sa isang lipunang pampolitika, sino/ alin ang kinikilalang tunay na boss?
A. pangulo B. mamamayan C. pinuno ng simbahan D. kabutihang panlahat

Para sa bilang 34-38, ilista ang tinutukoy.


Ano ang mga katangian ng iba’t ibang anyo ng lipunang sibil?
34. _________________________________________________ 37._________________________________________
35.__________________________________________________ 38._________________________________________
36.__________________________________________________

____39. Suriin kung anong anyo ng lipunang sibil ang mga nabanggit na halimbawa facebook, twitter, at instagram?
A. simbahan B. lipunang sibil C. pulitika D. media
____40. Alin ang HINDI nagsusulong ng kabutihang panlahat?
A. pulitika B. lipunang Sibil C. simbahan D. fraternity at gang
____41. Alin sa mga pahayag ang nagpapakita ng halimbawa ng isang organisasyon ng lipunang sibil?
A. Pagnanais ng mga mamayan na matugunan ang kanilang mga pangangailangan na bigong tugunan ng
pamahalaan at kalakalan.
B. Nailalagay natin sa mas mababang antas ang kabuluhan ng mga material na bagay na ating tinatamasa
C. Ang pagtugon ng mga simbahan sa iba’t ibang kalagayan ng piling mamamayan.
D. Pag organisa ng ating mga sarili tungo sa pagka watak-watak ng bawat isa.
____42. Hindi ikabubuti ninuman ang kasinungalingang bunga ng pagdadagdag-bawas sa katotohanan. Ang pahayag na ito
ay_______.
A. Tama, dahil ang pagsisinungaling ay nakadepende sa sitwasyon.
B. Tama, dahil ang pagbaluktot sa katotohanan ay isang panlilinlang.
C. Mali, sapagkat ang lahat ay nagkakasala at hindi karapat-dapat sa katotohanan
D. Mali, kung ang katotohanan ay makakasama sa kalusugan ng isang tao ay panatilihin na lamang ito na lingid sa
kanyang kaalaman.
____43. Ang Gabriela ay isang grupo ng kababaihan sa Pilipinas na naging isang pampolitikong partido. Sa kanilang
pagsulong ay naisabatas ang mga sumusunod, MALIBAN sa:
A. Anti-Trafficking in Persons Act (2003)
B. Rape Victims Assistance and Protection Act (1998)
C. Anti-Violence Againts Women and Their Children act (2004)
D. Naglathala ng alternatibong pahayagan, at nagsaliksik sa ugnayan Kristiyano at Muslim
____44. Ito ay tinatawag na medium kung marami at naghahatid ng balita para sa lahat ng mga mamamayan.
A. ICT B. Internet C. Media D. Simbahan
____45. Sa paanong paraan makakamit ang kabutihang panlahat?
A. Sa pagpanalangin sa mga nangangailangan.
B. Sa pagsabi ng mabuti sa mga nangangailangan.
C. Sa pagkilala at pagsuri sa mga pangangailangan ng mamamayan.
D. Sa pakikilahok sa mga lipunang sibil na nagsusulong ng pagtugon sa pangangailangan ng nakararami.
____46. Ano ang tawag sa grupo o koleksyon ng mga indibidwal na nakakategorya sa labas ng pamilya, estado, at
merkado, at aktibong nakikipag-ugnayan sa mga tao upang makamit ang iisang adhikain at isulong ang kanilang mga
itinakdang layunin?
A. simbahan B. media C. pulitika D. Lipunang Sibil
____47. Pangunahing layunin ng lipunang sibil ang;
A. pagpaparating ng mga karaingan sa pamahalaan C. pagbibigay lunas sa suliranin ng karamihan
B. paglalakbay ng mga suliraning panlipunan D. pagbibigay pansin sa pagkukulang ng pamahalaan

48 - 50. Pagninilayan ang mga katagang, “Walang sino man ang nabubuhay para sa sarili lamang”. (3 puntos)

Inihanda ni: Iwinasto ni: Inaprubahan ni:

MILAGROS C. BAUTISTA RICARDO D. MADAY-A MAXILINDA JELLY P. QUITON


TIII HTIII School Principal I

You might also like