You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Department of Education
MIMAROPA REGION
Division of Calapan City
BUCAYAO NATIONAL HIGH SCHOOL
Bucayao, Calapan City

FIRST PERIODIC TEST


in

ESP 9
S.Y.2018-2019

9-KGQU

Name:____________________________________ Date:___________
_______________ _______________
Section: Score: __________
______
__________________________________________
_______

0
I. Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong. Piliin ang pinakaangkop na
sagot at isulat ang titik nito sa sagutang papel.

MODYUL 1: LAYUNIN NG LIPUNAN: KABUTIHANG PANLAHAT

_____ 1. Ito ay binubuo ng mga tao na mayroong kinabibilangang pangkat at may iisang tunguhin o
layunin.
A. Komunidad B. Lipunan C. Pamilya D. Paaralan

_____ 2. Ito ay binubuo ng mga indibidwal na nagkakapareho ng mga interes, ugali o pagpapahalagang
bahagi ng isang partikular na lugar.
A. Komunidad B. Lipunan C. Pamilya D. Paaralan

_____ 3. Ano ang layunin ng lipunan?


A. Kabutihang Panlahat B. Kabutihan C. Kapayapaan D. Pagkakaisa

_____ 4. Ang buhay ng tao ay panlipunan. Ang pangungusap ay:


A. Tama, dahil sa lipunan lamang siya nakapamumuhay
B. Tama, dahil lahat ng ating ginagawa at ikinikilos ay nakatuon sa ating kapwa
C. Mali, dahil may mga pagkakataong ang tao ang nagnanais na makapag-isa
D. Mali, dahil may iba pang aspekto ang tao maliban sa pagiging panlipunan
_____ 5. Ang tunguhin ng lipunan ay kailangang pareho sa tunguhin ng bawat indibidwal. Ang
pangungusap ay:
A. Tama, dahil sa pagkakataon na ganito lamang matitiyak na makakamit ang tunay na layunin ng
lipunan.
B. Tama, dahil mahalagang makiayon ang bawat indibidwal sa layuning itinalaga ng lipunan.
C. Mali, dahil may natatanging katangian at pangangailangan ang bawat isang indibidwal.
D. Mali, dahil ang bawat indibidwal sa lipunan ang nararapat na nagtatakda ng mga layunin.
_____ 6. Kalayaan at pagkakapantay-pantay ang nararapat na manaig sa lipunan. Ang pangungusap ay:
A. Tama, dahil ito ang mahalaga upang mangibabaw ang paggalang sa mga karapatan ng tao
B. Tama, dahil ito ay inilaan na makamit ng tao sa lipunan ayon sa Likas na Batas
C. Mali, dahil sa kalayaan, masasakripisyo ang kabutihang panlahat at sa pagkakapantay-pantay,
masasakripisyo ang kabutihan ng indibidwal
D. Mali, dahil sa kalayaan, masasakripisyo ang kabutihan ng indibidwal at sa pagkakapantay-pantay,
masasakripisyo ang kabutihang panlahat
_____ 7. Ano ang pagkakaiba ng lipunan sa komunidad?
A. Sa lipunan, ang nangingibabaw ay ang iisang tunguhin o layunin samantalang sa komunidad ang
mahalaga ay ang pagkakabukod-tangi ng mga kabilang nito.
B. Sa lipunan, ang pangkat ng mga tao ay may nagkakaisang interes, mithiin at pagpapahalaga
samatalang sa komunidad, ang namumuno ang nagbibigay ng direksiyon sa mga taong kasapi
nito.
C. Sa lipunan, ang namumuno ay inatasan ng mga mamamayan na kamtin ang mithiin ng mga
kasapi nito samantalang sa komunidad, ang mga tao ang nararapat na manaig sa pagkamit ng
kanilang mga mithiin.
D. Sa lipunan, mas malaking pamahalaan ang nakasasakop samantalang sa komunidad ay mas
maliit na pamahalaan.
_____ 8. Ano ang maaaring makatulong sa pagkamit ng kabutihang panlahat?
A. Paggawa ng tao ayon sa kaniyang pansariling hangad
B. Pagkakaroon ng pakiramdam na mas malaki ang naiiambag ng sarili kaysa sa nagagawa ng iba
C. Pakikinabang sa benepisyong hatid ng kabutihang panlahat subalit pagtanggi sa pagbabahagi
para sa pagkamit nito
D. Ang paggalang sa indibidwal na tao.
1
_____ 9. Ano ang maaaring makahadlang sa pagkamit ng kabutihang panlahat?
A. Pagkakaroon ng kapayapaan C. Pag-iral ng katarungan
B. Paggalang D. Pagkamakasarili

_____ 10. Ayon kay Dr. Manuel Dy, isang propesor ng Pilosopiya sa Ateneo de Manila University, binubuo
ng tao ang lipunan at binubuo ng lipunan ang tao. Ito ay nangangahulugang:
A. Ang tao ang gumagawa sa lipunan at kaalinsabay nito ay ang lipunan at hinuhubog ng lipunan
ang mga tao.
B. Ang tao ang bumubuo sa lipunan dahil mula sa kaniyang pagsilang ay nariyan na ang pamilyang
nag-aaruga sa kaniya; binubuo ng lipunan ang tao dahil matatagpuan ang tao sa lahat ng bahagi
nito.
C. Ang tao ang bumubuo sa lipunan dahil ang kanilang mga kontribusyon ang nagpapalago at
nagpapatakbo dito; binubuo ng lipunan ang tao dahil ang lipunan ang nagbubuklod sa lahat ng
tao.
D. Ang tao ang bumubuo sa lipunan dahil pamilya ang nag-aruga sa tao at dahil matatagpuan ang
tao sa lahat ng bahagi nito; binubuo ng lipunan ang tao dahil sa lipunan makakamit ang kaniyang
kaganapan ng pagkatao.

_____ 11. Ang sumusunod ay makakatulong sa pagkamit ng kabutihang panlahat MALIBAN sa:
A. Kapayapaan C. Diskriminasyon
B. Paggalang sa indibidwal na tao D. Tawag ng katarungan

_____ 12. Ano ang kabutihang panlahat?


A. Kabutihan ng lahat ng tao.
B. Kabutihan ng mga pangkat na kasapi ng lipunan.
C. Kabutihan ng bawat indibidwal na kasapi ng lipunan.
D. Kabautihan ng lipunang nararapat bumalik sa lahat ng mga kasapi nito.

Para sa bilang 13-15, suriin kung anong elemento ng kabutihang panlahat ang ipinapakita sa mga
sumusunod na sitwasyon. Piliin ang sagot mula sa mga choices sa ibaba:

A. Paggalang sa indibidwal na tao


B. Ang tawag ng katarungan o kapakanang panlipunan ng pangkat.
C. Ang kapayapaan.
D. Pagkakapantay-pantay

_____ 13. Masayang namumuhay ang mga mamamayan ng Brgy. Bucayao sapagkat namamayani ang
katahimikan sa kanilang lugar, panatag an gang kalooban ng bawat isa at walang kaguluhan sa lahat ng
aspekto ng buhay.

_____ 14. Ang bawat paaralan ay kumikilala at pinapahalagahan ang dignidad ng bawat mag-aaral sa
pamamagitan ng pagbibigay ng oportunidad upang mahubog ang kanilang pagkatao.

_____ 15. Sinisigurado ng pamahalaan na maibigay sa mga mamamayan ang mga pampublikong serbisyo
na makakatulong upang makaagapay sa pamumuhay ng bawat isa.

MODYUL 2: LIPUNANG POLITIKAL, PRINSIPYO NG SUBSIDIARITY AT PRINSIPYO NG PAGKAKAISA

_____ 16. Layunin nito na maisaayos ang lipunan upang masiguro na ang mga bawat isa ay malayang
magkaroon ng maayos na pamumuhay, makamit ang pansariling mithiin sabay ang
kabutihang panlahat. Ang pamahalaan ang nangunguna sa gawaing ito.
A. Lipunang Pang-ekononomiya C. Lipunang Politikal
B. Lipunang Pang-kultura D. Lipunang Sibil
_____ 17. Sinasaad nito na tutulungan ng pamahalaan ang mga mamamayan
na magawa nila ang makapagpapaunlad sa kanila.
A. Prinsipyo ng Pagkakaisa C. Prinsipyo ng Subsidiarity
B. Prinsipyo ng Proportio D. Prinsipyo ng Pagkamamamayan

_____ 18. Sinasaad nito na tungkulin ng mga mamamayan ang magtulungan at ng


pamahalaan ang magtayo ng mga akmang estruktura upang makapagtulungan ang mga mamamayan.
A. Prinsipyo ng Pagkakaisa C. Prinsipyo ng Subsidiarity
B. Prinsipyo ng Proportio D. Prinsipyo ng Pagkamamamayan

_____ 19. Si Dannah ay may naisip na kakaibang suhestiyon para sa gaganaping pagdiriwang ng Buwan
ng Wika. Bagamat halos lahat ng mga kaklase niya ay nagkakasundo na sa ibinigay na suhestiyon ng
pangulo ng klase, isinatinig pa din niya ang kanyang naiisip. Tama ba o mali ang ginawa ni Dannah?
A. Tama, ang suhestiyon ni Dannah ang magpapanalo sa kanilang klase.
B. Tama, mag-isa ka man karapatan mo pa ding isatinig ang iyong saloobin.
C. Mali, kapag nagkasundo na ang nakararami, nararapat lamang na ikaw ay makiayon na din.
D. Mali, kawalan ng respeto ang hindi pagsunod sa nauna nang mungkahi ng pangulo ng klase.

_____ 20. Ang mga sumusunod ay halimbawa ng Prinsipyo ng Subsidiarity MALIBAN sa:
A. Pagpapataw ng mataas na value added tax sa presyo ng mga pangunahing bilihin.
B. Paglulunsad ng mga programang pang-ekonomiya na naglalayong sugpuin ang kahirapan.
C. Pagpapagawa ng mga tulay at kalsada mula sa pondo ng pamahalaan.
D. Pagkakaloob ng lupang matitirikan para sa pabahay.

_____ 21. Ang sumusunod ay halimbawa ng Prinsipyo ng Solidarity MALIBAN sa:


A. sama-samang pagtakbo para sa kalikasan
B. pagkakaroon ng kaalitan
C. bayanihan at kapit-bahayan
D. pagkakaroon ng panahon sa pagpupulong

_____ 22. Sino ang dapat manguna sa mga gawain sa Lipunang Politikal?
A. Pangulo B. Mamamayan C. Pamahalaan D. Kabataan

_____ 23. Ano ang dahilan ng pagiging pinuno ng isang indibidwal?


A. Personal na katangiang pinagtitiwalaan ng pamayanan
B. Angking talino at kakayahan
C. Pagkapanalo sa halalan
D. Kakayahang gumawa ng batas

_____ 24. Sa lipunang political, sino ang tunay na boss?


A. Boss ng mga mamamayan ang mga pinuno.
B. Boss ng mga pinuno ang mga mamamayan.
C. Kapwa boss ang pinuno at mamamayan.
D. Kung sino ang nakararami, sila ang boss.

_____ 25. Papaano ang nararapat na kilos ng isang mahusay na pamumuno?


A. Mula sa mamamayan patungo sa namumuno C. Sabay
B. Mula sa namumuno patungo sa mamamayan D. Pinuno lng ang kikilos

_____ 26. Saan maaaring ihambing ang isang lipunan?


A. Pamilya B. Barkadahan C. Organisasyon D. Magkasintahan

3
_____ 27. Sino ang nagsilbing halimbawa ng may puso para sa lipunan dahil sa adbokasiya niya ng
pagkilala sa tao lagpas sa kulay ng balat?
A. Malala Yousafzai B. Martin Luther King C. Nelson Mandela D. Ninoy Aquino

_____ 28. Ano ang tawag sa nabuong gawi, tradisyon, paraan ng pagpapasiya, at mga hangarin ng isang
pamayanan?
A. Kultura B. Relihiyon C. Batas D. Organisasyon

_____ 29. Saan nakaangkla ang ugnayan ng pinuno at mga mamamayan sa lipunang political?
A. Pagmamahal B. Pananagutan C. Kapayapaan D. Pagkakapantay

_____ 30. Ito ay ipinapatupad upang magkaroon ng kaayusan ang lipunan?


A. Batas B. Kultura C. Tradisyon D. Paniniwala

MODYUL 3: LIPUNANG PANG-EKONOMIYA

_____ 31. Ang lipunang ito ay nagsisikap na pangasiwaan ang mga yaman ng bayan ayon sa kaangkupan
nito sa mga pangangailangan ng tao.
A. Lipunang Pang-ekononomiya C. Lipunang Politikal
B. Lipunang Pang-kultura D. Lipunang Sibil

_____ 32. Ito ay ang prinsipyong iniinugan ng Lipunang Pang-ekonomiya.


A. Pantay at patas C. Hindi pantay pero patas
B. Hindi patas pero pantay D. Pagkakapantay-pantay

_____ 33. Ang pinagmulan ng salitang ito ay ang mga griyegong salita na “oikos” (bahay) at “nomos”
(pamamahala).
A. Pampolitika B. Ekonomiya C. Lipunan D. Komunidad

_____ 34. Sa ating lipunan, alin sa mga sumusunod ang patunay na naitatali na ng tao ang kanyang sarili
sa bagay?
A. Mas nararapat lamang na makatanggap ang isang tao ng tulong mula pamahalaan, kahit na kaya
naman niya itong bilhin o kaya ay hindi naman kaliangan, dahil karapatan niya ito bilang
mamamayang nagbabayad ng buwis.
B. Hindi mabitawan ni Reylan ang kanyang lumang mga damit upang ibigay sa kamag-anak dahil
mayroon itong sentimental value sa kanya.
C. Inuubos ni Lorenz ang kaniyang pera sa pagbili ng mamahaling relo na sa ibang bansa lamang
mahahanap. Ayon sa kaniya, sa ganitong paraan niya nakukuha ang labis na kasiyahan.
D. Lahat ng nabanggit

_____ 35. Ang mga sumusunod ay naglalarawan sa lipunang pang-ekonomiya MALIBAN sa:
A. Maihahalintulad sa pamamahala ng budget sa isang bahay
B. Pagkilos para sa pantay na pagbabahagi ng yaman ng bayan
C. Pangangasiwa ng yaman ng bayan ayon sa kaangkupan nito sa mga pangangailangan ng tao
D. Pagkilos upang masiguro na ang bawat bahay ay magiging tahanan sa pamamagitan ng
pangangasiwa ng yaman ng bayan

_____ 36. Ang bawat mahusay na paghahanapbuhay ng mga tao ay kilos nagpapangyari sa kolektibong
pag-unlad ng bansa. Tama ba o mali ang pahayag na ito?
A. Tama, nakasalalay ang pag-unlad ng bansa sa mga manggagawa/empleyado ng bansa.
B. Tama, sa pamamagitan ng paggawa nakapag-aambag tayo sa ikauunlad ng bansa.
C. Mali, ang paghahanapbuhay ay nakatutulong lamang sa pamilya.
D. Mali, hindi lamang sa paghahanapbuhay nakasalalay ang pag-unlad ng bansa.
_____ 37. Paano maipapakita ang tamang ugnayan ng tao sa kaniyang pag-aari?
A. Sa pagbibigay ng higit na mataas na pagpapahalaga ng kaniyang mga ari-arian kaysa kaniyang
sarili.
B. Sa pagmamayabang sa mga kakilala at kaibigan ng dami ng naimpok na salapi.
C. Sa pagpapakita na may kakayahan siyang bumili ng mga mamahaling gamit.
D. Sa pag-iwas na maitali ang kaniyang halaga bilang tao sa kaniyang pag-aari.

_____ 38. Bakit magkaugnay ang pag-unlad ng sarili sa pag-unlad ng bayan?


A. Nakikilala at sumisikat ang mga taong umuunlad.
B. Malaki ang maitutulong sa bansa kung maraming pera ang bawat tao.
C. Ang bawat mahusay na paghahanapbuhay ng tao ay may mabuting dulot sa pag-unlad ng bansa.
D. Nagkakaroon ng maraming oportunidad sa hanapbuhay ang taong mahilig paunlarin ang sariling
kakayahan.

_____ 39. Ano ang tunay na layunin ng ating paghahanapbuhay?


A. Upang makabili ng mga kagamitan na magpapasaya sa iyo.
B. Upang matugunan ang mga pangangailangan ng pamilya.
C. Upang mailapat ang mga natutunan mula sa paaralan.
D. Upang matulungan tayong mabuo ang ating pagkatao.

_____ 40. Ano ang kahulugan ng prinsipyo ng proportio ayon kay Sto. Tomas de Aquino?
A. Pantay na pagkakaloob ng yaman sa lahat ng tao.
B. Angkop na pagkakaloob ng yaman batay sa kakayahan ng tao.
C. Angkop na pagkakaloob ng yaman ayon sa pangangailangan ng tao.
D. Angkop na pagkakaloob ng yaman batay sa kakayahan at pangangailangan

_____ 41. Saan maihahalintulad ang lipunang pang-ekonomiya?


A. Pamilya B. Barkadahan C. Organisasyon D. Magkasintahan

_____ 42. Ano ang katotohanan sa likod ng paniniwala na “ang tao ay pantay-pantay”?
A. Lahat ay may kani-kaniyang angking kaalaman. C. Lahat ay iisa ang mithiin.
B. Lahat ay dapat mayroong pag-aari. D. Likha ang lahat ng Diyos.

_____ 43. Ano ang katotohanan sa likod ng paniniwala na “ang tao ay hindi pantay-pantay”?
A. Lahat ay may kani-kaniyang angking kaalaman. C. Lahat ay iisa ang mithiin.
B. Lahat ay dapat mayroong pag-aari. D. Likha ang lahat ng Diyos.

_____ 44. Ano ang pangunahing layunin ng lipunang pang-ekonomiya?


A. Pangasiwaan ang pamamahagi ng yaman ng bansa ayon sa kaangkupan nito sa
pangangailangan ng tao.
B. Magpatupad ng mga batas na magbibigay ng kaayusan sa bansa.
C. Iorganisa ang mga mamamayan upang makatulong sa pamahalaan.
D. Ipaglaban ang karapatan ng mga mamamayan.

_____ 45. Sino ang nangunguna sa mga gawain sa lipunang pang-ekonomiya?


A. Mamamayan B. Media C. Simbahan D. Pamahalaan

MODYUL 4: LIPUNANG SIBIL, MEDIA, AT SIMBAHAN

_____ 46. Ito ay ang kusang-loob na pag-organisa ng ating mga sarili tungo sa sama-samang
pagtuwang sa isa’t isa.
A. Lipunang Pang-ekononomiya C. Lipunang Politikal
B. Lipunang Pang-kultura D. Lipunang Sibil

5
_____ 47. Tungkulin nito ang pagsasabi ng buong katotohanan, at kagyat na pagtutuwid sakali mang may
naipahatid na maling impormasyon na maaaring magingbatayan ng iba sa pagpapasya ng ikikilos.
A. Media B. Simbahan C. Paaralan D. Pamilya

_____ 48. Dito ay inoorganisa natin ang ating sari-sarili upang hanapin ang makapupuno sa kabila ng
kariwasaan.
A. Media B. Simbahan C. Paaralan D. Pamilya

_____ 49. Ang mga sumusunod ay mga katangian ng lipunang sibil, MALIBAN sa:
A. kawalan ng pangmatagalang liderato.
B. pagsasalungatan ng iba’t ibang paninindigan.
C. kawalan ng kuwalipikasyon ng mga kaanib.
D. panghihimasok ng estado.

_____ 50. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa Lipunang Sibil?
A. Couple’s for Christ C. ABS-CBN Sagip Kapamilya
B. Department of Social Welfare and Development D. Million People March

_____ 51. Bakit tayo nanatiling kaanib ng isang institusyong panrelihiyon?


A. kawalan ng saysay ng buhay sa gitna ng mga tinatamasa.
B. kalakarang kinamulatan natin sa ating mga magulang.
C. kapangyarihang hawak ng mga lider ng relihiyon.
D. pagkakatantong hindi tayo nag-iisa sa paghahanap ng katuturan ng buhay.

_____ 52. Bakit tungkulin ng mass media ang pagsasaad ng katotohanan?


A. wala tayong ibang mapagkukunan ng impormasyon.
B. nagpapasya tayo ayon sa hawak nating impormasyon.
C. maaari nating salungatin ang isinasaad nitong impormasyon.
D. ang mass media ay pinaglalagakan lamang ng impormasyon

_____ 53. Ang pamahalaan ay gumagawa at nagpapatupad ng batas upang matiyak na:
A. ang lahat ay magiging masunurin.
B. matutugunan ang mga pangangailangan ng lahat.
C. bawat mamamayan ay may tungkuling dapat gampanan.
D. walang magmamalabis sa lipunan.

_____ 54. Bakit nagkukusa tayong mag-organisa at tugunan ang pangangailangan ng nakararami?
A. Sa ganito natin maipapakita ang ating pagkakaisa.
B. Ang sama-samang pagkilos ay nagpapagaan sa gawain.
C. Walang ibang maaaring gumawa nito para sa atin.
D. Hindi sapat ang kakayahan ng pamahalaan upang tumugon.

_____ 55. Ito ang pinakamabigat na dahilan kung bakit kailangan nating magpatulong sa iba:
A. Iba’t iba tayo ng mga kakayahan.
B. Magkakaroon tayo ng panahon para sa iba pa nating nais gawin.
C. Hindi lahat ng pangangailangan natin ay matatamo nating mag-isa.
D. Nais nating magkaroon ng saysay ang kakayahan ng iba.

_____ 56. Pangunahing layunin ng lipunang sibil ang:


A. Pagpaparating ng mga karaingan sa pamahalaan.
B. Pagbibigay-lunas sa suliranin ng karamihan.
C. Pagtalakay ng mga suliraning panlipunan.
D. Pagbibigay-pansin sa pagkukulang ng pamahalaan.
_____ 57. May kasinungalingan sa mass media kung mayroong:
A. Paglalahad ng mga impormasyong hindi pakikinabangan.
B. Pagpapahayag ng sariling kuro-kuro.
C. Paglalahad ng isang panig ng usapin.
D. Pagbanggit ng maliit na detalye.

_____ 58. Siya ay nanindigan upang ipaglaban ang karapatan ng mga kababaihan na makapag-aral sa
kabila ng mga pagsubok na kaniyang naranasan:
A. Mahatma Gandhi C. Malala Yousafzai
B. Martin Luther King D. Marx Scheler

_____ 59. Katangian ng lipunang sibil kung saan ang mga miyembro ay malayang naipapahayag ang
kanilang saloobin.
A. Pagkukusang-loob C. Pagiging organisado
B. Bukas na pagtatalastasan D. May isinusulong na pagpapahalaga

_____ 60. Ano ang isinusulong ng lipunang sibil?


A. Kapayapaan B. Pagkakapantay-pantay C. Kabutihang Panalahat D. Pagkakaisa

(Philippians 4:13)
------ I CAN DO ALL THINGS THROUGH CHRIST WHO STRENGTHENS ME-----

God Bless!!! 

Inihanda ni: Nabatid ni:

KIM GAYLEN Q. ULEP DENNIS T. DELA TORRE


Guro Punungguro

You might also like