You are on page 1of 4

BANGHAY ARALIN SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9

Paunang pagtataya

Monday-Friday June 20 -24, 2016


12:30 – 01:30 – Avocado/ Asana/ Apitong/Mangosteen/Tangili
01:30 – 02:30 - Asana/ Mangosteen / Apitong/ Avocado
02:30 – 03:30 – Lanete
03:50 – 04:50 – Lanete/ Alcapulco/ Acacia/ Mangrove/Ipil
04:50 – 05:50 – Alcapulco/ Acacia/ Ipil
05:50 – 06:50 – Tangili/ Mangrove

I - A. Mga Layunin:

SIGNAL VILLAGE NATIONAL HIGH SCHOOL


EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9
PRE-TEST I
Name:_________________________________________________________ Score: ______________________
Teacher _______________________________ Grade 9 Section: _____________________ Date: ______________________
Panuto: Basahing mabuti ang bawat aytem at piliin ang angkop na kasagutan sa bawat bilang.
1. Ayon kay Dr. Manuel Dy, isang professor ng Ateneo de Manila University, binubuo ng tao ang lipunan at binubuo ng lipunan ang
tao. Ito ay nangangahulugang:
a. Ang tao ang gumagawa sa lipunan at kaalinsabay nito ay ang lipunan at hinihubog ng lipunan ang mga tao.
b. Ang tao ang bumubuo sa lipunan dahil mula sa kaniyang pagsilang nariyan na ang pamilyang nag-aaruga sa kanya, binubuo ng
lipunan ang tao dahil matatagpuan ang tao sa lahat ng bahagi nito.
c. Ang tao ang bumubuo sa lipunan dahil ang kanilang mga kontribusyon ang nagpapalago at nagpapatakbo dito. Binubuo ng lipunan ang tao dahil
ang lipunan ang nagbubuklod sa lahat ng tao.
d. Ang tao ang bumubuo sa lipunan dahil pamilya ang nag aruga sa tao at dahil matatagpuan ang tao sa lahat ng bahagi nito, binubuo ng lipunan ang
tao dahil sa lipunann makakamit ang kaniyang kaganapan ng pagkatao .
2. Ang mga sumusunod ay hadlang sa pagkamit ng kabutihang panlahat maliban sa:
a. Paggawa ng tao ayon sa kaniyang saling haangad
b. Pagkaroon ng pakiramdam na mas malaki ang naiaambag ng sarili kaysa sa nagagawa ng iba
c. Pakinabang sa benipisyong hatid ng kabutihang panlahat subalit pagtanggi sa pagbabahagi sa pagkamit nito
d. Pagkait ng tulong para sa kapwa na nangnangailangan
3. Ano ang tunay na layunin ng lipunan?
a. Kapayapaan b. Kabutihang panlahat c. Katiwasayan d. Kasaganaan
4. “Huwag mong itanong kung ano ang magagawa ng bansa para sa iyo, kundi itanong mo kung ano ang magagawa mo para sa iyong
bansa.” Ang mga katagang ito ay winika ni:
a. Aristotle b. St. Thomas Aquinas c. John F. Kenedy d. Bill Clinton
5. Ito ay proseso ng paghanap ng kabutihang panlahat at pagsasaayos ng sarili at ng pamayanan upang higit na matupad ang layuning
ito.
a. Lipunang Pulitikal b. Pamayanan c. Komunidad d. Pamilya
6. Ito ay mga halimbawa ng mga Prinsipyo ng Subdiarity maliban sa:
a. Pagsasapribado ng mga gasolinahan c. Pagsisingil ng buwis
b. Pagbibigay daan sa public bidding d. Pagkakaloob ng lupang matitirikan para sa pabahay.
7. Ito ay halimbawa ng Prinsipiyo ng Solidarity maliban sa:
a. Sama-samang pagtakbo para sa kalikasan c. Pagkakaroon ng kaalitan
b. Bayanihan at kapit-bahayan d. Pagkakaroon ng panahon sa pagpupulong
8. Saan inihambing ang isang pamayanan.
a. Pamilya b. Organisasyon c. Barkadahan d. Magkasintahan
9. Ang mga sumusunod ay naglalarawan sa lipunang pang-ekonomiya maliban sa :
a. Mahahalintulad sa pamamahala ng budget sa isang bahay
b. Pagkilos para sa pantay na pagbabahagi ng yaman ng bayan
c. Pangangasiwa ng yaman ng bayan ayon sa kaangkupan nito sa mga pangangailangan ng tao
d. Masiguro na ang bawat bahay ay magiging tahanan sa pangangasiwa ng yaman ng bayan
10. Ang paniniwala na “ang tao ay pantay-pantay ay nakaugat sa katotohanan na:
a. Lahat ay dapat magkaroon ng pag-aari c. Lahat ay may kani-kaniyang angking kaalaman
b. Lahat ay iisa ang mithiin d. Likha ang lahat ng Diyos
11. Sa lipunang pang-ekonomiya, ano ang pagkakaiba ng pantay sa batas?
a. Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong benipisyo sa lahat ng tao sa lipunan, ang patas ay pagbibigay ng nararapat para
sa tao batay sa kanyang pangangailangan
b. Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong benipisyo sa lahat ng tao sa lipunan, ang patas ay pagbibigay ng nararapat para
sa tao batay sa kanyang pangangailangan
c. Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong benipisyo sa lahat ng tao sa lipunan, patas ay ang paggalang sa kanilang
karapatan
d. Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong pagturing sa lahat ng tao sa lipunan, , patas ay ang pagtiyak na natutugunan ng
pamahalaan ang lahat na pangangailangan ng tao
12. Ang pamahalaan ay gumagawa at nagpapatupad ng batas upang matiyak na:
a. Ang lahat ay magiging masunurin
b. Matutugunan ang pangangailangan ng lahat
c. Bawat mamamayan ay may tungkuling dapat gampanan
d. Walang magmamamalabis sa lipunan

1
13. May kasinungalingan sa MASS MEDIA kung mayroong:
a. Paglalahad ng impormasyong hindi mapakinabangan c. Pagpapahayag ng sariling kuro-kuro
b. Paglalahad ng isang panig ng usapin d. Pagbanggit ng maliit na detalye
14. Ang kahulugan ng mass media ay:
a. Impormasyong hawak ng marami c. Isahan ngunit maramihang paghahatid ng impormasyon
b. Impormasyong nagpasalin-salin sa marami d. Paghahatid ng maraming impormasyon
15. Bakit nagkukusa tayo na mag-organisa at tugunan ang pangangailangan ng nakararami?
a. Maipapakita ang ating pagkakaisa c. Sama-samang pagkilos ay nagpapagaan sa Gawain
b. Walang ibang maaaring gumawa nito d.Hindi sapat ang kakayahan ng pamahalaan
16. Ang mga sumusunod ay mga katangian ng lipunang sibil, maliban sa?
a. Kawalan ng pangmatagalang liderato c. Pagsasalungatan ng ibat-ibang paninindigan b. Kawalan
ng mga kwalipikasyon ng mga kaanib d. Paghihimasok ng estado
17. Pangunahing layunin ng lipunang sibil ang:
a. Pagpaparating ng mga karaingan sa pamahalaan c. Pagtalakay ng mga suliraning panlipunan
b. Pagbbibigay lunas sa suliranin ng karamihan d. Pagbibigay pansin sa pagkukulang ng pamahalaan
18. Ang batas ng lipunan ay nilikha upang:
a. Protektahan ang mamamayan at may kapangyarihan c. Ingatan ang interes ng marami
b. Itaguyod ang karapatang pantao d. Pigilan ang masasamang tao
19. Ang tama ay pagsunod sa mabuti:
a. Sa lahat nga panahon at pagkakataon c. Ayon sa saring tantya
b. Angkop sa pangangailangan at kakayahan d. Nang walang pasubali
20. Paano natututunan ang likas na batas moral:
a. Binubulong ng anghel c. Tinuturo ng magulang
b. Basta alam mo lang d. Sinisigaw ng konsensya
21. Tama ang isang bagay kung:
a. Ito ay ayon sa mabuti c. Walang nasasaktan
b. Makapagpapabuti sa tao d. Magdudulot ito ng kasiyahan
22. Ang pagiging makatao ay:
a. Ang pagsaklolo sa iba c. Ang pagiging matulungin sa kapwa
b. Pagpanig sa tao d. Pagsunod s autos ng Diyos
23. Kayong magkakaeskwela ay nasa paborito ninyong kainan. May pumasok na binatilyo na hindi maikakailang ay may
kapansanan sa paglalakad. Napansin mong walang bakantenteng lamesa at upuan para sa binatilyo na tila uhaw at
gutom na:
a. Tatawagin ko siya para umupo nang sandali sa aming lamesa habang naghihintay siya ng malulugaran
b. Hayaan ko siya at patuloy akong makipagkwentuhan at tawanan sa aking mga kaklase
c. Tatawagin ko ang pansin ang isa sa mga service crew para maglaan ng lugar para sa mga taong may kapansanan
d. Makikipagkilala at makikipagkwentuhan ako sa binatilyong may kapansanan habang hindi pa siya nakakahanap ng lugar sa kainan
24. Ang pagiging may pananagutan, mapagpalaya at may pagpapahalaga sa dignidad ay _________.
a. Inaasahang magawa at maisakatuparan ng tao para sa sarili at sa lipunang kanyang ginagalawan
b. Maaaring maging hadlang upang maging isang mabuting mamamayan
c. Magpapatunay na ikaw ay karapat-dapat na mabuhay
d. Ang magdadala nang isang masagang pamumuhay
25. Ano sa mga sumusunod ang hindi gaanong importanteng batayan ng pagkatao at halaga ng tao:
a. Konsensya b. Dignidad c. Katwiran d. Kilos-loob
26. Ano ang totoo para sa karapatan, kasunduan, kabutihan at kawanggawa?
a. Ito ay mga bagay na pansarili lamang c. Ito ay mahalagang bagay para sa lahat ng nilalang
b. Ito ay mahalagang bagay na nararapat na mayroon ang bawat tao d. Ito ay magdudulot ng pagkapantay-pantay sa tao
27. Ang mga sumusunod ay paglalarawan sa paggawa maliban sa:
a. Anomang gawaing makatao, nanarapat sa tao bilang anak ng Diyos
b. Isang gawain ng tao na palagiang isinasagawa nang may pakikipagtulungan sa kaniyang kapwa
c. Resulta ng pagkilos ng tao nang may layuning makatugon sa pangangailangan ng kapwa
d. Isang Gawain ng tao na nangangailangan ng orihinalidad, pagkukusa at pagkamalikhain
28. Sino sa mga sumusunod ang hindi nakatutulong sa pag-angat ng antas kultural ng bansa sa pamamagitan ng kanilang
paggawa?
a. Si Antonino na gumagawa ng mga furniture na yari sa rattan at buli at nilalapatan ng modernong disenyo
b. Si Renee na gumagawa ng mga damit na yari sa material na tanging sa bansa nakikita at inilalapat sa yari ng mga damit ng
mga banyaga
c. Si Romeo na nag-eexport ng mga produktong gawa sa bansa sa mga kalapit na bansa
d. Si Shiela na gumagawa ng mga pelikulang t ungkol sa mga isyung panlipunan ng bansa na inilalahok sa mga timpalak sa
buong mundo
29. Ano ang obheto ng paggawa?
a. Kalipunan ng mga gawain,resources,instrumento at teknolohiya na ginagamit upang makalikha ng mga produkto
b. Mga taong gagamit ng mga produktong nilikha
c. Tunay ng layunin ng tao sa kanyang paglikha ng mga produkto
d. Kakayahang kakailanganin ng tao upang makalikha ng isang produkto
30. Saan nakikita ang tunay na kahalagahan ng paggawa?
a. Sa proseso na pinagdaanan bago makalikha ng mga produkto
b. Sa kalidad ng produkto na nilikha ng tao
c. Sa haba ng panahon na ginugol upang malikha ang isang produkto
d. Sa katotohanan na ang gumawa o limikha ng produkto ay tao
31. Nangangahulugang pagiging karapat-dapat ng tao sa pagpapahalaga at paggalang mula sa kaniyang kapwa:
a. Bolunterismo b. Dignidad c. Pakikilahok d. Pananagutan
2
32. Ano-ano ang dapat makita sa isang tao na nagsasagawa ng pakikilahok at boluntiresmo?
a. Pagmamahal, pagmamalasakit at talent c. Panahon , talento at kayamanan
b. Talento , panahon at pagkakaisa d. Kayamanan, talento at bayahihan
33. Ang pakikilahok ay makakamit lamang kung kinikilala ng tao ang kanyang_________
a. Pananagutan b. Dignidad c. Tungkulin d. Karapatan
34. Hindi nakalahok si Rico sa Oplan Linis ng kanilang barangay sapagkat inalagaan niya ang kanyang bunsong kapatid na may sakit
ngunit siya ay nagbigay bg gamit sa paglilinis tulad ng walis tingting at sako na paglalagyan ng basura. Ano kayang antas ng
pakikilahok ang ipinakita ni Rico?
a. Impormasyon b. Konsultasyonc.Sama-samang pagkilos d. Pagsuporta
35. Ano ang makakamit ng ating lipunan kung ang bawat isa ay nagsasagawa ng kanilang taos pusong pakikilahok at bolunterismo?
a. Pagkakaisa b. Kabutihang panalahatc. Pag-unlad d. Naitaguyod ang pananagutan
36. Bakit kailangan ng mga batas?
a. Upang matakot ang mga tao at magtino sila c. Upang magabayan ang mga tao sa tamang pagkilos
b. Upang magkaroon ang tao ng gabay d. Lahat ng nabanggit
37. Ang katarungang panlipunan ay:
a. Ideyal at hindi mangyayari sa talaga c. Ukol sa parehong kumonidad at sarili
b. Pinatutupad ng pamahalaan d. Wala sa nabanggit
38. Alin sa mga sumusunod ang hindi makatarungan?
a. Ang pagbibigay ng bagsak na grado sa hindi nakakatupad sa mga kakailanganin sa klase
b. Ang pagpatay sa mga nahuling kargador ng droga sa Tsina
c. Ang pagbibigay ng limos sa namamalimos sa kalye
d. Wala sa nabanggit
39. Napaloob sa katarungang panlipunan ang mga sumusunod:
a. Batas, kapwa, sarili c. Diyos, pamahalaan, komunidad
b. Baril, kapangyarihan, rehas d. Batas, konsensya, parusa
40. Ang mga sumusunod ay mga panukalang makatarungan maliban sa:
a. “Mata sa mata, ngipin sa ngipin.” c. “Kunin mo lamang ang kailangan mo.”
b. “Walang sala hanggat hindi napatutunayang nagkasala.” d. Tulungan ang lahat na nanghihingi ng tulong.”
41. Nagsisimula ang katarungang panlipunan sa:
a. Sarili b. Pamahalaan c. Lipunan d. Diyos
42. Pinalitan ni Lesie ang nagretirong punong-guro ng kanilang paaralan. Marami ang nagsasabi na hindi niya kayang higitan ang
kabutihang nagawa at tagumpay na narating ng huli. Alin sa mga sumusunod ang dapat niyang linangin upang mapatunayan na
siya ay karapat-dapat sa posisyon na ibinigay sa kanya?
a. Magpakumbaba at ipagpatuloy ang mga programang nasimulan ng dating punong-guro
b. Gamitin ang ganda, angking karirsma, talino at kasipagan
c. Maging masipag, masigasig at malikhain sa pagsasabuhay ng kanyang trabaho
d. Sundin ang payo at gusto ng mga matatandang guro upang maging maganda ang relasyon ng mga ito
43. Bata pa lang si Juan Daniel pinangarap na niyang maging isang guro tulad ng kanyang mga magulang. Alin sa sumusunod ang
dapat niyang isaalang-alang upang maging madali sa kanya na maabot ang pangarap at sa huli’y magkaroon ng kagalingan sa
paggawa?
a. Maging masipag, magpunyagi at magkaroon ng disiplina sa sarili
b. Magkaroon ng bsapat na kaalaman sa paghawak ng pera at paraan ng paggastos
c. Maging matalino, marunong magdala ng damit, magaling makipag-usap
d. Magkaroon ng kakayahang kontrolin ang sarili sa lahat ng pagkakataon
44. Maganda ang binitiawang hamon ng Tagapagsalita sa mga mag-aaral na magtatapos sa taong ito bilang susi upang maiangat ang sarili, pamilya,
kapwa at bansa sa kabuuan. Alin ang maaaring maging instrumento upang maisabuhay ito.
a. Gumawa ng produkto o gawaing para sa tao at sa Diyos
b. Gumawa ng produkto o gawaing pagkakakitaan
c. Gumawa ng produkto o gawaing makatutulong sa tao at bansa
d. Gumawa ng produkto o gawaing maging instrument ng kapayapaan
45. Hindi dapat taglayin ng tao ang katamaran. Ang mga sumusunod na pangungusap ay nagbibigay ng kahulugan nito maliban sa:
a. Ito ang pumapatay sa isang gawain, hanapbuhay o trabaho c. Pumipigil sa tao upang magtagumpay
b. Ito ay maaaring sumira sa ating kinabukasan d. Ito ay magdadala ng panganib sa buhay
46. Ano ang sinasabi sa Teorya ni Maslow, The hierarchy of Needs tungkol sa pera?
a. Ang pera ay nagsisilbing pantulong sa araw-araw na kailangan
b. Ang pera ay dapat natin ingatan at huwag sayangin
c. Ang pera ay tumutulong sa tao na maramdaman ang kaniyang seguridad sa buhay lalo na sa hinharap
d. Ang pera ay nagbibigay sa tao ng kasiguraduhan upang ang buhay nya ay maging maayos sa hinaharap
47. Ano ang naglalarawan sa pinakamahalagang paraan sa pagtitipid?
a. Maging mapagkumbaba at matutong makuntento
b. Maging mapagbigay at matutung tumulong
c. Maging maingat sa paggastos at matutong maging simple
d. Maging masipag at matutong magtiyaga
48. Ito ay pagtitiyaga na maaabot o makukuha ang mithiin o layunin sa buhay na may kalakip na pagtitiyaga, pagtitiis, at
determinasyon.
a. Kasipagan b. Katatagan c. Pagsisikap d. Pagpupunyagi
49. Ano ang dapat na maging aksyon mo sa panahong ikaw ay naguguluhan pa sa mga pagpipiliang kurso para sa nalalapit na Senior
High School?
a. Makinig sa mga gusto ng kaibigan
b. Huminto muna at sa susunod na taon na lamang mag-aral
c. Magbasa at maglaan ng panahon na makapag-isip at magplano
d. Humingi ng tulong sa malapit sa iyo at umsa sa kanilang desisyon

3
50. Alin sa mga pansariling salik na dapat pagbatayan sa pagpili ng kurso na may kinalaman sa iyong kahusayan o galling sa isang
bagay o tiyak na abilidad na maaari mong matuklasan mula sa pakikiharap sa mga taong nakasasalamuha, paglutas ng mga
mahihirap na bagay, pagbubuo at masistemang paraan sa pagkuha ng datos at iba pa?
a. Hilig b. Kasanayan/ Skills c. Pagpapahalaga c. Talento

You might also like