You are on page 1of 2

BANGHAY ARALIN SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9

UNANG ARAW

PETSA: ENERO 9 – 13 (LUNES-BYERNES) 03:50 – 04:50 Lanete/ Alcapulco/ Acacia/ /Ipil


12:30 – 01:30 Avocado/ Asana/ Apitong/Tangili 04:50 – 05:50 Alcapulco/ Acacia/ Ipil
01:30 – 02:30 Asana/ / Apitong/ Avocado 05:50 – 06:50 Talisay

MODYUL 11: KASIPAGAN, PAGPUPUNYAGI, PAGTITIPID AT WASTONG PAMAMAHALA SA


NAIMPOK
PAMANTAYAN SA PAGKATUTO
PAMANTAYANG PANGNILALAMAN- Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa kahalagahan
ng kasipagan sa paggawa.
PAMANTAYAN SA PAGGANAP: Ang mga mag-aaral ay nakagagawa ng mga hakbang upang
mapanatili ang kasipagan sa pag-aaral o takdang gawain sa tahanan.
I. LAYUNIN
KP1: Natutukoy ang mga indikasyon ng taong masipag at mayroong pagpupunyagi sa paggawa at
nagsasagawa ng pagtitipid at wastong pamamahala sa naimpok.
KP2: Nakapagsusuri ng mga sitwasyon na nagpapakita ng kasipagan, pagpupunyagi, pagtitipid at
wastong pamamahala sa naimpok.
II. NILALAMAN
Paksa: KASIPAGAN, PAGPUPUNYAGI, PAGTITIPID AT WASTONG PAMAMAHALA SA NAIMPOK
Sanggunian- Eduksayon sa Pagpapakatao 9
Kagamitan - Visual Aids, Larawan

III. PAMAMARAAN
A. MGA PANIMULANG GAWAIN
1. Panalangin
2. Pagsisiyasat at kaayusan ng silid aralan
3. Pagtatala ng liban

B. PAGBABALIK ARAL

C. PAGLINANG NG MGA KAALAMAN, KAKAYAHAN AT PANG-UNAWA


* Pagtingin sa mga larawan na nagpapakita ng kasipagan, pagpupunyagi, at pagtitipid.

* Pagsagot sa mga sitwasyon kung naipamamalas o hindi ang kasipagan, pagpupunyagi, at pagtitipid.

IV. TAKDANG ARALIN

BANGHAY ARALIN SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9


IKALAWANG ARAW

PETSA: ENERO 9 – 13 (LUNES-BYERNES) 03:50 – 04:50 Lanete/ Alcapulco/ Acacia/ /Ipil


12:30 – 01:30 Avocado/ Asana/ Apitong/Tangili 04:50 – 05:50 Alcapulco/ Acacia/ Ipil
01:30 – 02:30 Asana/ / Apitong/ Avocado 05:50 – 06:50 Talisay

MODYUL 11: KASIPAGAN, PAGPUPUNYAGI, PAGTITIPID AT WASTONG PAMAMAHALA SA


NAIMPOK
PAMANTAYAN SA PAGKATUTO
PAMANTAYANG PANGNILALAMAN- Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa kahalagahan
ng kasipagan sa paggawa.
PAMANTAYAN SA PAGGANAP: Ang mga mag-aaral ay nakagagawa ng mga hakbang upang
mapanatili ang kasipagan sa pag-aaral o takdang gawain sa tahanan.

I. LAYUNIN
KP3: Napatutunayan na:
a. Ang kasipagan na nakatuon sa disiplinado at produktibong gaain na naaayon sa itinakdang mithiin ay
kailangan upang umunlad ang sariling pagkatao, kapwa, lipunan at bansa.
b. Ang mga hirap, pagod at pagdurusa ay nadadaig ng pagpupunyagi tungo sa pagtupad ng itinakdang
mithiin.
KP4: Nakagagawa ng Chart ng pagsunod sa hakbang upang matupad ang itinakdang gawain nang may
kasipagan at pagpupunyagi.
I. NILALAMAN
Paksa: KASIPAGAN, PAGPUPUNYAGI, PAGTITIPID AT WASTONG PAMAMAHALA SA NAIMPOK
Sanggunian- Eduksayon sa Pagpapakatao 9
Kagamitan - Visual Aids, Larawan

II. PAMAMARAAN
A. MGA PANIMULANG GAWAIN
1. Panalangin
2. Pagsisiyasat at kaayusan ng silid aralan
3. Pagtatala ng liban

B. PAGLINANG NG MGA KAALAMAN, KAKAYAHAN AT PANG-UNAWA

III. PAGPAPALALIM
KASIPAGAN, PAGPUPUNYAGI, PAGTITIPID AT WASTONG PAMAMAHALA SA NAIMPOK
Upang lubos mong maunawaan ay narito ang ilang paraan na nagpapakita ng pagtitipid.
1. Magbaon ng pagkain sa opisina o eskwela. Mas makakatipid kung magbabaon na lamang ng pagkain kaysa 
bibili pa sa kantina o kakain sa labas. 
2. Matutong maglakad lalo na kung malapit lang ang paroroonan. Maganda itong ehersisyo at natitipid mo pa 
ang pamasahe na gagamitin mo. 
3. Mas matipid na bumili sa palengke kaysa mga malls. Maaring hindi gaanong konbinyente sapagkat mainit at 
maputik ngunit mas malaki naman ang iyong matitipid. 
4. Gamitin ang load ng cellphone sa mga importanteng bagay lamang. 
5. Orasan ang paggamit ng TV, computer, electric fan at iba pa. Kung hindi naman ito ginagamit ay patayin mo 
ang mga ito. 
6. Sa pagsisipilyo ay gumamit ng baso. Huwag hayaang tumapon ang tubig mula sa gripo. 
7. Huwag ng bumili ng imported. Marami na tayong produkto ng ating bansa na pareho lamang ang kalidad 
tulad ng mga imported. Kung sa tingin mo ay mapapamahal ka pa ay mas tangkilikin mo na ang produkto 
natin.
2. Ayon sa isang financial expert na si Francisco Colayco, mayroong tatlong dahilan kung bakit kailangan na mag-impok ang tao.
Ang pera ay pinagpapaguran upang kitain ito. Kaya kailangan na gastusin ito sa tama upang huwag itong mawala.
1. Para sa proteksyon sa buhay. 
2. Para sa mga hangarin sa buhay.
3. Para sa pagreretiro. 
Ayon pa rin kay Francisco Colayco, kinakailangan na tratuhin ang pag-iimpok na isang obligasyon at Hindi Optional.
Gaano man kalaki o kaliit ang kinikita ay obligasyon natin sa ating sarili ang pag-iimpok. Kaya, simulan mo na
hanggat maaga. Sapagkat ito ang makapagbibigay ng masaganang bukas. Tingnan natin ang isang langgam, sa tag-
araw ay buong sipag silang nag-iipon ng pagkain kung kaya’t sa pagdating ng tag-ulan ay kampante na sila na hindi
magugutom dahil matagal na nila itong pinaghandaan.

You might also like