You are on page 1of 17

CHARACTER EDUCATION VI

Date: _________________

I. LAYUNIN:
Naipakikita ang kakayahan sa pagpaplano at pangangasiwa ng pinagkukunang yaman, sa
pamamagitan ng pagpapasiya kung anu-ano ang mga pangunahing nararapat paggamitan ng mga
pinagkukunang-yaman.

II. PAKSANG-ARALIN:
Pagpaplano sa Pangangasiwa ng Pinagkukunang Yaman
B.P. : Pangkabuhayan
K.P. : Pagtitipid/Matalinong Paggamit ng Pinagkukunang Yaman
E.L.C.1.1 : EKAWP 6, pp. 26
Kagamitan : Larawan

III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral:
Anu-ano ang mga produktong pang-industriyang pantahanan na ating napag-aralan?

B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak:
Paano ang wastong pagtitipid natin sa paggamit ng tubig?

2. Paglalahad:
Madalas na mahina ang daloy na tubig kina Arlene. Minsan ay nawawala pa ang tubig
sa matagal na panahon. May isang gripo silang sira at kahit puno na ang kanilang lalagyan
ay hinahayaang tumulo ito ng tumulo.

3. Pagtatalakay:
1. Bakit kaya madalas mawalan ng tubig sa lugar nila Arlene?
2. Ano ang dapat gawin kung mayroong gripong sira?
3. Dapat bang magtipid sa tubig? Bakit?

C. Paglalahat:
Ang tubig ay isa sa ating pinagkukunang-yaman, paano natin ito pangangalagaan?

D. Paglalapat:
Ano ang dapat mong gawin sa mga sumusunod na kalagayan? Maghuhugas ka ng isang baso,
gaanong tubig ang iyong gagamitin. Maliligo ka. Alin ang mas makatitipid? Ang paggamit ng
shower o ang paggamit ng timba at tabo.

IV. PAGTATAYA:
TUBIG AY TIPIRIN
Tubig ay tipirin, maayos itong gamitin
Ito'y ating ingatan huwag aksayahin
Krisis sa enerhiya dapat nating isipin
Upang pagdating ng araw ay mayroon pang gamitin.

V. KASUNDUAN:
Mula ngayon ay kailangan tayo ay magtipid sa tubig.
Gamitin itoa sa wastong paraan upang hindi tayo mahirapan pagdating ng tagtuyot.
CHARACTER EDUCATION VI

Date: _________________

I. LAYUNIN:
Naisasagawa ang kakayahan sa pagpaplano at pangangasiwa ng pinagkukunang yaman.

II. PAKSANG-ARALIN:
Kakayahan sa Pagpapaplano at Pangangasiwa ng Pinagkukunang-Yaman
B.P. : Pangkabuhayan
K.P. : Pagtitipid/Matalinong Paggamit ng Pinagkukunang Yaman
E.L.C.1.1 : EKAWP 6, pp. 26
Kagamitan : Larawan

III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral:
a. Paano mo naisaalang-alang angkaligtasan at kapakanan ng nakararami sa paggamit ng
teknolohiya?
b. Nakabubuti ba ang patuloy na paggamit ng teknolohiya?

B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak:
Pagmamasid sa mga larawang nagpapakita sa iba’t ibang pinagkukunang-yaman.

2. Paglalahad:
Pagbasa ng sitwasyon.
Si G. Felix ang nagmamay-ari ng pagawaan ng furniture. Para matiyak na nagagamit
niya ang makabuluhan ang kanyang oras, siya ay gumawa ng schedule of activities. Ito ang
sinusunod niya araw-araw upang tiyak niyang walang nasasayang na oras at nagagawa niya
ang lahat niyang dapat gawin.

C. Pagsusuri:
1. Tama ba ang ginawa ni Felix?
2. Anu-ano ang ating mga pinagkukunang-yaman
3. Anu-ano ang dapat nating gawin sa pagpaplano at pangangasiwa ng mga pinagkukunang-
yaman.

D. Paglalapat:
Mayroon kang P3,00.00 para sa buwanan mong gastusin. Kung ang P1 ,000.00 ay para sa upa
sa tinitirhan mo, paano mo paplanuhin ang paggastos mo sa natitirang pera?

IV. PAGTATAYA:
Paano mo maipakita ang kakayahan sa pagpaplano at pangangasiwa ng mga sumusunod na
pinagkukunang-yaman?
1. panahon 4. enerhiya
2. pera 5. kasangkapan
3. pagkain

V. KASUNDUAN:
Talakayin sa isang sanaysay ang paksang "PAGPAPLANO AT PANG,ANGASIWA NG
PINAGKUKUNANG-YAMAN."
CHARACTER EDUCATION VI

Date: _________________

I. LAYUNIN:
Naisasagawa ang kakayahan sa pagpaplano at pangangasiwa ng materyales at kasangkapan.

II. PAKSANG-ARALIN:
Kakayahan sa Pagpapalano at Pangangasiwa ng Materyales at Kasangkapan
B.P. : Pangkabuhayan
K.P. : Matalinong Paggamit ng Pinagkukunang-Yaman
E.L.C.1.2 : EKAWP 6, pp. 26
Kagamitan : Larawan

III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral:
Paano mo mapangangalagaan ang mga pinagkukunang yaman ng ating bansa?

B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak:
Tumututong ka ba sa mga gawaing-bahay tutad ng pagliligpit ng mga kasangkapan?

2. Paglalahad:
Pagbasa ng sitwasyon.
Si Mang Juan ay isang magsasaka. Upang magamit nang matagal ang mga gamit na
kanyang pinagsumikapang ipundar ay tinitiyak niya na malinis at maayos niyang itinatabi
ang mga ito sa tuwing matapos iyang gamitin sa bukid.

C. Pagsusuri:
a. Tama ba ang ginawa ni Mang Juan?
b. Anu-ano pa ang ibang paraan upang mapangalagaan ang mga kasangkapan?

D. Paglalapat:
Paano mo maitatago nang maayos ang mga kasangkapan sa inyong tahanan?

IV. PAGTATAYA:
Magdula-dulaan tungkol sa wastong pangangasiwa sa materyales at kasangkapan.

V. KASUNDUAN:
1amin ang wastong pangangasiwa sa pagkain at enerhiya.
CHARACTER EDUCATION VI

Date: _________________

I. LAYUNIN:
Naisasagawa ang kakayahan sa pagpaplano at pangangasiwa ng pagkain at enerhiya.

II. PAKSANG-ARALIN:
Kakayahan sa Pagpaplano at Pangangasiwa ng Pagkain at Enerhiya
B.P. : Pangkabuhayan
K.P. : Matalinong Paggamit ng Pinagkukunang Yaman
E.L.C.1.3 : EKAWP 6, pp. 26
Kagamitan : Larawan

III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral:
Mahilig ka bang magluto sa bahay?

B. Panlinang na Gawain
1. Pagbasa ng Sitwasyon:
Sa tuwing magluluto si Aling Aning ay tinitiyak niyang walang masasayang na sahog,
kung kaya't bago siya pumunta sa palengke ay inililista niya ang mga kailangan gamit. Bago
naman siya magluto ay tinitiyak niyang hiwa na ang lahat ng sahog bago niya buksan ang
kalan, kung kaya't maayos siyang nakapagluluto.

C. Pagsusuri:
1. Tama ba ang ginagawa ni Aling Aning?
2. Bakit kailangang magplano ng mabuti bago magsagawa ng isang bagay?
3. Paano pa maipaplano nang maayos ang wastong paggamit ng pinagkukunang-yaman tulad ng
pagkain?

D. Paglalapat:
Ikaw ay isang kusinera. Paano mo paplanuhin ang pagluluto sa mga natirang sahog?

IV. Ebalwasyon:
Pagsulat ng mga wastong paraan ng pagpaplano at pangangasiwa sa pagkain at enerhiya.

V. KASUNDUAN:
Magsulat ng dayalog o usapan tungkol sa pagpapakita ng wastong paraan ng pagpaplano at
pangangasiwa sa pagkain at enerhiya. (3-5 tahanan).
CHARACTER EDUCATION VI

Date: _________________

I. LAYUNIN:
Nagtatakda ng layunin sa paggamit at pangangasiwa ng pinagkukunang-yaman.

II. PAKSANG-ARALIN:
Pagpaplano sa Pangangasiwa ng Pinagkukunang Yaman
B.P. : Pangkabuhayan
K.P. : Pagtitipid/Matalinong Paggamit ng Pinagkukunang Yaman
E.L.C.1.2 : EKAWP 6, pp. 27

III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral:
Paano ka kinawiwiliilan ng iyang mga kaibigan?

B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak:
Anu-ano ang mga produktong nakukuha natin sa punong niyog?

2. Paglalahad:
Ang niyog ay tinatawag nating puno ng buhay. Natutunan ni Celso sa paaralan na
rnagmula sa puna hanggang sa dahan ng niyag ay napapakinabangan. Malaking salapi ang
iniaakyat ng niyog mula sa kopra at langis na nakukuha dito. Nararapat lamang na ito'y ating
pangalagaan. Huwag puputulin at gagawing ubod .ang mga batang puno o kaya ay palitan
agad ng panibagong puno ang bawat maputol na matandang puno.

3. Pagtatalakay:
1. Anu-ano ang nakukuha natin sa punang niyog?
2. Ano ang dapat nating gawin upang hindi maubos ang mga punong ito?
3. May alam pa ba kayong paraan ng pangangalaga sa punong ito?

C. Paglalahat:
1. Ano ang dapat gawin kung nagbuwal ng matatandang punoa?
3. Bakit dapat na pangalagaan ang ating kapaligiran?

D. Paglalapat:
Bukod sa puno ng niyog, anu-ano pa ang mga pinagkukunang-yaman natin? Ano ang dapat
nating gawin sa mga pinagkukunang-yamang ito.

IV. Ebalwasyon:
Punan ang tsart ng tamang sagot:
Pinagkukunang Yaman Pangangalagang Gagawin
1. 1.
2. 2.
3. 3.
4. 4.
5. 5.

V. KASUNDUAN:
Mula ngayon uugaliin ko na ang pagtatanim para may anihin sa panahong darating.
CHARACTER EDUCATION VI

Date: _________________

I. LAYUNIN:
Nasasabi ng dapat gawin batay sa layuning itinakda

II. PAKSANG-ARALIN:
Pagsasabi ng Dapat Gawin Batay sa Layuning Itinakda
B.P. : Pangkabuhayan
K.P. : Pagtitipid/Matalinong Paggamit ng Pinagkukunang Yaman
E.L.C.1.2.1 : EKAWP 6, pp. 27
Kagamitan : Larawan

III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral:
Bakit kailangang gamitin ng matalino o maayos ang pinagkukunangyaman ng bansa tulad
ng pagkain at enerhiya?

B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak:
Pagmamasid sa mga larawang nagpapakita sa iba't ibang pinagkukunang-yarnan.
Pag-usapan ito.

2. Paglalahad:
Pagbasa ng sitwasyon:
Si Marita ay isang mag-aaral sa ika-anim na baitang. Masipag at matalino ang batang ito,
kung kaya't madalas siyang bigyan ng takda o gawain ng kanyang guro. Nagagawa naman ito
ng maayos ni Marita sapagkat maayos niyang pinaplano ang mga bagay na dapat gawin sa
mga itinakdang layunin ng kanyang guro.

C. Pagsusuri:
1. Tama ba ang ginawa ni Marita?
2. Bakit kailangang pagplanuhang mabuti ang mga dapat gawin batay sa layuning itinakda?

D. Paglalapat:
May takdang ibinigay ang iyong guro. Paano mo magagawa nang mabuti at maayos ang
layuning itinakda sa iyo?

IV. Ebalwasyon:
Ano ang iyong gagawin batay sa mga sumusunod na sitwasyon?
1. Sinabi ng guro ninyo na maghanda ng isang dayalog o usapan batay sa pagtitipid.
2. Inaatasan ka ng iyong guro upang masaliksik tungkol sa isang pamilya sa inyong lugar.
3. Naatasan ka bilang lider na maghanda ng isang ulat tungkol sa mga batang may kapansanan.
4. Nagbigay ng proyekto ang inyong guro tungkol sa wastong paggamit ng enerhiya.
5. Pinagagawa ka ng iyong guro ng isang ulat tungkol sa mga batang hindi nakapag-aaral.

V. KASUNDUAN:
Itala sa kuwaderno ang mga dapat gawin batay sa layuning itinakda.
CHARACTER EDUCATION VI

Date: _________________

I. LAYUNIN:
Naipakikita ang mga katangiang nakatutulong sa pagtatagumpay.

II. PAKSANG-ARALIN:
Kakayahan ng mga Taong Matagumpay
B.P. : Pangkabuhayan
K.P. : Saloobin sa Paggawa
E.L.C.1.1 : EKAWP 6, pp. 28
Kagamitan : Larawan

III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral:
Sinu-sino ang mga taong kilala ninyo na nagtagumpay na?

B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak:
Kayo ba ay maraming kaibigan?
Paano kayo nagk-akaroon ng maraming kaibigan?

2. Paglalahad:
Si Gng. Amelita Ming Ramos ay ulirang Unang Ginang ng ating ban sa. Marami siyang
proyektong pangkababaihan na itinuturo niya sa pamamagitan ng telebisyon. Sa kaniyang
programa ang mga babae ay maaaring kumita ng pera kahit na sila ay nasa bahay lamang.
Pinalalaganap naman niya ngayon ang pagtatanim ng mga puno at gulay upang mapagkunan
ng libreng pagkaing pangkalusugan.

3. Pagtatalakay:
a. Anu-ano ang mga gawaing inilunsad ng dating Unang Ginang para sa mga kababaihan?
b. Ano ang pangunahing iayunin ng mga proyektong ito ng dating Unang Ginang?
c. Sa papaanong paraan nal<atulong ang mga proyektong ita sa mga kababaihan?

C. Paglalahat:
Anu-anong katangian ang maaaring makatulong upang magtagumpay.

D. Paglalapat:
Paano mo maibabahagi sa iba ang iyong katangian o kaalaman para makatulong sa
ikapagtatagumpay ng isang proyekto?

IV. PAGTATAYA:
1. Ano ang iyong dapat gawin kung may nalalaman kang kapaki-pakinabang na proyekto na batid
mong makaaangat hindi lamang sa iyong sarili kundi pati na sa iyong mga kapuwa?
2. Anu-anong katangian arlg dapat mong taglayin upang magtagumpay sa iyong proyekto?

V. KASUNDUAN:
Mula ngayon ay sisil<apin ko na magkaroon ng malawak na pang-unawa at alamin ang mga
kapaki-pakinabang na gawain tungo sa pag-unlad hindi lamang sa aking sarili kundi pati na sa mga
kapuwa ko.
CHARACTER EDUCATION VI

Date: _________________

I. LAYUNIN:
Natutularan ang mga katangian ng matagumpay na nangangasiwa sa industriya.

II. PAKSANG-ARALIN:
Kakayahan ng mga Taong Matagumpay
B.P. : Pangkabuhayan
K.P. : Saloobin sa Paggawa
E.L.C.1.2 : EKAWP 6, pp. 28
Kagamitan : Larawan

III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral:
Anu-ano ang mga katangiang nakatutulong sa pagtatagumpay?

B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak:
Anu-ano ang mga katangiang nakatutulong sa pagtatagumpay?

2. Paglalahad:
Ang mag-anak na Rosales ay may maliit na negosyo. Ito ay ang paggawa ng sapatos. Ang
mga trabahador dito ay pawang mga kapitbahay nila. Sa kanilang pagtitiyaga, pagiging
masipag, maagap at pagtutulungan ay napalago ang maliit na negosyong ito at ngayon ay isa
nang malaki at maunlad na pagawaan ng sapatos. Sila ay nagpapadala na ng yaring produkto
sa iba't-ibang bansa. Kinikilala na ang kanilang produktong matibay, maganda at pulido ang
pagkakagawa. Masasabi natin na sila ay asenso na sa kanilang negosyo.

3. Pagtatalakay:
1. Ano ang produkto ng mag-anak na Rosales?
2. Anu-ano ang mga katangian ang ipinakita ng mga manggagawa kung kaya't ito ay naging
isang maunlad na negosyo?
C. Paglalahat:
Anu-anong katangian ang dapat taglayin ng mga tagapangasiwa at manggagawa sa isang
industriya upang maging matagumpay?

D. Paglalapat:
Bilang isang manggagawa sa industriya ng bag, anu-anong katangian ang dapat taglayin
upang ikaw at ang may··ari ay parehong magtagumpay?

IV. PAGTATAYA:
Isulat sa hanay A ang mga kanais-nais na katagiang dapat taglayin ng isang may-ari/manggagawa
sa industriya at sa hanay Bang di-dapat taglayin.
1. Pagkakaroon ng malasakit sa produkto ng industriya.
2. Pagmalupitan ang mga manggagawa kung tatamad-tamad.
3. Ibigay ang nararapat na benepisyo ng manggagawa.

V. KASUNDUAN:
Ilahad ang mga katangian ng may-ari na matagumpay ang industriya sa inyong lugar.
CHARACTER EDUCATION VI

Date: _________________

I. LAYUNIN:
Ipinamamalita ang mga katangiang naging puhunan ng matagumpay na mga tao.

II. PAKSANG-ARALIN:
Kakayahan ng mga Taong Matagumpay
B.P. : Pangkabuhayan
K.P. : Saloobin sa Paggawa
E.L.C.1.3 : EKAWP 6, pp. 28
Kagamitan : Larawan

III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral:
Anu-ano ang mga katangian na dapat nating taglayin upang ang ating mga nagsimulang
proyekto ay umunlad?

B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak:
Ikaw ba ay mahilig umawit?
Anu-ano ba ang mga katangian ng isang mahusay na mang-aawit?

2. Paglalahad:
May nag-uusap na dalawang bata. Pakinggan natin ang kanilang pinag-uusapan.
Sino pa sa ating mga kabataan ang nakakatulad ni Lea Salongga?

3. Pagtatalakay:
1. Pag-iisa-isa ng mga sikat na Pilipino sa iba't ibang larangan at ang mga katangiang
kanilang taglay sa pagiging matagumpay o pagiging sikat.
2. Bakit natin dapat ipagmamalaki ang mga nagawa nila?

C. Paglalahat:
Anu-ano ang mga katangian na naging puhunan ng mga taong umunlad naging matagumpay?

D. Paglalapat:
1. Sino sa mga tanyag na Pilipino ang gusto mong maging? Bakit?
2. Paano mo siya matutularan?

IV. PAGTATAYA:
Lagyan ng tsek () ang tamang gawain at ekis (x) ang maling gawain.
___ 1. Matuwa sa tagumpay ng kapwa.
___ 2. Ipagmalaki ang mga karangalang natamo ng kapwa Pil!pino sa buong mundo.
___ 3. Pamarisan ang katangian ng mga Pilipinong umunlad.
___ 4. Ibahagi sa iba ang kaalamang natutuhan upang maging daan ng kanila ring tagumpay.
___ 5. Hayaang mainggit ang kapwa sa tagumpay na nakamit.

V. KASUNDUAN:
Mula ngayon ay pag-aaralan ko at pagsisikapan na matularan ang kanilang mga katangian
upang ako ay maging matagurnpay rin na katulad nila.
CHARACTER EDUCATION VI

Date: _________________

I. LAYUNIN:
Naisasagawa ang pagpapalaganap ng konsepto na ang mag-anak ay makapagsisimula ng kapaki-
pakinabang na proyekto ng pantahanan at pangkabuhayan.

II. PAKSANG-ARALIN:
Mapagpakitang Gawain
B.P. : Pangkabuhayan
K.P. : Pagiging Produktibo
E.L.C.1.1 : EKAWP 6, pp. 30

III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral:
Magbigay ng mga kilalang tao na naging matagumpay.

B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak:
Anu-ano ang mga produkto.na maaari nating pagkakitaan?

2. Paglalahad:
Si Mrs. Ramona Singson ay isang ulirang maybahay. Minsan ay naisipan niyang manahi
ng mga pot holder na may iba't-ibang disenyo. Nakita itoa ng kaniyang kapitbahay at nasabi
sa kaniya na ito ay magandang pagkakitaan at pupuwedeng pang-export. Makaraan ang ilang
buwan ay nagkaroon nga ng maraming order buhat sa ibang bansa at ng lumaon ay naging
malaki ang kaniyang patahian ng pot holder. Umasenso ang kanilang negosyo at ngayon ay
isang maunlad na exporter ang pamilya ni Mrs. Singson.

3. Pagtatalakay:
1. Ano ang masasabi mo kay Mrs. Singson?
2. Kayo ba ay maaari ring makatulad kina Mrs. Singson?
3. Bakit dapat nating tularan ang pamilyang ito?

C. Paglalahat:
Sa papaanong paraan nagtagumpay ang mag-anak ni Mrs. Singson.

IV. PAGTATAYA:
Sumulat ng mga proyektong maaaring itaguyod sa inyong lugar upang mapaunlad ang
kabuhayan ng mag-anak sa inyong lugar.

V. KASUNDUAN:
Ugaliin natin na maitaguyod ang mga produktong yari dito sa ating bansa upang lalo tayong
umasenso at urnunlad.
CHARACTER EDUCATION VI

Date: _________________

I. LAYUNIN:
Naipahahayag ang kaalaman na maaaring lumaki ang puhunan kung makikipagsapalaran sa mga
mapagkakakitaang proyekto.

II. PAKSANG-ARALIN:
Mapagkakakitaang Gawain
B.P. : Pangkabuhayan
K.P. : Pagiging Produktibo
E.L.C.1.1 : EKAWP 6, pp. 30

III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral:
Anu-anong mga kapaki-pakinabang na proyekto ang maaaring simulan ng mag-anak
para sa buhay at sa tahanan?

B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak:
Anu-ano ang mga gawaing pinagkakakitaan sa inyong pamayanan? Gaano ito kaunlad?
Paano sila nagsimula?

2. Paglalahad:
“Ipinagmamalaki Kita, Anak"
Hindi lingia sa ating kaalaman na marami sa ating mga Pilipino ang naghihikahos sa
buhay. Sa kabila ng lahat ng ito likas din sa ating mga Pilipino ang ambisyong makatapos ng
pag-aaral upang umangat sa buhay. Kabilang sa mga ita ang mag-anak na Dayao. Si Aling
Rona ay simpleng maybahay lamang, siya ang nag-aasikaso sa kanilang tahanan. Si Mang
Jose naman ay paekstra-ekstra lamang ng trabaho. Tatlo ang kanilang anak si Eva, si Minda
at si Jun, lahat sila ay nagaaral sa pampublikong paaralan…..pah.189

C. Pagsusuri:
1. Ano ang masasabi mo sa mag-anak na Dayao?
2. Paano sila nagsimula sa kanilang negosyo?
3. Anu-ano ang dahi!an at nagtagumpay ang kanilang negosyoo?

D. Paglalapat:
Paano mo masasabi na ang kahirapan ay hindi sagabal sa pag-unlad ng isang taa? Naipakita
ba ito sa ating kwento? Patunayan.

IV. PAGTATAYA:
1. Anu-ano ang kailangan upang makapagsimu!a ng isang proyektong kapaki-pakinabang ang mag-
anak?
2. Anu-anong magagandang halimbawa ng pagiging produktibo ang ipinahayag ng kuwento?
3. Paano nakatulong sa mag-anak ang naisip nilang rnapagkakakitaang proyekto/negosyo?

V. KASUNDUAN:
Ipaliwanag: "Kung nais, nakakagawa ng paraan, Kapag ayaw, makakaisip ng dahilan." Ano ang
kaugnayan nito sa pagiging produktibo? Ipaliwanag?
CHARACTER EDUCATION VI

Date: _________________

I. LAYUNIN:
Napalalaganap ang konsepto na ang mag-anak ay maaaring magtayo ng maliit na negosyo.

II. PAKSANG-ARALIN:
Mapagkakakitaang Gawain
B.P. : Pangkabuhayan
K.P. : Pagiging Produktibo
E.L.C.1.1 : EKAWP 6, pp. 30

III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral:
Ano ang ginawa ng ilang mga taong nagtagumpay sa kanilang sarili?

B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak:
1. Ang iyo bang magulang ay namamasukan, o empleyado sa isang opisina?
2. Ang inyo bang pamilya ay may sariling negosyo?

2. Paglalahad:
Nakaipon ng halagang P500.00 si Aling Flor mula sa kanyang paglalabada. Sinubukan
niyang magtinda ng lutong pansit mula sa perang ita. Matiyaga niyang inilalagay sa sisidlang
plastic ang pansit at inihuhulog niya ita sa kalapit na paaralan. Madali itong nauubos at
kinakapos pang lagi. Gustong-gusto ng mga mag-aaral ang kaniyang luto. Wala pa isang taon
ay nakaipon siya ng malaki-Iaking halaga at ita ay ipinagpatayo niya ng isang maliit na
tindahan. Dito'y nagtitinda pa rin siya ng mga lutong pagkain gaya ng lugaw, puto, at iba pa.
Ngayon ay may mga katulong na siya sa pagluluto at pagtitinda ng mga kakaning pagkain.

3. Pagtatalakay:
a. Ano ang ginawa ni Aling Flor sa perang naipon?
b. Bakit naisipan ni Aling Flor na magtinda ng kakanin o lutong pagkain?
c. Ano naman ang inyong magagawa kung kayo ang nasa katayuan niya?

C. Paglalahat:
Ang bawat mag-anak ay maaaring makapagtayo ng sariling negosyo upang mapaunlad ang
kabuhayan.

D. Paglalapat:
Paano mo mapagkakakitaan ang mga sumusunod:
- mga hinog na saba sa inyong likod bahay.
- mga lumang diyaryo, bakal at basyong lote sa inyong bahay
- may pinagkalakihang laruan at mga damit

IV. PAGTATAYA:
Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Ibig ni Aling Senya na magkaroon ng isang maliit na negosyo 0 tindahan nguhit kapos siya ng
puhunan. Alin sa mga sumusunod ang maaari mong gawin upang magkaroon ng puhunan?
a. mangutang sa kapitbahay
b. magtinda ng lugaw at pansit dahil marami ang tao sa lugar ninyo at mag-ipon ng tutubuin
upang magkaroon ng malaki-Iaking puhunan
c. maghintay sa kung sino ang mag-bigay ng puhunan o kapital
2. Kung may puhunan lamang ang ina ni Mario ay malaki sana ang tutubuin nito sa paglalako ng
isda na inaangkat lamang nila. Paano matutulungan ni Mario ang ina sa pag-iipon ng puhunan.
a. tutulungan ang ina sa pangungutang sa kapitbahay
b. maghihintay lamang sila sa awa ng kapwa
c. magtitinda siya ng diyaryo upang makaipon ng pandagdag na pera sa puhunan

V. KASUNDUAN:
Mula ngayon ay sisikapin ko na makatulong sa pamilya upang makapagsimula ng kapaki-
pakinabang na proyekto para sa aming pamilya.
CHARACTER EDUCATION VI

Date: _________________

I. LAYUNIN:
Naipakikita ang maaaring pagkunan ng puhunan tulad ng pagbili ng mga yaring produkto upang
may magamit sa pagpapalakad ng mapagkakakitaang proyekto.

II. PAKSANG-ARALIN:
Mapagkakakitaang Gawain
B.P. : Pangkabuhayan
K.P. : Pagiging Produktibo
E.L.C.1.3 : EKAWP 6, pp. 31
Kagamitan : Larawan

III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral:
Ano ang ginawa ni Aling Flor sa kaniyang naipong pera, sa paglalabada?

B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak:
Gusto ba ninyong magkaroon ng magandang pagkakakitaan?

2. Paglalahad:
Namamasyal sa isang mala king mall ang mag-anak na Alejandro. Napatigil ita sa isang
eskaparate. Nag-iisip ang kaniyang may-bahay. Tinanong niya ito. May naisip na
magandang ideya at sinabi niya ito sa kaniyang asawa na gusto niyang bilhin ang bag na
nakadisplay sa iskaparate. Sinabi rin niya na bibilhin niya ita at kaniyang pag-aaralan kung
paano ito ginawa o niyari. Balak niya kasing magkaroon ng maliit na negosyo at iyon ay
ang paggawa ng mga bag. Ipinaliwanag niya iyon sa kaniyang asawa na kaniyang
tatastasin nang isa-isa ang mga bahagi ng bag at titingnan niya ang pagkakagawa….pah.
194

3. Pagtatalakay:
a. Ano ang ginawa ng mag-anak na Alejandro?
b. Bakit kava binili ni Gng. Alejandro ang bag na nakadisplay?
c. Paano niya natularan ang paggawa ng bag?

C. Paglalahat:
Sa inyong palagay mapagaganda kaya ni Gng. Alejandro ang kanyang paggawa ng bag kung
basta na lamang siya gumawa at hindi kumuha ng modelo? Bakit?

D. Paglalapat:
Ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng proyektong mapagkakitaan para sa inyong
pamilya at pamayanan.

IV. PAGTATAYA:
Magbigay ng halimbawa ng maaaring pagkunan ng puhunan upang magamit sa pagpapalakad ng
mapagkakakitaang proyekto.

V. KASUNDUAN:
Umisip ng mga paraan na magagamit sa pagpapalakad ng mapagkakakitaang proyekto.
CHARACTER EDUCATION VI

Date: _________________

I. LAYUNIN:
Nagsasaliksik muna bago magsimula ng proyekto upang malaman kung ita ay
mapakikinabangan.

II. PAKSANG-ARALIN:
Mapagkakakitaang Gawain
B.P. : Pangkabuhayan
K.P. : Pagiging Produktibo
E.L.C.1.4 : EKAWP 6, pp. 31
Kagamitan : Larawan

III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral:
Ano ang ginawa ng mag-anak na Alejandro ng minsan sila ay mamasyal sa isang
malaking mall?

B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak:
Ikaw ba ay may magandang pangarap sa iyong sarili?

2. Paglalahad:
Si Ernesto ay isang estudyante na nahinto sa kaniyang pag-aral dala ng kakapusan ng
kanilang pamilya. Ngunit siya ay may pangarap na nais mara ing paglaki niya. Bagamat
hindi siya matapos ng pag-aaral ay nag-iisip siya kung paano niya mapagaganda ang takbo
ng kaniyang buhay. Nagtanong-tanong siya sa kaniyang mga kakilalang malapit sa kaniya.
Napag-alaman niya na meyroon palang paaralan na n~gtuturo ng mga kaalaman sa
pangkabuhayan. Ito ay libre at paaral ng kanilang pamahalaan para sa mga kapus-palad.
Nagpunta siya rito at siya ay nakapag-aral ng maayos sa paaralang ito. Kumuha siya ng
tungkol sa e!ektrisidad. Masigasig siyang nag-aaral at pinagsikapan niya na matutuhang lahat
ang mga dapat rnatutuhan tungkol sa bagay na ito…….

3. Pagtatalakay:
1. Sino ang bata sa ating kwento?
2. Bakit siya nahinto sa pag-aaral?
3. Ano ang ginawa niya upang gumanda ang buhay?

C. Paglalahat:
Ano ang iyong dapat gawin kung may binabalak kang gawin at hindi mo pa alam ang mga
bagay na dapat gawin?

D. Paglalapat:
Kailangan mo bang mag-isip at magsaliksik muna bago gawin ang isang gawain na hindi mo
pa alam?

IV. PAGTATAYA:
Gusto mong magtayo ng bakery sa inyong lugar. Anu-ano ang dapat mong gawin upang
mapagtagumpayan ang proyektong ito? Isulat ang iyong gagawin ayon sa pagkakasunod-sunod?
V. KASUNDUAN:
Itala ang mga negosyong maaaring itayo sa inyong pamayanan at magsaliksik ukol sa
pagpapaunlad nito.
CHARACTER EDUCATION VI

Date: _________________

I. LAYUNIN:
Naipagmamalaki ang naitayong negosyo

II. PAKSANG-ARALIN:
Mapagkakakitaang Gawain:
B.P. : Pangkabuhayan
K.P. : Pagiging Produktibo
E.L.C.1.5 : EKAWP 6, pp. 31
Kagamitan : Larawan

III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral:
Ano ang ginawa ni Aling Flor sa kanyang naipong pera sa paglalabada?

B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak:
Nais ba ninyong umangat ang inyong pamumuhay? Sa paanong paraan kaya natin
maisasagawa ito?

2. Paglalahad:
Mula sa kita ng maliit na tindahan ay nakaipong muli ng malaking halaga si Aling Flor.
Nagpatayo siya ng malaking barberya at modernong parlor shop sa tabi ng kanyang tindahan.
Kumuha siya ng magagaling na beautician at barbero. Naging suki siya ng mga nagpapagupit
at nagpapakulot hindi lamang sa kanilang lugar. Dinarayo ito ng mga karatig na baryo at
bayan. Lumakas din ang kanilang tindahan sapagkat nagmemeryenda muna ang mga tao
bago o matapos magpakulot o magpagupit kaya't naging doble ang kita nito.

3. Pagtalakay
1. Ano ang unang pinagkakakitaan ni Aling Flor?
2. Ano naman ang sumunod niyang pinagkakitaan?
3. Ano sa palagay ninyo ang magiging katayuan ng pamilya ni Aling Flor?

C. Paglalahat:
Anu-anong katangian ang taglay ni Aling Flor kung kaya't siya ay nagtagumpay?

D. Paglalapat:
Magbigay kayo ng halimbawa ng kakilala ninyong pamilya na umangat ang buhay o pamumuhay
dahil sa pagsisikap sa kanilang negosyo?

IV. PAGTATAYA:
Ipaliwanag: Negosyo'y pagsikapan upang kaunlaran ay makamtan.

V. KASUNDUAN:
Gumawa ng dula-dulaan na may temang "Negosyo natin Dapat Paunlarin.

DepEd hassle free quick download: Deped teaching materials at teachershq.com

You might also like