You are on page 1of 13

EPP VI

Date: ____________
I.

Layunin:
1. Matukoy ang kahulugan ng paghahalaman.
2. Matalakay ang kabutihang dulot nito sa pamumuhay ng mag-anak.

II. Paksang Aralin:


Ang Paghahalaman at Kabutihang Dulot sa Mag-anak
a. Bilang ng araw - l
b. Kagamitan
- Mga larawan
c. Sanggunian
- Batayang Aklat, dahon 105
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Pagsasanay:
Tukuyin ang inilala.awan ng bawat pangungusap.
1. Mga bagay na ginagamit ng tao at mag-anak upang mapaayos ang pamumuhay.
2. Mga hagay na galing sa kalikasan na ginagamit ng tao at mag-anak.
3. Mga yamang galing sa tao tulad ng lakas, talino, kalusugan at kaalarnan.
2. Balik-Aral:
Ipaisa-isa ang kahalagahan ng mabisang pangangasiwa ng tahanan.
B. Panlinang na Gawain:
1. Pagganyak:
Magpaskil ng larawan ng isang halamanan, iba't ibang gawain at pamamalakad sa
paghahalaman. Ipasuri sa mga bata ang mga larawan at hayaan silang magbigay ng mga
pangungusap hinggil dito.
2. Talasalitaan
gugulin
pagsugpo

malayang oras
polusyon

3. Pagbuo ng suliranin:
Tingnan ang mga tanong sa "Alamin Mo," dahon 106 no Batayang Aklat.
4. Kasanasan sa Pagkatuto:
4.1 Sa tulong ng mga larawan talakayin ang kahulugan at mga kabutihang dulot ng
paghahalaman.
4.2 Ipabasa ang Batayang Aklat dahon 105.
4.3 Papagkuwentuhin ang mga batang may karanasan sa pagtatanim ng halaman ng kanilang
naramdaman.
C. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalahat:
Masabi ng mga Bata ang nilalaman no "Tandaan Mo." dahon 105 ng Batayang Aklat.
IV. Pagtataya:
Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ang mag-anak na may halamanan ay makatitipid sapagkat ___________.


a. hindi na kailangang burnili ng gulay at prutas
b. maipagbibili ang labis na ani
c. mapagaganda nila ang paligid
d. lahat ng nabanggit
2. Ang paghahalaman ay maaaring gawing __________.
a. libangan
c. hanapbuhay
b. laruan
d. a at c
V. Takdang-Aralin:
1. Magsaliksik ng mga karagdagang impormasyon hinggil sa Paghahalaman.
2. Basahin ang Batayang Aklat, dahon 107-110.

EPP VI
Date: ____________
I.

Layunin:
1. Maisa-isa ang mga kagarnitan sa Paghahalaman.
2. Matukoy ang gamit ng hawat isa.
3. Mapangalagaan ang mga kagamitan sa paghahalaman.

II. Paksang Aralin:


Mga Kagamitan sa Paghahalaman
a. Bilang ng araw - 1
b. Kagamitan
- Aktuwal na inga kagamitan sa paghahalaman
c. Sanggunian
- Batayang Aklat, dahon 107-110
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Pagsasanay:
Ibigay ang iba't ibang uri ng pinagkukunan at halimbawa nito bilang pagsasanay.
2. Balik-Aral:
- Ano ang paghahalaman?
- Bakit mahalaga ang paghahalaman?
- Paano makatutulong ang paghahalaman sa mag-anak? sa bansa?
B. Panlinang na Gawain:
1. Pagganyak:
Magpakita ng iba't ihang kagamitan sa paghahalaman.
2. Talasalitaan:
kagannitan
panghalili

kasangkapan
patapon

3. Pagbuo ng Suliranin:
Tingnan ang mga tanong sa "Alamin Mo," dahon 110 ng Batayang Aklat.
4. Kasanayan sa Pagkatuto:
4.1 Bayaang kilalanin ng mga bata ang iba't ibang kagamitang itinanghal.
4.2 Ipatukoy sa kanila ang gamit ng bawat isa.
4.3 Gabayan ang mga bata sa paggawa ng panghaliling kagamitan. Sundin ang mga hakbang
sa dahon 108-109 ng Batayang Aklat sa napiling kagarnitan.
C. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalahat:
Masabi ng mga mag-aaral ang nilalaman ng "Tandaan Mo," dahon 110 ng Batayang
Aklat.
IV. Pagtataya:
Pagtambalin ang hanay A at hanay B. Isulat ang titik ng tamang sagot sa puwang bago ang hilang.
A

______ 1. Kagamitang ginagainit sa


pagbuhungkal ng lupa at
pag-aayus ng kamang
taniman.
______ 2. Pandilig ng mga tanim.
______ 3. Panghukay ng mga
malalaking tipak ng
lupa at ugat ng kahoy.
______ 4. Ginagamit sa pagtitipon
ng kalat at tuyong damo.
______ 5. Ginagarnit sa paglilipat
ng mga punla.

a. dulos
b. asarol
c. kalaykay
d. regadera
e. Pala
f.

piko

V. Takdang-Aralin:
1. Ipasuri ang unga kagamitan sa paghahalaman na mayroon sa bahay. Kung may kulang na
kagamitan gumawa ng panghalili.
2. Ipabasa ang Batayang Aklat, dahon 112-113.

EPP VI
Date: ____________
I.

Layunin:
1. Matukoy ang iba't ibang pangkalusugan at pangkaligtasang panuntunan sa paghahalaman.
2. Masunod ang mga pangkalusugan at pangkaligtasang gawi sa paghahalaman.

II. Paksang Aralin:


Mga Panuntunang Pangkalusugan at Pangkaligtasan sa Paghahalaman
a. Bilang ng araw - 1
b. Kagamitan
- Mga larawan, tsart, flash cards
c. Sanggunian
- Batayang Aklat, dahon 112-113
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Pagsasanay:
- Ibigay ang kahulugan ng paghahalaman.
- Ibigay ang kahalagahan ng kaalaman sa paghahalaman sa sarili, mag-anak, at bansa.
2. Balik-Aral:
Ipaisa-isa ang mga kagamitan sa paghahalaman at gamit ng bawat isa.
B. Panlinang na Gawain:
1. Pagganyak:
Magpakita ng larawan ng isang bata na nagbubungkal ng lupa. Tanungin ang mga bata ng
mga sumusunod:
a. Ano ang ginagawa ng bata?
b. Ano ang ginagamit niya sa pagbuhungkal?
c. May nakikita ba kayong tao malapit sa kanya? Bakit kaya?
2. Talasalitaan:
Pangkaligtasan

pangkalusugan

panuntunan

3. Pagbuo ng Suliranin:
Basahin ang mga tanong sa "Alamin Mo, dahon 113 ng Batayang Aklat.
4. Kasanayan sa Pagkatuto:
4.1 Ipabasa ang Batayang Aklat dahon 112.
4.2 Talakayin ang paksa.
4.3 Ipalagom sa mga bata ang mga pangkalusugan at pangkaligtasang panuntunan sa
paghahalaman.
C. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalahat:
Masabi ng mga mag-aaral ang nilalarnan ng "Tandaan Mo," dahon 113 ng Batayang
Aklat.
IV. Pagtataya:
Lagyan ng kung dapat gawin. x kung hindi dapat ang mga sumusunod na pangungusap.
______ 1. Gumamit ng angkop na kagamitan sa paggawa.

______ 2. Maligo at magpalit ng damit pagkatapos magbomba ng pataba at gamut na pamatay poste
at kulisap.
______ 3. Gamitin ang mga kagamitan sa haghahalaman kahit sira na.
V. Takdang-Aralin:
Magsaliksik sa iba't ibang maka-agham na paraan ng paghahalaman. Ibahagi sa klase ang
natuklasan.

EPP VI
Date: ____________
I.

Layunin:
1. Matalakay ang isang maka-agham na gawaing pang-agrikultura tulad ng bio-intensive gardening.
2. Makapagplano ng isang maka-agham na gawaing pang-agrikultura tulad ng bio-intensive
gardening.
3. Makasunod sa wastong paraan ng paggawa ng compost pit.

II. Paksang Aralin:


Maka-agham na Gawaing Pang-agrikultura (Bio-intensive Gardening)
a. Bilang ng araw - 1
b. Kagamitan
- polycto, larawan, videotape o cd tungkol sa bio-intesive gardening
c. Sanggunian
- Batayang Aklat, dahon 115-118
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Pagsasanay:
Ibigay ang iba't ibang kasangkapan sa paghahalaman at gamit nito.
2. Balik-Aral:
Alalahanin ang mga panuntunang pangkalusugan at pangkaligtasan sa paghahalaman.
Halimbawa:
Maglagay ng takip sa ilong at bibig kung nagbobomba ng pataba o pamatay kulisap.
B. Panlinang na Gawain:
1. Pagganyak:
Tanungin ang mga bata kung ano ang maka-agham na pamamaraan ng pagtatanim. Alam
ba ninyo ang ibig sabihin ng bio-intensive gardening?
2. Talasalitaan:
bio-intensive gardening
composting

fish meal
activator

compost

3. Pagbuo ng Suliranin:
Tingnan ang mga tanong sa "Alamin Mo," dahon 118 ng Batayang Aklat.
4. Kasanayan sa Pagkatuto:
4.1 Magkaroon ng film showing tungkol sa bio-intensive gardening o dili kaya papanoorin
ang mga Bata ng wastong paggawa ng compost. Bigyan ang rnga bata ng gabay na mga
tanong.
4.2 Talakayin ang kanilang napanood sa tulong ng mga gabay na tanong.
4.3 Ipabuod sa mga bata ang kanilang natutuhan.
C. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalahat:
Hikayatin ang mga Bata na masabi ang nilalarnan ng "Tandaan Mo," dahon 118 ng
Batayang Aklat.

IV. Pagtataya:
A. Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot.
1. Sa bio-intensive gardening binibigyang-diin ang ___________
a. paggawa ng compost
b. paggamit ng rnga kasangkapan
c. pag-aalaga ng hayop
d. wala sa nahanggit
2. Ang activator na ihinahalo sa compost ay maaaring __________
a. dumi ng hayop
c. titik a at b
b. fish meal
d. wala sa nabanggit
V. Takdang-Aralin:
Pagsaliksikin ang mga mag-aaral sa maka-agham na gawaing pang agrikultura para sa
karagdagang impormasyon.

EPP VI
Date: ____________
I.

Layunin:
1. Malinang ang kaalaman sa paghahanda ng lupang pagtataniman.
2. Makasunod sa wastong hakhang ng paghahanda ng lupang taniman.
3. Makagamit ng angkop na kagamitan at kasangkapan sa paghahanda ng lupang taniman.
4. Maisaalang-alang ang mga panuntunang pangkalusugan at pangkaligtasan sa paghahalaman.

II. Paksang Aralin:


Paghahanda ng Lupang Pagtataniman
a. Bilang ng araw - 5
b. Kagainitan
- Larawan, flash cards
c. Sanggunian
- Batayang Aklat, dahon 120
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Pagsasanay:
Ipasagot ang pagsasanay sa pisara tungkol sa mga pangkaligtasan at pangkalusugang
panuntunan sa paghahalaman.
2. Balik-Aral:
Ipaisa-isa ang mga hakhang sa paggawa ng compost sa mga bata.
B. Panlinang na Gawain:
1. Pagganyak:
Magpakita ng larawan na nagpapakita ng mga hakbang sa paghahanda ng lupang taniman
at hayaang magbigay ng sariling palagay ang mga bata tungkol dito.
2. Talasalitaan:
buhaghagin

patagin

bungkalin

pino

3. Pagbuo ng Suliranin:
Hayaang bumuo ng mga suliranin ang mga hata. Ihamhing ito sa mga tanong sa "Alamin
Mo," dahon 121 ng Batayang Aklat.
4. Kasanayan sa Pagkatuto:
4.1 Hayaang basahin ng mga Bata ang dahon 120 ng Batayang Aklat.
4.2 Magtalakayan hinggil sa nabasang paksa.
4.3 Ipaayos sa mga bata ang wastong pagkakasunud-sunod ng nmga hakhang (Ilagay sa flash
cards/strips).
4.4 Magpakitang gawa sa mga hakhang sa paghahanda ng lupang taniman.
4.5 Balik pakitang-gawa ng mga bata.
4.6 Paggawa ng mga Bata sa pagsubaybay ng guro (Pambatang Paggawa).
C. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalahat:
Ipabasa ang "Tandaan Mo," dahon 120 ng Batayang Aklat.

IV. Pagtataya:
Punan wastong salita ang bawat patlang.
Sa paghahanda ng lupang pagtataniman ay mahalagang linisin muna ang (1) _________. Alisin
ang mga batong nakahalo at mga hindi (2)_________bagay gaya ng plastik, lata, bubog, at iba pa.
Ipunin naman ang mga nabubulok na bagay gaya ng damo, dahon, at balat ng prutas upang gawing
(3) __________. Buhaghagin at bungkalin ang lupa sa pamamagitan ng (4) ___________. Gumawa
ng sukat ng kamang taniinan ayon sa laki ng lugar at muling hukayin ang lupa hanggang mapino.
Haluan ng pataba ang lupa at patagin saa pamamagitan ng paggamit ng (5)__________. Diligan ang
lupang naihanda Bago taniman.
V. Takdang-Aralin:
Ipasulat sa mga mag-aaral ang mga hakbang na dapat sundin sa paghahanda ng lupang taniman,
mga kagamitan, at kasangkapang kailangan at ang mga panuntunang pangkalusugan at
pangkaligtasan sa paggawa. Ang sumusunod na balangkas ay maaaring gamitin. Ipasulat ito sa
kanilang kuwaderno.
Paghahanda ng Lupang Pagtataniman
Mga Hakbang
Kagamitan at Kasangkapang Kailangan
Panuntunang Pangkalusugun at Pangkaligtasan

EPP VI
Date: ____________
I.

Layunin:
1. Makilala at matukoy ang wastong pamamaraan ng pagtatanim.
2. Makasunod sa wastong pamamaraan ng pagtatanim.
3. Mapangalagaan ang mga punla sa wastong paraan.

II. Paksang Aralin:


Wastong Pamamaraan ng Pagtatanim
a. Bilang ng araw - 6
b. Kagamitan
- Larawan
c. Sanggunian
- Batayang Aklat, dahon 122-123
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Pagsasanay:
Ipahigay sa mga bata ang gamit ng mga sumusunod:
dulos
pala
regadera
asarol
piko pruning scissors
2. Balik-Aral:
Ipaisa-isa ang mga hakhang sa paghahanda ng lupang taniman. Tawagin isa-isa ang mga
bata.
B. Panlinang na Gawain:
1. Pagganyak:
Magpakita ng larawan ng isang batang nagtatanim. Tanungin ang mga bata kung ano ang
ginagawa ng batang nasa larawan.
2. Talasalitaan:
tuwiran

di-tuwiran

3. Pagbuo ng Suliranin:
3.1 Ano ang dalawang paraan ng pagtatanim?
3.2 Paano isinasagawa ang bawat pamamaraan?
3.3 Paano ang wastong pangangalaga ng mga punla?
3.4 Bakit dapat pangalagaan ang mga punla?
4. Kasanayan sa Pagkatuto:
4.1 Ipabasa ang Batayang Aklat, Dahon 122-123.
4.2 Talakayin ang wastong pamamaran ng pagtatanim.
4.3 Magpakitang turo hinggil sa mga hakhang sa tuwiran at dituwirang pagtatanim.
C. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalahat:
Basahin at isaulo ang "Tandaan Mo," dahon 123 ng Batayang Aklat.

IV. Pagtataya:
Pangkatin ang mga bata at bigyan ng kaukulang uri ng halaman na kanilang itatanin sa
pamamagitan ng dituwirang pagtatanim. Subayhayan at patnubayan ang gawain ng bawat pangkat.
bigyang-pansin ang wastong pangangalaga sa mga punla at mga dapat isaalang-alangg bago ito ilipat.
V. Takdang-Aralin:
Ipasulat sa mga rnag-aaral ang mga hakhang na ginawa sa paglilipat ng punla at ipaulat sa klase
ang resulta ng kanilang gawain.

You might also like