You are on page 1of 4

Mga Kagamitan sa Paglilinis at Pag-aayos ng

Home
Economics Katawan
Aralin 2

I. NILALAMAN:
Ang kalinisan ay kagandahan. Kinalulugdan ng kanyang mag-anak, ng mga kaibigan at
mga kakilala, ang batang malinis at maayos sa katawan. Kaaya-ayang pagmasdan ang
batang may malinis at malusog na pangangatawaan.
Mahalagang panatilihin ang kalinisan ng katawan. Ang pansariling kalinisan ay di
lamang nakadaragdag sa pagiging kaakit-akit. Ito’y isang kagawiang makatutulong din
upang maiwasan ang sakit. Dapat ugaliin ang maging malinis at maayos sa sarili.

II. LAYUNIN:
1. Nasasabi ang mga kagamitan at wastong paraan sa paglilinis at pag-aayos ng sarili.
2. Naipakikita ang wastong pamamaraan sa paglilinis at pag-aayos.
3. Nasusunod ang iskedyul ng paglilinis at pag-aayos ng sarili.

III. PAKSANG ARALIN:


Paksa : Mga Kagamitan sa Paglilinis at Pag-aayos ng Sarili

Sanggunian : C.G. EPP5HE-Oc-5


Textbook: Makabuluhang Gawaing Pantahanan at
Pangkabuhayan V
Textbook: Umunlad sa Paggawa V
Kagamitan : iba’t ibang pansarili at pampamilyang kagamitan tulad ng suklay,
nail cutter, sepilyo, bimpo, tuwalya at iba pa.

IV. PANIMULANG PAGTATAYA:


1. Anu-ano ang mga kagamitan sa paglilinis at pag-aayos ng sarili?
2. Anu-ano ang wastong pamamaraan ng paglilinis at pag-aayos ng sarili?

V. PAMAMARAAN:

A. PAGGANYAK:
1. Magpakita ng iba’t ibang pansarili at pampamilyang kagamitan tulad ng suklay, nail
cutter, sepilyo, bimpo, tuwalya at iba pa.

2. Itanong sa mga mag-aaral kung alin sa mga ito ang kanilang ginagamit araw-araw.
Itanong din kung alin sa mga ito ang ginagamit nila ng isang beses sa isang linggo.
B. PAGLALAHAD:
Talakayin ang Linangin Natin sa LM pahina ______.

Gawain A:
Ipadikit sa Manila Paper ang mga larawang ginagamit sa paglilinis at pag-aayos ng
buhok, kuko, katawan, bibig at ngipin. Sa katapat ng bawat larawan idikit ang strip na
nakasaad kung saan ito ginagamit.

Kagamitan Para sa Buhok


Kagamitan Para sa Kuko
Kagamitan Para sa Bibig at Ngipin
Kagamitan Para sa Katawan

Shampoo
- Maaalis ang mga nakakapit na dumi,
alikabok
- Pinababango, pinalalambot at pinapadulas
ang buhok

Nail Cutter
- Ginugupit ang mahahaba at maruruming
kuko

Toothpaste
- Pinipigilan ang pagdami ng mikrobyo sa
bibig
- Pinatitibay ang ngipin
- Iniiwasang mabulok ang ngipin
- Pinababango ang bibig

Suklay o hairbrush
- Inaalis ang gusot ng buhok
- Nagpapakintab at nagpapadulas ng
buhok
Sepilyo
- Tinatanggal ang nakasingit sa pagitan ng
ngipin.
- Pinalulusog ang gilagid.
- Tumutulong sa sirkulasyon ng dugo.

Bimpo
- Pangkuskos ng katawan.
- Inaalis ang libag.

Sabong pampaligo
- Inaalis ang dumi at libag sa katawan.
- Pinababango ang katawan.

Tuwalya
- Pamunas sa buong katawan pagkatapos
maligo.
- Sinisipsip nito ang tubig sa basang katawan.

Mouthwash
- Tumutulong sa pagpapanatili ng
mabangong hininga.
- Tumutulong sa pagpuksa sa mga
mikrobyong namamahay sa loob ng bibig
sanhi ng mabahong hininga.
Gawain B:
Ipasakilos sa klase ng mga piling mag-aaral ang wastong paraan ng pagsasa-
gawa ng mga sumusunod:
- Paliligo
- Paglilinis ng ngipin
- Pag-aalaga ng buhok
- Pag-aalaga ng kamay
- Paghihilamos
- Paglilinis at pag-aalaga ng mga binti at paa

C: PAGPAPALALIM NG KAALAMAN:
Pagbibigay ng Task Card sa lider ng bawat pangkat.

TASK CARD
Isulat sa Manila Paper ang inyong sagot sa mga sumusunod:

a. Mga Pansariling Kagamitan sa Paglilinis at Pag-aayos ng Katawan

b.Mga Pampamilyang Kagamitan sa Paglilinis at Pag-aayos ng


Katawan

D. PAGSASANIB:
1. Anu-anong magagandang kaugalian ang natutunan mo sa ating pinag-aralan?
2. Paano mo ito isasabuhay?

E. PAGLALAHAT:
Anu-ano ang mga kagamitan sa paglilinis at pag-aayos ng sarili?

VI. PAGTATAYA:
Ipasagot ang Gawin Natin sa LM pahina ____.

VII. PAGPAPAYAMANG GAWAIN:


Ipagawa ang Pagyamanin Natin sa LM pahina ___.

KARAGDAGANG SANGGUNIAN:
Batayang Aklat saTayo’y Gumawa sa Kaunlaran 4 pp. 2-13, Lydia C. Abeja, Anselmo B.
Joven.
LM – Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 4 pp. 210 – 219

You might also like