You are on page 1of 27

1ST

CHARACTER EDUCATION IV
Date:  _________________
I.          Layunin:

 Naisasagawa ng palagian ang paghahanda ng pagkain sa malinis na paraan

II.        Paksang Aralin
        Kalinisan sa paghahanda ng pagkain
                B.P.         :        Kalusugan
                K.P.        :        Kalinisan
I.B        :        Naipapakita ang mga kanais-nais na pag-uugaling pangkalusugan at kaayusan
P.E.L.C.        :        EKAWP P.1
        Kagamitan  :        tubig, sabon, kutsara, sandok at apron
        
III.        Pamamaraan:
        A.  Panimulang Gawain
        Anu-ano ang mga paraan upang magkaroon ng isang malusog na pangangatawan? Magiging
malusog ka kaya kung malakas kang kumain ngunit marumi naman ang iyong kinakain?
                
B.        Panlinang na Gawain
1. Ipakita ang sabon, tubig, kutsara at iba pa. Saan ginagamit ang mga ito?
2. Ilahad ang Kuwento.
Masipag at malinis na may bahay si aling Maria sinisiguro niyang handa at malinis ang kanilang tahanan
lalo na ang hapag kainan. Hinuhugasan niya ang anumang gamit sa pagluluto. Resulta nito,
malusog at hindi sakitin ang bawat miyembro ng pa nilya.Kakaiba si Aling Lita, hindi niya
alintana ang alikabok sa kanilang tahanan. Bumibili rin siya ng lutong pagkain. Kung
magluluto man, kaniya itong minamadali at halos hindi ma .lugasang mabuti ang mga gamit
sa pagluluto. Pavat at sakitin ang mga anak nito.
3. Pagtalakay sa Kuwento
a.         Paghambingin si Alina Maria at Aling Lita gayundin ang kanilang mga anak.
b.         Bakit sakitin ang mga anak ni Aling Lita?
c.         Sino sa kanila ang dapat pamarisan? Bakit?
4.         Paglalahat
Papaano mo dapat ihanda ang pagkain?
5.         Pagsasanay
a.         Hatiin ang klase sa apat.
b.         Hayaang umisip ang bawat pangkat kung paano nila ipakikita ang malinis na paraan
ng paghahanda ng pagkain.
         
IV.        Pansariling Pagsusulit:
Ilahad ang mga bagay/ pagkain tulad ng bayabas, mansanan, sinigwelas, mangkok, kutsara at
tubig na dala ng mga bata.
Gawin ang mga bagay na ito ang wastong paghahanda ng pagkain.
V.        Kasunduan:
Sagutin ang mga sumusunod:
1.         Ano ang dapat tandaan upang maging malusog ang ating pangngatawan?
2.         Paano ka makakaiwan sa mga sakit tulad ng diarrhea, sakit sa atay at iba pa?
CHARACTER EDUCATION IV
Date:  _________________
I.          Layunin:

 Naghuhugas ng kamay bago humawak ng pagkain

II.        Paksang Aralin
        Paghuhugas ng Karnay Bago I lumawak ng Pagkain
                B.P.         :        Kalusugan
                K.P.        :        Kalinisan sa paghahand ng pagkain
I.B        :        Naipapakita ang mga kanais-nais na pag-uugaling pangkalusugan at kaayusan
P.E.L.C.        :        EKAWP p.2
        Kagamitan  :        Individual Health Inspection Chart
        
III.        Pamamaraan:
        A.  Panimulang Gawain
1.        Pagtitsek ng Individual Health Inspection Chart
2.        Talakayin isa-isa ang mga nilagyang tsek at ekis sa IHIC.
        
B.        Panlinang na Gawain
1.        Ano-anong dapat gawin bago kumain?
2.        Ilahad ang kwento at talakayin.
Madalas na makipag-unahan sa pagkain si Benjie. Sumugod agad siya sa hapag kainan
nang hindi naghuhugas ng kamay. Kapag tinatanong isya ng kanyang Nanay na sasagot siya
na gumagamit naman ng kutsara tinidor.
_____  Tama ba ang ginagawa, ni Benjie? Bakit?
_____  Dapat ba siyang tularan? Bakit?
_____  Kung kapatid mo siya, ano ang ipapayo mo sa kanya? Bakit?
C.        Paglalahat
Ano ang dapat gawin bago humawak ng pagkain? Bakit?
D.        Paglalapat
Ano ang kahalagahan ng paghuhugas ng kamay bago humawak ng pagkain? Ipakita ang
wastong paraan ng paghuhugas ng kamay sa mga bata.
         
IV.        Pansariling Pagsusulit:
Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa inyong sagutanG papel. Ano ang dapat gawin bago
humawak ng pagkain?
1.        Ano ang dapat gawin bago humawak ng pagkain?
a.        maghugas ng kamay        c.        maglaro
b.        sumulat                d.        magbasa
2.        Kailangan bang maghugas ng kamay bago kumain (gagamit ng kutsara) kahit gumamit ng
kutsara't tinidor?
a.     oo                                  c.    minsan
b.         hindi                        d.    pag may nakakakita
3.        Paano mo huhugasan ang iyong mga kamay bago kumain?
a.         ilublob lang ang kamay sa isang tabong tubig
b.         banlawan lang ang kamay
c.         banlawan at sabunin at muling banlawan sa malinis na tubig.
V.        Kasunduan:
Ano ang dapat gawin sa hilaw na prutas/gulay bago kainin?
CHARACTER EDUCATION IV
Date:  _________________
I.          Layunin:

 Hinuhugasan ang hilaw na prutas / gulay bago kainin

II.        Paksang Aralin
        Paghuhugas ng Hilaw ng Prutas/Gulay Bago Kainin
                B.P.         :        Kalusugan
                K.P.        :        Kalinisan sa paghahanda ng pagkain
P.E.L.C.        :        EKAWP P.1
        Kagamitan  :        larawan
        
III.        Pamamaraan:
        A.  Panimulang Gawain
1.         Ipaawit ang "Bahay Kubo".
2.         Ano anong gulay ang binanggit sa awit?
        
B.        Panlinang na Gawain
1.         Ano ang kilala mong prUtas? Bago mo ito kainin, ano ang ginagawa mo sa prutas?
2.        Ipabasa at talakayin
NaMitas ng sinegwelas ang magkakaibigang Andy, Jetjet at Pot-pot. Habang namimitas
ng sinegwelas, kumakain na sina Any at Jet jet. Si Pot-pot ay inipon mun ang mga napitas na
sinegwelas at inilagay sa isang supot. pagdating sa bahay, hinugasan niya itong mabuti at
saka kinain.
_____  Sino ang tama ang ginawa? Bakit?
_____ Dapat bang tularan si Pot-pot ay inipon muna ang mga napitas na sinegwelas at
inilagay sa isang supot. Pagdating sa bahay, hinugasan niya itong mabuti at saka
kinain.
_____  Sino ang tama ang ginawa? Bakit?
3.        Anu-anong gulay ang kinakain .ng hilaw?
4.        Ano ang dapat gawin at tandaan sa mga gulay at prutas bago ito kainin?
C.         Ano ang dapat gawin at tandaan sa mga gulay at prutas bago ito kainin?
D.         Paglalapat
Ano ano ang mga pagkain na dapt hugasan bago kainin?
Papaano huhugasan ang mga gulay na kinakaing hilaw tulad ng letsugas, karnatis at iba pa?
IV.        Pansariling Pagsusulit:
Piliin ang titik ng tamang sagot.
1.         Ano ang dapat gawin sa gulay/prutas bago kainin?
a.        ilublob sa tubig                c.    hugasang mabuti
b.        ibabad sa sabon                d.    ibilad sa araw
2.         Anu-anong mga gulay ang dapat hugasan bago kainin?
a.        sitaw, kalabasa, repolyo
b.        karnatis, carrots, kamote
c.        gabi. patola, talong
V.        Kasunduan:
Igawa ng listahan ang mga gulay na dapat hugasan bago kumain.
CHARACTER EDUCATION IV
Date:  _________________
I.          Layunin:

 Gumagamit ng sandok, kutsara sa pagkuha at pagtikim ng pagkain


II.        Paksang Aralin
        Paggamit ng Sandok, Kutsara sa Pagkuha at Pagtikim ng Pagkain
                B.P.         :        Kalusugan
                K.P.        :         Kalinisan sa paghahanda ng pagkain
P. E.L.C.        :        EKAWP p.1
        Kagamitan  :        larawan
        
III.        Pamamaraan:
        A.  Panimulang Gawain
1.         Ano ang inyong gustong-gustong ginagawa kapag nasa bahay?
B.        Panlinang na Gawain
1.         Ipakita ang larawan ng Nanay na nagluluto.
_____  Ano ang ginagawa ng Nanay sa larawan?
_____  Ano kaya ang ginagawa niya upang malamang timplado ang kanyang niluluto? Paano
kaya niya ito ginagawa? Ano kaya ang pinagkukuha niya ng kanyang titikman?
2.         Ipabasa at talakayan.
Nagluto ng pansit ang iyong Ate. Paano niya malalaman na masarap o ayos na ang timpla
ng kanyang iniluluto?
_____  Anong kasangkapan ang kanyang gagamitin sa pagtikim?
_____  Bakit dapat gumamit ng ibang kutsara sa pagtikim ng niluluto?
C.         Paglalahat
Kung nais mong malaman kung timplado na ang iyong niluluto, ano ang iyong gagawin?
Bakit?
D.         Paglalapat
Ipabigkas ang tugma.
Sa pagkuha ng pagkain Sandok ay gamitin
Kung nais mong tumiklm Kutsara'v gamitin
Huwag itong kamayin
         
IV.        Pansariling Pagsusulit:
1.         Nais mong tikman ang nilutong ulam ng iyong Lola. Alin ang iyong gagamitin?
a.        baso        b.        tinidor        c.        sandok        d.        kutsara
2.         Gusto mo kumuha ng fruit salad sa bowl. Alin ang iyong gagamitin?
a.        pala        b.        plastito        c.        sandok        d.        kutsilyo
3.         Saan ginagarnit ang kutsara?
a.        sa pagkuha ng inumin        c.    sa paglalagay ng sabon sa washing machine
b.        sa pagtikim ng pagkain        d.    sa pagsusulat
V.        Kasunduan:
Saan dapat ilagay ang mga pagkain pagkaluto?
CHARACTER EDUCATION IV
Date:  _________________
I.          Layunin:

 Pinakukuluan ang tubig kung hindi ito siguradong ligtas para inumin

II.        Paksang Aralin
        Pagpapakulo ng Tubig para sa Inumin
                B.P.         :        Kalusugan
                K.P.        :        Kalinisan sa paghahanda ng pagkain
I.B              :        Naipapakita ang mga kanais-nais na pag-uugaling pangkalusugan at kaayusan
P. E.L.C.        :        EKAWP p.2
                
III.        Pamamaraan:
        A.  Panimulang Gawain
1.         Pahulaan.
                 Iayos ang mga baligtad na titik. U-T-I-G-B
        
B.        Panlinang na Gawain
1.         Ilahad ang tugma at talakayin
Tubig ay tipirin,
Maayos itong gamitin
Ito'y ating ingatan
Huwag aksayahin
Krisis sa enerhiya
Dapat nating Isipin
Upang pagdating ng araw
Ay mayroon pang gamitin
_____  Mahalaga ba ang tubig?
_____  Anu-ano ang garnit ng tubig?
_____  Maari bang inumin ang lahat ng tubig? Bakit?
2.         Ipabasa at talakayin
Umakyat sa bundok ang mga Grade IV na Boy Scouts ng Mababang Paaralan ng
Maligaya. Sa kasabikan, nalimutan ng mga bata na dalhin ang inihanda nilang gallon ng
tubig. Walang poso sa bundok. Batis at balon lamang ang tanging pinagkukunan ng  tubig
doon.
Ano ang dapat gawin ng mga bata bago uminom ng tubig?
Ano ang maaring mangyari sa mga bata kung iinom kaagad ng tubig mula sa balon?
C.         Paglalahat
Ano ang dapat gawin upang laging magsigurong ligtas ang tubig na inumin?
D.         Paglalapat
Ipabasa ang tugma.
Ating kalusugan ay tunay na mahalaga
Huwag iinom ng tubig kapagdaka
Bago ito inumin pakuluan muna.
IV.        Pansariling Pagsusulit:
Sagutin ng 2 o 3 pangungusap.
Naghiking ang mga batang lalaki sa Grade IV ng Paaralang Bayan ng San Isidro. Tanging balon
lamang ang mapagkukunan ng tubig sa kabundukang kanilang inakyat. Wala silang dalang maraming
tubig para inumin?
V.        Kasunduan:
Magtala ng kahalagahan ng tubig sa buhay ng tao, halaman, at hayop.
                
CHARACTER EDUCATION IV
Date:  _________________
I.          Layunin:

 Napananatiling malinis at maayos ang sarili sa paghahanda at pagluluto ng pagkain

II.        Paksang Aralin
Kalinisan sa paghahanda ng pagkain
                B.P.         :        Kalusugan
                K.P.        :        Kalinisan sa paghahanda ng pagkain
I.B        :        Naipapakita ang mga kanais-nais na pag-uugaling pangkalusugan at kaayusan
P. E.L.C.        :        EKAWP p.2
        Kagamitan  :        Larawan ng dalawang ginang, isang malinis at maayos at isang marumi habang
nagluluto.
        
III.        Pamamaraan:
        A.  Panimulang Gawain
1.         Balik-aral
Ano ang dapat gawin sa tubig halimbawang hindi ito siguradong ligtas para inumin?
2.         Pagganyak
Napanood ba ninyo ang patalastas sa T.V. tungkol sa "Maggi"? Ilarawan ang bidang
babaeng nagluluto.
B.        Panlinang na Gawain
1.         Ilahad ang larawan. 
Sino sa kanila ang mukhang masarap ang niluluto? Bakit?
2.         Ilahad ang kwento.
Ang Aling Nena's Carinderia ay kilalang kainan sa bayan ng Sta. Lucia. Masarap, mura at
siguradong malinis ang paghahanda ng pagkain dito dahil nakikita ang mga mamimili kung
paano ito ihanda. Sa tapat nito ay may nagtayong malaking restaurant. Dahil may pintura at
mukhang de-klase, dinumog ito ng mga tao. Isang araw, maraming, tao ang nagbalik at
nagreklamo sa may-aaring restaurant dahil nagsisakit ang kanilang tiyan matapos kumain ng
"Pansit Canton". Natanto nila na maging ang raga kusinera ay marumi, ang mahabang buhok
ay nakasabog at halos hindi makaugaga.
3.         Pagtalakay
a.         Paghambingin ang Aling Nena's Carinderia sa bagong tayong restaurant.
b.         Bakit sumakit ang tiyan ng mga kumain sa restaurant?
C.        1.         Paglalahat
                        Ano ang dapat tandaan sa paghahanda ng pagkain?
2.         Pagsasanay
a.         Ilabas ang mga dala sa paghahanda ng pagkain.
b.         Hayaang ipakita ang kilos ng mga bata ang wastong paghahanda ng pagkain.
3.         Paglalapat
                Sa inyong tahanan, paano maghanda ng pagkain si Nanay o ate? Ilarawan.
                Tumutulong ka ba sa malinis na paghahanda ng mga ito?
         
IV.        Pansariling Pagsusulit:
        Lagyan ng tsek (✔) kung ito ay ang malinis at maayos na paghahanda ng pagkain at (X) ekis kung
hindi.
_____  1.         Paggamit ng Apron.
_____  2.         Tinatalian ang mahabang buhok bago magluto.
_____  3.         Hindi nilalagyan ng takip ang mga sangkap sa pagluluto.
V.        Kasunduan:
Itala ang wastong paraan sa paghahanda ng pagkain.
        
CHARACTER EDUCATION IV
Date:  _________________
I.          Layunin:
 Gumagamit ng apron

II.        Paksang Aralin
        Paggamit ng Apron
                B.P.         :        Kalusugan
                K.P.        :        Kalinisan sa paghahanda ng pagkain
P. E.L.C.        :        EKAWP p.2
        Kagamitan  :        Larawan, apron
        
III.        Pamamaraan:
A.        Panlinang na Gawain
1.         Ipakita ang larawan ng Nanay na nagluluto (Naka-apron)
Ano ang napansin ninyong suot ng Nanay sa pagluluto?
2.         Ano ba ang kahalagahan ng apron?
Bakit kinakailangang gumamit ng apron sa pagluluto?
3.         Pangkatin ang mga bata at ipatala ang kahalagahan ng paggamit ng apron. Isulat sa pisara
ang mga naitala ng mga bata sa bawat pangkat at panghambingin.
B.         Paglalahat
1.         Ano ang dapat isuot ng isang naghahanda ng pagkain?
2.         Anu-ano ang kahalagahan ng paggamit ng apron?
C.         Paglalapat
1.         Kung ikaw ay maghahanda at magluluto ng pagkain, ano ang iyong dapat isuot?
IV.        Pansariling Pagsusulit:
Piliin ang titik ng tamang sagot.
1.         Sa paghahanda at pagluluto ng pagkain, alin ang dapat mong gamitin upang mapanatiling
malinis at maayos ang iyong sarili?
a.        suklay                c.        apron
b.        polbo                d.        lipistick
2.         Bakit dapat gumamit ng apron?
a.        upamg gumanda
b.        upang mapanatiling maayos at malinis ang sarili
c.        utos ng Nanay
d.        upang hangaan ka ng makikita sa iyo
V.        Kasunduan:
Sumulat ng isang sanaysay tungkol sa kahalagahan ng apron.
CHARACTER EDUCATION IV
Date:  _________________
I.          Layunin:

 Tinatalian ang buhok o iniipitan ang buhok

II.        Paksang Aralin
Pagtatali o Pag-iipit sa Buhok
                B.P.         :        Kalusugan
                K.P.        :        Kalinisan sa paghahanda ng pagkain
        PELC        :        EKAWP p.2
        Kagamitan  :        Kagamitan
        
III.        Pamamaraan:
        A.  Panimulang Gawain
1.         Balik-aral 
                Anu-anong gamit mo sa iyong buhok kung inaayos mo ito?
B.        Panlinang na Gawain
1.        Sinu sa inyo ang sanay magluto?
2.        Ilahad ang larawan ng Nanay na nagluluto
        ______  Ano ang ayos ng buhok ng Nanay sa larawan?
        ______  Bakit kaya kinakailangang talian o ipitan ang buhok kung nagluluto?
3.         Ikuwento at talakayan.
Ang magpinsang Edna at Pearla ay mahilig magluto. Tuwing Sabado ay nagluluto sila ng
meryenda at tanghalian para sa kanilang mga pami-pamilya. Si Edna ay maayos sa pagluluto
sa mga kagamitan sa pagluluto at maging sa sarili samantalang si Perla ay sanay sa kanyang
nakaugaliang nakakalat ang mga gamit habang nagluluto pati raga pinagbalatan ng gulay o
sangkap sa kanyang iniluluto. Sa sarili man niyang ayos ay hindi siya gaanong maayos.
Sino sa dalawang babae ang dapat na tularan? Bakit?
Anong magandang katangian ang dapat tularan kay Edna?
Ano ang kahalagahan ng maayos sa sarili kung nagluluto?
4.        Pangkatin ang mga bata at magpatala ng mga dapat gawin sa sarili upang maging maayos
at malinis habang nagluluto. (Lalo na ang buhok)
C.         Paglalahat
Paano mo mapananatiling maayos at malinis ang iyong buhok habang nagluluto?
D.         Paglalapat
Bakit kinakailangang talian o ipitan ang buhok habang nagluluto?
         
IV.        Pansariling Pagsusulit:
1.        Si Lala ay maghahanda ng pagkain. Ano ang dapat niyang gawin sa mahaba niyang buhok?
a.         gupitin        
b.         ilugay
c.         talian/ipitan
d.         hawakan habang nagluluto
2.         Ano ang kahalagahan ng pagtatali o pag-iipit sa buhok habang nagluluto?
a.        mapananatili itong maganda
b.        mapapanatili itong maayos
c.        maiiwasan ang paglaglag ng hibla ng buhok sa iniluluto
d.        hindi ka mapapansin ng Nanay mo
V.        Kasunduan:
Gumuhit ng isang sitwasyon o kalagayan habang nagluluto na nagpapakita na maayos ang buhok
habang nagluluto.
CHARACTER EDUCATION IV
Date:  _________________
I.          Layunin:

 Gumagamit ng malinis na mga lutuan at lalagyan

II.        Paksang Aralin
        Paggamit ng malinis na Lutuan at Lalagyan
                B.P.         :        Kalusugan
                K.P.        :        Kalinisan sa paghahanda ng pagkain
P. E.L.C.        :        EKAWP p.2
        Kagamitan  :        Larawan
        
III.        Pamamaraan:
        A.  Panimulang Gawain
Saan dapat ilagay ang mga lutong pagkain
B.        Panlinang na Gawain
1.         Anu-anong kasangkapan ang ginagamit na lutuan at lalagyan sa kusina?
2.         Ipakita ang larawan ng mga lutuan at lalagyan sa isang kusina
_____  Ano-ano ang mga nasa larawan.
_____  Ano ang dapat tiyakin bago ito gamitin? Bakit?
3.         Pangkatin ang mga bata. Pagusapan ninyo kung ano-ano ang dapat gawin sa mga
kasankapan sa kusina bago ito gamitin.
4.         Tiyakin ang mga napag-usapan ng bawat grupo.
C.         Paglalahat
Ano ang dapat pakatandan sa mga kagamitan at maging sa lutuan bago ito gamitin? Bakit
dapat panatilihin ang kalinisan ng mga ito?
D.        Paglalapat
Bakit kinakailangang gumamit ng malinis na mga lutuan at lalagyan sa pagluluto ng pagkain.
         
IV.        Pansariling Pagsusulit:
Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa inyong sulatang papel.
1.         Magsasaing ka at napansin mong marumi ang kaldero, ano ang iyong gagawin?
a.        pupunasan ito                c.    Papagpagan ito
b.        lilinisin ito                         d.    hihipan ito
2.         Nagluto ka ng sinampalukang manok, saan ma ito ilalagay?
a.        sa tabo                        c.    sa plastic bag
b.        sa kaserolang malinis        d.    sa pinggan
3.         Bakit kinakailangang gumamit ng malinis na mga lutuan at lalagyan ng pagkain.
a.        upang makatipid
b.        upang magandang tingnan
b.        upang makasigurong ligtas sa sakit, mikrobyo o alikabok
V.        Kasunduan:
Ano ang kahalagahan ng kalinisan sa kusina at kagamitan sa kusina?
 
CHARACTER EDUCATION IV
Date:  _________________
I.          Layunin:

 Kumakain ng tama at wastong dami ng pagkain

II.        Paksang Aralin
        Pagkain Nang Tama at Wastong Dami ng Pagkain Batayang pagpapahalaga:
                B.P.         :        Kalusugan
                K.P.        :        Kaangkupang Pisikal
I.B        :        Naipapakita ang mga kanais-nais na pag-uugaling pangkalusugan at kaayusan
P. E.L.C.        :        EKAWP p.2
        Kagamitan  :        Chart ng Go, Grow at Glow Foods
        
III.        Pamamaraan:
        A.  Panimulang Gawain
1.         Magpaehersisyo
B.        Panlinang na Gawain
1.         Mahalaga ba ang ehersisyo? Bakit?
2.         Bukod sa ehersisyo, ano pa ang kailangan ng ating katawan?
3. Ilahad ang larawan ng chart ng Go, Grow at Glow Foods at talakayan.
4. Ipabasa at talakayan.
Ang ina ni Didi ay palaging naghahanda ng kumpletong pagkain Laging may Go, Glow
at Grow foods sa tanghalian, hapunan at maging sa agahan ay palaging may pritas. Tinitiyak
niyang inuubos ni Didi ang isa o higit pang tasa ng kanin. isda at isang platong gulay.
_____  Kayo rin ba ay kumakain ng wastong dami at uri ng pagkain? Bakit?
_____  Ano ang kahalagahan ng wastong uri ng pagkain?
5.         Pangkatin ang mga bata at ipalista ang mga pagkaing dapat kainin ng isang bata at raga
pagkaing hindi dapat kainin.
C.        Papaano mo mapangangalagaan ang sariling kalusugan?
Anu-ano ang rnga dapat mong kainin? Bakit?
D.        Paglalapat        
Lagyan ng tsek ang nagpapakita ng pangangalaga sa kalusugan at X kung hindi.
_____  pag-eehersisyo        
_____  pag-inom ng gatas
_____  pagkain ng junk foods        
         
IV.        Pansariling Pagsusulit:
1.        Alin sa mga sumusunod ang dapat mong kainin?        
a.        maraming kanin at kaunting ulam        
b.        isang tasang kanin, isang isada o isang hiwang karne, gulay at prutas
c.        tinapay at softdrinks        
d.        candy, coke, tinapay        
2.        Dapat bang kumain ng prutas araw-araw?        
a.        oo                        c.   hindi
b.        minsan                d.   siguro
3.        Mahalaga ba ang gulay sa ating katawan?        
a.        maraming hindi        c.   minsan
b.        oo                        d.   siguro
V.        Kasunduan:
Sumulat ng isang sanaysay na may pamagat na "KAHALAGAHAN NG WASTONG
PAGKAIN"
CHARACTER EDUCATION IV
Date:  _________________
I.          Layunin:

 Nagpapahinga pagkatapos ng mabigat na gawain

II.        Paksang Aralin
        Kamalayang Pangkalusugan
                B.P.         :        Kalusugan
                K.P.        :        Kaangkupang Pisikal
I.B        :        Naipamamalas ang kamalayan sa kanais-nais na Gawain sa pagpapaunlad ng
kaangkupang pisikal
P. E.L.C.        :        EKAWP p.1
        Kagamitan  :        Larawan ng mabibigat na gawain tulad ng pag-aararo. paglalaba at paglalaro.
        
III.        Pamamaraan:
        A.  Panimulang Gawain
1.         Balik-aral:
Paano ka magkakaroon ng isang malusog at malakas na pangangatawan?
2.         Pagganyak: 
May alam ka bang mabigat na gawain/trabaho bilang isang bata?
        
B.        Panlinang na Gawain
1.         Ipakita ang mga larawan. Maituturing bang mabigat na gawain ang inyong nakikita?
2.         Ilahad ang kwento.
Si Mang Juanito ay isang magsasaka. Kadalasan ay maghapon siya sa bukid. nag-aararo,
nagbubunot no- damo at kung minsan ay nagsasabog ng pataba. Pagdating sa bahay
namamahinga muna bago maglinis ng katawan. si Ariel ang kanyang nag-iisang anak, tuwina
sinasabi niya dito na huwag siyang magbabasa lab na kung pagod sa paglalaro. Lubhang
matigas ang ulo ni Ariel. Minsan basang-basa siya ng pawis ng siya ay tuloy tuloy nagpunta
sa poso upang maglinis. Biglaan ang pananakit ng kanyang ulo at nanginglnlg ang kanyang
tuhod, dahil dito siya ay napaiyak. Inihatid siya ng kanyang mga -kamag-aral sa kanilang
tahanan.
3.         Pagtalakay
a.        Ilarawan si Mang Juanito
b.        Paano niya iniingatan ang kanyang sarili?
c.        Sino ang kanyang kaisa-isang anak? Ilarawan ito.
d.        Ano ang nangyari sa kanya?
C.         1.         Paglalahat:
                        Ano ang dapat gawin matapos ang isang mabigat na gawain?
        
        2.         Pagsasanay:
a.         Hatiin ang klase sa dalawa.
b.         Hayaang umisip sila ng mga mabibigat na gawain na isasadula.
c.         Sabihin sa kanila ang isang pangkat ay mag-iingat sa katawan at iba naman at pabaya.
d.         Ipakita ang mabuti at masamang dulot nito.
        
        3.         Paglalapat
                Katulad ka rin ba ni Ariel na hindi marunong sumunod sa magulang? Ano ang
masamang dulot nito? Itala.
 
IV.        Pansariling Pagsusulit:
Punan ang patlang ng kaisipang natutunan.
Mula ngayon ako ay _____  muna pagkatapos ng isang mabigat na gawain. ______ sa mga
pinangangaral ng aking mga magulang at  ______ ang sariling katawan.
V.        Kasunduan:
Magtala ng sampung mabibigat na gawain sa tahanan, paaralan at bukid
CHARACTER EDUCATION IV
Date:  _________________
I.          Layunin:

 Naisasagawa nag palagiang pagkonsulta sa duktor/dentista

II.        Paksang Aralin
        Kamalayang Pangkalusugan
                B.P.         :        Kalusugan
                K.P.        :        Kaangkupang Pisikal
I.B        :        Naipamamalas ang kamalayan sa kanais-nais na Gawain sa pagpapaunlad ng
kaangkupang pisikal
P.E.L.C.        :        EKAWP p.3
        Kagamitan  :  Larawan ng batang nagpapabunot ng ngipin
III.        Pamamaraan:
        A.  Panimulang Gawain
1.         Balik-aral
Ano ang dapat gawin pagkatapos ng isang mabigat na gawain?
2.         Pagganyak 
Nagtitiis ka ba halimbawang sumasakit ang iyong ngipin, ulo o di kaya'y tivan? Saan ka
dinadala ng iyong ina?
        
B.        Panlinang na Gawain
1. Ipakita ang larawan.Takot ba siya sa dentista? Ikaw, ilang beses kang purnunta sa
duktor/dentista sa bob ng isang taon?
2.         Ilahad ang kwento.
"Ang Pilipino ay may nakaugaliang hindi magandang gwi kapag ang paguusapan ay
tungkol sa duktor/dentista, karaniwan pumupunta lamang sila sa mga ito kung malibha na ang
sakit. resulta. pagbingit sa kamatayan o pagkawala ng buha}". Ito ang maikling nabasa ni
Rosana ng umagang iyon. "Tay, kailangan po pala ay kumukonsulta tayo sa duktor/dentista
minsan man lamang sa isang taon kahit wala tayong nararamdamang kakaiba. Mayroon daw
pong mga libreng programa ang pamahalaan ukol dito". "Anak. sige magbihis ka at may
libreng konsultasyon sa center ngayon." tugon ng ama.
3.         Pagtalakay
a.        Ano ang nabasa ni Rosana ng umagang iyon?
b.        Ito ba ay isang paraan upang maiwasan ang pagkawala no buhay ng mga mahal natin?
c.        Saan pwedeng pumunta upang kumunsulata rig libre?
C.        1.        Paglalahat
                        Ano ang dapat gawin upang mapahalagahan ang buhay ng bawat isa sa pamilya?
2.         Pagsasanay
a.        Pangkatin ang klase sa dalawa (lalake at babae)
b.        Magkaroon ng paligsahan sa pagtatala ng mga duktor ahensiya ng gobyerno na
nagbibigay ng libreng konsultasyon.
3.         Paglalapat
                Kayo sa inyong pamilya palagian din ba ang inyong pagkunsulta sa duktor/dentista
kahit walang nararamdaman?
                Paano mo sasabihin sa inyo ang kahalagahan ng kalusugan na hindi ka gugugol ng
malaking halaga?
         
IV.        Pansariling Pagsusulit:
Punan ang patlang ng tamang kaisipang natutunan
Mula ngayon aking isasagawa ang  ________sa duktor/dentista.  At hindi na muling ______ sa
iniksiyon at hindi na muling ______  halagang gugulin para sa kalusugan.
V.        Kasunduan:
Itala ang masamang dulot ng pagpapabaya sa kalusugan.
CHARACTER EDUCATION IV
Date:  _________________
I.          Layunin:
 Kaagad komukunsulta sa doktor kung may palatandaan o sintomas ng sakit

II.        Paksang Aralin
        Pagkonsulta sa Doktor
                B.P.         :        Kalusugan
                K.P.        :        Pag-ayos sa kapaligiran
P. E.L.C.        :        EKAWP p.4
        Kagamitan  :        larawan
        
III.        Pamamaraan:
        A.  Panimulang Gawain
1.         Anu-anong sakit ang alam ninyo?
Anu-ano ang sintomas o palatandaan ng sakit na beke?
B.        Panlinang na Gawain
1.         Kung ikaw ay maraming pasa sa iba't-ibang bahagi ng iyong katawan, ano ang iyong
gagawin? Bakit?
2.         Ipakita ang larawan ng batang nasa ospital at nakadekstros. Sa inyong palagay, ano ang
sakit ng bata?
Kaagad kaya siyang dinala sa ospital?
Dapat bang isangguni sa doktor ang isang sakit? Bakit?
3.         Pangkatin ang mga bata at hayaang pag-usapan kung ano ang dapat gawin kung may mga
palatandaan o sintomas na ng sakit ang isang tao?
C.        Paglalahat
Kung mayroon kang palatandaan o sintomas ng isang uri ng sakit, ano ang iyong dapat
gawin? Bakit?
         
IV.        Pansariling Pagsusulit:
Isulat ang Tama o Mali sa inyong sagutang papel. Dapat ba tayong komunsulta sa doktor kung
_____  1.         hindi maalis-alis ang sipon at ubo mo
_____  2.        laging sumasakit ang tiyan
_____  3.         hindi makahinga
_____  4.         nabusog
_____  5.         tinutubuan ng ngipin
V.        Kasunduan:
Ano ang kahalagahan ng pagkonsulta sa doktor?
CHARACTER EDUCATION IV
Date:  _________________
I.          Layunin:

 Sumusunod sa utos at payo ng manggagamot

II.        Paksang Aralin
        Kamalayang Pangkalusugan
                B.P.         :        Kalusugan
                K.P.        :        Kaangkupang Pisikal
I.B        :        Naipamamalas ang kamalayan sa kanais-nais na Gawain sa pagpapaunlad ng
kaangkupang pisikal
P.E.L.C.        :        EKAWP p.4
        Kagamitan  :        Reseta ng duktor/dentista
        
III.        Pamamaraan:
        A.  Panimulang Gawain
1.        Balik-aral
Dapat bang magtiis na lamang sa bahay halimbawang may mga sintomas ng sakit?
Ano ang dapat gawin?
2.         Pagganyak
Nadala na ba kayo sa duktor?
Ano ang tawag sa maliit na papel na ibinibigay ng doktor? Ano ang nakasulta dito?
B.        Panlinang na Gawain
1.         Ipakita ang mga reseta. Mayron ka ba ng mga ito? Ano ang nakasulat dito?
2.         Ilahad ang kwento
Minsan isang buwan dumarating sa Health Center ang mga duktor/dentista sa baranggay
Sampalok upang magbigay ng libreng paggagamot. Inuubo't nilalagnat si Crispin kaya dali-
dali siyang dinala ng kanyang ina sa center. Sinabihan sila ng duktor na kung maari ay huwag
hahayaang matuluyan ng pawis ang likod ng may sakit. Inumin din and dalawang kaklaseng
gamot tatlong beses isang araw. Ito ay kanyang isinulat na Tsang maliit na papel na kung
tawagin ay reseta. Umuwi sila sa bahay at pinainom na ni Aling Lita at Crispin ng mga
gamot.
3.         Pagtalakay
a         Gaano kadalas dumalaw sa Brgy. Sampaloc ang mga duktor at dentista?
b.         Sino ang inuubo't nilalagnat sa kanilang ginagamot?
 C.        1.        Paglalahat
                        Ano ang dapat gawin sa payo at utos ng mga duktor o manggagamot?
2.         Pagsasanay 
                Itala ang maaring maging dulot ng pagsuway sa payo at utos ng duktor.
3.         Paglalapat 
                Ikaw, sumusunod ka ba sa utos at payo ng duktor/dentists? Bakit?
IV.        Pansariling Pagsusulit:
Sagutin ng dapat at di-dapat ang bawat kalagayan.
_____  1.         Sumusunod sa payo ng mga manggagamot.
_____  2.        Umiinom ng labis na gamot na bigay ng doktor.
_____  3.         Kinakaligtaan ang oras ng pag-inom ng gamot_
V.        Kasunduan:
Itala ang magandang dulot ng pagsunod sa payo at utos ng manggagamot.
CHARACTER EDUCATION IV
Date:  _________________
I.          Layunin:

 Hindi umiinom ng gamot ng walang reseta

II.        Paksang Aralin
        Hindi Pag-inom ng Gamot  ng Walang Reseta
                B.P.         :        Kalusugan
                K.P.        :        Pag-ayon sa Kapaligiran
P. E.L.C.        :        EKAWPP p.4
        Kagamitan  :  Larawan, Botelyang may Gamot
        
III.        Pamamaraan:
        A.  Panimulang Gawain
1.        Balik-aral: 
Magbiaay ng mga ngalan ng gamot.
B.        Panlinang na Gawain
1.         Ipakita ang mga botelya ng gamot. Ano ang mga ito? Kailan natin dapat gamitin ang mga
ito? Maari ba tayong uminom ng gamot kahit anong oras? Bakit?
2.         Ilahad ang kuwento sa baba at talakayan.
Si Edith ay oras. Ang kapatid niyang si Jennifer ay nag-iiayak sa sobrang sakit ng tiyan.
May mga gamot sa kabinet nila ngunit hindi pumayag si Edith na ipainom ito kay Jennifer.
Sa inyong palagay, bakit hindi pumayag si Edith?
Tama ba ang ginawa ni Edith? Bakit?
Kung kayo si Edith, ano ang inyong gagawin? Bakit?
3.         Pangkatin ang mga bata sa 4 at hayaang magtala ng mga bagay na dapat o mga dahilan
kung bakit hindi dapat magpainom ng gamot ng walang reseta ng Doktor.
C.         Paglalahat
                Ano ang kahalagahan ng reseta ng doktor? Dapat ba itong sundin? Bakit?
D.         Paglalapat
                Sino ang may karapatang magbigay ng reseta? Dapat ba tayong uminom ng gamot ng
walang reseta ng dokto? Bakit?
IV.        Pansariling Pagsusulit:
Piliin ang titik ng tamang sagot
1.         Ano ang tawag sa nanggagaling sa doktor at ipinakikita sa mga botika kapag bibili ng gamot?
a.         resibo                        
b.    reseta
c.         tiket                                
d.    piano
2.         Kailan dapat uminom ng gamot?
a.         kung may gamot sa medicine cabinet
b.         kung binigyan ka ng katulong ninyo
c.         kung niresetahan ka na ng doktor
d.         kung iniutos ng iyong Nanay
3.         Tama bang uminom ng gamot ng walang reseta ng doktor?
a.         hindi                        C.   Oo
b.         siguro                        d.    siyempre
V.        Kasunduan:
Ano ang kahalagahan ng reseta ng doktor?
CHARACTER EDUCATION IV
Date:  _________________
I.          Layunin:

 Nakikilahok sa mga gawain upang maging luntian ang kapaligiran Nagtatanim ng gulay.
puno/palmuti sa bakanteng lote/paaralan/pamayanan.

II.        Paksang Aralin
Pagtatanim ng Gulay/Puno at halamang Ornamental sa Bakanteng Lote/Paaralan / Pamayanan.
                B.P.         :        Kalusugan
                K.P.        :        Pag-ayon sa Kapaligiran
P. E.L.C.        :        EKAWP p.3
        
III.        Pamamaraan:
        A.  Panimulang Gawain
Ipaawit  ang "Magtanim ay Di Biro" at "Bahay Kubo"
Anong mga halaman ang nabanggit sa awit?
Mahalaga ba ang pagtatanim? Bakit
B.        Panlinang na Gawain
May malawak na bakuran sina Mang Piring. Tinamnan niya ang isang sulok ng raga gulay,
ang isang bahagi naman ay mga halamang namumulaklak. Sa likod ng mga puno.
Ano ang masasabi ninvyo na ginawa ni Mang Piring?
Dapat ba siyang tularan? Bakit?
C.         Paglalahat
                Ano ang isang paraan ng pagkakaroon ng malinis at luntiang kapaligiran?
D. Paglalapat
        Anu-anong uri ng halaman ang maaring itanim sa bakanteng lote/paaralan at pamayanan?
Upang maging makatuturan ang mga bakanteng lote ano ang maaring gawin sa mga ito?
         
IV.        Pansariling Pagsusulit:
Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa inyong sagutang papel
1.         Nakita ni Jeng jeng na may bakanteng lote sa likod bahay nila. Paano siya makakatulong
upang maging maunlad at maayos ang bakanteng lote nila?
a.         Bunutin ang mga halaman sa harap ng bahay at ilipat sa likod bahay.
b.         Tamnan ito ng mga gulay at puno
c.         Gawin itong basurahan.
d.         Pabayaan nalang na nakatiwang-wang ang lote.
2.         Upang maging maganda at luntian ang bahaging likod ng paaralan ano ang maaring gawin ng
mga mag-aral?
a.        Ppapinturahan ito ng berde
b.        Gawin itong basurahan ng buong paaralan
c.        Bungkalin ito at tamnan ng puno, gulay at halaman
d.        Gawin itong tambakan ng sirang desk.
V.        Kasunduan:
Laging lumahok sa pagtatanim ng mga gulay, puno palamuti sa inyong tahanan. paaralan at
pamayanan.
CHARACTER EDUCATION IV
Date:  _________________
I.          Layunin:

 Namamahagi ng mga buto/binhi na natipon para sa pagpaparami ng halaman

II.        Paksang Aralin
        Pamamahagi ng rnga buto/binhi ng natipon para sa pagpaparami ng halaman                
                B.P.         :        Kalusugan
                K.P.        :        Pag-ayon sa Kapaligiran
P.E.L.C.        :        EKAWP p.3
                
III.        Pamamaraan:
        A.  Panimulang Gawain
Ano-anong halaman ang dumarami dahil sa mga buto?
Ano-anong mga halaman ang dumarami dahil sa mga sanga nito?
Dalhin ang mga bata sa "Seed Bank" ng paaralan at magpaliwanag tungkol dito.
        
B.        Panlinang na Gawain
Kung kayo ang maraming buto ng halaman, paano mo ito magagawang kapakipakinabang?
Dapat ba itong ipamahagi sa iba?  Bakit?
C.         Paglalahat
Ano ang maari mong gawin kung ikaw ay maraming binhi o buto ng halaman at ang mga
kapitbahay at kaibigan mo ay wala?
D.         Paglalapat
Si Aling Naty ay nakapagtanim ng mga binhi o punlang talong, okra at ampalaya sa kanilang
bakuran at marami pang natira sa kanyang mga binhi o punla, ano kaya ang gagawin ni Aling
Naty sa tirang binhi-punla?
         
IV.        Pansariling Pagsusulit:
Piliin ang titik nag tamang sagot at isulat sa sagutang papel
1.         Ano ang nagpaparami sa "Upo"?
a.        buto                c.   sanga
b.        ugat                d.   dahon
2.         Marami kang binhing talong. Ano ang maari mong gawin sa sobrang binhi?
a.        itapon                c.   ipamigay sa mga kapitbahay
b.        paglaruan                d.   pabavaang mamatay
V.        Kasunduan:
Ugaliin ang pamamahagi ng mga buto/binhi na natipon para sa pagpaparami ng halaman.
CHARACTER EDUCATION IV
Date:  _________________
I.          Layunin:

 Nakikiisa sa pagtatanim puno sa paaralan/pamayanan

II.        Paksang Aralin
        Pakikiisa sa Pagtatanim ng Halaman at Puno sa Paaralan o Pamayanan
                B.P.         :        Kalusugan
                K.P.        :        Pag-ayon sa Kapaligiran
P. E.L.C.        :        EKAWP p.3
                
III.        Pamamaraan:
        A.  Panimulang Gawain
Ipaawit ang "Magtanum ay di Biro"
B.        Panlinang na Gawain
Ipakita ang larawan ng nagtatanim. Ano ang ginagawa ng mga tao sa larawan?
Saan tayo maaring magtanim ng puno?
C.         Paglalahat
Ano ang dapat mong gawin upang makaiwas tayo sa baha? Upang tayo ay may makuhanan
ng table, panggatong at pagkain?
D.         Paglalapat
Ano ang kahalagahan ng pagtatanim ng puno sa paaralan? sa pamayanan?
         
IV.        Pansariling Pagsusulit:
Lagvan ng tsek (✔) sa tapat ng  iyong sagot sa bawat aytem.
Gawain                                                                Lagi         Minsan               Hindi
1.         Nakikiisa sa pagtatanim ng puno at halaman                        
sa paara l an                        
2        Lumalahok sa programang "Alay Tanim"                        
3.        Nagtatanim ng puno sa        pamayanang kinabibilangan                        
V.        Kasunduan:
        1.        Bakit tayo dapat magtanim ng puno?
        2.        Ano-ano ang kahalagahan ng pagtatanim ng mga puno?
CHARACTER EDUCATION IV
Date:  _________________
I.          Layunin:

 Hinihikayat ang mga kaibigan/kapitbahay na gamitin ang Bio-Intensive Gardening (Big)

II.        Paksang Aralin
Paghikayat sa mga Kaibigan/Kapitbahay ng Gamitin ang Bio-Intensive Gardening (Big)
                B.P.         :        Kalusugan
                K.P.        :        Pag-ayon sa Kapaligiran
P. E.L.C.        :        EKAWP p.3
        Kagamitan  :        Larawan at Resource Person (Garden Teacher)
        
III.        Pamamaraan:
        A.  Panimulang Gawain
Ipaawit "Tayo na sa Bukirin"
        
B.        Panlinang na Gawain
1.        Papagbigayin ang mga bata ng mga halamang matatagpuan sa kanilang baruran, paaralan
at pamayanan
2.        Anu-ano ang wastong paraan ng pag-aalaga ng mga halaman?
3.        Anong uri ng pataba ang inyong ginagamit sa inyong mga halaman?
4.        Ilahad sa pisara ang salitang ito at talakayan. "BIO-INTENSIVE GARDENING"
5.        Papagsalitain ang Resource Person tungkol sa Bio-Intensive Gardening o Big
6.        Talakayan: Ano ang Big? Sinu-sino ang maaring gumamit nito? Mainam ba itong gamitin?
Bakit?
C.         Paglalahat
Anong pamamaraan ang sasabihin mo sa iyong kaibigan/kapitbahay na mahilig maghalaman
o mahilig sa pagtatanim?
D.         Paglalapat
Ano ang kahalagahang dulot ng BIG?
Sinu-sino ang iyong hihikayatin sa paggamit ng BIG? Bakit?
         
IV.        Pansariling Pagsusulit:
Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa inyong sagutang papel.
1.         Naggagarden ang iyong kaibigan at tinutulungan mo siya. Ano ang maipapayo mo sa kanya?
a.         Paggamit ng BIG                        c.   Bumili ng Commercial fertilizer
b.         Huwag ka na lang magtanim        d.   Iutos mo na lang sa iba ang pagtatanim
2.         Nalaman mong mainam o ang kahalagahan ng BIG, ano ang iyong gagawin?
a.        Sasarilinin ang natuklasang kaalaman
b.        ibabahagi sa mga kaibigan at kapitbahay ang natuklasan tungkol sa BIG
c.        inggitin ang iyong mga kaibigan
d.        inisin ang iyong mya kapitbahay
V.        Kasunduan:
Itala ang mga kahalagahan o pakinabang na makakamit sa paggamit ng Bio-Intensive Gardening
sa isang Typewriting paper.
CHARACTER EDUCATION IV
Date:  _________________
I.          Layunin:

 Sinasabi sa mga kaibigan/kapitbahay ang kahalagahan ng kapaligiran

II.        Paksang Aralin
        Pagsasabi sa mga kaibigan/kapitbahay ang kahalagahan ng
kapaligiran                                                B.P.         :        Kalusugan
                K.P.        :        Pag-ayon sa Kapaligiran
P. E.L.C.        :        EKAWP p.3
        Kagamitan  :        Larawan
        
III.        Pamamaraan:
        A.  Panimulang Gawain
                1.         Ipakita "TAPAT KO LINIS KO".
                                Ano ang masasabi mo rito?
                                Ano ang pinahahalagahan dito?
B.        Panlinang na Gawain
1.         Ipakita ang larawan ng: (isa-isa) malinis at maayos na kapaligiran, nagkalat na basura sa
lansangan, maruming ilog at puro basura.
2.         Alin sa mga larawan ang kahawig ng ating paaralan?
3.         Ano ang masasabi mo sa unang larawan at nasabi mo na ito ang kahawig ng ating
paaralan?
4_        Dapat ba nating pangalagaan at linisin ang ating kapaligiran? Bakit?
C.         Paglalahat
1.        Anu-anong masasabi ninyong kahalagahan ng ating kapaligiran?
2.         Anu-anong mga pangangailangan natin ang nagmumula sa ating kapaligiran? Bakit?
D.         Paglalapat
1.         Anu-ano ang iyong maaring gawing bakbangin upang maiparating mo o maipakita mo sa
iyong  mga kaibigan at kapitbahay na mahalaga ang ating kapaligiran?
         
IV.        Pansariling Pagsusulit:
Isulat ang iyong gagawin o sasabihin sa bawat sitwasyon.
1.         Nakita mo ang iyong kaibigan na nagkakalat ng balat na mani sa harap ng simbahan.
2.         Sinisita ng mga kambing ng iyong tiyuhin ang mga halaman ng inyong kapitbahay.
3.         Nakita mo ang iyong kapitbahay na magtatapon ng patay na hayop sa bakuran ng iyong Lolo.
V.        Kasunduan:
Sumulat ng isang sanaysay na may pamagat na “KAHALAGAHAN NG KAPALIGIRAN".
2ND
CHARACTER EDUCATION IV
Date:  _________________
I.          Layunin:
        Nasusuri ang mga anunsiyo at propagandang narinig/nabasa
II.        Paksang Aralin
        Katotohanan Tungkol sa Anunsiyo
                B.P.        :        Katotohanan
                K.P.        :        Mapanuring Pag-iisip
                I. B.        :        Nakapagpapakita ng paggalang sa mga ebidensiya sa pagbuo ng pasiya ELC, p.
9
                Kagamitan:        Iba’t-ibang babasahin na may anunsiyo
III.        Pamamaraan:
        A.  Panimulang Gawain
(Ipakita ang nga babasahin) Ano ang mga ito? Anu-ano ang ,mga makikita ninyo rito? Kung
gusto ninyong hanapin ang tungkol sa anunsiyo sa trabaho, anong bahagi ang hahanapin mo?
                        

2. Panlinang na Gawain

1.        Hindi lamang sa mga babasahin tayo makakikita ng mga anunsiyo gayundin sa mga radyo
at telebisyon, tayo ay makikita at makaririnig rin ng mga anunsiyo. Pero ang malaking
katanungan lahat kaya ng anunsiyo ay nagsasabi ng katotohanan? At kung hindi, paano natin
masusuri ang mga ito ng sa gayon ay huwag tayong maloko.
2.        Ilahad ang kuwento
Si Sylvia ay may kaitiman nais sana niya na pumusyaw ang kanyang kulay. Nasubukan
na niya ang paggamit ng kalamansi, gayundin ang paghihilamos at pagpapaligo ng iba't ibang
klaseng gatas ngunit ang lahat ng ito ay pawang walang epekto sa kanyang kulay. Hanggang
isang araw, habang siya ay nanonood ng telebisyon napukaw ang kanyang pansin ng isang
anunsiyo tungkol sa lotion na nakapagpapaputi sa loob lamang ng tatlong linggo. lnilista niya
ang pangalan nito at siya ay madaliang nagpunta sa palengke upang bumili. May kamahalan
ang presyo nito pero hindi niya ito inalintana. Ng siya'y dumating sa bahay daglian siyang
naligo at nagpahid ng lotion sa kanyang buong katawan. Hindi pa nagtatagal nakaramdam
siya ng init at pangangati sa kanyang katawan, inakala niyang natural lamang ito. Hanggang
lumitaw ang naglalakihang pantal at ang labis na pangangati na halos hindi na niya matiis.
Dinala siya sa pagamutan at doo'y natanto niyang siya'y na-allergy at hinatulang huwag ng
gumamit nito (lotion).
3.        Pagtalakay

1. Ilarawan si Sylvia?
2. Ano ang kanyang nais?
3. Anu-ano ang kanyang ginawa upang ito ay makamit?
4. Bakit siya nangangati?
5. Ano ang naging payo sa kanya ng doktor?

        C.        Paglalahat
Ano ang dapat gawin sa mga propagandang narinig o mabasa? Dapat bang suriin muna ang
mga anunsiyo bago paniwalaan?
        D.         Paglalapat
Sa iyong sariling palagay, anu-ano ang mga basihan para sa iyo upang malaman na ang mga
anunsiyo ay dapat paniwalaan? Kailangan bang maganda ang pagkakasulat nito o di kaya'y
pagkakagawa.
IV.        Pagtataya
        Basahin at suriin ang mga sumusunod na anunsiyo, Lagyan ng tsek () ang dapat paniwalaan at (X)
ang hindi.
______  1.         Sabong X, hindi na kailangang kusutin ang labada, ibadbad lang kusang nawawala
kahit na ang pinakamakapit na mantsa.
______  2.         “Trabaho agad, pasahod P 10,000 pataas, hindi kailangan ang karanasan sa trbaho.
Magamadali at pumunta sa 3rd floor Hidalgo Bldg., San Rafael St., Balit Metro Manila".
______  3.         “Para sa nagsasakitang buto uminom lamang ng Alaxan, mura na mapagkakatiwalaan
pa".
        
V.        Takdang-Aralin
Isulat ang anusiyo sa telebisyon, radyo at mga babasahin na nakapukaw sa iyong pans in at
inaakala mong nagsasabi ng ka totoohanan.         
CHARACTER EDUCATION IV
Date:  _________________
I.          Layunin:
Naiwawaksi ang wala ng kabuluhan/di-karapat-dapat na impormasyon upang makapagpasiya ng tama.
II.        Paksang Aralin
        Katotohanan Tungkol sa Anunsiyo
                B.P.        :        Katotohanan
                K.P.        :        Mapanuring Pag-iisip
                I. B.        :        Nakapagpapakita ng paggalang sa mga ebidensiya sa pagbuo ng pasiya ELC, p.
9
                Kagamitan:        Iba’t-ibang babasahin na may anunsiyo
III.        Pamamaraan:
        A.  Panimulang Gawain
                        1.        Balik-aral
                                        Dapat bang paniwalaan ang bawat anunsiyong mabasa, narinig o napanood?
                        2.        Pagganyak
Muling ipakita ang mga babasahing may mga anunsiyo tungkol sa iba’t ibang bagay.
Kaya mo bang iwasto ang bawat impormasyong nakasulat?

2. Panlinang na Gawain

1.        Ang bawat anunsiyong ating napapanood, nababasa at naririnig ay pawang eksaherado. Ito
ay upang mapaganda at maging kaakit-akit sa mga namimili ang kanilang produktong
inilulunsad. Kadalasan isa lamang ang nagiging reaksiyon ng mga mamimili ang maging bigo
sa kanilang nabili. Pero, ano nga ba ang dapat gawin upang hindi na muling malinlang ng
mga eksaheradong anunsiyo?
2.        Ilahad ang kuwento. 
                Si Aling Lita ay isa sa mga namimiling laging naluluko ng mga eksaheradong
anunsiyo. Naging aral ito sa kanya, sa ngayon isa siya sa mga taong nakapagpapasiya ng tam.
Bago siya naniwala sa isang anunsiyo iwinawaksi muna niya ang mga dikarapat-dapat na
impormasyon at titimbangin kung alin sa mga inaanunsiyo ang karapat-dapat para sa kanyang
pamilya. Sa ganitong paraan nasisiguro niya ang kalusugan gayundin ang halagang kanyang
gugulin ay sa makabuluhang bagay mapunta.
3.        Pagtalakay 
a.        Ilarawan si Aling Lita noon at ngayon.
b.        Ano ang ginagawa niya sa mga anunsiyo upang makapagpasiya ngtama?
c.        Paano siya nakasisiguro sa kalusugan gayundin sa halagang ginugol sa bawat
produktong nabili?
        C.        Paglalahat
        Ano ang dapat gawin sa anunsiyo upang makapagpasiya ng tama?
        D.         Paglalapat
Hatiin ang klase sa apat. Anyayahan ang bawat pangkat na ipakita ang kanilang paboritong
anunsiyo sa radyo at telebisyon. Magtala ng mga batang magwawaksi sa mga di-karapat-dapat na
impormasyon upang ito ay maging kapaki-paniwala.
IV.        Pagtataya
Isulat ang anunsiyo/patalastas na nakapukaw sa inyong pansin at iwaksi ang mga di-karapatdapat
na impormasyon.
V.        Takdang-Aralin
Bukod sa pag-aalis ng mga di-karapat-dapat na impormasyon, ano pa ang dapat tandaan bago
bilhin ang isang produkto halimbawa kape, gamot atbp.?
CHARACTER EDUCATION IV
Date:  _________________
I.          Layunin:
Nakapagbibigay ng matalinong pasiya tungkol sa mabuti at di-mabuting propaganda/anunsiyo at
nakabubuo ng hatol at konklusyon matapos matimbang ang mga pangyayari.
II.        Paksang Aralin
        Katotohanan Tungkol sa Anunsiyo
                B.P.        :        Katotohanan
                K.P.        :        Mapanuring Pag-iisip
                I. B.        :        Nakapagpapakita ng paggalang sa mga ebidensiya sa pagbuo ng pasiya ELC, p.
9
                Kagamitan:        Iba’t-ibang babasahin na may anunsiyo
III.        Pamamaraan:
        A.  Panimulang Gawain
                        1.        Balik-aral
                                        Ano ang dapat mong gawin upang makapagpasiya ng tama tungkol sa mga
anunsiyo?
                        2.        Pagganyak
Kailangan mo ng trabaho, sa anong bahagi ng babasahin ang dapat mong basahin? Anu-
anong anunsiyo ang ating matatagpuan sa mga babasahing ito?

3. Panlinang na Gawain

1.        Sadyang mahirap ang trabaho sa panahon ngayon, pero anu-ano ba ang dapat ikonsidera
kung gusto mong makakita ng trabaho?
2.        Ilahad ang kuwento. 
        Si Mang Mario ay isang butihing mangagawa subalit sa kasamaang palad nagsara ang kumpanyang
kanyang pinapasukan bilang company driver. Hirap na hirap ang kanyang loob dahil dalawa
ang kanyang anak na nag-aaral. Nang umagang yaon nasumpungan niya ang bumili ng
babasahin at natuon ang kanyang pansin sa seksiyon tungkol sa mga trabaho. Napukaw ang
kanyang pansin sa dalawang ahensiya ang una ay maghahanap ng drayber sa abroad at ang
pangalawa naman ay drayber lamang ng isang pamilya. Dahil sa nakasaad din ang suweldong
makakamit nainggaya siya sa trabaho sa abroad hanggang sa dumilim ay hindi niya binitiwan
ang hawak na babasahin. Napagtuunan niya ang ibabang bahagi ng nakalagay “MAG-INGAT
SA ILLEGAL RECRUITER", muli niyang binalikan ang anunsiyo at napagtanto niya na
walang nakalagay kung ito ay nakarehistro sa POEA, ito ang dahilan upang mabuo ang
kanyang pasiya na dito na larnang mag-apply.
3.        Pagtalakay 
a.        Ilarawan si Mang Mario
b.        Ano ang pinaghihirap ng kanyang loob?
c.        Paano niya tinimbang ang natagpuang mga anunsiyo tungkol sa trabaho?
d.        Tama ba ang kanyang ginawa? Ano ang nabuong pasiya sa kanya?
        C.        Paglalahat
        Ano ang dapat gawin sa mga anunsiyong nakikita, naririnig at napapanood?
        D.         Paglalapat
Ipaghalimbawa ang mga uri ng gatas na halos nag-aaway-away sa pagandahan ng mga
propaganda, ano ang dapat gawin upang makapagpasiya ng tama? Anu-ano ang mga bagay na
dapat ikonsidera upang makaligtas sa mga mapanlinlang na anunsiyo?
IV.        Pagtataya
Magbigay ng matalinong pasiya tungkol sa kung ano ang dapat na tangkiliking gamit sa paaralan
gaya halimbawa ng uri ng ballpen, bag, papel at krayola. Ibigay ang iyong dahilan kung bakit.
V.        Takdang-Aralin
        Ihanda ang sarili upang ipakita ang sariling propagandang napanood sa t.v.
CHARACTER EDUCATION IV
Date:  _________________
I.          Layunin:
Pinipili ang totoo sa mga anunsiyo/propagandang matatagpuan sa tatak ng pagkain de-lata, gamot
atbp.
II.        Paksang Aralin
        Katotohanan Tungkol sa Anunsiyo
                B.P.        :        Katotohanan
                K.P.        :        Mapanuring Pag-iisip
                I. B.        :        Nakapagpapakita ng paggalang sa mga ebidensiya sa pagbuo ng pasiya ELC, p.
9
                Kagamitan:        Mga balot/balat ng mga gamot at iba’t ibang klaseng de-lata
III.        Pamamaraan:
        A.  Panimulang Gawain
                        1.        Balik-aral
                                        Natitimbang mo ba ang karapat-dapat na produkto para sa iyo?
                Napipili mo ba sa iyong sarili ang maganda at di-magandang propaganda?
                        2.        Pagganyak
        Ibigay natin ang mga jingles at pahayag sa bawat produktong aking ipakikita.
        (555 sardinas)
B.   Panlinang na Gawain
1.        Kaya mo bang piliin kung ano ang totoo sa mga pahayag sa anunsiyong inyong
ipinakikita?
2.        Ilahad ang kuwento. 
Panahon ng "La Nina" nagkagulo ang mga tao sa palangkas, ayon sa balita kailangan
magtabi ng mga pagkaing de-lata. Gulunggulo ang isip ni Aling Marta dahil sa hindi niya
alam kung anong pagkaing de-lata ang dapat niyang bilhin. Pinagtuunan niya ng pansin ang
iba't-ibang anunsiyong nauukol dito at maging sa mga ito. Sa gayong paraan masisisguro niya
ang kaligtasan ng kaniyang pamilya.
3.        Pagtalakay 
a.         Ano ang panahon ng "La Nina”
b.         Bakit kailangan mag-impok ng mga pagkaing de-lata gayundin ng mga pangunahing
gamot?
c.        Sa iyong palagay, bakit gulung-gulo ang isip ni Aling Marta?
d.        Ano ang ginawa niyang paraan upang masiguro ang kaligtasan ng kaniyang pamilya?
        C.        Paglalahat
Paano mo pipiliin ang mga totoo sa mga pahayag at matatagpuan sa mga tatak ng mga
pagkaing de-lata gayundin sa gamot?
IV.        Pagtataya
Oral Evaluation
Ipakita ang iba't-ibang balot ng mga gamot at iba't-ibang pagkaing de-lata. Tingnan kung ang
bawat isa ay mapipili ang totoo sa mga pahatag na matatagpuan dito.
V.        Takdang-Aralin
Itala ang ilan sa mga kilala mong tao na naglulunsad ng iba't-ibang produkto. Bakit kaya
kumukuha sila ng mga sikat o kilala?
CHARACTER EDUCATION IV
Date:  _________________
I.          Layunin:
Hindi naniniwala kaagad sa mga patotoo ng mg kilalang tao tungkol sa ilang mga produkto.
II.        Paksang Aralin
        Katotohanan Tungkol sa Anunsiyo
                B.P.        :        Katotohanan
                K.P.        :        Mapanuring Pag-iisip
                I. B.        :        Nakapagpapakita ng paggalang sa mga ebidensiya sa pagbuo ng pasiya ELC, p.
9
                Kagamitan:        Mga balot ng mga kilalang produkto kung saan ang gumaganap sa mga
anunsiyo at propaganda ay pawing mga kilalang tao.
III.        Pamamaraan:
        A.  Panimulang Gawain
                        1.        Balik-aral
Ano ang totoo sa mga nabibili nating pagkaing de-lata? Kaya mo bang alisin ang mga
walang kabuluhang impormasyon tungkol sa kanilang mga anunsiyo?
                        2.        Pagganyak
Sino ang inyong mga paboritong artista na gumaganap sa mga propaganda ng iba't-ibang
produkto?

4. Panlinang na Gawain

1.        Magkaroon ng isang simpleng laro. Bigkasin ang jingles o di kaya naman ay ang kilalang
taong naglunsad ng ipinakikitang produkto.
2.        Ilahad ang kuwento. 
                Si Ana ay babaeng may mahabang buhok madulas at kaaya-aya ang mga ito. Kalamansi
at gugo ang kanyang ginagamit upang mapanatili ang ganda nito. Siya ay may hinahangaang
sikat na artista ito ay walang iba kundi si Mara. Ginagaya niya ang anumang mayroon ito.
Dahil siya rin ang naglulunsad ng shampoong “Palmolive", binago ang dating gingamit at
lumipat sa gamit ni Mara sa pag-aakalang totohanan lahat ang nasa anunsiyo. Hindi naglipat
linggo, napansin si Ana ang paglulugas at pamumula ng kanyang dating magandang buhok.
Isang aral ang kanyang natutuhan mula noon ang huwag agad-agad maniniwala sa mga
patotoo ng mga kilalang tao pero dapat munang suriin kung ang kanilang inilulunsad ay
totoo.
3.        Pagtalakay 
a.        Ilarawan si Ana.
b.        Sino ang kanyang hinahangaang artista?
c.        Ano ang nangyari sa kanyang buhok matapos gamitin ang produktong inilunsad nito?
d.         Ano ang aral na kanyang natutunan matapos gamitin ang produktong ito?
        C.        Paglalahat
        Dapat bang paniwalaan kaagad ang mga patotoo ng mga kilalang tao?
        D.         Paglalapat
        Gayundin ninyo ang tao o artistang naglulunsad ng inyong ginagamit na produkto.
IV.        Pagtataya
Lagyan ng tama o mali ang mga sumusunod na kalagayan:
______ 1. Gagayahin ang iyong paboritong artista sa paggamit ng produktong kanyang inilulunsad.
______ 2. Suriing mabuti kung ang sinasabi ng siyang kilalang tao ay pawang katotohanan.
______ 3. Humahanga ngunit pinag-aaralang mabuti ang mga sinasabi ng kilalang tao
V.        Takdang-Aralin
        Itala ang ilang kilalang tao na naglulunsad ng iba’t ibang produkto.
CHARACTER EDUCATION IV
Date:  _________________
I.          Layunin:
Napatotohanan sa sarili ang katumpakan ng naririnig o nabasang anunsiyo.
II.        Paksang Aralin
        Katotohanan Tungkol sa Anunsiyo
                B.P.        :        Katotohanan
                K.P.        :        Mapanuring Pag-iisip
                I. B.        :        Nakapagpapakita ng paggalang sa mga ebidensiya sa pagbuo ng pasiya ELC, p.
9
III.        Pamamaraan:
        A.  Panimulang Gawain
                        1.        Balik-aral
                                        Dapat bang paniwalaan ang mga anunsiyong iyong narinig at napapanood?
Sumusubok ka ba ng iba't-ibang klaseng produkto upang malaman ang pinakatumpak o
pinakamagaling na produkto?
                        2.        Ilahad ang kuwento
Si Myrna ay isang bagong ina, isinalang niya ang kaunaunahang bunga ng kanilang
pagamamahalan ni Carlo. Gusto niyang malaman ang pinakamagandang gatas para sa
kanyang anak. Una niyang binibili ang pinakamahal at ang may pinakamagandang
propaganda sa telebisyon. Ngunit napansin niya ang mahinang paglaki ng kanyang anak.
Mali bumili siya ng ibang klaseng gatas, mahal din at may magandang propaganda, ngunit
nagtae naman ang sangol. Naguguluhan na siya sa pagkakataong ito, hanggang marinig niya
ang sanggol ay libre sa pagtatae. Sinubukan niya ito at napatunayan niyang tama ang
isinasaad ng anunsiyo.
3.        Pagtalakay 
a.        Ilarawan si Myrna.
b.        Ano ang kaniyang basihan sa pagbili ng gatas?
c.        Napatotohanan ba niya sa sarili ang katumpakan ng narinig na anunsiyo?
d.        Ano ang kanyang sariling paraan upang mapatunayan sa sarili ang katumpakan ng
anunsiyo?
        C.        Paglalahat
        Paano mo mapapatotohanan sa iyong sarili ang katumpakan ng iyong naririnig tungkol sa anunsiyo?
        D.         Paglalapat
Pangkatin ang klase sa apat. Anyayahan ang bawat pangkat na magpakitang gawa ukol kung
paano nila mapatotohanan sa kanilang sarili ang naririnig o nabasang anunsiyo.
IV.        Pagtataya
        Pansariling Pagsusulit (Individual Testing)
                Suriin ang bawat isa kung kaya nilang patotothanan ang katumpakan ng nannrug o nabasang
anunsiyo. Magbigay o ibigay ang mga anunsiyong nakahanda.
V.        Takdang-Aralin
        Ano ang tawag ninyo sa mga anunsiyo inyong nakikita sa telebisyon?
CHARACTER EDUCATION IV
Date:  _________________
I.          Layunin:
Naisagawa nang maayos ang mga gawain na hindi gaanong nangangailangan ng tulong ng iba
II.        Paksang Aralin
        Pagtitiwala sa Sarili
                B.P.        :        Pagmamahal
                K.P.        :        Positibong pagkilala sa Sarili
                ELC.        :        EKAWP p. 11
                Kagamitan:        larawan ng batang lalaki na gumagawa ng project
III.        Pamamaraan:
        A.  Panimulang Gawain
1.        Ipaawit ang “Sundan-sundan mo ako"
2.        Balik-aral         :  Ano ang iyong "Hobby"?
3.        Pagganyak :   Ipakita ang larawan ng batang lalaki na gumagawa ng project ang bata sa
brawan?
B.        Panlinang na Gawain
1.        Ilahad ang sitwasyon sa ibaba at ipabasa nag tahimik.
May mahirap na project si John Fitzgerald sa HELE. Itinuro naman ng guro niya ang
paraan ng pagsasagawa nito. Kaya't nahihirapan man, siya'y matiyaga siyang naglagare ng
plywood na kailangan sa project. Tinanong siya ng Kuya niya kung kailangan niya ng tulong.
Maglang niya itong tinanggihan at pinagtiyagahan niyang tapusin ang project niya.
2.        Pagtalakay: 
a.        Tama ba ang ginawa ni John Fitzgerald? Bakit?
b.        Natuto kaya siya kung ang Kuya niya ang pinagawa niya?
c.        Kayo, kaya nyo rin bang gumawa ng isang bagay na hindi gaanong nangangailangan
ng tulong ng iba?
3.        Pangkatin ang mga bata at hayaang magtala ng mga gawaing magagawa ng magiisa o
hindi gaanong mangangailangan ng tulong ng iba.
        Halimbawa:  Pagdidilig ng halaman,
                          Paghuhugas ng pinggan, etc.
        C.        Paglalahat
        Anong katangian ang ipinakikita sa kwentong ating tinalakay? Anong kasabihan sa English
ang akma rito?
        Buuin ito : “IF OTHERS CAN, WHY CAN'T I ."
        D.         Paglalapat
Isasalaysay ang sariling karanasan na nagpapakita ng kagaya o katulad ng ugali ni John
Fitzgerald.         
IV.        Pagtataya
        Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa inyong sagutang papel.
1.         May proyekto ka sa Sining na may kahirapang gawin ngunit makakaya mo rin kung iyong
pipilitin o pagsisikapan. Ano ang iyong gagawin?
a.        Ipagawa sa iyong Tatay
b.        Gagawa ng paraan upang matapos ita nang hindi humihingi ng tulong ng iba
c.        Ipagagawa sa inyong kapitbahay
        d.        Bibili na lamang sa palengke
2.         Ano ang dapat mong gawin kung may iniatang sa iyong gawain?
        a.        Hingin ang tulong ng mga kapatid
        b.        Tatangihan ang nag-uutos
        c.        Gagawin ito ng may pagmamalaki at pagtitiyaga
d.        Tatanggapinang ipinagagawa at saka asasauli kapag malapit na ang ibinigay na pagulit 0
petsa
3.         Dapat bang pal aging umasa sa tulong ng iba lalo't kaya mo rin lamang ang isang gawain?
        a.        Siyempre                         c.  Oo
        b.        Hindi                        d.  Palagi
V.        Takdang-Aralin
Magbigay ng kawikaan o salawikain sa wikang Filipino na may kaugnayan sa pagsasagawa ng
isang Gawain na indi gaaanong nangangailangan ng tulong ng iba.
 
CHARACTER EDUCATION IV
Date:  _________________
I.          Layunin:
Naisagawa nang malaya sa sariling kapakanan ang gawain.
II.        Paksang Aralin
        Pagtitiwala sa Sarili
                B.P.        :        Pagmamahal
                K.P.        :        Positibong pagkilala sa Sarili
                ELC.        :        EKAWP p. 11
                Kagamitan:        larawan ng batang lalaki na gumagawa ng project
III.        Pamamaraan:
        A.  Panimulang Gawain
1.        Ipaawit “Kung Ikaw ay Masaya"
2.        Balik-aral         :  Anu-anong tulong na ang inyong nagawa sa inyong kapwa?
                   Ano ang iyong naramdaman noong ikaw ay nakatulong?
                       Bakit mo ito ginawa?
3.        Pagganyak :   Ano ang kahulugan ng salitang MALAY A? May ipababasa akong isang
maikling kuwento, anong kalayaan ang ginawa ng tauhan sa kuwento?

You might also like