You are on page 1of 46

ESP 2 WEEK 6 Q1

Pangangalaga sa
Kalusugan
Lunes
Ano anong paraan ang maaring
gawin para mapanatiling
malusog at matibay ang ating
katawan?
Pagyamanin
Mahalagang malaman ang mga hakbang
na magpapanatili ng kalinisan ng katawan
upang ang ating katawan ay maging
malakas, masigla at malayo sa anumang
karamdaman.
May iba’t ibang paraan upang mapanatili
ang kalinisan ng katawan:
1.Paliligo araw-araw - mapapanatili nito
ang kalinisan ng iyong katawan.
Gayundin, mailalayo ka nito sa iba’t-
ibang uri ng mga sakit.
2. Pagsisipilyo - tuwing pagkatapos
kumain ay mapapanatili ang malinis at
matitibay mong mga ngipin.
3. Paggupit ng iyong mga kuko -
makaiiwas ka na pamahayan ito ng mga
mikrobyo mula sa mga bagay na iyong
hinahawakan.
4. Paglilinis ng iyong tainga–
mapapanatiling, malinis, mabango at
malinaw ang iyong pandinig.
Pagsasanay

Panuto: Tukuyin ang bahagi ng


katawan na malilinis ng bawat
kagamitan. Ilagay ang titik ng iyong
sagot sa sagutang papel.
A

1.Sipilyo
2.Sabon B

3.Manipis na tela o tuwalya C

4.Nail cutter D

5.Suklay E
Tandaan
-Magagampanan mo ang iyong mga
tungkulin sa paaralan,tahanan at
pamayanan kung ikaw ay
malinis,malusog at maingat sa katawan.
Isakilos mo ang mga paraan ng
pagpapanatili ng kalinisan,kalusugan at
pag-iingat sa iyong katawan.
Pagtataya

Isulat ang tamang salita sa patlang ayon


sa larawang nakaguhit.

1.Kumain ng sariwang
_______ at ______ araw-
araw.
2.Uminom ng ______ at
kumain ng ______ araw-
araw.

3.Magsipilyo ng _______
pagkatapos kumain.
4. _____araw-araw upang
maging malinis ang katawan.

5.Maghugas ng ______
palagi.
Martes
Balik-Aral:

Alin sa mga larawan


ang nagpapakita ng
pangangalaga sa
katawan?
Balik-aral

1.____ 2.____ 3.____


Balik-aral

4.____ 5.____
Pagyamanin:

Mga Kagamitan sa Paglilinis ng


Katawan:
1. Sabon – ginagamit sa paglilinis
ng katawan.
2. Sipilyo – ginagamit sa paglilinis
ng ngipin.
3. Suklay – ginagamit upang
maayos ang gusot ng buhok.
4. Nail cutter – ginagamit sa
paggupit ng mahahaba at
maruruming kuko.
5. Manipis, malinis at basang tela –
ginagamit sa paglilinis ngpanlabas
na bahagi ng mga tainga.
Pangkatang
Gawain
Pangkat 1 at 3

Panuto: Kulayan ng dilaw


ang nagpapakita ng
pangangalaga sa kapaligiran
at nagpapalakas ng katawan.
Pangkat 1 at 3
Pangkat 2 at 4

Panuto: Iguhit ang masayang mukha kung


tama ang pahayag at malungkot na mukha
kung mali ito. Sagutin ito sa iyong
kuwaderno o sagutang papel.
__1. Ang bata na naliligo araw-araw ay
laging nagkakasakit.
__2. Ang sipilyo ay ginagamit upang maging
malinis ang ating mga ngipin.
Pangkat 2 at 4

__3. Si Ben ay naggugupit ng kuko


upang magkaroon ito ngmikrobyo.
__4. Ako ay gagamit ng sabon kapag
naliligo upang matanggal ang dumi sa
aking katawan.
__5. Si Jenny ay naglilinis ng tainga
upang maging malinaw ang kaniyang
pandinig.
Tandaan
-Magagampanan mo ang iyong mga
tungkulin sa paaralan,tahanan at pamayanan
kung ikaw ay malinis,malusog at maingat sa
katawan. Isakilos mo ang mga paraan ng
pagpapanatili ng kalinisan,kalusugan at pag-
iingat sa iyong katawan.
Pagtataya

Panuto: Lagyan ng tsek (/) ang


larawang nakatutulong sa
pagpapalakas at pagpapatibay ng
katawan at ekis (x) naman kung
hindi. Isulat ang iyong sagot sa
kuwaderno o sagutang papel.
Miyerkules
Bakit mahalaga sa isang
batang katulad mo ang
maging malusog ?
Gawin Natin

Panuto: Magbigay ng tatlong gawain na


nakatutulong sa pagpapalakas ng katawan
at tatlong gawain na nagpapanatiling
malinis ang kapaligiran.
1._______________ 1._____________
2._______________ 2._____________
3._______________ 3.______________
Pagsasanay
Panuto :Lagyan ng masayang
mukha kung ang larawan ay
nagpapakita ng pangagalaga
sa sariling katawan at
malungkot na mukha naman
kung hindi.
1.____ 2.____ 3.____
4.____ 5.____
Tandaan
-Magagampanan mo ang iyong mga
tungkulin sa paaralan,tahanan at pamayanan
kung ikaw ay malinis,malusog at maingat sa
katawan. Isakilos mo ang mga paraan ng
pagpapanatili ng kalinisan,kalusugan at pag-
iingat sa iyong katawan.
Pagtataya
Isulat ang tamang salita sa
patlang ayon sa larawang
nakaguhit.
1.Magsuot ng malinis na
______ at _______.
2.Mag-ehersisyo araw-araw upang
lumakas ang ating ________.

3.Masustansiya ang pagkain ng


________ at ____.
4.Maglinis ng ______at
kapaligiran para sa kalusugan.

5.Matulog ng maaga sa malinis na


________. Magpasalamat sa
Diyos sa maayos na pahinga.
Huwebes
Pagsasanay

Panuto: Basahin at tukuyin ang


gawi sa pagpapalakas ng katawan
at pagpapanatiling malinis sa
kapaligiran. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa iyong kuwaderno
o sagutang papel.
1. Nakakita si Lito ng balat ng kendi
sa daan. Ano ang dapat niyang
gawin?
A. Ipapupulot sa kaniyang kasama
B. Hahayaan ang balat ng kendi sa
daan
C. Pupulutin at itatapon sa tamang
basurahan
2. Ginising si Ana ng kaniyang ate
upang mag-ehersisyo. Ano ang dapat
niyang gawin?
A. Ipagpapatuloy ang pagtulog
B. Babangon sa higaan at mag-
eehersisyo
C. Sisigawan ang ate niya dahil sa
panggigising
3. Nakita mong maraming basurang
nakakalat sa inyong bakuran. Ano ang
iyong gagawin?
A. Wawalisin ang basurang nakakalat
B. Hindi papansinin ang basurang
nakita
C. Ilalagay ang basura sa tapat ng
kapitbahay
Tandaan
-Magagampanan mo ang iyong mga
tungkulin sa paaralan,tahanan at pamayanan
kung ikaw ay malinis,malusog at maingat sa
katawan. Isakilos mo ang mga paraan ng
pagpapanatili ng kalinisan,kalusugan at pag-
iingat sa iyong katawan.
Pagtataya
Lagyan ng tskel kung ito ay
nakakatulong sa pagiging malusog na
bata.
____1.pagpupuyat
____2.Pag-eehersisyo
____3.Paglaro sa kompyuter
____4.Pagkain ayon sa oras.
____5.Pagkakaroon ng sapat na tulog.
Biyernes
IKATLONG
SUMATIBONG
PAGSUSULIT
!!!

You might also like