You are on page 1of 6

HEALTH 3

IKALAWANG MARKAHAN

Pangalan ng Bata: ________________________ Baitang : _____


Seksyon: __________________________________ Petsa : _______

LEARNING ACTIVITY SHEET

Pagtalakay sa Kahalagahan ng Pansariling Kalinisan at


Pagpapalakas ng Resistensiya Upang Maiwasan ang Pagkakasakit

Panimula ( Susing Konsepto )

Ang kalinisang pansarili o personal hygiene ay ang gawain ng


pagiging malinis at pag-iwas sa sakit.

Ang malusog at malinis na pangangatawan ay nangangahulugan ng


pag-iwas sa karamdaman.

Mga Pamamaraan sa Maayos na Pangangalaga ng Katawan


Kasanayang Pampagkatuto o Kompetensi
Natatalakay ang kahalagahan ng pansariling kalinisan at
pagpapalakas ng resistensiya upang maiwasan ang pagkakasakit
(H3DD-IIh7)

Gawain 1:
Panuto : Isulat sa iyong sagutang papel kung paano nakatutulong sa
iyong kalinisan ang mga sumusunod na gamit sa paglilinis at pag-aayos
ng katawan.

1. 2. 3

sabon bimpo nail cutter

4. 5.

sepilyo suklay
Gawain 2

Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pangungusap. Isulat sa


iyong sagutang papel ang Oo kung ang pahayag ay tungkol sa kalinisan
at Hindi kung hindi tungkol sa kalinisan.

_________1. Naglilinis ng kaniyang paa si Edgar bago siya matulog.


_________2. Kinakagat ni Melissa ang kaniyang mga kuko sa kamay
kapag siya ay kinakabahan.
_________3. Si Luis ay nagsesepilyo ng ngipin pagkatapos kumain.
_________4. Naliligo si Jovita tuwing mainit lang ang panahon.
_________5. Araw-araw naliligo si Domingo .

Gawain 3
Panuto: Iguhit mo ang iyong sarili sa isang buong bond paper. Isulat sa
ibaba ng iyong iginuhit kung ano ang iyong mga ginagawa upang
manatiling malinis ang iyong katawan.
Mga Sanggunian:

Music Art Physical Education and Health Kagamitan ng Mag-aaral


pahina 459-462

Music Art Physical Education and Health


Teacher’s Guide page 399-401
https://www.google.com/search?q=ano+ang+ibig+sabihin+ng+proper+hygiene&sxsrf=ALeKk00Br05YB-
NJhElhMUtS9-jPbJhdxg:1597062336298&tbm=isch&source=iu&ictx=1&fir=JLpGENqQQgD7OM
%252CQajFwLKSS-B8GM%252C_&vet=1&usg=AI4_-
kTTybe1Hmjcm_YaJXbuLOVbfcDt6Q&sa=X&ved=2ahUKEwiLxPTp0JDrAhWRyYsBHbOkCpYQ9QEwAXoEC
AkQBQ&biw=1350&bih=575#imgrc=bot9KyOq5NrV0M

Susi sa Pagwawasto

Gawain 1
1. Ang sepilyo ay gianagamit sa paglilinis ng ngipin pagkatapos
kumain.
2. Ang sabon ay ginagamit sa paghuhugas ng ating mga kamay.
3. Ang bimpo ay ginamit na panghilod, pangkuskos , pang punas sa
ating katawan
4. Ang suklay ang ginagamit sa pag- aayos ng buhok.
5. Ang nail cutter ay ginagamit na panggupit ng mga mahabang kuko.
Gawain 2
1. Oo
2. Hindi
3. Oo
4. Hindi
5. Oo

Gawain 3
Ang sagot ay depende sa ginawa o nais ng bata

Inihanda ni:

RAQUEL R. ALAORIA
Guro III, KES

Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. Please include


this in All Learning Activity Sheets.

You might also like