You are on page 1of 6

ARTS 3

UNANG MARKAHAN
Pangalan ng Bata: ________________ Baitang: _____
Seksyon: ________________________Petsa: ______
LEARNING ACIVITY SHEET
Paglikha ng Disenyong Geometric sa Pamamagitan ng
Paggamit ng Dalawang Uri ng Linya Ayon sa Katangian ng
mga Ito.

Panimula (Susing Konsepto)


Nagagawa ng isang pintor na maging kaakit-akit at
makabuluhan ang kaniyang likhang sining gamit ang iba’t ibang
uri ng linya.
Ang linya ay nabubuo mula sa dalawang tuldok na
pinagkabit o pinag-ugnay.
Ang mga disenyong geometric ay mula sa simpleng
hugis na parihaba, tatsulok, bilog at tuwid na linya.

Mga Halimbawa ng Geometric Design

Mga Halimbawa ng Geometric Design


Kasanayang Pampagkatuto o Kompetensi
Nakalilikha ng disenyong geometric sa pamamagitan ng
paggamit ng dalawang uri ng linya ayon sa katangian ng mga
ito. (A3PR-I)

Gawain 1
Panuto: Sundin ang mga nakasaad na pamamaraan sa ibaba.
Mga Kagamitan: oslo paper o bond paper, lapis, krayola,
pastel color, ruler
Pamamaraan:
1. Ihanda ang mga gamit na kailangan para sa gawaing ito.
2. Umisip ng disenyo na maaring gawing pambalot ng regalo.
3. Pagsama-samahin ang iba’t-ibang uri ng mga linya para sa
iyong desenyo.
4. Kulayan ang iyong ginawa para itoý maging kaakit-akit.
5. Sikaping maging malinis at maayos ang iyong likhang
sining.

Gawain 2
Panuto: Sundin ang mga nakasaad na pamamaraan sa ibaba.
Mga Kagamitan: papel na may kulay, glue, pambalot ng
regalo, glitters, pangkulay, mga pananda

Pamamaraan:
1. Gumupit ng isang papel na may kulay na may sukat na
9.5x15 pulgada.
2. Pagdikitin ang dalawang dulong bahagi. (Humingi ng tulong
sa magulang o guardian kung kinakailangan)
3. Siguraduhing madikitan o malagyan ng glue ang gilid
pababa.
4. Itupi ang ilalim na bahagi ng papel na may sukat na 2
pulgada at muling itupi ng patatsulok.
5. Itupi muli ang dalawang gilid paloob upang lumikha ng
isang akordiyon.
6. Dikitan ang ilalim na bahagi ng bag upang tumayo ito.
7. Gawin ang magkabilang hawakan.
8. Idikit ang ginawang pambalot ng regalo sa papel na bag.
9. Ayusin ang paggamit ng glue upang hindi masayang.
10. Lagyan ng dekorasyon ang bag na papel gamit ang glitters,
pangkulay at iba pang pananda.
Rubriks ng Pagmamarka
Gamitin ang talahanayan sa ibaba upang malaman ang
kakayahan mo sa paglikha ng paper bag. Lagyan ng tsek (√ )
ang angkop na kahon. Gawin ito sa iyong sagutang papel
Iskor
Pamantayan
Kitang Kita Hind
-KIta i Kita
5 3 1

1. Ang aking likhang sining ay kakaiba


at malikhain
2. Ang mga uri ng linya at katangian
nito ay nagamit ko sa aking ginawa.
3. Ang disenyog geometric ay ginamit
ko rin sa aking asining.
4. Natapos ko ang aking ginawa sa
tamang oras

Gawain 3
Panuto: Pumili ng isa sa mga halimbawa ng geometric na
natalakay. Gayahin sa isang buong bond paper ang geometric
na iyong napili.

Mga Sanggunian:
Music Atrs Physical Eduction and Health (MAPEH) 3
Kagamitan ng Mag-aaral pahina 112-115
Music Atrs Physical Eduction and Health (MAPEH) 3
Teacher’s Guide page 128-130

Susi sa Pagwawasto

Gawain 1
Ang sagot ay depende sa ginawa o nais ng bata
Mamarkahan ng bata ang kaniyang sarili gamit ang rubrics
Gawain 2
Ang sagot ay depende sa ginawa o nais ng bata
Mamarkahan ng bata ang kaniyang sarili gamit ang rubrics
Gawain 3
Ang sagot ay depende sa ginawa o nais ng bata

Inihanda ni:

RAQUEL R. ALAORIA
Guro III

Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. Please


include this in All Learning Activity Sheets.

You might also like