You are on page 1of 8

HEALTH 3

IKALAWANG MARKAHAN

Pangalan ng Bata: ________________ Baitang: ___________


Seksyon: ___________________________ Petsa: ______________

LEARNING ACTIVITY SHEET

Pagtalakay sa mga Panganib na Sanhi ng mga Sakit

Panimula (Susing Konsepto)

Ang karamdaman ay maaaring namamana, nakukuha sa uri ng


pamumuhay at sa kapaligiran.

Ang pagkakaroon ng karamdaman ay maaaring namana sa iyong


mga magulang , nagmula sa uri ng pamumuhay at mga nakasanayan.
Ang kapaligiran at ang lahat ng nasa paligid at ang mga bagay dito.

Isang halimbawa ay ang batang ito na nanonood ng telebisyon


habang kumakain ng mga sitsirya o mga junkfoods. Ang pagkain ng
junkfood ay masama sa kalusugan. At ang panonood nang sobrang
lapit sa telebisyon ay maaring magdulot ng panlalabo ng mga mata.
Ang ganitong uri ng pamumuhay ay maaring maging sanhi ng
malalang sakit.
Ang tatay sa larawan ng pamilyang ito ay umiinom ng alak at
naninigarilyo habang kaharap ang kaniyang asawa at mga anak. Ang
ganitong uri ng pamumuhay ay maaring maging sanhi ng malalang
sakit.

Nalalanghap ng mag-anak ang usok ng sigarilyo at ito ay maaring


maging sanhi ng pagkakaroon ng sakit sa baga . Hindi lamang ang
tatay ang magkakaroon ng sakit sa baga kundi pati na rin ang
kaniyang asawa at anak dahil sa second hand smoke o usok na
nalanghap mula sa taong naninigarilyo. Kaya naman kung
magkaroon man ng sakit sa baga ang isa sa miyembro
ng pamilya ay dahil na rin sa bisyo ng ama na naninigarilyo at
umiinom din ng alak.

Malaki rin ang epektong dulot ng kapaligiran o mundong


ginagalawan sa pagkakaroon ng sakit ng isang tao. Halimbawa ay ang
pagkain ng di siguradong malinis na pagkain sa mga nagtitinda sa
kalsada , ang pag-inom ng di malinis o kontaminadong tubig ay
maaring magdulot ng pagtatae. Ang polusyon sa kapaligiran ay
maaring maging sanhi ng pagkakaroon ng hika, sipon at malalang
ubo.
Ang maruming kapaligiran gaya ng polusyon ay maaari ring
sanhi ng malalang sakit na makuha ng isang bata o matanda man.
Kahit malinis ang loob ng inyong bahay kung sa iyong paglabas ay
makasasagap ka ng usok mula sa mga sasakyan at makalalanghap ng
mabahong kapaligiran ay maari ka pa ring magkaroon ng sakit ng di
inaasahan.

Ang isa pa sa mga dahilan ng pagkakasakit ng isang tao ay ang


sakit na namamana sa mga magulang gaya ng diabetes, heart attack at
kanser. Upang maagapan ang pagkakasakit mahalaga ang maagap na
pagpapatingin sa doktor.

Kasanayang Pampagkatuto o Kompetensi


Natatalakay ang mga panganib na sanhi ng mga sakit at halimbawa
ng kondisyon sa kalusugan sa ilalim ng bawat sanhi .
(H3DD-IIbcd-2,H3DD-IIbcd-3,H3DD-IIbcd-4,H3DD-IIbcd-5)

Gawain 1
Panuto: Alamin ang mga dahilan kung bakit nagkakasakit. Isulat sa
iyong sagutang papel ang N kung namana, U kung dahil sa uri ng
pamumuhay at K kung dahil sa kapaligiran.
_______1. Si Mang Kiko ay nagkaroon ng sakit sa baga dahil siya ay
naninigarilyo.
_______2. Ang pamilya ni Rowena ay lahi ng may sakit sa puso.
_______ 3. Si Carlo ay nagkaroon ng sakit na diabetes dahil sa
sobrang hilig niya sa mga pagkaing matatamis.
________4. Nagkaroon ng epidemya ng malaria sa evacuation center
.
________5. Nagkaroon si Luisa ng dengue matapos maglaro ng
tagu-taguan sa likd bahay ng kanilang mga lolo.

Gawain 2
Panuto: Isulat sa iyong sagutang papel ang T kung tama ang
isinasaad ng pangungusap at M naman ang isulat kung mali.
________1. Ang kumpletong bakuna ay mahalaga upang
maiwasan ang karaniwang sakit.
________2. Hindi na maaaring magkaroon ang mga
matatanda ng karaniwang sakit sapagkat sa mga bata
lamang ito nangyayari.
________3. Ang lagnat at sipon ay karaniwang sintomas ng
sakit.
________4. Ang paghuhugas ng kamay ang isa sa mga
paraan upang makaiwas sa sakit
________5. Siguraduhin na malinis ang tubig at tama ang
pagkaing ating kinakain upang makaiwas sa sakit.

Gawain 3
Panuto: Iguhit sa isang buong bond paper ang iyong pamilya. Isulat
sa paligid ng iyong pamilya ang inyong mga gagawin upang
makaiwas sa pagkakasakit. Lagyan ito ng pamagat.

Mga Gagawin ng Aming Pamilya Upang


Hindi Kami Magkasakit

Mga Sanggunian

Music Art Physical Education and Health Kagamitan ng Mag-aaral


pahina 455-457
Music Art Physical Education and Health
Teacher’s Guide page 397-398

Susi sa Pagwawasto

Gawain 1 Gawain 2
1.U 1.T
2.N 2.M
3.U 3.T
4.K 4.T
5.K 5.T

Gawain 3
Ang sagot ay depende sa nais o ginawa ng bata
Inihanda ni:

RAQUEL R. ALAORIA
Guro III, KES

Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. Please


include this in All Learning Activity Sheets.

You might also like