You are on page 1of 27

3

Health
Ikalawang Markahan – Modyul 1:
Kalusugang Pansarili,
Pag-iwas sa mga Karamdaman
Health – Grade 3
Self-Learning Module (SLM)
Ikalawang Markahan – Modyul 1: Kalusugang Pansarili, Pag-iwas sa mga
Karamdaman
Aralin 1 – Mga Karaniwang Sakit ng mga Bata
Aralin 2 – Mga Dahilan na Pinagmumulan ng mga Peligrong Sakit
Aralin 3 – Mga Karamdamang Namamana, Nakukuha sa
Uri ng Pamumuhay at Kapaligiran
Aralin 4 – Epekto ng mga Karaniwang Sakit
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.

Development Team of the Module


Writers: Aralin 1 - Christine A. Salvalosa
Aralin 2 - Marilou V. Dolorfino
Aralin 3 - Neptali P. Mayuga
Aralin 4 - May C. Pamunag
Editors: Content- Gladys P. Viola, Rona N. Tacot
Language- Agnes G. Muyco, Ma. Elva P. Belgira
Reviewers: Rona N. Tacot, Agnes G. Myco, Ma. Elva P. Belgira
Layout Artist: Name: Neptali P. Mayuga
Cover Art Designer: Arvel Garry L. Campollo
Management Team: Allan G. Farnazo, CESO IV – Regional Director
Fiel Y. Almendra, CESO V – Assistant Regional Director
Miguel P. Fillalan, JR., CESO VI Schools Division Superintendent
Diosdado F. Ablanido,CPA- Asst. Schools Division Superintendent
Gilbert B. Barrera – Chief, CLMD
Arturo D. Tingson Jr. – REPS, LRMDS
Peter Van C. Ang-ug – REPS, ADM
Magdeleno C. Duhilag – REPS, MAPEH
Arlene Rosa G. Arquiza, CID Chief
Ma. Dianne Joy R. dela Fuente-OIC LRMS In-Charge
Jesus V. De Gracia- Division ADM Coordinator
Rona N. Tacot, EPS – MAPEH
Printed in the Philippines by Department of Education – SOCCSKSARGEN Region

Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal


Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: region12@deped.gov.ph
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda
para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan.
Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang
maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa
Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong
o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang
gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-
kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang
nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang
aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong
mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa
bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang
natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o
mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan
namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM


na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag
susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul.
Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa


kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-
unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga


tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral
kahit wala sila sa paaralan.
Alamin
Ang modyul inna ito ay dinisenyo at isinulat para sa iyong
kaalaman. Ito ay tutulong sa iyo na maging bihasa sa araling
itinakda para sa Ikatlong Baitang - Kalusugang Pansarili, Pag-iwas
sa mga Karamdaman. Ang kabuuan ng modyul na ito ay
nagpapahintulot na gamitin sa iba’t ibang paraan ng pag-aaral.
Ang lengguahe ay kumikilala sa iba’t ibang antas ng bokabularyo
ng isang mag-aaral. Ang aralin ay inayos ayon sa pamantayan sa
pagtuturo. Ngunit, ang pamantayan na iyong binabasa ngayon
ay maaaring magbago para tumugma sa batayang aklat na
gagamitin ng isang mag-aaral.

Ang modyul na ito ay tungkol sa :

• Aralin 1 – Mga Karaniwang Sakit ng mga Bata


• Aralin 2 – Mga Dahilan na Pinagmumulan ng mga Peligrong
Sakit
• Aralin 3 – Mga karamdamang Namamana, Nakukuha sa Uri
ng Pamumuhay at Kapaligiran
• Aralin 4 – Epekto ng mga Karaniwang Sakit

Pagkatapos balangkasin ang modyul, inaasahan ang isang mag-


aaral na natutuhan ang:

• Natutukoy ang mga karaniwang sakit ng mga bata


( H3DD-IIbcd-1)
• Natatalakay ang ibat – ibang kadahilanan ng mga
Peleigrong sakit (H3DD-llbcd-2)
• Mga halimbawa ng mga karamdamang namamana,
nakukuha sa uri ng pamumuhay at kapaligiran
• Naipapaliwanag ang epekto ng mga karaniwang sakit

1
Subukin
Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod. Isulat ang titik ng
iyong tamang sagot.
1. Ito ay isang impeksyon sa baga kung saan ang baga ay
nagkakaroon ng malubhang pamamaga na dala ng virus,
bakterya, fungus at mga katulad na mikrobyo.
a. Beke
b. Trangkaso
c. Pulmonya
d. Sore eyes
2. Isang viral conjunctivitis na impeksyon na pamamaga sa mata
dahil sa virus. Ang sintomas nito ay ang pamumula ng isa o
parehong mata na may madilaw o maputi na lumalabas dito.
a. Sore eyes
b. Strep throat
c. Bulutong-tubig
d. Hand, foot and mouth disease
3. Ito ay sanhi ng mga bulate sa tiyan na nagdudulot ng
pagkawala ng gana sa pagkain at pamamaga ng tiyan.
a. Tigdas
b. Dengue fever
c. Bulutong tubig
d. Parasitic Intestinal Infestation
4. Ito ay karaniwang dulot ng iba’t ibang mga uri ng virus, allergy,
pagbabago-bago at pagiging malamig ng panahon.
a. Tigdas
b. Sore Eyes
c. Dengue fever
d. Karaniwang Sipon
5. Isang sakit sanhi ng bacteria na nagdudulot ng labis
na pagtatae, pagsusuka, at dehydration.
a. Beke
b. Cholera
c. Dengue fever
d. Bulutong tubig

2
Aralin
Mga Karaniwang Sakit ng
1 mga Bata
Layunin:
Natutukoy ang mga karaniwang sakit ng mga bata

Balikan
Panuto: Isulat ang sa patlang kung ang pangungusap ay
nagsasaad ng magandang gawain, at naman
kung hindi.
_______1. Kumain ng iba’t ibang klase ng masusustansiyang
pagkain araw-araw.
_______2. Magkaroon ng sapat na pahinga at tulog.
_______3. Lumapit sa taong naninigarilyo
_______4. Pabayaang nakatiwang-wang at walang takip ang
pagkain.
_______5. Magkaroon ng tamang diet at regular na ehersisyo.

Tuklasin

Alam mo ba na ang karamdaman ay abnormal na kondisyon


ng katawan na nakaaapekto sa normal na gawain ng ating
katawan at isip? May mga karamdaman na malimit maranasan ng
mga batang katulad mo.
Panuto: Pag-aralan ang mga larawan sa ibaba. Isulat sa sagutang
papel ang iyong mga napapansin sa bawat larawan.

A. B. C.

1.___________________________________________________________
2.___________________________________________________________
3.___________________________________________________________

3
Suriin
TANDAAN…
Ang sumusunod ay mga karaniwang sakit ng mga bata:
Trangkaso – ay isang nakahahawang sakit na karaniwang
nagdudulot ng matinding lagnat, pananakit
ng ulo at pamumuo ng madikit na plema sa lalamunan
Tigdas - nakahahawang sakit dulot ng virus na sumisira sa daanan
ng paghinga bago kumalat sa buong katawan,
nagkakaroon ng pamamantal o rashes sa buong katawan
Bulutong tubig- ay isang malubha at nakakahawang
Karamdaman. Ito ay mga butlig na parang may tubig sa
Loob na sumisibal nang sunud- sunod at pulu-pulo sa
iba't ibang bahagi ng katawan.
Pulmonya (pneumonia) - ay isang impeksyon sa baga kung saan
ang baga ay nagkakaroon ng malubhang pamamaga
na dala ng virus, bacteria, fungus at mga mikrobyo.
Beke – ito ay sakit na sanhi ng virus na nagdadala ng
kirot at implamasyon sa tagiliran ng panga
dahil sa pamamaga ng mga gladula ng laway.
Sore eyes-ay isang viral conjunctivitis na impeksyon na
pamamaga sa mata dahil sa virus. Ang sintomas nito ay
ang pamumula ng isa o parehong mata na may
madilaw o maputi na lumalabas dito.
Hand, foot and mouth disease - ay isang karaniwang sakit sa mga
bata na sanhi ng mga virus na nagsisimula sa maliliit na
pulang butlig sa loob ng bibig na nagiging singaw lumilitaw
ito sa dila gilagid, sa loob ng pisngi at sa paa at sa kamay.
Karaniwang Sipon- ito ay karaniwang dulot ng iba’t ibang mga uri
ng virus, allergy, pagbabago ng panahon at pagiging
malamig ng panahon.

Lagnat na dengue ( dengue fever) - na dala ng lamok at dulot ng


virus na dengue, may katangiang klinikal na biglaang pag-
taas ng lagnat, malubhang sakit ng ulo, pananakit sa likod
ng mga mata, pananakit ng kalamnan at kasu-kasuan,
kawalan ng ganang kumain, pagkaduwal at pantal.
Strep throat -uri ng impeksyon sa lalamunan na dulot ng bacteria
sintomas ay pamumula at pamamaga ng lalamunan
maaari ring magkaroon ng lagnat at hirap sa paglunok.

4
Cholera- ay isang sakit sanhi ng bacteria na nagdudulot ng labis
na pagtatae, pagsusuka, at dehydration.

Parasitic Intestinal Infestation- ito ay sanhi ng mga bulate sa tiyan


na nagdudulot ng pagkawala ng gana sa pagkain at
pamamaga ng tiyan.

Pagyamanin
Panuto: Punan ng tamang sagot ang mga katanungan. Hanapin
ang mga sagot sa loob ng kahon.
tigdas sore eyes dengue fever

_________1. Ito ay isang viral conjunctivitis na impeksyon na


pamamaga sa mata dahil sa virus.
_________2. Ito ay isang malalang impeksiyon na dala
ng lamok at dulot ng mga virus na dengue.
_________3. Ito ay isang karamdaman kung saan nagkakaroon ng
pamamantal o rashes sa buong katawan.

Isaisip
Panuto: Kulayan ng berde ang mga karaniwang sakit ng mga
bata at kulay dilaw naman ang hindi.

pulmonya cancer beke trangkaso

Isagawa
Sitwasyon:
Bata ka pa lamang ay tinuruan ka na ng iyong mga
magulang ng tamang pag-inom ng gamot sa tuwing ikaw ay
nagkakasakit. Nagkataong pumasok na sa trabaho ang iyong
mga magulang at naiwan kang mag-isa sa bahay nang biglang
sumakit ang iyong ulo. Ano ang dapat mong gawin?

5
a. Tiisin na lamang ang sakit ng ulo.
b. Hintayin na lamang na bumalik ang mga magulang bago
uminom ng gamot.
c. Basahin nang mabuti ang dosis ng gamot bago ito inumin.
d. Umiyak nang umiyak hanggang sa marinig ng mga kapit-
bahay.

Subukin
Panuto: Suriin ang mga larawan. Ano ang nais ipahiwatig ng
bawat larawan? Isulat kung ito ay namamana, dahil sa
uri ng pamumuhay, o dahil sa kapaligiran.
.

1. _____________ 2. ________________ 3._______________

4. __________________ 5. ________________________

6
Aralin Mga Dahilan na Pinagmulan

2 ng mga Sakit na Peligro sa


mga Tao
Layunin:
Natatalakay ang ibat – ibang kadahilanan ng mga
Peleigrong sakit.

Balikan

Panuto: Kilalanin ang sumusunod na karamdaman. Piliin ang


sagot sa loob ng kahon.

Dengue Bulutong tubig Sore eyes


Pulmonya Cholera
_______1. Kakikitaan ito ng pamamaga, pamumula at
pangangati ng isa o dalawang mata na may
manilaw o maputi na lumalabas dito.
_______2. Isang sakit na sanhi ng bacteria na nagdudulot ng
labis na pagtatae, pagsusuka at dehydration.
_______3. Ito ay isang impeksyon sa baga kung saan ang
baga ay nagkakaroon ng malubhang pamamaga
na dala ng virus, bakterya, at mikrobyo.
_______4. Sakit na nakukuha mula sa kagat ng babaeng lamok
na naninirahan sa mga marurumi at basang lugar.
_______5. Ang kondisyong ito ay pangangati at
pamamantal ng balat.

Tuklasin
Ang karamdaman o sakit ay anumang kalagayan na hindi
pangkaraniwan na ating nararamdaman sa katawan o isipan.
Ang sakit ay dulot ng mga bakterya, virus, at fungi o tinatawag
nating “germs”. Ito ay hindi nakikita ng ating mga mata, na

7
naging sanhi ng impeksyon at sakit na nakakahawa. Ang
madaling kapitan ng sakit ay ang mga taong mahina ang
resistensya at mga taong nakatira sa may maruruming
kapaligiran.
Diabetes - ito ay isang karamdaman na sanhi ng sobrang nutrisyon
heredity – namamana sa iyong mga magulang, kamag -anak at
mga ninuno.
germs – mikrobyo
lifestyle – uri ng pamumuhay
environment – ang iyong kapaligiran
karamdaman – sakit
peligro – delikado

Panuto: Basahin ang kuwento at sagutin ang mga tanong. Piliin ang
titik ng tamang sagot.

Si Ana at Ang Kanyang Pamilya


Ni: Marilou V. Dolorfino
Si Ana ay walong taong gulang. Siya ay nasa ikatlong
baitang. Panganay siya sa kanilang tatlong magkakapatid nina
Mang Fred at Aling Azon. Ang kanilang pamilya ay nakatira sa
isang barong-barong na malapit sa ilog. Pinapanatili nilang malinis
ang kanilang paligid araw-araw upang makaiwas sa ano mang
sakit na dala ng maruming kapaligiran. Si Aling Azon ay walang
trabaho dahil sa sakit niyang diabetes. Kaya, si Ana ang
gumagawa ng lahat ng gawaing bahay. Subalit hindi niya rin ito
magawa nang maayos dahil siya rin ay sakitin. Napag - alaman
nila na namana rin pala ni Ana ang sakit ng kaniyang ina na
diabetes. Si Mang Fred naman ay isang mangingisda. Kapag oras
na ng pahinga, siya ay mahilig uminom ng alak at naninigarilyo.
Napansin ni Aling Azon na madalas na silang inuubo. Kaya, pinag
sabihan ni Aling Azon na huminto na sa pag-inom ng alak at
paninigarilyo si Mang Fred.

Panuto: Basahing mabuti ang mga tanong at piliin ang titik ng


tamang sagot.
8
1. Saan nakuha ni Ana ang sakit niya na diabetes?
a. sa kanyang ina
b. sa kanyang ama
c. sa kanyang kaibigan
d. sa kanyang lolo at lola
2. Inuubo ang pamilya ni Ana dahil sa ______________________.
a. nalalanghap na alikabok
b. nalalanghap na usok ng sigarilyo
c. sobrang inom ng malamig na tubig
d. nalalanghap na usok mula sa basurahan
3.Ano ang ginagawa ng pamilya ni Ana upang
maiwasang magkasakit?
a. tinatapon nila ang kalat sa kung saan
b. sinusunog nila ang kanilang mga basura
c. naglilinis sila sa kanilang paligid araw-araw
d. tinatapon nila ang kanilang basura sa tabing ilog

Suriin
Tandaan …
Ang ating karamdaman ay may mga kadahilanan ito na
maaring namamana, nakukuha sa uri ng pamumuhay o sa
kapaligiran.
Namamana Nakukuha sa uri ng Nakukuha sa
(Heredity) pamumuhay kapaligiran
(Lifestyle) (Environment)
➢ Nakukuha natin ➢ Sa ating mga ➢ Sa maruming
sa ating mga kinakain kapaligiran
magulang, ➢ Sa ating mga ➢ Sa mga taong
kamag-anak ginagawa o ating nakakasama
at mga ninuno nakasanayang o nakakahalubilo
gawin
diabetes sakit sa baga sakit sa baga
1.Anong sakit ang namana ni Ana sa kanyang ina?__________
2. Saan kaya nakuha ni Mang Fred ang kanyang sakit sa
baga? _________________
3. Saan naman kaya makukuha ng pamilya ni Ana ang
kanilang magiging sakit ? ______________

9
Pagyamanin
Panuto: Tingnan ang mga larawan at tukuyin kung ano ang
dahilan bakit tayo nagkakasakit. Isulat kupng ito ba ay
namamana, uri ng pamumuhay o dahil sa kapaligiran.

______________ _________________ _______________ _______________

Isaisip
Panuto: Kumpletuhin ang konsepto ng pangungusap.
Piliin sa loob ng kahon ang tamang sagot.

kapaligiran namamana uri ng pamumuhay


1. Ang dahilan ng sakit na nakukuha natin sa ating mga
magulang ay _______________ .
2. Ang sakit na dulot ng sobrang kain ng mga hindi
masustansiyang pagkain ay dahil sa _______________________.
3. Ang _______________ at mga taong ating nakakasalamuha
araw-araw ay isa sa mga dahilan ng pagkakaroon ng mga
sakit.

Isagawa
Panuto: Basahing mabuti ang tanong at piliin ang titik ng tamang
sagot.
1. Paano mo maiiwasan ang pagkakasakit ?
a. pagtapon ng basura kahit saan
b. pagkain ng junk foods araw-araw
c. paglanghap ng usok mula sa sigarilyo
d. kumain ng mga prutas at gulay araw-araw.

10
Subukin

Panuto: Basahin ang mga sumusunod at piliin ang titik ng tamang


sagot.
1. Alin sa sumusunod ang sakit na namamana sa mga
magulang o kamag-anak?
a. Asthma
b. Canser
c. Obesity
d. Diarrhrea
2. Ang sumusunod na mga sakit ay nakukuha sa uri ng
pamumuhay maliban sa _______.
a. Diabetes
b. Asthma
c. Hypertension
d. Malalang sakit sa Atay
3. Alin sa sumusunod ang sakit na nakukuha sa kapaligiran?
a. Canser
b. Obesity
c. Diarrhea
d. Malalang sakit sa Atay
4. Ang sumusunod ay mga sakit na maaring namamana sa
mga magulang o kamag-anak maliban sa______.
a. Heart Disease
b. Hypertension
c. Diabetes
d. Sipon
5. Ang sumusunod na mga sakit ay nakukuha sa kapaligiran
maliban sa __________.
a. Asthma
b. Sakit sa Puso
c. Typhoid Fever
d. Matinding Pag-ubo

11
Aralin Mga Karamdamang

3 Namamana, Nakukuha sa Uri ng


Pamumuhay at Kapaligiran
Layunin:
Natatalakay ang mga halimbawa ng mga karamdamang
namamana, nakukuha sa uri ng pamumuhay at kapaligiran.

Balikan
Panuto: Alamin ang mga dahilan kung bakit tayo nagkakasakit.
Isulat ang N kung namamana, U kung dahil sa uri ng
pamumuhay, at K kung dahil sa kapaligiran.
1. Si Mang Pedro ay nagkasakit sa baga dahil sa
paninigarilyo.
2. Ang pamilya ni Rene ay may lahi ng sakit sa puso.
3. Si Lito ay may diabetes dahil sa madalas na pagkain ng
mga tsokolate at matatabang pagkain.
4. Nagkaroon ng epidemya ng malaria sa evacuation center
5. Ang dengue ay nakukuha sa kagat ng lamok na
naninirahan sa mga marurumi at basang lugar.

Tuklasin
Panuto: Basahin ang maikling kuwento at sagutin ang mga
tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot.

Si Mila
Ni: Neptali P. Mayuga

12
Si Mila ay isang mag-aaral sa ikatlong baitang. Mahilig siyang
maglaro tuwing recess at pagkatapos ng klase. Minsan,
napagalitan siya ng kanyang guro dahil pawis na pawis siyang
pumasok sa silid-aralan at marumi ang kanyang mga paa at
damit. Mahilig din siyang kumain ng matatamis at matatabang
pagkain kaya siya ang pinakamataba sa kanilang klase. Nang
sumunod na mga araw hindi pumasok sa klase si Mila, biglang nag-
alala ang kanyang guro dahil tatlong araw nang hindi pumapasok
si Mila. Kinabukasan, pagkatapos ng klase ay pinuntahan ng guro
si Mila sa kanilang bahay. Napag-alaman ng guro na dinala si Mila
sa ospital dahil sumakit ang tiyan at nagtatae. Ayon sa ina nito,
nakakain si Mila ng kontaminadong pagkain at nakainom ng
maruming tubig. Sinabi ng doktor nito na may diabetes si Mila
dahil sa kakakain nito ng mga matatamis na pagkain.

1. Bakit pinagalitan ng guro si Mila?


a. makulit sa klase
b. hindi nakikinig sa guro
c. nakikipagkwentuhan sa katabi
d. marumi ang mga paa at damit
2. Ano ang palaging kinakain ni Mila?
a. kanin
b. isda
c. gulay at prutas
d. matatamis at matatabang pagkain
3. Bakit dinala sa ospital si Mila?
a. sumakit ang ulo
b. hindi makahinga
c. nawalan ng malay
d. sumakit ang tiyan at nagtatae

Suriin
MGA SAKIT NA NAMAMANA
Heart disease – Ayon sa mga espesyalista sa Philippine Heart
Center (PHC), ang sanhi ng heart disease ay ang
pagkabuo ng plaque (plaque buildup) sa labas ng puso.
Dahil sa pagbabara, unti-unting kumukulang ang suplay
ng dugo sa puso, ito ay nagbubunga sa tuluyang
pagkasira sa wastong pagdaloy ng dugo.

13
Cancer –Ang mga namamanang kanser (genetic) ay pangunahing
sanhi ng mga namanang depektong henetiko. Ang mga
halimbawa nito ay ang kanser sa suso at kanser sa ovary
at kanser sa colon.
Diabetes – ito ay isang karamdaman na sanhi ng sobrang nutrisyon
at pagkain ng mga matatamis na pagkain, maaaring
konektado ang sakit sa family history at uri ng pamumuhay.
Naiuugnay sa pagiging overweight ngunit hindi lahat ng
may karamdamang ito ay labis ang timbang.
Hypertension – Maaring ito ay namana sa magulang o nakuha sa
maling pamumuhay tulad ng paninigarilyo, pagiging
overweight, pagkain ng sobrang alat at taba at kulang sa
ehersisyo. Kapag ang blood pressure niyo ay lampas sa 140
over 90 marahil may high blood ka na.
MGA SAKIT NA NAKUKUHA SA URI NG PAMUMUHAY
Obesity- ito ay isang karamdaman na nakukuha sa labis na pagkain
o sobra sa pagkain. Hindi maganda ang pagiging obese
sapagkat kaakibat nito ang maraming problema sa
kalusugan gaya ng diabetis, alta presyon, sakit sa puso,
stroke, ilang kanser, at posibleng magbigay-daan sa
maagang kamatayan.
Asthma- Ang hika (asthma) ay isang uri ng pabalik-balik o
pamalagiang sakit sa respiratory system na umaapekto sa
daanan ng hangin papunta at palabas ng baga. Kabilang
sa mga karaniwang sintomas ang sumisipol na
paghinga, pag-ubo, paninikip ng dibdib, at kapos na
paghinga.
Malalang Sakit sa Atay- Ang pag-abuso sa mga nakalalasing na
inumin ay napatunayang nagdudulot ng pinsala sa atay.
Maging ang pagpili sa mga pagkaing may labis na taba
at kolesterol ay sanhi din ng pinsala rito sa paraang
nabubunga ito ng pamumuo ng mga sangkap na
nagpapahina sa paggana nito.
Diabetes –ito ay isang karamdaman na sanhi ng sobrang nutrisyon
at pagkain ng mga matatamis na pagkain.
Sakit sa Puso- Ang sakit sa puso ay karaniwang isang lifestyle
disease o mga sakit na nakukuha lamang dahil hindi
malusog ang paraan ng pamumuhay. Ang mga
karaniwang sanhi nito ay labis na pagkain ng maaalat at

14
matatabang pagkain, hindi nag-eehersisyo, labis ang
timbang, paninigarilyo at labis na pag-inom ng alak.

MGA SAKIT NA NAKUKUHA SA KAPALIGIRAN


Typhoid Fever -ang sanhi nito ay dahil sa salmonella typhi bacteria.
Nakukuha ito sa mga kontaminadong pagkain at tubig.
Ang mga sintomas nito ay mataas na temperatura ng
katawan; pananakit ng ulo; panghihina; pagkawala ng
ganang kumain; pagtatae at paninigas ng tiyan.
Diarrhea o Pagtatae- ay madalas na pagdumi, pagdami ng dumi,
o pagiging matubig ng dumi. Ang mga mikrobyo tulad ng
bacteria, parasites, fungi o virus ay maaring maging dahilan
ng impeksyong mauuwi sa pagtatae.
Asthma- ay isang karaniwang matagal at pabalik-balik na sakit ng
pamamaga ng daanan ng hangin na nakikilala sa
pamamagitan ng naiiba at pabalik-balik na mga sintomas,
nagagamot na pagkakabara ng daluyan ng hangin.
Sipon- ay ang karaniwang dulot ng iba't ibang mga uri
ng virus, alerhiya, pagbabago ng panahon, at pagiging
malamig ng panahon.

Matinding Pag-ubo- Ang cough o ubo ay isang reaksyon ng


katawan upang alisin ang sipon, plema at iba pang bagay
na nakakairita sa baga at mga daanan ng hangin.

Tandaan…
May iba’t ibang sakit na namamana gaya ng heart disease,
canser, diabetes at hypertension. May mga sakit din na nakukuha
sa uri ng pamumuhay tulad ng obesity, asthma, malalang sakit sa
atay, diabetes at sakit sa puso. Mayroon ding mga sakit na
nakukuha sa kapaligiran kagaya nalang ng typhoid fever, diarrhea
o pagtatae, asthma, sipon at matinding pag-ubo.
Bukod sa diet, dapat ding pagtuunan ng pansin ang ating
physical activity, lahing pinagmulan, paraan ng ating pamu-
muhay, mga gamot na ating iniinom at ang ating kapaligiran.

15
Pagyamanin
Panuto: Punan ang tsart ng angkop na sagot. Piliin ang sagot sa
kahon.
Canser Obesity Sipon Typhoid Fever Sakit sa Atay

Sakit na Sakit na nakukuha sa Sakit na nakukuha


namamana uri ng pamumuhay sa kapaligiran
1. 2. 3.
4. 5.

Isaisip
Panuto: Basahin ng mabuti at ibigay ang nawawalang salita
upang mabuo ang kaisipan ng pangungusap.
May iba’t ibang sakit na namamana gaya ng ____________,
canser, diabetes at_______________. May mga sakit din na
nakukuha sa uri ng pamumuhay tulad ng obesity, __________,
malalang sakit sa atay, diabetes at ____________. Mayroon ding
mga sakit na nakukuha sa kapaligiran kagaya nalang ng typhoid
fever, diarrhea o pagtatae, asthma, sipon at______________.

Isagawa

Panuto: Paano mo mapananatili ang isang malinis at malusog na


kapaligiran upang malayo sa sakit? Lagyan ng tsek( )
ang tamang gawain at ekis (X) ang hindi.
______1. Itapon ang basura sa tamang lalagyan.
______2. Takpan ang mga lalagyan ng tubig.
______3. Kumain ng mga gulay at prutas araw-araw.
______4. Kumuha ng tubig mula sa gripo o kahit saan para inumin.
______5. Maglinis ng bahay araw-araw.

16
Subukin
Panuto: Iguhit ang ang sa patlang kung ang pangungusap ay
nagpapahayag ng epekto sa bawat sakit.
_________1. Sumakit ang ulo ni Mia kaya hindi niya magawa nang
mabuti ang kaniyang takdang-aralin.
_________2. Hindi makatulog nang maayos si Susan dahil sa
kaniyang ubo.
_________3. Nangangati ang mata ni Carl dahil sa sore eyes.
_________4. Mahimbing na natutulog si Baste kahit siya ay may
bulutong.
_________5. Nanghihina si Susan dahil sa sobrang sakit ng tiyan
dulot ng pagtatae.

Aralin

4 Epekto ng mga Karaniwang Sakit

Layunin:
Naipapaliwanag ang epekto ng mga karaniwang sakit

Balikan
Panuto: Iguhit ang kung namamana, kung dahil sa uri ng
pamumuhay at kung dahil sa kapaligiran
________1. Nagkaroon ng epidemya ng COVID-19 sa evacuation
Center.
________2. Ang nanay ni Karen ay may lahing sakit sa buto.
________3. Si Mang Berto ay nagkasakit sa lalamunan dahil sa
sobrang paninigarilyo.
________4. Palaging sumasakit ang rayuma ni Tatay Berting dahil
madalas siyang kumakain ng mga lamang loob.
________5. Maraming nagkakasakit ng dengue dahil sa
maruruming tubig na naka-imbak sa mga basang
lugar.

17
Tuklasin
Alam mo ba…ang epektibong pangangalaga sa kalusugan ay susi
para sa pag-iwas ng pagkalat ng mikrobyo o bakteryang
nakakahawa, mga virus at iba pa na siyang sanhi ng pagkalat ng
mga nakakahawang sakit. Ngayon, basahin at pag-aralan ang
kasunod na komik-istrip. Ito ay tungkol sa magkaibigan na
pinangangalagaang mabuti ang kalusugan.

Nilo, alam mo ba ni minsan hindi ko pa naranasan ang


maospital. Kasi sabi ni itay, may kasabihan na ang
“kalusugan ay kayamanan!”

Wow! Pareho pala tayo Mike. Noong isang linggo, sumakit


ang aking tiyan at ako ay nagtatae. Hindi ako makagawa
ng mga gawaing-bahay at takdang-aralin natin.

Oo nga Nilo, kawawa ang mga magulang natin kung


tayo’y magkasakit hindi na tayo makatulong sa kanila,
dagdag gastusin pa. Kapag inuubo ako, hindi ako
makatulog nang maayos sa gabi dahil napakakati ng
lalamunan ko. Naiistorbo ko pa ang tulog nina inay at itay.

Ngayon nga, dahil sa pandemyang ating nararanasan


ang COVID-19 hindi tayo makalabas at makapaglaro at
kapag nahawaan ka ng virus na ito ang epekto nito ay
may lagnat ka, ubo at nahihirapang huminga. Kaya
ugaliin natin ang paghuhugas ng kamay at 1 meter
social distancing sa bawat isa.

Totoo iyan Nilo, sabi nga ni Itay lahat ng sakit


ay nakakatakot kaya ingatan at mahalin natin
ang ating kalusugan. Walang bata o matanda,
kapag ikaw ay dadapuan ng sakit. Ugallin
lamang ang paglilinis ng katawan, tiyak na
maiiwasan na natin ang iba’t ibang uri ng sakit.

18
1. Ano ang epekto ng pagsakit ng tiyan na naging sanhi ng
pagtatae ni Nilo?
a. Mahimbing ang kanyang pagtulog.
b. Hindi siya makagawa ng gawaing-bahay at takdang-
aralin.
c. Naging maganda ang kanyang pakiramdam.
2. Kapag inuubo naman si Mike, ano ang naging epekto nito
sa kaniya?
a. Naging masaya siya
b. Naging masigla siya.
c. Hindi siya makatulog sa gabi dahil makati ang kanyang
lalamunan.
3. Ano ang pandemyang kinakaharap ng magkaibigan?
a. Pagsakit ng ulo
b. Pagsakit ng lalamunan
c. COVID-19

Suriin
Kapag hindi tayo naglilinis ng katawan araw-araw, lalong-lalo
na ang paghuhugas ng kamay maaring madali tayong
madapuan ng mga karaniwang sakit na nagdudulot ng malaking
epekto sa ating kalusugan. Maaari tayong magkaroon ng ubo,
sipon o trangkaso, sore eyes, bulutong, mumps, diarrhea at iba pa.
Ngayon, alam kong lubos mong naunawaan ang ating aralin.
Handa ka na ba sa susunod mong gawain? Kung handa ka
na, simulan mo na!
Panuto: Pagtambalin ang mga epekto sa Hanay B sa mga sakit
sa Hanay A. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.
Hanay A Hanay B
________1. COVID-19 a. Pamumula at makating mata
________2. Sipon b. Lagnat, pag-ubo at nahihirapang
________3. Lagnat huminga
________4. Dengue c. Sakit ng laman at kasu-kasuan,
________5. Sore Eyes sakit ng ulo at pamamantal
d. Pagkati ng ilong at pagbahing
e. may mataas na temperature ng
katawan

19
Pagyamanin
Panuto: Alin sa sumusunod ang mga epekto kapag tayo ay
nakaramdam ng mga karaniwang sakit? Lagyan ng
ang patlang.
________1. Si Baste ay nahihiyang tumabi sa kaniyang kaklase
dahil siya ay may ubo.
________2. Sumakit ang ngipin ni Sam dahil kumain siya ng kendi.
________3. Hindi nagawa ni Mia ang kaniyang takdang-aralin at
nahihiya siyang pumasok sa klase dahil sa kaniyang
bulutong.

Isaisip
Tandaan Mo!

Ang sakit ay isang abnormal na kondisyon ng ating


katawan na nagpapababa ng normal na resistensiya ng ating
katawan at isipan. Bawat sakit ay nagmumula sa isang grupo
ng mga sintomas at palatandaan. At ito ay nakakaapekto sa
kabuuang pangkalusugan ng ating katawan. Dapat alagaan
at mahalin ang kalusugan upang ang mga sakit na nakapaligid
sa atin ay ating maiwasan.

Isagawa
Panuto: Sagutin ang graphic organizer. Dahil sa pandemyang
ating nararanasan ngayon, bilang isang bata ano-ano
ang mga epekto o sintomas kapag nahawaan ka ng
sakit na ito?

COVID-19

20
Tayahin

Panuto: Basahin ng wasto ang tanong. Bilugan ang titik ng


tamang sagot.
1. Alin sa mga sumusunod na mga sakit ang namamana sa
magulang o kamag-anak?
a. Obesity
b. Diarrhrea
c. Hypertension
2. Ito ay sanhi ng mga bulate sa tiyan na nagdudulot ng
pagkawala ng gana sa pagkain at pamamaga ng tiyan
Tigdas
a. Dengue fever
b. Bulutong tubig
c. Parasitic Intestinal Infestation
3. Nagkasipon si Baste dahil sa alikabok. Ano ang maging
epekto nito?
a. Siya ay makakatulog nang mahimbing
b. Siya ay maging masaya
c. Siya ay bahing nang bahing
4. Nagkaroon ng sore eyes si Sam kaya____________.
a. Namamaga ang kaniyang mata
b. Naging maaliwalas ang kaniyang paningin
c. Naging mapungay ang kaniyang mga mata
5. Alin ang epekto ng dengue?
a. Mamantal ng katawan at magkakalagnat
b. Maging maganda ang pakiramdam
c. Lulusog ang katawan

Karagdagang Gawain

Panuto: Gumawa ng collage. Gumupit ng isang larawan sa


lumang magasin na nagpapakita ng isang halimbawa ng
karaniwang sakit na iyong naranasan. Isulat sa ibaba nito
ang naging epekto sa iyong kalusugan.

21
22
Balikan SUBUKIN
Tayahin
1. C 1.
Tuklasin 1.
2. C 2.
2.
3. C 1. A 3.
3.
4. A 2. B 4.
4.
5. A 3. B 5.
5.
Pagyamanin Aralin 4
1. Canser
2. Obesity Balikan Subukin
3. sakit sa 1. U 1. b
Tuklasin
Atay 2. N 2. c
1. d
4. Sipon 3. U 3. c
2. d
5. Typhoid 4. K 4. d
3. d
Fever 5. K 5. b
Aralin 3
Subukin
1. uri ng
Balikan
Pagyamanin pamumuhay
1. Sore eyes
Tuklasin 1. kapaligiran 2. kapaligiran
2. Cholera
1. a 2. kapaligiran 3. uri ng
3. Pulmonya
3. namamana pamumuhay
4. Dengue
2.b 4. uri ng 4. kapaligiran
5. Bulutong
pamumuhay 5. namamana
3.c Tubig
Aralin 2
PAGYAMANIN BALIKAN
SUBUKIN
1. Sore eyes 1.
2. Hand, foot and 2. 1. C
mouth disease 2. A
3.
3. Dengue fever 3. D
4. 4. D
5. 5. B
Aralin 1
Susi Sa Pagwawasto
Sanggunian:
Textbook:
Crisanto, Rizalde R. et al (2015). MAPEH in Action : Concept of
Malnutririon, Teacher’s Guide. Department of Education,
Philippines. pp. 386-401
Crisanto, Rizalde R. et al (2017). MAPEH in Action : Concept of
Malnutririon, Learner’s Materials. Department of Education,
Philippines. pp.447-459
Online References:
Aralin 1
https://www.google.com/search?q=larawan+ng+batang+may+b
ulutong+tubig+black+and+white+png&tbm=isch&ved=2ah
U - September 7, 2020
https://www.google.com/search?q=larawan%20ng%20batang%2
- September 7, 2020
https://www.google.com/search?q=common+childhood+disease
- September 7, 2020
Aralin 2
https://tl.wikipedia.org/wiki/Sakit
https://www.health.nsw.gov.au/Infectious/tuberculosis/Document
s/Language/factsheet-tgl.pdf
https://www.123rf.com/clipartvector/smoking_man.html?sti=lt6u2s
hchichrhfxk2|&mediapopup=93466154
Aralin 3
https://www.ritemed.com.ph/tamang-kaalaman/heart-disease
https://www.myphone.com.ph/sintomas-sanhi-at-lunas-sa-
mataas-na-presyon-ibinahagi-sa-e-book-ni-doc-willie-ong/
https://tl.wikipedia.org/wiki/Kanser
https://www.ritemed.com.ph/articles/9-na-karaniwang-sakit-ng-
mag-anak
Aralin 4
https://medium.com/@kheindiestro/paraan-kung-paano-
mapanatiling-malusog-ang-katawan-2fe67a686f81
https://www.google.com/search?q=hygine+materials+black+and
+white&rlz=1C1CHBF_enPH850PH850&oq=hygine+materials+

23
PAHATID-LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng
Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon Dose, na may pangunahing
layunin na ihanda at tugunan ang pangangailangan sa bagong
normal. Ang nilalaman ng modyul na ito ay batay sa Most Essential
Learning Competencies (MELC) ng Kagawaran ng Edukasyon. Ito ay
pantulong na kagamitan na gagamitin ng bawat mag-aaral ng
SOCCSKSARGEN Region simula sa taong panuruan 2020-2021.
Ang proseso ng paglinang ay sinunod sa paglimbag ng modyul na
ito. Ito ay Bersyong 1.0. Malugod naming hinihimok ang pagbibigay
ng puna, komento at rekomendasyon.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:


Department of Education – SOCCSKSARGEN
Learning Resource Management System (LRMS)

Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal


Telefax No.: (083) 228 8825 / (083) 228 1893
Email Address: region12@deped.gov.ph

You might also like