You are on page 1of 78

FILIPINO 6

DAY 1

Nasasagot ang mga


tanong tungkol sa
napakinggang/ binasang
ulat at tekstong
pangimpormasyon
DAY 1
Panuto: Piliin kung pang-uri o pang-abay ang salitang
may salungguhit sa mga ideyang nasa ibaba. Isulat ang
titik lamang ng iyong sagot sa sagutang papel.

A. Pang-uri B. Pang-abay

______ 1. Ang tirahan ng mga hayop sa kagubatan ay


mapayapa.
______ 2. Minahal niya nang wagas ang kanyang
inang-bayan.
DAY 1

A. Pang-uri B. Pang-abay

______ 3. Mahigpit na yinakapng ina ang kanyang mga


anak.
______ 4. Ang lalaking nagnakaw ng bag ay
nagmamadali.
______ 5. Nakatutuwang alalahanin ang bakasyon natin
noong isang taon.
______ 6. Siya ay magalang habang nakikipag-usap sa
mga nakatatanda sa kanya.
DAY 1
A. Pang-uri B. Pang-abay

______ 7. Husto ang pag-aaral ni Roberto para sa


mahabang pagsusulit.
______ 8. Si Nora Aunor ay sunud-sunod na
pinarangalan ng iba’t-ibang organisasyon.
______ 9. Maingat niyang ibinuhos ang alak sa baso.
______ 10. Matagal ang pagtalakay ng isyung ito sa
Senado.
DAY 1
Paano mo nalalaman ang mga mahahalagang
balita? Isinasabuhay mo ba ang mga balitang
iyong naririrnig o nababasa?

Lahat ba ng impormasyon ay iyong


pinapaniwalaan?
DAY 1
Ang balita o ulat ay isang uri ng lathalain na
tumatalakay sa mga kasalukuyang kaganapan sa labas
at loob ng isang bansa na nakatutulong sa pagbibigay-
alam sa mga mamamayan. Maari itong ihayag sa
pamamagitan ng paglilimbag, pagsasahimpapawid,
internet, o galing sa bibig at ikalat sa maramihang
mambabasa at makikinig.
DAY 1
Ang tekstong pang-impormasyon ay isang babasahin na
naglalamanng mga ideya tungkol sa iba’t-ibang tao o
impormasyon tungkol sa mga bagay-bagay. Upang
masagot mo ang mga tanong sa napakinggang/binasang
ulat at tekstong pang-impormasyon tandaan mo ang mga
sumusunod:
1. Pakinggan at basahing mabuti ang teksto o akda.
2. Sa mga nakasulat o napakinggan, huwag kalimutan na
isulat ang mga mahahalagang detalye.
3. Isaisip ang nais ipahiwatig ng may-akda para sa iyo.
DAY 1
Pinsala ni Ulysses sa imprastraktura at
agrikultura abot na sa P10 bilyon
DAY 1
MANILA, Philippines — Aabot na sa P10 bilyon ang
halaga ng pinsalang iniwan ng bagyong Ulysses sa
imprastraktura at agrikultura. Ayon kay National Disaster
Risk Reduction and Management Council spokesperson
Peter Galvez na ang pinsalang iniwan ng naturang
bagyo sa sektor ng agrikultura ay pumapalo na sa P4
billion, habang sa imprastraktura ay nasa P6.1 billion.
Mababatid na mahigit 70 katao ang binawian ng buhay
nang manalasa ang bagyong Ulysses, at ilang ari-arian
din ang nasira, nang dumaan ito sa ilang bahagi sa
Luzon.
DAY 1
Bukod dito, halos kalahating milyon ang nawalan ng
bahay dahil sa epekto ng bagyo.
Nakaranas ng malawakang pagbaha ang Cagayan
Valley matapos na magpakawala ng tubig ang Magat
Dam mula sa kanilang reservoir para
maiwasan na pumalo ito sa kanyang spilling level.
 
Hango mula sa: Pilipino Star Ngayon
DAY 1 Paglinang na Kabihasaan
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong tungkol
sa ulat na napakinggan at isulat ang titik ng tamang sagot
sa papel o notbuk.
1. Sino ang nagsabi na ang pinsalang iniwan ng bagyong
Ulysses sa sektor ng agrikultura ay pumapalo na sa P4
bilyon habang sa imprastraktura ay nasa P6.1 bilyon?
a. Si Peter Galvez
b. Si Mike Enriquez
c. Si Arnold Clavio
d. Si Ivan Mayrina
DAY 1
2. Ano nangyari sa mga lugar na napinsala ng bagyong
Ulysses?
a. Nakaranas ng malawakang init.
b. Nakaranas ng malawakang pagbaha.
c. Nakaranas ng malawakang pag-ulan ng yelo.
d. Nakaranas ng malawakang pag-ulan ng apoy.

3. Ano ang nangyari sa bahay ng mga taong hinagupit ng


bagyo?
a. Nasira c. nagiging mas matibay
b. Gumanda d. nagiging kaakit-akit tingnan
DAY 1 Paglalapat ng aralin sa pangaraw-araw na buhay
Ikaw ba ay mahilig manood ng balita sa social media
katulad ng FB live, instagram, at twitter? Ano ang
maganda at masamang naidudulot nang panonood ng
balita sa social media? Isulat ito sa kahon.
DAY 1 Paglalahat ng aralin
Ang pakikinig ay isang mabilis at mabisang paraan ng
pagkuha ng impormasyon kaysa sa tuwirang pagbabasa. Ang
pakikinig sa kapwa ay daan upang ang bawat isa ay
magkaunawaan at magkaroon ng mabuting palagayan. Sa
pakikinig kinakailangan ang ibayong konsentrasyon sa
pagunawa, pagtanda o paggunita sa narinig.
DAY 1 Pagtataya ng aralin
DAY 1
DAY 1
Panuto: Sagutin ang mga tanong sa pamamagitan ng
pagpili ng mga sagot na nasa loob ng kahon. Isulat ang
titik ng tamang sagot sa sagutang papel o notbuk.
DAY 1
____ 1. Ano ang Corona Virus?
____ 2. Ilang oras bago magsimulang lumabas ang
sintomas pagkatapos mong makipag-ugnay sa taong
positibo ng COVID-19?
____ 3. Ano ang binibigyang-diin sa natuklasan?
DAY 1 Karagdagang Gawain para sa takdang aralin at remediation
Sumulat ng Ulat o Balita na narinig mo sa radyo, nakita
sa TV o sa internet o nabasa mo sa pahayagan. Sundin
ang pormat:
1. Kailan
2. Pangyayari
3. Tauhan
DAY 2

Ano ang balita?


DAY 2
Ang pag-unawa sa binasa ay hindi lamang matitiyak sa
pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong tungkol dito.
Maaari ring malaman kung naunawaan ang binasa kung
kayo ay makabubuo nang mga tanong tungkol sa
tekstong pang-impormasyon. Ito ay sa pamamagitan ng
paggamit ang sumusunod na mga salita: Ano, Saan,
Kailan, Bakit at Paano. Bukod sa pag-unawa sa binasa,
mahalaga rin ang pakikinig. Ang pakikinig ay isang
proseso ng pagtanggap ng mensahe mula sa narinig.
DAY 2
Ito ay mula sa tunog o salita na narinig, sa pamamagitan
ng auditory nerve, mabilis na dinadala sa utak (brain)
upang bigyan ng pagpapakahulugan at
pagsusuri(analyze) kung ano ang narinig. May tatlong
layunin ang pakikinig. Una ay upang tayo ay maaliw.
Pangalawa ay upang lumikom ng
impormasyon/kaalaman at pangatlo ay upang mag-suri.
Dapat rin nating sundin ang limang hakbang sa proseso
ng pakikinig.
DAY 2
Ito ay ang mga sumusunod:

1. Pag-tanggap ng mensahe
2. Pag-pokus ng atensyon sa tinanggap na mensahe
3. Pag-papakahulugan
4. Pagalala/Pagtanda
5. Pagtugon
DAY 2
Pakinggan ng mabuti ang sumusunod na tekstong pang-
impormasyon na babasahin ng inyong guro at sagutin
ang mga sumusunod na tanong pagkatapos.

Isang Itlog (EGG) Bawat Araw Lang by Dr. Liza Ong


 
Marami ang nagtatanong kung ilang itlog ang
puwede nilang kainin? May magandang balita at hindi
magandang balita tungkol sa itlog. Ang itlog ay may
protina, vitamin B12, vitamin D, riboflavin at folate.
Mabuti ito sa katawan at masustansya.
DAY 2
Ngunit sa kabilang banda ay may 213 milligrams ng
kolesterol ang isang pula ng itlog. Heto ang payo namin:

1. Kung ika’y malusog, walang sakit sa puso, diabetis o


problema sa kolesterol, puwede kang kumain ng 1 itlog
sa isang araw. Mag-ingat lang sa mga kasamang
pagkain ng itlog tulad ng hotdog, bacon at tocino. Piliin
ang boiled egg kaysa sa pritong itlog.
DAY 2
2. Kung ika’y may sakit sa puso, diabetes o mataas ang
kolesterol, kailangan limitahan mo ang pagkain ng itlog
sa 3 itlog lang sa isang linggo. Sa kahit anong bagay ay
dapat hinay-hinay lang ang pagkain. Kapag sinobrahan
mo ang isang bagay, puwede itong makasama sa iyo.
Kaibigan, gulay, prutas at isda lang talaga ang masasabi
nating subok na sa sustansya para sa ating katawan.
Good luck.
DAY 2 Paglinang na Kabihasaan

Sagutin natin ang mga sumusunod na tanong tungkol sa


napakinggang tekstong pang-impormasyon:
 
1. Tungkol saan ang tekstong napakinggan?
2. Ano ang maganda at hindi magandang balita sa itlog?
3. Bakit kailangang maghinay-hinay tayo sa pagkain? 4.
Bakit kailangang kumain ng gulay, prutas at isda ang
isang batang katulad mo?
DAY 2 Paglalapat ng aralin sa pangaraw-araw na buhay
Panuto: Sa pamamagitan ng napakinggang tekstong
pangimpormasyon , gumawa ng sariling katanungan
tungkol sa balitang napakinggan sa pamamagitan ng
paggamit ng mga sumusunod na salita: Ano, Saan,
Kailan, Bakit at Paano.
DAY 2 Paglalahat ng aralin
Ang pakikinig isang proseso ng pagtanggap ng mensahe
mula sa narinig. Ito ay mula sa tunog o salita na narinig,
sa pamamagitan ng auditory nerve, mabilis na dinadala
sa utak (brain) upang bigyan ng pagpapakahulugan at
pagsusuri(analyze) kung ano ang narinig.

Panuto: Pakinggan ang balitang recorded ng guro.


Sagutin ang mga tanong pagkatapos.
DAY 2BE S.M.A.R.T
Patuloy na ipatutupad ang programang BE S.M.A.R.T
sa mga magaaral sa Unang Baitang ng paaralang bayan. Ang
proyekto ay pinangungunahan ng Care Foundation. Layunin
ng proyekto ang pagbibigay ng libreng mga aklat at pagtuturo
ng mga volunteer teachers upang tulungan ang mga batang
hindi pa nakakapagbasa. Ayon sa mga pananaliksik sa
Pilipinas, maraming bata ang hindi pa nakakapagbasa kahit
ito ay nasa tamang antas na nang pag-aaral. Malaki ang
epekto nito sa kanilang pagaaral. Isang lunas sa suliraning ito
ay ang pagbibigay ng libreng mga aklat at pagtuturo sa mga
bata ng mga volunteer teachers tuwing wala silang pasok sa
paaralan.
DAY 2
1. Ano ang paksa ng unang balita?
2. Ano ang layunin ng proyekto sa balita?
3. Para kanino ang proyekto?
4. Ikaw ba ay marunong nang magbasa?
5. Bakit kailangan ng mga bata na matutong magbasa?
DAY 3

Bakit kinailangan natin na making


ng mabuti sa isang balita?
DAY 3
Batang nagbebenta ng puto pangmatrikula nagtapos ng
kolehiyo
LEGASPI CITY — Inspirasyon ngayon ang isang estudyanteng
nakapagtapos ng kolehiyo dahil sa pagbebenta ng puto habang
nag-aaral. Enero noong nakaraang taon nang nag-viral sa social
media si Ruben Perez, isang estudyante sa kolehiyo na
nakuhanan ng retrato na nagbebenta ng puto sa labas ng
kanyang paaralan. Ang kita niya ay ipinanggagastos niya sa
kanyang tuition fee sa eskuwelahan. Nang dahil sa pagbebenta
ng puto, natupad niya ang kaniyang pangarap na
makapagtapos. Noong Miyerkoles, nagbunga ang mga
paghihirap ni Perezat naka-graduate na siya sa kolehiyo.
DAY 3 Paglinang na Kabihasaan
Sagutin natin ang mga sumusunod na tanong tungkol sa
napakinggang tekstong pang-impormasyon. 
1. Ano ang nilalaman ng balita?
2. Bakit nagbebenta ng puto si Ruben habang nag-aaral?
3. Paano naitawid ni Ruben ang kanyang pag-aaral?
4. Kailan nag-umpisang maghanapbuhay si Ruben upang
makapagtapos siya ng pag-aaral?
5. Saan niya ginagamit ang kanyang kinikita sapagtitinda?
6. Bakit kailangan nang isang batang katulad mo ang
magsumikap sa kabila ng hirap ng buhay?
DAY 3 Paglalapat ng aralin sa pangaraw-araw na buhay
Panuto: Makinig sa isang balitang may kaugnayan sa
pandemyang kinakaharap natin ngayon. Gumawa ng
mga tanong na gumagamit ng mga sumusunod na
salita: Ano, Saan, Kailan, Bakit at Paano.
DAY 3 Paglalahat ng aralin
Basahin ang tekstong pang-impormasyon nang tahimik at
sagutan ang mga sumusunod na katanungan.
 
Ang Quiapo ay matatagpuan sa Maynila, ito ay tinatawag
nilang downtown noong mga nakaraang panahon na
hindi pa uso ang mga mall. Maraming lugar dito ang
mabibilhan ng iba‟t-ibang paninda tulad ng mga damit,
sapatos at kasangkapan. Dito rin matatagpuan ang
simbahan ng Quiapo na lalong nagpatanyag sa pook na
ito. Masayang ipinagdiriwang ang pista ng Quiapo tuwing
ika-9 ng Enero.
DAY 3
Sa nakakarami, ang araw na ito ay araw ng
pasasalamat at pagdarasal. Libu-libong tao ang
sumasama sa prusisyon. Karamihan ay mga lalaki na
pawang deboto ng Poong Nazareno na kilala sa tawag
na Nazareno. Dinudumog ng mga deboto ang imahen.
Karaniwan nilang ipinapahid ang kanilang mga panyo
sa katawan nito. Upang maiwasang mahulog ang mga
nasa unahan ng karo dalawang mahahabang lubid ang
ipinaiikot sa karosa. Walang sinuman ang
pinahihintulutang lumampas sa lubid. Tinatahak ng
prusisyon ang mga lansangan ng Quiapo.
DAY 3
Sagutin mo ang mga sumusunod na katanungan.

1.Kailan ang pista ng Quiapo?


2. Ano ang tawag sa Quiapo?
3. Ano ang turing ng karamihan sa pista ng Quiapo?
4. Sino ang patron ng Quiapo?
DAY 4

Balikan ang nakaraang leksyon


DAY 4

Gaano kaimportante ang pakikinig ng


isang balita?
DAY 4
Ulat/balita ay nagsasaad ng mahahalagang mga
pangyayari na nagaganap sa iba’t ibang pook ng bansa.
Isinasaad dito ang pangunahing tauhan ang
pinangyarihan, kailan nangyari at bakit nangyari. Paano
magsulat ng Ulat o Balita?
DAY 4

• Magsimula ito sa Pamatnubay- ang tawag sa una at


pangalawang talata ng balita. Nagsisilbi itong pang-akit
sa mga mambabasa dahil ito ang pinakabu od ng balita.
Sa akdang lathalain o pabalitang lathalain, ito ay
maaaring isang salita, parirala, pangungusap o isang
talata.
DAY 4
Basahin ang ulat at isulat nang malinaw ang
mahahalagang detalye nito sa pamamagitan ng
paglalagay sa talahanayan.
 
Ang mga mag-aaral sa Unang Pangkat ng Ika-anim na
Baitang sa Paaralang Elementarya ng Upland,
tumanggap ng mga kuwaderno at bolpen mula sa puno
ng lungsod ng Carcar na si Mayor Mercy Apura. Isa ito sa
adbosakasiya ng puno ng lungsod na maging libre ang
gamit ng mga kabataan upang wala hadlang sa kanilang
pagpasok sa paaralan.
DAY 4
Ang pamimigay ng mga gamit sa mga mag-aaral ay
ginanap sa paaralang nabanggit ganap na ika- 9 ng
umaga Pebrero 12, 2021. Ang pasasalamat sa puno ng
lungsod ay pinangunahan ng punongguro, Gng.Vilma R.
Alegado,at ng pangulo ng klase.
DAY 4 Paglinang na Kabihasaan
Isulat sa talaan ang angkop na sagot.
DAY 4 Paglalapat ng aralin sa pangaraw-araw na buhay

Ano ang ulat o Balita?


Ano ano ang mga hakbang sa pagsulat ng ulat o balita?
DAY 4 Paglalahat ng aralin
Mahalagang matutuhan ang pagsagot sa mga tanong
tungkol sa anumang mapakikinggan/mababasa gaya ng
ulat at tekstong pang-impormasyon, dahil sa
pamamagitan nito maipakikita ang pag-unawa rito.

Basahin ang isang Tekstong Pang impormasyon at


sagutan ang sumusunod na katanungan.
DAY
  4Basura: Isang Malaking Problema
Inihahanda na ni Kune ang mga basura tulad ng
plastic, bote, garapa at mga lumang magasin at dyaryo
galing sa kanilang bahay na ipagbibili niya kay Mang
Pedring na magbobote. Napatigil siya nang matawag ang
kanyang pansin ng isang Editoryal tungkol sa Basura ng
Pilipino Star Ngayon, na ipinalabas noong Nobyember 19,
2000. Ito ang ilan sa kanyang nabasa: Problema ang
basura sa Metro Manila ngayon at lalo pang magiging ga-
bundok sa hinaharap kung hindi kikilos ang pamahalaan.
DAY 4
Nagbabala ang Greenpeace, isang international
campaign group, na lulubha ang problema sa basura sa
Metro Manila kung hindi gagawa ng estratehiya ang
pamahalaan tungkol dito. Isinusulong ng grupo ang
paraan ng recycling at composting kaysa sa tradisyonal
na “dump, bury, burn”. Sa mga nakaraan naming
editoryal, madalas naming sabihin na ang composting ay
isang magandang paraan para malutas ang problema sa
basura. Ang sapat lamang gawin ay katulungin ang
Department of Agriculture upang maisulong ito at matiyak
na makikinabang ang mga magsasaka.
DAY 4
Matapos mabasa ang artiko, napaisip si Kune at
tiningnang muli ang mga bagay na ipagbibili na sana
niya. May ilan sa mga yun na maari pa nilang magamit
sa ibang bagay. Dali-dali niyang ibinukod ang mga iyon
at ibinalik sa loob ng kanilang bahay.
 
Phil IRI
1. Ano ang pamagat ng tekstong inyong binasa?
2. Sino ang nagbabala tungkol sa lumulubhang
problema sa basura?
DAY 4
3. Saang pahayagan nabasa ni Kune ang Editoryal?
4. Bakit kaya magiging malaking problema ang basura sa
Metro Manila kung di ito masusulusyunan?
5. Bakit kaya mas maganda ang composting at recycling
kaysa sa dump, bury, burn bilang solusyon sa
pagtatapon ng basura? 6. Sa paanong paraan mo kaya
magagamit ang mga gulong ng sasakyan ibang paraan?
DAY 5

Balikan ang nakaraang leksyon


DAY 5
Mga Uri ng Pamatnubay
 
A. Kombensyonal o Kabuuurang Pamatnubay
Sinasagot nito ang mga tanong na Ano?, Sino?, Saan?,
Kailan?, Bakit? at Paano? Ang balita ay inilalahad sa
baligtad napiramide kung saan ang mga mahahalaga ay
nasa una at pangalawang talata. Karaniwang ginagamit
ito sa tuwirang balita.
DAY 5
B. Makabagong Pamatnubay Ginagamitan ng
pangganyak na panimula ang akda upang akitin ang
mambabasang basahin ang kabuuan nito. Karaniwang
ginagamit ito sa pagsulat ng Pabalitang Lathalain.
DAY 5
Mga Uri ng Kombensyonal na Pamatnubay
1. Pamatnubay na Ano Kung ang pinakatampok sa
balita ay ang pangyayari. Halimbawa: Isang lindol ang
yumanig sa lalawigan ng Sorsogon at Masbate na
ikinamatay ng tatlong tao at ikinasira ng mga bahay at
gusali kahapon ng madaling araw.
DAY 5
2. Pamatnubay na Sino
Kung higit na pinakatampok ang tao o organisasyong
kasangkot sa pangyayari. Halimbawa: Binawi ni Nueva
Vizcaya Rep. Rodolfo Agbayani, kasapi ng LDP ang
kaniyang pirma sa impeachment complaint na inihain ng
oposisyon, kahapon, matap os itong katayin sa komite.
3. Pamatnubay na Saan Kung higit na mahalaga ang
lugar na pinangyarihan kaysa sa gawain o tao na
kasangkot dito. Halimbawa: Sa Naga City ginanap ang
2009 National Schools Press Conference na dinaluhan
ng mga batang manunulat sa buong bansa.
DAY 5
4. Pamatnubay na Kailan Hindi gaanong gamiting
pamatnubay dahil ginagamit lamang ito kung higit na
mahalaga ang petsa kaysa sa iba pang aspeto ng mga
pangyayari. Halimbawa: Hanggang sa Abril 18 na
lamang ang palugit na ibinigay ng BIR para
sapagababayad ng buwis sa taunang kita.
DAY 5
5. Pamatnubay na Bakit Kung ang dahilan o sanhi ng
pangyayari ang pinakamahalaga. Halimbawa: Upang
mapalawak at madaling maipaabot sa mga mamamayan
ang mga serbisyo ng pamahalaan, inilunsad ng
Sangguniang Panlunsod ng Quezon sa pamumuno ni
Mayor Sonny Belmonte ang “City Hall sa Barangay”.
DAY 5
6. Pamatnubay na Paano Kung ang kaparaanan ng
pangyayari ang pinakamabisang anggulo na dapat
itampok. Halimbawa: Nagkunwaring naghahanap ng
mapapasukan, isang babae ang tumangay ng malaking
halaga ng salapi at mga alahas ng isang ginang sa
Lunsod ng Baguio, pagkatapos itong tanggapin bilang
katulong.
DAY 5
Basahing mabuti ang ulat at sagutin ang mga tanong.
Mga Estudyante, Nagsisikap sa Pag-aaral sa Kabila
ng Kapansanan
Jose Carretero, ABS-CBN News
 
Pinatunayan ng ilang estudyante sa Legazpi City na
hindi hadlang ang kanilang kapansanan para
magpursige sa pag-aaral. Kalahating oras umaakyat at
bumababa ng bundok ang 20-anyos na si Adam Andes
para mag-aral sa Banquerohan Elementary School
Special Education Center.
DAY 5
Sa kabila ng kapansanan, pursigido siyang makatapos ng
pag-aaral. Sabi ni Andes, masaya siya na nag-aaral. May
cerebral palsy naman ang 22-anyos niyang kaklaseng si
Ruben Arevalo. Hirap siyang pumasok sa eskwela lalo na
kapag umuulan. Pero katuwang niya ang kanyang inang
nagtitiyaga para mabigyan siya ng edukasyon. Sabi ni
Arevalo, gusto niyang makapagtrabaho. Kasama nila sa
SPED Center ang iba pang special students na nais
matutong magbasa at magsulat. Napahanga ang mga
guro sa kanilang dedikasyon. Masaya rin ang SPED dahil
mahigit 70 na ang kanilang estudyante.
DAY 5
Pero may ilang estudyanteng hindi natatapos ang pag-
aaral dahil sa kawalan ng pamasahe lalo na 'yung mga
nakatira sa mga liblib na lugar. Kaya balak mag-fun run
ng mga guro para makalikom ng pondo para sa kanilang
pamasahe. Umaapila rin sila ng tulong para sa mga
special children na determinadong matuto.
DAY 5
1. Sino ang pangunahing tauhan sa balita?
2. Ano ang pinatunayan nila?
3. Saan sila nag-aaral?
4. Ano ang balak ng mga guro upang makalikom ng
pundo?
5. Dapat bang tularan ang mga estudyanteng ito? Bakit?
6. Paano nila pinapahalagahan ang kanilang pag-aaral?
DAY 5 Paglalapat ng aralin sa pangaraw-araw na buhay

Ano ang Tekstong pang-impormasyon? Paano


masasagutan nang tama ang mga tanong tungkol sa
mga tekstong ito?
DAY 5 Paglalahat ng aralin
Sa pagpapasya kung aling uri ng kombensyonal na
pamatnubay ang itatampok, dapat munang alamin ng
manunulat kung aling anggulong balita ang higit na
mahalaga. Kapag parehong matimbang ang Ano at
Sino, unang itatampok ang Sino dahil higit na mahalaga
ang tao kaysa sa mga bagay at pangyayari A. Basahin
at sagutin ang mga katanungan sa tekstong ito.
DAY Pitong
5 Simpleng Hakbang upang Maprotektahan
ang Sarili at ang Iba Laban sa COVID-19
 
Ang coronavirus disease (COVID-19) ay isang
nakahahawang sakit na dulot ng bagong coronavirus.
Karamihan sa mga taong magkakaroon ng impeksyon ay
makararanas ng hindi malalang sintomas at gagaling.
Ngunit ang iba ay makararanas ng malubhang sakit, lalo
na sa mga matatanda at mga may dati nang
karamdaman. Narito ang ilang mga simpleng hakbang na
maaari mong gawin upang maprotektahan ang kalusugan
mo at ng iba.
DAY 5
Ang mga payong ito ay maaaring sundin ng lahat, ngunit
napakahalaga ng mga ito kung ikaw ay nakatira sa lugar
na may COVID-19.
1. Hugasan nang madalas ang iyong mga kamay- Ugaliin
ang puspusang paglinis ng mga kamay gamit ang hand
sanitizer na may alkohol o hugasan gamit ang sabon at
tubig. Bakit? Lagi nating ginagamit ang ating mga kamay
upang hawakan ang mga bagay na maaaring
kontaminado. Maaaring hindi natin namamalayan na
maghawak natin ng ating mukha, nailipat na ang virus sa
mata, ilong at bibig at nahawahan na tayo.
DAY 5
Namamatay ang mga virus na maaaring nasa iyong
kontaminadong kamay, kasama na ang bagong
coronavirus, sa pamamagitan ng paghuhugas ng kamay
gamit ang sabon at tubig o paggamit ng hand sanitizer na
may alkohol.
2. Iwasan ang paghawak sa iyong mata, ilong at bibig-
Madalas nating hinahawakan ang ating kamay nang hindi
namamalayan. Maging mapagmatyag tungkol dito, at
iwasan ang paghawak sa iyong mata, ilong at bibig.
Bakit? Maraming hinahawakan ang mga kamay at maaari
itong makakuha ng mga virus.
DAY 5
Kapag kontaminado na ang kamay, naililipat ang virus sa
mata, ilong at bibig at maaaring pumasok sa katawan at
magdulot ng sakit.
3. Takpan ang iyong ubo at bahing- Siguraduhing ikaw, at
ang mga tao sa paligid mo, at sumusunod sa tamang
respiratory hygiene. Ibig sabihin nito ay ang pagtakip ng
bibig at ilong gamit ang loob ng siko o tisyu kapag uubo o
babahing. Agad na itapon ang gamit na tisyu sa basurahang
may takip at maghugas ng kamay. 8 Bakit? Kung ang isang
tao ay uubo o babahing, tumatalsik ang maliit na droplet
mula sa ilong at bibig na maaaring may virus.
DAY 5
Sa pagtakip ng iyong ubo o bahing, naiiiwasan ang
pagkalat ng mga virus at mikrobyo sa iba. Sa paggamit
ng loob ng siko o tisyu – at hindi iyong kamay – sa pag-
ubo o pagbahing, naiiwasan ang paglipat ng
kontaminadong droplet sa iyong kamay. Dahil dito,
napipigilan ang paglipat ng virus sa tao o bagay.
4. Iwasan ang matatao na lugar at malapit na
pakikipagsalamuha sa taong may lagnat o ubo- Iwasan
ang matataong lugar, lalo na kung and iyong edad ay 60
pataas o may dati nang karamdaman gaya ng
altapresyon, diyabetis, sakit sa puso at baga o kanser.
DAY 5
Panatilihin ang hindi bababa sa 1 metrong pagitan mula
sa iyo at sa kung sinumang may lagnat o ubo. Bakit?
Pangunahing kumakalat ang COVID-19 sa pamamagitan
ng droplet na lumabas mula sa bibig o ilong kapag
umubo o bumahing ang isang tao. Sa pag-iwas sa mga
matataong lugar, nilalayo mo ang iyong sarili (ng hindi
bababa sa 1 metro) mula sa mga taong maaaring may
COVID-19 o sinumang may iba pang may sakit.
5. Manatili sa bahay kung ikaw ay may sakit Manatili sa
bahay kung ikaw ay may nararamdamang sakit, kahit
sinat at ubo lang.
DAY 5
Bakit? Sa pagpanatili sa loob ng bahay at hindi pagpunta
sa trabaho o iba pang lugar, gagaling ka ng mas mabilis
at maiiwasan ang pagkalat ng sakit sa ibang tao.
6. Kung ikaw ay may lagnat, ubo at hirap sa pag-hinga,
magpakonsulta agad – ngunit tawagan mo muna ang
health facility Kung ikaw ay may lagnat, ubo at hirap sa
pag-hinga, magpakonsulta ng maaga – kung kakayanin,
tumawag muna sa ospital o health center para masabihan
ka kung saan ka pupunta.
DAY 5
Bakit? Makatutulong ito upang masiguro na tama ang
payong mabibigay sayo, ikaw ay maituro sa tamang health
facility, at maiwasan mong makahawa sa iba.
7. Kumuha ng impormasyon sa mapagkakatiwalaang
awtoridad Alamin ang pinakabagong impormasyon tungkol
sa COVID-19 mula sa mapagkakatiwalaang awtoridad.
Siguraduhing ang impormasyon ay mula sa maaasahang
mga tagapagsalita – ang Department of Health, World
Health Organization (WHO), o iyong lokal na health
worker.
DAY 5
Dapat ay alam ng lahat ang sintomas – sa karamihan ay
nagsisimula ang COVID-19 sa lagnat at tuyong ubo.
Bakit? Ang lokal at pambansang awtoridad ang may alam
tungkol sa pinakabagong impormasyon kung kumakalat
na ba ang COVID-19 sa iyong lugar. Sila ang mas
nakakaalam kung anong tamang payo na dapat ibigay sa
iyong lugar, upang maprotektahan ng mga tao ang
kanilang sarili.
https://www.who.int/philippines/news/feature-stories/
DAY 5
1. Ano ang tawag sa isang nakahahawang sakit na dulot ng
bagong coronavirus?
2. Karamihan sa mga taong magkakaroon ng impeksyon ay
makararanas ng hindi malalang sintomas at gagaling. Sino
ang kadalasang makararanas ng malubhang sintomas o
sakit?
3. Bakit kailangan hugasan nang madalas ang kamay gamit
ang sabon at tubig o alcohol?
4. Ano-anong bahagi ng ating mukha ang kailangan nating
iwasang hawakan? Bakit?
5. Ano ang dapat mong gawin kung umobo ka o bumahing?
DAY 5
6. Dapat umiwas sa matataong lugar, ilang metro dapat
ang pagitan mula sa iyo at sa kung sinumang may lagnat
o ubo? Bakit?
7. Paano maiiwasan ang pagkalat ng sakit sa ibang tao?
8. Kanino dapat kumuha ng impormasyon tungkol sa
Covid 19?
9-10. Ano-ano ang pitong simpleng hakbang upang
maprotektahan ang sarili at ang iba laban sa COVID-19?
DAY 5

You might also like