You are on page 1of 59

FILIPINO 6

Paano mo nalalaman ang mga


mahahalagang balita?
Isinasabuhay mo ba ang mga balitang
iyong naririrnig o nababasa?
Lahat ba ng impormasyon ay iyong
pinapaniwalaan?
Ang balita o ulat ay isang uri ng lathalain na
tumatalakay sa mgakasalukuyang kaganapan sa labas at
loob ng isang bansa na nakatutulong sa pagbibigay-alam
sa mga mamamayan. Maari itongihayag sa
pamamagitan ng paglilimbag, pagsasahimpapawid,
internet, o galing sa bibig at ikalat sa maramihang
mambabasa at makikinig. Ang tekstong pang
impormasyon ay isang babasahin na naglalaman ng mga
ideya tungkol sa iba’t-ibang tao o impormasyon tungkol
sa mga bagay-bagay.
Upang masagot mo ang mga tanong sa
napakinggang/binasang ulat at tekstong pang-
impormasyon tandaan mo ang mga sumusunod:

1. Pakinggan at basahing mabuti ang teksto o akda.


2. Sa mga nakasulat o napakinggan, huwag kalimutan
na isulat ang mga mahahalagang detalye.
3. Isaisip ang nais ipahiwatig ng may-akda para sa iyo.
Pinsala ni Ulysses sa imprastraktura at agrikultura abot na
sa P10 bilyon

MANILA, Philippines — Aabot na sa P10 bilyon ang halaga ng


pinsalang iniwan ng bagyong Ulysses sa imprastraktura at
agrikultura. Ayon kay National Disaster Risk Reduction and
Management Council spokesperson Peter Galvez na ang
pinsalang iniwan ng naturang bagyo sa sektor ng agrikultura ay
pumapalo na sa P4 billion, habang sa imprastraktura ay nasa
P6.1 billion.
Pinsala ni Ulysses sa imprastraktura at agrikultura abot na
sa P10 bilyon

Mababatid na mahigit 70 katao ang binawian ng buhay nang


manalasa ang bagyong Ulysses, at ilang ari-arian din ang nasira,
nang dumaan ito sa ilang bahagi sa Luzon.
Bukod dito, halos kalahating milyon ang nawalan ng bahay
dahil sa epekto ng bagyo. Nakaranas ng malawakang pagbaha
ang Cagayan Valley matapos na magpakawala ng tubig ang
Magat Dam mula sa kanilang reservoir para maiwasan na
pumalo ito sa kanyang spilling level.
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong tungkol sa ulat
na napakinggan at isulat ang titik ng tamang sagot sa papel o
notbuk.

1. Sino ang nagsabi na ang pinsalang iniwan ng bagyong


Ulysses sa sektor ng agrikultura ay pumapalo na sa P4 bilyon
habang sa imprastraktura ay nasa P6.1 bilyon?
a. Si Peter Galvez
b. Si Mike Enriquez
c. Si Arnold Clavio
d. Si Ivan Mayrina
2. Ano nangyari sa mga lugar na napinsala ng bagyong Ulysses?
a. Nakaranas ng malawakang init.
b. Nakaranas ng malawakang pagbaha.
c. Nakaranas ng malawakang pag-ulan ng yelo.
d. Nakaranas ng malawakang pag-ulan ng apoy.
3. Ano ang nangyari sa bahay ng mga taong hinagupit ng bagyo?
a. nasira
b. gumanda
c. nagiging mas matibay
d. nagiging kaakit-akit tingnan
Ikaw ba ay mahilig manood ng balita sa
social media katulad ng FB live,
instagram, at twitter? Ano ang maganda
at masamang naidudulot nang panonood
ng balita sa social media? Isulat ito sa
kahon.
Ang pakikinig ay isang mabilis at
mabisang paraan ng pagkuha ng
impormasyon kaysa sa tuwirang pagbabasa.
Ang pakikinig sa kapwa ay daan upang ang
bawat isa ay magkaunawaan at magkaroon
ng mabuting palagayan. Sa pakikinig
kinakailangan ang ibayong konsentrasyon sa
pagunawa, pagtanda o paggunita sa narinig.
Panuto: Sagutin ang mga tanong sa pamamagitan ng pagpili ng mga sagot na
nasa loob ng kahon. Isulat ang titik ng tamang sagot sasagutang papel o
notbuk.
____ 1. Ano ang Corona Virus?
____ 2. Ilang oras bago magsimulang
lumabas ang sintomas pagkatapos
mong makipag-ugnay sa taong positibo
ng COVID-19?
____ 3. Ano ang binibigyang-diin sa
natuklasan?
Ano ang balita?
Ang pag-unawa sa binasa ay hindi lamang matitiyak sa
pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong tungkol dito.
Maaari ring malaman kung naunawaan ang binasa kung kayo
ay makabubuo nang mga tanong tungkol sa tekstong pang-
impormasyon. Ito ay sa pamamagitan ng paggamit ang
sumusunod na mga salita: Ano, Saan, Kailan, Bakit at Paano.
Bukod sa pag-unawa sa binasa, mahalaga rin ang pakikinig.
Ang pakikinig ay isang proseso ng pagtanggap ng
mensahe mula sa narinig. Ito ay mula sa tunog o salita na
narinig, sa pamamagitan ng auditory nerve, mabilis na
dinadala sa utak (brain) upang bigyan ng
pagpapakahulugan at pagsusuri(analyze) kung ano ang
May tatlong layunin ang pakikinig.
Una ay upang tayo ay maaliw.
Pangalawa ay upang lumikom ng
impormasyon/kaalaman at pangatlo ay
upang mag-suri. Dapat rin nating sundin
ang limang hakbang sa proseso ng
pakikinig.
Hakbang sa proseso ng pakikinig.

1. Pag-tanggap ng mensahe
2. Pag-pokus ng atensyon sa tinanggap na
mensahe
3. Pag-papakahulugan
4. Pagalala/Pagtanda
5. Pagtugon
Pakinggan ng mabuti ang sumusunod na
tekstong pang-impormasyon na
babasahin ng inyong guro at sagutin ang
mga sumusunod na tanong pagkatapos.
Isang Itlog (EGG) Bawat Araw Lang
by Dr. Liza Ong

Marami ang nagtatanong kung ilang itlog ang


puwede nilang kainin? May magandang balita at hindi
magandang balita tungkol sa itlog. Ang itlog ay may
protina, vitamin B12, vitamin D, riboflavin at folate.
Mabuti ito sa katawan at masustansya.
Ngunit sa kabilang banda ay may 213 milligrams ng
kolesterol ang isang pula ng itlog.
Heto ang payo namin:

1.Kung ika’y malusog, walang sakit sa puso,


diabetis o problema sa kolesterol, puwede kang
kumain ng 1 itlog sa isang araw. Mag-ingat lang
sa mga kasamang pagkain ng itlog tulad ng
hotdog, bacon at tocino. Piliin ang boiled egg
kaysa sa pritong itlog.
Kung ika’y may sakit sa puso, diabetes o mataas ang
kolesterol, kailangan limitahan mo ang pagkain ng itlog
sa 3 itlog lang sa isang linggo. Sa kahit anong bagay ay
dapat hinay-hinay lang ang pagkain. Kapag sinobrahan
mo ang isang bagay, puwede itong makasama sa iyo.
Kaibigan, gulay, prutas at isda lang talaga ang masasabi
nating subok na sa sustansya para sa ating katawan.
Sagutin natin ang mga sumusunod na tanong tungkol sa
napakinggang tekstong pang-impormasyon:

1. Tungkol saan ang tekstong napakinggan?


2. Ano ang maganda at hindi magandang balita sa itlog?
3. Bakit kailangang maghinay-hinay tayo sa pagkain? 4.
Bakit kailangang kumain ng gulay, prutas at isda ang
isang batang katulad mo?
TAKDANG-ARALIN
Panuto: Sa pamamagitan ng napakinggang
tekstong pangimpormasyon , gumawa ng
sariling katanungan tungkol sa balitang
napakinggan sa pamamagitan ng paggamit
ng mga sumusunod na salita: Ano, Saan,
Kailan, Bakit at Paano.
Ang pakikinig isang proseso ng pagtanggap
ng mensahe mula sa narinig. Ito ay mula sa
tunog o salita na narinig, sa pamamagitan ng
auditory nerve, mabilis na dinadala sa utak
(brain) upang bigyan ng pagpapakahulugan
at pagsusuri(analyze) kung ano ang narinig.
Panuto: Pakinggan ang balitang recorded ng guro. Sagutin ang mga tanong
pagkatapos.

BE S.M.A.R.T

Patuloy na ipatutupad ang programang BE S.M.A.R.T sa mga


magaaral sa Unang Baitang ng paaralang bayan. Ang proyekto ay
pinangungunahan ng Care Foundation. Layunin ng proyekto ang
pagbibigay ng libreng mga aklat at pagtuturo ng mga volunteer teachers
upang tulungan ang mga batang hindi pa nakakapagbasa. Ayon sa mga
pananaliksik sa Pilipinas, maraming bata ang hindi pa nakakapagbasa
kahit ito ay nasa tamang antas na nang pag-aaral. Malaki ang epekto nito
sa kanilang pagaaral. Isang lunas sa suliraning ito ay ang pagbibigay ng
libreng mga aklat at pagtuturo sa mga bata ng mga volunteer teachers
tuwing wala silang pasok sa paaralan.
1. Ano ang paksa ng unang balita?
2. Ano ang layunin ng proyekto sa balita?
3. Para kanino ang proyekto?
4. Ikaw ba ay marunong nang magbasa?
5. Bakit kailangan ng mga bata na matutong
magbasa?
FILIPINO
6
Bakit kinailangan natin
na makinig ng mabuti sa
isang balita?
Papaano natin
uunawain ang isang
balita?
Batang nagbebenta ng puto pangmatrikula nagtapos ng kolehiyo
LEGASPI CITY — Inspirasyon ngayon ang isang estudyanteng nakapagtapos
ng kolehiyo dahil sa pagbebenta ng puto habang nag-aaral. Enero noong
nakaraang taon nang nag-viral sa social media si Ruben Perez, isang
estudyante sa kolehiyo na nakuhanan ng retrato na nagbebenta ng puto sa
labas ng kanyang paaralan. Ang kita niya ay ipinanggagastos niya sa kanyang
tuition fee sa eskuwelahan. Nang dahil sa pagbebenta ng puto, natupad niya
ang kaniyang pangarap na makapagtapos. Noong Miyerkoles, nagbunga ang
mga paghihirap ni Perezat naka-graduate na siya sa kolehiyo.
Sagutin natin ang mga sumusunod na tanong tungkol sa napakinggang
tekstong pang-impormasyon.

1. Ano ang nilalaman ng balita?


2. Bakit nagbebenta ng puto si Ruben habang nag-aaral?
3. Paano naitawid ni Ruben ang kanyang pag-aaral?
4. Kailan nag-umpisang maghanapbuhay si Ruben upang makapagtapos siya
ng pag-aaral?
5. Saan niya ginagamit ang kanyang kinikita sa pagtitinda?
6. Bakit kailangan nang isang batang katulad mo ang magsumikap sa kabila
ng hirap ng buhay?
Gaano kaimportante ang
pakikinig ng isang balita?
Ulat/balita ay nagsasaad ng mahahalagang mga pangyayari
na nagaganap sa iba’t ibang pook ng bansa. Isinasaad dito ang
pangunahing tauhan ang pinangyarihan, kailan nangyari at
bakit nangyari. Paano magsulat ng Ulat o Balita?

• Magsimula ito sa Pamatnubay- ang tawag sa una at


pangalawang talata ng balita. Nagsisilbi itong pang-akit sa
mga mambabasa dahil ito ang pinakabu od ng balita. Sa
akdang lathalain o pabalitang lathalain, ito ay maaaring isang
salita, parirala, pangungusap o isang talata.
Basahin ang ulat at isulat nang malinaw ang mahahalagang
detalye nito sa pamamagitan ng paglalagay sa talahanayan.

Ang mga mag-aaral sa Unang Pangkat ng Ika-anim na Baitang sa


Paaralang Elementarya ng Upland, tumanggap ng mga kuwaderno
at bolpen mula sa puno ng lungsod ng Carcar na si Mayor Mercy
Apura . Isa ito sa adbosakasiya ng puno ng lungsod na maging libre
ang gamit ng mga kabataan upang wala hadlang sa kanilang
pagpasok sa paaralan. Ang pamimigay ng mga gamit sa mga mag-
aaral ay ginanap sa paaralang nabanggit ganap na ika- 9 ng umaga
Pebrero 12, 2021. Ang pasasalamat sa puno ng lungsod ay
pinangunahan ng punongguro, Gng.Vilma R. Alegado,at ng pangulo
ng klase.
Isulat sa talaan ang angkop na sagot.
Ano ang ulat o Balita?

Ano ano ang mga


hakbang sa pagsulat ng
ulat o balita?
Mahalagang matutuhan ang pagsagot
sa mga tanong tungkol sa anumang
mapakikinggan/mababasa gaya ng
ulat at tekstong pang-impormasyon,
dahil sa pamamagitan nito
maipakikita ang pag-unawa rito.
Basahin ang isang Tekstong Pang impormasyon at sagutan ang sumusunod na
katanungan.

Basura: Isang Malaking Problema

Inihahanda na ni Kune ang mga basura tulad ng plastic, bote, garapa at mga
lumang magasin at dyaryo galing sa kanilang bahay na ipagbibili niya kay Mang
Pedring na magbobote. Napatigil siya nang matawag ang kanyang pansin ng
isang Editoryal tungkol sa Basura ng Pilipino Star Ngayon, na ipinalabas noong
Nobyember 19, 2000. Ito ang ilan sa kanyang nabasa: Problema ang basura sa
Metro Manila ngayon at lalo pang magiging ga-bundok sa hinaharap kung hindi
kikilos ang pamahalaan. Nagbabala ang Greenpeace, isang international
campaign group, na lulubha ang problema sa basura sa Metro Manila kung hindi
gagawa ng estratehiya ang pamahalaan tungkol dito. Isinusulong ng grupo ang
paraan ng recycling at composting kaysa sa tradisyonal na “dump, bury, burn”.
Sa mga nakaraan naming editoryal, madalas naming
sabihin na ang composting ay isang magandang paraan
para malutas ang problema sa basura. Ang sapat lamang
gawin ay katulungin ang Department of Agriculture upang
maisulong ito at matiyak na makikinabang ang mga
magsasaka. Matapos mabasa ang artiko, napaisip si Kune
at tiningnang muli ang mga bagay na ipagbibili na sana
niya. May ilan sa mga yun na maari pa nilang magamit sa
ibang bagay. Dali-dali niyang ibinukod ang mga iyon at
ibinalik sa loob ng kanilang bahay.
Mga Tanong:
1. Ano ang pamagat ng tekstong inyong binasa?
2. Sino ang nagbabala tungkol sa lumulubhang problema
sa basura?
3. Saang pahayagan nabasa ni Kune ang Editoryal?
4. Bakit kaya magiging malaking problema ang basura sa
Metro Manila kung di ito masusulusyunan?
5. Bakit kaya mas maganda ang composting at recycling
kaysa sa dump, bury, burn bilang solusyon sa pagtatapon
ng basura?
6. Sa paanong paraan mo kaya magagamit ang mga
gulong ng sasakyan ibang paraan?
FILIPINO
6
Mga Uri ng Pamatnubay

A. Kombensyonal o Kabuuurang Pamatnubay Sinasagot nito ang


mga tanong na Ano?, Sino?, Saan?, Kailan?, Bakit? at Paano? Ang
balita ay inilalahad sa baligtad napiramide kung saan ang mga
mahahalaga ay nasa una at pangalawang talata. Karaniwang
ginagamit ito sa tuwirang balita.

B. Makabagong Pamatnubay Ginagamitan ng pangganyak na


panimula ang akda upang akitin ang mambabasang basahin ang
kabuuan nito. Karaniwang ginagamit ito sa pagsulat ng Pabalitang
Lathalain.
Mga Uri ng Kombensyonal na Pamatnubay
1. Pamatnubay na Ano Kung ang pinakatampok sa balita ay ang pangyayari.
Halimbawa: Isang lindol ang yumanig sa lalawigan ng Sorsogon at Masbate
na ikinamatay ng tatlong tao at ikinasira ng mga bahay at gusali kahapon ng
madaling araw.

2. Pamatnubay na Sino
Kung higit na pinakatampok ang tao o organisasyong kasangkot sa pangyayari.
Halimbawa: Binawi ni Nueva Vizcaya Rep. Rodolfo Agbayani, kasapi ng LDP
ang kaniyang pirma sa impeachment complaint na inihain ng oposisyon, kahapon,
matap os itong katayin sa komite.

3. Pamatnubay na Saan Kung higit na mahalaga ang lugar na pinangyarihan


kaysa sa gawain o tao na kasangkot dito. Halimbawa: Sa Naga City ginanap ang
2009 National Schools Press Conference na dinaluhan ng mga batang manunulat
sa buong bansa.
4. Pamatnubay na Kailan Hindi gaanong
gamiting pamatnubay dahil ginagamit
lamang ito kung higit na mahalaga ang petsa
kaysa sa iba pang aspeto ng mga pangyayari.
Halimbawa: Hanggang sa Abril 18 na lamang
ang palugit na ibinigay ng BIR para
sapagababayad ng buwis sa taunang kita.
5. Pamatnubay na Bakit Kung ang dahilan o sanhi ng pangyayari
ang pinakamahalaga. Halimbawa: Upang mapalawak at madaling
maipaabot sa mga mamamayan ang mga serbisyo ng pamahalaan,
inilunsad ng Sangguniang Panlunsod ng Quezon sa pamumuno ni
Mayor Sonny Belmonte ang “City Hall sa Barangay”.

6. Pamatnubay na Paano Kung ang kaparaanan ng pangyayari ang


pinakamabisang anggulo na dapat itampok. Halimbawa:
Nagkunwaring naghahanap ng mapapasukan, isang babae ang
tumangay ng malaking halaga ng salapi at mga alahas ng isang
ginang sa Lunsod ng Baguio, pagkatapos itong tanggapin bilang
katulong.
Mga Estudyante, Nagsisikap sa Pag-aaral sa Kabila ng
Kapansanan
Jose Carretero, ABS-CBN News

Pinatunayan ng ilang estudyante sa Legazpi City na hindi


hadlang ang kanilang kapansanan para magpursige sa pag-aaral.
Kalahating oras umaakyat at bumababa ng bundok ang 20-anyos
na si Adam Andes para mag-aral sa Banquerohan Elementary
School Special Education Center. Sa kabila ng kapansanan,
pursigido siyang makatapos ng pag-aaral. Sabi ni Andes, masaya
siya na nag-aaral. May cerebral palsy naman ang 22-anyos niyang
kaklaseng si Ruben Arevalo. Hirap siyang pumasok sa eskwela lalo
na kapag umuulan. Pero katuwang niya ang kanyang inang
nagtitiyaga para mabigyan siya ng edukasyon. Sabi ni Arevalo,
gusto niyang makapagtrabaho.
Kasama nila sa SPED Center ang iba pang special
students na nais matutong magbasa at magsulat.
Napahanga ang mga guro sa kanilang dedikasyon.
Masaya rin ang SPED dahil mahigit 70 na ang kanilang
estudyante.

Pero may ilang estudyanteng hindi natatapos ang pag-


aaral dahil sa kawalan ng pamasahe lalo na 'yung mga
nakatira sa mga liblib na lugar. Kaya balak mag-fun run
ng mga guro para makalikom ng pondo para sa kanilang
pamasahe. Umaapila rin sila ng tulong para sa mga
special children na determinadong matuto.
1. Sino ang pangunahing tauhan sa balita?
2. Ano ang pinatunayan nila?
3. Saan sila nag-aaral?
4. Ano ang balak ng mga guro upang makalikom ng
pundo?
5. Dapat bang tularan ang mga estudyanteng ito?
Bakit?
6. Paano nila pinapahalagahan ang kanilang pag-aaral?
Ano ang Tekstong pang-impormasyon?
Paano masasagutan nang tama ang mga
tanong tungkol sa mga tekstong ito?
Sa pagpapasya kung aling uri ng kombensyonal
na pamatnubay ang itatampok, dapat munang
alamin ng manunulat kung aling anggulong
balita ang higit na mahalaga. Kapag parehong
matimbang ang Ano at Sino, unang itatampok
ang Sino dahil higit na mahalaga ang tao kaysa
sa mga bagay at pangyayari
. Basahin at sagutin ang mga katanungan sa tekstong ito.

Pitong Simpleng Hakbang upang Maprotektahan ang Sarili at ang Iba Laban sa
COVID-19

Ang coronavirus disease (COVID-19) ay isang nakahahawang sakit na dulot ng


bagong coronavirus. Karamihan sa mga taong magkakaroon ng impeksyon ay
makararanas ng hindi malalang sintomas at gagaling. Ngunit ang iba ay makararanas
ng malubhang sakit, lalo na sa mga matatanda at mga may dati nang karamdaman.
Narito ang ilang mga simpleng hakbang na maaari mong gawin upang maprotektahan
ang kalusugan mo at ng iba. Ang mga payong ito ay maaaring sundin ng lahat, ngunit
napakahalaga ng mga ito kung ikaw ay nakatira sa lugar na may COVID-19. 1.
Hugasan nang madalas ang iyong mga kamay- Ugaliin ang puspusang paglinis ng
mga kamay gamit ang hand sanitizer na may alkohol o hugasan gamit ang sabon at
tubig. Bakit? Lagi nating ginagamit ang ating mga kamay upang hawakan ang mga
bagay na maaaring kontaminado.
Maaaring hindi natin namamalayan na maghawak natin ng ating mukha,
nailipat na ang virus sa mata, ilong at bibig at nahawahan na tayo.
Namamatay ang mga virus na maaaring nasa iyong kontaminadong
kamay, kasama na ang bagong coronavirus, sa pamamagitan ng
paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at tubig o paggamit ng hand
sanitizer na may alkohol.
2. Iwasan ang paghawak sa iyong mata, ilong at bibig- Madalas nating
hinahawakan ang ating kamay nang hindi namamalayan. Maging
mapagmatyag tungkol dito, at iwasan ang paghawak sa iyong mata, ilong
at bibig. Bakit? Maraming hinahawakan ang mga kamay at maaari itong
makakuha ng mga virus. Kapag kontaminado na ang kamay, naililipat
ang virus sa mata, ilong at bibig at maaaring pumasok sa katawan at
magdulot ng sakit.
4. Iwasan ang matatao na lugar at malapit na pakikipagsalamuha sa taong may lagnat o
ubo- Iwasan ang matataong lugar, lalo na kung and iyong edad ay 60 pataas o may dati
nang karamdaman gaya ng altapresyon, diyabetis, sakit sa puso at baga o kanser.
Panatilihin ang hindi bababa sa 1 metrong pagitan mula sa iyo at sa kung sinumang
may lagnat o ubo. Bakit? Pangunahing kumakalat ang COVID-19 sa pamamagitan ng
droplet na lumabas mula sa bibig o ilong kapag umubo o bumahing ang isang tao. Sa
pag-iwas sa mga matataong lugar, nilalayo mo ang iyong sarili (ng hindi bababa sa 1
metro) mula sa mga taong maaaring may COVID-19 o sinumang may iba pang may
sakit.

5. Manatili sa bahay kung ikaw ay may sakit Manatili sa bahay kung ikaw ay may
nararamdamang sakit, kahit sinat at ubo lang. Bakit? Sa pagpanatili sa loob ng bahay at
hindi pagpunta sa trabaho o iba pang lugar, gagaling ka ng mas mabilis at maiiwasan
ang pagkalat ng sakit sa ibang tao.
6. Kung ikaw ay may lagnat, ubo at hirap sa pag-hinga, magpakonsulta agad – ngunit tawagan
mo muna ang health facility Kung ikaw ay may lagnat, ubo at hirap sa pag-hinga, magpakonsulta
ng maaga – kung kakayanin, tumawag muna sa ospital o health center para masabihan ka kung
saan ka pupunta. Bakit? Makatutulong ito upang masiguro na tama ang payong mabibigay sayo,
ikaw ay maituro sa tamang health facility, at maiwasan mong makahawa sa iba.

7. Kumuha ng impormasyon sa mapagkakatiwalaang awtoridad Alamin ang pinakabagong


impormasyon tungkol sa COVID-19 mula sa mapagkakatiwalaang awtoridad. Siguraduhing ang
impormasyon ay mula sa maaasahang mga tagapagsalita – ang Department of Health, World
Health Organization (WHO), o iyong lokal na health worker. Dapat ay alam ng lahat ang
sintomas – sa karamihan ay nagsisimula ang COVID-19 sa lagnat at tuyong ubo. Bakit? Ang
lokal at pambansang awtoridad ang may alam tungkol sa pinakabagong impormasyon kung
kumakalat na ba ang COVID-19 sa iyong lugar. Sila ang mas nakakaalam kung anong tamang
payo na dapat ibigay sa iyong lugar, upang maprotektahan ng mga tao ang kanilang sarili.
1. Ano ang tawag sa isang nakahahawang sakit na dulot ng bagong coronavirus?
2. Karamihan sa mga taong magkakaroon ng impeksyon ay makararanas ng hindi
malalang sintomas at gagaling. Sino ang kadalasang makararanas ng malubhang
sintomas o sakit?
3. Bakit kailangan hugasan nang madalas ang kamay gamit ang sabon at tubig o
alcohol?
4. Ano-anong bahagi ng ating mukha ang kailangan nating iwasang hawakan?
Bakit?
5. Ano ang dapat mong gawin kung umobo ka o bumahing?
6. Dapat umiwas sa matataong lugar, ilang metro dapat ang pagitan mula sa iyo at
sa kung sinumang may lagnat o ubo? Bakit?
7. Paano maiiwasan ang pagkalat ng sakit sa ibang tao?
8. Kanino dapat kumuha ng impormasyon tungkol sa Covid 19?
9-10. Ano-ano ang pitong simpleng hakbang upang maprotektahan ang sarili at ang
iba laban sa COVID-19?

You might also like