You are on page 1of 60

FILIPINO 5

Pagbuo ng mga Tanong D

Matapos Mapakinggan ang A


Y
Isang Salaysay
1
QUARTER 3 WEEK 3
Balik-aral :
Basahin ang mga pangungusap at tukuyin kung
pang-abay o pang-uri ang salitang may
salungguhit
1. Masarap magluto ang aking lola.
2. Masarap ang adobong manok.
3. Magandang sumulat ang aking kaibigan.
4. Maganda si Kathryn.
5. Malinis maglaba ang aming labandera
Ano ang inyong
nabuong larawan ?

Sino sino ang nasa


larawan ?
Ang Aming Simpleng Pamilya

Sa isang maliit na bahay kami nakatira ng aking


nanay at tatay. Ang aking Tatay Rene ay isang
simpleng kawani ng gobyerno. Si Nanay
Marissa naman ay isang komadrona sa maliit na
klinika. Tatlo lamang kami sa aming bahay
pero ang lahat ng mga gawain ay nagiging
madali dahil sa aming pagtutulungan. Kahit
maraming gawain ang aking nanay at tatay sa
kanilang pinapasukang trabaho ay
hindi nila pinapabayaan ang responsibilidad nila
sa aming tahanan. Ang aming hapag kainan ay
napupuno ng tawanan sa pagkukuwentuhan namin
ng mga pangyayari sa buong maghapon. Kapag may
libreng oras at may sobrang pera, namamasyal kami
sa parke na malapit lamang sa aming lugar. Tuwing
Linggo naman ay sama-sama kaming nagsisisimba
at nagdadasal at nagpapasalamat sa Panginoon sa
lahat ng biyayang aming natatanggap sa bawat araw.
Ano ang pamagat ng kuwentong binasa ?
Ano ang trabaho ng tatay at nanay sa
kuwentong binasa ?
Ano ano ang ginagawa ng mag-anak na
magkakasama ?
Ano naman ang ginagawa ng mag-anak tuwing
Linggo ?
Sa pagtatanong, gumagamit tayo ng
pangungusap na patanong. Ang pangungusap
na patanong ay nilalagyan ng tandang
pananong (?) sa hulihan o dulo ng
pangungusap.
Mga salitang ginagamit sa Pagtatanong

Ano - ginagamit sa pagtatanong ng ngalan ng


hayop at bagay katangian, pangyayari at ideya.
Sino / Kanino - ginagamit sa pagtatanong sa
ngalan ng tao
Saan - ginagamit sa pagtatanong o pagtukoy sa
isang lugar.

Kailan- ginagamit para sa pagtatanong ng


panahon, petsa, oras at pangyayari

Bakit - ginagamit sa pagtatanong / naghahanap


ng dahilan
Paano - nagtatanong ng paraan sa paggawa

Ilan- ginagamit sa
pagtatanong sa dami o bilang

Magkano- ginagamit sa pagtatanong tungkol sa


halaga ng pera
Ang inyong mag-anak ay laging
nagtutulungan sa mga gawaing bahay. Anong
katangian ang ipinapakita ng inyong mag-
anak ?
Ang pagtatanong ay isang mabisang paraan
upang maunawaan ang mensahe ng
napakinggang teksto o salaysay. Sa pamamagitan
nito makatitiyak sa impormasyong narinig at
nagiging mas malinaw ang hindi
nauunawaang bahagi ng pahayag ng nagsasalita.
Basahin ang sanaysay. Piliin at salugguhitan ang
angkop na salita upang makabuo ng tanong.
Ang Dakilang Lumpo
Tinawag na “Dakilang Lumpo” si Apolinario
Mabini . Kahit siya may kapansanan , marami
siyang nagawa sa bayan . Nagsilbing utak siya
ng
himagsikan . Iginalang siya ng
mga Amerikano dahil sa angking
talino.Nanungkulan siya bilang tagapayo ni
Pangulong Aguinaldo . Dinakip siya ng mga
kawal –Amerikano at ipinatapon sa Guam .
Noong 1903, namatay siya sa sakit na kolera sa
kaniyang bahay sa Nagtahan , Maynila.
1. (Sino,Paano,Kailan) ang Dakilang Lumpo?
2. (Bakit,Sino,Ano)iginalang siya ng mga
Amerikano ?
3. (Ano,Kanino,Saan) ang naging katungkulan
niya sa himagsikan?
4. (Saan,Sino,Ano)siya pinatapon ng mga
Amerikano?
5. (Kailan,Saan,Sino) siya namatay sa sakit na
kolera sa kaniyang bahay sa Nagtahan ,
Maynila
FILIPINO 5
Pagbuo ng mga Tanong D

Matapos Mapakinggan ang A


Y
Isang Salaysay
2
QUARTER 3 WEEK 3
Balik-aral :

Ano ano ang mga dapat tandaan sa


pagbubuo ng tanong?
Ano ang nasa isip ninyo ang
ganitong larawan ?
Madalas ba kayong magtanong?
Kapag tayo ay nagtatanong ano
ang gusto nating marinig sa
taong pinagtatanungan natin ?
Iba’t ibang uri ng pagtatanong
1. Tanong na ang sagot ay “oo” o “hindi”
2. Tanong na ang sagot ay may dalawang pagpipilian
3. Tanong tungkol sa mga tao, bagay, lugar o
pangyayari
4. Tanong na humihingi ng palagay
5. Tanong na naghahanap ng dahilan
6. Tanong na panimbang
Kahalagahan ng Pagtatanong
Laging tandaan na ang pagtatanong ay
nakatutulong lalo na kung may nais kang
malaman o mabatid. Ang pagtatanong ay isang
mabisang paraan upang maunawaan ang mensahe
ng napakinggang teksto o
salaysay. Sa pamamagitan nito
makatitiyak sa impormasyong narinig at
nagiging mas malinaw ang hindi nauunawaang
bahagi ng pahayag ng nagsasalita.Ang
pagtatanong ay makatutulong sa pagbubuklod ng
mga impormasyon, sa pagsusuri ng mga
nalalamang ideya at sa pagbuo ng mga bagong
ideya o impormasyon.
Pangkatang Gawain: Bigyan ng babasahin ng
mag-aaral at hayaang bumuo ng limang tanong
tungkol dito.

Pagpapakita ng mga nabuong tanong ng mga


mag-aaral tungkol sa binasang salaysay.
Bilang isang mag-aaral anoa no ang mga
dapat tandaan para mabilis makabuo ng mga
katanungan tungkol sa binasang sanaysay ?
Ang pagtatanong ay makatutulong sa
pagbubuklod ng mga impormasyon, sa
pagsusuri ng mga nalalamang ideya at sa
pagbuo ng mga bagong ideya o
impormasyon.
Basahin ang maikling kuwento at bumuo ng
limang tanong tungkol dito
FILIPINO 5
D
Pag-uulat Tungkol sa
A
Napanood/Nabasa Y
3
QUARTER 3 WEEK 3
Balik-aral:

Ano ano ang kahalagahan ng pagtatanong ?

Ano ano ang dapat tandaan sa


pagtatanong ?
Sino sa inyo ang madalas manood ng palabas sa
telebisyon o sa youtube?

Ano ang paboritong ninyong panoorin ?

Kapag bibigyan kayo ng pagkakataon na


ikuwento muli, paano ninyo ito ikukuwento ?
Ang pag-uulat tungkol sa napanood o
nabasa ay isang aralin na susubok kung
gaano natin natatandaan ang mga
mahahalagang detalye sa ating mga
napapanood. Kasama din nito ang
pakikinig ng mabuti upang maiulat natin ng
wasto o tama ang
mga detalye o impormasyon batay sa ating
napanood. Mahalagang maiulat natin nang
wasto ang mga impormasyon o detalye ng
ating napanood o nabasa upang hindi
magkaroon ng problema,
kaguluhan,pagkalito o pagtatalo-talo ang
sinumang
mapagpapasahan o mapagbibigyan ng
impormasyon. Malaking tulong ang
pagtatala sa mga mahahalagang detalye o
impormasyon upang hindi natin ito
makalimutan sa oras na iuulat na natin ito.
Kadalasan, ang mga impormasyon ay
sumasagot sa mga
pangunahing katanungan tulad ng ano, sino,
saan, kailan, bakit at paano. Ang ano ay
tumutukoy sa paksa ng iyong pinanood o
binasa. Ang sino ay
tumutukoy sa tauhan o kung sino ang pinag-
uusapan. Samantalang ang saan ay tumutukoy
sa lugar o mga lugar na pinangyarihan. Kailan
naman ang tanong para sa panahon o kung
kailan ito naganap. Bakit naman para sa
dahilan at paano naman kung nais tukuyin ang
paraan ng pagkakaganap.
Ang mga sumusunod na pormat ay
makatutulong sa mabilis na pagkuha ng mga
detalye o impormasyon na napanood o nabasa
I. Pamagat/Paksa
II. Pook na binanggit
III. Mahahalagang bagay o isyu
1.
2.
3.
IV. Istasyon/Tsanel o Palatuntunan
V. Petsa
VI. Oras
Pangkatang Gawain : Gamit ang pormat na
nasa itaas. Iulat ang mga impormasyon tungkol
sa panonoorin
https://www.youtube.com/watch?v=Y-
izSCnmppM
Pinayagan ka ng iyong mama na manood ng
telebisyon at youtube tuwing wala kang
pasok sa paaralan. Dahil ikaw ay isang bata
ano ang pwede mo lang panoorin ?
Sa pag-uulat mahalaga ang pagtatala ng mga
detalye o impormasyon buhat sa pinapanood o
binabasa natin upang wala tayong makaligtaang
mahahalagang impormasyon na maipapasa o
maibibigay natin sa iba. Kailangan din maging
matalas ang ating pandinig sa panonood at masusi
nating binabasa ang isang salaysay na nais nating
iulat.
Manood o makinig ng balita na kapupulutan ng
kaalaman ng iyong kapwa mag-aaral. Iulat ito
ng simpleng paraan na patalata.
FILIPINO 5
D
Pag-uulat Tungkol sa
A
Napanood/Nabasa Y
4
QUARTER 3 WEEK 3
Balik-aral

Ano ano ang mga dapat tandaan sa pag-


uulat ng napannod o nabasa ?
Sino sa inyo ang may kamag-anak o mga
magulang na nasa ibang bansa ?

Ano ang tawag natin sa kanila?

May mahalaga bang ambag sa ating bansa ang


mga OFW ?
Mga Bagong Bayani ng Lahi

Kamakailan lamang ang ating mga Overseas


Contract Workers (OCW) o Overseas Filipino
Workers (OFW) ay tinagurian ng ating
pamahalaan na mga bayani. Maraming dolyar
ang kanilang dinala sa Pilipinas. Ito ay
nakapagdagdag sa umuunti ng
reserba ng dolyar sa bansa. Malaking tulong ito
sa pag-unlad ng ekonomiya ng ating bansa. Ang
kahirapan at pagtitiis na dinanas nila sa ibang
bansa ay dahilan ng kanilang kabayanihan.
Malungkot ang malayo sa mga mahal sa buhay.
Nakakatakotdin kapag nakatagpo ng among
malupit at nananakit. Sa ganitong sitwasyon,
nanganganib ang buhay ng mga kababayan
nating OFW.Bilang parangal ng ating
pamahalaan sa mga OFW, binalak ng
Kagawaran ng Edukasyon (DEped) na isama sa
Asignaturang Sibika ang pag-aaral tungkol sa
mga bagong bayani mula sa Unang Baitang
hanggang Ikaanim na Baitang. Itatanim sa
isipan ng mga
Kabataang Pilipino ang pagpapakasakit at
pagtulong sa bansa ng mga OFW. Ang layuning
ito ay sinimulan na.
1. Ano ang paksa o pamagat ng balita?
2. Sino-sino ang tinutukoy na bagong bayani ng
lahi?
3. Saan sila tumutungo upang maghanapbuhay?
4. Ano-ano ang kanilang mga nararanasan at
nararamdaman habang malayo sa kanilang mga
mahal sa buhay?
5. Bakit itinuring na bayani ang mga OFW ?
Pangkatang Gawain :Bigyan ng mag-aaral ng
mga babasahin at gamitin ang pormat na napag-
aralan para maiulat ang mga impormasyon
tungkol sa binasa.
Pagpapakita ng natapos na gawin ng mga mag-
aaral

Dapat ba nating pahalagahan ang mga kababayan


nating OFW?
Sa pag-uulat mahalaga ang pagtatala ng mga detalye
o impormasyon buhat sa pinapanood o binabasa natin
upang wala tayong makaligtaang mahahalagang
impormasyon na maipapasa o maibibigay natin sa iba.
Kailangan din maging matalas ang ating pandinig sa
panonood at masusi nating binabasa ang isang
salaysay na nais nating iulat.
Basahin at unawaing mabuti ang salaysay upang
pagkatapos ay masagot ang mga tanong at
maiulat ito nang wasto.
Nasa Huli ang Pagsisisi
Sa isang maliit na dampa nakatira ang mag-anak
ni Mang Gorio at Aling Pacing. Sa kagustuhan
nilang makapag-aral ang kanilang apat na anak ,
namasukan bilang hardinero si Mang Gorio
habang labandera naman si Aling Pacing. Hindi
alintana ng
asawa ang pagod at hirap, maitaguyod lang ang
pangangailangan ng kanilang pamilya.Sabado
noon, nagdiriwang ng kaarawan ang kanilang
kapitbahay nagkataong walang pasok sina Mang
Gorio at Aling Pacing. Hindi nakaiwas si Mang
Gorio sa tawag ng mga nag-iinuman. “Happy-
happy lang ng konti kuya” ang alok ni Ramon.
Ang konti ay
umabot sa pagiwang-giwang na paglalakad ng
mga nagkakatuwaang magkakapitbahay. Nagulat
ang lahat nang biglang may sumabog at
nagkaroon ng malaking sunog. Walang nagawa si
Mang Gorio kundi ang sabihing “kung alam ko
lang, kahit damit man lang sana naming ay may
nailigtas ako”.
1.Ano ang hanapbuhay nila Mang Gorio at Aling
Pacing?
2. Saan nakatira ang mag-anak?
3. Ilan ang anak ng mag-asawa ?

You might also like