You are on page 1of 78

Unang Markahan sa Filipino VI

Pakikinig
Day 1

I. Layunin

Naitatala ang mga panuto o direksyong napakinggan.

II. Paksang Aralin

Pagtatala ng mga panuto o direksyong napakinggan.

III. Sanggunian

Landas sa Wika 6 pp 125-130

Pagpapahalaga: Pagsunod sa panuto

Kagamitan: Tsart sa pagsasanay, resipi

IV. Pamamaraan

A. Pagganyak

(Tanungin ang bata kung marunong silang magluto.) Anu-ano ang inyong mga niluluto? Paano ang
tamang paraan sa pagluluto nito?

B. Paghawan ng Balakid

Hanapin sa Hanay B ang kasingkahulugan sa Hanay A. Pagkatapos gamitin ito sa pangungusap.

1. abono a. kalat

2. ihalo b. buhusan ng tubig

3. diligan c. dumikit

4. basura d. pataba

5. kumapit e. isama

C. Pagganyak na tanong

Anu-ano ang dapat nating tandaan sa pagbibigay direksyon o panuto?


D. Pamantayan sa pakikinig

(Ang mga mag-aaral ay magbibigay ng mga pamantayan sa pakikinig.)

E. Pakikinig sa kwento

(Babasahin ng guro ang panuto sa paggawa ng pataba o abono sa halaman. Landas sa Wika p. 126)

F. Pagsagot sa Pagganyak na Tanong at iba pang mapanuring tanong nito

1. Anu-ano ang dapat nating tandaan sa pagbibigay direksyon o panuto?

2. Tungkol saan ang direksyon o panutong iyong napakinggan?

3. Anu-ano ang tamang paraan sa paggawa ng pataba o abono sa halaman?

4. Malinaw ba ang direksyon? Ipaliwanag.

5. Kaya mo bang sundan ang panuto binigay?

G. Pagsasanay

Hatiin ang klase sa limang pangkat. Ang bawat pangkat ay itatala ang direksyon o panuto para sa
sumusunod.

Pangkat 1: Pagluluto ng adobo.

Pangkat 2: Gagawin kapag may sunog.

Pangkat 3: Pagtawid sa daan.

Pangkat 4: Paggawa ng upuan.

Pangkat 5: Pagtatapon ng basura.

H. Paglalahat

Paano mo itinatala ang mga panuto o direksyon?

V. Pagtataya

Sumulat ng limang angkop na panuto sa tamang paraan ng pagtatanim ng halaman.

VI. Takdang Aralin


Maghanap ng resipi ng mga pagkaing Pinoy at itala ang panuto sa pagluluto nito.

Day 2

I. Layunin

Natutukoy ang mga saloobin at damdamin ipinahahayag ng kalagayan.

II. Paksang Aralin

Pagtukoy ng saloobin at damdamin ipinahahayag ng kalagayan.

III. Sanggunian

Filipino: Pagbasa sa ating Panahon 6 pp.207-210

Pagpapahalaga: Pagsunod sa panuto

Kagamitan: Tsart sa pagsasanay, larawan

IV. Pamamaraan

.A. Pagganyak

(Magpakita at tukuyin ang larawan ng mga iba’t ibang kapistahan sa Pilipinas)

Sa paanong paraan ipinagdiriwang ang mga kapistahan sa Pilipinas?

B. Paghawan ng Balakid

Isulat sa patlang ang titik ng salitang tinutukoy sa bawat bilang.

____ 1. isang pagdiriwang a. tinugis

____ 2. hinabol upang madakip b. inukit

____3. putulan ng ulo c. pugutan

____4. katulad o kamukha d. kaparis

____ 5. kawal na Romano e. senturyon

f. Moriones

C. Pagganyak na tanong

Bakit natatangi ang pagdiriwang Moriones?

D. Pamantayan sa pakikinig
(Ang mga mag-aaral ay magbibigay ng mga pamantayan sa pakikinig.)

E. Pakikinig sa kwento

(Babasahin ng guro ang “Moriones” mula sa Filipino: Pagbasa sa ating Panahon pp. 201-203.)

F. Pagsagot sa Pagganyak na Tanong at iba pang mapanuring tanong nito

1. Bakit natatangi ang pagdiriwang Moriones?

2. Ano ang napansin ni Edwin? Bakit siya nagtaka?

3. Ano ang morion? ang Moriones?

4. Ano ang kasaysayan sa likod ng pagdiriwang ng Moriones?

5. Sino si Longhino?

6. Paano ipinagdiriwang ang Moriones sa Marinduque?

7. Bakit sinibat ni Longhino sa tagiliran si Hesus?

8. Anong saloobin naramdaman ni Edwin ng malaman niya ang kasaysayan ng Moriones?

G. Pagsasanay

Pagsasadula: Isadula ang bunga ng pangyayari sa kwento. Tukuyin ang damdamin ipinapahiwatig dito.
Gawing batayan ang Filipino< Pagbasa sa ating Panahon 6 pp. 204-205.

H. Paglalahat

Anu-ano ang mga damdaming ipinapahayag ng isang tao o tauhan?

V. Pagtataya

Sagutan ang Pag-aralan sa Filipino: Pag-basa sa ating Panahon 6 pp.204-205

VI. Takdang Aralin

Ano ang pakiramdam na nasa ika-anim na baitang ka na? Ipaliwanag.


Day 3

I. Layunin

Naisasalaysay ayon sa wastong pagkakasunod-sunod ang mga mahahalagang pangyayari ng kuwentong


napakinggan.

II. Paksang Aralin

Pagsalaysay ayon sa wastong pagkakasunod-sunod ang mga mahahalagang pangyayari ng kuwentong


napakinggan.

III. Sanggunian

Landas sa Pagbasa 6 pp. 102-108

Gintong Aklat sa Pagbasa 6 pp 37-42

Pagpapahalaga:

Kagamitan:

IV. Pamamaraan

A. Pagganyak

Naalala mo pa ba ang mga karanasan mo noong ikaw ay musmos pa?

B. Paghawan ng Balakid

B.1. Alamin ang kahulugan ng mga salita:

1. dantaon- sentenaryo o isang daang taon.

2. baul – isang yari sa kahoy na kahon o lalagyan ng mga gamit o damit.

3. gora- isang uri ng kasuotan sa ulo na yari sa tela o balat.

4. beterano - mga naging kawal o sundalo ng digmaan.

5. medalya- isang uri ng gawad na yari sa ginto, pilak, o tanso bilang parangal sa nagawang kabutihan.

B.2 Gamitin ang mga salitang natutuhan na nasa gawing itaas sa mga pangungusap sa talatang ito.

Nagdiwang ang Pilipinas ng isang _________ kalayaan noong Hunyo 12, 1988. Ang mga ____ ay
lumahok sa parade. Suot nila ang mga _____ ipinagkaloob sa kanila bilang parangal sa kanilang
katapangan. Ang ibang mga medalya ay nakasabit sa kanilang mga _______. Lahat ng kanilang gamit ay
nakatago sa isang ______.

C. Pagganyak na tanong

Ano sa mga pangyayari sa buhay ng isang beterano ang kanyang inalala?

D. Pamantayan sa pakikinig

(Magbibigay ang mga bata ng pamantayan sa pakikinig)

E. Pakikinig sa kwento

F. Pagsagot sa Pagganyak na Tanong at iba pang mapanuring tanong

1. Ano sa mga pangyayari sa buhay ng isang beterano ang kanyang inalala?

2. Bakit umuwi sa Pilipinas si Lolo Godo?

3. Anu-anong mga kaugaliang Pilipino ang nanatili sa pamilya ni Lolo Godo kahit nasa ibang bansa na
sila?

4. Anu-anong mga bagay ang nakatago sa baul na nagpapalaala sa kanyang pagiging kawal?

5. Bakit nagkakaroon ng hangarin si Aldo na maging sundalo?

6.Ikaw, ninanais mo bang maging kawal? Sa pagiging kawal, paano mo maipakikita ang pagmamahal sa
bayan?

G. Pagsasanay

Lagyan ng bilang (1-5) ang patlang ayon sa wastong pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa kwento
ayon sa panahon na may flashback.

Panahon Buhay Sundalo ni Lolo Godo

H. Paglalahat

Anu-ano ang dapat tandaan sa pagsunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento?

V. Pagtataya

Basahin ang maikling kwento pagkatapos, lagyan ng bilang ang mga pangyayari ng wastong
pagkakasunud-sunod ayon sa panahon na may flashback.
VI. Takdang Aralin

Gumupit o gumuhit ng larawan ng yugto ng buhay. Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari.

Day 4

I. Layunin

Natutukoy ang mga pangunahing ideya na nasa balita/ulat/ seleksyon o isyung narinig

II. Paksang Aralin

Pagtukoy ng mga pangunahing ideya na nasa balita/ulat/panayam o isyung narinig

III. Sanggunian

SIGAY 6 pp. 34-37 at 259-264

Pagpapahalaga:

Kagamitan: Kaligtasan tungkol sa kalusugan

IV. Pamamaraan

.A. Pagganyak

(Magpakita ng iba’t ibang produkto tulad ng pampaputi at pampaganda)

Sa tingin niyo, ligtas bang gamitin ang mga produktong ito sa ating kalusuagan? Paano mo
maprrprotekhan ang iyong sarili sa mga ganitong produkto?

B. Paghawan ng Balakid

licorice – katutubong halaman na matatagpuan sa China at Europe

epektibo – mabisa at garantiyado

espeyalista – mga taong may sapat na kaalaman

C. Pagganyak na tanong

Gaano kaligtas gamitin ang licorice bilang pampaputi?

D. Pamantayan sa pakikinig

(Ang mga mag-aaral ay magbibigay ng mga pamantayan sa pakikinig.)


E. Pakikinig sa kwento

(Babasahin ng guro ang ulat tungkol sa kalusugan sa Sihay 6 p. 34)

F. Pagsagot sa Pagganyak na Tanong at iba pang mapanuring tanong nito

1. Gaano kaligtas gamitin ang licorice bilang pampaputi?

2. Ano ang pangunahing diwa ng ulat na ito?

3. Paano mo nasabing ito na ang pangunahing diwa ng ulat?

4. Saang bahagi ng ulat ito matatagpuan

ISAISIP

Ang pangunahing diwa ng isang balita/ulat ay ang pinakamahalagang bahagi ng iyong napakinggan.
Kalimitang ito’y matatagpuan sa kauna-unahang bahagi ng ulat sapagkat gaya nga ng nabanggit, ito ang
pinakaimportanteng laman ng balitang mapapakinggan, o ang pinakatampok na detalye sa lahat. Ang
mga kaugnay na detalye ay pansuporta lamang sa ulat. Kalimitang sinasagot ng balita ang tanong na
“Ano?” at “Tungkol Saan?”. Ang mga katanungan tulad ng “Bakit? at “Paano?” ay kalimitang mga
pantulong na detalye lamang.

Gayundin, ang pangunahing diwa o ideya ng isang seleksyon ang siyang nagsasaad ng
pinakamahalagang kaisipan ng binasa. Ang mga kaugnay o pantulong na ideya ay pawang ideyang
sumusuporta lamang sa pangunahing ideya.

Sa pangunahing ideya umiikot ang isang paksa.

Mahalanggang mapakinggan mabuti ang simula ng balita/ulat upang magkaroon ng ideya tungkol sa
magiging daloy ng iyong pinakikinggan. Kapag narinig mo na ang pangunahing diwa ng balita malalaman
mo na rin kung magpapatuloy ka pa o hindi na sa iyong pakikinig.

G. Pagsasanay

Nasa ibaba ang isang maikli teksto o isyu. Pagkatapos ay sagutin ang mga katanungan?

Ang ating mga kaugalian at tradisyon ay salamin ng ating identidad bilang Pilipino. Nauunawaan natin
ang kahalagahan ng mga ito, ngunit ang ilang pagbabago sa mga ito ay makakaapekto rin sa atin.

1. Ano ang pangunahing ideya ng sumulat?

a. Ang ilang pagbabago ay nakakaapekto sa atin.

b. Mahalaga sa ating mga kaugalian at tradisyon.

c. Hindi natin maiiwasan ang pagbabago.


2. Paano mo nasabing ito na ang pangunahing diwa ng teksto o isyu?

a. Ito ang pinakamahalagang kaisipan.

b. Ito ay nagpapahayag ng buod ng teksto.

c. Ito ay nagpapakita ng kawilihan.

3. Saan bahagi ng teksto mo ito matatagpuan?

a. unang bahagi b. ikalawang bahagi c. huling bahagi

4. Ang salitang nauunawaan ay nangangahulugan na alam nating lahat na mahalaga ang mga kaugalian
at tradisyon bilang salamin n gating identidad, kaya ang sumulat ay:

a. hindi na magbibigay pa ng maraming detalye ukol dito.

b. maglalahad pa ng detalye bilang patunay ditto.

c. magbibigay ng kanyang inaakalang angkop ng pangwakas sa seleksyon.

H. Paglalahat

Ano ang pangunahing diwa?

Paano matutukoy ang pangunahing diwa sa balita o seleksyon?

V. Pagtataya

Pakinggan mabuti ang ulat tungkol sa “Mga Pangungunahing Pangangailangan” at sagutin ang
pagsasanay kaugnay nito.

1. Ano ang pangunahing ideya ng ulat?

a. mailahad ang dalawang pangunahing pangangailangan ng tao

b. humikayat na magtipid ang tao

c. maipakita ang suliranin sa kahirapan.

2. Ano ang pangunahing kaisipang isinasaad sa unang talata?

a. Pangangailang upang maging masaya

b. needs for personal growth and enhancement

c. dalawang uri ng pangangailan ng tao

3. Ano naman ang pangunahing kaisipan isinasaad sa huling talata.


a. Pagtugon sa pang-araw-araw na pangangailangan

b. Hindi nauubusan pangangailangan ng tao

c. Inaalala kung paano mabubuhay ang tao

4. Sa anong bilang ng talata matatagpuan ang sumusunod na kaisipan?

____ a. katuturan ng basic basic needs

____b. dalawang pangunahing pangangailangan ng tao

____c. halaga kailangan ng isang pamilya para sa pagkain sa isang araw

VI. Takdang Aralin

Gumupit ng editorial sa dyaryo tukuyin ang pangunahing kaisipan nito.

Day 5

I. Layunin

Naibibigay ang paksa at pangunahing kaisipan ng tula/kwento/ impormasyong narinig

II. Paksang Aralin

Pagbibigay ng paksa at pangunahing kaisipan ng tula/kwento/ impormasyong narinig

III. Sanggunian

Gintong Aklat sa Pagbasa 6 pp. 59-64

Landas sa Pagbasa 6 p. 28-29

Pagpapahalaga:

Kagamitan:

IV. Pamamaraan

.A. Pagganyak

Paano mo ilalarawan ang iyong daigdig?

B. Paghawan ng Balakid

luntian – kulay berde


busilak – puro at dalisay

naglaho – nawala

karikitan – kagandaha

kinagisnan - kinamulatan

C. Pagganyak na tanong

Alam ko Na Gusto kong Malaman Nalaman Ko

D. Pamantayan sa pakikinig

(Ang mga mag-aaral ay magbibigay ng mga pamantayan sa pakikinig.)

E. Pakikinig sa kwento

(Babasahin ng guro ang “Ito ang Daigdig” sa Gintong Aklat sa Pagbasa 6 pp. 59-60)

F. Pagsagot sa Pagganyak na Tanong at iba pang mapanuring tanong nito

1. Bakit inihahambing sa paraiso ang ating daigdig?


2. Anu-ano ang mga hiwagang bumabalot sa kapaligiran?

3. Bakit sinasabing nangupas na ang alindog ng daigdig?

4. Sino ang masisi sa pagkasira ng daigdig?

5. Paano natin mapapanumbalik ang kariktan ng ating daigdig?

6. Ano ang pangunahing diwa ng tula?

G. Pagsasanay

Hatiin ang klase sa limang pangkat. Ang bawat pangkat ay ibibigay ang pangunahing diwa ng talata.

Pangkat 1: Mahal na Birhen ng Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay

Pangkat 2: San Martin

Pangkat 3: Mahal na birhen de los Dolores

Pangkat 4: Moriones

Pangkat 5: Ati-atihan
H. Paglalahat

Paano naibibigay ang pangunahing diwa o ideya?

V. Pagtataya

Ibigay ang pangunahing diwa ng mga sumusunod.

1. Ang niyog ay napagkukunan ng maraming bagay na kailangan ng tao. Panggatong ang tuyong ugat ng
niyog. Haligi naman ang puno nito. Masusustansya ang sabaw ng niyog samantalang maraming gamit
ang laman nito. Ang walis tingting ay buhat sa dahon ng niyog. Kataka-taka bang tawaging puno ng
buhay ang niyog?

Pangunahing diwa:___________________________________________________________________

2. Nabigla ang mga mamamayan sa pagsalpok ng malalaki at matataas na alon sa maliit na dampa.
Tuloy-tuloy ang pagdaloy ng tubig mula sa kabundukan. Wala na ang malalaking puno na dati’y pumipigil
pa sa pagdaloy ng tubig. Maraming buhay ang nasawi at nawalan ng tahanan.

Pangunahing Diwa: ___________________________________________________________________

3. Madalas bumaha sa Barangay 248. Sampaloc, Maynila. Bago sumapit ang tag-ulan nilinis ng mga taga-
barangay ang estero na punung-puno ng basura. Mahigpit na pinagbabawal ng kapitan ang pagtatapon
ng basura sa estero. Di na naulit ang pagbaha kahit malakas ang ulan.

Pangunahing Diwa: ___________________________________________________________________

4. Maraming mag-aaral ang lumiliban sa Paaralang Bagong Ilog. Halos araw-araw ay may batang
dinadala sa klinika dahil masakit ang tiyan. Nabahala ang punong-guro at mga guro. Ipinasuri nila ang
tubig sa kanilang paaralan. Natuklasang marami palang mikrobyo ang tubig na nagbibigay ng sakit sa
mga mag-aaral. Ipinaayos ang mga tubo ng tubig. Malinis na ang tubig na dumadaloy sa gripo. Wala
nang batang magkakasakit?

Pangunahing diwa:___________________________________________________________________

5. Isang umaga, hindi halos makahinga ang buong nayon dahil sa masamang amoy na nalalanghap sa
paligid. Ang mga bata ay inuubo. Nag-imbestiga ang mga taga-DENR. Ang polusyon pala sa hangin ay
nagbubuhat sa planta ng alcohol. Ipinasara ang planta. Nawala ang masamang amoy na nalalanghap ng
mga taga nayon.

Pangunahing diwa:________________________________________________________________

VI. Takdang Aralin

Sumulat ng maikling talata tungkol sa iyong pamayanan. Ibigay ang pangunahing diwa nito.
Day 6

I. Layunin

Nahuhulaan kung ano ang susunod na pangyayari mula sa tekstong narinig.

II. Paksang Aralin

Paghula kung ano ang susunod na pangyayari mula sa tekstong narinig

III. Sanggunian

Gintong Aklat sa Pagbasa 165-170

Sihay 6 pp. 298-301

Pagpapahalaga: Pananampalataya sa Diyos

Kagamitan: tsart, larawan

IV. Pamamaraan

.A. Pagganyak

(larawan ng iba’t ibang pananampalataya ng mga relihiyon) Paano nila ipinakikita ang pananampalataya
sa Diyos?

B. Paghawan ng Balakid

Larong Bingo

Itala ang mga salitang magkakaugnay sa loob ng kahon. Isulat ang bilang ng dalawang salitang
magkaugnay sa mga kahon sa ilalim ng B kung ang ugnayan ng mga ito ay bahagi, sa G kung gamit at L
kung lokasyon.

B G L

BONUS
1. rehas-kulungan 5. lungsod – Europa

2. ginto – idolo 6. Diyos – langit

3. hari – palasyo 7. paa –kamay

4. trumpeta - tugtog

C. Pagganyak na tanong

Bakit kaya sinuway nila ang utos ng hari?

D. Pamantayan sa pakikinig

(Ang mga mag-aaral ay magbibigay ng mga pamantayan sa pakikinig.)

E. Pakikinig sa kwento

(Babasahin ng guro ang kwentong “Matatag na Paninindigan” sa Gintong Aklat sa Pagbasa 6 pp 165-167)

F. Pagsagot sa Pagganyak na Tanong at iba pang mapanuring tanong nito.

1. Bakit kaya sinuway nila ang utos ng hari?

2. Sinu-sino ang mga pangunahing tauhan sa kwento?

3. Ano ang kaparasuhan ng tatlong binata sa hindi nila pagsunod s autos?

4. Natupad ba ang kaparusuhan? Bakit?

5. Makatwiran ba ang kaparusahang ipinataw ng hari sa tatlong binata? Ipaliwanag ang iyong panig?

6. Paano nagwakas ang kwento?

7. Sa iyong palagay, bakit nanginigbabaw ang kabutihan sa wakas ng kwento?

8. Sa iyong palagay, ano kaya ang maaaring kalalabasan ng kuwento kung magbabago ang pananaw ng
mga tauhan.

9. Hulaan kung ano ang maaaring pangyayari sa mga sumusunod

a. Ano kaya ang maangyayari kung pinalayas ng hari ang tatlong binata?
b. Ano kaya ang kalalabasan ng kuwento kung sumusunod ang tatlong binata s autos ng hari?

G. Pagsasanay

Hatiin ang klase sa limang pangkat. Pakinggan ang kwento tungkol sa “Alamat ng Uwak”. Pagkatapos,
magbigay ng palagay tungkol sa maaaring kalabasan ng kuwento kung may pagbabagong gagawin sa
pananaw ng tauhan.

Pangkat 1 – Kung hindi kumain ng hayop ang uwak.

Pangkat 2 – Kung naging masunurin ang kampon ni Pluto.

Pangkat 3 – Kung bumalik kaagad si Uwak sa palasyo.

Pangkat 4 – Kung nakipag-usap si Neptuno sa kaibigan.

Pangkat 5 – Kung hindi pinaghatian ng magkakaibigan ang dagat at lupa.

H. Paglalahat

Paano mo hinuhulaan ang mga maaaring kalabasan ng pangyayari sa kwento?

* Ang kalalabasan ng kwento ay kadalasang nababatay sa katangian o pananaw ng mga pangunahing


tauhan. Ang kalalabasan ng kuwento ay maganda kung ang mga pangunahing tauhan ay nagpapamalas
ng kagandahang asal o kabutihang loob. Subalit ang kasamaan o kalupitan ay nagwawakas sa
kapahamakan o malagim na wakas.

V. Pagtataya

Pakinggan ang maikling kwento. Sagutin ang mga sumusunod na katanungan pagkatapos. Gawing
batayan ang kwentong “Mga Bayani ng Kagubatan” sa Sihay 6. p 300

Sa iyong palagay, ano ang magiging wakas ng kwentong ito kung

1. makikinig ang Haring Leon sa pakiusap ng bata?


2. hindi madala sa pakiusap ng bata ang Haring Leon?

3. kung hindi pumayag ang bata na makiusap kay Haring Leon?

VI. Takdang Aralin

Isulat ang sariling palagay sa mga maaaring maging pagbabago sa pananaw ng tauhan.

Laging mainitin ang ulo ng kuya ni Noel. Konting bagay lamang ay nagagalit na ito. Dahil dito, pati si
Noel ay naapektuhan. Takot na takot siyang nakagawa ng anumang bagay na makasisira sa “mood” ng
kanyang kuya. Isang araw, biglang umuwi ang kanyang kuya galing sa opisinang pinagtratrabuahn nito.
Masayang masaya ito dahil na-promote daw ito sa trabaho. Dahil kailangang iwasan niyang maging
mainitin ang ulo, handa na raw itong magbago. Ano, sa iyong palagay, ang magiging epekto nit okay
Noel?

_____________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

Pagbasa
Day 1

I. Layunin

Nakasusunod nang wasto sa panuto o direksyon.

II. Paksang Aralin

Pagsunod sa panuto o direksyon.

III. Sanggunian

Landas sa Wika 6 pp.120-124

Gintong Aklat sa Pagbasa 6 223-227

Pagpapahalaga: Pagsunod sa Panuto

Kagamitan: tsart sa pagsasanay

IV. Pamamaraan
.A. Pagganyak

(Turuan ang mga bata sa paggawa ng bangkang papel habang sinusundan ang panutong iyong ibibigay.)
Nakasunod ka ba sa panuto? Anu-ano ang ginawa mo habang sinusundan ang panuto.

B. Paghawan ng Balakid

Ipapabasa ng guro sa mga mag-aaral ang mga salita. Magtatanong ang guro kung sino sa mga mag-
aaral ang nakakaalam ng kahulugan ng bawat salita. Kung naibigay na ng mga bata ang kahulugan ng
mga salita. Tatawag ang guro ng mag-aaral upang gamitin ito sa pangungusap.

C. Pagganyak na tanong

Nasunod kaya ng mag-aaral ang panuto o bilin sa kanila?

D. Pamantayan sa pagbabasa

(Ang mga mag-aaral ay magbibigay ng mga pamantayan sa pakikinig.)

E. Pagbasa sa dayalogo

Basahin ang Usapan 2 sa Landas sa Wika 6 pp. 121-122.

F. Pagsagot sa Pagganyak na Tanong at iba pang mapanuring tanong

1. Nasunod kaya ng mag-aaral ang panuto o bilin sa kanila?

2. Paano nila ito sinunod?

3. Bakit mahalagang malinaw at nauunawaan ang panutong ibinigay?

4. Paano ito magiging epektibo sa mga tagasunod?

5. Ano ang dapat tandaan sa pagsunod sa panuto?

G. Pagsasanay

Gawain 1: (Maglaro tayo)

UTOS NI PEDRO

Pumili ng tagabigay ng utos (It) at mga dalawang bata ng tagahuli ng hindi sumusunod s autos.
Kailangang simulan ng “It” ang utos sa pagsasabi ng “Utos ni Pedro, (itaas ang isang paa).” Kapag wala
ang bahaging “utos ni Pedro…” hindi dapat sundin ang utos. Ang mahuling magsasagawa ng ganitong
utos ay parurusahan o siyang magiging “It” sa susunod.
Gawain 2

Basahin ang mga panuto sa larong Kadang-Kadang. Pagkatapos, isagawa ito sa klase. (Landas sa Wika 6
pp. 122-123)

H. Paglalahat

Anu-ano ang dapat gawin sa pagsunod sa direksyon o panuto?

V. Pagtataya

Paraan sa paggawa ng Papier Mache

1. Kumuha ng tatlong pahina ng malaking peryodiko at balumbunin ang mga ito.

2. Iporma sa anyong hayop. Talian ang mga bahagi ng katawan upang hindi magkahiwalay-hiwalay.

3. Pilasin ang lumang peryodiko sa makikitid at mahahabang piraso.

4. Pahiran ang mga ito ng pandikit na gawa sa gewgaw at ipalupot sa katawan nito.

5. Ilagay sa isang tabi hanggang sa matuyo. Mga dalawa o tatlong araw ang kailangan upang matuyong
mabuti ang papier mache.

6. Pagkatuyo pintahan ito.

7. Lagyan ng shelak upang kumintab at mapreserba ang pintura.

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Alin sa mga ito ang binabalumbon sa paggawa ng papier mache?

a. peryodiko b. lapis c. pandikit d. pintura

2. Pagkatapos iporma sa anyong hayop, ano ang dapat gawin sa bahagi ng katawan nito?

a. sulatan b. dikitan c. taliand. itapon

3. Ano ang maaaring ipandikt sa katawan nito?

a. gawgaw b. semento c. kanin d. tubig

4. Ilang araw kailangan matuyong mabuti ang papier mache?

a. sampung araw b. dalawang lingo c. dalawang buwan d. tatlong araw

5. Bakit kailangan lagyan ng shelak?

a. upang matuyong mabuti c. upang tumagal


b. upang kumintab d. upang tumigas

VI. Kasunduan:

Gumawa ng isang proyekto tulad ng paggawa ng basurahan o kandila.

Day 2

I. Layunin

Nailalarawan ang katangian ng tauhan batay sa pananalita o pagkilos isinasaad sa kwento.

II. Paksang Aralin

Paglalarawan ng katangian ng tauhan batay sa pagkilos na isinasaad sa kwento.

III. Sanggunian

Gintong Aklat sa Pagbasa 6 pp 25-30

Pagpapahalaga: Pagkilala sa kabayanihan

Kagamitan: tsart sa pagsasanay, web diagram, larawan

IV. Pamamaraan

.A. Pagganyak

(Magpakita ng mga larawan ng mga bayani) Anu-ano ang naging ambag ng mga bayaning ito sa ating
bansa?

B. Paghawan ng Balakid

Ipapabasa ng guro sa mga mag-aaral ang mga salita. Magtatanong ang guro kung sino sa mga mag-
aaral ang nakakaalam ng kahulugan ng bawat salita. Kung naibigay na ng mga bata ang kahulugan ng
mga salita. Tatawag ang guro ng mag-aaral upang gamitin ito sa pangungusap.

KAPUSPALAD SUMAPI BINAWIAN HALIGI NG TAHANAN

C. Pagganyak na tanong

Sino si Trinidad Tecson?


D. Pamantayan sa pagbabasa

(Ang mga mag-aaral ay magbibigay ng mga pamantayan sa pakikinig.)

E. Pagbasa sa dayalogo

Basahin ang Usapan 2 sa Landas sa Wika 6 pp. 121-122.

F. Pagsagot sa Pagganyak na Tanong at iba pang mapanuring tanong

a. Pagsagot sa mga Tanong

1. Sino si Trinidad Tecson?

2. Bakit siya tinaguriang Ina ng Biak na bato?

3. Bakit hindi nakatapos ng pag-aaral si Trining?

4. Paano niya ipinakikita ang pagmamahal sa bayan?

5. Paano siya nakatakas sa mga kalaban?

6. Batay sa mga ikinilos ni Trining, ano ang mga salita ang naglalarawan sa kanyang katangian?

7. Kung ikaw si Trinidad Tecson gagawin mo ba ang kanyang ginawa? Anong katangian niya ang ibig
mong tularan? Bakit?

b. Paglalarawan ng Katangian batay sa Pagkilos na Isinasaad sa Kwento

(Gumamit ng web diagram) Gintong Aklat 6 p. 29

G. Pagsasanay

Gawain< Pantomine

Ang bawat grupo ay magpapahula sa pamamagitan ng pantomime kung saan tutukuyin ng ibang mag-
aaral ang katangian na isinasaad ng aktor batay sa kanyang kilos.

PLuma p. 28

H. Paglalahat

Paano natin makikilala ang katangian ng tao o tauhan sa kwento?

V. Pagtataya

Sagutin ang Titik B sa Gintong Aklat 6 p 30.

VI. Takdang Aralin


Sa pamamagitan ng balangkas sa ibaba, pumili ng tatlong kamag-aaral mo at isulat sa balangkas ang
kanilang katangian at ang nadarama mo sa kanila.

_Sarah______ _____________ ______________ _______________

(kamag-aaral)

mapagbigay

(katangian)

kinagigiliwan

(nadarama ko)

Day 3

I. Layunin

Natutukoy ang salitang ugat at panlaping gamit ng salita.

II. Paksang Aralin

Salitang ugat at Panlaping gamit ng Salita

III. Sanggunian

Landas sa Pagbasa 6 pp. 17 at 178-184

Pagpapahalaga:

Kagamitan:

IV. Pamamaraan

.A. Pagganyak

Ano ang nararamdaman mo kapag may alitan ang mga kasama mo sa bahay?

Naaapektuhan ka ba o hindi mo na lang ito pinapansin?

May ginagawa ka ba para maayos ang sigalot?


B. Paghawan ng Balakid

magkibuan – maagpansinan

iniabot – ibinigay

nakalimutan – hindi maalala

nagkabistuhan – nagkaalaman

C. Pagganyak na tanong

Ano ang ginawa ng bata upang magkasundo ang kanyang magulang na nagtatampuhan?

D. Pamantayan sa pakikinig

(Ang mga mag-aaral ay magbibigay ng mga pamantayan sa pakikinig.)

E. Pagbas sa kwento

(Babasahin ng bata ang “Nanay, Tatay, Happy Valentine!)

F. Pagsagot sa Pagganyak na Tanong at iba pang mapanuring tanong nito

1.Ano-anong pagbabago sa kilos ang napansin ng nagsasalaysay sa kaniyang nanay at tatay?

2. Bakit ayaw ng nagsasalaysay na magkagalit ang kaniyang nanay at tatay sa pagkakataong iyon?

3. Anu-anong karanasan ng nagdaang taon ang nagugunita ng nagsasalaysay?

4. Ano ang ginawa ng nagsasalaysay nang gabing iyon?

5. Ang anak nga ba ang matibay na bigkis ng pagmamahalan sa loob ng tahanan? Ipaliwanag.

G. Pagsasanay

Ang panlapi ay titik o mga titik na ikinakabit sa salitang-ugat upang makabuo ng isang salita.

Salitang-ugat Panlapi Nabuong Salita

liit ma- maliit

-um- lumiit

pa-… -an paliitan

nag-… -an nagliitan

URI NG PANLAPI
UNLAPI – kapag sa unahan ng salitang-ugat ikinakabit ang panlapi

Halimbawa: mag- + tipid = magtipid pang- + bukas = pangbukas = pambukas

pang- + sulat = pangsulat = pansulat nag-+ lakad = naglakad

GITLAPI – sa gitna ng salitang-ugat ikinakabit ang gitlapi.

Halimbawa: -in- + mahal = minahal -in- + sunod = sinunod

HULAPI – kapag ang hulihan ng salitang-ugat ikinabit ang panlapi

Halimbawa: -an + alaga = alagaan -an+laro = laruan

KABILAAN – kapag sa unahan at hulihan ng salitang-ugat ikinakabit ang panlapi.

Halimbawa: pag- , -an + salo = pagsaluhan pag-, -in-, -an + sabi = pinagsabihan

LAGUHAN – sa unahan, gitna, at hulihan ng salitang ugat ikinakabit ang panlapi.

Halimbawa: mag-, -in-, -an + gata = magginataan pag-,-um-;;;;,-;an + sikap = pagsumikapan

Narito ang ilan sa mga salitang ginamit sa kuwento. Suriin ang salitang-ugat at ang panlaping ginamit sa
bawat salita. Isulat ang iyong mga sagot.

Salitang-ugat Panlapi

1. kakaiba ____________ ______________

2. nagaganap ____________ _______________

3. madalas ____________ _______________

4. nagkikibuan ___________ _______________

5. magkasabay ____________ ______________

6. ikinukwento ____________ _______________

7. magmahalan ___________ _______________

8. gumising ___________ ______________


9. nagtatampo ____________ _______________

10. ipinamili ____________ ______________

H. Paglalahat

Ano ang salitang-ugat? panlapi?

V. Pagtataya

Kilalanin ang salitang-ugat at panlapi ng mga sumusunod. Isulat ang mga sagot sa sagutang papel.

Salita Salitang-ugat Panlapi

1. kabayanihan _______________ _________________

2. kabundukan _______________ _________________

3. ipaghiganti _______________ _________________

4. pinangalanan _______________ _________________

5. sinalipadpad _______________ _________________

6. umalingawngaw _______________ _________________

7. mahiwaga _______________ _________________

8. naglakbay _______________ _________________

9. napupusuan ______________ __________________

10. nagkatotoo ______________ ___________________

VI. Takdang Aralin

Kilalanin ang salitang-ugat at panlapi ng mga sumusunod. Isulat ang mga sagot sa sagutang papel.

Salita Salitang-ugat Panlapi

1. nagsikap _______________ _________________

2. pinagkalooban _______________ _________________

3. tulungan _______________ _________________

4. kinain _______________ _________________


5. lumaki _______________ _________________

Day 4

I. Layunin

Napagsusunod-sunod ang mga panunahing diwa na bumubuo ng kwento/seleksyon.

II. Paksang Aralin

Pagsusunod-sunod ang mga panunahing diwa na bumubuo ng kwento/seleksyon.

III. Sanggunian

Gintong Aklat sa Pagbasa 6 pp 70-73

Pagpapahalaga: Kalinisan

Kagamitan:

tsart, larawan

IV. Pamamaraan

.A. Pagganyak

(larawan ng mga mamamayan nagtutulungan upang linisin ang kanilang barangay) Ganito rin ba ang
iyong barangay?

B. Paghawan ng Balakid

Ibigay ang kasingkahulugan ng salita ayon sa pagkakagamit sa pangungusap.

1. Nasabi ng tagapangulo ang kanyang mga hinanakit sa mga kabarangay na di-sumusunod sa kautusan.

2. Kumakalat ang mga basura sa kalye kapag hinalukay ng mga batang mamumulot ng mga kahon at
bote.

3. Ang mga batang nilalagnat ay kaagad isinusugod sa ospital upang mabigyan ng kagyat ng lunas.

4. Ang gatimpala kanyang natanggap ay ikinatuwa ng lahat.

C. Pagganyak na tanong

Bakit nagwagi ang kanilang barangay bilang huwarang pamayanan?


D. Pamantayan sa pagbasa

(Ang mga mag-aaral ay magbibigay ng mga pamantayan sa pagbasa.)

E. Pagbasa sa kwento

(Babasahin ang “Barangay Malinis” sa Gintong Aklat sa Pagbasa 6 pp. 70-71)

F. Pagsagot sa Pagganyak na Tanong at iba pang mapanuring tanong nito

1. Bakit nagwagi ang kanilang barangay bilang huwarang pamayanan?

2. Ano ang kaugalian ng mga taga-Barangay nang simulang manungkulan si Kapitang Sendong?

3. Ano ang naging bunga ng maruming paligid?

4. Ano ang nagpabago sa kaugalian ng mga tagabarangay?


5. Paano pinanatili ang mga taga-Barangay 555 ang kalinisan at kaayusan ang kanilang barangay?

6, Ano ang maaari mong gawin upang matularan ang Barangay 555?

G. Pagsasanay

Lagyan ng wastong bilang ang patlang ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga pangunahing diwa ng
kuwento.

______ Pagwawagi ng Barangay 555 bilang pinakamalinis na barangay.

______ Masasamang bunga ng maruming kapaligiran.

______Mga hinanakit ni Kapitan Sendong sa mga kabarangay

______Mga kasunduan ng mga mamamayan sa pagpapanatili ng kalinisan ng Barangay 555.

______ Mga tulong ng Kagawaran ng Kalusugan sa mga mamamayan ng Barangay 555.

H. Paglalahat

Paano mo pinagsunud-sunod ng mga pangunahing diwa na bumubuo sa kwento o seleksyon?

*Ang mga pangunahing diwa na bumubuo sa kuwento o seleksyon ay dapat isaayos ayon sa tamang
pagkakasunud-sunod. Ang mahalagang paksa o kaisipan ay dapat munang tukuyin. Sa ilalim ng mga
pangunahing diwa o kaisipan ito ihanay o isaayos ang mumunting kaisipan o paksa.

V. Pagtataya
Isaayos ang sumusunod upang mabuo ang seleksyon. Lagyan ng bilang ang mga patlang mula 1-8.

BUNGA NG PAGTUTULUNGAN

___Lumusob ang maraming tipaklong sa palayan.

____Mahaba ang panahon ng tag-init.

____Nagpadala ang tanggapan ng mga eksperto a pagpuksa ng mga itlog ng tipaklong.

____KInain ng mga ito ang mga dahon ng palay.

____ Humingi ng tulong ang mga magsasaka sa Kagawaran ng Kalusugan.

____Ang mga bata’t matanda ay tumulong sa paghuli ng mga tipaklong sa pamamagitan ng lambat.

____Napuksa ang mga kaaway ng magsasaka.

____Binomba ang buong palayan

VI. Takdang Aralin

Isaayos ang sumusunod upang mabuo ang seleksyon. Lagyan ng bilang ang mga patlang mula 1-5.

YUGTO NG PAG-AARAL

___Sa kolehiyo, nakamit ni Louie ang karangalan bilang Cum Laude.

___ Nangarap siyang maging enhenyero noon ikaanim baitang pa lamang siya.

___Marunong na siyang bumasa at sumulat sa unang baitang.

___ Nakatanggap siya ng iskolar pagkatapos niyang magtapos sa hayskul.

___Apat na taon siya ng pumasok sa paaralan ng preparatori.

Day 5

I. Layunin

Naibibigay ang kahulugan ng salita sa pamamagitan ng gamit nito sa pangungusap.

Naibigay ang kahulugan ng salita sa pamamagitan ng katuturan.

II. Paksang Aralin

Pagbibigay ng kahulugan ng salita sa pamamagitan ng gamit nito sa pangungusap.

III. Sanggunian
Landas sa Pagbasa pp. 31-34, 130-132

Pagpapahalaga: Paggalang sa may Kapansanan

Kagamitan: tsart, larawan

IV. Pamamaraan

.A. Pagganyak

(larawan ng mga may kapansanan) Paano mo nirerespeto ang mga may kapansanan?

B. Paghawan ng Balakid

Piliin ang salita na siyang kahulugan ng salitang may salungguhit.

1. Ang kahirapan ay hindi sagwil sa edukasyon.

a hadlang b. sanhi c. sagisag

2. Ang mga may kapansanan ay may kakayahang maghanapbuhay.

a. pasanin b. diperensya c. karanasan

3. Dapat mabuhay nang may dignidad ang bawat tao.

a. kakayahan b. kasiyahan c. karangalan

4. Siya ay bihasa sa pagsulat.

a. sanay b. bihira c. bagito

5. Ang buhay ng taong dakila ay magniningning sa lipunan.

a. maging tanyag b. magsisilbing gabay c. magdudulot ng aliw

C. Pagganyak na tanong

Ano ang pinatunayan ng mga may kapansanan sa ating lipunan?

D. Pamantayan sa pakikinig

(Ang mga mag-aaral ay magbibigay ng mga pamantayan sa pagbasa)

E. Pagbasa sa kwento

(Basahin ang “Apat na Pulubi” sa Landas sa Pagbasa pp. 31-32)

F. Pagsagot sa Pagganyak na Tanong at iba pang mapanuring tanong nito


1. Ano ang pinatunayan ng mga may kapansanan sa ating lipunan?

2. Ano-anong kapansanan ang nabanggit sa tula?

3. Ayon sa tula, ano ang nararapat gawin ng mga taong may kapansanan?

4. Ipaliwanag ang ibig sabihin ng “kapansanan ay di sagwil.”

5. May kilala ka bang taong may kapansanan subalit matagumpay sa kaniyang buhay? Isalaysay mo.

6. Ano ang naging karaniwang pananaw sa mga may kapansanan? Ipaliwanag ang sagot.

7. Ano ang dapat na maging pananaw ng lipunan sa mga taong may kapansanan?

G. Pagsasanay

Basahin ang “Kabataan, Kalikasan, Kaunlaran” sa Landas sa Pagbasa 6 pp. 130-131. Piliin ang kahulugan
ng salitang may salungguhit.

1. Ako’y kabataang lalang sa panahon

a. namumukod b. nakasama c. nakasama d. nilikha

2. Ng pakikisangkot tungo sa pagsulong.

a. pag-unlad b. pagyaman c. pagsikat d. pagbabago

3. May malayang isip, diwa’y nakatuon.

a. nakatutok b. nakabaon c. nakalimot d. nakadiin

4. Sa pagsasagawa ng mabuting layon.

a. proyekto b. isip c. gawa d. hangad

5. Sa mga gawa at pakikibaka

a. pagkilos b. pakikipaglaban c. pakikisama d. pagsisikap

6. Mga biyayang handog ng wastong paglingap.

a. pagsisikap b. pagbibigay c. pagtulong d. pag-aalaga

7. Ako’y kabataang may isang mithiin.

a. saloobin b. pangarap c. iniisip d. damdamin

8. Tanimang madawag, malawak na dagat.


a. magulo b. malago c. luntian d. sagana

9. May pusong maalab na kahit sasaglit.

a. masigasig b. malamig c. matalahib d. malaki

10. Matarik na bundok, minang nakalantad.

a. nakatago b. nakababad c. nakatabi d. nakahayag

H. Paglalahat

Paano mo nabibigay ang kahulugan ng salita o katuturan sa pamamagitan ng pangungusap.

V. Pagtataya

Piliin ang kahulugan ng may salungguhit na salita.

1. Ang dalagang Pilipina ay tunay na mayumi.

a. mahinhin b. madumi c. magaslaw

2. Madalas siyang sinisinghalan ng kanyang amo kapag ito ay galit.

a. tinatawan b. niloloko c. sinisigawan

3. Masalimuot ang mga pangyayari.

a. maingay b. marami c. magulo

4. Malakas ang kanyang pakikipagtunggali sa kalaban.

a. pakikisama b. pakikipagtalo d. pakikipag-usap

5. Pinagkalooban siya ng medalya sa kanyang ginawang kabayanihan.

a. binigyan b. kinuhanan c. pinagkaitan

VI. Takdang Aralin

Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod na salita.

1. masiwalat

2. sasangguniin

3. malasap
4. nagdarahop

5. sagana

Pagsasalita
Day 1

I. Layunin

Natutukoy ang uri ng panggalan ayon sa katangian

II. Paksang Aralin

Uri ng Panggalan Ayon sa Katangian

III. Sanggunian

Pluma 6 h 105-107

Pagpapahalaga:

Kagamitan: tsart sa pagsasanay

IV. Pamamaraan

A. Pagganyak:

Mayroon ba kayong probinsya inuuwian? Anu-ano ang mga karanasan niyo kapag umuuwi sa inyong
probinsya?

B. Paglalahad ng Aralin

Basahin at Pag-isipan:

Nag-uusap ang mag-amang Ariel at Aaron.

Ariel: Sa aking munting mundo sa probinsya, ang kapiling ko ay sina Kalakian, Tandang, Inahin, at ang
mga berdeng halaman.

Aaron: Sino po ba sina Kalakian, Tandang, at Inahing iyong sinasabi?

Ariel: Si Kalakian ay isang lalaking kalabaw na aking sinasakyan. Si Tandang naman ay lalaking manok na
pansabong na hinihimas ko pag hindi nakatingin ang Lolo Pepe mo, at si Inahn ay nanay na kalabaw o
bakang pinaiinom at pinakakain.

Aaron: Ngayon po, mga computers, Playstation, at iba pang de-baterya o de-kuryente ang nilalaro
naming mga bata.
Ariel: Hayaan mo. Uuwi tayo upang maranasan mo rin ang naranasan ko sa baryo.

C. Pagtatalakay

1. Anu-ano ang salitang may salungguhit? Ano ang tawag natin sa mga ito?

2. Anong uri ng panggalan ang nanay? ang iba pang nakadiing salita?

D. Pagsasanay

1. Pinatnubayan

Tukuyin kung ang nakasalungguhit na pangngalan ay pantangi o pambalana.

1. Kami ay pumunta sa Luneta noong isang lingo.

2. Nakita ko ang bantayog ni Dr. Jose Rizal.

3. Bumili kami ng sorbetes at lobo sa mga tindero.

4. Naging masaya ako sa pamamasyal ng aming pamilya.

5. Sa susunod na lingo ay pupunta naman kami sa Intramuros.

2. Malaya

Isulat ang nawawalang pangngalang pantangi o pambalana sa bawat bilang.

1. Mongol :________________

2. __________________: biskwit

3. __________________: Pangulo ng Pilipinas

4. Coke: __________________

5. _________________ : guro

E. Paglalahat

1. Ano ang pangngalan?

2. Ano ang dalawang uri ng pangngalan ayon sa kayarian?


F. Paglalapat

Gawain 1:

Maglaro ng Pinoy Henyo. Magpahula lamang ng apat hanggang anim na salita.

Hal. sapatos Samsung Belvedere bolpen Colgate lamesa

Gawain 2:

Gamit ang mga salitang pinahulaan tukuyin kung anong uri ng pangngalan ito ayon sa kayarian at maaari
rin ito gamitin sa pangungusap.

V. Pagtataya

Alin ang di-kabilang sa pangkat ayon sa katangian ng pangngalan? Bilugan ang iyong sagot at isulat kung
anong uri ito ng pangngalan.

Halimbawa:

aso Dalmatian pusa baboy Pantangi

1. Safeguard Dove Zest sabon __________________

2. bansa Singapore America Pilipinas ____________________

3. bulaklak halaman Narra puno ______________________

4. Honda kotse Toyota Mercedes ___________________

5. Nido Alaska gatas Bear Brand _____________________

VI. Takdang Aralin

Magtala ng limang pantangi at pambalana na matatagpuan sa iyong bahay.

Day 2

I. Layunin

Natutukoy ang uri ng panggalan ayon sa konsepto.

II. Paksang Aralin


Uri ng Panggalan Ayon sa Konsepto

III. Sanggunian

Filipino sa Makabagong Siglo 6 pp 78-80

Pluma 6 p. 118

Pagpapahalaga: Pagmamahal sa Ina

Kagamitan: tsart sa pagsasanay, larawan ng isang ina

IV. Pamamaraan

A. Pagganyak:

(Magpakita ng larawan ng isang ina) Bilang anak, paano mo ipinapakita ang pagmamahal sa iyong ina?

B. Paglalahad ng Aralin

Basahin at Pag-isipan:

Igagayak ang mesang kainan at pagkatapos ay ihahanda ang mga baon naming magkakapatid sa pag-
aaral. Sa kabila ng maraming gawain sa maghapon may panahon pa rin siya sa gabi na kami ay turuan sa
mga takdang-aralin namin at makipagkwentuhan kay Tatay. Sa tingin ko’y parang walang kapaguran ang
kanyang katawan. Salamat sa Diyos at binigyan kami ng masipag at mabait na nanay. Ang buong
pamilya ay nasisiyahan sa kanya. Ibig ko siyang bigyan ng pumpon ng bulaklak.

C. Pagtatalakay

Suriin

Ang mga bagay na nahahawakan Di-nahahawakan/ Tumutukoy sa pangkat o grupo


nararamdaman ng kalooban

D. Pagsasanay

1. Pinatnubayan

Suriin ang pangngalang may salungguhit. Isulat sa patlang ang T kung tahas B kung basal at P kung
palansak.
____1. Isang pumpon ng rosas ang dala ni Maki para sa kanyang ina.

____2. Walang paglagyan ng kaligayahan ang magulang ni Maki nang makita siyang muli.

____3. Ang pagkainggit niya kay Waldo ay napalitan ng paghanga.

____4. Alam na niya ngayon ang lahi nila mga kambing ay hindi kailanman magkakaroon ng sungay tulad
ng usa.

___5. Totoong ang kabuithan ay hindi mawawala sa puso ng bawat isa.

2. Malaya

Lagyan ng angkop na pangngalan ang patlang upang mabuo ang diwa ng pangungusap.

(Palansak) 1. Dalawang _________ ng sundalo ang dumating sa aming paaralan.

(Basal) 2. Sila ay puspos ng _____________ sapagkat kakaibang digmaan ang kanilang pinuntahan.

(Tahas) 3. Nakipugtulungan sila sa mga ___________ ng paaralan upang magBrigada Eskwela.

(Tahas) 4. Ikinumpuni nila ang mga sirang __________ at nagpintura ng mga gusali.

(Basal) 5. Nagbigay sila ng bagong ________ sa mga mag-aaral ng paaralan.

E. Paglalahat

Ano ang dalawang uri ng pangngalan ayon sa konsepto?

F. Paglalapat

Show me Board

Tukuyin kung anong uri ng pangangalan ayon sa konsepto ang sumusunod.

V. Pagtataya

Sagutin ang bawat tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.

Ang pagmamahal ng kaibigan ay maihahalintulad sa kaban ng yamang iyong pinahahalagahan

A B C

habambuhay.
D

____ 1. Alin ang palansak?

_____2. Alin ang tahas o konkreto?

_____3. Alin ang basal o di konkreto?

Ang mga pangaral ng magulang ay tumatanglaw sa mga anak.

A B C

_____4. Alin ang basal?

_____5. Alin ang tahas?

VI. Takdang Aralin

Sumipi ng salawikain o tula at isulat ito sa iyong kwaderno. Bilugan ang tahas na salita, salungguhitan
ang basal at lagyan ng parisukat ang palansak.

Day 3

I. Layunin

Natutukoy ang gamit ng pangngalan sa mga diskurso.

II. Paksang Aralin

Gamit ng Pangngalan

III. Sanggunian

Pluma 6 pp.137-142

Suhay pp 61-63

Pagpapahalaga: Napapahalagahan ang mga matatanda

Kagamitan:

IV. Pamamaraan

A. Pagganyak:

(Magpakita ng larawan ng isang lolo) Paano mo pinapahalagahan ang iyong lolo?


B. Paglalahad ng Aralin

Basahin at Pag-isipan

 Si Lolo ay malakas pa at matalino.

(paksa, ang pinag-uusapan)

 Si Lolo ay mahusay na tagapayo sa amin.

(Si Lolo ay nasa bahagi ng paksa at tagapayo na nasa panaguri ay iisa.)

 Si G. Reyes, ang aking lolo, ay iginagalang ng lahat.

(Si G. Reyes at ang lolo ay iisa at parehong nasa bahagi ng paksa.)

 Lolo, mahal ka namin at nangangako kaming aalagaan kayo tuwina.

(kinakausap o tinatawag ang pangalan.)

 Ako ay laging naghihingi ng payo kay Lolo.

(ang payo ay isang pangngalan ay sumasagot sa tanong na ano.)

 Ang pagmamahal at paggalang na ito ay para kay Lolo.

(ang lolo ay pagkatapos ng pang-ukol)

C. Pagtatalakay

1. Anu-ano ang gamit ng pangngalan sa mga pangungusap sa itaas?

2. Ipaliwanag ang pagkakaiba ng gamit ng bawat pangngalan sa mga pangungusap?

Simuno – ang pangngalang pinag-uusapan sa pangungusap.

Halimbawa:

Si Jose Rizal ay ipinanganak sa Calamba, Laguna.

(ang gamit ng pangngalang matanda ay simuno, pinag-uusapan.)

Kaganapang Pansimuno – ang simuno at ang isa pang pangngalang nasa panaguring tinutukoy rito ay iisa
lamang.

Halimbawa

Si Jose Rizal ay isang tanyag na bayani


(si Jose Rizal na nasa bahagi ng paksa at ang bayani nasa bahagi ng panaguri ay iisa lamang, iyon ay isa
pa niyang pangngalan.

Pamuno – ang simuno at isa pang pangngalng nasa bahagi ng paksa ay iisa lamang.

Halimbawa:

Si Jose Rizal, ang bayani, ay pinararangalan sa kanyang gawa.

(si Jose Rizal at ang bayani na parehong nasa bahagi ng paksa ay iisa lang, isa pang pangngalan upang
lalong makilala ang paksa.)

Pantawag – pangngalang tinatawag o sinasambit sa pangungusap.

Halimbawa

Tukso, layuan mo ako.

(mapapansing sinasambit o tintawag ang pangngalan sa pangungusap)

Tuwirang Layon (layon ng pandiwa) – pangngalan pagkatapos ng pandiwa at sumasagot sa tanong na


ano.

Halimbawa

Nagbigay ng bulaklak ang lalaki sa kanyang kasintahan.

(ang pangngalan ay sumasagot sa tanong na ano ng pandiwa.)

Layon ng Pang-Ukol – pangngalang pinaglalaanan ng kilos.

Halimbawa

Ang tsokolateng ito ay para kay Andrea na kanyang kasintahan.

(ang pangngalan pagkatapos ng pang-ukol.)

D. Pagsasanay

1. Pinatnubayan

Suriin kung ano ang gamit ng pangngalang may salungguhit. Isulat ang S kung simuno, KP kung
kaganapang pnsimuno, P kung pamuno, PT kung pantawag, TL kung tuwirang layon at LP kung layon ng
pang-ukol.

_____1. Ikaw ba ay mabuting mag-aaral?

_____2. Huwag tayong magsalita ng kapintasan sa ating kapwa.


_____3. Ang mga guro ay nagpupulong kung paano mapapaunlad ang kaalaman at kakayahan ng mga
mag-aaral.

_____4. Naglaan ang mga magulang ng oras para sa mga anak.

_____5. Marie, magpatawag ka ng pulong sa mga kasapi ng konseho.

_____6. Si Ninoy Auino, ang Pangulo ng bansa, ay naglahad ng proyekto para sa taong kasalukuyan.

_____7. Naglunsad ng programa ang kalihim ng mga ahensya ng bansa.

_____8. Matapang na bayani si Andres Bonifacio.

_____9. Jose, ihanda mo ang iyong gamit sa eskwela.

_____10. Sa Luneta, na kilalang pasyalan, binaril si Rizal.

2. Malaya

Sumulat ng sariling pangungusap gamit ang mga pangngalan sa bawat bilang. Sundin ang gamit ng
pangngalan na hinihingi sa bawat patlang.

Simuno

______________________________________________1. Pilipino

Kaganapang Pansimuno

__________________________________________________2. Lolo

Pamuno

___________________________________________________3. Ama

Pantawag

____________________________________________________4. Diyos

Tuwirang Layon

_____________________________________________________5. Adobo

E. Paglalahat

Anu-ano ang gamit ng pangngalan?

F. Paglalapat

Suriin ang may salungguhit na pangngalan sa bawat pangungusap. Ilagay ang bilang ng pangungusap sa
tamang hanay ayon sa gamit nito.
S KP P PT TL LP

1. Si Tandang Sora ay isang bayani.

2. Tandang Sora, naging mabuti kang halimbawa sa lahat sa kabila ng iyong edad.

3. Si Melchora ay tinaguriang Tandang Sora dahil matanda na siya nang magkaroon ng rebolusyon.

4. Nagtinda ng sari-saring bagay siya.

5. Si Tandang Sora, ang ina ng Katipunan, ay nangagamot at tumolong sa kasapi nito.

6. Ang mag-alay ng buhay kahit matanda na para sa bayan ay kahanga-hanga.

V. Pagtataya

Bilugan ang tamang gamit ng pangngalang may salungguhit sa bawat pangngusap.

1. Ang Golden Acres, ang tirahan ng matatanda, ay malaki at malinis.

a. simuno b. kaganapang pansimuno c. pamuno

2. Ang lugar na ito ay ipinagawa para sa matatandang wala nang tirahan at pinabayaan ng mga anak.

a. simuno b. kaganapang pansimuno c. pamuno

3. Sama-sama silang gumagawa ng mga gawaing kaya pa nilang gawin.

a. pantawag b. tuwirang layon c. layon ng pang-ukol

4. Mga anak, alagaan ninyo ang inyong magulang hanggang sa kanilang pagtanda.

a. simuno b. pantawag c. pamuno

5. Malaki ang kanilang isinakripisyo para sa mga anak.

a. pantawag b. tuwirang layon c. layon ng pang-ukol

VI. Takdang Aralin

Suriin kung ano ang gamit ng pangngalang nakasulat nang madiin sa pangungusap. Isulat ang S kung
simuno, PT kung pantawag, TL kung tuwirang layon, o LP kung layon ng pang-ukol ang gamit nito sa
pangungusap.

_____1. Tungkol kina Lolo at Lola ang paksa ng usapan sa bahay.


_____2. Si Lolo ay tinatawa naming Ingkong.

_____3. Si Inay, ang ilaw n gaming tahanan, ay sinusunod naming lahat.

_____4. Si Kuya Louie ay mapagmahal na kapatid.

_____5. Si Nanay Seming ay laging gumagabay sa amin.

Day 4

I. Layunin

Nagagamit nang wasto sa pakikipagtalastasan ang mga kaukulan ng pangngalan.

II. Paksang Aralin

Kaukulan ng Pangngalan

III. Sanggunian

Pluma 6 pp.147-150

Pinagyamang Pluma pp 166-170

Pagpapahalaga: Pagmamahalan ng Miyembro ng Pamilya

Kagamitan:

IV. Pamamaraan

A. Pagganyak:

(Magpakita ng larawan ng isang masayang pamilya) Paano niyo ibinabahagi ang pagmamahalan sa
inyong pamilya?

B. Paglalahad ng Aralin

Basahin at Pag-isipan:

LAGYO – Ako si Lagyo. Ako ay mapalad dahil binayayaan ako ng maraming anak na magdadala ng aking
pangalan.

LAYON – Ako naman si Layon. Dalawa lang ang aking naging supling na tunay na mapagbigay. Mahilig
silang tumulong sa iba. Sila ay Tuwirang-Layon at Layon ng Pandiwa.

LAGYO – Hindi ako nalilito sa mga anak ko. Si Simuno ay laging pinag-uusapan, sentro siya ng talakayan.
Si Kaganapang Pansimuno naman ay may dalawang pangngalan dahil nais niyang may isa pang
pangngalang magpapakilala sa kanya. Si Pamuno ay tulad din ni KP na nais marinig ang dalawa niyang
pangalan at si Pantawag ang sikat dahil laging tinatawag ng lahat.

LAYON – Natutuwa ako dahil hindi tayo nag-iisa. Lagi tayong may kasama. Masarap magkaroon ng mga
anak na iba-iba ang katangian.

ARI – Ako si Ari. Wala akong anak kaya sarili ko lang ang iniintindi ko. Lagi kong inaangkin ang ikalawang
pangalan a magkasunod na pangalan.

C. Pagtatalakay

1. Ilang anak mayroon sina Layon at Lagyo? Sinu-sino sila?

2. Anu-ano ang katangian ng kanilang mga anak?

3. Sino si Ari?

Kaukulan ng Pangngalan

PALAGYO – kung ang pangngalan ay ginagamit bilang

 Simuno – ang pinag-uusapan sa pangungusap.

Ang Diyos ay mabuti.

 Pantawag – pangngalang sinasambit o tinatawag sa pangungusap.

Panginoon, salamat pos a pagmamahal sa amin.

 Kaganapang Pansimuno – ang simuno at isa pang pangngalan sa panaguri ay iisa.

Si Yahweh ay kinikilalang Diyos ng mga Hudyo.

 Pamuno – ang pangngalang tumutukoy sa simuno at nasa bahagi rin ng simuno.

Si Yahweh, ang ating Diyos, ay laging gumagabay sa atin.

PALAYON – kung ang pangngalan ay ginagamit bilang

 Layon ng Pandiwa – kung ang pangngalan ay tagatanggap ng kilos.

Ang Panginoon ay nagbibigay ng biyaya sa lahat.

 Layon ng Pang-ukol – kung ang pangngalan ay pinaglalaanan ng kilos at kasunod ng pang-ukol.

Ang papuri ay pinagkaloob nila para sa Diyos


PAARI – kung ang dalawang pangngalang magkasunod, ang ikalawang pangngalan ay nagpapakita ng
pagmamay-ari.

Ang pag-ibig ni Yahweh ay walang kapantay.

D. Pagsasanay

1. Pinatnubayan

Isulat kung palagyo, paari, o palayon ang kaukulan ng pangngalang may nakasalungguhit.

___________1. Nagpakita siya ng sayaw sa mga lolo at lola.

___________2. Si Nathaniel, isang batang malambing ay kinagigiliwan ng lahat.

___________3. Ang bahay ni Lola ay malapit kina Poloy.

___________4. Nagpapasiklab siya para kay Lola Mona.

___________5. Ang bata ay tumatahak sa tamang daan ng buhay.

2. Malaya

Sundin ang hinihingi sa bawat bilang. Bilugan ang pangngalang nagpapakita ng kaukulan.

1. Bumuo ng pangungusap gamit ang pangngalang gabay bilang simuno.

2. Sumulat ng pangungusap gamit ang pangngalan kapatid bilang layon ng pang-ukol.

______________________________________________________________________

3. Lumikha ng pangungusap gamit ang pangngalang nanay bilang paari.

_____________________________________________________________________

4. Gumawa ng pangungusap gamit ang pangngalang oras bilang layon ng pandiwa.

_____________________________________________________________________

5. Sumulat ng pangungusap gamit ang pangngalang nanay bilang simuno at kaibigan bilang kaganapang
pansimuno.

_______________________________________________________________________
E. Paglalahat

Anu-ano ang kaukulan ng pangngalan?

F. Paglalapat

Salungguhitan ang pangngalan ginamit sa mga pangungusap at isulat sa patlang ang kaukulan nito.

_________1. Ang magkapatid ay nagdaramayan tuwina.

_________2. Basta nagkakasundo sila ay pagpapalang para sa magulang.

_________3. Ang buhay ni Inay ay gagaan kung sila ay nagmamahalan.

_________4. Sila ay laging binibigyan ng panahon.

_________5. Sumusunod naman sila sa magulang.

V. Pagtataya

Isulat kung palagyo, paari, o palayon ang kaukulan ng pangngalang may salungguhit.

__________1. Ang magkapatid ay may mabuting kalooban.

__________2. Kumakain ng mangga ang magkaibigan.

__________3. Ang baon ni bunso ay masarap.

__________4. Ang kaalaman ay para sa mga mag-aaral.

__________5. Tatay, ikaw ang tunay na mapagmahal.

VI. Takdang Aralin

Bumuo ng mga pangungusap. Gamitin ang mga salita. Dagdagan o bawasan upang mabuo ang kaukulang
hinihingi. Salungguhitan ang pangngalang magpapakita ng kaukulan nito.

Tatay bigay tulong kamag-anak

1. Palayon

a. Layon ng Pandiwa _______________________________________________

b. Layon ng Pang-ukol _____________________________________________

Errol kapatid mapagbigay


2. Palagyo

a. Simuno___________________________________________________________

b. Kaganaapng Pansimuno _________________________________________________

c. Pamuno ______________________________________________________________

Day 5

I. Layunin

Nagagamit ang mga panghalip na panao sa kaukulang palagyo, palayon, paari

II. Paksang Aralin

Kaukulan ng Panghalip Panao

III. Sanggunian

Pinagyamang Pluma 6 pp 210-215

Suhay 6 pp 80-82

Pluma 6 pp 181-183

Pagpapahalaga: Karapatan ng Bata Mag-aral

Kagamitan: larawan, tsart sa pagsasanay

IV. Pamamaraan

A. Pagganyak:

(magpakita ng larawan tungkol sa child labor) Ano ang reaksyon niyo sa larawan ito? Nakakamit ban g
mga batang ito ang karapatang mag-aral?

B. Paglalahad ng Aralin

Basahin at Pag-isipan

Rogene - Hindi ko kayang makita ang ibang batang tulad ko na wala sa paaralan.

Florence – Sila ay nasa lansangan, nasa pagawaan ng paputok, at kargador sa pier. Ginagawa nila ang
mabibigat na trabahong di pa kaya ng mura nilang katawan

Rogene – Paano sila magiging pag-asa ng bayan kung wala sila sa paaralan?

Florence – Marami pa naming mabubuti ang kaloobang aalisin sila sa api nilang kalagayan.
Rogene – Makakatulong din tayo sa kanila kahit sa maliit na paraan

C. Pagtatalakay

1. Alin sa mga nakadiing panghalip ang pinag-uusapan?

2. Alin sa mga nakadiing panghalip ang kasunod ng pandiwa o pang-ukol?

Ang “Makatutulong din tayo..” ay halimbawa ng pangungusap na may paksang panghalip. ang
panghalip na tayo ang pinag-uusapan Samantalang sa pangungusap na “ Ginagawa nila ang mabibigat
na trabaho..” ay kasunod na pandiwa kaya tagatanggap ito ng kilos. Tulad sa pangngalan, ang panghalip
ay may kaukulan din ayon sa pagkakagamit nito sa pangungusap.

PANGHALIP PANAO – humahalili sa pangalan ng tao

KAUKULAN NG PANGHALIP PANAO

PALAGYO – kung ang panghalip ay ginagamit na paksa at kaganapang pansimuno sa pangungusap

Halimbawa – ako, ikaw, ka, siya, kita, tayo, kayo, sila, ito, iyan, iyon

Ako ay sumusuporta sa mga karapatang pantao

(Ang panghalip na ako ay paksa, ang pinag-uusapan kaya nasa kaukuln itong palagyo)

Siya ang pinuno ng samahan para sa kababaihang inaabuso.

(Ang panghalip na siya ay nasa bahagi ng panag-uri at ang pinuno nasa paksa ay iisa lamang kaya
kaganapang pansimuno ito at ang kaukulang ito ay palagyo.)

PAUKOL O PALAYON – kung ang panghalip ay ginagamit na tuwirang layon o layon ng pang-ukol sa
pangungusap o kung ito ay kasunod ng pandiwa o pang-ukol.

Halimbawa – ko, mo, niya, natin, ninyo, nila

Tinulungan niya ang samahang nangangailangan.

(Ang panghalip na niya ay kasunod ng pandiwa)

Nagdala ng tulong para sa kanila ang binatang malakas

(Ang panghalip na kanila ay kasunod ng pang-ukol)

PAARI – ang panghalip kung ito ay nagpapakita ng pagmamay-ari. Madali itong matutukoy kapag ginamit
sa pangungusap.

Ang bahay na malinis at malaki ay kanila.

(Paari ito dahil nagpapakita ng pagmamay-ari)


Ang bahay nila ay malaki at malinis

(Panuring ito dahil pangngalan ang tinuturingan)

Ang kanyang paligid ay malinis at maayos.

(Panuring ito dahil pangngalan ang tinuturingan.

D. Pagsasanay

1. Pinatnubayan

Panuto- Uriin kung palagyo, paari, o palayon ang mga panghalip na may salungguhit.

_________1. Mahusay siyang tumugtog ng piyano.

_________2 Ang aking sapatos ay bago.

________3. Tayong mga Pilipino ay dapat na magkaisa..

________4. Para sa inyo ang ginawa ng pangulo.

_______5 Ang nagwagi sa pagtula ay siya.

_______6. Ang lapis mo ay napulot ko.

________7. Kumuha ako ng pagsusulit sa Filipino.

_______8. Isasauli ko ang aklat niya.

_______9. Ang bulaklak na ito ay para sa iyo.

_______10. Ayon sa kanya, kaligayahan ang mamuhay sa sariling bansa.

2. Malaya

Sundin ang hinihingi ng bawat panuto sa bilang.

1. Bumuo ng pangungusap gamit ang panghalip na AKO bilang paksa sa kaukulang palagyo.

________________________________________________________________________

2. Gumawa ng pangungusap gamit ang panghalip na SILA bilang kaganapang pansimuno sa kaukulang
palagyo.

3. Gamit ang panghalip na MO at pandiwang ISULAT, bumuo ng pangungusap gamit ang tuwirang layon
bilang kaukulang palayon.
____________________________________________________________________________

4. Lumikha ng pangungusap gamit ang panghalip na KANYA bilang layon ng pang-ukol sa kaukulang
paukol.

_____________________________________________________________________________

5. Gamitin sa pangungusap ang AKIN bilang paari.

_____________________________________________________________________________

E. Paglalahat

Anu-ano ang kaukulan ng panghalip pano?

Ano ang palagyo? Palayon? Paukol?

F. Paglalapat

Panuto – Bilugan ang panghalip sa pangungusap at isulat sa patlang ang kaukulan nito.

_______ 1. Binanggit niya ang mahahalagang programa ng pamahalaan.

_______ 2. Para sa kanya, makakamit natin ang kaunlaran kung magtutulong-tulong.

_______3. Kami ang mga mag-aaral na tutulong sa inyong programa.

_______4. Kayo ay makikiisa sa aming mga programa.

_______5. Ang inyong programa ay napakaganda sa kinabukasan ng mga mag-aaral.

V. Pagtataya

Tukuyin ang nakasalungguhit na kaukulan ng panghalip panao. Isulat ang palagyo, palayon o paari.

________1. Tayo ay may karapatang mag-aral.

________2. Ayon sa kanya, ang edukasyon ay susi sa kinabukasan.

_______ 3. Sila ang mga guro na naglalaan ng oras upang magbigay ng kaalaman.

_______4. Ang mga bagong aklat na ito ay kanila.

_______5. Ibinigay niya ang lahat para sa ating ikabubuti.

VI. Takdang Aralin


Gumupit ng isang artikulo sa magasin o pahayagan. Idikit ito sa inyong kwaderno at pagkatapos ay itala
sa ibaba nito ang mga nakitang panghalip. Ibigay ang kaukulan ng mga ito.

Day 6

I. Layunin

Nagagamit ang mga panghalip na panaklaw.

II. Paksang Aralin

Panghalip na Panaklaw

III. Sanggunian

Filipino sa Makabagong Siglo 6 pp. 129-130

Filipino sa Makabagong Siglo 5 pp. 111-113

Suhay 6 pp. 71-74

Pagpapahalaga: Disiplina sa Kapaligiran

Kagamitan:

IV. Pamamaraan

A. Pagganyak:

Pagtutulad

Malinis na Kapaligiran Maruming Kapaligiran


B. Paglalahad ng Aralin

Basahin ang tula

Disiplina: Kailangan ng bawat Pilipino

Paghiwalayin at itapon ang ibang basura mo.

Isa lang ang makaaamoy nito.

Kalusugan ng balana, ligtas na rin.

II

Pulos sariwang hangin, nalalanghap natin

Nakababawas sa suliranin ng madla.

Pawang maingat, walang sakitin.

Lahat ay tutulong din.

III

Anumang naisip dapat nang gawin

Alinman ang iyong nanaisin.

Saanman ay iyong hahanapin.

Sinuman ay makikinabang din.


C. Pagtatalakay

1. Sa unang saknong, ilan ang sinasaklaw na bilang ng mga salitang nakadiin?

2. Sa ikalawang saknong, ilan ang nasasaklaw ng bilang?

3. Ano ang pagkakaiba ng sinasaklaw na bilang ng mga salitang nakadiin sa una at ikalawang saknong?

4. Sa ikatlong saknong, ano naman ang isinasaad ng mga salitang nakadiin?

5. Ano ngayon ang sinasaklaw o isinasaad ng mga salitang nakakahon sa bawat saknong?

PANGHALIP NA PANAKLAW ay mga salitang sumasaklaw ng kaisahan, dami, o kalahatan.

May dalawang uri ang panghalip na panaklaw.

1. Tiyakan – ito ay nagsasaad ng kaisahan, dami, o kalahatan.

Halimbawa – isa, bawat, iba, balana

lahat, tanan, pulos, madla, panay, pawang

2. Di-Tiyakan – ito ay panghalip pananong na dinudugtungan ng –man.

Halimbawa – Sinuman, anuman, kailanman, saanman, kaninuman, gaanuman

D. Pagsasanay

1. Pinatnubayan

Salungguhitan at panghalip panaklaw at tukuyin kung ito ay nagsasaad ng tiyak o di tiyak na bilang.

_______1. Tanan ay natutuwa sa mga biyaya natatanggap nila sa Diyos.

_______2. Gaanuman ito kaliit at kalaki ay kanilang pinasasalamatan.

_______3. Ang bawat tao ay nagdadasal upang papurihan siya.

_______4. Hindi niya nakakalimutan kailanman ang magdasal.

_______5. Ang lahat ay pantay-pantay sa kanyang kapangyarihan.

2. Malaya
Gamitin sa pangungusap ang sumusunod na panghalip na panaklaw.

kaninuman 1.____________________________________________________

isa 2. __________________________________________________
saanman 3. __________________________________________________

pulos 4. __________________________________________________

balana 5.__________________________________________________

E. Paglalahat

Ano ang gamit ng panghalip panaklaw?

F. Paglalapat

Basahin ang talata. Suriin ang mga panghalip na ginamit.

Nagkaroon ng pagpupulong sa aming barangay. Pawang mga kabataan ang mga panauhing dumalo.
Balana’y napapansin ang kaayusan at kalinisan ng bulwagan ng barangay. Pulos malalagong halaman ang
nakapaligid dito. Ang iba ay naghahanda ng pagkain para sa sinuman na darating. Sa pagpupulong na ito
ay pag-uusapan ang anumang bagay na ikabubuti n gaming barangay na kailanman ay maaring
pakinabangan ng sinumang kabataan. Ang lahat ay nakibahagi sa pagpupulong at walang umalis
gaanuman katagal ito.

Panuto – Piliin sa talata ang mga panghalip panaklaw na nagsasaad ng dami, kaisahan, o kalahatan.
Tukuyin kung ito ay nagsasaad ng tiyak o di-tiyak na bilang.

V. Pagtataya

Salungguhitan ang angkop na panghalip na panaklaw sa pangungusap.

1. (Saanman, Anuman) ako maglakbay ay bumibili ako ng produkto ng lugar na iyon.

2. Ang buong (madla, lahat) ay nagpalakpakan sa kanya.

3. (Bawat, Pulos) isa ay may dalang regalo para sa bata.

4. Ang (lahat, iba) pang proyekto ay tungkol sa kalinisan.

5. (Puro, Iba) mga mag-aaral ang pumunta sa parangal.

VI. Takdang Aralin


Bumuo ng mga ginintuang salaysay o paala-ala gamit ang panghalip na panaklaw. Isulat ito sa plakard at
salungguhitan ang mga panghalip panaklaw.

Halimbawa:

Tayo ay pantay-pantay sa mata


ng Panginoon anuman ang
kalagayan natin sa buhay.

Day 7

I. Layunin

Nagagamit ang panghalip pamatlig

II. Paksang Aralin

Panghalip Pamatlig

III. Sanggunian

Filipino sa Makabagong Siglo 6 pp. 119-121

Filipino sa Makabagong Siglo 5 pp. 97, 104-106

Pagpapahalaga: Pangangalaga at Pagtatanim ng Puno

Kagamitan: puno o halaman, tsart

IV. Pamamaraan

A. Pagganyak:

Ano ang magandang nadudulot ng mga puno sa ating buhay?

B. Paglalahad ng Aralin

1. Ang pagpuputol ng mga tao sa mga punongkahoy roon ay nagiging sanhi ng malaking baha rine.
2. Ang kagubatang ito ay ipinagmamalaki ireng ng magagandang puno.

3. Hayun ang mga malalawak na kakahuyan at matataas na uri ng punungkahoy.

4. Sa Pilipinas lamang matatagpuan ang ganitong uri ng mga punongkahoy.

5. Ganyan ang mangyayari sa mga taong walang pakialam.

C. Pagtatalakay

1. Saan ang kinalalagyan ng mga bagay na tinutukoy ng mga panghalip na roon at hayun?

2. Saan naman ang tinutukoy na pinalalagyan ng mga panghalip na ito, ire, dito, at ganito?

3. Saan naman ang tinutukoy na kinalalagyan ng panghalip na ganyan?

4. Anong uri ng panghalip ang mga salitang nakasalungguhit?

PANGHALIP PAMATLIG- ay salitang nagtuturo sa kinalalagyan ng isang pangngalan.

Panauhan ng Pamatlig

Mga Uri ng Panghalip Malapit sa nagsasalita Malapit sa Kinakausap Malayo sa Nag-uusap


Pamatlig

Paturol Ito, ire, are iyan Iyon, yaon

Paari Nito, nire, nare niyan Niyon, noon

Patulad Ganito, ganire ganyan Ganoon

Paukol Dito, dine diyan doon

Pahimaton Eto, heto Ayan, hayan Hayun, ayun

Panlunan Nandine, narito, Nariyan, nandiyan Naroon, nandoon


nandito

* Ang dito, doon, at diyan ay nagiging rito, roon, at riyan kapag ang sinusundang salita ay nagtatapos sa
patinig o malapatinig na w at y.

Paturol – ito ay ginagamit kapag ngalan ng tao o bagay lamang ang itinturo. Ito ay ginagamit kapag ang
pantukoy ay ang/si ay nasa unahan ng pangngalan.
Hal. Palaging inaalala si Orly ng kanyang kaibigan. Ito ay isang pilay.

Paari – ito ay ginagamit kapag ang ngalan ng tao ang hinahalinhan at nagpapakita ng pagmamay-ari.
Ginagamit ito kapag nasa unahan ng pangngalan ang katagang ng/ni.
Hal. Napulot mo ba ang lapis ni Rudy?

Napulot mo ba ang lapis nito?

Paukol – ito ay ginagamit na pamalit sa pagtuturo ng tiyak na lugar o pook ng isang bagay na nais ituro.

Hal. Doon ko iniwan ang aking bag.

Pahimaton – ito ay tinawag na panghalip na panawag pansin dahil tumatawag ito ng atensyon upang
bigyan pansin ang itinuturong bagay.

Hal. Heto ang pera mo.

Patulad – ito ay nagsasabi ng pagkakapareho o pagkakatulad ng isang bagay.

Hal. Gusto kong iguhit ang ganoon.

Panlunan – ito ay nagtuturo ng lugar o pook.

Hal. Sina Jude at Joy ay nasa loob.

Narito sila.

Ang mga mananayaw ay nasa plaza.

Ang mga mananayaw ay naroon.

D. Pagsasanay

1. Pinatnubayan

Salungguhitan ang panghalip na pamatlig sa bawat pangungusap at uriin ito ayon sa gamit.

___________ 1. Nariyan ba ang bisita?


____________2. Iyan ay dinala ko sa kanya?

____________3. Gusto kong gawin ang ganito?

____________4. Nakita mo ba ang damit niyan?

____________5. Diyan mo ipatong sa itaas ng aparador?

___________6. Hayun ang eroplano.

___________7. Katulad nito ang ibibigay kong sapatos.

___________8. Gawang Pinoy ba iyang damit na suot mo?

___________9 Heto ang mapa ng Pilipinas.

__________10. Ang makulay na banig na iyan ay gawa ng mga babaeng Badjao.

2. Malaya

Gawin ang panuto sinasabi sa bawat bilang.

1. Gamitin ang panghalip pamatlig na iyan sa pangungusap.

_____________________________________________________

2. Sumulat ng pangungusap na may panghalip pamatlig na nagtuturo sa malayo sa nag-uusap.

_____________________________________________________

3. Lumikha ng pangungusap gamit ang salitang ganyan upang ipagtulad ang isang bagay.

______________________________________________________

4. Gamit ang panghalip pamatlig na nandito bumuo ng pangungusap upang ituro ang isang lugar.

______________________________________________________

5. Sumulat ng pangungusap na may panghalip pamatlig na nagtuturo na malapit sa kausap.

_______________________________________________________

E. Paglalahat

Ano ang panghalip pamatlig?

Anu-ano ang mga uri nito?


F. Paglalapat

Bilugan ang panghalip na pamatlig na ginamit sa pangungusap. Tukuyin kung ang pangngalang itinuro ay
malapit sa taong nagsasalita, malapit sa kausap o malayo sa nagsasalita at sa kausap. Isulat sa patlang
ang titik ng sagot.

A – malapit sa taong nagsasalita

B – malapit sa kausap

C – malayo sa nagsasalita at sa kausap

_____1. Ito ang sapatos na ibibigay ko sa kapatid ko.

_____2. Ayaw nilang umalis doon.

_____3. Diyan mo ilalagay ang mga gamit.

_____4. Ang mga halamang iyan ay itinanim ko.

_____5. Hayan ang sasakyan tumatakbo.

V. Pagtataya

Piliin ang angkop na panghalip na pamatlig sa loob ng panaklong at isulat sa patlang.

1. ________ sila naghihintay kahapon. (Dito, Ganito)

2. Katulad ______ ang binili kong damit kahapon. (ito, nito)

3. _______ sina kuya at ate. (Iyon, Hayun)

4. Norma _____ na ang hiniram kong paying. (nito, heto)

5. __________ ang tamang pagsasabon ng plato. (Ito, Ganito)

VI. Takdang Aralin

Kailan ginagamit ang sumusunod na mga panghalip na pamatlig?

1. doon

2. ganyan

3. nandito

4. ito
5. diyan

Day 8

I. Layunin

Nagagamit ang mga panghalip pananong

II. Paksang Aralin

Panghalip Pananong

III. Sanggunian

Filipino sa Makabagong Siglo 6 pp 139-140

Filipino sa Makabagong Siglo 5 pp 87-88

Pinagyamang Pluma pp 182-183

Pagpapahalaga: Sumusunod sa alituntunin sa paaralan

Kagamitan:

tsart, plakard

IV. Pamamaraan

A. Pagganyak:

(Magpakita ng iba’t ibang plakard tungkol sa alituntunin sa paaralan)

Sumusunod ka ba sa alituntunin sa paaralan? Sa paanong paraan?

B. Paglalahad ng Aralin

Basahin at Isipin

1. Anu-anong mga alituntunin na dapat sundin sa atin paaralan?


2. Sinu-sino ang dapat sumunod sa mga batas na ito?

3. Saan ka makikipag-ugnayan kapag mayroon kang problema?


4. Ilan beses ka ng lumabag sa mga batas na ito?

5. Kailan ka makikiisa sa mga patakaran sa inyong paaralan?

C. Pagtatalakay

1. Kailan ginagamit ang mga salitang nakasulat ng pahilis sa pangungusap?

2. Ilan ang tinutukoy kung inuulit ang salitang patanong sa pangungusap?

3. Anong salitang patanong ang ginagamit kapag nagtatanong tungkol sa pook o lugar?

4. Anong bantas ang ginagamit sa hulihan ng pangungusap na nagtatanong?

PANGHALIP PANANONG – ay mga salitang pamalit sa pangngalan at nasa anyong patanong. Ito ay
maaring isahan o maramihan.

ISAHAN MARAMIHAN SAGOT SA MGA KATANUNGAN/


GAMIT

Sino Sinu-sino Tao

Saan Saan-saan Lugar o pook

Ano Anu-ano Bagay

Kailanan Kai-kailanan Panahon, buwan o petsa

Alin Alin-alin Pagpipilian

Ilan Ilan-ilan Bilang o dami

Kanino Kani-kanino Taong nagmamay-ari ng bagay

Magkano Magka-magkano Presyo ng isang bagay, halaga

Gaano Gaagaano Bigat, dami

D. Pagsasanay
1. Pinatnubayan

Ikahon ang panghalip pananong sa pangungusap at tukuyin kung ano ang gamit o sinasagot ng mga
katanungang ito. Isulat ang inyong sagot sa patlang bago ang bilang.

____________ 1. Ilan taon ka ng naninirahan sa ating barangay?

_____________2. Sinu-sino ang inyong kapitbahay?

____________3. Magkano ang bayarin ninyo sa iyong kuryente?

____________4. Anu-ano ang mga kadalasan binibili ninyong pagkain?


____________5. Gaano kadami ang binibii ninyong bigas?

____________6. Saan kayo namamasyal ng iyong pamilya?

____________7. Alin ang madalas mong binabanggit sa iyong magulang?

____________8. Kanino mo hiniram ang sapatos na ito?


____________9. Kailan ka pupunta sa palengke?

____________10. Ano ang utos ng iyong magulang?

2. Malaya

Gawin patanong ang sumusunod sa mga pangungusap.

1. Si G. Angelo Amurao ang aking guro.

________________________________________________________________________

2. Kami ay nagbabakasyon sa Nueva Ecija.

________________________________________________________________________

3. Ang halaga ng lapis sa tindahan ay P5.00 kada isa.

_______________________________________________________________________

4. Ipagdiriwang ni Clemn ang kanyang kaarawan sa susunod na Linggo.

______________________________________________________________________

5. Isang libo at siyam naraan ang mag-aaral ng paaralan?

_________________________________________________________________________
E. Paglalahat

Ano ang panghalip na pananong?

F. Paglalapat

Humanap ng kapareha at gawin ang larong “Tanungan at Sagutan”. Gamitin ang mga panghalip
pananong sa pagtatanong. Magtanong tungkol sa buhay ng iyong kapareha.

V. Pagtataya

Bilugan ang wastong panghalip na pananong sa loob ng panaklong.

1. (Sinu-sino, Sino) ang mga taong dapat managot sa pagkapinsala ng karagatan?

2. (Ilan-ilan, Alin-alin) ang mga bagay-bagay na napapakinabangan ng mga tao mula sa karagatan?

3. (Saan, Ano) ang ating magagawa sa ikakaganda o ikalilinis ng dalampasigan?

4. (Kanino, Sino) tayo pupunta kung may nakikitang namiminsala sa karagatan?

5. (Sino, Gaano) ang dapat mamahala sa kalinisan ng dalampasigan?

VI. Kasunduan

Magsagawa ng interbyu sa inyong mga lolo at lola o kaya sa iyong magulang. Gamitin ang mga panghalip
na pananong sa inyong pagtatanong upang isalaysay ang mga karanasan nila noong sila ay bata pang
katulad mo. Gumawa ng limang tanong at isulat sa kwaderno ang mga ito at kanilang kasagutan at
ikwento ito sa klase.

Day 9

I. Layunin

Natutukoy ang kailanan at panauhan ng panghalip panao

II. Paksang Aralin

Kailanan at Panauhan ng Panghalip Panao

III. Sanggunian

Pluma 6 pp 169-171

Pinagyamang Pluma 6 pp. 194-198

Filipino sa Makabagong Siglo 5. p. 82


Pagpapahalaga: Pagiging karangalan ng bansa

Kagamitan: larawan, tsart

IV. Pamamaraan

A. Pagganyak:

(larawan ng mga nagbigay ng karangalan sa bansa tulad nila Leah Salonga, Manny P. atpb) Ano ang
kanilang kontribusyon sa ating bansa?

B. Paglalahad ng Aralin

TEAM AZKAL: Salamat sa inyo! Pinagbuti naming ang paglalaro. Nagkaisa kami at nagtulungan. Ibinuhos
din namin ang lahat ng lakas, talino, at pagkakaisa para matalo namin sila.

REPORTER – Binabati ko kayo. Kahanga-hanga ang inyong ginawa! Paano ninyo tinalo ang mga bansang
sadyang football ang kinahihiligang laro?

C. Pagtatalakay

1. Sino at ilan ang tinutukoy ng ko, naming, at kami?

2. Sino at ilan ang tinutukoy ng kayo, inyo, at ninyo?

3. Sino at ilan ang tinyukoy ng sila?

Panauhan Kailanan

Isahan Dalawahan Maramihan

Una Kita, kata Kami, namin, natin,


tayo, atin, amin
(taong nagsasalita o Ako, ko, akin
kumakausap)

Ikalawa Ikaw, ka, mo, iyo Kayo, ninyo, inyo

(taong kinakausap)

Ikatlo Siya, niya, kanya Sila, nila, kanila

(taong pinag-uusapan
at malayo sa kausap)
D. Pagsasanay

1. Pinatnubayan

Tukuyin at isulat ang panauhan at ang kailanan ng panghalip na may salungguhit.

Panauhan Kailanan

------------- ------------ 1. Maraming naglipanang batang kalye sa lansangan. Sila ay suliranin sa

lipunan.

________ _______ _ 2. Ayaw nilang gumala sa kalye at maging dahilan ng masamang larawan

ng bansa. Subalit wala silang magawa.


________ _________3. Sa iyong palagay, ano ang dahilan ng ganitong problema?

________ _________4. Atin itong umpisahan sa ugat ng suliranin nang malaman ang talagang

dahilan.

________ _________5. Marami tayong pwedeng gawin upang makatulong sa kanila.

2. Malaya

Gamitin ang sumusunod na kailanan at panauhan ng mga panghalip panao sa pangungusap.

1. Kami _____________________________________________________

2. Kanila ____________________________________________________

3. Kita ______________________________________________________

4. Ikaw _____________________________________________________

5. ko _______________________________________________________

E. Paglalahat

Ano ang kailanan at panauhan ng panghalip panao?


F. Paglalapat

Punan ang angkop na panghalip panao ang bawat pangungusap at isulat sa patlang na nasa unahan ng
bilang ang panauhan ginamit.

________ 1. ________ ang mga bayani na namatay para sa bayan.

________2. Ako at si Orlando ay aalis papuntang Luneta Park. ______ ay manonood ng Concert at the
Park.

_______3. Dapat ______ igalang ang ating mga magulang.

______4. Sa ____ ba itong sapatos?

______5. Si Rudy ay kaibigan ko. ________ ay dumating galing America.

V. Pagtataya

Piliin at isulat ang panghalip panao sa tamang bilang. Ilagay rin ang panauhan at kailanan nito.

1. Amin idinadalangin lalong pagpalain ng Diyos ang mga taong matulungin sa mahihina at
nangangailangan.

2. Bigyan mo rin po ng kalusugan at mahabang buhay ang mga bukas palad.

3. Alam ba ninyo na kapag nagbigay ang tao ay bumabalik ang mga ibinigay niya nang doble subalit sa
ibang paraan?

4. Nandito pa man sila sa lupa ay nagdaranas na sila ng langit.

5. Kami ay nangangakong tutularan ang gawaing ipinakita sa madla.

PANGHALIP PANAUHAN KAILANAN

5
VI. Takdang Aralin

Tapusin ang pangungusap. Isulat ang nawawalang panghalip panao. Sundin ang panauhan at kailanang
hinihingi.

(una, maramihan) 1. Mahal __________ ng Diyos kaya patuloy siyang gumagabay sa atin.

(ikalawa, isahan) 2. Tama lang na pahalagahan _______ ang iba dahil iginagalang ka rin nila.

(ikatlo, maramihan) 3. ________ man ay may karapatan din mahalin at igalang.

(ikalawa, isahan) 4. _______ na ang sumagot sa tanong na ito, marunong ka bang magpahalaga sa
kapwa mo?

(ikalawa, isahan) 5. May kilala _______ bang Pilipinong natatangi?

Day 10

I. Layunin

Nagagamit ang panghalip bilang paksang pangungusap at pinaglalaanan ng kilos.

II. Paksang Aralin

Gamit ng Panghalip na Panao

III. Sanggunian

Filipino sa Makabagong Siglo 6 pp. 110-113

Pagpapahalaga: Kahalagahan ng Edukasyon

Kagamitan: tsart

IV. Pamamaraan

A. Pagganyak:

Nag-aaral ka bang mabuti? Sa paanong paraan mo, pinahahalagahan ang edukasyon?

B. Paglalahad ng Aralin

A. 1. Ang mga mag-aaral ay sila.

2. Ang magtutulungan sa ating kinabukasan ay tayo.

B. 1. Sila ay pinag-aaral ng kanilang mga magulang.


2. Kami ay ipinagkalooban ng magandang edukasyon.

C. Pagtatalakay

1. Alin-alin ang mga panghalip panao ang ginamit sa pangungusap A at B?

2. Sa anong bahagi ng pangungusap A matatagpuan ang mga panghalip na panao?

3. Sa anong bahagi ng pangungusap B matatagpuan ang mga panghalip na panao?

4. Ano ang gamit ng panghalip panao sa pangungusap A?

5. Ano ang gamit ng panghalip panao sa pangungusap B?

GAMIT NG PANGHALIP NA PANAO

1. Bilang panaguri sa pangungusap. Ito ay matatagpuan sa bahaging panaguri ng pangungusap.

Halimbawa – Ang mga taong dapat tularan ay sila.

2. Bilang paksa ng pangunugusap at pinaglalaanan ng kilos ng pandiwa. Ang mga pandiwa ay


ginagamitan ng panlaping I, pang, at ipag.

Halimbawa – Kami ay ipinagsalok ng malinis na tubig.

D. Pagsasanay

1. Pinatnubayan

Salungguhitan ang panghalip sa pangungusap at isulat sa patlang kung ito ay ginagamit bilang panaguri o
paksang pinaglaanan.

______ 1. Ang magtatanim ay tayo kasama ng mga kabataan.

_______2. Kayo ay ipinagmamalaki ng ating bayan.

_______3. Sila ang mga basurerong tumutulong sa bayan.

_______4. Ipinagtapon kami ng basura nang dumaan ang naghahakot na sasakyan.

_______5. Ipinagtanim sila ng mga puno sa kagubatan.

2. Malaya
Sumulat ng dalawang pangungusap na ginagamitan ng panghalip panao bilang panaguri.

1._________________________________________________________________

2. ________________________________________________________________

Sumulat ng dalawang pangungusap na ginagamitan ng panghalip panao bilang paksang pinaglaanan.

1._________________________________________________________________

2. ________________________________________________________________

E. Paglalahat

Ano ang gamit ng panghalip panao bilang panag-uri? paksang pinaglalaanan?

F. Paglalapat

Hatiin ang klase sa dalawang pangkat. Maglaro sa pamamagitan ng paggamit sa pangungusap na mga
panghalip bilang panaguri at paksang pinaglalaanan. Isa sa bawat pangkat ay isusulat sa pisara at
gagamitin sa pangungusap ang panghalip na ididikta ng guro. Sasabihin din ng guro kung ang gamit nito
ay bilang panaguri o paksang pinaglalaanan. Iwawasto lamang ito pagkatapos ng sampung pangungusap.
Maaaring magtulungan ang mga kasapi sa pagbuo ng pangungusap.

V. Pagtataya

Salungguhitan ang panghalip sa pangungusap at isulat sa patlang kung ito ay ginagamit bilang panaguri o
paksang pinaglaanan.

______ 1. Sila ang mga batang nakaiwas sa sakit.

_______2. Ipinagsigawan siya bilang may pinakamalinis na kapaligiran.

_______3. Ang pinag-uusapan ay kayong mga gumagamit ng dinamita sa pangingisda.

_______4. Isumbong sila sa mga taong kinauukulan.

_______5. Kayo ang magtrotrosong pinaghahanap ng batas.

VI. Takdang Aralin

Ibahin ang anyo ng pangungusap. Dagdagan ang panghalip panao at gamitin bilang panaguri at
paksang pinaglalaanan. Dagdagan din ng iba pang salita upang makabuo ng maayos na pangungusap.

Halimbawa
Pangungusap – Ang tungkulin ng mamamayan ay makipagtulungan.

Panaguri – Ang tunay na mamamayan ay kaming nakikipagtulungan sa pagtupad ng tungkulin.

Pinaglalaanan – Sila ay ipinagpatupad ng tungkulin ng mga mamamayan.

1. Pangungusap – Ang kalikasan ay dapat pangalagaan.

Panaguri –

Pinaglalaanan –

Pagsulat
Day 1

I. Layunin

Nakasusulat ng mga patalastas o babala nang malinaw.

II. Paksang Aralin

Pagsulat ng patalastas o babala

III. Sanggunian

Landas sa Wika 6 pp. 154-159

Pagpapahalaga: Pagtangkilik sa produktong Pinoy

Kagamitan: tsart, larawan o real object, video presentation

IV. Pamamaraan

a. Pagganyak

(Magpanood ng video presentation tungkol sa mga komersyal sa telebisyon.)

Tungkol saan ang patalastas? Paano nila ito nilahad?

b. Paglalahad ng aralin

Gawing batayan ang aklat sa Landas sa Wika 6 pp. 154-155.

c. Pagsasanay

Hatiin ang klase sa limang pangkat. Ang bawat pangkat ay susulat ng patalastas tungkol sa mga
sumusunod:
Pangkat 1: Sabon

Pangkat 2: Sapatos

Pangkat 3: Lapis

Pangkat 4: Kapeng Barako

Pangkat 5: Tinapay

D. Pamantayan sa Pagsulat

Ang guro ay magpapakita ng scoring rubric upang maging gabay ng bata sa kanilang pagsulat.

E. Pagsulat

Gawaing Indibidwal:

Sumulat ng patalastas tungkol sa mga bagong produktong pagkain gawa sa anumang prutas o gulay.
Maaari ka din mabigay ng sariling pangalan ng iyong produkto.

V. Pagpapahalaga sa natapos na gawain

Tumawag ng dalawa hanggang apat na bata upang basahin ang kanilang gawa.

VI. Kasunduan

Gumupit ng mga patalastas sa mga dyaryo o magasin at idikit ito sa iyong kuwaderno.

Day 2

I. Layunin

Nakasusulat ng sariling impresyon hinggil sa ikinikilos ng mga tauhan sa akdang nabasa.

II. Paksang Aralin

Pagsulat ng sariling impresyon hinggil sa ikinikilos ng mga tauhan sa akdang nabasa.

III. Sanggunian

Landas sa Pagbasa 6 pp. 9-12

Pagpapahalaga:

Kagamitan: tsart, puppet

IV. Pamamaraan
a. Pagganyak

Nakabasa na ba kayo ng kwento na ang tauhan ay mga hayop? Ano ang tawag natin sa kwentong ito?

b. Paglalahad ng aralin

Gawing batayan ang aklat sa Landas sa Pagbasa 6 pp. 9-11

c. Pagsasanay

Hatiin ang klase sa limang pangkat.

Pangkat 1: Puppet Show

Pangkat 2: Itala ang katangian ni Pagong

Pangkat 3: Itala ang katangian ni Matsing

Pangkat 4: Sumulat ng impresyon hinggil sa ikinikilos ni Pagong

Pangkat 5: Sumulat ng impresyon hinggil sa ikinikilos ni Matsing

D. Pamantayan sa Pagsulat

Ang guro ay magpapakita ng scoring rubric upang maging gabay ng bata sa kanilang pagsulat.

E. Pagsulat

Gawaing Indibidwal:

Sumulat ng impresyon hinggil sa ikinikilos ng tauhan sa pabulang “Oo Ngat Pagong”.

V. Pagpapahalaga sa natapos na gawain

Tumawag ng dalawa hanggang apat na bata upang basahin ang kanilang gawa.

VI. Kasunduan

Gumupit ng mga patalastas sa mga dyaryo o magasin at idikit ito sa iyong kuwaderno.

Day 3

I. Layunin

Nakakasulat ng maayos na talata sa tulong ng isang balangkas.

II. Paksang Aralin


Pagsulat ng maayos na talata sa tulong ng isang balangkas.

III. Sanggunian

Mabisang Pagsulat sa Filipno 6 pp 5-7

Filipino sa Makabagong Siglo 5 pp 86-87

Pagpapahalaga: Pagpapahalaga sa Paaralan

Kagamitan: tsart, sulatin, larawan

IV. Pamamaraan

a. Pagganyak

Paano mo ilalarawan ang iyong paaralan bilang ikalawa mong tahanan? (Isulat ang sagot ng mag-aaral sa
pormang pabalangkas.)

Ang Paaralan Bilang Ikalawang Tahanan

I. Kahalagahan ng pagkakaroon ng Paaralan

a. Mag-aaral

b. Guro

c. Pamayanan

II. Paraan ng pangangalaga sa paaralan

a. Kapaligiran

b. Istraktura

c. Gamit sa Loob ng silid-aralan

III. Panapos na tanong ukol sa paksa o sa iyong paaralan

b. Paglalahad ng aralin

Makakasulat tayo ng isang maayos na talata sa pamamagitan ng balangkas. Ang BALANGKAS ay


isang paraan ng pag-aayos ng mga pangunahing kaisipan at mga detalyeng nagpapaliwanag tungkol dito.
Mahalaga ito upang maging mahusay sa ipahayag upang walang mawaglit sa lahat ng kaisipang nais
ipaabot. Ang Roman Numeral ay tumutukoy sa pangunahing diwa ng talata at ang mga numero, decimal,
at titik ang nagsasaad ng mga suportang detalye.
c. Pagsasanay

Batay sa nabuong balangkas kanina, sumulat ng isang maayos na talata.

Ang Paaralan Bilang Ikalawang Tahanan

I. Kahalagahan ng pagkakaroon ng Paaralan

a. Mag-aaral

b. Guro

c. Pamayanan

II. Paraan ng pangangalaga sa paaralan

a. Kapaligiran

b. Istraktura

c. Gamit sa Loob ng silid-aralan

III. Panapos na tanong ukol sa paksa o sa iyong paaralan

D. Pamantayan sa Pagsulat

Ang guro ay magpapakita ng scoring rubric upang maging gabay ng bata sa kanilang pagsulat.

E. Pagsulat

Gawaing Indibidwal:

Sumulat ng isang talata tungkol sa iyong sarili sa tulong ng isang balangkas.

Sino Ako?

I. Pagkakakilanlan

a. Pangalan

b. Edad

c. Kapanganakan

d. Tirahan

e. Pangalan ng Magulang
f. Hanapbuhay ng Magulang

II. LIbangan

III. Paborito

a. Pagkain

b. Kulay

IV. Kaibigan

V. Pangarap sa Buhay

V. Pagpapahalaga sa natapos na gawain

Tumawag ng dalawa hanggang apat na bata upang basahin ang kanilang gawa.

VI. Kasunduan

Isulat muli nang wasto ang talata.

Day 4

I. Layunin

Nakasusulat ng tula.

II. Paksang Aralin

Pagsulat ng tula

III. Sanggunian

Pluma 6 pp 6-7

Landas sa Pagbasa 6 pp 67-68

Pagpapahalaga: Pagmamahal ng isang ina

Kagamitan: tsart
IV. Pamamaraan

a. Pagganyak

Paano mo ilalarawan ang iyong ina?

INA

b. Paglalahad ng aralin

Basahin ang tulang “Apat na Ina” sa Landas sa Pagbasa pp 67-68

1. Saan tungkol ang tula?

2. Ano ang ipinapahiwatig sa tula?

3. Malaya bang taludturan ang tula o may sukat?

TULA

*kung ang tula ay may sukat, ito ay binubuo ng taludtod na may pareparehong bilang ng pantig, may
tugma, indayog, damdamin, piling mga salita, at tayutay.

*kung ang tula ay malayang taludturan, ito ay walang sinusunod na bilang ng pantig, sukat, o tugma
subalit ito ay nagtataglay rin ng damdamin, tayutay, at mga piling salita.

URI NG TAYUTAY

*Simili – naghahambing sa dalawang magkaibang tao, bagay, at pangyayari, ginagamitan ng mga


salitang tulad, wangis, wari, kapara, mala, tila o para at ng salitang nais idikit dito.

Halimbawa – Parang maamong tupa ang kanyang mukha na siya’y makilala.

*Metapora – tiyakan o tuwirang paghahambing hindi gumagamit ng mga salitang tulad, wangis, tila,
atbp.

Halimbawa – Ang mga nangangalaga ng kalikasan ay mga anghel sa kagubatan.


*Personipikasyon – pagsasalin ng talino at katangian ng tao sa hindi tao.

Halimbawa – Nag-uunahan ang agos ng tubig sa batis.

*Pagmamalabis – lubhang pinalalabis o pinakukulang ang tunay na kalagayan ng tao, bagay, o


pangyayari, ginagamit upang ipakita ang sukdulang pangyayari.

Halimbawa – Bumuha ng luha ang buong paligid ng magkita ang dalawa.

*Pagtawag – pakikipag-usap sa karaniwang bagay na tila ba ito’y buhay na tao o di kaya ay sa isang tao
gayong wala naman ay parang naroo’t kausap.

Halimbawa – O Hangin, hihip mo huwag palakasin.

c. Pagsasanay

Hatiin ang klase sa limang pangkat. Ang bawat pangkat ay susulat ng isang tula na may sukat, na isang
saknong, at apat na taludtod tungkol sa mga sumusunod:

Pangkat 1: Pamilya

Pangkat 2: Kalikasan

Pangkat 3: Edukasyon

Pangkat 4: Kaibigan

Pangkat 5: Kalusugan

D. Pamantayan sa Pagsulat

Ang guro ay magpapakita ng scoring rubric upang maging gabay ng bata sa kanilang pagsulat.

E. Pagsulat

Gawaing Indibidwal:

Sumulat ng tula na may malayang taludturan tungkol sa iyong magulang.

V. Pagpapahalaga sa natapos na gawain

Tumawag ng dalawa hanggang apat na bata upang basahin ang kanilang gawa.

VI. Kasunduan

Isulat muli nang maayos ang iyong ginawang tula.


Day 5

I. Layunin

Nakasusulat ng balita tungkol sa napapanahong isyu.

II. Paksang Aralin

Pagsulat ng balita

III. Sanggunian

Pinagyamang Pluma pp 165-167

Mabisang Pagsulat sa Filipino 6 pp 37-38

Pagpapahalaga: Magiliw na Pagtanggap sa Bisita

Kagamitan:

IV. Pamamaraan

a. Pagganyak

Mayroon ka bang pamilya o kamag-anak nagtratrabaho sa ibang bansa?

Umuuwi ba sila sa mahahalagang pagdiriwang sa ating bansa?

Paano mo sila pinatutunguhan bilang bisita sa inyong bahay?

b. Paglalahad ng aralin

Basahin ang balita “Balikbayan, Dagsa sa NAIA” sa Pinagyamang Pluma 6 p. 165.

1. Ano ang nangyari sa NAIA?


2. Sinu-sino ang dumagsa sa NAIA?

3. Saan sila nahirapan pagdating sa NAIA?

4. Kailan dumagsa ang mga pasahero sa NAIA?

5. Bakit dumagsa ang mga pasahero sa NAIA?

6. Paano natulungan ng pamunuan ng NAIA ang kaligtasan ng mga balikbayan?


Tandaan!

Ang mga pangyayari o kaganapan at ang impormasyon sa mga ito mula sa ibang tao, sa sulat, o sa
isang pahayagan ay tinatawag na balita.

Sa pagsulat ng tuwirang balita o straight news ay sinusunod ang inverted pyramid style. Ang unang
talata ay naglalaman ng mabigat na impormasyon. Halos sinasagot na agad nito ang mahahalagang
tanong tulad ng

*Ano?

*Saan?
*Bakit?
*Sino?
*Kailan?

*Paano?

Kapag nasagot na ang mahahalagang tanong ay papaliit o papagaan na ang umusunod na mga
pangyayari sa talata. Maaaring tandaan ang nasa ibaba sa pagulat ng balita.

*Gumamit ng simple, napapanahon, naiintindihan, at gamiting salita.

*Iwasang maging maligoy.

*Gawing maikli ang talata.

May mga mungkahing hakbang sa pagsulat ng balita tulad ng sumusunod.

*Isulat kaagad ang mga makabuluhang detalyeng sumasagot sa mga pangunahing tanong.

*Gawin pambungad na pangungusap ang pinakamahalagang detalyeng kaugnay ng balita.

*Idugtong ang iba pang suportang detalye.

*Lapatan ng maikli ngunit makatawag-pansing pamagat ang balitang isinulat.


c. Pagsasanay

Sumulat ng napapanahong balitang pampaaralan. Punan ng mahahalagang detalye ang balangkas


kaugnay ng isusulat na balita. Lapatan ito ng angkop na pamagat.

D. Pamantayan sa Pagsulat

Ang guro ay magpapakita ng scoring rubric upang maging gabay ng bata sa kanilang pagsulat.

E. Pagsulat

Gawaing Indibidwal:

Sumulat ng isang makabuluhang balitang pampayanan. Lapatan ito ng angkop na pamagat.

V. Pagpapahalaga sa natapos na gawain

Tumawag ng dalawa hanggang apat na bata upang basahin ang kanilang gawa.

VI. Kasunduan

Isulat muli nang maayos ang iyong isinulat na balita.

Inihanda ni:

ANGELO A. AMURAO
Guro sa Filipino 6

You might also like