You are on page 1of 4

Schools Division Office

School District VI
BENIGNO S. AQUINO, JR. ELEMENTARY SCHOOL
Quezon City, Metro Manila
Guro ROCHELLE P. ARANDIA Baitang/Seksyon Oras
Petsa JUNE 2, 2021 Florencio Abad 3:00 – 4:00
BANGHAY ARALIN Asignatura FILIPINO 5
Markahan IKAAPAT NA MARKAHAN

I. Layunin
Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaahasang:
A. Natutukoy ang angkop na pamagat sa isang talata at tekstong napakinggan.
B. Nakagagawa ng angkop na pamagat sa isang talata at tekstong napakinggan.
C. Napahahalagahan ang pagkakaroon ng angkop na pamagat ng isang teksto.

II. Paksang Aralin


Pagbibigay ng Pamagat sa Talata
A. Sanggunian: MELC ( F5PN-Ih-17 ),
SDO-QC SLR https://ggle.io/3psn https://ggle.io/3psp
B. Kagamitan  :     Powerpoint slides, mga larawan, worksheet week3
C. Integration: MAPEH- Health: Practices self-care procedures (H5GD-li-10)

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain
1. Pagdarasal
2. Pagbati
3. Balik-Aral
Basahin ang mga tugma. Piliin ang paksa at isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. May angking katapangan
Handang ipagtanggol ang bayan
Laban sa mga nang-aabuso
Tayong mga Pilipino, makabayang totoo.
A. kasipagan B. kabayanihan C. kakisigan D. kabutihan
2. Saanmang panig ng mundo
Madaling makilala ang mga Pilipino
Kayumanggi ang kulay
Wastong pag-uugali ang taglay.
A. katangian ng Pilipino C. kulay ng balat ng Pilipino
B. kinalalagyan ng Pilipino D. kabutihan ng Pilipino
3. Tayong mga Pilipino’y may isang lahi
Galing sa marangal na tribu at lipi
Angkan ng maginoo’t bayani
Sambayanang maipagmamalaki.
A. pagkakaisa B. pagsasama-sama C. pagmamalaki D. pagtutulungan
4. Aklat at bag ay bitbit mo sa pagpasok
Matamang nakikinig sa gurong nagtuturo
Nang sa gayo’y magkaroon ng kinabukasang
Minimithi ng sinomang nagnanais ng kaginhawaan
A. pagtuturo B. pakikinig C. pagsisipag D. pag-aaral
5. O bayang nalugmok sa kasawian
Bumangon at ika’y lumaban
Sa sipag at tiyaga’y iyong abutin
Ang lahat ng iyong mithiin.
A. pag-asa B. pag-ibig C. paghihirap D. pagkikipaglaban

B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
Ipakita ang mga sumusunod na larawan.

Itanong:
1. Ano ang masasabi nyo sa una, pangalawa at pangatlong larawan?
2. Ano-ano ang mga dapat gawin upang maiwasan ang pagkakaroon ng mga sakit?
3. Ano-anong mga impormasyon ang nalalaman ninyo tungkol sa pandemyang pinagdadaanan natin ngayon

2. Paglalahad
Basahin ang teksto o impormasyon tungkol sa Corona virus.
Noong ika-31 ng Disyembre 2019, naitala ang ilang kaso ng pneumonia na hindi pa gaanong kilala sa Wuhan, China
at naireport sa WHO. Napag-alaman na lamang na ang outbreak ay dulot ng isang uri ng hindi pa nakikilalang coronavirus.
Ang coronavirus na ito ay karaniwang natatagpuan sa mga hayop lamang, at hindi pa nakita sa mga tao noon.
Karamihan sa mga taong magkakaroon ng impeksyon ay makararanas ng hindi malalang sintomas at gagaling.
Ngunit ang iba ay makararanas ng malubhang sakit,problema sa paghinga, lalo na sa mga matatanda at mga may dati nang
karamdaman.
Maaari kang magkasakit dahil sa: mga pagtalsik ng laway o sipon dahil sa pag-ubo o pagbahing paglapit o pagdikit
sa isang nahawahang tao paghawak sa isang bagay na may virus, pagkatapos ay paghawak sa iyong mga mata, ilong, o bibig.
Kabilang sa mga pinakakaraniwang sintomas ng COVID-19 ang ubo, lagnat, at pangangapos ng hininga. Maaari
ding may tumutulong sipon o pananakit ng lalamunan. Ang sakit ay nagreresulta sa pagkamatay sa maliit na porsyento ng
mga indibidwal.
Narito ang ilang mga simpleng hakbang na maaari mong gawin upang maprotektahan ang kalusugan mo at ng iba.
Ang mga payong ito ay maaaring sundin ng lahat, ngunit napakahalaga ng mga ito kung ikaw ay nakatira sa lugar na may
COVID-19.
1. Hugasan nang madalas ang iyong mga kamay
2. Iwasan ang paghawak sa iyong mata, ilong at bibig
3. Takpan ang iyong bibig kapag ikaw ay uubo at babahing
4. Iwasan ang matatao na lugar at malapit na pakikipagsalamuha sa taong may lagnat o ubo
5. Manatili sa bahay kung ikaw ay may sakit
6. Kung ikaw ay may lagnat, ubo at hirap sa pag-hinga, magpakonsulta agad – ngunit tawagan mo
muna ang health facility
7. Kumuha ng impormasyon sa mapagkakatiwalaang awtoridad

C. Pagtalakay
Itanong:
a. Kailan naitala ang ilang kaso ng pneumonia dulot ng covid?
b. Ano-ano ang mga sintomas ng mga matatamaan ng covid?
c. Paano ninyo maiiwasan ang pagkakaroon ng sakit kagaya ng covid?
d. Bakit kailangang makinig sa mga health protocols lalo na kung ikaw ay nasa mga pampublikong lugar
kagaya ng paaralan, simbahan o mall?
e. Bilang isang mag-aaral na kagaya mo, paano ka makakatulong upang mabawasan o mapigilan ang pagkalat
ng sakit kagaya ng corona virus?
f. Bakit mahalaga na mapanatili ang kalinisan ng katawan lalo na kayo ay nagbibinata at nagdadalaga na?
g. Ano ang akmang pamagat sa tesktong binasa?

 Sa pagbibigay ng pamagat sa isang talata, mahalaga na alamin mo muna ang paksang diwa o paksang
pangungusap. Ang mga ito ang magbibigay ng ideya sa pagpili o pagbuo ng pamagat. Ang pangunahing diwa
ang pinakabuod ng mga pangyayari sa talata o kuwento. Ginagamit ang malaking titik sa mahahalagang salita sa
pamagat ng talata o kuwento. Ang unang salita sa pamagat ay sisimulan din sa malaking titik.
Ang isang angkop na pamagat ay may sumusunod na katangian:
1. Ang pamagat ay nararapat lang na makapukaw ng atensiyon ng mambabasa.
2. Dapat ito ay simple lamang ngunit mayroong bigat at laman.
3. Maaari ring gumamit ng mga salita na nagamit sa talata upang magkaroon ng ideya ang mga mambabasa.

Narito ang isa pang halimbawa:


Ang bansang Pilipinas ay masasabing isang bansang mayroong isang napakayaman sa kasaysayan. Ang
kasaysayan ng bansang itoy bumubuo ng iba’t ibang pangyayari na nagbibigay kulay sa kwento ng nakaraan.
Maraming Pilipino noon ang nagsilbing mga tagapaglaban ng kalayaan na minsan nang nawala sa bansang
Pilipinas. Sila ang mga taong tinuturing nang mga bayani sa kasalukuyan. Isa na rito ang ating pambansang
bayani na si Dr. Jose Rizal.

A. Bakit Binabagyo ang Pilipinas?


B. Ang Kasaysayan ng Pilipinas
C. Ang Maipagmamalaking Ugali ni Leslie
D. Pakinabang ng Bagong Teknolohiya sa Atin

D. Paglalapat
Pangkatin ang mga mag-aaral sa tatlo. Maglaro ng spin the wheel, ang matatapat na teksto ang syang bibigyan
ng napagkasunduang pamagat ng bawat pangkat.

Makagagawa ka ng keso mula


sa gatas ng kalabaw, baka, o kambing.
Asinan ang gatas, pakuluan ng tatlumpung
minuto habang hinahalo at pagkatapos ay itabi
nang mga sampung oras. Magkakaroon ito ng mga
buo-buong bahagi na siyang babalutin sa murang dahon.
Ngayon, may kesong napakadaling gawin.

Ang puto bumbong, bukod sa


kilalang pagkaing Pinoy ay kabilang
din sa tradisyon ng Paskong Pilipino.
Ito ay kulay lila/ube at kakaning gawa
sa giniling na malagkit na bigas. Isa ito sa Isa sa mga katangiang maipagmamalaki
pinakapopular na pagkaing mabibili tuwing nating mga Filipino ay ang mabuti nating
sasapit ang panahon ng kapaskuhan pagtanggap sa mga panauhin. Kapag
ang isang pamilya ay may inaasahang
panauhin, bawat isa ay abala sa paghahanda.
Sila’y naglilinis at nagaayos ng buong
bahay. Nagluluto ang pamilya ng
masarap na pagkain at naghahanda
ng maraming prutas at inumin.
Pinagkakaabalahan din nila
kung ano ang maipauuwing pasalubong
ng panauhin.

E. Paglalahat
Itanong:
1. Ano ang mga dapat tandaan sa pagbibigay ng pamagat sa nabasang teksto?
2. Ano ang naging epekto ng covid o pandemyang pinagdadaan natin ngaun sa ating ekonomiya at sa
pag-aaral ng batang kagaya mo?

IV. Pagtataya
Panuto: Basahin ang mga talata at ibigay ang pamagat nito. Piliin ang letra nang tamang sagot .

1. Si Pablo Planas ay isang dating tsuper at mekaniko. Siya ang nakaimbento


ng Khaos Super Turbo Charger (KSTC) na isang tipid-gas na gamit para sa mga de-
gasolinang sasakyan. Hindi siya nasilaw sa multi-milyong pisong alok ng bansang
Amerika para lamang ibenta ang kanyang imbensyon. Ito ang nagpapatunay ng
kanyang hangaring makatulong sa ating bayan.
A.Dating Tsuper C. Ang Super Turbo
B. Dating Mekaniko D. Si Pablo Planas

2. Matalino at masipag mag-aral si Chine. Lahat ng mga gawain sa paaralan


ay kaniyang ginagawa nang buong husay. Tuwing may takdang- aralin ang kanilang
guro hindi siya natutulog hanggat hindi niya ito natatapos. Ang mga proyektong
ipinapagawa sa kanila ay mabilis niyang ginagawa. Kinagigiliwan siya ng kaniyang
mga magulang dahil sa kaniyang kasipagan pati ang kaniyang mga guro at mga
kaklase ay nasisiyahan sa angkin niyang ugali at talino.
A. Ang Batang Kinagigiliwan C. Si Chine
B. Mga Katangian ni Chine D. Kahusayan ni Chine
3. Takot ang mga taong lumabas ng bahay. Kung napipilitan naming lumabas ay nakasuot ng “face mask” at
may baong “alcohol” o “sanitizer”. Ang lahat ay tuliro sa tuwing lalabas sa takot na mahawa ng sakit na
“COVID-19”. Kahit ang pagbili ng mga pangangailangan sa tahanan ay naging mahirap din sa bawat isa. Ang
pagsisimba ay di na rin magawa ng mga tao. Maging ang pagpupulong ay hindi na
pinayagan dahil sa takot na magkahawaan sakaling may magpositibo.
A. Ang “COVID-19” C. Pagsuot ng “Face Mask”
B. Pangambang Dulot ng “COVID-19” D. Sakit ng Tao

4. Marumi ang paligid ng bahay nina Hilda. Masangsang din ang amoy na nanggagaling sa mga basurang
nagkalat. Marami na rin ang nagkakasakit sa kanila dahil sa kapabayaan ng kanyang pamilya. Kalat dito kalat
doon na hindi pinapansin ang masamang epekto nito sa katawan at kalusugan ng tao.
A. Maruming Paligid C. Epekto ng Basura
B. Mga Basurang Nagkalat D. Dulot ng Walang Pagpapahalaga sa Kapaligiran

5. May binasang kwento si Luisa tungkol sa asong nagpakita ng


pagmamahal sa kaniyang amo, nang ibinuwis nito ang sariling buhay upang masagip
ang isang batang babae sa rumaragasang motor. Natanggal ang itaas na bahagi ng
nguso ng aso. Ang akala nila ay namatay si Kabang, pangalan ng aso, dahil hindi na
ito nagpakita. Subalit makalipas ang ilang linggo, umuwi ang asong ito sa bahay.
Nabalitaan ng isang beterinaryo ang nangyari kay Kabang at nagboluntaryong dalhin
siya sa Amerika upang ipagamot. Nagtagumpay ito at naging mas malambing at
masayahin si Kabang sa kabila ng kawalan ng nguso. Tunay ngang ang aso ay matalik
na kaibigan ng tao.
A. Ang Bayaning Aso C. Ang Pagsagip ng Aso
B. Ang Kuwento ni Luisa D. Si Kabang
V. Takdang aralin
Panuto: Bumuo ng isang talata tungkol sa larawan. Tiyaking may angkop na pamagat ito. Isulat sa sagutang
papel.

Prepared by:

Rochelle P. Arandia
Adviser

Checked by:

Samuel E. Caddarao
Master Teacher -In charge

Jessie A Bayadas
Master Teacher -In charge

You might also like