You are on page 1of 8

Shirley Ann Barcelona 11 STEM

Alvior

pagabasa
Aralin 4-ikatatlong quarter

Tuklasin natin!
Hanay A Hanay B
1. “Saan aabot ang 20 pesos D. Selecta Cornetto
mo?”
2. “Babangon tayo!” C. Nescafe
3. “Pag three pataas!” A. Bonakid
4. “Isa pa, isa pang F. Jollibee
chickenjoy!”
5. “Lahat ng gamut effective. B. Biogesic
Lahat ba safe? Ingat!”

SAGUTAN ANG MGA SUMUSUNOD NA MGA TANONG:


1. Oo, dahil nanonood kami ng aking pamilya ng telebisyon at nakikinig sa
radio sa aming tahanan, kung kaya ay pamilyar sa akin ang mga patalastas
na nasa pahayag.
2. Ang patalastas na tumatak at kinahumalingan ko ay ang una, lactum 3+
na pinamagatan na “Wala si Mama”. Maaaring hango ito sa totoong buhay
dahil may ibang bata na laging wala ang kanilang mga magulang dahil sila
ay nagsasakripisyong magtrabaho para sa kanilang mga anak.
3. Nahikayat nila ako dahil sa nakakabighaning kwento at daloy ng mga
patalastas na ito. Tiyak na may mapupulot silang aral sa sumusunod na
patalastas.

BASAHIN AT SURIIN NATIN


1. Ang teksto ay tungkol sa plataporma ni Jose Manuel ‘Chel’ l. Diokno
na ang layunin ay mabigyan ng hustiya ang lahat, pagprotekta sa
mga karapatan at kapakanan ng pinakamahihina sa ating lipunan,
pagpapalago ng ekonomiya at makinabang sa bunga nito,
pagpapaganda sa ating political na institusyon, pagtuunan ng pansin
ang mga usaping konektado sa kalikasan at ang malayang ugnayan
sa ibang bansa.
2. Ang sumulat at nagsalita ng talumpati ay si Jose Manuel ‘Chl” l.
Diokno o mas kilala sa pangalan na Chel Diokno. Siya ay isang
abogado, senator at tagapagtanggol ng mga inaapi at
nangangailangan. Siya rin ay tumutulong sa mga nadedehado sa
hustisya at lumalaban para sa katarungan.
3. Ang estratehiya na ginamit sa talumpating ito ay ang tatlong paraan
o elemento ng panghihikayat. Ito ay ang Ethos, Pathos at Logos.
4. Oo, dahil ang tekstong ito ay naglalahad ng opinyon ng may akda o
nagsasalita upang mahikayat ang madla. Gumagamit ito ng mga
nakakaganyak na salita na nakakapukaw sa interes ng mga
tagapakinig.
5. Maiuugnay ko ang mensahe na ito sa aking sarili, pamilya,
komunidad, bansa at daigdig dahil ang mga platapormang ito ang
kailangan natin sa kasalukuyan. Higit na matutulungan nito ang mga
mamamayan, mapapangalagaan ang kalikasan, napapalawak ang
partisipasyon ng mga taumabayan sa mga lipunan, mapapayabong
ang ekonomiya ng bansa at mapagtibay ang ugnayan natin sa iba’t
ibang mga bansa.
PAGYAMANIN NATIN

A.

1. Ang tekstong persweysiv ay may layuning maglahad ng isang opinyong


kailangang mapanindigan at maipagtanggol sa tulong ng mga
patnubay at totoong datos upang makumbinsi ang mga mambabasa.
TAMA

2. Ang tono ng tekstong persweysiv ay obhektibo kung saan nakabatay


ang manunulat sa kanyang mga ideya. sobhetibo

3. Ang ethos ay naiimpluwensiyahan ng damdamin ng


tagapagsalita. kredibilidad

4. Ang logos ay tumutukoy sa paraan ng paghihikayat na umaapila sa


isip. TAMA

5. Ang pathos ay paraan ng paghihikayat na umaapila sa damdamin ng


mga tagapakinig. TAMA

6. Ang tekstong persweysiv ay nagbibigay ng opinyon ng mga akda o


nagsasalita upang mahikayat ang isang tao lamang. madla

7. Ang mga transitional devices o mga ginagamit na instrumento ng


tekstong perswesib sa pang-aakit ng madla. propaganda devices

8. Ayon kay Plato, ang tatlong paraan o element ng panghihikayat ay


ethos, pathos at logos. Aristotle

9. Ang plain folks ay uri ng propaganda kung saan ang nagsasalita ay


nanghihikayat sa pamamagitan ng pagpapakapayak tulad ng isang
ordinaryong tao para makuha ang tiwala ng sambayanan. TAMA
10. Ang name calling ay ang pangungumbinsi sa pamamagitan ng
magagandang nakakasilaw, at mga mabubulaklak na salita o pahayag.

glittering generalities

b.

PATALASTAS PARAAN NG PROPAGANDA DEVICES


PANGHIHIKAYAT NA GINAGAMIT
1. SHOPEE ETHOS BANDWAGON

2. BIODERM LOGOS TRANSFER

3. MILO ENERGY DRINK ETHOS GLITTERING GENERALITIES

4. XANTHONE PLUS PATHOS PLAIN FOLKS

5. PEPSI PATHOS CARD STACKING

Batay sa aking napanood at napakinggang mga patalastas, may iba’t iba paraan
o instrumento na ginagamit sa panghihikayat upang maakit ang mga madla. Sa aking
opinyon, maaaring mapanlinlang ang mga paraan na ginagamit upang makahikayat
dahil ang iba dito ay may masasamang dulot sa ating kalusugan, o ating sariling buhay,
ngunit dahil sa magaganda at mabulaklak na paraan ng panghihikayat ay mas
tinatangkilik parin ito ng mga madla.
Tayahin natin

Talumpati

Magandang hapon po sa ating lahat at pagbati ng kapayapaan at


kagalakan mula sa aking puso. Ako po’y si Shirley Ann Barcelona, isang
barangay health worker at tumungo dito sa atin pagpupulong upang
ibahagi ang impormasyon sa pagiwas ng COVID-19 virus, ito ang ilan sa
mga hakbang upang maiwasan ang impeksyon. Una iawasan ang
paghawak ng iyong mga mata, ilong at bibig. Humawak lamang ng pagkain
matapos hugasan ang iyong mga kamay. Sabi nga sa balita, kailangan
natin kantahin at matapos iyong kantang “Happy Birthday to you” habang
naghuhugas ng kamay. Ikalawa, Siguraduhing ikaw, at ang mga tao sa
paligid mo, at sumusunod sa tamang respiratory hygiene. Ibig sabihin nito
ay ang pagtakip ng bibig at ilong gamit ang loob ng siko o tisyu kapag
uubo o babahing. Agad na itapon ang gamit na tisyu sa basurahang may
takip at maghugas ng kamay. Ikatatlo, Alamin ang pinakabagong
impormasyon tungkol sa COVID-19 mula sa mapagkakatiwalaang
artoridad. Siguraduhing ang impormasyon ay mula sa maaasahang mga
tagapagsalita – ang Department of Health, World Health Organization
(WHO), o iyong lokal na health worker. Dapat ay alam ng lahat ang
sintomas – sa karamihan ay nagsisimula ang COVID-19 sa lagnat at tuyong
ubo. ng lokal at pambansang awtoridad ang may alam tungkol sa
pinakabagong impormasyon kung kumakalat na ba ang COVID-19 sa iyong
lugar. Sila ang mas nakakaalam kung anong tamang payo na dapat ibigay
sa iyong lugar, upang maprotektahan ng mga tao ang kanilang sarili.
Ikaapat, apag kumuha ka ng bakuna sa COVID-19, pinipili mong
protektahan ang iyong sarili at malaking tulong ang iyong nagagawa para
sa iyong mga anak, magulang, lolo't lola, at iba pang mga mahal sa buhay.
Milyun-milyong mga tao sa Estados Unidos ang nakatanggap ng bakuna sa
COVID-19. Para ganap na maprotektahan ang isang pamayanan,
karamihan sa mga miyembro ng pamayanan ay kailangang makakuha ng
bakuna. Ang pagbabakuna laban sa COVID-19 ay makakatulong
protektahan ka mula sa COVID-19, at maaari rin itong protektahan ang
mga tao sa iyong paligid.

Sama-sama tayong magkaisa laban sa COVID-19. Hindi pa tapos ang


ating laban sa COVID-19 kaya ating patuloy na sundin ang mga gabay at
impormasyon na ito. Maraming salamat sa inyong lahat.
Shirley Ann Barcelona 11 STEM
Alvior

pagabasa
Aralin 3-ikatatlong quarter

TUKLASIN NATIN!
A.

I. Sa unang larawan, makikita dito ang pangkat ng mga kababaihan


na may pare-parehong mga damit at nagsasayawan. Ito ay marahil
isa sa kanilang nakasanayan na tradisyon o kultura.
II. Sa pangalawang larawan, makikita dito ang mangkok na may laman
na pagkain. Makikita mo palang sa mukha nito na ito ay isang
masustansya at masarap na pagkain o ulam.
B.
1. Katapora
2. Katapora
3. Anapora
4. Anapora
5. Anapora

PAGYAMANIN NATIN
1. Ang uri ng paglalarawan sa tekstong Araw ng mga Puso ay Masining
na paglalarawan.
2. Anapora, katapora, ellipsis, substitusyon, pang-ugnay at kohesyong
leksikal. Nagkakaroon ng kohesyon ang isang teksto kapag nagkakaugnay
ang mga pangungusap.
3. Ginagamit ang cohesive devices sa pagsulat ng teksto upang
magbigay linaw sa mga mahahalagang detalye sa pahayag at madaling
maunawaan ang mga ito.
4. Nakakatulong ang angkop na paggamit ng paglalarawan sa teksto sa
malinaw na pagbuo ng imahe ng paksang tinatalakay sa isipan ng mga
mababasa.

Tayahin natin!

A.
1. Substitusyon
2. Kohesyong Leksihal
3. Kohesyong Leksihal
4. Elipsis
5. Pang-ugnay

b.
Lathala
Ang lalawigan ng Iloilo ay isang kahali-halinang lugar na dinarayo ng
mga foreigner at pati na rin ng kapwa nating pinoy. Ito ay sa kadahilanan
na maraming tourist destination na matatagpuan dito at madali pa itong
puntahan. Maaaring makapunta sa Iloilo sa pamamagitan ng RORO, barko
at eroplano.
Sa aking opinion, isa ang Iloilo airport sa pinakamaayos na airport sa
bansa sapagkat kumpara sa NAIA terminal 1, mas malinis dito at mas
organisado ang hakbang sa paglapag ng eroplano hanggang sa pagkuha
ng mga bagahe. Mula sa paliparan, Upang makapunta sa lungsod ng
Iloilo. Maaaring sumakay ng taxi o kung kayo ay marami maaaring
magrenta ng multicab. Napakaraming maaaring sakyan upang makalibot
sa Iloilo. Ang mga pangunahing transportasyon dito ay ang mga bus, jeep,
tricycle at bangka. Ang mga bus ay maaaring sakyan kung ang iyong
pupuntahan ay iba pang lungsod o sa mga lugar na may pagkalayo. Maaari
ring magtaxi ngunit ito ay masyadong mahal at limitado lang ang mga
lugar na maaaring mapuntahan. Ang Jeep naman ay maaaring sakyan
papunta sa ibang lungsod sa mas murang halaga at maaari din naman ito
gamitin upang special service upang makapunta sa iba’t ibang lugar. Ang
mga tricycle naman ay ginagamit upang makapunta sa mga remote areas
na hindi na maaaring maabot ng mga malalaking sasakyan. Ang Iloilo din
ay may mga magagandang isla na maaari lang mapuntahan sa
pamamagitan ng bangka. Ang pagiging turista sa isang lugar ay hindi lang
natatapos sa isang araw. Kaya naman kahit na ang mga probinsya ay may
mga Hotel. Sa Iloilo ay mayroong mahigit kumulang 66 na hotel at
apartment na maaaring tuluyan ng mga turista. Sa tradisiyon naman,
mayroon naman tayong piyesta sa bawat baranggay, Flores de Mayo,
Santacruzan, simbang gabi, Dinagyang Festival at marami pa. Para sa mga
tanawin, mayroon rin tayong maipagmamalaki katulad ng simbahang
Cathedral sa Jaro, mga matataas at kabundukan, mga asul na karagatan,
at iba pa.
Kaya umaabot sa pahalagahan ang biyayang pinag-isipan sa atin ng
Diyos. Taglay nito ang kagandahan, kapayapaan at kasiyahan, dulot ng
pagkakaisa ng bawat Ilonggo. Kaya imulat ang mata't isipan sa
kagandahan ng Iloilo kayo'y mabibighani

You might also like