You are on page 1of 13

MODYUL NG PAGKATUTO SA

Filipino 9
Mga Akdang Pampanitikan ng Timog-Silangang Asya
1st Quarter | S.Y. 2020 -2021

Inihanda ni:

KAREN JOY M. MONTERUBIO


Guro

Ang modyul na ito ay pagmamay-ari ni:

_______________________________
Mag-aaral
FILIPINO 9 MODYUL 4: TATLONG MUKHA NG KASAMAAN

Pagbati mag-aaral! Kumusta ka? Alam kong nasa mabuting


kalagayan ka kasama ang iyong pamilya. Bago natin simulan ang
ating talakayan, ating damhin ang presensya ng Panginoon.
Manalangin tayo.
(St. Joseph Prayer)

Halina’t basahin at pag-aralan ang Modyul 4. Ngunit bago iyan,


atin munang balikan ang aralin natin noong nakaraang linggo.

Pagbabalik-aral
 Si Usman ang Awang (nagsulat sa Tula na
pinamagatang “Ang Puting Kalapati
libutin itong sandaigdigan.” ay hindi
lamang nakilala sa Malaysia kundi maging
sa Singapore. Sa katunayan, siya ay
naging editor ng panitikang dyornal sa bansang ito gaya ng
Utusan Zaman at kabilang sa ASAS’50- ang unang samahang
pampanitikang Malay sa nasabing bansa.

Ano ang Tula?


__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

Ang modyul 4 ay naglalayong makapagbigay ng kaalaman hinggil


sa mga akdang Pampanitikan na pinamagatang “Tatlong Mukha
ng kasamaan” Gayundin ang gramatikang “Mga hakbang sa
paghahanda sa pakikipagdebate at mga pang-ugnay at mga
pahayag na ginagamit sa pagbibigay ng sariling pananaw.

Atin nang simulan ang ating aralin! Handa na ba kayo? 

Pinakamahalagang kasanayang pampagkatuto:

 Natutukoy ang kahalagahan ng akdang binasa. (F9PN-Ig-h-43)

Page 2 Developed by School of Saint Joseph (Naguilian, Isabela), Inc.


MODYUL 4: TATLONG MUKHA NG KASAMAAN FILIPINO 9

Mahalagang tanong:

 Paano maiwawaksi sa buhay ng tao ang tatlong mukha ng


kasamaan- kasakiman, galit, at kamangmangan sa batas ng
sandaigdigan?
 Sa iyong palagay, bakit mahalagang matutuhan ng mga
mag-aaral ang masining na paraan ng pangangatwiran o
pakikipagtalo.

PANIMULANG GAWAIN
Ang salapi ay isa sa mga pangunahing kailangan ng tao. Ngunit
madami rin itong hindi magandang dulot kung gagamitin sa
kasamaan. Sabi nga nila “Money is the root of all evil.”
Panuto: Suriin ang larawan at punan ang mga salungguhit ng letra
upang mabuo ang salita.

1. K __ s a ___ i m a n
2. ___ a l i t
3. K a m a n g __ a n g a __
4. K __ y a m a n __ n
5. S a l a __ i

Developed by School of Saint Joseph (Naguilian, Isabela), Inc. Page 3


FILIPINO 9 MODYUL 4: TATLONG MUKHA NG KASAMAAN

ARALIN 4: Tatlong Mukha ng Kasamaan ni U Nu


(Isinalin ni Gng. Salvacion M. Delas Alas)

“Kasakiman, galit, at kamangmangan


Tatlong mukha ng kasamaan
Iwaksi sa puso’t isipan
Nang buhay maging tunay na makabuluhan.”
May tatlong mukha ng kasamaan
ang sangkatauhang makasalanan:
Ang kasakiman, galit/poot at
kamangmangan sa batas ng
sandaigdigan kahit anuman ang
paniniwala ng isang tao ay
naituturing itong batas ng kalikasan,
kahit ang isang tao ay naniniwala sa
mga aral ni Buddha, Muslim,
Katoliko, o isang Ateista. Sinasabing
tatlo ring bagay ang hindi
maiiwasan sa daigdig ng sinumang
tao. Ito ay pagtanda, karamdaman
at kamatayan.
Meron ding limang katangian ng
tao mula sa kanyang pagsilang, ang
magpahalaga sa nakikitang
kagandahan sa kapaligiran,
magpahalaga sa musika, at awitin,
magpahalaga sa pagkaing kanyang naibibigan, makapag-uri ng
iba't ibang halimuyak at sa kagandahan ng sining ayon sa
kanyang pamantayan.. Ngunit ang mga angking katangiang ito
ng tao ay hindi panghabang panahong mapapanaligan ng tao,
sapagkat ang mga aito ay katulad ng panahong lumilipas. .

Page 4 Developed by School of Saint Joseph (Naguilian, Isabela), Inc.


MODYUL 4: TATLONG MUKHA NG KASAMAAN FILIPINO 9

Hindi rin tututol ang marami kung sasabihing ang kayamanan ay


nawawala sapagkat walang sinumang makapagpapatunay na
ang kayamanan ay nadadala ng isang tao sa kanyang libingan,
kaya lamang, may iba't ibang pananaw ang mga tao sa materyal
na yamang angkin nila habang sila ay nabubuhay. Ang hindi alam
ng marami, kahit sila ang pinakamayaman sa daigdig, ang
yamang angkin nila ay wala sa isang milyong bahagi sa paniniwala
ni Samsara The Cycles of Rebirth na hindi nakatitighaw sa mga
taong walang kapasiyahan dahil sa kasakiman. Sinasabi rin ng
marami ang pagkagahaman ng isang tao sa kayamanan ay
bunga ng sobrang kasakiman, kaya nalilimutan ng marami ang
tunay na gamit nito sa sangkatauhan.
Sinasabi dito na dapat gamitin ang yamang materyal ng tao para
sa kanyang pangangailangan. Ngunit nang makilala na ng tao ang
pagiging sakim, nagduot ito ng maraming bagay sa lipunan tulad
ng:
1.) Nahati ang lipunan sa dalawang klase ng tao: ang mga
mayayaman at ang mga mahihirap.
2.) Ang mahirap ay laging umaasa sa mga mayayaman may
puhunan, samantalang ang mga negosyanteng nagbitiw ng
puhunan ay laging nag-iisip kung papaano niya pakikinabangan
ang kanyang puhunanna hindi iniisip ang kalagayan ng maliliit.
3. ) Dahil sa pamamaraang ito ng mayayaman ang mahihirap ay
laging napagsasamantalahan. Bunga ng ganitong paramamaraan
ang mahihirap ay natututong magnakaw, pumatay, at magbenta
ng katawan.
4.) At sa mga aral ni Buddha ay sinasabing may apat na dahilan
kung bakit ang isang nilalang ay namamatay. Isa rito ang karma,
labis na pag-iisip dahil sa kahirapan at kakulangan sa buhay na
isa sa pangangailangan ng tao.
5.) Ang hindi pagkamit ng wastong kaalaman ay siyang dahilan
kung bakit parami nang parami ang mga uri ng
napagsasamantalahan.

Developed by School of Saint Joseph (Naguilian, Isabela), Inc. Page 5


FILIPINO 9 MODYUL 4: TATLONG MUKHA NG KASAMAAN

Wastong edukasyon ang makapagpapaunlad ng kanyang buhay.


6.) Hindi rin uunlad ang bansa kung ang mamamayan o ang higit
na nakararami ay mangmang.
Ang mga sanhi at dahilan ng pagsama ng daigdig ay nagmula
nang matuklasan ng tao kung paano nila pagkakakitaan ng
ibayong tubo ang kanilang binitawang puhunan.

PANGANGATWIRAN
Ito ay isang uri ng pagpapahayag na ang
pangunahing layunin ay magpatunay ng
katotohanan at pinaniniwalaan at ipatanggap
ang katotohang iyon sa nakikinig o bumabasa.
Ang isang nangangatwiran ay dapat
magtaglay ng sapat na kaalaman tungkol sa
paksang pinangangatwiranan. Kailangang
ang katwiran ay nakabatay sa katotohanan
upang ito ay makahikayat at makaakit nang
hindi namimilit.
Sa isang mabisang pangangatwiran,
mahalagang isaalang-alang ang sumusunod:

1. Malalim na kaalaman at pagkaunawa sa paksang


pagmamatuwid.
2. Dapat maging maliwanag at tiyak ang pagmamatuwid.
3. May sapat na katwiran at katibayang makapagpapatunay
sa pagmamatuwid.
4. Dapat ay may kaugnayan sa paksa ang katibayan at
katwiran upang makapaghikayat.
5. Pairalin ang pagsaalang-alang, katarungan, at bukas na
kaisipan sa pagpapahayag ng kaalamang ilalahad.

Page 6 Developed by School of Saint Joseph (Naguilian, Isabela), Inc.


MODYUL 4: TATLONG MUKHA NG KASAMAAN FILIPINO 9

MGA HAKBANG SA PAGHAHANDA SA PAKIKIPAGDEBATE


 Pangangalap ng Datos- Ito ang mga katotohanang
gagamitin sa pagmamatuwid at kinukuha ang mga ito.
 Ang Dagli- Ito ang balangkas ng inihandang mga katwiran.
Sa ibang salita, ito’y pinaikling pakikipagdebate. Mayroon
itong simula, katawan at wakas. Sa simula ay inihayag ang
paksang pagtatalunan at ang kahalagahan nito sa
kasalukuyan. Ginagawa rin dito ang pagbibigay-katuturan sa
mga termino at pagpapahayag sa isyu. Sa katawan naman
inilahad ang mga isyung dapat na sagutin. Bawat isyu ay
binubuo ng mga patunay, mga katibayan o mga katwirang
magpapatotoo sa panig na ipinagtanggol. Ang wakas ay
ang buod ng isyung binigyang-patunay.
 Pagtatanong- bahagi ng pagdedebate ang pagtatanong.
Narito ang ilang paalala sa pagtatanong sa debate.
a. Magtanong lamang ng mga tanong na ang sagot
ay oo o hindi.
b. Huwag payagang magtanong ang kalaban kung
ikaw ay nagtatanong. Maaaksaya ang iyong oras
ng pagtatanong.
c. Kung lumabag sa alituntunin ng pagtatanong ang
isa sa kanila, dapat ipaalam sa tagapangasiwa ng
pagdedebate.

HALIMBAWA

PAKIKIPAG DEBATE

Developed by School of Saint Joseph (Naguilian, Isabela), Inc. Page 7


FILIPINO 9 MODYUL 4: TATLONG MUKHA NG KASAMAAN

ISAISIP NATIN
Ang mga Pang-ugnay sa Wikang Filipino. Ito ay ang mga sumusunod:

A. Pang-angkop- ito ay ang mga katagang nag-uugnay sa panuring at salitang


tinuturingan. Ito ay nagpapaganda lamang ng mga pariralang pinaggagamitan.
May dalawang uri ng pang-angkop.
 Ang pang-angkop na na ay ginagamit kapag ang unang salita ay
nagtatapos sa katinig maliban sa n. Hindi ito isinusulat nang nakadikit sa
unang salita. Inihihiwalay ito. Nagigitnaan ito ng salita at panuring.
Halimbawa: mapagmahal na tao.
--Kapag ang uang salita naman ay nagtatapos sa titik n, tinatanggal o
kinakaltas ang n at ikinabit ang –ng.
Halimbwa: huwarang mamamayan
 Ang pang-angkop na –ng ay ginagamit kung ang unang salita ay
nagtatapos sa mga patinig. Ikinakabit ito sa unang salita.
B. Pang-ukol – Ito ay kataga/salitang nag-uugnay sa isang pangngalan sa iba pang
mga salita sa pangungusap. Narito ang mga kataga/pariralang malimit na
gamiting pang-ukol.
Sa ng

Kay/kina Alinsunod sa/kay

Laban sa/kay Ayon sa/kay

Hinggil sa/kay Ukol sa/kay

Para sa/kay Tungkol sa/kay

C. Pangatnig- tawag sa mga kataga/salitang nag-uugnay ng dalawang salita,


parirala, o sugnay. Narito ang iba’t-ibang uri ng pangatnig.

at ni o kaya Maging

man saka pati Dili kaya Gayundin

Kung alin Sa halip Kung sino Siya rin Kung saan

Page 8 Developed by School of Saint Joseph (Naguilian, Isabela), Inc.


MODYUL 4: TATLONG MUKHA NG KASAMAAN FILIPINO 9

Ang natalakay na mga pang-ugnay ay mabisang gamit sa pagbibigay ng sariling pananaw.


Sa pagbibigay ng sariling pananaw ay maaaring banggitin o magpahayag batay sa sariling
damdamin , paniniwala, ideya, kaisipan, o naranasan. Ang ganitong paghayag ay makikilala
sa paraan ng pagkakalahad ng nagsasalita o nagsusulat. Ilan sa mga pahayag na ginagamit
sa pagbibigay ng sariling pananaw ay ang sumusunod:

 Kung ako ang tatanungin nakikita kong. . .


 Sa ganang akin . . .
 Para sa akin . . .
 Palibhasa’y naranasan ko kaya masasabi kong . . .
 Anupa’t ang pananaw ko sa bagay na iyan ay . . .
 Alinsunod sa . . . naniniwala ako . . .
 Lubos ang aking paniniwala sa . . .
 Sa bagay na iyan masasabi kong . . .

HALIMBAWA NG MGA
PANGUNGUSAP NA GINAMITAN NG
PANGATNIG
1. Ang pagkakaroon ng mataas at magandang na edukasyon
ay isang saligan upang mabago ang takbo ng isang lipunan.

2. Ang edukasyon ay kailangan ng ating mga kabataan


sapagkat ito ang kanilang magiging sandata sa buhay sa
kanilang kinabukasan.
3. Ang kanilang kabataan ang siyang estado kung saan nila
hinahasa ang kanilang mga kaisipan at damdamin sa mga
bagay na kailangan nila sa kanilang pagtanda.
4. Naging malinis ang Baragay Dulumpslit dahil sa pagtutulungan
ng mga mamamayan.
5. Kailangan nating tulungan si kapitan upang maaayos ang
barangay.

Developed by School of Saint Joseph (Naguilian, Isabela), Inc. Page 9


FILIPINO 9 MODYUL 4: TATLONG MUKHA NG KASAMAAN

PANGKALAHATANG PAGTATAYA
Panuto: Mula sa “puzzle” hanapin at bilugan ang mga salitang
hinihingi na makikita sa kahon.

K J K K R I M E N L
A Q T V M O N M O Q
H R S U N P O P Y R
I G A L I T S T S U
R W L H B D E G A K
A K A X I V U W K A
P Y P H Y J Z A U Y
A Z I B C D K E D A
N B G J Q R S L E M
K A S A K I M A N A
A I K A S A M A A N
B H M F W X K L M A
C C N G Z A Y T X N
D M A N G M A N G W
E D O P T P N U X Z
F E I J Q R S V Y A
G F K O P R S W Z Y
M A G N A N A K A W
H M L V U H B I J V

KAHON NG MGA SALITA

KAHIRAPAN GALIT KRIMEN

SALAPI KASAMAAN MANGMANG

KAHIRAPAN MAGNANAKAW KASAKIMAN

EDUKASYON KAYAMANAN

Page 10 Developed by School of Saint Joseph (Naguilian, Isabela), Inc.


MODYUL 4: TATLONG MUKHA NG KASAMAAN FILIPINO 9

PAGBUBUOD

 Mayroong alamat tungkol sa isang punongkahoy na may


pangalang Padaythabin (punongkahoy na pinagmumulan
ng pangangailangan ng tao) na sinasabi sa panahong iyon
ay namumuhay ang tao ng walang suliranin. Bakit?
 dahil lahat ng gusto ng tao ay napipitas nito sa puno ngunit
nakilala ng tao ang kasakiman at inabuso nila ang
punongkahoy. Mula noon ay namuhay ang tao sa kahirapan
at nakilala na ng tao ang krimen.
 Maihahambing natin ang punong Padaythabin sa ating likas
na yaman kung ito ay gagamitin ng tama ng bawat
mamamayang nangangailangan siguro'y walang taong
magugutom at walang gagawa ng krimen tulad ng
pagpatay at pagnanakaw.
 Mayroon ding tatlong bagay ang hindi maiiwasan sa daigdig
ng sinumang tao. Ito ay ang pagtanda, karamdaman at
kamatayan.
 Sa panahon ngayon, maraming mahirap na gustong
yumaman at maraming mayaman ang gustong maangkin
ang lahat para mamuhay ng walang katapusan.
 Ano ang pagdedebate? Ang debate o pakikipagtalo ay
isang pormal na pakikipagtalong may estruktura at sistemang
sinusundan.
 Ano ang pangatnig? Ang pangatnig o conjunction sa wikang
Ingles ang tawag sa mga kataga o lipon ng mga salitang
nag-uugnay sa dalawang salita, parirala, o sugnay upang
mabuo ang diwa o kaisipan ng isang pahayag.

Mahusay! Napagtagumpayan niyo ang mga gawain sa aralin na


ito. Tiyak kong mas pag-iigihan niyo pa para sa susunod na mga
aralin. Basahin at unawain ang inyong nakaraang aralin para sa
inyong pagsusulit.
Manatiling ligtas sainyong mga tahanan. Hanggang sa muli. 

Developed by School of Saint Joseph (Naguilian, Isabela), Inc. Page 11


SANGGUNIAN

 Ikalawang Edisyon Pinagyamang Pluma 9 (Wika at


panitikan para sa mataas na Paaralan), K to 12
Phoenix Publishing House , Alma M. Dayag (Awtor-
Koordineytor
 Ikalawang Edisyon Pinagyamang Pluma 9 (TEACHERS
WRAPAROUND EDITION), K to 12
Phoenix Publishing House , Alma M. Dayag (Awtor-
Koordineytor

Maaari kayong magbigay ng komento o suhesyon hinggil sa


modyul na ito upang mas lalong mapagtibay ang mga gawain na
nakapaloob sa bawat aralin:
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

You might also like