You are on page 1of 29

Filipino 8

Unang Markahan – Modyul 1


Panitikan sa Panahon
ng mga Katutubo

MARITES OSOTEO
Tagapaglinang

Kagawaran ng Edukasyon ● Rehiyong Pampangasiwaan ng Cordillera


Filipino – Ikawalong Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan– Modyul 1: Panitikan sa Panahon ng mga Katutubo
Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng


produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.)
na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyal.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring
iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng
pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyal na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag


sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones


Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

RO_Q1_Filipino8_Module1
Pasasalamat
Nais maghatid ang manunulat ng walang hanggang pasasalamat sa mga
sumusunod: sa EPS ng Filipino na si Gng. Marilyn S. Apiit sa pamumuno sa
proyektong ito at pagbibigay ng pagkakataon sa lahat ng mga guro sa kagawaran ng
Filipino na makagawa ng modyul; sa mga punong guro ng Filipino sa BCNHS na sina
G. Dean B. Mendoza at Gng. Maylyn G. Samidan sa matiyagang pagpapayo at walang
sawang pamamtnubay at pagbibigay ng inspirasyon at paggabay sa lahat ng mga
guro tungo sa layunin ng pagkatuto. At sa kaniyang mga kapwa guro sa
departamento ng Filipino na naglaan ng kanilang tulong at suporta.

Higit na taus pusong pasasalamat sa Diyos na Makapangyarihan na Siyang


nagbigay ng lakas ng loob, una at huli sa lahat na nagkaloob ng walang kapantay na
pagmamahal sa matagumpay at maluwalhating pagkakabuo ng modyul na ito.

BUMUO SA PAGSUSULAT NG MODYUL


MARITES OSOTEO
Debeloper

THELMA T. DALAY-ON DANTE V. WASIN


EPS Filipino JOVIE S. AYAT
REGIONAL EVALUATOR

QUALITY ASSURANCE TEAM


Marilyn S. Api-it EPS – Filipino

LEARNING RESOURCE MANAGEMENT SECTION STAFF

Loida C. Mangangey EPS – LRMDS


Victor A. Fernandez Education Program Specialist II - LRMDS
Christopher David G. Oliva Project Development Officer II – LRMDS
Priscilla A. Dis-iw Librarian II
Lily B. Mabalot Librarian I

CONSULTANTS
JULIET C. SANNAD, EdD
Chief Education Supervisor – CID
SORAYA T. FACULO, PhD
Asst. Schools Division Superintendent
MARIE CAROLYN B. VERANO, CESO V
Schools Division Superintendent
Inilimbag sa Pilipinas ng ______________________
Department of Education – CAR
Office Address: Wangal, La Trinidad, Benguet
Telefax:
E-mail Address: CAR@deped.gov.ph

RO_Q1_Filipino8_Module1
YUNIT 1 – UNANG LINGGO
Aralin 1.1: KARUNUNGANG BAYAN

MGA INAASAHANG MATUTUHAN


Sa pagtatapos ng modyul, ikaw ay inaasahang:
• Natutukoy ang pakahulugan sa mga pahayag upang higit na
maunawaan at magamit sa pagsusuri sa nilalaman ng akda.
• Nasusuri ang iba’t ibang mga karunungang bayan kung saan
ito napapabilang batay sa mga katangian at kung anong
halaga at kaisipang nakapaloob dito.
• Nailalahad ang mga kasalukuyang pangyayari gamit ang
kaalaman sa mahusay na paghahambing batay sa sariling
mga karanasan at mga pangyayari sa lipunan.

• Nakabubuo at nakapagtatanghal ng isang spoken poetry na


naglalaman ng lahat ng kaalaman at kaisipan batay sa mga
paksa.

SUBUKIN
PAUNANG PAGTATAYA
Bago natin simulan ang talakayan, subukan mo munang alamin ang
iyong mga paunang kaalaman ukol sa ating paksa.

I. Panitikan
1. Isang maikli ngunit makabuluhang pahayag na karaniwang may
matulaing katangian na naglalaman ng aral, karunungan, at
katotohanan.
A. Sawikain C. Salawikain
B. Bugtong D. Kasabihan

2. Isang uri ng palaisipan na nasa anyong patula.


A. Kasabihan C. Salawikain
B. Bugtong D. Palaisipan

3. Tinatawag rin itong idyoma.


A. Sawikain C. Salawikain
B. Kasabihan D. Bugtong

4. Ginagamit ng mga matatanda upang magbigay ng aral sa


mapanudyong paraan.
A. Bugtong C. Kasabhan
B. Palaisipan D. Salawikain

-3-
RO_Q1_Filipino8_Module1
5. “Anak na ‘di paluhain, ina ang patatangisin” Ito ay isang
halimbawa ng ___________.
A. Bugtong C. Kasabihan
B. Palaisipan D. Salawikain
6. “Kung kailan ko pinatay, saka humaba ang buhay.” Sagot:
___________.
A. Buhok C. Kandila
B. Tali D. Sinulid

7. Parang lantang gulay ang mga doktor at nars dahil sila ang mga
frontliners ngayon. Ang nasalangguhitang salita ay
nangangahulugang ___________.
A. Nawalan ng malay C. Nagkasakit
B. Sobrang pagod D. Maraming trabaho

8. Higit na mahirap ang buhay sa Pilipinas ngayong panahon ng


pandemik. Ang nasalungguhitang pahayag ay pahambing
na________.
A. Magkatulad C. ‘Di magkatulad
B. Pasahol D. Pahambing

9. Sina Pangulong Duterte at dating Pangulong Marcos ay


_______________. sa paraan ng pamamalakad sa bansa.
A. Magkasingtalino C. Lubhang maginoo
B. Higit na maasikaso D. Magkasingsipag

10. May _______ na uri ang hambingang ‘di magkatulad


A. 5 C. 3
B. 4 D. 2

BALIKAN

Sa nakalipas na taon ay huli mong napag-aralan ang isang korido


na pinamagatang Ibong Adarna. Ito ay isang walang kamatayang
kasaysayan na nagpasalin-salin at hanggang sa kasalukuyan at
magpakailanman ay hinahangaan at kinalulugdang basahin. Hindi
lamang kasiyahan at aliw ang makukuha sa marikit na kuwentong ito.
Ito ay nagbibigay rin ng magagandang aral na tunay na mabuting gabay
sa buhay.

Ngayon naman ay pag-aaralan naman natin ang iba pang uri ng


panitikan na maituturing ding panghabambuhay dahil naglalaman ito
ng iba’t ibang karanasan at mga pangyayari sa buhay ng ating mga
ninuno na nagsilbing gabay nila tungo sa mabuting pamumuhay at
ipinapasa nila sa ating panahon upang magsilbing inspirasyon din natin

-4-
RO_Q1_Filipino8_Module1
sa ating pakikipaglaban sa hamon ng buhay at magbigay ng gabay tungo
sa mabuting landasin. Kasama rin dito ang tamang pahayag na
nararapat gamitin kapag tayo ay nagtutulad o naghahambing ng mga
bagay at pangyayari na ating nakikita sa ating paligid.

GAWAIN 1. Tuklasin ang Sariling kakayahan. Hanapin sa loob ng


kahon ang mga katangian at halimbawa ng mga nasa dayagram at isulat
ang letra.

A. Patalinhaga – may B. Nagpapatalas ng C. Isa ang pinasukan


nakatagong kahulugan kaisipan Tatlo
D. Ang kilos, ugali, at E. ‘Pag ang tubig ay F. Nasusulat nang may
gawi ng isang tao ay magalaw ang tubig ay sukat at tugma
masasalamin mababaw
G. Patambis H. Payak ang I. Hindi gumagamit ng
kahulugan. mararahas na salita
upang maiwasan ang
makasakit ng loob.
J. Isang palaisipan K. Tulak ng bibig, kabig L. Isda kong kapak
ng dibdib Sa loob ay burak

1 2 3
SALAWIKAIN

SAWIKAIN
KASABIHAN

BUGTONG

KARUNUNGANG

BAYAN

-5-
RO_Q1_Filipino8_Module1
TUKLASIN
Simulan mo namang bumuo ng mga hugot lines (maaaring hango sa
mga nabasa o narinig) na maaaring gamiting pampalakas ng loob sa mga
taong nasa sumusunod na mga sitwasyon.
Halimbawa:

1 Para sa kaibigang palaging “ Hindi ako balat sibuyas ngunit tao


gumagawa ng mga lang na nakararamdam. Ang sorry ay
pagkakamali at paulit ulit
para sa mga bagay na hindi sinasadya,
ring humihingi ng
paumanhin at hindi para sa mga bagay na paulit -
ulit na ginagawa.”
Umpisahan mong sumagot dito:

2 Para sa kaibigang nasaktan


dahil naghiwalay sila ng
kaniyang kasintahan na
piniling bigyang prayoridad
ang pag-aaral

3 Para sa kaibigang hindi


binibigyang halaga ang mga
pag-aaral at mas inaatupag
ang pagkokompyuter

4 Para sa kaibigang hindi


marunong magbayad ng
utang

5 Para sa kaibigang lalaki na


hindi tapat sa mga
nililigawang babae

Ngayong may panimulang kaisipan ka na ay maaari nang


paunlarin pa ang iyong mga kaalaman at kakayahan, gamitin mo ito
para mahubog ka pa sa tulong ng modyul na ito.
Bago tayo dumako sa pagtalakay sa ating mga paksa, maiging
balikan muna natin ang ating mga nalalaman at naunawaan sa mga
bagong paksang ating tatalakayin mula sa iyong dati nang mga
kaalaman at pang-unawa.
-6-
RO_Q1_Filipino8_Module1
SURIIN
A. Sa bawat uri ng panitikan, isulat ang mga salita o parirala na nalalaman mo sa
bawat isa.

Alamat

Mga
Karunungang
bayan panitikan

Epiko

B. Paghambingin ang mga natukoy na kaisipan. Gamitin ang bawat


pahayag sa pagbuo ng sariling pangungusap.

1. lalo
____________________________________________________________

2. higit
____________________________________________________________

3. di hamak
____________________________________________________________

4. kawangis
____________________________________________________________

5. gaya
____________________________________________________________

-7-
RO_Q1_Filipino8_Module1
PAGYAMANIN
Ang mga sumusunod na gawain ang tutulong sa iyo upang
mapagyaman at madagdagan pa ang iyong kaalaman at pag-unawa sa ating
mga paksa.

Gawain 2. Paghawan ng balakid. Isulat kung ano sa iyong ideya ang


pakahulugan / ipinapahiwatig ng bawat pahayag:

1. salitang kaloob ng langit

2. sanglang kalayaan

3. mahigit pa sa hayop at malansang isda

4. salitang anghel

5. dinaanan ng sigwa

Mahusay! Ang pagkakatukoy mo sa mga kasingkahulugan ng bawat pahayag


ay mahalaga upang maunawaan ang ating babasahin at susuriin. Simulan na
ang pagbabasa...

Sa Aking Mga Kabata


ni Jose P. Rizal
Kapagka ang baya'y sadyáng umiibig
Sa kanyáng salitáng kaloob ng langit,
Sanglang kalayaan nasa ring masapit
Katulad ng ibong nasa himpapawid.

Pagka't ang salita'y isang kahatulan


Sa bayan, sa nayo't mga kaharián,
At ang isáng tao'y katulad, kabagay
Ng alin mang likha noong kalayaán.

Ang hindi magmahal sa kanyang salitâ


Mahigit sa hayop at malansáng isdâ,
Kayâ ang marapat pagyamaning kusà
Na tulad sa ináng tunay na nagpalà.

Ang wikang Tagalog tulad din sa


Latin, Sa Inglés, Kastilà at salitang anghel,
Sapagka't ang Poong maalam tumingín
Ang siyang naggawad, nagbigay sa atin.

Ang salita nati'y tulad din sa iba


Na may alfabeto at sariling letra,
Na kaya nawalá'y dinatnan ng sigwâ
Ang lunday sa lawà noóng dakong una

-8-
RO_Q1_Filipino8_Module1
Gawain 3. Palawakin ang kaalaman at kasanayan:

Alamin natin ang mga kaisipang nais ihatid sa atin ng ating


pambansang bayani sa muling pagbibigay pansin sa tunay na kahulugan ng
mga mahahalagang pahayag sa bawat saknong.
Isulat ang pinapahiwatig o kahulugan ng bawat saknong.

Kapagka ang baya'y sadyáng umiibig


Sa kanyáng salitáng kaloob ng langit,
Sanglang kalayaan nasa ring masapit
Katulad ng ibong nasa himpapawid.

Ang hindi magmahal sa kanyang salitâ


Mahigit sa hayop at malansáng isdâ,
Kayâ ang marapat pagyamaning kusà Na
tulad sa ináng tunay na nagpalà.

Ang salita nati'y tulad din sa iba


Na may alfabeto at sariling letra,
Na kaya nawalá'y dinatnan ng sigwâ
Ang lunday sa lawà noóng dakong una

Sa kabuuan, maaari ka bang sumulat ng isang patama quote tungkol


sa kabuuang mensahe ng tula ni Jose Rizal sa isang kabataang tulad mo?

Napansin mo ba ang mga pahayag at mga taludtod na nasalungguhitan?


Ang mga ito kaya ay halimbawa ng mga karunungang bayan?
Upang malaman mo kung ano ang ginamit upang maging malikhain ang
paghahatid ng mahahalagang kaisipan sa mga tula at iba pang mga panitikan,
basahin at unawain natin ang nasa alamin natin.

-9-
RO_Q1_Filipino8_Module1
ALAMIN NATIN

KARUNUNGANG-BAYAN (Folk Speech)


Isang sangay ng panitikan na kung saan nagiging daan upang maipahayag
ang mga kaisipan na nabibilang sa bawat kultura ng mga tao. Nakatutulong
ito sa pagangkin ng kamalayang tradisyunalm na nagpapatibay ng
pagpapahalagang kultural. Kasama sa kabang-yaman ng karunungang-bayan
ng ating bansa bago dumating ang mga Espanyol ay ang salawikain,
sawikain/kawikaan, kasabihan at bugtong.

Salawikain- Karaniwang patalinghaga ang salawikain na may kahulugang


nakatago. Ang salawikain ay karaniwang nasusulat nang may sukat at
tugma kaya masarap pakinggan kapag binibigkas.
Mga Halimbawa:
‘Pag ang tubig ay magalaw Ang sakit ng kalingkingan
Ang ilog ay mababaw Damdam ng buong katawan

“Walang gawaing mahirap “Ang taong matiyaga


sa taong matiyaga.” natutupad ang ninanasa.

Sawikain/Kawikaan – Ang pagsasawikain o pagtatambis ay isang paraan ng


pagsasalita na hindi gumagamit ng mararahas na salita upang maiwasan ang
makasakit ng loob. Ang sawikain o patambis samakatuwid, ay masasabing
mga salitang eupemistiko, patayutay o idyomatiko na ginagamit upang
maging maganda ang paraan ng pagpapahayag.
Mga Halimbawa:
parang natuka ng ahas- natulala itaga mo sa bato- pakatandaan
malayo sa bituka- hindi malubha mahaba ang kamay- magnanakaw

Kasabihan- Ang kasabihan ay iba sa salawikain sa dahilang ito’y hindi


gumagamit ng mga talinghaga. Payak ang kahulugan. Ang kilos, ugali, at
gawi ng isang tao ay masasalamin sa mga kasabihan. Inihahayag ang
kaisipan sa mapanudyong paraan na parang nang-iinis o nang-aasar lang.
Mga Halimbawa:
Ang paghahangad ng tuwa Tutubi wag kang magpapahuli
Di karali-raling lubha sa batang mapanghi
Kung ang pagkikita’y bigla
Bigla rin ang pagkawala

Tulak ng bibig Kasama sa gayak


Kabig ng dibdib. ‘Di kasama sa lakad.

Bugtong- mga palaisipan na may tugmaang naghahamon sa tao upang


mag-isip nang madalian nang walang pagbabatayan kundi mga
inilalarawang mga salita. Ang ganitong gawain ng isipan ay
magpapatibay ng kasiglahan ng guni-guni, ito ay binubuo ng
dalawang taludtod na may sukat at tugma.

- 10 -
RO_Q1_Filipino8_Module1
Mga halimbawa:
Dagat noong lutuin Nang hawak ko’y patay
Lupa noong kainin Nang ihagis ko’y buhay
Sagot: sinaing Sagot: trumpo

Bumili ako ng alipin Kwadra-kwadradong kulay


Mataas pa sa akin Kahariabng nag-aaway
Sagot: sombrero Sagot: Chess/ aguhilya

Naunawaan mo ba ang iyong binasa?


Magaling!
Higit pa nating subukan ang iyong kaalaman at kasanayan tungkol sa mga
karunungang bayan sa pamamagitan ng sumusunod pang gawain.

GAWAIN 4: Tukuyin mo. Suriin kung ang mga sumusunod ay


salawikain, sawikain, kasabihan o bugtong:
1. Putak, putak ______________________
Batang duwag
Matapangka’t
Nasa pugad.
2. Bagong – tao ______________________
3. May aklat si Pedro
Inaangkin ng buong mundo ______________________

4. Tiririt ng ibon, ______________________


Tiririt ng maya
Kaya lingon nang lingon
Hanap ay asawa
5. Ang hindi lumingon sa pinanggalingan ______________________
di makararating sa paroroonan

GAWAIN 5: Magsuri ka pa. Narito ang iba pang mga karunungang –


bayang ipinamana sa atin ng ating mga ninuno. Basahin ang mga ito at
tukuyin kung anong mahalagang kaisipan ang nais ipahiwatig nito. Bilugan
ang titik ng tamang sagot.

____ 1. Pag may isinuksok, may madudukot


A. Tiyak na may magagastos ang taong marunong mag-impok.
B. Madalas ay inilalagay ng mga Pilipino ang pera sa alkansiya para
kapag dumating ang oras ng pangangailangan ay may magagasta
C. Umuunlad ang mga bangko dahil sa mga perang iniipon ng mga
tao.
____ 2. Kung anong taas ng paglipad, siyang lakas ng pagbagsak.
A. Madalas bumabagsak sa buhay ang taong mataas ang pangarap
B. Ang taong mapagmataas ang siyang kadalasang nakararanas ng
matinding pagbagsak
C. Hindi masamang mangarap nang mataas, huwag lamang sa
paraang pag-isipan ng masama ang kapwa.

- 11 -
RO_Q1_Filipino8_Module1
____ 3. Ngayon kakahigin, ngayon tutukain.
A. Maagang magtrabaho upang buhay ay umasenso
B. Kung kailan lamang kailangang ang isang bagay ay doon lamang
kikilos upang makamit ito.
C. Kailangang magtrabaho upang may makain

____ 4. Ang mahirap kunin ay masarap kainin


A. Mas masarap lasapin at makamtan ang isang bagay na
pinaghirapan.
B. Masarap kumain ng isang pagkaing mamahalin at mahirap kunin
C. Ang masarap na kanin ay mahirap kainin

____ 5. Kapag maaga ang lusong ay maaga ang ahon


A. Lumusong nang maaga upang makaahon sa buhay at matamo ang
tagumpay
B. Matutong umahon sa anumang pagsubok ng iyong nilusong
C. Kapag maagang nagsimula tiyak na maaga ring matatapos

Gawain 6. Palalimin Natin. Upang higit pang mapaunlad ang iyong


kaalaman at kasanayang natamo, subukan mong gawin ang mga
sumusunod.

Pagsasanay 1. Sumipi o bumuo ng sariling karunungang-bayan batay sa


mga pagpapahalaga o core values ng Dep ed. Maaari kang magtanong,
maghanap sa internet at magbasa.

Sariling Halimbawa
Mga
Pagpapahalaga

Maka-Diyos

Makatao

Makakalikasan

Makabansa

- 12 -
RO_Q1_Filipino8_Module1
Pagsasanay 2. Suriin ang ilang karunungang-bayang makikita sa
talahayanan. Ilahad ang iyong sariling kuro-kuro kung ito ay makatotohanan
(may batayan) o walang katotohanan (kathang-isip). Lagyan ng tsek (√) ang
iyong sagot at ipaliwanag.

Karunungang - May Walang Paliwanag


bayan katotohanan katotohanan
1. Ang lumakad
nang matulin
kung matinik
ay malalim
2. Kung hindi
ukol, hindi
bubukol
3. Anak na
dipaluhain,
magulang ang
patatangisin
4. Daig ng
maagap ang
masipag
5. Nasa Diyos
ang awa, nasa
tao ang gawa

Bakit mahalagang masuri ang kahulugan, katotohanan at batayan ng


mga karunungang – bayan? Ipaliwanag.
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

- 13 -
RO_Q1_Filipino8_Module1
Gawain 7. Iugnay Mo. Magtanong sa iyong mga lolo, lola, magulang o sa
sinumang nakatatanda sa inyong tahanan ng mga halimbawa ng mga
karunungang – bayan na alam nila. Itala ito sa graphic organizer at iugnay ang
mga kaisipang nakapaloob sa mga ito sa mga pangyayari sa tunay na buhay
sa kasalukuyan.

Mga Karunungang - bayan

Salawikain Sawikain Kasabihan Bugtong

- 14 -
RO_Q1_Filipino8_Module1
Gawain 8. Pagsasanib ng Gramatika
Basahin at suriin ang isang maiksing akda sa ibaba

Maganda Pa Rin Ang Bayan Ko!

Maliit pa ako ay naririnig ko na ang mga kuwento tungkol sa bayang


iyon sa kaunlaran, sa bayan ng mga puti. Napakayaman daw ng bansang
iyon, makabago, napakalinis, magaganda at mababait ang mga tao. Kaakit-
akit pa ang mga tanawin, matatayog ang mga gusali, mura ang bilihin lalo na
ang pagkain. Sa tahanan naman naglalakihan ang mga ito, tig-iisa ng kotse
ang bawat miyembro ng pamilya.

Madalas tuloy sa aking pag-iisa ay maraming katanungan ang


pumapasok sa aking isipan. Higit kayang maganda iyon kaysa bayan ko?
Mas mabait ba ang mga tao roon kaysa sa mga kababayan ko? Kasingganda
kaya ng mga tanawin dito ang mga tanawin doon? Sinsarap kaya ng adobo,
sinigang at kare-kare ang mga pagkain doon?

Tapos na ako ng kolehiyo ng magkaroon ako ng pagkakataong


makapunta sa bayang iyon ng mga puti. Nakapagtrabaho ako at kumita ng
dolyar. A, talaga! Mayaman, malinis, makabago. Pero bakit ang palagay ng
mga puti ay mas mababa ang pagkatao ko kaysa sa kanila? Bakit kung may
itataas ng tungkulin ay sila ang nauuna gayong sa sipag at pinag-aralan ay
nakahihigit sa kanila, ang pagkain ay napakasasarap ngunit iba naman ang
lasa? Bakit naghahanap ako ng dalampasigan ng Boracay, ng Talon ng
Pagsanjan, ng ating mga kabundukan, kabukiran at katubigan ay wala na
akong nakita.

Ngayon ay narito na ako kung saan ako isinilang. Maganda pa rin ang
bayan ko.
(Mula sa https://www.slideshare.net/kezzygilo/pang-uripowerpoint-presentation)

PALAWAKIN ANG KAALAMAN

Mula sa binasang akda, ihambing ang dalawang bayan na binanggit:

Paghahambing 1.

- 15 -
RO_Q1_Filipino8_Module1
Paghahambing 2.

Paghahambing 3.

Paghahambing 4.

Alamin Mo Ulit
MAY DALAWANG URI NG PAGHAHAMBING
1. Paghahambing na magkatulad
Ginagamit ito kung ang dalawang pinaghahambing ay may patas na
katangian. Ginagamitan ito ng mga panlaping kasing, sing, magsing at
magkasing o kaya ay ng mga salitang gaya, tulad, paris, kapwa, at
pareho.
2. Paghahambing na di-magkatulad
Ginagamit ito kung ang pinaghahambing ay may magkaibang katangian.
a. Hambingang pasahol – may mahigit na katangian ang
pinaghahambingan sa bagay na inihahambing
Mga maaaring gamitin – lalo, di gasino, di gaano, di totoo

b. Hambingang palamang – may mahigit na katangian ang


inihahambi ng sa bagay na pinaghahambingan
Mga maaaring gamitin – higit/ mas, labis, di hamak

Ngayong alam mo na ang mga dalawang uri ng paghahambing na


ginamit din sa akda, magsanay ka naman para magamit mo ito sa pagbuo ng
iyong iyong sariling karunungang bayan.
Pagsasanay 1. Balikan ang akda at tukuyin ang mga pahayag na ginamit at
tukuyin kung anong uri ng paghahambing ito.

Pahayag mula sa akda Uri ng paghahambing


______________________ _____________________
______________________ _____________________

- 16 -
RO_Q1_Filipino8_Module1
Pagsasanay 2. Bumuo ka naman ng sarili mong matalinghagang
pangungusap na katulad ng salawikain, sawikain, kasabihan o bugtong na
naghahambing batay sa mga hinihingi sa bawat bilang.
1. Ikaw at ang iyong kapatid o itinuturing na kapatid (Magkatulad)
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

2. Ang mga kabataan noon at ngayon (Di-magkatulad)


____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

3. Mga paraan ng panliligaw noon at ngayon (Palamang)


____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

4. Ang iyong ina at ama (Pasahol)


____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

5. Ang paraan ng pag-aaral noon at ngayong may pandemic (Di magkatulad)

____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
Ang gawaing ito ang higit na magkikintal at maglilinaw sa iyong isipan
at pang-unawa ng mga mahahalagang kaalaman at kasanayang hinubog sa
mga nakaraang gawain at pagsasanay. Isulat ang mga mahahalagang
katangian at layunin ng bawat karunungang – bayan.

Karunungang- Mga Katangian Layunin


bayan

Salawikain

Sawikain

Kasabihan

Bugtong

ISAISIP
Sa paggawa ng gawain, gamitin ang lahat ng iyong mga natutunan sa
pagsuri ng mga karunungang-bayan at paghahambing.

- 17 -
RO_Q1_Filipino8_Module1
Sa iyong panonood at pakikinig, itala ang mga maririnig mong mga
karunungang – bayan at tukuyin kung saan ito napapaloob gayundin kung
paano ito binuo. Huwag kalilimutang isulat ang programa at ang taong nagsabi
nito.

Halimbawa:

1. TV Patrol ni Kim Atienza (isulat ang programa at ang nagsabi)

“Ang buhay ay weather-weather lang.” Sa bawat pagsubok ng


panahon, mas mainam pa rin na tayo ay lagging handa…

Anong uri ng karunungang bayan? Kasabihan


Paano nabuo? gumamit ng talinghagang pahayag at paghahambing_

*Simulan rito ang pagsagot

2. ___________________________________ (isulat ang programa at ang nagsabi)

Anong uri ng karunungang bayan?__________________________________________


Paano nabuo?______________________________________________________________

3. ___________________________________ (isulat ang programa at ang nagsabi)

Anong uri ng karunungang bayan?________________________________________


Paano nabuo? ____________________________________________________________

ISAGAWA
Napakagaling! Nagawa mong sagutan at gawin ang lahat ng mga
naihandang pagsasanay at gawain sa araling ito. Ngayon naman ay ilalapat
natin lahat iyong mga natutunan sa paggawa ng panghuli nating produkto –
spoken poetry.
Sa pagsasagawa nito, maging malikhain at huwag kalimutang magsaliksik
tungkol sa iyong paksa upang makabuluhan ang mga opinyong iyong ilalahad.

Spoken Poetry – isang anyo ng tula na may malikhaing pagsasaad ng kuwento


o pagsasalaysay. Ang may-akda ay naglalahad ng tula sa madlang tao sa
pamamagitan ng pagsasalaysay o nararation sa wikang Ingles. Mas nalikhain
at mapanghamong gawain. Mas nakaaaliw itong pakinggan.

- 18 -
RO_Q1_Filipino8_Module1
Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Spoken Poetry:
1. Gumamit ng kongkretong lenggwahe – kabilang ditto ang mga matitingkad
na imahe, tunog, kilos, pakiramdam, emosyon, at iba pa. Ang isang
magandang spoken poetry ay nakaliliikha ng mayayamang imahe sa isip ng
mga nakikinig,
2. Gumamit ng pag-uulit – kabilang ditto ang pag-uulit ng mga kaisipan o
imahe.
3. Gumamit ng mga rhyme o tugmaan para may element ng aliw at sorpresa.
4. Gumamit ng iyong sariling saloobin. Ito ay upang makuha mo ang emosyon
at pakiramdam ng mga nakikinig.
5. Gumamit ng persona. Halimbawa, kung gagamit ka ng persona ng ibang tao,
gamitin mo rin ang opinyon nito kahit na ito ay iba sa opinyon mo.

PANUNTUNAN:
1. Ang tulang isusulat ay moderno (malayang taludturan).
3. Malayang makapipili ng tema at paksa sa isusulat na tula.
4. Ito ay kailangang orihinal.
5, Bibigkasin sa harap ng guro sa itatakdang araw
6. Maaaring bigkasin sa saliw ng musikang instrumental

Kategorya 4 3 2 1
Tema o Ang buong tula Ang buong Ang buong tula Ang tula ay
laman ay nagpapakita tula ay ay may
ng matinding nagpapakita pangkaraniwan malabong
ekspresyon ng ekspresyon at nagpapakita tema.
patungkol sa patungkol sa ng konting Ang mga
tema. Ang mga tema. May repleksyon sa ideya ay
ideya ay ugnay ang tema. Hindi kulang at
magkakaugnay mga ideya sa gaanong bahagyang
at ito’y orihinal tula. naipamalas konektado
na Naipamalas ang damdamin lamang
ginawa. ang sa pagsabi ng
Naipamalas damdamin tula.
nang mahusay sa pagbigkas
ang damdamin ng
sa pagbigkas tula
tula.
Pagpapaha May epektibong Naipapahayag Medyo malikot Hindi
yag pagpapa hayag ang tula sa ang mata, tumitingin sa
ng tula pamamagitan hindi klaro ang mata ng mga
sa ng pagtingin boses, may nakikinig,
pamamagitanng sa mata, bahagyang hindi
pagtingin sa malinaw paggambala gaanong
mata, maganda na pagbigkas pagdating sa klaro
nag ng mga salita ibang linya ang boses,
tindig, malinaw at may tono. isang tono
ang at hirap sa
ekspresyon, pagbig
malinaw na kas ng mga
pagbigkas linya.
sa bawat salita
at sa tono.

- 19 -
RO_Q1_Filipino8_Module1
Galaw ng Ang ekspresyon Ang Ang ekspresyon Hindi
katawan ng mukha, ideya ekspresyon ng ng mukha, gumamit ng
at mukha, ideya ideya at galaw ekspresyon
galaw ng at galaw ng ng ng
katawan ay katawan ay katawanay hindi mukha at
kumukuha ng kumukuha ng gaanong kumu galaw ng
malaking interest katawan
interest patung sa
pagkasabik pagpapahay
ag ng tula
patungkol sa Ptungkol sa kuha ng
tema. tema. interest at
Malikhain pagkasabik
ang presen patungkol sa
tasyon. tema
Estruktura Lahat ng mga Halos lahat ng Halos ang mga Hindi
o pagkaka linya ay maayos mga linya ay linya ay hindi oranisado
buo ng tula na pinili at may maayos na magkakatugma, ang pagpili
pagkaka tugma. pinili at hindi ng
Organisado ang may organisado ang mga salita at
pagkakagawa at pagkakatu pagkakaga wa. ito’y walang
nakakadala sa gma. tugma.
damdamin Organisado
ang
pagkakagawa
Boses Mahusay ang Maayos ang Di gaanong Hindi
pagbibgay diin pagbibigay maayos maintindihan
sa diin ang pagbibgay ang pag
mga salita, sa sa mga salita, diin sa mga bigkas ng
pagtataas sa pagtataas salita, sa bawat salita.
at pagbaba at pagbaba pagtataas at Mahina ang
ng tono. ng tono. pagbaba ng boses
Malakas at Medyo tono. Mahina
malinaw ang malakas ang ang boses.
boses. boses.
Mahusay ang
pagbigkas at
pagdedeliber.

Ngayong nagawa mo nang palawakin ang iyong pag-unawa at


kasanayan, handa ka na para ipamalas ito sa pagsagot sa panghuling
pagtataya.
Pagbutihin mo……

- 20 -
RO_Q1_Filipino8_Module1
TAYAHIN

PANGHULING PAGTATAYA

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Isulat lamang ang


letra ng tamang sagot.

1. Isang sangay ng panitikan na naging daan upang maipahayag ang mga


kaisipan na nabibilang sa bawat kultura ng tao.
A. kuwentong bayan C. karunungang
bayan
B. alamat D. epiko

2. Gumaganap bilang pagbibigay-diin sa isang punto o isang kaisipan ng


paliwanag o dahilan, isang pilosopiyang Pilipino na nagsisilbing gabay na
nabuo sa paraang may tugmaan.
A. salawikain B. sawikain C. kasabihan d. bugtong

3. Ito ay mga patalinghagang pananalita na isang paraan ng pagpukaw at


paghasa sa kaisipan ng tao, nakalilibang at nakadaragdag ng kaisipan dahil
sa nakatagong kahulugan nito.
A. salawikain B. bugtong C. kasabihan D. sawikain

4. Ito ay maaaring magsilbing libangan sa mga panahon ng kalungkutan dahil


sa taglay nitong paghuhula sa mga katangiang inilalarawan na iniuugnay sa
mga bagay o pangyayari sa paligid.
A. kasabihan B. bugtong C. sawikain D. salawikain

5. Ano ang ipinapahiwatig ng kasabihang ito:


“tulak ng bibig, kabig ng dibdib”
A. napipilitang magsalita dahil sa masama ang pakiramdam
B. iba ang sinasabi sa tunay na nararamdaman
C. kung ano ang lumalabas sa bibig ay siyang nararamdaman
D. nahihiyang magsabi ng nararamdaman sa sinisinta

6.Ano ang sagot sa bugtong na ito:


Mahaba dinugtungan ng
maiksi
Maiksi dinugtungan ng baluktot
Baluktot nilagyan ng patay
Na sinundan ng buhay na gustong magpakamatay
A. Sinulid B. bingwit c. tali d. patibong

7.Sino ang pinatutungkulan ng kasabihang:


“Tutubi, tutubi wag kang pahuhuli sa batang mapanghe”?
A. mga magulang C. mga kabataan
B. mga magsasaka D. mga magbubukid

- 21 -
RO_Q1_Filipino8_Module1
8. Karamihan sa mga Pilipino ay isang kahig, isang tuka, kaya ipinatyupad
ng pamahalaan ang SAP (Social Amelioration Program) ngayong panahon ng
pandemic. Ano ang ibig ipahiwatig ng nasalungguhitang pahayag?
A. may alagang manok C. kasya lang ang kinakayod na pangkain
B. mahirap pa sa daga D. kailangang magbungkal ng lupa

9.May mahigit na katangian ang pinaghahambingan sa bagay na


inihahambing.
A. Hambingang palamang C. Hambingang pasahol
B. Magkatulad D. Di magkatulad

10. Ang kawangis ay halimbawa ng pahayag na ginagamit sa


paghahambing na _______________.
A. magkatulad C. di magkatulad
B. hambingang pasahol D. hambingang palamang

- 22 -
RO_Q1_Filipino8_Module1
RO_Q1_Filipino8_Module1
- 23 -
SUSI SA PAGWAWASTO
PAUNANG PAGTATAYA
1. C 6. C
2. B 7. B
3. A 8. C
4. C 9. A
5. D 10. D
Gawain 1
1. Salawikain – E, F, K 2. Sawikain – A, G, I
3. Kasabihan – D, H, L
4. Bugtong – B, C, J
2. Subukin (mga maaaring sagot)
1. halimbawa
2. Huwag mo siyang iyakan, dahil maaari mo siyang palitan
Ngunit maaaari mo siyang tularan, inuuna muna ang
eskwelahan. 3.Buti pa sa online games, ang taas ng iyong puntos
E paano naman kaya sa exam, hugis mentos.
4.Alam mo kung sino ang mga taong mahirap kalimutan,
Sila ang mga taong mahirap magbayad ng
utang 5. Kung minahal mo lang siya para saktan,
sana hinamon mo na lang siya ng suntukan.
3. Balikan
A. (mga maaaring sagot)
ALAMAT pinagmulan mga bagay may aral
EPIKO kabayanihan bida/tauhan paglalakbay
KARUNUNGANG BAYAN mga aral gabay talinhaga
B.
lalo Iba’t ibang uri man ng panitikan, mahalaga ang mga ito lalo na sa aral
na naidudulot nito
higit Higit na mahaba ang kuwento ng kabayanihan kaysa kuwento ng
pinagmulan.
di hamak Di hamak na mas maraming pakikipagsapalaran ang tauhan sa epiko
kaysa sa tauhan sa alamat.
kawangis Kawangis ng bida sa epiko ang bida sa alamat.
gaya Gaya ng mga aral sa kuwentong bayan, magagmit ng mga tauhan ang
mga ito sa kanilang pakikipagsapalaran.
B. LINANGIN
Gawain 2. (mga maaaring sagot)
1. mga salita ng Diyos
2. kalayaan na ibinubuwis
3. mababang uri ng pagkatao
4. salitang mataas ang uri o banal
5. dumanas ng di magandang karanasan
RO_Q1_Filipino8_Module1
- 24 -
Gawain 3. (mga maaaring sagot)
1.kapag ang lahat ay naniniwala sa salita at kapangyarihan ng Diyos, tayo
ay magiging sapat na Malaya sa hinaharap.
2.Ang hindi marunong magmahal sa wikang kinamulatan ay maituturing
na mababa ang uri nito.
3.Mayaman ang ating wika, kaya lamang nagkaroon ng pagbabago ay dahil
sa impluwensiya ng mga dayuhan na sumakop sa atin.
Gawain 4.
1. Kasabihan
2. Sawikain
3. Bugtong
4. Kasabihan
5. Salawikain
Gawain 5.
1 ............................................................... Error! Bookmark not defined.
2 ............................................................... Error! Bookmark not defined.
3 ............................................................... Error! Bookmark not defined.
4. A
5. C
Gawain 6. (mga maaaring sagot)
Pagsasanay 1
Maka-Diyos Walang matimtimang birhen, sa matiyagang manalangin
Makatao Maraming bukas-palad sa mga nangangailangan.
Makakalikasan Isang maliit na butil, gamot upang buhay ay di makitil
Sagot : binhi
Makabansa Bayan mo, Ipatrol mo!
Pagsasanay 2 (mga maaaring sagot)
May Paliwanag
katotohanan
1 / Ang mga taong hindi marunong magdahan-dahan ay
karaniwang nadidisgrasya
2 / Kung hindi para sa iyo kahit anong pilit mo ay hindi mo
maaangkin
3 / Ang mga anak na hindi dinisiplina noong sila y abat pa
ang magbibigay ng suliranin sa mga magulang
4 / Ang mga pumapasok nang maaga ay mas maraming
nagagawang trabaho
5 / Kailangang kumilos at hindi lamang umaasa sa awa ng
Panginoon
RO_Q1_Filipino8_Module1
- 25 -
Gawain 7. (mga maaaring sagot)
Uri Halimbawa ng KB Pangyayari sa tunay na buhay
Salawikan Kapag may isinuksok, may Ang mga may ipon sa
madudukot kasaluyan ang may nagagmit
sa kanilang mga
pangangailangan.
Sawikain Si Pangulong Duterte ay haligi Hindi pinapabayaan ng ama
ng tahanang Pilipinas ng bansa ang kaniyang mga
kababayan, tulad ng
pagbibigay ng SAP
Kasabihan Panay ang post sa FB na May mga taong pasosyal
parang sosyalera tapos ngayon ngunit ngayong panahon ng
nanghihingi ng ayuda… pandemik ay nagrereklamo
dahil di nabiyayaan ng ayuda
ng pamahalaan
Bugtong Isang salot na parang ipu-ipo, Dahil sa corono virus na hind
binulabog ang buong mundo. man natin nakikita ay
Sagot : Covid 19 nakaperhwisyo ito at
maraming namatay sa buong
mundo.
GRAMATIKA
Palawakin ang Kaalaman (mga maaaring sagot)
1. Mas mabait ang mga tao sa bayan ko kaysa sa bayan sa kanluran.
2. Mas magaganda ang mga tanawin sa bayan ko kaysa sa bayan sa
kanluran.
3. Mas masarap ang mga pagkain sa bayan ko kaysa sa bayan sa
kanluran.
4. Mas maganda pa rin ang bayan ko.
Pagsasanay 1
Kasingganda kaya ng mga tanawin ditto ang mga tanawin Magkatulad
doon?
Sinsarap kaya ng adobo, sinigang at kare-kare ang mga Magkatulad
pagkain doon?
Pagsasanay 2 (mga maaaring sagot)
1.Pareho kami ng itsura ng ate ko, para kaming pinagbiyak na bunga.
2.Ang mga kabataan noon ay pinaluluhod sa munggo, di gaya ngayon na
laki sa layaw.
3.Higit ang hirap ng panliligaw noon dahil tagatak ang pawis, samantalang
ngayon isang text lang, kayo na.
4.Di gaanong hirap si ina sa pagbibigay ng aming pangangailangan dahil si
ama ay pumapasok nang nakakurbata sa opisina.
5.Di hamak na mas mahirap ang paraan ng pag-aaral noon dahil
kailangang magsunog ng kilay, samantalang ngayon ay madaling makuha
sa internet ang mga sagot sa mga takda.
RO_Q1_Filipino8_Module1
- 26 -
C.Pagnilayan at Unawain
Karunungang bayan Mga Katangian Layunin
Salawikain May sukat at tugma Magbigay ng gabay, aral at
Binubuo ng 2 taludtod pagpapahalaga sa buhay
Sawikain Patayutay o idyomatiko Mas mataas na antas ng
pananalita at hindi marahas
upang di makasakit ng
damdamin
Kasabihan Hindi matalinghaga Magbigay ng gabay sa
Payak ang pagpapahayag mapanudyong paraan
Bugtong May sukat at tugma Palawakin ang kaalaman at
paunlarin ang talas ng isip
Panghuling Pagtataya
1.C 6.B
2.A 7.C
3.D 8.C
4.B 9.C
5.B 10.A
TALASANGGUNIAN
ENRIJO, Willita A., Panitikang Pilipino Filipino 8; Modyul para sa mga
magaaral . Quezon City. Book Media Press, Inc. pp. 14-16.

JULIAN, Ailene B., et. al. 2017. Pinagyamang Pluma 8 (Ikalawang Edisyon).
Quezon City. Phoenix Publishing House, Inc. pp. 7-25.

MATEO, Renato R., 1996. Gabay sa Panitikang Filipino. Tondo, Manila.


Arenar Book Marketing. pp. 19-28.

Mga Panuntunan at |Pamantyan sa Pagbuo ng Spoken Poetry


https://www.slideshare.net/kezzygilo/pang-uripowerpoint-presentation.
Accessed on May 6,2020.

Sa Aking Mga Kabata. ssshttps://www.tagaloglang.com/sa-aking-


mgakababata-jose-rizal/. Accessed on April 28,2020.

Uri ng Paghahambing. https://www.tagaloglang.com/dalawang-uri-


ngpaghahambing/. Accessed on May 2,2020.

Karunungang Bayan. https://philnews.ph/2020/03/10/halimbawa-


ngkarunungang-bayan-kahulugan-at-mga-halimbawa/. Accessed on April
26,2020.

Mga Halimbawa ng Hugot Lines.


https://www.philstar.com/pangmasa/punto-
mo/2016/02/01/1548824/mga-hugot-lines-na-funny-true.
Accessed on May 7,2020.

- 27 -
RO_Q1_Filipino8_Module1
Para sa mga katanungan, puna o fidbak, sumulat o tumawag:

Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyong Pampangasiwaan ng Cordillera,


Wangal, La Trinidad, Benguet, 2601
Fax No.: (074)-422-4074
Email Address: car@deped.gov.ph

- 28 -
RO_Q1_Filipino8_Module1

You might also like