You are on page 1of 21

Nahuhulaan ang Pangyayari sa Akda at

Paglalarawan sa Kulturang Asyano


(Rama at Sita-Epiko ng India)
Modyul ng Mag-aaral sa Filipino 9
Ikatlong Markahan- Linggo 5

MARICEL L. MENDOZA
Tagapaglinang ng Modyul
Kagawaran ng Edukasyon• Rehiyong Administratibo ng Cordillera

1
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyong Administratibo ng Cordillera
Wangal, La Trinidad, Benguet

Inilathala ng
Sistema ng Pamamahala at Pagpapaunlad ng Hanguan ng Pagkatuto
Rehiyong Administratibo ng Cordillera

KARAPATANG SIPI
2021

Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa Bilang 8293 na hindi maaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaaan o tanggapan kung
saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing akda.
Kabilang sa maaring gampanin ng nasabing ahensya o tanggapan ay ang patawan
ng bayad na royalty bilang kondisyon.
Ang materyal ay nagawa para sa implementasyon ng K-12 Kurikulum ng
Kagawaran ng Edukasyon. Alin mang bahagi nito ay pinahihintulutang kopyahin
kung ito ay para sa pag-aaral ngunit kailangang kilalanin ang may-ari nito.

2
YUNIT 3 – IKALIMANG LINGGO
Aralin 3.5: PAGLALARAWAN NG KULTURANG ASYANO
MGA INAASAHANG MATUTUHAN

Sa pagtatapos ng modyul, ikaw ay inaasahang:


● Nahuhulaan ang maaaring mangyari sa akda batay sa ilang pangyayaring
napakinggan. (F9PN-IIlg-h-54)
● Nailalarawan ang natatanging kulturang Asyano na masasalamin sa epiko.
(F9PN-IIlg-h-54)
● Nasasagot ang mga tanong kaugnay sa akda. (Pag-unawa sa Binasa)
● Nakasusulat ng sariling blog kung paano maipagmamalaki ang kulturang
asyano

Subukin
PAUNANG PAGTATAYA
A. Panuto: Basahing mabuti ang bawat pahayag pagkatapos ay piliin at isulat sa
sagutang papel ang letra ng tamang sagot.
1. ito ay isang mahabang salaysay na patula tungkol sa kabayanihan ng ng
pangunahing tauhan.
a. Maikling kwento b. epiko c. pabula d. sanaysay
2. Ang mga sumusunod ay ang katangiang taglay ng epiko, maliban sa isa.
a. may kakaibang lakas
b .ang paksa ay tungkol sa kabayanihan
c. Ang mga tauhan ay karaniwang tungkol sa mga Diyos at Diyosa
d. Ito ay hango sa parabula
3. Ang Rama at Sita ay isang halimbawa ng _________________.
a. dula
b. tula
c. epiko
d. nobela
4. Matapos mabasa ang epikong Rama at Sita, ano ang mabubuong hinuha mula
sa mga pangyayari?
a. Hindi ipinaglaban ni Sita si Rama.
b. Naging magulo ang naging pagmamahalan ng dalawa
c. Nagkaroon ng kanya kanyang buhay ang magkakapatid.
d. Ipinaglaban ni Rama at Sita ang kanilang pagmamahalan.
5. Ang tunay na pagmamahal sa isa‟t isang ang naging susi ni Rama at Sita upang
mapagtagumpayan ang dumating na pagsubok sa kanilang pagsasama.
a. Ang pagkakaisa ng lahat upang makamit ang kabutihan ay tunay na
pagmamahal

3
b. Ang pagmamahal ang naging dahilan kung bakit nagkakaroon ng kaguluhan
c. Ang tunay na pagmamahal sa isa‟t isa ay dahilan kung bakit nagkakaroon
ng selos at inggit
d. Ang tunay na pag-ibig ang susi ng lahat ng bagay upang tumibay ang
samahan ng nagmamahalan.

B. Panuto: Basahin o Ipabasa sa mga tagagabay ang mga sumusunod.


Pakinggang mabuti ang bawat sitwasyon at pagkatapos ay ibigay ang inyong
hinuha/hula sa mga susunod na mangyayari.
6. Itinulak ni Sita si Ravana. Bumalik sa anyong higante si Ravana. Hinablot ni
Ravana ang mahabang buhok ni Sita at isinakay sa karuwaheng hila ng mga
kabayong may malapad na pakpak. Ano sa tingin mo ang mangyayari?
a. Pinakasalan ni Ravana si Sita
b. Napamahal si Sita kay ravana
c. Tuluyan ng nakuha at kinulong si Sita ni ravana
d. Naging Malaya si Sita kay Ravana.
7. Matagal na naghintay si Sita at Lakshamanan, pero hindi pa rin dumarating si
Rama. Pinilit ni Sita si Lakshamanan na sumunod sa gubat. Ano kaya ang
mangyayari?
a. Nakita ni Lakshamanan na patay na si Rama.
b. Sinundan ni Lakshamanan si Rama at hinanap ito.
c. Bumalik si Rama at nagalit kay Lakshamanan
d. Naging mag-asawa si Lakshamanan at Sita, dahil hindi bumalik si Rama.
8. Tumakas ang iba pang mga higante nang makita nilang patay na si Ravana.
Umiiyak na tumakbo si Sita sa asawa niyang si Rama.Ano sa tingin mo ang
nangyari?
a. Naiyak si Sita sa nangyari kay Ravana
b. Naging maligaya ang mag-asawang Rama at Sita
c. Naghiwalay ang mag-asawang rama at Sita dahil patay na si Ravana
d. Namatay si Rama
9. Dahil mahal na mahal ang asawa, kinuha ni Rama ang kanyang pana at busog.
“Huwag mong iiwan si Sita kahit ano ang mangyari” ang sabi niya sa kanyang
kapatid na si Lakshamanan.Ano kaya ang mangyayari?
a. Sinundan ni Rama ang unggoy
b. Pinatay ni Rama ang higante
c. Pinatay ni Rama si Surpanaka
d. Hinuli ni Rama ang gintong usa
10. “Sige patayin mo siya!” sabi ni Rama. Binunot ni Lakshamanan ang kaniyang
espada at nahagip niya ang tenga at ilong ng higante. “Sino ang may gawa nito?”
sigaw ni Ravana nang makita ang ayos ng kapatid.
a. Nag-away si Ravana at Surpanaka
b. Nag-away si Lakshamanan at Surpanaka
c. Gumawa ng paraan si Ravana upang patayin si Rama at lakshamanan
d. Pinatay ni Ravana si Rama
C. Panuto: Basahin at tukuyin ang Kulturang Asyano na akma sa mga pangungusap
sa ibaba. Piliin ang tamang sagot.

4
11. Naniniwala ang mga Hindu na maaabot ng tao ang tunay na kaligayahan kung
ang kanyang kaluluwa ay sasanib kay Brahma at mabubuhay na muli.
a. pagsasanib
b. reinkarnasyon
c. pagdarasal
d. pagsamba
12. Ayon sa mga Hindus, ang kanilang relihiyon ang pinakaluma sa buong mundo.
Tinawag ito ng mga naniniwala na sanatana dharma, ang walang hanggang relihiyon
a. Judaismo
b. katolisismo
c. Kristiyanismo
d. Hinduismo
13. Ang pinaka tradisyunal na pagbati sa India ay hindi nakikipagkamay. Sa bansang
ito, ang normal na bagay ay sumali sa mga palad at dalhin ang mga ito patungo sa
dibdib na nagsasabing “binabati kita”.
a. salamalaikum
b. namaste
c. aneyong nga sau
d. hello
14. Mga gintong pamana na minana natin sa ating mga ninuno. Ano ang hindi
kabilang dito.
a. palaaway
b. pagiging maayos sa katawan
c. pagrespeto at magalang
d. maunawain
15. Nasa poder pa rin ng mga magulang ang mga anak kahit na sila ay nasa tamang
edad na at may sariling pamilya
a. naniniwala ang mga Asyano sa pagsasama sama ng isang buong pamilya
b. naniniwala ang mga Asyano na kailangang magtulungan ang isang
pamilya
c. naniniwala ang mga Asyano sa pagmamahal sa bawat isa ng pamilya
d. lahat ay tamang sagot

Balikan
Natutunan mo sa nakaraang aralin ang pagkilala sa makatotohanan at di
makatotohanang pahayag ng mga pangyayari sa mga akdang iyong binasa o
napakinggan. Sa pagtuklas ng mga mahahalagang impormasyon, ang mga
makatotohanang pangyayari ay pinalalakas ng mga katibayan at katwiran
samantalang ang mga di makatotohanan ay mga pahayag na haka haka, mahirap
paniwalaan at walang batayan.
Ibigay ang mga batayan para masabi kung makatotohanan o di
makatotohanan ang mga pangyayari sa mga akdang binasa o napakinggan.
Ang makatotohanang pangyayari kung ito‟y…….

5
Makatotohanan ang mga pangyayari Di makakatotohanan ang mga
kung…………………… pangyayari kung……………
1. Hal. ito ay nangyari sa tunay na 1.Hal. Ito‟y malayong mangyari sa
buhay katotohanan
2. 2.
3. 3.
4. 4.
5. 5.

Mahalaga ang kasanayan sa pagkilala ng makatotohanan o di


makatotohanan upang maibigay ang tamang hula at hinuha sa isang pangyayari.
Ano ang batayan mo sa pagbibigay ng hinuha/hula sa pangyayari? Isulat ang sagot
sa patlang.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Tuklasin
Handa ka na bang pakinggan ang epikong may pamagat na Rama at Sita na
mula sa bansang India? Halina na at tuklasin ang mayamang kulturang Asyano na
nakapaloob sa akda.
Basahin at unawaing mabuti ang halimbawang
epiko upang mapaunlad mo ang kaalaman mo rito.

RAMA AT SITA
(Isinalin sa Filipino ni Rene O. Villanueva)

Sa gubat tumira sina Rama, Sita at


Lakshamanan nang ipatapon sila mula sa kaharian ng
Ayodha. Minsan, isang babae ang dumalaw sa kanila.
Hindi nila alam, nagpapanggap lamang ang babae. Siya
ay si Surpanaka, ang kapatid ni Ravana, na hari ng mga
higante at demonyo. “Gusto kitang maging asawa,” sabi

6
nito kay Rama. “Hindi maaari,” sabi ni Rama. “May asawa na ako.” Narinig ni Sita
ang dalawa kaya lumabas siya. Niyakap ni Rama si Sita sa harap ni Surpanaka.
Nagselos ng husto si Surpanaka. Sa galit ay bigla siyang naging higante. Nilundag
niya si Sita para patayin. Pero mabilis na nayakap ni Rama ang asawa at agad
silang nakalayo kay Surpanaka, siya namang pagdating ni Lakshamanan.

“Sige patayin mo siya!” sabi ni Rama. Binunot ni Lakshamanan ang kaniyang


espada at nahagip niya ang tenga at ilong ng higante. “Sino ang may gawa nito?”
sigaw ni Ravana nang makita ang ayos ng kapatid. Nagsinungaling si Surpanaka
kay Ravana para makaganti kay Rama. Sinabi niyang nakakita siya ng
pinakamagandng babae sa gubat at inalok niya itong maging asawa ni Ravana pero
tumanggi ang babae. Nang pilitin daw niya, tinagpas ng isang prinsepe ang kaniyang
ilong at tenga. “Tulungan mo ako, Ravana,” sabi pa nito. Bihagin mo si Sita para
maging asawa mo. “Naniwala naman si Ravana sa kuwento ng kapatid. pumayag
siyang ipaghiganti ito.

Ipinatawag ni Ravana si Maritsa. May galing si Maritsa na mabago ang sarili


sa kahit anong anyo o hugis. Nang malaman ni Maritsa na sina Rama at
Lakshamanan ang makakalaban, tumanggi itong tumulong. “kakampi nila ang mga
diyos,” sabi ni Maritsa.

“Kailangang umisip tayo ng paraan kung paanong makukuha si Sita nang


hindi masasaktan si Rama. “Nakumbinsi naman si Ravana kaya nag-isip sila ng
patibong para maagaw nila si Sita.

Isang umaga habang namimitas ng bulaklak, nakakita si Sita ng isang gintong


usa. Tinawag agad niya sina Rama at Lakshamanan para hulihin ang usa na puno
ng mamahaling bato ang sungay. “Baka higante rin iyan,” paalaala ni Lakshamanan.
Dahil mahal na mahal ang asawa, kinuha ni Rama ang kanyang pana at busog.
“Huwag mong iiwan si Sita kahit ano ang mangyari,” bilin ni Rama sa kapatid.
Parang narinig ng usa ang sinabi ni Rama. Agad itong tumakbo kaya napasigaw si
Sita. “Bilis! Habulin mo ang gintong usa!”

Matagal na naghintay ang dalawa pero hindi pa rin dumarating si Rama. Pinilit
ni Sita si Lakshamanan na sumunod sa gubat. “Hindi, kailangan kitang bantayan,”
sabi nito. Ilang oras pa silang naghintay nang bigla silang nakarinig ng isang
malakas na sigaw. Napaiyak si Sita sa takot pero ayaw paring umalis si
Lakshamanan kaya nagalit si Sita. “Siguro gusto mong mamatay si Rama para ikaw
ang maging hari,” sabi nito kay Lakshamanan. Nasaktan si Lakshamanan sa bintang
ni Sita. Para patunayang mahal niya ang kapatid, agad siyang sumunod sa gubat.
Wala silang kamalay-malay na sa labas ay naghihintay si Ravana.

7
Sa gubat, napatay ni Ravana ang usa at bigla itong naging si Maritsa.
Nagpanggap naman si Ravana na isang matandang paring Brahmin. Nagsuot ng
isang kulay kahel na roba at humingi siya ng tubig kay
Sita. Hindi nakapagpigil si Ravana. “Bibigyan kita ng
limang libong alipin at gagawin kitang reyna ng
Lanka!,” sabi ni Ravana. Natakot si Sita at nabitiwan
ang hawak na banga!

Itinulak ni Sita si Ravana. Bumalik sa anyong


higante si Ravana. Hinablot ni Ravana ang mahabang
buhok ni Sita at isinakay sa karuwaheng hila ng mga
kabayong may malapad na pakpak. Nagsisigaw at
nanlaban si Sita pero wala siyang magawa. Lihim na
nagsisi si Sita sa ginawa niya kina Rama at
Lakshamanan. Itinapon niya ang mga bulaklak sa
kanyang buhok. Nagdasal siya na sana ay Makita
iyon ni Rama para masundan siya at maligtas.

Mula sa isang mataas na bundok, narinig ng isang agila ang sigaw ni Sita.
Hinabol ng ibon ang karuwahe ni Ravana. Pinagtataga ni Ravana ang agila at
duguan itong bumagsak sa lupa.

Pabalik na sina Rama at Lakshamanan nang Makita nila ang naghihingalong


agila. “Dinala ni Ravana ang asawa mo sa Lanka,” sabi nito bago mamatay. Sinunog
ng magkapatid ang bangkay ng agila. Pagkatapos ay naghanda sila upang sundan
ang hari ng mga higante sa Lanka. Dinala ni Ravana si Sita sa Lanka, ang kaharian
ng mga higante at demonyo. “Mahalin mo lamang ako ay ibibigay ko sa iyo ang lahat
ng kayamanan.” Sabi ni Ravana. Pero hindi niya napasuko si Sita.

Hiningi ni Rama ang tulong ng hari ng mga


unggoy para salakayin ang Lanka. Sa labanang
naganap, maraming kawal na unggoy ang napatay pero
mas maraming higante ang bumagsak na pugot ang
ulo. Hinanap ni Rama si Ravana at silang dalawa ang
naglaban.

Matagal na naglaban sina Rama at Ravana


hanggang sa mapatay ni Rama ang hari ng mga
higante. Tumakas ang iba pang mga higante nang makita nilang patay ang kanilang
pinuno. Umiiyak na tumakbo si Sita sa asawa. Nagyakap sila nang mahigpit at
muling nagsama nang maligaya.

8
Nagustuhan nyo ba at naunawaan ang epikong inyong nabasa mula sa
India? Kung hindi ay malaya nyong basahin muli ang akda.

Suriin
Alam mo ba…

Epiko

Ang isang epiko ay isang uri ng tulang pasalaysay, na kilala rin bilang
panulaang epiko. Bagaman, sa makabagong katawagan, kadalasang napapalawig
ito sa ibang anyo ng sining, tulad ng sa teatrong epiko,
mga pelikula, musika, nobela, palabas sa telebisyon at kahit sa mga larong bidyo,
kung saan may mga tema ang kuwento ng kadakilaan ng kabayanihan, katulad
sa panulaang epiko.

Ang epiko ay tulang pasalaysay na nagsasaad ng kabayanihan ng


pangunahing tauhan na nagtataglay ng katangiang nakahihigit sa karaniwang tao
na kadalasan siya‟y buhat sa lipi ng mga diyos o diyosa. Ang paksa ng mga epiko
ay mga kabayanihan ng pangunahing tauhan sa kanyang paglalakbay at
pakikidigma.

Ang salitang epiko ay galing sa Griyego na epos na nangangahulugang


„awit‟ ngunit ngayon ito‟y tumutukoy sa pasalaysay na kabayanihan.

Karagdagang kaalaman……..

Pinaniniwalaan na ang mga taong naninirahan dito kasama Pilipinas o ang


sakop nito ay tinatawag na mga "Asyano". Ayon sa pananaliksik, Ang kultura ng
Asya ay ang kabihasnan ng tao sa Asya. Tinatampok dito ang iba't ibang mga uri
ng pamanang pangkultura at pampanitikan ng iba't ibang bansa, maging ang
mga lipunan, at mga pangkat etniko ng rehiyon na nakaugaliang tinatawag bilang
isang kontinente magmula sa pananaw na Kanluranin hinggil sa Asya. Ang
rehiyon o lupalop ay mas pangkaraniwang hinahati sa mas likas ng mga
kabahaging rehiyon na pangheograpiya at pangkultura, kabilang na ang Gitnang
Asya, Silangang Asya, Timog Asya, Hilagang Asya, Kanlurang Asya at Timog
Silangang Asya.
Ang sining, musika, at lutuin, pati na panitikan, ay mahahalagang mga
bahagi ng kulturang Asyano. Dahil dito, maraming mga impluwensiya o minanang
kultura natin ngayon ang nakaaapekto sa ating pamumuhay at kultura bilang mga
Pilipino sa kasalukuyan. Ilan lamang yan sa nga minana nating Asyano. Isa sa

9
mga kaugaliang patuloy na ipinamana
sa mga asyano ay ang pagiging
magalang at may repesto sa kahit
kanino, iba't iba man ang pinagmulan o
katangian ng mga ito.
Ito ay gintong pamana na itinuro
ng mga dakilang ninuno. Dahil ang
kultura ang nagpapakita ng
pagkakakilanlan ng bawat pangkat o
grupo ng mga tao. Ang kultura rin ang
nagpapakita ng pagkakaiba-iba ng mga
pangkat. Ito ang nagpapakita ng talento
na kung anong meron sa kanilang
pangkat. Mayaman at punong-puno ng kultura ang mayroon ang mga asyano.
Ang lahat ng ito ay Kulturang katangi-tangi at tiyak na talagang hindi mabubura.
Halaw sa asianbloggers

Pagyamanin

GAWAIN 1. PAG-UNAWA SA BINASA


Handa ka na bang sagutin ang mga sumusunod na tanong at isulat ang sagot sa
nakalaang guhit.
1. Bakit sa gubat na nanirahan si Rama, Sita at Lakshamanana?
______________________________________________________________

2. Ano ang nais ni Ravana kay Sita? Bakit niya ito binihag?
______________________________________________________________
3. Paano napatay ni Rama si Ravana ang hari ng mga higante?
______________________________________________________________
4. Paano pinatunayan ni Rama at Sita ang tunay nilang pagmamahalan sa isa‟t
isa? __________________________________________________________
5. Ano ang katunayan na isang epiko ang akdang Rama at Sita?
______________________________________________________________
6. Ano ang mga kulturang asyano ang masasalamin sa binasa/pinakinggang
akda?
______________________________________________________________

10
GAWAIN 2. Pagpapaunlad ng kaalaman
Basahin ang mga pangyayari sa epiko at Isulat ang kulturang Asyano na
masasalamin sa akda.

Mga Pangyayari sa Akda Kulturang Asyano


1. “Gusto kitang maging asawa,” sabi
nito kay Rama. “Hindi maaari,” sabi ni
Rama. “May asawa na ako.” Narinig ni
Sita ang dalawa kaya lumabas siya.
Niyakap ni Rama si Sita sa harap ni
Surpanaka
2.Nang pilitin daw niya, tinagpas ng
isang prinsepe ang kaniyang ilong at
tenga. “Tulungan mo ako, Ravana,” sabi
pa nito. Bihagin mo si Sita para maging
asawa mo. “Naniwala naman si Ravana
sa kuwento ng kapatid.pumayag siyang
ipaghiganti ito.

3.Dahil mahal na mahal ang asawa,


kinuha ni Rama ang kanyang pana at
busog. “Huwag mong iiwan si Sita kahit
ano ang mangyari,” bilin ni Rama sa
kapatid

4.Pabalik na sina Rama at


Lakshamanan nang Makita nila ang
naghihingalong agila. “Dinala ni Ravana
ang asawa mo sa Lanka,” sabi nito
bago mamatay. Sinunog ng magkapatid
ang bangkay ng agila

5.“Mahalin mo lamang ako ay ibibigay


ko sa iyo ang lahat ng kayamanan.”
Sabi ni Ravana

11
Gawain 3: Mula sa binasang epiko ay ilarawan ang mga kulturang asyano na
masasalamin sa akda.

2. Pagkakaroon ng positibong
1. Mabuting Pakikipagkaibigan
pananaw
Patunay:_____________________ Patunay:_____________________
____________________________ ____________________________
____________________________ ____________________________
____________________________ ____________________________
____________________________ ____________________________
____________________________ ____________________________
____________________________
____________________________
__________________________ __________________________

3. Mabuting Pagtanggap ng bisita 4. Mabilis Magtiwala


Patunay:_____________________ Patunay:_____________________
____________________________ ____________________________
____________________________ ____________________________
____________________________ ____________________________
____________________________ ____________________________
____________________________ ____________________________
____________________________ ____________________________
____________________________ ____________________________
__________________________ __________________________

5. Mapagmahal sa Pamilya 6. Pagiging Madasalin


Patunay:_____________________ Patunay:_____________________
____________________________ ____________________________
____________________________ ____________________________
____________________________ ____________________________
____________________________ ____________________________
____________________________ ____________________________
____________________________ ____________________________
____________________________ ____________________________
____________________________ ____________________________
____________________________ ____________________________
_ ____________________________
_

12
Isaisip
Gawain: Patunayan mo! Isulat sa nakalaang guhit ang mga natutunan sa akdang
tinalakay.

Natutunan ko na ang epiko ay


____________________________________________
____________________________________________
__________________________________________

Naniniwala ako na nasasalamin ang mga


kulturang Asyano sa mga babasahin tulad ng
epiko dahil sa
_______________________________________
_______________________________________

Mahalaga ang paggamit ng paghihinuha dahil dito nabibigyang pagkakataon


__________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

Isagawa
I blog mo!

Upang matiyak kung talagang naunawaan mo ang ating tinalakay


sa ating aralin, ikaw ngayon ay susulat ng isang blog.
Ang blog ay ang pinaiksing salita para sa weblog at kalimitang
isinusulat ng mga blogero ang kanilang mga opinyon at mga naiisip sa
kanilang blog.Narito ang mga halimbawa:
Dustin‟s Blog
(https://dlimm16.wordpress.com/2014/12/08/kulturang-pilipino-ang-
daanan-ng-pag-unlad/)
Asianblogger(https://www.google.com/search?q=halimbawang+blo
g+tungkol+sa+kultura+ng+asya&oq=halimbawang+blog+tungkol+sa+kultu
ra+ng+asya&aqs=chrome..69i57.10703j0j15&sourceid=chrome&ie=UTF-
8).

13
Gamitin mo ang mga lunsarang ito upang gumawa ng iyong sariling blog.

Gawain 7. Masining na Pagbasa


Sa pamamagitan ng pagbasa at pakikinig ng mga dokumento ng mga kilalang
blogger tungkol sa mga bansa sa Asya. Ikaw ay inaatasang makasusulat ng sariling
blog kung paano mo maipagmamalaki ang mga magagandang kultura ng mga
bansa sa Asya.

Sundin ang mga sumusunod na pamantayan/krayteria sa pagsulat ng isang


blog.

PAMANTAYAN 5 4 3 2 1

Masining na pagsulat O
p
;
;
.
Makatotohanan at
mapanghikayat na
paglalahad
Nilalaman
Malinaw at organisado ang
mga salita
Kabuuang Puntos

Napakahusay 20 - 16
Mahusay 15 - 11
Di- gaanong mahusay 10 - 6
Baguhan 6 - 0 Puntos

Binabati kita! Maayos mong nasagot ang mga gawain sa araling ito.
Huwag magdalawang-isip na magtanong sa iyong guro kung may nais ka
pang malaman hinggil sa paksa. Makatutulong din ang pagbabalik-tanaw
sa modyul na ito upang mabigyang linaw ang mga kaisipang malabo.

Ngayon ay ihanda mo ang iyong sarili para sa pangwakas na pagtataya


upang higit mong matiyak na naunawaan mo ang mga araling nakapaloob sa
modyul na ito. Magpakasipag, ito ang susi sa pagkamit ng iyong mga pangarap.

14
Tayahin
PANGWAKAS NA PAGTATAYA
Panuto: Basahing mabuti ang bawat pahayag pagkatapos ay piliin at isulat sa
sagutang papel ang letra ng tamang sagot.

1. Ang epiko ay isang mahabang salaysay na patula tungkol sa


___________________ ng pangunahing tauhan.
a.kabayanihan b. kababalaghan c. kabutihan d. kapangyarihan
2. Ang mga sumusunod ay ang katangiang taglay ng epiko, maliban sa isa.
a. may kakaibang lakas
b.ang paksa ay tungkol sa kabayanihan
c. Ang mga tauhan ay karaniwang tungkol sa mga Diyos at Diyosa
d. Ito ay hango sa paranula
3. Ang lahat ay mga halimbawa ng epiko maliban sa isa.
a. Ramayana
b. Indarapatra at Sulayman
c. Biag ni Lam-ang
d. Ang prinsesang Timawa
4. Matapos mabasa ang epikong Rama at Sita, ano ang mabubuong hinuha mula
sa mga pangyayari?
a. Hindi ipinaglaban ni Sita si Rama.
b. Naging magulo ang naging pagmamahalan ng dalawa
c. Nagkaroon ng kanya kanyang buhay ang magkakapatid.
d. Ipinaglaban ni Rama at Sita ang kanilang pagmamahalan.
5. Ano ang hindi kultura ng Asya ang makikita sa epiko na akma sa kultura ng
Pilipinas.
a. Ang pagkakaisa ng lahat upang makamit ang kabutihan
b. Ang pagtatagumpay para sa kabutihan ng isang tao
c. Ang tunay na pagmamahal sa isa‟t isa
d. Ang tunay na pakikipagkaibigan sa kapwa
6. Mula sa Pilosopiya ng India “Pinagpapala ng Diyos ang magaganda, matatalino at
kumikilos nanag naaayon sa lipunan”
a. Ang mga tao ay dapat na kumikilos ayon sa kanilang mga uri
b. Ang mga tao ay bahagi ng kultura
c. Ang mga tao ay naniniwala sa Diyos
d. May sariling Diyos ang ang naniniwala sa kultura
7. Walang duda na tapat ang pagmamahalan nina Rama at Sita
a. Pinatunayan nila ang kanilang pagmamahalan dahil sa mga material na
bagay.
b. Pinatunayan nila ang kanilang pagmamahal dahil sa mga pagsubok na
nalagpasan nila sa kanilang buhay.

15
c. Pinatunayan nila ang kanilang pagmamahal dahil sa magandang buhay na
nakalaan sa kanila.
d. Pinatunayan nila ang kanilang pagmamahalan dahil sa kasikatan.
8. “Ayaw kong labanan si Rama at Sita”? Ano ang kahulugan nito?
a. Matatapang ang dalawa
c.May agimat ang mag-asawa na magpapabagsak sa mga kalaban
b. Kakampi nila ang Diyos .
d. mababait ang mag-asawa.

II. Basahin at tukuyin ang Kulturang Asyano na akma sa mga pangungusap sa


ibaba. Isulat sa patlang ang tamang sagot.

Mga Kulturang Asya

a. ang mga kalalakihan ay magkahawak kamay


b. pagkain gamit ang iyong kamay
c. inaayos ang Kasal
d. sagrado ang baka
e. Hinduismo
f. Islam
g. pagkonsumo ng paan

9. Karaniwan na sa Asya ang pagkonsumo ng tabako at dahin na gawa sa sireh at


areca nut na nakakakuha ng kulay pula. Marami sa bansang Asya ang ngumunguya
nito at dinudura. Makikita itong isang tuldok na kulay pula sa mga kalsada at
dingding._______.

10. Ang mga Indian, hindi bababa sa mga Hindu, isinasaalang-alang ang mga baka
sagradong hayop. Ang dahilan ay nakikilala nila siya bilang Devi (ang diyosa), isang
simbolo ng likas na ina.___________

11. Ang pangalawang pinakamalaking relihiyon sa India ay ang _______, na may


halos 150 milyong mga tagasunod. __________

12. Ayon sa mga Hindus, ang kanilang relihiyon ang pinakaluma sa buong mundo.
Tinawag ito ng mga naniniwala na sanatana dharma, ang walang hanggang
relihiyon. ____________

13. Ang tradisyon ng pag-aayos ng mga kasal ay daan-daang matanda sa India.


Bagaman nagbago ang lipunan, isang malaking bilang ng mga pag-aasawa ang
inaayos pa rin, kahit na ngayon ang ikakasal ay laging nagbibigay ng kanilang
panghuling pahintulot. ____________

16
14. Ito ay isang tanda ng pagkakaibigan ng mga lalaki. Ang pagkilos na ito ay
makikita sa isang malaking ugnayan sa pagitan nila at hindi kinakailangang mag-
ugnay ng pag-ibig sa isa‟t isa. Sa pamamagitan ng mga anak, mga kaibigan, ang
magkahawak kamay ay hindi isang pagkaraniwang kilos. _____________

15. Ang isa pang kilalang tradisyon sa India ay ang kilos ng pagkain gamit ang iyong
mga kamay. Ito ay higit na nauugnay sa isang espiritwal na paniniwala. Ito ay kung
paano pinatunayan ng disiplina ng Ayurveda na ang pagkuha ng pagkain gamit ang
mga kamay. _____________

Karagdagang Gawain
Ano kaya kung?.........
Mahuhulaan mo kaya ang mga maaaring
mangyari sa mga isyu/kuwentong nangyayari sa
kasalukuyan.Basahin ang ilang mga
pangyayari/sitwasyon at isulat ang iyong nahihinuhang mangyari.
1. Ang pandemya ng COVID-19 ay nangangailangan ng pag-iingat sa ating pang-
araw-araw na buhay. Ang bawat isa ay maaring gawin ang ilang simpleng hakbang
upang matulungan ang pagbagal ng pagkalat ng sakit na coronavirus at protektahan
ang ating sarili, pamilya at komunidad. Ang paghuhugas ng kamay, pagtatakip ng
ilong at pag-iwas sa matataong lugar ay ilan lamang sa mga kailangang sundin
upang maiwasan ang pagkalat ng sakit. Ngunit karamihan ay hindi sumusunod sa
mga simpleng hakbang na ito. Ano kaya ang maaring mangyari?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
____________________________________________________________
2.Ilang bagong variant ng coronavirus ang naitala sa iba't ibang panig ng mundo
nitong nakaraang buwan. Kabilang dito ang variant mula sa United Kingdom. Dahil
dito, maraming bansa ang nagpatupad ng bagong travel restrictions. Ano ang
mangyayari sa turismo ng bansa lalo na sa bahagi ng Asya kung patuloy na di
masusugpo ito?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
_____________________________________________________________
3. Ang epekto ng Corona-virus ay makikita rin sa kabuhayan ng mga Pilipino. Abot 5
milyong Pilipino ang mawawalan ng trabaho dahil dito. Ayon sa Department of Labor
and Employment (DOLE). Ang bilang na ito ay maaaring tumaas pa at
makakaapekto sa ekonomiya ng Pilipinas sa mga susunod na buwan. Kung hindi

17
bumalik sa normal ang buhay ng mga tao at hanggang ngayon ay hindi matugunan
ng gobyerno ang pagbibigay ng trabaho. Ano kaya ang maaaring mangyari sa
susunod?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
_____________________________________________________________
4. Maraming mga kabataan sa kasalukuyan ang nangangailangan ng atensiyon sa
kanilang kalusugang pisikal at mental. Ayon sa Kagawaran ng kalusugan maraming
mga kabataan ngayon ang nawawalan ng pag-asa at nangangailangang tutukan ng
kanilang mga magulang. Ano ang maaaring mangyari kung hindi mabigyang pansin
ang mga kabataang ito?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
5. Dahil sa dulot ng pandemya sa edukasyon ng mga kabataan nasanay ang mga
mag-aaral sa paggamit ng modyul at online sa kanilang pag-aaral. Kung patuloy na
ganito ang magiging sitwasyon ng mga mag-aaral, ano kaya ang nahihinuha mong
mangyari sa edukasyon ng mga kabataan?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

18
19
Subukin Balikan
1. b 6.c 11. b Lahat ng sagot ng mag-aaral ay bibigyan
ng puntos dahil ito ay batay sa kanilang
2.a 7.b 12. d
opinyon
3.c 8.b 13. b
4.a 9.a 14. a
5.a 10.c 15.d
Pagyamanin Gawain 1 Pagyamanin Gawain 2
1. Dahil sila ay ipinatapon mula 1. Wagas na pagmamahal
sa kaharian ng Ayodha 2. Pagmamahal sa kapamilya
2. Nais maging asawa ni Ravana 3. Gagawin ang lahat sa minamahal,
si Sita buhay man ang kapalit nito
3. Dahil sat agal ng paglalaban 4. Tunay na pakikipagkaibigan
ng dalawa ay natalo ni Rama 5. Ibibigay ang lahat sa taong
si Sita minamahal
4. Napagtagumpayan ng mag-
Gawain 3
asawa ang mga pagsubok na
dumating sa kanilang buhay Lahat ng sagot ng mag-aaral ay bibigyan
5. Dahil ang tauhan ay ng puntos dahil ito ay batay sa kanilang
nagtataglay ng opinyon
kabayanihan ng
pangunahing tauhan na
nagtataglay ng katangiang
nakahihigit sa karaniwang
tao
6. Ang pagpapakita ng tunay na
pagmamahalan ng mag-
asawa at pagpapakita ng
tiwala sa Diyos.
Isaisip Isagawa
Lahat ng sagot ng mag-aaral ay bibigyan Sundin ang pamatayan sa pagsulat ng
ng puntos dahil ito ay batay sa kanilang blog.
opinyon
Tayahin Karagdagang gawain
1. a 6.a 11. f Lahat ng sagot ng mag-aaral ay bibigyan
ng puntos dahil ito ay batay sa kanilang
2.d 7.b 12. e
opinyon
3.d 8.b 13. c
4.d 9.g 14. g
5.b 10.d 15.b
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Peralta, Romulo N., et.al. PanitikangAsyanoKagamitan ng Mag – aaralsa Filipino


9.Pasig City: Department of Education, 2013.

Baisa-Julian, Del Roarion,., et.al. Pinagyamang Pluma, Phoenix Publishing House,


2018

https://tl.warbletoncouncil.org/cultura-de-india-9492#menu-33
https://actoledo.blogspot.com/2020/03/usaping-kulturang-asyano.html
https://sites.google.com/site/fortheloveofkamadeva/rama-and-sita-the-epic-love-story
https://pixels.com/featured/ravana-slaughtering-jatayu-the-vulture-while-an-
abducted-sita-looks-away-in-horror-ravi-varma.html
https://en.wikipedia.org/wiki/Shurpanakha#/media/File:Rama_spurns_the_demon_lo
ver.jpg
https://asianbloggers.tumblr.com/post/93873593718/kultura-ng-asya-ang-kultura-ng-
asya-ay

20
Para sa mga katanungan, puna o fidbak, sumulat o tumawag:
Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyong Administratibo ng Cordillera
Pampaaralan Sangay ng Benguet, Wangal, La Trinidad, Benguet,
2601
Fax No.: (074)-422-4074
Email Address: car@deped.gov.ph

21

You might also like