You are on page 1of 28

BULONG AT AWITING-BAYAN

Modyul ng Mag-aaral sa Filipino 7


Ikalawang Markahan Linggo 1 at 2

TERSIA T. SONGGADAN
Tagapaglinang ng Modyul

Kagawaran ng Edukasyon•Rehiyong Administratibo ng Cordillera

-1-
PAUNAWA HINGGIL SA KARAPATANG-SIPI
COPYRIGHT NOTICE
2020

Section 9 of Presidential Decree No. 49 provides:


“No copyright shall subsist in any work of the Government of the Philippines.
However, prior approval of the government agency of office wherein the work is
created shall be necessary for exploitation of such work for profit.”

Ang modyul na ito ay inihanda para sa implementasyon ng K to 12


Curriculum sa pamamagitan ng Curriculum Implementation Division
(CID)—Learning Resource Management and Development System
(LRMDS). Maaari itong kopyahin para sa layuning pang - edukasiyon at
maaring hilingin ang pahintulot sa nagmamay-ari nito. Ang paghalaw o
pagpapaunlad nito ay maaaring gawin, ibigay lamang ang karampatang
pagkilala sa orihinal na lumikha. Hindi pinahihintulutan ang paghalaw
ng anumang likha mula rito kung ang layunin ay pangkomersiyo o
pagkakakitaan.

-2-
Alamin
PARAAN NG PAGGAMIT NG MODYUL

Iba’t ibang gawain ang nilalaman ng modyul na ito. Naririto ang mga
hakbang na dapat mong sundin.

1. Tunghayan ang tala ng mga inaasahang bunga ng pagkatuto upang


magkaroon ng hinuha sa mga kaalamang dapat mong matutuhan at
kasanayang dapat mong malinang sa pamamagitan ng modyul na ito. Ang
mga ito ay batay sa Pamantayang Pangnilalaman, Pamantayang Pagganap at
mga Kasanayang Pampagkatuto sa K to 12 na Kurikulum.
2. Sagutan ang Paunang Pagtataya. Ang iyong iskor ang magtatakda ng
lawak ng kaalaman sa araling saklaw ng modyul na ito. Kung ikaw ay
makakukuha ng 100% na tamang sagot, maaari ka ng kumuha ng susunod
na modyul. Kung hindi naman ay kinakailangan mong balikan ang mga
naitakdang gawain sa modyul na ito.
3. Ang bawat gawain sa modyul na ito ay naglalayong malinang ang iyong
pagkatuto. Ang mga layuning ito ay dapat matamo pagkatapos ng pag-aaral
sa tulong ng modyul na ito at mapaghusay ang bunga ng pagkatuto
pagkatapos.
4. Basahin at unawain ang saklaw ng bawat aralin. Ang bawat bahagi ay
naglalaman ng mga impormasyon at kaalamang magiging patnubay sa iyong
pagkatuto.
5. Pagkatapos ng aralin, kumuha ng pansariling pagwawasto upang
alamin ang lawak ng kaalamang natutuhan. Kung hindi mo nakuha ang
tamang sagot sa mga katanungan, balikan ang saklaw ng mga
aralin/gawain. Sa ganitong paraan, magkakaroon ka ng mabisang
pagkatuto.
6. Isagawa ang bawat gawain na may isa o higit pang saklaw. Hindi
nakasasapat na magkaroon ka lamang ng kaalamang pangnilalaman, sa
halip ay maisagawa ang mga ito sa tunay na buhay.
7. Pagkatapos magawa ang mga gawain sa modyul na ito, kumuha ng
Panghuling Pagsusulit upang mataya ang pangkalahatang lawak ng
pagunawa hinggil sa aralin.

-3-
BAHAGI NG MODYUL

Ang modyul na ito ang magsisilbing gabay sa iyong makabuluhang


pagkatuto sa panitikan at gramatika. Sundin lamang ang mga sumusunod
na hakbang upang makasunod ka sa mga gawaing inihanda para sa iyo.

1. Basahin at unawain ang mga inaasahang matutuhan sa modyul.


Magiging gabay mo ang mga ito sa pangkalahatang pag-unawa sa
nilalaman at tunguhin na batay sa kasanayang pampagkatuto at
pamantayang pagganap na nakasaad sa Batayang Pangkurikulum
ng K to 12 para sa Ikapitong Baitang.

2. Sagutin ang paunang pagtataya. Ito ang susukat sa dati mong


kaalaman na maari mong magamit sa mas magaang pag-unawa sa
nilalaman ng modyul na ito. Pagkatapos mo itong masagutan ay
dumako ka na sa mga susunod pang gawain.

3. Ang bawat gawain sa modyul na ito ay naglalayong malinang ang


iyong pagkatuto. Ang mga layuning ito ay dapat matamo
pagkatapos ng pag-aaral sa tulong ng modyul na ito.

4. Basahin at unawain ang saklaw ng bawat yugto ng pagkatuto. Ang


bawat bahagi ay naglalaman ng mga impormasyon at kaalamang
magiging patnubay sa iyong pagkatuto.

5. Ang inaasahang pagganap ay nasa yugto ng isagawa kung saan


magagamit mo lahat ng iyong napag-aralan upang maisagawa ang
gawain. Nakapaloob din ang pamantayan sa pagbibigay ng iskor
upang maisaalang-alang ang mga bagay na dapat mong
paghandaan at bibigyang-pansin.

6. Pagkatapos, dumako ka sa Panghuling Pagsusulit upang mataya


ang pangkalahatang lawak ng pag-unawa hinggil sa aralin.

7. Kung may bahagi sa aralin na hindi naunawaan, muli itong


balikan. Muli mo itong pag-aralan nang sa gayon magkakaroon ka
ng mabisang pagkatuto.

Ang modyul na ito ay naglalayong matulungan ka para makamit mo


ang kailangang kasanayan sa pagkatuto. Inaasahan naming malaki ang
maitutulong ng modyul na ito sa iyong pagkatuto.

-4-
YUNIT 2 – UNA at Ikalawang LINGGO
BULONG AT AWITING-BAYAN
Mga inaasahang matutuhan
Sa pagtatapos ng modyul, ikaw ay inaasahang:

• Naipaliliwanag ang kaisipang nais iparating ng nabasang bulong at


awiting bayan.
• Napalalawak ang kaalaman sa kahulugan ng mga salitang may
kinalaman sa bulong at awiting-bayan ng Kabisayaan.
• Nabubuo ang sariling paghahatol o pagmamatuwid sa ideyang
nakapaloob sa akda na sumasalamin sa tradisyon ng mga
tagaBisaya.
• Nasusuri ang antas ng wika ng mga salitang nagamit sa mga
pangungusap.
• Nakasusulat ng awiting-bayan gamit ang wika ng mga kabataan.

Subukin
Paunang pagtataya

Sukatin natin kung ano ang nalalaman mo sa paksang tatalakayin. Nais


kong maingat mong basahin ang bawat tanong at sagutin ito. Piliin ang letra
ng tamang sagot at isulat ito sa iyong sagutang papel.

1. Karaniwan itong naglalarawan ng pang-araw-araw na gawain sa buhay


at pag-uugali ng ating mga ninuno na nakasulat nang patula, nang
lumaon ay nilapatan ng awit.
A. bulong C. awiting-bayan
B. B. kwentong-bayan D. maiklingkuwento
2. Masasalamin sa awiting-bayan ang ______. A. pagdurusa ng dinaranas
ng isang bayan
B. material na kayamanan ng isang bayan
C. politika ng isang bayan
D. kultura at kaugalian ng isang bayan
3. Ang awiting-bayang “Dandansoy” at “Si Felimon” ay tungkolsa________.
A. pag-ibig at pangingisda C. pag-ibig at pagsasaka
B. pagsasaka at pamamangka D. pangingisda at pagsasaka
4. Uri ng Awiting-bayan tungkol sa awit ng pag-ibig na ginagamit sa
panghaharana ng mga Bisaya.
A. Kundiman C. Kumintang
B. Talindaw D. Balitaw

-5-
5. Ang _____ sa kabisayaan ay pinaniniwalaang ginagamit sa pangkukulam
at pang-eenkanto.
A. awiting-bayan C. bulong
B. kuwentong-bayan D. panalangin
6. Alin sa mga awiting-bayan ng Kabisayaan ang tungkol sa pangingisda.
A. Tabi-tabi po C. Si Felimon
B. Ili-ili Tulog Anay D. Dandansoy
7. Ginagamit ito bilang pagbibigay-galang o pagpapasintabi sa mga bagay o
pook tulad ng punong balite, sapa, ilog at iba pang pinaniniwalaang
tirahan ng mga lamang-lupa at iba pang nilalang na di nakikita.
A. awiting-bayan C. panalangin B. bulong D. kuwentong-bayan
8. Ang _________ ay awit sa patay ng mga Ilokano.
A. dalit C. diyona
B. dung-aw D. kundiman
9. Ang Talindaw ay awitsa _______________________.
A. pamamanhikan C. panghaharana
B. pakikidigma D. pamamangka
10. Ang pahayag na “Makikiraan po” ay halimbawa ng ____________.
A. awiting bayan C. kuwentong-bayan
B. bulong D. kasabihan
11. Tumutukoy sa mga salitang na hango lamang sa pagbabago o pag-usad
ng panahon, mga salitang kalye.
A. kolokyal C. lalawiganin
B. balbal D. pambansa
12. Ang etag at pinikpikan ang karaniwang inuulam ng mga nakatira sa
Cordillera. Anong antas ng wika ang salitang may salungguhit?
A. kolokyal C. lalawiganin
B. balbal D. pambansa
13. Ang mga taong bukas-palad ay lalong pinagpapala. Anong antas ng wika
ang salitang may salungguhit?
A. kolokyal C. pampanitikan o panretorika
B. balbal D. pambansa
14. Meron kayang lunas ang pandemyang COVID 19 na ating nararanasan?
Anong antas ng wika ang salitang may salungguhit?
A. kolokyal C. lalawiganin
B. balbal D. pambansa
15. Bawal ang yosi sa mga pampublikong lugar. Anong antas ng wika ang
salitang nasalungguhitan?
A. kolokyal C. lalawiganin
B. balbal D. pambansa

Balikan
-6-
Natapos mo nang napag-aralan ang mga akdang pampanitikan sa
Mindanao, ngayon naman simulan mong tuklasin ang kaalaman tungkol sa
panitikang Bisaya tulad ng bulong at awiting-bayan.

GAWAIN 1. Pag-uugnay ng Kaisipan


Handa ka bang hukayin o gunitain ang yamang ipinamana ng ating mga
ninuno mula sa Kabisayaan? Piliin sa kahon ang mga salitang may
kaugnayan sa paniniwala at paraan ng pamumuhay. Ilagay ang sagot sa
sisidlan.

Pagpipilian:

Pakikidigma engkanto pangingisda kulam espiritu


pamamangka Oyayi lamang-lupa anito pagtatanim

PANINIWALA
PAMUMUHAY

TUKLASIN
Sa bahaging ito masusuri mo ang tungkol sa bulong at awiting-bayan
mula sa Bisaya. Maaari mo itong ihambing sa iba pang awiting-bayan sa
-7-
Luzon at Mindanao. Malalaman mo rito ang mga uri nito ayon sa pinapaksa
ng kani-kanilang awiting-bayan batay sa kanilang kinagisnang kultura mula
sa kanilang mga ninuno. Matututuhan naman sa pagsasanib ng gramatika
ang tungkol sa kategorya o antas ng wika. Mapalalawak mo rin ang
talasalitaan sa pagsusuri sa mga salitang nagamit sa awiting-bayan na may
kaugnayan sa kultura ng pinagmulan nito.

Alam mo ba…
Ang mga lalawigan sa Visayas ay kilala sa pagkakaroon ng
makukulay na pagdiriwang at mayaman sa iba’t ibang diyalekto?
Ganoon din ang pagiging makulay ng kanilang mga akdang
pampanitikan na nagsisilbing repleksiyon ng kanilang kaugalian,
paniniwala at tradisyon?

Tunghayan at kilalanin ang mga panitikang Bisaya sa yunit na ito.

Ang mga bulong ay isang matandang katawagan sa orasyon ng mga


sinaunang tao ng kapuluan ng Pilipinas. Isa rin ito ng yaman ng ating
katutubong panitikang pasalindila. Magpahanggang ngayon, ang bulong ay
ginagamit pa rin ng ating kababayan sa pagpapasintabi kapag napaparaan
sa tapat ng isang nuno sa punso, sa kagubatan, sa tabing-ilog, at sa iba
pang lugar na pinaniniwalaang tirahan ng mga engkanto, lamang-lupa o
maligno. Binibigkas ang bulong para mabigyang babala ang mga “nilalang
na hindi nakikita” para maiwasang matapakan o masaktan sila.
Pinaniniwalaan kasing kapag di sinasadyang nasaktan ang mga “nilalang”
na ito, maaari silang magalit, manakit, o magdulot ng hindi maipaliwanag
na karamdaman.

Gumagamit din ang bulong ng mga albularyo sa kanilang


panggagamot. May bulong na binibigkas sa pagtatawas para gumaling ang
isang nausog o sumakit ang tiyan. Sa panggagamot ng mga matatanda, ang
ginagamit ay mga ugat at dahon ng halaman. Sa bisa raw ng “bulong,”
gumagaling ang maysakit. Pinaniniwalaan ding ginagamit sa pangkukulam
at pang-eengkanto ang bulong sa kabisayaan.
Isang panalangin ang bulong, binuhay dahil sa pagnanais na
makamtan ang isang pangyayari o pagbabago sa hinaharap na mga
pangyayari sa kapalaran.
Isa sa matatandang panitikang Pilipino ang awiting-bayan (Folk song) na
lumitaw bago dumating ang mga Espanyol. Maikli lamang ito, nasa anyong
tula na may sukat, indayog at nang lumaon nilapat anito ng himig.
Karamihan sa mga ito ay may lalabin-dalawahing pantig. Naglalarawan ito
ng paraan ng pamumuhay ng ating katutubong panahon. Ito ang mga
popular na katutubong awiting naririnig nating inaawit sa mga nayon
tuwing may okasyong dinaraos o may kaugnayan sa anumang
pangarawaraw na gawain tulad ng kasalan, paglalamay, pagtatanim o
pagsasaka, pamamangka o pangingisda, pag-ibig, oyayi o pagpapatulog ng

-8-
sanggol at iba pa. Simpleng awitin na punong-puno ng damdamin at
buhay. Makikita sa ibaba ang ilan sa karaniwang uri ng awiting-bayang
laganap sa iba’t ibang bahagi ng ating bansa:

• Balitaw – awit sa pag-ibig na ginagamit sa panghaharana ng mga


Bisaya.
• Kundiman – Ito naman ang bersiyon ng mga awit ng pag-ibig sa mga
Tagalog. Ang isang uri nito ay ang pananapatan o nanghaharana ang
binata sa kanyang iniibig o nililigawan
• Dalit – awit na panrelihiyon o himno ng pagdakila sa Maykapal
• Diyona – awitin sa panahon ng pamamanhikan o sa kasal
• Dung-aw – awit sa patay ng mga Ilokano
• Kumintang – awit ng pakikidigma o pakikipaglaban
• Soliranin – awit sa panggagaod o pamamangka
• Maluway – awit sa sama-samang paggawa
• Oyayi o hele – awiting panghele o pagpapatulog ng bata
• Sambotani – awit ng pagtatagumpay
• Talindaw – isa pang uri ng awit sa pamamangka

Narito rin ang iba’t ibang uri ng awiting-bayan ng mga taga-Cebu:


• Saluma - awit ng mandaragat
• Kandu – awit epiko
• Kanogon - awit ng namatayan
• Hila, holo, hia - awit pang gawain
• Tirana – awit sa debate o pagtatalo
• Balitaw - awit ng pag-ibig
• Hibuil o ibayli - awit ng paglalakbay ng mga taga-Negros
• Dayegon – awit na pangharana

Masasalamin sa mga awiting ito ang mayaman at makulay na


kulturang Pilipino sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas. Kaya naman
lumaganap ang awiting-bayan sa iba’t ibang bahagi ng ating bansa. May
kani-kaniyang awiting-bayan ang naninirahan sa Luzon, Visayas at
Mindanao.

Natapos mo nang nabasa ang tungkol sa awiting-bayan at bulong.


Ngayon, handa ka na ba sa pagsusuring nilalaman ng awiting-bayan at
bulong ? Bago suriin, bigyan mo muna ng kahulugan ang mga salita sa
ibaba upang lalong mapalawak ang iyong kaalaman.

-9-
GAWAIN 2. Kahulugan, Hulaan Mo!

Tukuyin ang kahulugan ng mga salitang nasalungguhitan sa bawat


bilang. Bilugan ang letra ng tamang sagot.
1. Ang tabi-tabi po ay isang orasyon ng ating mga ninuno kung sila’y
mapapadaan sa pinaniniwalaan nilang tirahan ng mga nilalang na di
nakikita.
A. pagbibigay-galang o paumanhin C. panalangin
B. espiritu D. gilid ng daan
2. Ang awiting-bayang “oyayi” ay nangangahulugang__________.
A. pagtatanim C. pamamangka
B. paghehele ng sanggol D. pag-ibig
3. Ang “Dandansoy” ay awiting-bayan sa kabisayaan partikular sa isla
ng Panay na nangangahulugang _______________.
A. anak na lalaki
B. pangalan ng lalaking mangingibig
C. pangalan ng babaeng mangingibig
D. pangalan ng lugar
4. Nagpaalam siya kay Dandansoy at siya’y uuwi sa payaw.
A. dagat C. kubo
B. bukid D. malakingbahay
5. Pinambili niya ng tuba ang kanyang naipong pera sa pangingisda.
A. tapey B. basi C. lambanog D. bugnay wine
6. Ano ang tawag sa alak mula sa niyog.
A. tapey B. basi C. Lambanog D. basi at lambanog

- 10 -
Suriin
PAGBASA AT PAG-UNAWA
Basahin at unawain ang mga sumusunod na halimbawa ng bulong at
awiting-bayan mula sa kabisayaan bago mo
sagutin ang mga gawain.

A. Bulong

Sa Ilonggo Salin sa Filipino

“Tabi-tabi… “Tabi-tabi…
Maagi lang kami Makikiraan lang kami
Kami patawaron Kami’y patawarin
Kon kamo masala pay namon” Kung kayo’y masagi namin.

B. Mga halimbawa ng awiting-bayan

- 11 -
1. Awiting Ilonggo

Dandansoy Dandansoy
(Awiting-bayan (Salin sa Filipino)
Mula sa Negros Occidental)
Dandansoy, iiwan nakita
Dandansoy, bayaan ta ikaw Babalik ako sa payaw
Pauli ako sa payaw Kung sakaling ika’y mangulila Sa
Ugaling kung ikaw hidlawon payaw, ikaw ay tumanaw.
Ang payaw imo lang lantawon
Dandansoy, kung ako ay iyong
susundan
Dandansoy, kung imo apason
Bisan tubig di magbalon Kahit tubig huwag ka nang magbaon
Ugaling kung ikaw uhawon Kung sakaling ikaw ay mauhaw
Sa dalan magmagbubon-bubon. Sa daan, gumawa ka ng munting
balon.

2. Oyayi sa Iloilo

- 12 -
Ili ili Tulog Anay Batang Munti Tulog Na
(Oyayi sa Iloilo) (Salin sa Filipino)

Ili-ili tulog anay, Batang munti,


Wala iri Matulog na
Imong nanay. Kadto Wala rito ang iyong nanay,
tienda Bakal Siya’y bumili ng tinapay
papay, Batang munti Matulog na.
Ili-ili tulog anay

3. Awiting-bayan ng Sugbuwano

- 13 -
Si Pilemon Si Felimon
(Awiting-Bayan ng Cebuano) (Salin sa Filipino)

Si Pilemon, Si Pile mon Si Felimon, siFelimon


Namasol sa kadagatan Nangisda sa karagatan.
Nakahuli, nakahuli
Nakakuha, nakakuha Ng isdang tambasakan.
Ng isda ng tambasakan. Pinagbili, pinagbili
Guibaligya, guibaligya sa Sa isang munting palengke.
merkado’ng guba. Ang Ang kanyang pinagbilhan,
halin puros kura, ang ang kanyang pinagbilhan,
halin puros kura Igo ra I Pinambili ng tuba.
panuba.

GAWAIN 3. Paghahambing sa Awiting-bayan at Bulong


Paghambingin ang bulong at awiting-bayan gamit ang Venn diagram.

GAWAIN 4. Pagsusuri sa Awiting-bayan at Bulong

- 14 -
Sagutin ang mga tanong at punan ang hinihinging dayagram sa ibaba.

1. Anong paksa at kulturang masasalamin sa mga awiting-bayan at

2. Ginagamit pa ba sa kasalukuyan ang bulong?


Kailan ito
isinasagawa?______________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
3. Ano ang kahalagahan ng awiting-bayan at bulong sa kasalukuyang
panahon ?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

- 15 -
Gawain 5 : Pagpapayaman sa Kaisipan

Tukuyin at ipaliwanag ang kaisipang nais iparating ng bulong at


awiting-bayan. Punan ang tsart sa ibaba.

PAMIMILIAN:

A. Ang paghehele o pag-awit para sa sanggol ay bahagi na ng kulturang

Bisaya
B. Pinaglalapit ng isang awit ang dalawang magkalayong nagmamahalan
C. Paniniwala sa mga espiritu at iba pang kakaibang nilalang
D. Isa sa pangunahing kabuhayan at libangan sa Bisaya ang pangingisda
E. Ang tauhan ay nagnenegosyong tuba o mahilig uminom ng tuba

Bulong at Awiting-bayan Kaisipang nais Paliwanag


iparating ng mga
linya o taludtod
1. Tabi-tabi po,
Makikiraan lang kami,
Kami’y patawarin
Kung kayo’y masagi namin.
2. Dandansoy, iiwan na kita
Babalik ako sa payaw
Kung sakaling ika’y mangulila
Sa payaw, ikaw ay tumanaw.
3. Si Felimon, si Felimon
nangisda sa karagatan.
Nakahuli, nakahuli ng isdang
tambasakan.
4. Pinagbili, pinagbili sa isang
munting palengke. Ang kanyang
pinagbilhan, ang kanyang
pinagbilhan, pinambili ng tuba.

- 16 -
5. Batang munti, batang munti,
matulog ka na.
Wala rito ang iyong ina, siya ay
bumili ng tinapay. Batang
munti, batang munti matulog
ka na.

Pagyamanin
GAWAIN 6. Pagpapayaman ng Kaalaman
Basahin ang isa pang awiting-bayan na pinamagatang “Sa Ugoy ng
Duyan” mula sa ating bansa.

Sa Ugoy ng Duyan
Inawit ni Lea Salongga

Sana’y di nagmaliw ang dati kong araw Nang munti


pang bata sa piling ni nanay.
Nais kong maulit ang awit ni inang mahal
Awit ng pag-ibig habang ako’y nasa duyan. (2x)

Koro:
Sa aking pagtulog nalabis ang himbing Ang bantay
ko’y tala, ang tanod ko’y bituin.
Sa piling ni nanay, langit ang buhay.
Puso kong may dusa sabik sa ugoy ng duyan.

Sana’y di nagmaliw ang dati kong araw


Nang munti pang bata sa piling ni nanay Nais
kong maulit ang awit ni inang mahal Awit ng
pag-ibig habang ako’y nasa duyan.

Uulitin ang koro:

Nais kong matulog sa dating duyan ko, inay Oh, inay.

- 17 -
Panuto: Sagutin ang mga gabay na tanong:

1. Tukuyin ang mga katangian ng isang inang nabanggit sa awit.


_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

2. Batay sa awit, ilarawan ang pagmamahal ng isang ina.


_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

3. Anong kultura nating mga Pilipino ang masasalamin sa awiting-


bayan?______________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

4. Sa iyong palagay, kailangan pa bang awitan ang isang sanggol o bata


para matulog sa kasalukuyang panahon?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

5. Kung ikaw ang inaawitan ng ina bago matulog, ano ang iyong
mararamdaman? Ipaliwanag ang sagot.
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

6. Bakit mahalagang ipadama ang pagmamahal sa mga bata kahit sila’y


sanggol pa lamang?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

GAWAIN 7: Pagsasanib ng gramatika

Antas ng Wika
Ang dalawang kategorya ng wika ay pormal at impormal o di-pormal.

- 18 -
A. Pormal
Ito ang mga salitang standard, karaniwan o pamantayan dahil
kinikilala, tinatanggap at ginagamit ng higit na nakararami lalo na
ang mga nakapag-aral ng wika. Ginagamit ito sa mga usap ang
pormal.

Narito ang mga uri nito:


1. Pambansa – mga karaniwang salitang ginagamit sa mga aklat
pangwika o pambalarila sa paaralan, gayundin sa pamahalaan.
Halimbawa: asawa, anak, tahanan

2. Pampanitikan o panretorika – Mga salitang gamitin sa mga


akdang pampanitikan, karaniwang matayog, malalim,
makulay at masining. Itinuturing itong pinakamataas na
antas ng wika.
Halimbawa: kahati sa buhay (asawa)
Bunga ng pag-ibig (anak)
Pusod ng pagmamahalan (tahanan)

B. Impormal o di-pormal
Ang impormal o di-pormal ay mga salitang karaniwang palasak at
madalas gamitin na pang-araw-araw na pakikipag-usap. Ginagamit ito
sa mga hindi pormal na usapan. Ito ay nauuri sa tatlo:

1. Lalawiganin –Mga bokabularyong gamitin sa mga


partikular na pook o lalawigan lamang. Makikilala ito sa kakaibang
tono o punto.
Halimbawa:
Ambot mula sa salitang Bisaya na ibig sabihin ay “ewan”
Kaon mula sa salitang Bisaya na ibig sabihin ay “kain”
Biag mula sa salitang Ilokano na ibig sabihin ay “buhay”
Ngarud mula sa salitang Ilokano na katumbas ang salitang “nga”

2. Balbal (slang) -Mga salitang na hango lamang sa


pagbabago o pag-usad ng panahon. Mga salitang karaniwang ginagamit
sa lansangan o kalye kaya’t madalas na tinatawag na salitang kanto o
salitang kalye. Nagkakaroon ng sariling codes, mababa ang antas na

- 19 -
ito.
Halimbawa: Pinoy – Pilipino Utol – kapatid
Bagets – kabataan Yosi – sigarilyo
Tigas – astig Datung – salapi o pera
Erpat – tatay chicks – dalagangbata pa
Ermat – nanay gurang – matanda

3. Kolokyal – Mga salitang ginagamit sa mga pagkakataong


impormal. Ito ay ginagamitan ng pagpapaikli o pagkakaltas ng ilang
titik sa salita upang mapaikli ang salita o kaya’y mapagsama ang
dalawang salita. Gayundin ang pagsasama ng dalawang wika tulad ng
Tagalog at Ingles o Taglish.
Halimbawa:
meron mula sa mayroon orig mula sa orihinal
nasan mula sa nasaan kelan mula sa kalian A-attend ka ba
sa birthday ni Ana? (Tag-lish)

Pagsasanay 1
Suriin ang mga salitang nasalungguhitan sa bawat bilang at isulat sa
talahanayang nakalaan kung anong antas ng wika. Punan ang hinihingi ng
talahanayan sa ibaba.
1. Ang pagmamano ay isa sa mabuting kaugalian nating mga Pinoy na dapat
panatilihin.
2. Ipinakilala niya sa kanyang pamilya ang syota niyang Amerikano.
3. Ang kulintang ay instrumentong pangmusika ng taga-Mindanao.
4. Madalas nating mapakinggan sa matatanda ang pahayag na “Ang
pagaasawa’y hindi parang kaning isusubo na maaaring iluwa kapag
napaso.
5. Kailan ang pag-iisang dibdib ng iyong kapatid?
6. Wow! Masarap pala ang tapey, ngayon lang ako nakatikim.
7. Kelan kaya matatapos ang pandemyang ating nararanasan?

Pampanitikan Balbal Kolokyal Lalawiganin

- 20 -
Pagsasanay 2
Tukuyin ang kahulugan ng mga salitang nakasulat nang pahilis na
ginamit sa usapan sa hanay A. Piliin sa B ang letra ng tamang sagot.
A B

_____Dino: Kumusta ang tipar kina Norman kahapon? a. bata pa

_____ Rey: Masaya, pero maaga akong umuwi. May sakit b. handaan
kasi ang utol ko kaya binilhan ko muna ng
gamot. c.ama, tatay

_____Nilo: Dehins ako nakarating dahil nagpasama ang d. inay, ina


aking tatay sa probinsiya.

e. hindi
_____ Leo: Ako nama’y nasiraan ng sasakyan nang papunta
pa lang. Sinita nga ako ng lespu. Sa gitna ng
kalye naman kasi ako tumirik. f. matanda

_____ Dino: Palitan mo na kasi yang tsekot mo ng bago para


g. kotse
hindi ka masisiraan.

_____ Rey: Wala na tayong datung. P’re, Saka na yan. h. pera

_____ Nilo: Bagets ka pa naman. Mag-ipon ka pa at tiyak na i. pulis


makakabili ka rin ng bago balang araw.
j. kapatid
_____ Leo: Pangarap ko iyan bago ako maging gurang.

_____ Dino: Paano, uwi muna ako. Tumawag si ermat, may


pupuntahan daw kami.

_____ Leo: O sige, ikumusta mo ako sa erpat mo. Saka na


lang tayo magkuwentuhan kapag may oras.

Isaisip
Ideyang Ipinapahayag. Bulong ko, Hatulan mo!

Pagkatapos mong pag-aralan at matutuhan ang tungkol sa awitingbayan at


bulong ng kabisayaan, suriin mo kung ang mga sumusunod na ideya mula
- 21 -
sa nasabing mga akda kung sumasang-ayon ka o hindi. Isulat ang tsek (/)
sa kolum ng mapipiling sagot at pagkatapos ay ipaliwanag ito. Gayahin ang
pormat sa iyong papel.

Di -
Ideya Sangayon sangayon Paliwanag

1. Makatutulong ang bulong


kapag ginagamit na pangontra
sa nakagagalit.

2. Ang mga awiting-bayan at


bulong ay dapat na laging
inaawit at sinasambit sa
kasalukuyang panahon.

3. Bawat taludtod ng awiting-


bayan at bulong ay
makahulugan sa paglalarawan
ng kultura ng mga taga-
Bisaya.

4. Masasalamin sa awiting-
bayan at bulong
ang kagandahang-asal

5. Malaking tulong ang mga


awiting-bayan upang makilala
natin kung paano namuhay at
namumuhay ang mga taga-
Bisaya.

- 22 -
Isagawa
Pagsulat ng Awiting-bayan

Ikaw ay isang komposer, na maalam sa kultura ng iyong lugar.


Napansin mong ang kabataan ngayon ay puro gadget ang inaatupag. Ito
ang naging sanhi ng hindi pagkakaroon ng lubos na atensyon sa pag-
aaral at walang pagpapahalaga sa ating kultura. Bubuo ka ng isang
awiting hihikayat sa kanilang mahalin ang kulturang minana pa natin
sa ating mga ninuno. Gumamit ng mga salitang agaw-pansin sa mga
kabataan.

Gawing gabay ang pamantayan sa ibaba para sa iyong gawain.

MgaPamantayansapagbuo ng awit: Puntos


Iskor
Kasapatan ng impormasyon at kulturang 20
nilalaman

Pagiging malikhain sa pagpapahayag ng 15


kaisipan

Kaangkupan ng mga salitang ginamit 15

Kabuoang Puntos 50
puntos

Binabati kita sa matiyaga mong pagsagot sa mga gawain sa araling ito.


Inaasahan na ang lahat ng mahahalagang konsepto na iyong natutuhan sa
araling ito ay makatutulong sa pag-unawa mo sa mga kasunod pang aralin.

- 23 -
Tayahin
PANGWAKAS NA PAGTATAYA

Subukin natin kung gaano kalawak ang iyong pagkatuto gamit ang
modyul na ito. Bago sagutin ang pangwakas na gawain nais kong muli mong
balikan ang mga bahagi na di mo lubos na naunawaan.

Ngayon handa ka na, kumuha ng sagutang papel. Basahin at unawain


ang hinihiling sa bawat bilang. Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat ito
sa sagutang papel.

1. Karaniwan itong naglalarawan ng pang-araw-araw na gawain sa buhay


at pag-uugali ng ating mga ninuno na nakasulat nang patula, nang
lumaon ay nilapatan ng awit.
A. bulong C. awiting-bayan
B. kwentong-bayan D. maikling kuwento

2. Masasalamin sa awiting-bayan ang ______. A. pagdurusang dinaranas


ng isang bayan
B. material na kayamanan ng isang bayan
C. politika ng isang bayan
D. kultura at kaugalian ng isang bayan

3. Ang awiting-bayang “Dandansoy” at “Si Felimon” ay tungkol sa________.


A. pag-ibig at pangingisda C. pag-ibig at pagsasaka
B. pagsasaka at pamamangka D. pangingisda at pagsasaka

4. Uri ng awiting-bayan tungkol sa awit ng pag-ibig na ginagamit sa


panghaharana ng mga Bisaya.
A. Kundiman C. Kumintang
B. Talindaw D. Balitaw

5. Ang _____ sa kabisayaan ay pinaniniwalaan ding ginagamit sa


pangkukulam at pang-eenkanto.
A. awiting-bayan C. bulong
B. kuwentong-bayan D. panalangin

6. Alin sa mga awiting-bayan ng Kabisayaan ang tungkol sa pangingisda.


A. Tabi-tabi po C. Si Felimon

- 24 -
B. Ili-ili Tulog Anay D. Dandansoy
7. Ginagamit ito bilang pagbibigay-galang o pagpapasintabi sa mga bagay
o pook tulad ng punong balite, sapa, ilog at iba pang pinaniniwalaang
tirahan ng mga lamang-lupa at iba pang nilalang na di nakikita.
A. awiting-bayan C. panalangin
B. bulong D. kuwentong-bayan
8. Ang _________ ay awit sa patay ng mga Ilokano.
A. dalit C. diyona
B. dung-aw D. kundiman
9. Ang Talindaw ay awit sa _______________________. A. pamamanhikan
C. panghaharana
B. pakikidigma D. pamamangka
10. Ang pahayag na “Makikiraan po” ay halimbawa ng ____________.
A. awiting-bayan C. kuwentong-bayan
B. bulong D. kasabihan

11. Tumutukoy sa mga salitang hango lamang sa pagbabago o pag-usad ng


panahon, mga salitang kalye.
A. kolokyal C. lalawiganin
B. balbal D. pambansa

12. Ang etag at pinikpikan ang karaniwang inuulam ng mga nakatira sa


Cordillera. Anong antas ng wika ang salitang may salungguhit?
A. kolokyal C. lalawiganin
B. balbal D. pambansa

13. Ang mga taong bukas-palad ay lalong pinagpapala. Anong antas ng


wika ang salitang may salungguhit?
A. kolokyal C. pampanitikan o panretorika
B. balbal D. pambansa

14. Meron kayang lunas ang pandemyang COVID 19 na ating nararanasan?


Anong antas ng wika ang salitang may salungguhit?
A. kolokyal C. lalawiganin
B. balbal D. pambansa

15. Bawal ang yosi sa mga pampublikong lugar. Anong antas ng wika ang
salitang nasalungguhitan?
A. kolokyal C. lalawiganin
B. balbal D. Pambansa

- 25 -
- 26 -
Susi sa Pagwawasto

- 27 -
TALASANGGUNIAN

Julian, A.B., Lontoc, N.S., & Esguerra, C.H., (2015)


PinagyamangPluma&. Quezon City: PHOENIX Publishing House Inc.

Espina, L.D., Plasencia, N.R., & Ramos, V.R., (2009). Literatura ng


Iba’tibangRehiyon ng Pilipinas. Intramurous. MINDSHAPERS Co., INC.

Agpoon, E.I., Et.al. (2008). Ang Panitikan ng


PilipinassaBawatRehiyon. Bulacan. St. Andrew Publishing House.

Habijan, E., Ontangco, R., et.al. 92016). Panitik: Filipino saPanahon ng


Pagbabago 7. Quezon City. ADRIANA Publishing Co., Inc.

MgaLarawan:

Wikiclipart.com/fishing-clipart_19902/retrieved September 16, 2020

www.publicdomainpictures.net> retrieved September 16, 2020

Pinterest.com/ retrieved September 16, 2020

For inquiries or feedback, please write of call:


Department of Education – Schools Division of Baguio City No.
82 Military Cut-off Road, Baguio City
Telefax: 442-4326 / 442-7819
Email Address: depedbaguiocity@gmail.com
Social Media: facebook.com/DepEdTayoBaguioCity

- 28 -

You might also like