You are on page 1of 13

MODYUL NG PAGKATUTO SA

Filipino 10
Mga Akdang Pampanitikan ng Rehiyong Mediterranean

1st Quarter | S.Y. 2020 -2021

Inihanda ni:

KAREN JOY M. MONTERUBIO


Guro

Ang modyul na ito ay pagmamay-ari ni:

_______________________________
Mag-aaral
FILIPINO 10 MODYUL 3: ANG APAT NA BUWAN KO SA ESPANYA

Pagbati mag-aaral! Kumusta ka? Alam kong nasa mabuting


kalagayan ka kasama ang iyong pamilya. Bago natin simulan ang
ating talakayan, ating damhin ang presensya ng Panginoon.
Manalangin tayo.
(St. Joseph Prayer)

Halina’t basahin at pag-aralan ang Modyul 3. Ngunit bago iyan,


atin munang balikan ang aralin natin noong nakaraang linggo.

Pagbabalik-aral
 Ang Israel ay isang bansa sa Kanlurang
Asya na kabilang sa tinatawag na
Rehiyon ng Mediterranean. Ang Israel ay
isa sa mga bansa sa Gitnang Silangan na
kinikilalang Holy Land o Banal na Lupain
hindi lamang ng mga Kristiyano kundi maging ng mga
Hudyo, Mulsim mga bahat.

 Ang pakikipagtalastasan ay maituturing na epektibo kung


nakukuha o nauuunawaan ng taong kausap ang
mensaheng nais maiparating ng nagsasalita. Ang berbal o
pasalitang pakikipagtalastasan ay sinasabayan ng di berbal
na mga signal.

Sino-sino ang mga itinalagang maghintay sa pagdating ng


binatang ikakasal?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
_________________________________________________________________.
Ang modyul na ito ay naglalayong makapagbigay ng kaalaman
hinggil sa mga akdang Pampanitikan ng rehiyong Mediterranean
na pinamagatang “Ang apat na buwan ko sa Espanya.”

Page 2 Developed by School of Saint Joseph (Naguilian, Isabela), Inc.


MODYUL 2: MODYUL 3: ANG APAT NA BUWAN KO SA ESPANYA FILIPINO 10

Nawa’y pagtuunan niyo ang aralin at bigyang pansin ang


pagsagot sa bawat pagsasanay na naitala. Maraming Salamat!

Atin nang simulan ang ating aralin! Handa na ba kayo? 

Pinakamahalagang kasanayan sa pagkatuto:


 Naitatala ang mga impormasyon tungkol sa isa sa
napapanahong isyung pandaigdig (F10PU-Ic-d-66)

Mahalagang tanong:

 Bakit mahalagang maging bukas at gumalang sa


pagkakaiba-iba ng mga tao sa mundo?

Panimulang Gawain

BARCELONA a love
untold

Saan ginanap ang panood na ito?


__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

Mahusay! Ang panood na pinamagatang “Barcelona a love


untold” ay ginanap sa Bansang Espanya. Ang ating pag-aaralan sa
linggong ito ay pumapatungkol sa Espanya.

Developed by School of Saint Joseph (Naguilian, Isabela), Inc. Page 3


FILIPINO 10 MODYUL 3: ANG APAT NA BUWAN KO SA ESPANYA

ARALIN 3: ANG APAT NA BUWAN KO SA ESPANYA

Ako si Rebecca, labing-anim na taong gulang, anak ng mag-


asawang OFW na kapwa nagtatrabaho sa Barcelona, Espanya.
Walang taon na rin sina Nanay at Tatay subalit ito pa lang ang
unang pagkakataong naisam nila ako. Nagkataon kasing
nagbago ang school calendar ng unibersidad na papasukan ko.
Sa halip na nakasanayang Hunyo ay sa buwan ng Agosto pa
magbubukas ang klase kaya sinamantala naming ang mahaba
habang bakasyon mula Abril hanggang huling lingo ng Hulyo
upang sa halip na sila ang umuwi sa Pilipinas ay ako ang pinapunta
nila sa Barcelona.

Sa isang malaking hotel sa Barcelona nagtatrabaho ang aking


magulang. Bago pa ako dumating ay inayos na nila ang oras ng
kanilang pagpasok upang lagi akong may makasamang isa sa
kanila. Magkaiba ang kanilang shift sa trabaho subalit nagawan
nila ng paraang tuwing sabado at Linggo ay maging libre sila
pareho para makasama ako. Dahil dito, napasyalan naming ang
magagandang lugar ng mga lungsod ng Madrid, Sevilla, Toledo, at
Valencia. Sa apat na buwan ng pamamalagi ko sa Espanya ay
pamamasyal naming sa iba’t-ibang lungsod ditto ay marami akong
natutuhan at naranasan sa kanilang mga kaugalian, kultura at
tradisyon.
KLIMA AT PANAHON
Sa mga unang buwan ng aking
pagbisita (Abril hanggang Hunyo) ay
nakaranas ako ng katamtamang
panahon. Subalit sa buwan ng Hulyo
(gayundin din daw sa buwan ng
Agosto na hindi ko na inabot) na
itinuturing na tag-init sa kanila ay sadyang napakainit ng panahong
maihahambing sa atin nararanasan sa Pilipinas sa mga buwan ng
Marso at April. Sa mga panahong ito’y napakaraming turista ang
dumarayo sa Espanya lalo na sa lungsod ng Barcelona upang

Page 4 Developed by School of Saint Joseph (Naguilian, Isabela), Inc.


MODYUL 2: MODYUL 3: ANG APAT NA BUWAN KO SA ESPANYA FILIPINO 10

mapasyalan ang kanilang magagandang dalampasigang nasa


baybayin ng Dagat Mediterranean.
KULTURA AT TRADISYON
Isa sa ipagmamalaki ng mga
Espanyol ay ang kanilang
mayamang kultura at tradisyong
nag-ugat pa sa malayong
nakaraan. Napakarami nilang
museo at mga teatro kung saan
masasalamin ang kanilang
kasaysayan. May mga araw at
oras silang nakalaan para sa
libreng pagpasok sa mga museo.
Bahagi rin ng kanilang makulay
na kutura ang pagsasagawa ng
bullfight kung saan ang mga
lalaki ay nakikipagtagisan ng
lakas sa isang tao gayundin ang
pagsayaw ng flamenco, na labis
kong nagustuhang panoorin dahil
sa kahanga-hangang bilis ng paa
ng mga mananayaw na tila nakaangat sa hangin at hindi
lumalapat sa sahig.
ANG MGA TAHANAN AT GUSALI
Ang isa sa pinakamahalagang
bagay na nakita ko sa Espanya
ay ang kanilang mga gusali.
Marami na ring makabagong
tahanan at gusali subalit
ipinagkakapuri nila ang mga
gusaling naitayo pa noong
gitnang panahon at
nagpapakita ng mayamang kasaysayan ng kanilang lugar. Ilan sa
mga ito ang Palacio Real sa Madrid, ang Toledo’s Ancient rooftops
sa Toledo, isa sa pinakamatandang lungsod sa espanya kung saan

Developed by School of Saint Joseph (Naguilian, Isabela), Inc. Page 5


FILIPINO 10 MODYUL 3: ANG APAT NA BUWAN KO SA ESPANYA

matatagpuan ang mga lumang bahay at makasaysayang mga


gusali, at ang hindi pa natatapos na Basilica de la Sagrada Familia,
isang UNESCO World Heritage State na sinasabing sinimulang gawin
sa pamumuno ng tanyag na arkitektong si Antoni Gaudi noon
pang 1883. Ang mga lumang gusaling dinisenyo rin ni Gaudi sa
Bracelona tulad ng Casa Vicens, Casa Battlo, Guell Pavillions, at
iba pa ay isa-isa rin naming pinasyalan. Ang bawat gusali ay may
taglay na kasaysayang maiuugnay sa kasaysayan ng lungsod at
maging ng bansa.
WIKA
Ang kanilang wikang pambansa ay
Spanish o Castillian na tinatawag
naman nating Espanyol. Mayroon din
silang ilang diyalektong ginagamit ng
ilang pangkat tulad ng Galician,
Catalan, at Basque. Ang Ingles ay
nauunawaan ng ilan subalit ang
pagsasalita nito ay hindi gaanong
laganap. Sabi ng aking mga
magulang, mas kakaunting Espanyol
daw ang nakapagsasalita ng Ingles.
Gayunpaman, sa hotel kung saan sila
nagtatrabaho ay mahuhusay sa Ingles ang kanilang mga
katrabahong Espanyol dahil ang karamihan sakanilang mga bisita
ay mga turistang mula sa iba’t-ibang panig ng mundo. Kung titira
ka nang matagalan sa bansang ito ay kailangan mong matuto ng
wikang Espanyol dahil ang halos lahat ng mababasa tulad ng mga
babala sa daan, mga paskil o signages, mga pangalan ng mga
produkto, at mahahalagang dokumento ay nasusulat sa kanilang
wika. Natuwa lang ako dahil may mga salita silaang agad kong
naintindihan tulad ng mga salitang baño, calle, ventana, coche, at
iba pa. Nasakop nga pala nila tayo sa loob ng mahigit tatlong
daang taon kaya naman marami silang naging impluwensya sa
ating kultura kasama ang ating wika.

Page 6 Developed by School of Saint Joseph (Naguilian, Isabela), Inc.


MODYUL 2: MODYUL 3: ANG APAT NA BUWAN KO SA ESPANYA FILIPINO 10

RELIHIYON AT PANANAMPALATAYA
Ang isa sa mga bagay na
kapansin-pansin sa Espanya ay
ang pagkakaroon ng
naglalakihang Simbahang katoliko
sa halos lahat ng dako kaya’t ang
dayuhang manggagawa tulad ng
aking magulang na naghahanap
ng masisimbahan ay tiyak na hindi
mahihirapan. Nakarami pa rin sa
mga Espanyol ang Katoliko na nasa humigit-kumulang 80%
hanggang 90% ng populasyon subalit marami na rin ibang relihiyon
o pananampalatay ang laganap ditto tulad ng Islam at ng ibang
pananampalatayang Kristiyano gaya ng mga Protestante,
Jehovah’s Witnesses, Mormons at iba pa. Gayunpaman, sa aming
pagsisimba ay napansin kong di tulad sa ating bansa, hindi
napupuno ang mga simbahan. Ayo sa aking magulang, kahit
malaki ang bilang ng mga Katoliko ay marami sa kanila ang hindi
regular na nagsisimba at nagsasagawa lamang ng mga ritwal ng
simbahan tulad ng pagbibinyag, pagpapakasal, at pagbabasbas
sa namatay.
ANG KANILANG PAGKAIN AT IBA PANG
KAUGALIAN
Kung may isang bagay na
labis na naiiba o natatangi sa
mga Espanyol, ito ay ang
kanilang mga kaugaliang
kaugnay ng pagkain. Ang
kanilang almusal ay tinatawag
na El Desayuno ay karaniwang
kapeng may gatas at tinapay
lang. Karaniwang tapas ang
kinakain nila sa oras na ito. Ang
tapas ay mga pagkaing nakalagay sa maliliit na lalagyan tulad ng
pritong damputin lang (fingerfood) tulad ng pritong maliliit na posit,

Developed by School of Saint Joseph (Naguilian, Isabela), Inc. Page 7


FILIPINO 10 MODYUL 3: ANG APAT NA BUWAN KO SA ESPANYA

tinapay na may nakapatong na kamatis at keso, nakatuhog na


tuna at olive, at iba pa. Sa kanila pala natin nakuha ang
nakaugalian nating pagkain sa pagitan ng agahan at tanghalian.
Ang kanilang tanghalian na tinatawag nilang La comida ang
pinakamalaki nilang kain sa maghapon. Maraming putahe ang
nakahanda para sa kanilang tanghalian at hindi sila mawawalan
ng tinapay sa kanilang hapag, kanilang hapag. Tinapay ang
kanilang pinakakanin at ito ang ginagamit nila upang masimot ang
sarsa sa kanilang pinggan. Ang ilang putaheng paborito nila ay
kilala rin natin tulad ng paella,
gambas, cochinillo asado (na
kahawig ng ating lechon de leche), at
iba pa. Naglalaan sila ng dalawa
hanggang tatlong oras para sa
pananghalian dahil bukod sa marami
silang nakahandang pagkain para rito
ay nakaugalian din nilang magkaroon
ng siesta o sandaling pagtulog o
pagpapahinga.
Pagkasapit ng ikalima o ikalima’t kalahati ng hapon ay muli silang
kumakain ng tinatawag nilang La Merienda (sa kanila pala galling
ang katawagan nating meryenda.) Magaan lang ang pagkaing ito
na karaniwang tinapay na may palaman. Ikasiyam naman ng gabi
ang karaniwang oras ng kanilang hapunang tinatawag nilang La
Cena. Hindi rin nawawala ang paborito nilang minatamis na
karaniwang gawa sa itlog at gatas na tinatawag naman nating
leche flan. Sa mga araw na walang pasok ay inaabot sila ng ikatlo
o ikaapat ng umaga sa labas, kumakain sila ng churros o tila
pahabang donut na prinito at binudburan ng asukal.
ISPORTS
Kung sa Pilipinas ay may basketball court sa
halos lahat ng sulok ng barangay, sa Espanya
ay soccer o football naman ang tanyag na
tanyag na laro at nilalaro o nilalahukan ng
halos lahat ng kabataan saanmang bahagi ng

Page 8 Developed by School of Saint Joseph (Naguilian, Isabela), Inc.


MODYUL 2: MODYUL 3: ANG APAT NA BUWAN KO SA ESPANYA FILIPINO 10

bansa. Hindi makokompleto ang kanilang lingo kung hindi sila


makapanonood ng paborito nilang koponan ng soccer. Ang Real
Madrid, isang koponan ng soccer na nakabase sa Madrid, Espanya
ang itinuturing na pinakapopular na soccer club sa buong mundo
na may mahigit 228 milyong tagasuporta.
KASUOTAN
Napansin kong higit na pormal ang pananamit ng mga Espanyol
kompara sa atin. Tanging mga kabataan ang nakita kong
nakasuot ng pantalong maong at t-shirt lalo na sa Lungsod ng
Madrid. Ang mga nakatatandang babae ay karaniwang nakasuot
ng blusa at palda o bestida. Ang kalalakihan ay karaniwan naming
nakasuot ng may kwelyong pang-itaas, pantalong slacks, at
sapatos na balat.

ISAISIP NATIN

MGA PAHAYAG SA PAGBIBIGAY NG SARILING PANANAW

Mahalagang bahagi n gating pang-araw-araw na


pakikipagtalastasan ang pagpapahayag ng sariling pananaw o
opinion. Kailangang matutuhan mo kung gayon ang mabisang
paraan ng pagsasagawa nito. Mababasa sa ibaba ang ilang
pahayag na ginagamit sa pagbibigay ng sariling pananaw:

 Ang masasabi ko ay . . .
 Ang pagkakaalam ko ay . . .
 Ang paniniwala ko ay . . .
 Ayon sa nabasa kong datos/impormasyon/balita . . .
 Hindi ako sumang-ayon sa sinabi mo dahil . . .
 Kung ako ang tatanungin . . .
 Maaari po bang magbigay ng aking mungkahi?
 Maaari po bang magdagdag sa sinabi ninyo?
 Mahusay ang sinabi mo at ako man ay . . .
 Para sa akin . . .

Developed by School of Saint Joseph (Naguilian, Isabela), Inc. Page 9


FILIPINO 10 MODYUL 3: ANG APAT NA BUWAN KO SA ESPANYA

PANGKALAHATANG PAGTATAYA
Kilalanin ang detalyeng tinutukoy para sa bawat bilang. Sundin ang
panuto para sa bawat isa.
1. Ang lahat ng lungsod na ito ay napasyalan ni Rebecca sa
kanyang pamamalagi sa Espanya maliban sa isa. Bilugan
ang hindi kasama.
Barcelona Madrid Salamanca Seville Toledo Valencia

2. Ang mga espanyol ay likas na mahilig kumain. Anong


pagkain ang madalas nilang kinakain sa pagitan ng agahan
at tanghalian na karaniwang magaan lang at dinadampot
lang nila sa pamamagitan ng daliri? Isulat sa linya ang tawag
dito. _____________________________________________________.
3. Madalas nagtatapos ang gabi nila sa pagsasagawa ng
paseo at muling pagkain. Ano itong tila pritong donut na
may sawsawang kinakain nila bago tuluyang umuwi at
matulog? Punan ang dalawang kahon.

Na isinasawsaw sa

4. Sa mga pagkaing tinatawag nilang El Desayuno, La Comida,


La Merienda, at La Cena, ang maituturing na pinakamalaki o
pinakamabigat ay ___________________ dahil . . . (magbigay
ng patunay)
 ______________________________________________________
5. Ang isports na labis na kinagigiliwan ng mga Espanyol na
ngayo’y lumalaganap na rin sa ating bansa ay makikilala rin
sa disenyo ng bolang ginagamit para dito. Disenyuhan ang
bilog para magmukhang bola ng isports na ito at saka isulat
sa kahon sa ibaba ang tawag sa isports.

Page 10 Developed by School of Saint Joseph (Naguilian, Isabela), Inc.


MODYUL 2: MODYUL 3: ANG APAT NA BUWAN KO SA ESPANYA FILIPINO 10

PAGBUBUOD
 Ang Espanya ay isang bansang sumakop sa Pilipinas sa loob
nang mahigit tatlong daang taon. Hanggang sa
kasalukuyan, napakarami pa rin sa mga impluwensya ng
bansang ito ang masasalamin sa ating wika, kultura,
tradisyon, pananampalataya at uri ng pamumuhay.
 Ang siesta ay may mahabang kasaysayan sa buhay ng mga
Espanyol . Nagsimula ito sa mga magsasaka nila noong
unang panahon na umaahon sa bukid nang katanghaliang
tapat upang makaiwas sa matinding sikat ng araw,
makakain ng bagong lutong tanghalian at
makapagpahinga. Mula noon hanggang ngayon, ang
kaugaliang ito ay ipinagpatuloy ng mga Espanyol.
Katunayan, sila lamang ang kaisa-isang bansa sa buong
mundo na may tatlong oras na pahinga para sa
pananghalian.
 Ang mga Espanyol ay likas na mahilig kumain.
 Ang Isports na laging kinagigiliwan ng mga Espanyol ay
Soccer o Football.
 Isang tradisyon ng mga Espanyol ang pakikipag tagisan sa
Toro na tinatawag na Bullfight.
 Ang salitang Merienda ay salitang hiram mula sa mga
Espanyol na ginagamit parin natin hanggang sa
kasalukuyan.

Paglinang ng Talasalitaan
DAGDAG KAALAMAN!

 Nag-uugat- nanggagaling
 Nakikipagtagisan- nakikipaglaban
 Lumalapat- sumasayad
 Natatangi- naiiba
 Putahe- ulam

Developed by School of Saint Joseph (Naguilian, Isabela), Inc. Page 11


SANGGUNIAN

 Ikalawang Edisyon Pinagyamang Pluma 10 (Wika at


panitikan para sa mataas na Paaralan), K to 12
Phoenix Publishing House , Alma M. Daya (Awtor-
Koordineytor
 Ikalawang Edisyon Pinagyamang Pluma 10 (TEACHERS
WRAPAROUND EDITION GRADE 10 ), K to 12
Phoenix Publishing House , Alma M. Daya (Awtor-
Koordineytor

Maaari kayong magbigay ng komento o suhesyon hinggil sa


modyul na ito upang mas lalong mapagtibay ang mga gawain na
nakapaloob sa bawat aralin:
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

You might also like