You are on page 1of 9

“Pagsusuri sa Kabanata 25: Tawanan at Iyakan ng El Filibusterismo”

I. Mga Simbolismo

1. Pansit Langlang

• Paliwanag: Ang pansit langlang ay pansit ng mga Intsik na binubuo ng sari-saring mga

sahog at iilan sa mga ito ay kabuti, hipon, binating itlog, bihon, manok, at kung ano-ano pa.

Ito rin ay ipinangalan na “panukalang sopas” sapagkat kanilang inihandog ang ulam na ito,

na unang inihain sa mga estudyante sa kanilang piging, kay Don Custodio, ang tumanggi sa

mungkahi ng mga mag-aaral na magpatayo ng Akademya ng Wikang Kastila. Kilala ang

pansit langlang bilang isang putahe na mayroong mga samu’t-saring sangkap, at ang

katangian na ito ay kawangis ng mga inihahandog na panukala ni Don Custodio; tila bang

ang indibidwal na nabanggit ay nakalilikha ng mga natatanging panukala gamit ang mga

iba’t-ibang pangkaraniwan o kakaibang mga bagay. Isa sa mga kaniyang inihandog na

kakaibang mga panukala ay ang kaniyang inalok na solusyon para sa suliranin ukol sa

pagpapasaayos sa Ilog Pasig; ang pagpapaalaga ng mga pato ng mga naninirahan sa tabi ng

ilog upang ang mga pato na ito ang humukay sa mababaw na lupa ng Ilog Pasig, sapagkat ito

ang lokasyon ng mga suso na kanilang kinakain, na magdudulot sa mas maayos na

paglalakbay ng mga malalaking barko tulad na lamang ng Bapor Tabodahil mas lumalim na

ang lupa ng nasabing ilog. Gayundin, ito rin ang dahilan kung bakit inihayag ni Macaraig sa

mga dumalo na estudyante na kanilang ialay ang buo kay Don Custodio at kanilang tingnan

kung anong panukala ang kaniyang maiisip sa nabanggit na buto.


• Papel sa Nobela: Ang pansit langlang ay inihain sa mga estudyante upang kanila itong

kainin para sa piging na inihanda.

2. Lumpiang Baboy

• Paliwanag: Ang lumpiang baboy ay lumpiang instik na inihandog ng mga nasa piging

kay Padre Irene, ang kumausap sa kapitan heneral upang kaniyang pahintulutan ang

pagpapatayo ng Akademya ng Wikang Kastila. Mapapansin na ang putahe na ito ay hindi

daw masarap na nagtulak sa pambabatikos ng isa sa mga kumain nito, si Sandoval. Kaniyang

inilahad na ang lumpia ay nangingintab sa labas at ang matatagpuan lamang sa loob nito ay

karne ng baboy, at ito ay maihahalintulad sa katangian ng mga prayle ng pagiging marangal

at malinis sa mata ng publiko subali’t ang kanilang kalooban na lubos sa sakim at

pagmamataas sa kanilang mga sarili ay ang katotohanan na iilan lamang ang saksi nito, kung

saan marami sa mga testigo na ito ay nakakaranas ng karahasan at kalupitan sa kanilang mga

katawan at isipan na dulot ng tunay na pagkatao ng mga prayle na mga ito. Halimbawa na

lamang dito ay sina Padre Salvi at Padre Camorra na mga pari nguni’t ay kanilang

pinagnanasaan ang mga magagandang dilag kanilang napusuan o sila’y napaaakit, at ang

pagnanasa na ito ay nagtutulak sa kanila na gumawa ng mga hindi kanais-nais na kilos na

lumalabag sa karapatang pantao ng kanilang mga nasasaktan. Sapagkat inihandog ang

lumpiang baboy kay Padre Irene, ang kahulugan lamang nito ay mayroong kababuyan ang

nabanggit na prayle sa kaniyang kalooban sa kabila ng kaniyang magandang reputasyon at

personalidad na ipinapakita sa mga indibidwal na kaniyang nakakasalamuha.

• Papel sa Nobela: Ang lumpiang baboy o Instik ay ipinahain ng mga dumalo sa piging

pagkatapos ang talumpati ni Tadeo.

3. Tortang Alimango
• Paliwanag: Ang tortang alimango ay isa sa mga putaheng pinag-uusapan ng mga

estudyante na inihahandog nila sa mga prayle sa kadahlanan na mayroong “pagka-alimango”

ang mga prayle ayon kay Sandoval na sinang-ayunan naman ng karamihan sa piging. Ang

“pagka-alimango” na itinutukoy nila ay ang pagkakaroon ng crab mentality ng mga klero at

ang kanilang pananakit sa ibang mga indibidwal, lalong lalo na sa mga Indio, sa

pamamagitan ng pag-sipit ng kaisipan ng mga Pilipino. May mga pagkakataon sa nobela

kung saan ang mga prayle ay humihila ng tao pababa upang kanilang makuha ang nais nila,

kung baga “If I can’t have it, neither can you” sa Ingles. Kagaya na lamang ng ginagawa ni

Padre Camorra tuwing hindi nya makuha ang babaeng gusto at pinagnanasaan nya sapagkat

hindi siya gusto nito; ipapakulong o ipapadakip nito ang mga kamag-anak ng babae at bilang

kapalit ay mapupunta sakanya ang babae dahil magmamakaawa ito para ipalaya ang nadakip.

Isa ring halimbawa ay ang pagsisira ni Padre Salvi sa reputasyon ni Crisostomo Ibarra sa

unang nobela na “Noli me Tangere” upang mapalapit siya sa kaniyang pinagnanasaan na si

Maria Clara. Sa kabilang dako naman ay ang pananakit ng mga prayle sa pamamagitan ng

“paninipit” nila sa mga kaisipan ng mga Pilipino, na nangangahulugang kanilang

pinapaniwala ang mga Pilipino na wala sa kanilang orihinal na kultura ukol sa mga iba’t-

ibang ideolohiya at paniniwala, tulad na lamang ng kanilang pagtuturo na ang pagdadasal ay

sapat na upang kanilang matupad ang kanilang mga pangarap o nais na mangyari sa kani-

kanilang mga buhay, na makikita sa isang sitwasyon kung saan umasa lamang sa dasal si Juli

noong panahon ng pagdadakip ng kaniyang ama na si Kabesang Tales.

• Papel sa Nobela: Ang tortang alimango ay nagsilbi bilang isa sa mga putahe na inihain sa

piging sa Pansiterya Macanista de Buen Gusto ng gabi.

4. Pansit Ginisa o Pansit lamang


• Ang pansit na ginisa ay ang ikaapat na ulam na kanilang inihain sa hapunan ng mga

estudyante na dumalo. Ito ay kanilang inihandog para sa pamahalaan at sa bayan kung saan

makikita sa partikular na kabanatang ito na ipinaliwanag ni Macaraig kung bakit ayon

lamang na ihangod ito sa pamahalaan at sa bayan. Ito ang pahayag na nagpapakita ng

kanyang pagpapalinaw:

“Ang pansit ay ipinalagay na mula sa mga Instik at Hapon. Ngunit ang totoo, ito’y hindi

kilala sa Tsina o Hapones, kaya lumilitaw na ito’y Pilipinas. Gayon pa man ang mga

nagluluto nito ay mga Instik at sila rin ang mga nakikinabang. Ganyan ang nangyayari sa

pamahalaan at sa Pilipinas, parang mga Instik. Ngunit ang tanong na kung ito ay Instik man o

hindi ay dapat nang iwan sa mga doctor ng Banal na Simbahan. Lahat ng kumakain ng pansit

ay nasasarapan naman. Ngunit ang lahat ay nagkukunwaring maselan sa pagkain nito.

Ganyan din ang pilipinas at ang walang kaayusanng pamahalaang ito.”

Ang pansit na tinutukoy dito ay an gating Inang Bayan na Pilipinas, habang ang Instik

naming na nakikinabang sa pagluluto ng pansit ay ang pamahalaan, at ang kumakain ng

pansit ay ang mga mayayaman, Kastila na naninirahan dito noon, mga prayle, mga

negosyanteng Instik, at iba pa. Ang nais na isalaysay ni Macaraig dito ay ang Pilipinas ay

lupain ng mga Pilipino pero sa kabila nito ay ang mga dayuhang Kastila pa ang nakikinabang

sa ating bansa. Malaki ang respeto sa kanila ng mga ordinaryong mamamayan dito at

napakadakila at napakahusay na mga indibidwal ang tingin sa kanila ng karamihan, kahit na

ang katotohanan naman ay hindi sila tulad ng inaakala nila. Maliban dito ay ang malaking

persyento ng mga pagtaas ng kita dito sa loob ng ating bansa ay napupunta sa Espanya. Ang

mga matagumpay na pangyayari na ito ay maihahalintulad sa mga kumakain na nasasarapan

sa pansit. Ngunit ay sa kabila ng mga ito mababa ang tingin ng karamihan sa mga Pilipino
kung saan pinapakita nila ito sa kanilang mga salita at gawa, na sa iba pang mga kaso ang

nagtutulak sa mga pagkamuhi ng iilang mga Pilipino sa kanilang sariling bayan,

nasyonalidad, o kapwa Pilipino; at ito naman ay kawangis ng mga salitang “—ngunit ang

lahat ay nagkukunwaring maselan sa pagkain nito”.

• Papel sa Nobela: Ang pansit gisado ay isa sa mga putahe na inihandog sa mga mag-aaral

upang kanila itong kainin para sa kanilang isinagawang piging.

II. Mga Teoryang Pampanitikan

Sosyolohikal:

Hindi natin maitatanggi na noong kapanahunan ng may akda na si Dr. Jose Rizal ay laganap

ang impluwensiya ng mga dayuhang nasyon, partikular na ang mga Kastila na inangkin ang

ating Inang Bayan noon sa loob ng daan-daang taon, at ang mga Tsino na nakikinabang sa

Pilipinas noon. Dahil nga napapalibutan noon ng mga Pilipino ng mga dayuhang indibidwal

ay nahihikayat silang gawin o gamitin ang kultura na hindi pagmamayari ng mga Pilipino,

pagdating man sa mga pagdiriwang, kasuotan, pananalita, at maging sa mga pagkain.

Makikita sa kabanata na ang mga estudyanteng nagsusulong sa AWK ay nagdiwang at

nagkasiyahan sa isang kainang pang Tsino at kumain din ng mga pagkaing gawa ng mga

nasabing banyaga. Kung ating susuriin, makikita na hanggang ngayon, laganap parin ang

mga impluwensiya ng mga Tsino at iba pang mga banyaga sa ating bansa, na mas

nagpapalakas sa colonial mentality taglay ng marami sa ating mga Pilipino kung saan mas

nais nila ang kultura at kabuhayan ng mga ibang nasyon sa halip na tangkilikin ang sariling

kultura at paraan ng pamumuhay.

Imahismo:
Mapapansin na sa kabanata, maraming mga larawang biswal ang pinakita sa atin ni Rizal na

nagtataglay ng simbolismo sa ating lipunan o di kaya naman ay sa mga karakter o kilalang

personalidad na matatagpuan sa nobela. Tulad na lamang ng pinakita sa kabanatang ito kung

saan ginamit ng may akda ang iba't-ibang mga pagkaing Tsino bilang mga simbolismo ng

pagkatao ng mga karakter. Kapansin-pansin na ang mga isinasagawang galaw o kilos ng mga

karakter sa akda ay maihahalintulad sa iba't-ibang mga katangian na mayroon ang

konkretong simbolismo na ginamit para sa nasabing tauhan. Ang paggamit ng mga simbolo

ni Dr. Jose Rizal ay mas nakakapagbigay ng lasa at kulay sa personalidad ng parehong

nobela at sa mga tauhan na matatagpuan sa loob nito.

Kultural:

Ang naganap na piging na idinaos ng mga mag-aaral na mayroong pagmumungkahi na

magpatayo ng Akademya sa Wikang Kastila upang "ipagdiwang" ang desisyon ni Don

Custodio ukol sa AWK; ang hindi ito pahintulutan, ay nagpapakita ng pagiging masayahin ng

mga Pilipino. Ang kanilang nais na panukala ay tinanggihan man, makikita pa rin ang

presensya ng mga tunay na ngiti at pagtawa sa piging. Ang katangian na ito ay parte na ng

kultura o katauhan ng mga Pilipino hanggang sa kasalukuyang henerasyon. Kahit na

mayroong naranasang isang pangyayari na nakakawasak ng puso at nagbibigay ng lubos na

lungkot ang mga Pilipino ay makikitang bumabangon parin sila mula sa kanilang mga hapis

at pighati na kanilang natutunghayan at patuloy parin ang mga Pilipino sa paglaban sa

kanilang mga buhay kalakip ng mga tawa at ngiti sa kanilang mga labi.

Realismo:

Mapapansin na sa huling parte ng kabanata ay may nagmamanman sa mga mag-aaral habang

kanilang isinasagawa ang kanilang piging na 'di-umano ay tauhan ng isang prayle na


nangangalang Padre Sibyla. Marahil ang kadahilanan nito ay patungkol sa usapin ng mga

panauhan na sangkot sa piging ukol sa mga prayle at mga opisyales na kanilang isinaad ang

sama ng loob ng kanilang nararamdaman kalakip ng mga salitang nambabatikos sa mga

nasabing personalidad dahil hindi na-aprubahan ang AWK at pati narin sa pinapakitang mga

katauhan ng mga nakatataas sa pamamagitang ng kanilang mga hindi kanais-nais na mga

salita at gawa. Isang realidad sa ating lahat na anuman ang kulay ng balat, nasyonalidad, at

kasarian ay ang mga insidente na tulad ng nabanggit ay nagaganap na mula noong panahon

ng mga pagsakop at pag-angkin ng mga dayuhan sa Pilipinas hanggang ngayon ang paglabag

sa karapatan ng iilang mga indibidwal o grupo sa pagkakaroon ng "privacy" kung saan isang

paraan nito ay ang pagtingin o pagmasid sa bawat kilos ng isang indibidwal, at karaniwan

iting nagaganap sa mga taong sumasalungat sa mga opisyal ng pamahalaan o sa pamahalaan

mismo.

Historikal:

Makikita natin dito na sila ay kumakain sa pansitan sa isang "Chinese restaurant" na nadala

na natin ang mga kanilang kultura magpasahanggang ngayon dahil sa kanilang pananakop.

Ang dito makikita natin na si Tadeo ay kinakain niya ang kanyang pansit, na galing din natin

sa mga Tsino ang pagkain mg pansit noong naisipan niya ang kanyang itatalumpati.

III. Mga Kontemporaryong Isyu

Sa Kabanata 25 ng El Filibusterismo na may pamagat na Tawanan at Iyakan ay maraming

mga pangyayari ang ating masisilayan kasama ang pagkakaroon ng pagsasama at handaan ng

mga mag-aaral na nabigo sa kanilang mithiin na pagpasa ng Akademya ng Wikang Kastila.

Sa pansiterya nila ibinuhos ang sama ng loob at doon nila nabukas ang maraming paksa ng

pag-uusap na naudlot naman ng bigla nilang mapansin na mayroong kahina-hinalang taong


nagmamasid sakanilang pag-uusap at pambabatikos laban sa mga opisyal, pamahalaan, at sa

mga prayle. Mula sa mga pangyayaring ito ay maraming isyung nagaganap noon hanggang

sa ngayon ang nabigyang pansin ng grupo. Ang mga ito ay ilalahad namin sa papel na ito. Sa

panahon ngayon, hindi lingid sa kaalaman ng lahat ang nangyayaring isyu sa ating

pamahalaan kabilang na rito ang pang-aabuso ng kapangyarihan at pagpapausbong ng

sariling interes gamit ang kapangyarihan na makikita sa kabanatang ito ng nobelang El

Filibusterismo kung saan sinubukan ng mga mag-aaral na isulong ang panukala ukol sa

Akademya ng Wikang Kastila dahil naniniwala sila na maraming tao ang makikinabang dito.

Samantala, nangangatwiran ang mga may kapangyarihan na huwag itong aprubahan sapagkat

kung maaaprubahan ang panukalang ito ay magkakaroon ito ng maraming epekto tulad ng

mas magkakaintindihan ang mga tao at mas mapapadali ang komunikasyon sa pagitan ng

mga mamamayan. Samantala, kaakibat naman ng epektong ito ay hindi na maloloko ng mga

may kapangyarihan ang mga ordinaryong mamamayan sapagkat maiintindihan na nga mga

ordinaryong mamamayan ang wikang madalas na ginagamit sa pakikipag halubilo sa ibang

tao. Makikita sa pangyayaring ito na ginagamit ng mga nasa puwesto ang kanilang

kapangyarihan upang makontrol ang mga bagay na nais at hindi nila nais mangyari.

Hanggang sa kasalukuyan, makikita natin ang isyung ito sapagkat ang mga desisiyon para sa

nakararami ay madalas na nakabatay sa desiyon ng nasa kapangyarihan kung kaya’t ang

madalas na nangyayari ay laging nasa pabor o ikabubuti ng nasa puwesto ang mga desisyon

na naisasapabatas. Mula sa paksang ito, importanteng matutunan ng mga Pilipino na

kailangan nilang pag-isipan ng mabuti ang mga taong inihahalal sa pwesto at huwag

magpaimpluwensiya lamang sa kung anong sinasabi ng mga tao sapagkat sa huli ay tayo ring

mga mamamayan ang maaapektuhan sa mga desisyong ginawa natin. Ikalawa, mula sa
kabanatang ito ay nasaksihan rin namin ang tinatawag na colonial mentality kung saan mas

tinatangkilik hindi lamang ang produkto ng mga dayuhan kundi maging ang mga dayuhan

mismo. Makikita natin ang katotohanan na ito noong ipresenta sa mga mag-aaral ang mga

handa kung saan halos putahe ng ibang lahi ang inihain sa kanilang mga harapan.

Pinapatunayan nito na sa kabila ng pagiging Pilipino, mas ginugusto nating tangkilikin at

suportahan ang handog sa atin ng mga banyaga. Sa parehong sitwasyon, naipakita rin sa

kabanata na mas binibigyang papuri ang mga dayuhan kaysa sa mga sarili nating tubo. Ito ay

napatunayan sa isang parte ng istorya kung saan sinabi ng isang mag-aaral na kung wala ang

mga prayle ay wala na ring kinabukasan ang mga Indio. Sa konseptong ito, kailangang

matutunan ng bawat mamamayang Pilipino na suporatahan at magtulungan para umunlad

ang bawat isa sapagkat wala naman ibang tao ang maguudyok o mag pupursige na ipaglaban

ang karapatan ng bawat Pilipino at tanging tayong mga Pilipino lamang mismo ang

makakapagpatunay sa angkin nating potensiyal sa mga dayuhan.

You might also like