You are on page 1of 13

FILIPINO

UNANG MARKAHAN
SARILING LINANGAN KIT 4:
SANAYSAY
z
Alamin natin
Sa pamamagitan ng pagbasa sa sariling linangan kit na ito,

Ikaw ay inaasahang:

1. Naipaliliwag ang pangunahing paksa at pantulong na mga


ideya sa napakinggang impormasyon sa paksa:

2.Nabibigyang – reaksyon ang mga kaisipan o ideya sa


tinatalakay na akda, ang pagiging makatotohan/di – makatotohan
ng mga pangyayari sa maikling kwento:

3.natutukoy ang mga salitang magkakapareho o mag kakaugnay


ang kahulugan:

4.natatalakay ang mga bahagi ng (*nabasa) na nag papakita ng


mga isyung pandaigdig:
z
Ang apat na Buwan sa Espanya

 Ako si Rebecca, labing-anim na taong gulang, anak ng mag-asawang OFW na


kapwa nagtatrabaho sa Barcelona, Espanya. Walong taon na rito sina nanay at
tatay subalit ito pa lang ang unang pagkakataong naisama nila ako. Nagkaton
kasing nagbago ang school calendar ng unibersidad na papasukan ko. Sa halip
na sa nakasanayang Hunyo ay sa buwan ng Agosto pa magbubukas ang klase
kaya sinamantala namin ang mahaba-habang bakasyon mula sa Abril
hanggang huling linggo ng Hulyo upang sa halip na sila ang umuwi sa Pilipinas
ay ako ang pinapunta nila sa Barcelona, isa sa pinakakilalang lungsod sa
Espanya.
z

 Sa isang malaking hotel sa Barcelona nagtatrabaho ang aking


magulang. Bago pa ako dumating ay inayos na nila ang oras ng
kanilang pagpasok upang lagi akong may makasamang isa sa
kanila. Magkaiba ang kanilang shift sa trabaho subalit nagawan nila
ng paraang tuwing Sabado at Linggo ay maging libre sila pareho
para makasama ako. Dahil dito, napasyalan namin ang
magagandang lugar sa mga lungsod ng Madrid, Seville, Toledo, at
Valencia. Sa apat na buwan ng pamamalagi ko sa Espanya at
pamamasyal namin sa iba’t ibang lungsod dito ay marami akong
natutuhan at naranasan sa kanilang mga kaugalian, kultura, at
tradisyon.
z
Klima at Panahon

 Sa unang buwan ng aking pagbisita (Abril hanggang Hunyo) ay


nakaranas ako ng katamtamang panahon. Subalit sa buwan ng
Hulyo gayundin daw sa buwan ng Agosto (na hindi ko na inabot) na
itinuturing na tag-init sa kanila ay sadyang napakainit ng panahong
maihahambing sa ating nararanasan sa Pilipinas sa mga buwan ng
Marso at Abril. Sa mga panahong ito’y napakaraming turista ang
dumarayo sa Espanya lalo na sa Lungsod ng Barcelona upang
mapasyalan ang kanilang magagandang dalampasigang nasa
baybayin ng Dagat Mediterranean.
Kultura at tradisyon
z

 Isa sa ipinagmamalaki ng mga Espanyol ay ang kanilang mayamang kultura at tradisyong nag-
uugat pa sa malayong nakaraan. Napakarami nilang museo at mga teatro kung saan masasalamin
ang kanilang kasaysayan. May mga araw at oras silang nakalaan para sa libreng pagpasok sa mga
museo. Halimbawa, napasok namin nang libre ang Reina Sofia sa Madrid, isang museong tanyag
sa buong mundo. Libreng nakapapasok dito ang publiko sa mga araw ng Lunes, Miyerkoles,
Huwebes, at Biyernes mula ikapito hanggang ikasiyam ng gabi. Libre rin ang pagpasok dito mula
2:30 ng hapon kapag araw ng Sabado at kapag Linggo, libre ito mula umaga hanggang 2:30 ng
hapon. Sa pamamasyal namin sa iba’t ibang museo nakita ko ang mga obra maestra ng mga
tanyag na alagad ng sining tulad nina Salvador Dali, Pablo Picasso, Joan Miro, Antoni Tapies, at
iba pa. Ang isa pang tanyag na museong napasok di nnamin nang libre ay ang National Art
Museum of Catalonia kung saan ang gusali pa lang ay kahanga-hanga na. Bahagi rin ng kanilang
makulay na kultura ang pagsasagawa ng bullfight kung saan ang mga lalaki ay nakikipagtagisan ng
lakas sa isang toro gayunding ang pagsayaw ng flamenco, na labis kong nagustuhang panoorin
dahil sa kahanga-hangang bilis ng paa ng mga mananayaw na tila nakaangat sa hangin at hindi
lumalapat sa sahig.
Ang mga tahanan at Gusali.
z

 Ang isa sa pinakamagagandang bagay na nakita ko sa Espnaya ay


ang kanilang mga gusali. Marami na ring makabagong tahanan at gusali
subalit ipinagkakapuri nila ang mga gusaling naitayo pa noong gitnang
panahon at nagpapakita ng mayamang kasaysayan ng kanilang lugar.
Ilan sa mg aito ang Palacio Real sa Madrid, ang Toledo’s Ancient
Rooftops sa Toledo, isa sa pinakamatandang lungsod sa Espanya kung
saan matatagpuan ang lumang bahay at makasaysayang mga gusali, at
ang hindi pa natatapos na Basilica de la Sagrada Familia, isang
UNESCO World Heritage Site na sinasabing sinimulang gawin sa
pamumuno ng tanyag na arkitektong si Antoni Gaudi noon pang 1883.
Ang lumang gusaling dinisenyo rin ni Gaudi sa Barcelona tulad ng Casa
Vicens, Casa Battlo, Guell Pavillions, at iba pa ay isa-isa rin naming
pinasyalan. Ang bawat gusali ay may taglay na kasaysayang
maiuugnay sa kasaysayan ng lungsod at maging ng bansa .
Wika
z

Ang kanilang wikang pambansa ay Spanish o Castilian na tinatawag naman
nating Espanyol. Mayroon din silang ilang diyalektong ginagamit ng ilang
pangkat tulad ng Galician, Catalan, at Basque. Ang Ingles ay nauunawaan ng
ilang subalit ang pagsasalita nito ay hindi gaanong laganap. Sabi ng aking
magulang, mas kakaunting Espanyol daw ang nakapagsasalita ng English
kompara sa ibang mga bansa sa Europa. Gayunpaman, sa hotel kung saan sila
nagtatrabaho ay mahuhusay sa Ingles ang kanilang mga katrabahong Espanyol
dahil ang karamihan sa kanilang mga bisita ay mga turistang mula sa iba’t ibang
panig ng mundo. Kung titira ka sa nang matagalan sa bansang ito ay kailangan
mong matuto ng wikang Espanyol dahil ang halos lahat ng mababasa tulad ng
mga babala sa daan, mga paskil o signages, mga pangalan ng produkto, at
mahahalagang dokumento ay nasusulat sa kanilang wika. Natuwa lang ako dahil
may mga salita silang agad kong naintindihan tulad ng mga salitang bano, calle,
ventana, coche, at iba pa. Nasakop nga pala nila tayo sa loob ng mahigit na
tatlong daang taon kaya naman marami silang naging impluwensiya sa ating
kultura kasama na ang ating wika
 Ang
z
isa sa mga bagay na kapansin-pansin sa Espanya ay
ang pagkakaroon ng naglalakihang Simbahang katoliko sa halos
lahat ng dako kaya’t ang dayuhang manggagawa tulad ng aking
magulang na naghahanap ng masisimbahan ay tiyak na hindi
mahihirapan. Nakararami pa rin sa mga Espanyol ang Katoliko
na nasa humigit kumulang na 80% hanggang 90% ng
populasyon subalit marami na ring ibang relihiyon o
pananampalataya ang laganap dito tulad ng Islam at ng ibang
pananampalatayang Kristiyano gaya ng mga Protestante,
Jehova’s Witnesses, Mormons, at iba pa. Gayunpaman, sa
aming pagsisimba ay napansin kong di tulad ng ating bansa,
hindi napupuno ang mga simbahan. Ayon sa aking magulang,
kahit malaki ang bilang ng mga Katoliko ay marami sa kanila ang
hindi regular na nagsisimba at nagsasagawa lamang ng mga
Ang Kanilang Pagkain at Iba Pang Kaugalian
Kung mayz isang bagay na labis na naiiba o natatangi sa mga Espanyol, ito ay ang kanilang
mga kaugaliang kaugnay ng pagkain. Ang kanilang almusal na tinatawag nilang El Desayuno ay
karaniwang kapeng may gatas at tinapay lang. Magaan lang ito dahil sa bandang ikasampu o
ikalabing-isa ng umaga ay muli silang kakain. Karaniwang tapas ang kinakain nila s aoras na ito.
Ang tapas ay mga pagkaing nakalagay sa maliliit na lalagyan tulad ng platito na maaaring
damputin lang (fingerfood) tulad ng pritong maliliit na pusit, tinapay na may nakapatong na
kamatis at keso, nakatuhog na tuna at olive, at iba pa. Sa kanila pala natin nakuha ang
nakaugalian nating pagkain sa pagitan ng agahan at tanghalian.
 Ang kanilang tanghalian na tinatawag nilang la comida ang pinakamalaki nilang kain sa
maghapon. Maraming putahe ang nakahanda para sa kanilang tanghalian at hindi sila
nawawalan ng tinapay sa kanilang hapag. Tinapay ang kanilang pinakakanin at ito ang
ginagamit nila upang masimot ang sarta sa kanilang pinggan. Ang ilang putaheng paborito
nila ay kilala rin natin tulad ng paella, gambas, conchinillo asado (na kahawig ng ating lechon
de leche), at iba pa. Naglalaan sila ng dalawang hanggang tatlong oras para sa pananghalian
dahil bukod sa marami silang nakahandang pagkain para rito ay nakaugalian din nilang
magkaroon ng siesta o sandaling pagtulod o pagpapahinga pagkatapos kumain. Ang buong
bansa ay nagis-siesta kaya’t karaniwang nagasasara ang mga tindahan, paaralan, at
pagawaan mula ikaisa hanggang ikaapat na hapon para sa mahabang pananghalian at siesta.
Gayunpaman, napansin kong sa Barcelona at sa Madrid na pinakamalaki nilang lungsod at
may pinakamaraming dayuhan ay bukas ang malalaking supermarket at mga tindahan maging
sa mga oras na ito.
z
Pagsapit ng ikalima o ikalima’t kalahati ng hapon ay muli silang kumakain ng tinatawag nilang La
Merienda (sa kanila pala galing ang katawagan nating meryenda). Magaan lang ang pagkaing ito na
karaniwang tinapay na may palaman. Ikasiytang naman ng gabi ang karaniwang oras ng kanilang
hapunang tinatawag nilang La Cena. Mas kaunti ang pagkaing nakahain na minsa’y pritong itlog o
isda at ensaladang gulay lang./ Hindi rin nawawala ang paborito nilang minatamis na karaniwang
gawa sa itlog at gatas na tinatawag naman nating leche flan.
 Kung ikokompara ang oras ng ating hapunan sa kanila ay masasabing huli na ang ikasiyam
ng gabi subalit hindi pa rito nagtatapos ang maghapon ng mga Espanyol. Pangkaraniwan na sa
kanila ang lumabas pa pagkatapos ng hapunan at maglakad-lakad (tinatawag nilang paseo) at
dumaan sa mga restaurant o bar. Umuuwi lang sila upang matulog kapag maghahatinggabi o
lagpas hatinggabi na. Sa mga araw na walang pasok ay inaabot sila ng ikatlo o ikaapat ng umaga
sa labas ng tahanan at bago umuwi ay karaniwang kumakain uli sila ng churros o tila pahabang
donuts na prinito at binudburan ng asukal. Isinasawsaw nila ito sa mainit at malapot na tsokolate.
Naiisip kong ang hilig nating mga Pilipino sa pagkain ay namana natin sa mga Espanyol na
sumakop sa atin subalit kahit anong gawin kong paggaya sa kaugalian nila kaugnay ng pagkain
at pagtulog ay hindi ko talaga kaya. Maging ang magulang kong walong taon na rito ay hindi rin
magawa ang nakagawiang ito ng mga Espanyol lalo na ang oras ng pagtulog dahil na rin sa
regular na oras ng trabaho nila sa hotel
z
Isports

 Kung sa Pilipinas ay may basketball court sa halos lahat ng


sulok ng barangay, sa espanya ay soccer o football naman ang
tanyag na laro at nilalaro o nilalahukan ng halos lahat ng
kabataan saanmang bahagi ng bansa. Hindi makokompleto ang
kanilang linggo kung hindi sila makakapanod ng paborito nilang
koponan ng soccer. Ang Real Madrid, isang koponan ng soccer
na nakabase sa Madrid, Espanya ang itinuturing na
pinakapopular na soccer club sa buong mundo na may mahigit
na 228 milyong tagasuporta.
z

You might also like