You are on page 1of 3

ISULAT ANG MGA SAGOT.

HANAPIN ANG SAGOT SA BINIGAY NA REVIEW


MATERIAL.
1. Ito ay isang patulang pasalaysay na may labindalawang pantig sa
bawat linya.
2. Tanyag na kompositor ng musikang pansimbahan at tinaguriang
“Prinsipe ng Musikang Pansimbahan.”
3. Tanyag sa larangan ng Chemistry at nakilalang “Prinsipe Direktor
ng Obserbatoryo ng Maynila.”
4. May akda ng Florante at Laura at tinaguriang “Prinsipe ng mga
Makatang Tagalog.”
5. Siya ang kompositor ng ating Pambansang Awit na Lupang
Hinirang.
6. Anong uri ng pamahalaan ang tinatag ng mga Espanyol na nahati
sa dalawang anatas – pamahalaang sentral at pamahalaang
lokal?
7. Kapangyarihan ng gobernador-heneral na suspendihin o hindi
sundin ang batas galing sa hari ng Espanya dahil hindi ito angkop
sa kalagayan ng bansang pinamumunuan.
8. Ang pinakamataas na hukuman sa panahon ng mga Espanyol?
9. Sino ang kinatawan ng hari sa konseho sa isang kolonya?
10. Lugar na lubos na nasakop na at kumikilala na sa pamahalaang
Espanyol.
11. Ito ay binubuo ng mga inapo ng mga datu, sila din ay
nagmamay-ari ng lupa at pinuno ng bayan.
12. Ito ang kinabibilangan ng mga manggagawa at magbubukid.
Limitado ang kanilang mga karapatan at pribilehiyo. Hindi rin sila
maaaring mahalal sa katungkulan sa pamahalaan.
13. Bahagi ng bahay kubo na kung saan dito karaniwang sama-
samang nagpapahinga ang mga mag-anak.
14. Ang paggawa ng makabagong tirahan ay itinuro ng mga
Espanyol sa ating mga ninuno. Ano ang halimbawa nito?
15. Noong panahon ng mga Espanyol, kasamang nakipaglaban ang
mga kababaihan sa pagsulong ng kalayaan ng ating bansa.
Anong klaseng gawain ang ginampanan nila?
16. Ito ay mga Espanyol na nakatira sa Pilipinas ngunit ipinanganak
sa Espanya.
17. Mga ipinanganak sa Pilipinas na may dugong purong kastila ang
mga magulang.
18. Ito ay binubuo ng mga tagapangasiwa ng lupa ng mga
panginoong may lupa.
19. Bakit madaling natutunan ng mga Pilipino ang wikang Espanyol?
20. Ano ang naging kahalagahan ng pagbubukas ng kursong
parmasya at medisina ng University of Santo Tomas sa ating mga
Pilipino?
21. Sino ang ipinahayag ni Pangulong Ferdinand E. Marcos noong
Enero 1975 bilang bayani, hindi lamang ng mga taga-Mindanao
kundi ng buong bansa?
22. Itinatag ni Juan de Salcedo ang Villa Fernandina, na ngayon ay
__________.
23. Ang tribu na ito sa Zambales ay di nasakop ng mga Espanyol.
24. Si Datu Humabon ay nagpabinyag at naging Kristiyano. Anong
Kristiyanong pangalan ang binigay sa kanya?
25. Ito ang isang malawak na bulubundukin sa gitnang hilaga ng pulo
ng Luzon sa Pilipinas na napabalitang may deposito ng ginto.
26. Sa Katolisismo, saan matatanggap ang pagkakaloob ng
kapatawaran ng mga kasalanan?
27. Ano na ang pangalan ng Colegio de Nuestra Señora del Santisimo
Rosario na itinatag noong 1611?
28. Ano ang dalawang pinakatanyag ng nobelang isinulat ni Dr. Jose
Rizal?
29. Ang Spolarium, na siyang nagpahiwatig noon na kayang maging
mahusay ng mga ordinaryong Pilipino sa larangan ng pagpipinta
ay iginuhit ni _______.
30. Instrumentong pangmusika na nakalagak sa simbahan ng Las
Piñas.
31. Ang unang aklat na nailimbag sa Pilipinas noong 1593.
32. Siya ay gumanap bilang nars sa Katipunan at kilala bilang “Ina ng
Biak na Bato.”
33. Siya ang tagapag-ingat sa mahahalagang papel ng Kilusang
Katipunan at ang “Lakambini ng Katipunan.”
34. Siya ang “Ina ng Katipunan” at ang tagapag-alaga at
manggagamot ng mga katipunerong maysakit.
35. Ano ang sistema o programang pang-ekonomiya na pinasimulan
ni Gob. Hen. Jose Basco y Vargas upang mapaunlad ang Pilipinas?
36. Paano pinaunlad ng kulturang Espanyol ang kakayahan ng mga
Pilipino sa Musika?
37. Bakit ipinagdiriwang ang Pista na isa sa mga pagdiriwang na
ipinakilala sa atin ng kulturang Espanyol?
38. Anong larong panlabas ang ipinakilala ng kulturang Espanyol sa
mga Pilipino?
39. Ang lugar kung saan sama-samang naninirahan ang mga tao sa
pamamahala ng mga pari.
40. Ang tawag sa pinakasentro sa pamayanang Pilipino noong
panahon ng Espanyol.
41. Magbigay ng isang pahayag na naglalarawan sa panahanan ng
mga Pilipino sa panahon ng Espanyol.
42. Paano nananahan ang mga Pilipino bago dumating ang mga
Espanyol?
43. Ano ang ibig sabihin ng reduccion?
44. Sino ang nagpatupad ng reduccion sa Pilipinas?
45. Ang unang bahay ng mga Pilipino na kung saan ang kanyang
arkitektura ay iniangkop sa mainit na kapaligiran at klima ng
Pilipinas upang matamo ang ginhawa ng tumitira dito.
46. Siya ang tinaguriang “Ama ng mga Pintor na Pilipino.”
47. Magbigay ng 3 pagtatanghal sa entablado na inimpluwensyahan
ng mga Espanyol.
48. Kalendaryong ipinagamit ng mga Espanyol.
49. Ito ay itinatag ng mga Heswita noong 1865 na nagbibigay ng
mga babala at tala hinggil sa mga kalamidad.
50. Sa panahon ng Espanyol, ang mga aralin ay nakapokus sa
Katekismo, lingguwistika at __________.

You might also like