You are on page 1of 1

Si Rebecca labing anim na taong gulang na anak ng magasawang OFW na nagtatrabaho sa Barcelona,

Espanya, Matagal na taon na silang nagtatrabago doon ngunit ngayon palang nila maisasama ito sa
Espanya, sa isang malaking hotel sa Barcelona nagtatrabaho ang kaniyang mga magulang, magkaiba ang
shift sa trabaho nilang dalawa ngunit nagawan nila ito ng paraan upang may makasama si Rebecca, dahil
dito nakapasyal sila sa Madrid, Seville, Toledo at Valencia, sa loob ng apat na buwan niya sa Espanya
natutunan at naranasan niya ang mga kaugalian, kultura at tradisyon ng mga Espanyol. Ang klima sa
tuwing buwan ng abril at hunyo ay katamtaman at sa hulyo at agosto ay napakainit na kung saan
maraming nagsisispuntahan sa baybayin ng dagat ng Mediterranean. Maraming museo at mga teatro na
masasalamin sa kanilang kultura tulad ng National Art Museum sa Catalonia kung saan gusali pa lang ay
kahanga hanga na bahagi rin ng kanilang kultura ang pagsasagawa ng bullfight kung saan nagpapakita ng
lakas ang mga kalalakihan, kasama narin ang pagsasayaw ng flamenco na labis na napakaganda.
Maraming makabagong tahanan at gusali subalit maraming gusali rin ang naitayo pa noong gitnang
panahon. Ang kanilang wika ay Spanish o castillian o espanyol mayroon ding iba’t ibang uri ng
diyalektong ginagamit dito tulad ng Galician, Catalan at Basque. Karamihan sa nakatira sa espanya ay
mga catholico ngunit mayroon ding mga Jehovas witnesses, Mormons at iba pa. Kakaiba ang uri ng
kanilang paraan tuwing kakain ang almusal ay tinatawag na EL Desayuno na karaniwang kapeng may
gatas at tinapay at sunod ay ang fingerfood at ang pinakamalaking kain nila sa hapon ang La Comida
sunod ang La merienda at ang pang gabihan naman ay tinatawag na La cena. Ang mga espanyol ay
mahilig sa isports na soccer ang kanilang manlalaro ay may 228milyong tagasuporta. Ang kanilang
kasuotan ay pormal tanging kabataan lamang ang nakasuot ng pantalong maong at T-shirt.

You might also like