You are on page 1of 3

Script for Filipino roleplay

Narrator: Sa isang gabing madilim at puno ng galit at kalungkutan, isang tatay ang umuuwing
lasing at galit na galit sa kadahilanang nasisante siya sa kanyang trabaho sa lagarian .

Ama: Lintik!, nawalan na nga ako ng trabaho wala pa akong makakain ngayon.

Narrator: Sa pag lalakad ng ama papunta sa kanilang bahay, narinig nanaman nito ang
nakakarinding pag hangulngol ng anak niyang si Mui Mui.

Narrator: Habang ang kanyang anak naman na si Mui Mui ay nasa kalagitnaan ng kanyang
pag hangulngol ng malakas at walang tigil. Nang malaman naman ng panganay na parating na
ang kanilang ama na hindi makapag pigil ng galit, kaagad na binalaan ng panganay si Mui Mui
na papaluin ito.

Panganay: Shh wag ka maingay at ika’y maririnig ni tatay!


(umiiyak pa lalo si Mui Mui)

Narrator: Walang ano ano, pag pasok ng ama sa kanilang bahay nilapitan agad ng Ama si Mui Mui
at agad itong sinuntok ng buong pwersa. Sa sobrang lakas ng pag kaka suntok sa anak, kulang
nalang ito’y bumulagta. Sa Lakas ng pag ka bagok ni Mui Mui, kaagad itong narinig ng nanay.

Nanay: MUI MUI! ANAK! BAKIT MO GINAWA IYON! WALA KANA BA SA IYONG SARILI?!

Narrator: Nilapitan ng Ina si Mui Mui at tumawag ng ambulansya at police ang panganay.

Nanay: Aking anak kapit kalang at darating ang ambulansya!

Narrator: Pag karaan ng ilang minuto ay dumating na ang ambulansya at ang pulis. Si Mui Mui ay
dinala sa ambulansya at ang ama naman ay naaresto ng pulis.

Ama: ( Nillagyan ng posas) BAKIT NIYO AKO IKUKULONG! TIGILAN MO YAN AT TANGALIN MO
ANG MGA ITO SA MGA KAMAY KO!

Police: Wala ka nang dapat ipaliwanag pa, arestado ka dahil sa mga marahas mong aksyon.

Narrator: dinala sa ospital si Mui Mui at ang ama naman ay dinala sa estasyon ng pulis. Sumabay
narin ang Ina at Panganay sa ospital. Pagdating Sa ospital ay dinala sa emergency room si Mui Mui.
Ang ina at panganay ay kailangan mag-intay sa labas ng emergency room. Pagkalipas ng Ilang oras
ng pag-aalala ay dumating ang Doktor at may sinabing maganda at masamang balita.

Doktor: Kayo po ba ang magulang ng Pasyenteng bata na si Mui Mui?

Nanay: Opo, Ako po iyon, Kamusta pa ang aking anak?


Doktor: May dalawa po akong balita, isang maganda at isang masamang balita..

Nanay: Ano po yung mga balita?

Doktor: nakaligtas po ang inyong anak sa aksidenteng nangyari, subalit may nakita po kaming
namuong dugo sa ulo ng inyong anak at sa lalong madaling panahon kailangan namin itong
tanggalin.16k po ang kabuoang pera na kakailanganin para sa operasyon at gamot ng inyong anak

Nanay: Salamat sa Diyos kung ganon! Gayon man kailangan ko pang mag hanap ng pangbayad sa
kakailanganing pera ng aking anak.

Doktor: Kung ganon bibigyan ko po kayo ng 2 araw para makuha ang pera na kailangan sa
operasyon ng inyong anak.

Narrator: Umalis na ang doctor at naiwan ang malungkot na ina at anak.


(Boss scene)

employee: Boss! Narinig nyo ba ng nangyari sa dati mong employado? Naospital daw ang kanilang
anak na si Mui Mui.

Amo: Ano?! Nakakaawa naman yung bata. Ano ang maari kong maitulong?

employee: Di daw po kayang bayaran ng pamilya ang pagpapagamot sa bata.

Amo: Kung ganon, tara na at bibigyan ko ng pera ang pamilya para sa ipang gagamot ng kanilang
anak.

Narrator: Nag bigay ng pera ang amo at nagpasalamat ng marami ang ina sa Amo at sinimulan na
ang operasyon ng bata. Samantalang ang Ama ay nag luluksa sa karumaldumal na kanyang ginawa
sa anak.

Ama: Bakit ko ginawa yon? Bakit ko sinaktan ang aking sariling anak, na nag mula sa aking laman at
dugo.

Narrator: Napagsisihan ng Ama ang kanyang mga marahas na pinaggagawa sakanyang pamilya.
Pagkaraan ng Ilang Buwan ay gumaling na si Mui Mui at nakapag pahinga ng mabuti sa ospital.
Dumating ang isang araw at maaari ng lumabas ng ospital si Mui Mui dahil bumuti na ang kalagayan
nito. Matapos makauwi Napag-isipan ni Mui Mui na bisitahin ang kanyang ama na nasa kulungan.
(stasyon ng police, cell ng ama)

Ama: Mui Mui! Salamat sa Diyos at ika’y naligtas! Anak sana patawarin mo ang iyong ama sa mga
pangaabusong nagawa ko sainyo. Mahal na mahal ko kayong lahat.
(natakot lapitan ni mui mui ang ama)

Nanay: Mapapatawad ka lang naming kung magbabago ka na at di mo na kami sasaktan.

Ama: Alam kong nagkamali ako sa papanakit at pangaabuso na nagawa ko sa inyo. Kaya ako ay
humihingi ng tawad sainyong lahat lalong lalo na sayo Mui Mui. Alam kong nag kamali din ako sa
sobra sobra kong pag inom ng alak. Kaya pangako na magiging mabuti na akong ama sainyo.

Nanay: Kung ganon ay pagiisipan namin ito.

Narrator: Makalipas ang ilang linggo ay pinatawad na ng mag papamilya ang kanilang ama at ito ay
pinalaya na. Gaya ng pangako ng ama, nagging mabait na ito sa kanyang asawa at mga anak. Itinigil
na din ng ama ang labis napag inom ng alak at mas ginampanan ang kanyang resposibildad na
maging mabuting Padre de Pamilya.

Narrator: Ang naging aral sa istorya ay ang katatagan, katapangan, at tagumpay na naging
inspirasyon sa marami, na nagsisilbing paalala na laging may pag-asa, kahit na sa pinakamadilim na
pangyayari. Masasabing nagtulungan si Mui Mui, nanay, at ang kanyang mga kapatid upang muling
itayo ang kanilang buhay, na lumikha ng mapagmahal at mapag-aruga na kapaligiran kung saan
maaari silang makabangon muli at umunlad. Makikita rin na ang pananakit ng ama sa kanyang
pamilya ang naging kakintalaan sa kwento. Na nag papakita din ng aral sa mga kalalakihan na dapat
kontrolin ang kanyang emosyon upang hindi makapanakit ng kanyang kapwa.

You might also like