You are on page 1of 9

 PANLILIGAW

Ang panliligaw ay isang tradisyunal o nakagawiang kultura kung saan ang isang lalaki ay
nagpapahayag ng kanyang damdamin para sa babaeng kanyang iniibig. Gawain ito ng isang
taong nanunuyo sa kanyang taong napupusuan.

[Marahang namamasyal si Maria kasama ang kanyang mga kaibigan, kapansin pansin ang taglay
niyang ganda gayundin ang kanyang kabutihan ng loob.(tinutulungan niya ang mahihirap at
nangagailanggan ng tulong) kung kaya’t nahulog ang loob ng binatang si Pablo sa kanya, si
Pablo na matagal na niyang kaibigan.]

Scene 1

Maria- (naglalakad habang may bitbit na basket na may lamang mga gulay, ay nakita si Pablo)
Pablo!!! (sigaw niya habang kinakaway ang kanyang kanang kamay upang mapansin siya nito)

Pablo: (mabilis na tinungo si Maria, tiningnan ang basket) mukhang galing ka sa pamilihan,
hayaan mong tulungan kita sa pinamili mo (kinuha niya ang bitbit na basket ni Maria at sabay
silang naglakad habang nakangiti)

Maria: (nahihiya) hindi mo na ko kailangang tulungan, kaya ko namang bitbitin ang mga yan
(akmang kukunin ang basket ngunit hindi ito binigay ni Pablo)

Pablo: Alam kong kaya mo, ngunit nais kong gawin toh para sayo, ng sa kahit na sa maliit na
bagay man lang ay mapakita ko sayo kung gaano ka kahalaga sa akin.

(Panandaliang nagkatitigan si maria at Pablo, at sabay silang umiwas ng tinggin)

Maria: Pablo, alam mo naman na magkaibigan lang tayo, at isa pa sigurado akong hindi papayag
ang aking ama.

Pablo:(Tiningnan si Maria) kahit na, hindi pa rin ako susuko, gagawin ko ang lahat upang
mapatunayan ko kung gaano kita kamahal, Maria, hindi ako mayaman, hindi kita mabibigyan ng
mga mamahaling bagay, hindi ko kayang ibigay sayo ang buhay na kinagisnan mo. Ang tanging
maiaalay ko lamang ay ang aking tapat na pag- ibig. Mula noon hanggang ngayon ikaw lamang
ang babaeng minahal ko at mamahalin ko, handa akong gawin ang lahat para sa iyo, maging ang
aking buhay ay kaya kong iaalay para sayo, dahil ganun kita kamahal.
Maria: (Nalulungkot) Huwag mong sabihin yan, alam mong hindi tayo puwede (Nakayuko)

Pablo: (Itinaas ang mukha ni Maria) Maria, ikaw ba wala ka bang nararamdaman para sa akin,
kahit konti Maria wala ba akong puwang diyan sa puso mo?

Maria: huwag mong sabihin yan, alam mong mahalaga ka para sakin…

Pablo: Maria….mahal mo ba ko? Dahil ako, mahal na mahal kita…

Maria: Pablo….(malungkot na turan ni maria)

Pablo: (tumigil) narito na pala tayo, sige maria kailanggan ko nang umalis (ibinigay ang basket
kay maria)

Maria: Sige, maginggat ka

Scene 2 Harana

Harana or Serenade is a tradition in rural areas of the Philippines, it is a traditional form


of courtship in which a young man woos a woman by singing underneath her window at night.

(Naglalakad si Pablo papalapit sa bahay nina Maria, tumapat siya sa bintana ng silid ni Maria)

Pablo: Maria!!!!

(Dumungaw si Maria sa kanyang bintana upang hanapin ang tumatawag sa pangalan niya, laking
gulat niya ng Makita si Pablo na may dalang bulaklak at may kasamang mga kabataan na may
mga dalang gitara at iba’t iba pang instrument)

Maria: Anong ginagawa mo dito Pablo?

Pablo: Maria Nais kong ipagtapat sa iyo ang buong puso kong pagmamahal (nagsimula ng
tumugtog ang kanyang mga kasama at nagsimula na rin siyang kumanta).

Ric Manrique Jr. - Ikaw Ang Ligaya Ko


Ikaw Ang Ligaya Ko
Ikaw ang ligaya ko, panaligan mo, O giliw ko Lahat ng hanap ko

Ngayon at kailan pa man Sa buhay

Ang aking pag ibig, di magbabago Sa'yo ay aking natagpuan

Kaya iyong paniwalaan


Ikaw ay umasa rin
Na labis kitang minamahal
Sa suyuan

Ay di magtataksil Ikaw ang ligaya ko

Kahit buhay ay makitil At siyang lahat sa

Ang aking pag suyo'y Buhay ko

Di magmamaliw Kung nasa kandungan mo

Parang nasa langit


Lahat ng hanap ko sa buhay
Ang sarili ko
Sa'yo ay aking natagpuan

Kaya iyong paniwalaan At sa habang may buhay

Na labis kitang minamahal Ang puso ko ay tanging sa 'yo

Sana ay panaligan mo
Ikaw ang ligaya ko
Ang iyong pagmamahal ang ligaya ko
At siyang lahat sa

Buhay ko Sana ay panaligan mo

Kung nasa kandungan mo Ang iyong pagmamahal ang ligaya ko.

Parang nasa langit

Ang sarili ko

At sa habang may buhay

Ang puso ko ay tanging sa 'yo

Sana ay panaligan mo

Ang iyong pagmamahal ang ligaya ko


(Pagkatapos kumanta ng mga kabtaan ay dumiretso si Pablo sa pintuan ng bahay nina Maria at
marahang kumatok)

Pablo: Magandang Gabi po! Ako nga po pala si Pablo at nais ko po sanang umakyat ng ligaw sa
inyong napakagandang anak

Ina ni Maria: Halika Iho, pumasok ka muna

(pumasok sa loob ng bahay si Pablo)

Ama ni Maria: Sabihin mo Pablo, anong pinagkakabuhayan ng mga magulang mo

Pablo: (Kinakabahan) Isang simpleng trabahador lang po ang aking ama, habang namamalagi
naman sa aming tahanan ang aking ina

Ina ni Maria: Ikaw Pablo, anong pinagkakakitaan mo?

Pablo: Marami po akong pinagtratrabahuhan, karamihan po ay sa pamilihan

Ama ni Maria: At paano mo planong buhayin ko, aber

Pablo: Hindi man po ako mayaman pero ipinapangako ko po na kaya kong gawin ang lahat para
kay Maria, dahil mahal na mahal ko sya

Ama ni Maria: (tinitigan ng masinsinan si Pablo) may iba ka pa bang sasabihin?

Pablo: (nagtataka) wala na po

Ama ni Maria: Wala ka pa bang balak umalis?

Pablo: (nagmamadaling tumayo, at hindi mapakali) sige po mauna na po ako, magandang gabi
po ulit at pasensya na po sa abala (naglakad palabas ng pintuan)

Ina ni Maria: Sige iho, magingat ka pauwi

Pablo: Sige po (lumabas na ng bahay ngunit siniliit muna niya si Maria bago siya tuluyang
umalis)

{pagkaalis ni Pablo}

Ina ni Maria: Mukha naman siyang mabait, hindi ba mahal?


Ama ni Maria: Wala akong tiwala sa kanya

Ina ni Maria: ano bang sinasabi mo, mukha namang malinis ang intension niya sa anak natin

Ama ni Maria: Kahit na, hindi sya bagay sa anak natin, wala siyang matinong hanapbuhay, paano
niya masusuportahan ang anak natin

Ina ni Maria: Lahat posible sa tulong ng pagmamahalan, bigyan natin siya ng pagkakataon para
patunayan na bagay siya sa anak natin

Scene 3 Paninilbihan

Ang paninilbihan ay isang paraan ng isang binata upang patunayan ang kanyang pagibig
at ang kanyang sarili sa mga magulang ng babaeng nais niyang makaisang dibdib.

(Ng kasunod na araw mismo ay nagsimula ng manilbihan si Pablo sa pamilya ni Maria, madaling
araw pa lamang ay nagiigib na siya ng tubig para kina Maria, nangahoy siya at nagsibak din siya
ng mga kahoy para kina Maria, habang abala siya ay nilapitan siya ni mariang may dalang bimpo
at tubig)

Maria: Mukhang pagod na pagod ka na (Nagaalala) Heto, uminom ka muna

Pablo: Salamat (nakangiting tinanggap at iniinom ang tubig na bigay ni Maria)

Maria: Tingnan mo nga ang sarili mo pawis na pawis ka na (pinunasan niya ang pawisang mukha
ni Pablo) baka magkasakit ka, bakit mo ba kasi ginagawa ang mga toh

Pablo: (Abot tenga ang ngiti)

Maria: Bakit napakalapad naman ng ngiti mo ha? Gusto mo bang magkasakit, sige gawin mo ang
gusto mo (akmang aalis ngunit kinapitan siya ni Pablo sa kamay upang pigilan siya)

Pablo: Huwag ka nang magalit, natutuwa lang akong makitang nagaalala ka para sakin

Maria: Panong hindi ako magaalala, (Pabulong) hindi mo ba makitang mahalaga ka sa kin

Pablo: Ano yun Maria?

Maria: Wala (sabay haggis ng bimpo sa mukha ni Pablo)


Pablo: (habang paalis na si Maria) Hindi ka dapat magalala sakin, diba sinabi ko sayo, gagawin ko
ang lahat para sayo

(nagpatuloy sa paninilbihan si pablo, kahit pagod na pagod na siya ay hindi pa rin siya sumuko,
isang beses habang nagpapahinga si Pablo ay tinabihan siya ng ama ni Maria at kinausap siya)

Ama ni maria: Hindi ka paba pagod?

Pablo: hindi po ako magsisinungaling pagod na pagod na po ako

Ama ni maria: kung pagod ka na ba’t hindi ka pa sumuko, bitawan mo na si Maria, hindi ba’t
masmadali yun

Pablo: Tama kayo, masmadali nga yun, pero sa tuwing iniisip kong hindi si maria ang
makakapiling ko sa buhay kong ito parang unti unti ring nawawalan ng saysay ang buhay kong
ito. Oo, masmadaling bitawan ang mga bagay na walang kasiguraduhan, mga bagay na maaaring
makasakit sayo, mahirap ang patuloy na kumapit sa mga bagay na ito pero masmahirap mabuhay
ng hindi mo kasama ang taong minamahal mo. Kaya kahit mahirap, kahit na nakakapagod, hindi
ko pa rin bibitiwan si Maria, dahil mahal na mahal ko siya. At kung Mahal mo ang isang tao hindi
mo siya bibitawan, hindi mo siya iiwan o sasaktan, maliban na lang kung para ito sa kanyang
kasiyahan, dahil kaya kong isuko ang lahat kung ito ang magpapasaya sa kanya, kahit masakit,
kahit parang madudurog ang puso ko habang iniisip lang ito, handa akong gawin ito, kung para
kay maria.

Ama ni maria: (tumayo, ngunit imbis na umalis ay nanatili lang ito sa puwesto nito) Alam mo
Pablo marami akong pagaalinlanggan sa iyo (tininggala ni Pablo ang matanda) pero masasabi ko
na isa kang mabuting tao, kaya naman pumapayag na akong ikaw ang makapiling ng anak ko,
tulad mo wala din akong ibang hanggad kundi ang kaligayahan ni Maria, kaya sana alagaan mo
siya at siguraduhin mong hindi ko pagsisisihan nag desisyon kong ito.

Pablo: (gulat na gulat ngunit abot langgit ang tuwang napatayo) talaga po, ipinapangako ko po na
hindi nyo pagsisisihan ang desisyon nyo, MARAMING SALAMAT PO!!!

(Pagkaalis ng ama ni maria ay nagmadaling tumakbo si Pablo kay maria na namimitas ng halaman
sa hardin)
Pablo: Mariaaaaaaaaaaaa……….. (sigaw niya habang tumatakbo kay maria, napalinggon naman
sa kinalalagyan niya si Maria, pagkalapit ni Pablo ay walang pasabisabi niyang niyakap ng
mahigpit si Maria)

Maria: (gulat na gulat) Bakit? Anong nanggyari?

Pablo: (tuwang tuwa) Maria, pumayag na siya (hinahabol ang kanyang hiningga) Pumayag na ang
iyong ama

Maria: Talaga? (gulat at tuwang tuwa,niyakap si Pablo) Mabuting balita yan

Pablo: (humiwalay sa yakap ni Maria at lumuhod sa isang tuhod niya, si maria naman ay halatang
gulat na gulat) Maria, wala pa akong maibibigay na mamahaling singsing o marangyang buhay,
ngunit pinapangako ko sayo na ikaw lang ang babaeng mamahalin ko hanggang sa aking huling
hiningga, kaya maria papayag ka bang maging kaisang dibdib ko? Pumapayag ka bang pakasan
ako?

Maria: (Pinatayo si Pablo) Hindi ko kailanggan ng mamahaling singsing o maranggyang buhay,


ikaw lang ay sapat na, kaya OO, OO Pablo pakakasalan kita (tuwang tuwa si Pablo niyakap siya).

Scene 4 Paguusisa/Pagpapakilala

Bago magpakasal ang isang magkasintahan ay nakagawian na ng mga Pilipino na Pormal


na magkaharap at makapagusap ang mga magulang ng lalaki at babae, kadalasan ding nagdadala
ng mga regaling handog ang pamilya ng lalaki sa pamilya ng babae.

(Maaga Pa lamang ay nagtungo na si Pablo at ang kanyang ama’t ina sa tahanan nina Maria na
may dalang iba’t ibang munting regalong handog, pagdating nila sa tahanan nina Maria ay
nakangiti silang pinatuloy ng mga magulang ni Maria.)

Ina ni Maria: Maria, halika bumaba ka na nandito sina Pablo

Maria: Opo, pababa na po ako (pagbaba ni maria, ay agad siyang nagmano sa ama’t ina ni Pablo)

Ina ni Pablo: Pasensya na kayo kung biglaan ang pagbisita namin

Ina ni Maria: ano ba kayo, wala yun, tska malapit na din naman tayong maging isang pamilya
Ama ni Pablo: Yun nga pala ang dahilan kaya kami bigla kaming napadalaw, nabalita na sa amin
ni Pablo ang magandang balita kaya hindi kami nagatubilong bumisita, may mga dala kaming
munting regalo, pagpasensiyahan nyo na at hindi ito mga kamahalan ngunit sana ay tanggapin
ninyo.

Ina ni Maria: Ay, maraming salamat, nagabala pa kayo, at ano bang sinasabi ninyo, hindi naman
importante ang halaga, ang pagbisita nyo pa lang sa amin ay sapat na

Ina ni Pablo: (nakangiti) talagang napakabuti ng pamilya ninyo lalo na ng anak ninyo kaya nga
natutuwa kami na siya ang makakasama ng anak namin, hay naku hindi na ako makapaghintay sa
kasal.

Scene 5 KASAL

Ang kasal ay isang sagradong sakramento ng pagiisang dibdib ng isang babae at isang
lalaki na lubos na mahal na mahal ang isa’t isa at nangangakong magasama panghabang buhay sa
harap ng panginoon.

(Isang maaliwalas na araw sa araw na ito, maganda ang panahon at tila puno ng saya at
pagmamahalan, ito ang araw ng kasal nina Pablo at Maria, simple pero kaayaaya ang ayos ng
simbahan, punong puno ng iba’t ibang bulaklak at iba pang dekorasyon, habang tumutugtog ang
musika ay isa isang pumasok ang mga kabilang sa kasalan, habang nakatayo sa may altar si Pablo
ay nagsimula ng lumakad ang mga flower girl, suinundan ng ring bearer, mga abay, mga ninong
at ninang. At dumating na nga ang oras na pinakahihintay nilang lahat lalo na si Pablo, habang
kinakabahan ay nakangiti niyang pinagmasdan ang dahan dahang pagpasok ni Maria sa Altar
habang kapit ng kanyang ama, napakaganda ni Maria sa araw na ito, punong puno ng galak at
kaba, tila parang tumigil ang pagtakbo ng mundo at walang ibang Makita si Pablo kundi si maria,
ang babaeng kanyang pinakamamahal, palapit ng palapit sa kanya hanggang nasa harapan na niya
ito at unti unti itong inaabot ng ama nito.)

Ama ni Maria: Pablo, pinagkakatiwala ko sayo ang aking anak, sana ay pangalagaan mo siya at
mahal mo siya hanggang sa huli (inaabot si maria kay Pablo).
Pablo: Makakaasa po kayo sa akin, hindi ko po siya pababayaan at mamahalin ko po siya hanggang
sa aking huling hininga.

(Naglakad papunta sa harap ng pari ang dalawa at nagsimula na nga ang kanilang pagiisang dibdib)

You might also like