You are on page 1of 9

TALASALITAAN

● Maglilo - Mula sa salitang ugat na “lilo” na nangangahulugang


magtaksil o magtraydor at sa ingles, “to betray”.
● Hilahil - Emosyong may pagkakaugnay sa negatibong saloobin o
pakiramdam.
● Kariktan - Kagandahan
● Plumahe - Pang ulo o helmet
● Naghihimutok - Naghihinakit o may sama ng loob. Naghihinagpis.
● Nag-aapuhap - Naghahanap
● Magkagurlis - Magkagalos o magkasugat
● Koleto - Isang malaki at patag na bagay na gawa sa matibay na
materyal na ginagamit upang protektahan ang kanilang sarili.
Kalasag o sheild.
● Koleto - Ang pulang balabal na itinatali sa baywang.
● Matalastas - Maintindihan
● Mapaknit - Matanggal
● Masawata - Mawala
● Maapula - Mahinto
● Panibugho - Selos o inggit
● Sansinukuban - Isang buong lugar/uniberso
ARALIN 3: Ang siphayo ng pusong sugatan
67 "Ay, Laurang poo'y bakit isinuyo sa iba
ang sintang sa aki'y pangako,
at pinagliluhan ang tapat na puso, pinaggugulan
mo ng luhang tumulo?

68 'Di sinumpaan mo sa harap ng langit na di


maglilo sa aking pag-ibig? Ipinabigay ko naman yaring dibdib
wala sa gunita itong masasapit.

69 "Katiwala ako't ang iyong kariktan, kapilas ng langit


anaki'y matibay. Tapat ang puso mo't di nagunam-gunam
na ang paglililo'y nasa kagandahan.

● Tanging hiling ni Florante ay makita muli si Laura at siya'y arugain at damayan


sa kanyang mga sakit tulad ng nakaraan. Halos sumuko ang puso ni Florante
sa dahas ng panibugho lalo na kung naguguniguni niya sa si Laura ay humilig
na sa kandungan ni Konde Adolfo. Hindi makapaniwala si Florante na si Laura
ay magtataksil sa kanya dahil sumumpa sila sa langit, sa harap ng diyos na sila
ay magmamahalan ng tapat. Kaya ang paniwala niya ang pag-ibig nito ay
kasingtibay rin ng langit.

70 "Di ko akalaing iyong sasayangin maraming luha mong


ginugol sa akin, taguring madalas na ako ang giliw, mukha ko
ang lunas sa madlang hilahil.

71 "Di kung ako Poo'y utusang manggubat


ng hari mong ama sa alinmang s'yudad,
kung ginagawa mo ang aking sagisag, dalawa mong mata'y
nangalong ng perlas.

72 "Ang aking plumahe kung itinatahi ng parang korales na


iyong daliri, buntonghininga mo'y nakikiugali
sa kilas ng gintong ipinananahi.

73 "Makailan, Laurang sa aki'y iabot, basa pa ng luha bandang


isusuot, ibinibigay mo ay naghihimutok, takot masugatan sa
pakikihamok.

● Hindi kailan man ay pumasok sa isipan ni Florante na sasayangin ni Laura ang


kanilang mga pinagsamahan. Si Florante ang tanging lunas ni Laura sa lahat
ng hinanakit ng mundo na ibinibigay sa kaniya. Para kay Florante, ang
kaniyang mata ay bahay sa mga perlas.
74 "Baluti't koleto'y di mo papayagang madampi't malapat
sa aking katawan kundi tingnan muna't baka may kalawang ay
nanganganib kang damit ko'y marumhan.

75 "Sinisiyasat mo ang tibay at kintab na kung sayaran


man ng taga'y dumulas at kung malayo nang iyong minamalas, sa gitna
ng hukbo'y makilala agad.

76 "Pahihiyasan mo ang aking turbante ng perlas, topasyo't maningning


na rubi, bukod ang magalaw na batong d'yamante, puno ng ngalan mong
isang letrang L.

77 "Hanggang ako'y wala't nakikipaghamok, nag-aapuhap ka ng


pang-aliw-loob, manalo man ako'y kung bagong nanasok, nakikita mo
na'y may dala pang takot.

78 "Buong panganib mo'y baka nagkasugat, di maniniwala kung di


masiyasat, at kung magkagurlis ng munti sa balát, hinuhugasan mo
ng luhang nanatak

79 "Kung ako'y mayroong kahapisang munti tatanungin muna kung


ano ang sanhi? Hanggang hindi malining ay idarampi sa mga mukha
ko ang rubi mong labi.

● Tinitignan muna ni Laura ang kaniyang baluti at koleto kung mayroon ba itong
kalawang, para hindi marumihan ang kaniyang kasuotan. Sinisiyasat ang
kaniyang mga kagamitan at sinisigurado na ito ay matibay at makintab.
Matibay na kapag siya ay nadikitan ng taga, hindi siya magkakagurlis, at
makintab na kahit siya pa ay nasa gitna ng daan-daang tao o hukbo, makikita
pa rin.

● Hanggang wala siya at nakikipaglaban, humahanap si Laura ng pang-aliw-loob


para mawala ang kaniyang isipan sa kung ano na ba ang kalagayan ni
Florante.

● At pag-uwi naman nito ay handa siyang salubungin ni Laura. Takot si Laura na


baka ito ay nasugatan, kaya sinisiyasat niya ito. Kahit pa man sabihin ni
Florante na wala itong sugat. Hindi naniniwala si Laura hanggang hindi niya ito
nalilinisan.

● Kapag ito ay malungkot, tinatanong niya kung bakit. Hanggang hindi alam ang
dahilan, idarampi niya ang kaniyang labi para mabawasan ang kalungkutan na
dinarama.
80 "Hindi ka tutugot kundi matalastas; Kakapitan mo nang mabigyan
ng lunas dadalhin sa hardi't doon ihahanap, nang ikaaliw sa mga
bulaklak.

81 "Iyong pipitasin ang lalong marikit


dini sa liig ko'y kusang isasabit
tuhog na bulaklak sadyang salit-salit pag-uupandin mong lumbay ko'y
mapaknit.

82 "At kung hapis ko'y hindi masawata sa pilikmata mo'y


dadaloy ang luha napasaan ngayon ang gayong aruga sa
dalá kong sakit ay di iapula?

● Hindi nya ito hahayaang malungkot. Lalapitan niya ito at dadalhin sa hardin.

● Igagawa niya ito ng bulaklak na kuwintas upang mawala ang kalungkutan.

● At kung hindi pa rin mawala ang kaniyang paghihirap, siya ay mapapaluha.


Ngayon, hinahanap niya ang ganoong aruga dahil siya ay nasasaktan at hindi
niya alam kung paano ito mawawala.

83 "Halina, Laura't aking kailangan ngayon ang lingap mo


nang naunang araw ngayon hinihingi ang iyong pagdamay, ang
abang sinta mo'y nasa kamatayan.

84 "At ngayong malaki na ang aking dalita ay di humahanap


ng maraming luha. Sukat ang kapatak na makaapula, kung sa
may pagsintang puso mo'y nagmula.

85 "Katawan ko ngayo'y siyasatin, ibig. Tingni ang sugat kong


di gawa ng kalis, hugasan ang dugong nanalong sa gitgit ng kamay
ko, paa't nakataling liig.

● Nananawagan siya kay Laura dahil kailangan niya ang pangangalaga niya dahil
siya ay nasa bingit ng kamatayan.

● At ngayong malaki na ang kaniyang hirap at ang pagtitiis, hindi na ito


humahanap ng luha. Kahit ba kapatak lang ang ibinuhos na luha, basta ito ay
mula sa kaniyang minamahal na Laura, mahihinto ang kaniyang hapis.
● Ngayon, hinihiling niya na muling siyasitin ang kaniyang katawan. Ngayon,
hinihiling niya na tignan ang kaniyang mga sugat na hindi gawa ng kalis, linisan
ang kaniyang katawan na marumi at puno ng dugo.

86 "Halina, irog ko't ang damit ko'y tingnan


ang hindi mo ibig dayuhang kalawang, kalagin ang lubid at
iyong bihisan; matinding dusa ko'y nang gumaan gaan.

87 "Ang mga mata mo'y kung iyong ititig dini sa anyo kong
sakdalan ng sakit, upanding mapigil ang takbong mabilis niring
abang buhay sa ikapapatid.

● Ninanais niya na gawin ulit ni Laura ang kaniyang mga ginagawa dati.
Hinihiling niya na muling tignan ang kaniyang damit na ayaw niyang nadidikitan
ng kalawang, tanggalin ang lubid na nakatali sa kaniyang katawan upang
gumaan ang pakiramdam.

● Tignan nya ito upang matigil ang mabilis na takbo ng buhay.

88 "Wala na, Laura't ikaw na nga lamang ang makalulunas niring


kahirapan; damhin ng kamay mo ang aking katawan at bangkay
man ako'y muling mabubuhay.

89 "Nguni, sa aba ko! ay sa laking hirap! wala si Laura'y aking tinatawag


napalayu-layo't di na lumiliyag. Ipinagkanulo ang sinta kong tapat.

90 "Sa ibang kandunga'y ipinagbiyaya ang pusong akin na, at


ako'y dinaya, buong pag-ibig ko'y ipinanganganyaya, nilimot
ang sinta't sinayang ang luha.

● Si Laura lang ang kailangan niya upang malunas ang nararamdaman na


kahirapan.

● Ngunit, wala si Laura, tinawag niya ito ngunit hindi ito nagpakita. Nagtaksil sa
kaniyang tapat na pag-ibig.

● Nasa ibang kandungan ang kaniyang minamahal. Biniyayaan ang kaniyang


puso nguni't nalinlang, ibinigay ang buong pagmamahal ngunit kinalimutan
siya ng kaniyang minamahal at sinayang ang kaniyang mga luha.

91 "Alin pa ang hirap na di nasa akin? May kamatayan pang di ko


daramdamin? Ulila sa ama't sa inang nag-angkin, walang kaibiga't
nilimot ng giliw.

92 "Dusa sa puri kong kusang siniphayo palasyong may lasong natirik


sa puso habag ng ama ko'y tunod na tumimo ako'y sinusunog niring
panibugho.

93 "Ito'y siyang una sa lahat ng hirap, pagdamay ni Laura ang


kumakamandag dini sa buhay ko'y siyang nagsasadlak sa libingang laan
ng sinamang palad.

94 "O Konde Adolfo'y inilapat mo man sa akin ang hirap ng


sansinukuban, ang kabangisan mo'y pasasalamatan, ang puso
ni Laura'y kung hindi inagaw!"

95 Dito naghimutok nang kasindak-sindak na umalingawngaw


sa loob ng gubat, tinangay ang diwa't karamdamang hawak ng
buntonghininga't luhang lumagaslas.

96 Sa puno ng kahoy ay napayukayok ang liig ay supil ng lubid na gapos,


bangkay
na mistula't ang kulay na burok ng kanyang mukha'y naging puting
lubos.

● Nagluluksa na siya dahil nahihirapan na siya ng sobra. Lahat ng hinanakit ay


nasakaniya na. Ulila sa ama at ina, walang kaibigan at nalimutan pa ng
kaniyang minamahal.

● Kahit na ibigay ni Adolfo ang hinanakit ng buong mundo, wala pa ring


makakatumbas sa paghihirap na nadaranasan nya noong nawala sakaniya si
Laura.

● At dahil sa paghihirap ni Florante, siya ay nawalan ng malay, at siya


napayukayok sa punongkahoy na kinagagapusan at siya ay nagmistulang
bangkay.

QUIZ:
1.) Anong diyamante ang ginamit ni Florante sa kanyang
metapora tungkol sa labi ni Laura?
Sagot: “Rubi” (saknong 79)

2.) Ano ang mga saknong na tinalakay natin?


Sagot: “67-96"

3.) “Katiwala ako’t ang iyong kariktan, kapilas ng langit


anaki’y matibay tapat ang puso mo’t di nagunam-
gunam.” Sa pangungusap na ito, ano ang salita na ang
kahulugan ay “kagandahan”.
Sagot: “Kariktan”

4.) “May lasong natirik sa puso habag ng ama ko’y tunod


na tumimo ako’t sinusunog niring panibugho.” Sa
pangungusap na ito, ano ang salita na ang kahulugan ay
“selos”.
Sagot: “panibugho”

5.) “Hindi ka tutugot kundi matalastas kakapitan mo nang


mabigyan ng lunas dadalhin sa hardi’t doon ihahanap.”
Sa pangungusap na ito, ano ang salita na ang kahulugan
ay “maintindihan”
Sagot: “matalastas”

6.) Saan sa mga salitang ito ang kahulugan ay “mawala”


A. Masawata /
B. Maapula
C. Magkagurlis
D. Hilahil

7.) Saan sa mga salitang ito ang kahulugan ay “hirap o


pagtitiis”
A. Ipinagkanulo (kanulo)
B. Mapaknit
C. Naghihinagpis
D. Dalita /

8.) Anong salita ang kahulugan ay naghahanap?


Sagot: “nag-aapuhap”

9.) Anong salita ang kahulugan ay “nagtago”?


Sagot: “nangalong”

10.) Anong salita ang kahulugan ay “Magkagalos o


magkasugat”
Sagot: “magkagurlis”
Husay sa pag-
uulat
Nilalaman ng
iniulat
Biswal
Pakikibahagi
Kabuuan

Pinuno ng grupo: GRAVADOR, Cayene Elaine I.


Mga miyembro: DELA PEÑA, Dharren Eleazah
IGNACIO, Lyra Shantelle P.
MALLORCA, Jose Carlos Jr. R.
PANILA, Jireh C.
REYES, Prince Dunhill L.

You might also like