You are on page 1of 38

Florante at Laura

Grade VIII - Humility


- CURTAINS –

Tagapagsalaysay (Lycia): Sa isang madilim at mapanglaw na


gubat, kung saan 'di nasisikatan ni Pebong Hari ang mga damo
at hayop, matatagpuan ang isang binatang nanghihina at
nakagapos sa Puno ng Higera. Siya'y isang magiting na
mandirigma sa bayan ng Albanya, ngunit nang siya'y dumating
ay agad na dinakip at ipinatapon sa labas ng kaharian.
Panaghoy ng problema'y nangingibabaw sa kagubatan, mga
suliranin sa pag-ibig ang kanyang lubos na dinaramdam. Dati'y
siya'y tinitingala at iginagalang sa Albanyang hirang, ngayo'y
nagdurusa sa kaliluha't kahirapan.

- CURTAINS DOWN -
Florante (Patrick): Saklolo! Saklolo! Ako'y inyong tulungan!
Kung sino man makarinig sa akin, ako'y naririto't nakagapos!
(Napagod) Oh Panginoon, ako'y iyong patawarin sa lahat ng
kabiguang aking pasanin, sa pag-ibig na ipinagkait sa akin. Oh
tadhana, bakit ka ganyan sa akin? Laurang aking iniibig, ba't
mo ko iniwan? Sa kamay ni Adolfo'y ika'y sumamo't ako'y
nilisan. Kay Adolfong sakim sa kapangyarihan, pati ang
inosente'y kaniyang idinamay. Pag-asa'y mistulang ako'y
nilisan, aking mga sigaw ng saklolo ay walang katuturan. Oh
kay pait ng aking buhay na tila'y walang nagmamahal. Laura't
Albanyang aking minamahal, ako sa inyo'y magpapaalam.
Aladin (Guillan): Bakit!? Oh bakit ama ko!? Bakit mo inagaw
ang taong pinakamamahal ko!? Buong buhay kong sinunod
ang iyong mga utos subalit hindi ka pa rin nakuntento! Hindi
ka pa rin natapos! Bakit!? Bakit sa lahat ng nilalang ay ikaw
pang magiging karibal ko kay Flerida? Kay Flerida, aking sinta.
(Mapapaupo sa sahig)

Florante (Patrick): Oh Laura, Laura kong sinisinta. Ako'y iyong


pinagtaksila't iniwan. Hahayaan mo lang ba akong nakagapos
dito sa kagubatan? Mag-isang nagdurusa habang ika’y kay
Adolfo’y nagpapakasaya? Gusto man kita’y kalimutan ngunit
ang ngalan mo’y naka-ukit na sa aking puso’t isipan. Alam
kong hindi mo maataim ang mahal mo sa kahinagpisan. Oh
tadhana, bakit!?
Aladin (Guillan): (Napatayo) Ha! Kaninong boses iyon!? Tila may narinig
akong isang heneral na nangangailangan ng tulong. Ginoo, nasaan ka
ginoo!?

Florante (Patrick): Tulong! Saklolo! Tulong! Tulong! (Lumapit ang mga


leon kay Florante) (Narinig ni Aladain ang sigaw nang saklolo ni Florante)

Aladin (Guillan): Ang tunog na yun. Kailangan ko nang magmadali’t


making sa kanyang mga sigaw. Nawa’y ‘di pa huli ang lahat sa aking
pagdating. (Nawala ang tinig ni Florante, nahimatay) (Lumapit ang mga
Leon kay Florante) (Lumabas si Aladin sa masukal na damo’t nakita ang
nakagapos na binata.) (Nakita ang mga mababangis na Leon) (Binato ni
Aladin nang bato ang leon.) Mga Halimaw na kay bangis, ako’y inyong
harapin. Wag saktan ang binatang walang kalaban-laban, bagkus ako’y
inyong sagupain nang buong lakas. (Sumugod ang leon) (Pinaslang ni
Aladin ang mga leon) (Kinalagan si Florante) (Nilapitan si Florante)
Ginoo, ayos ka lang ba!?
Florante (Patrick): Ama! Haring Linceo! Laura! Nasaan kayo!?
(Napatingin kay Aladin) Sino ka't anong pakay mo sa akin!?
Aladin (Guillan): Ako’y isang Moro’t ngalan ko’y Aladin. Wag ka na
mangamba sapagkat ika’y ligtas na sa mga leong sayo’y pumapalibot.
Alam kong ika’y may mabigat na pasanin, wag kang mag-alala wala
akong masamang hangarin. Ano ang iyong ngala’t sa’n ka nagmula?
Florante (Patrick): Ang ngalan ko’y Florante, nagmula sa Kaharian
nang Albanya. Ba’t mo ako tinulungan? ‘Di mo ba alintana na tayo’y
nagmula sa magkaaway na panig?
Aladin (Guillan): Ako’y taga-Persia’t ika’y taga-Albanya. Ako’y Isang
Moro’t ika’y isang Kristiyano. Magkaiba man tayo nang kaharian,
ngunit walang pinipili ang pagtutulungan.
Florante (Patrick): Ako’y nagpapasalamat sa lahat ng kabaitang iyong
ipinamalas noong ako’y nangagailangan. Balita sa Albanya’y ika’y
tanyag na mandirigma. Ako’y isa sa iyong mga tagahanga sa larangan
nang kahusayan sa pakikidigma.
Aladin (Guillan): Balitang iya’y walang katotohanan, malimit na
may marinig na balitang tunay sapagkat kundi man dinagdagan ay
kulang naman ang balita. (Malungkot ang mukha ni Florante) Akala
ko ba’y ika’y panatag na, ngunit sa aking nakikita’y may
dinaramdam ka pa? Alam kong mahirap sariwain ang problema sa
nakaraan, ngunit maari ko ba itong malaman upang gumaan ang
iyong kalooban kaibigan?

Florante (Patrick): Alam kong ika’y aking mapagkakatiwalaan,


kaya’t sisimulan ko ang kuwento nung ako’y isinilang sa aking
tahanan. Ang aking mga magulang ay sina Duke Briseo’t Prinsesa
Floresca. Ako’y ipinanganak sa kaharian nang Albanya. Ayon sa
aking mga magulang, noong ako’y sanggol pa lamang, may isang
malaking ibon ang nagtangkang ako’y dakpin. Tinawag nang aking
ina si Menalipo upang ako’y iligtas.
(Papasok si Prinsesa Floresca na may hawak na sanggol na animo'y si
Florante) (May BG MSC ng agila at matataranta si Floresca kasabay ng
pagdating ni Menalipo na siyang nagligtas sa sanggol)

Menalipo (Kurt): Prinsesa Floresca, ang iyong anak ay ligtas na.


Prinsesa Floresca (Pristine): Maraming salamat, Menalipo. Kung hindi dahil
sayo ay nadakip na si Florante.
Menalipo (Kurt): Walang anuman, Prinsesa Floresca. HIndi ko hahayaang
may masamang mangyari kay Florante.

- CURTAINS –

Tagapagsalaysay (Kaileen): Ipinadala si Florante sa Atenas sa edad na


labing-isa upang doon hasain ang kanyang karununga't galing. Doon niya
nakilala si Adolfong buhong sa matematika, astrolohiya't pilosopiya at ang
kaniyang guro na si Antenor na busilak ang kalooban. Nakilala niya rin si
Menandro na pamangkin ng maestro na naging tapat niyang kaibigan.
- CURTAINS DOWN -
Antenor (Anderson): Florante, maligayang pagdating sa Atenas! Ako
nga pala si Antenor, ang iyong magiging guro.

Florante (Patrick): Ikinagagalak ko pong makilala kayo, ginoo!

Mag-aaral: Adolfo! Kumusta, kaibigan?

Adolfo (Joseph): Ayos lang naman ang aking kalagayan.

Menandro (Benedict): Magandang araw! Ako nga pala si Menandro

Florante (Patrick): Florante naman ang aking ngalan. Ah Menandro,


sino ang ginoong kanilang pinagkukumpulan?

Menandro (Benedict): Siya si Konde Adolfo, isa siyang tanyag na


mag-aaral dito.
Narrator (Lycia): Lumipas ang panahon at mas kinilala na si
Florante sa buong Atenas na siyang naging dahilan ng labis na
inggit ni Adolfo na nag-udyok sa kaniya para ilabas nito ang
tunay na pagkatao.

Antenor (Anderson): Tayo ngayo’y magkakaroon ng


pagsasadula tungkol sa trahedya ng dalawang apo ni Odipo,
tanghal si Florante bilang Polinise’t Adolfo bilang Etyokles.
(Nagharap ang dalawa’t may hawak na sandata.)

Adolfo (Joseph): Ikaw Floranteng mang-aagaw, sayo’y


kamatayan ang nararapat! (Sasaksakin ni Adolfo si Florante.)
(Tinulak ni Menandro si Florante’t sinalag ang sandata ni
Adolfo.)
Menandro (Benedict): Ikaw Adolfo, ano’ng nangyayari sa iyo? Nasisiraan
ka na ba nang ulo’t tototohanin mo ang pagsasadulang ito? Hindi ako
makapaniwalang magagawa mo ito!
Antenor (Anderson): Adolfo! Anong pumasok sa iyong isip at
pinagtangkahan mo ang buhay ni Floranteng walang kalaban-laban.
Dahil sa ginawa mo’y ika’y aking pinapapatalsik sa pamantasang ito’t
inuutusang bumalik sa bayan nang Albanya!
Adolfo (Joseph): (Lalapit kay Florante) Florante, tayong muling
magtutuos at sisiguraduhin kong kapag dumating ang panahon na iyon,
ika’y aking matatapos!. (Umalis)

- CURTAINS –

Narrator (Lycia): Makalipas ang ilang araw ay nakatanggap ng liham si


Florante sa amang si Duke Briseo at dali dali niyang binasa at inalam ang
nilalaman nito.

- CURTAINS DOWN -
Florante (Patrick): (Napaluha’t nalulungkot nang lubusan.) Oh
mahal kong ina, ba’t ako’y inyong iniwan? Ngayo’y din ako’y
magpapaalam at babalik sa aking lupang sinilangan upang
damayan ang aking amang puno nang pighati’t kalungkutan.
(pumunta kay Antenor) Mahal na guro, at sa inyong lahat, ako po’y
nagpapasalamat sa inyong suporta’t tulong sa akin. Paalam at
sana’y tayo’y magkita muli.
Antenor (Anderson): Florante, lagi mong pakatandaan ang bilin na
ito: Ika’y wag palintlang taong nakangiti, bagkus ika’y maging
mapagmatyag at handa sapagkat si Adolfo’y waring isang ahas na
makamandag na naghihintay nang tamang panahon para lumusob
at manggulo. Iyong isama ang aking pamangkin na si Menandro,
upang ika’y gabayan at tulungan sa panahon nang kagipitan.
Florante (Patrick): Maestrong aking ginagalang, ang iyong payo’y
aking lubusang pahahalagahan. Menandrong kaibigan, halina’t
tayo’y umalis na. Muli, paalam sa inyong lahat.
- CURTAIN -
Narrator (Kaileen): Nang marating ni Florante ang kahariang hirang,
agad niyang niyakap ang amang mahal. Maya maya'y may natanggap
siyang liham mula sa bayan nang Krotona. Tangkang pananakop ni
Heneral Osmalik nang Persia’y mangyayari sa makalawa nang
susunod na buwan. Tanging si Florante ang napili ni Linceong Hari
nang Albanya, na mamuno nang hukbo magtatanggol sa bayan nang
kaniyang ina. Nang siya'y humarap sa Haring Linceo, siya’y may
naramdaman na magkahalong kaba’t pag-ibig nang makita ang anak
ng hari. Siya’y isang dalagang may angking bait at kagandahan, ang
kanyang mata’y waring mga tala sa kalangitan na animo’y kumikislap-
kislap.
- CURTAINS DOWN -
Florante (Patrick): (Lumuhod) Mahal na hari, ang ngalan ko’y
Florante, anak ni Duke Briseong inyong pantas. Aking natanggap ang
inyong liham ukol sa aking katungkulan.
Haring Linceo (Rendell): Tumindig ka Floranteng magiting. Ako si
Haring Linceo, pinuno nang kaharian nang Albanya. Nais ko rin
ipakilala sa iyo ang aking anak na si Laura.
Florante (Patrick): (tumayo.) (nilapitan si Laura) (Lumuhod at
hinalikan ang kamay ni Laura) Ika’y aking ikinagagalak na makilala
O, Laurang kay ganda.
Laura (Rania): Masaya rin ako’t nakilala kita. Sana tayo’y
magkakilala pa upang malaman ang isa’t isa at maging
magkaibigan o higit pa.
Haring Linceo (Rendell): (kay Florante) Ika’y aking hinirang na
mamuno nang aking hukbong magtatanggol sa bayan nang
Krotona. Si Heneral Osmalik ang namumuno sa kabaling partido.
Siya’y isang dalubhasa sa pakikipag-sagupaan sa mga digmaan.
Ang tanging nakapapantay sa kanyang galing sa pakikidigma ay si
Aladin na kanyang kababayan. Sa iyong mga kamay aking ipapataw
ang kinabukasan nang bayan ng Krotona.
- CURTAIN -
Narrator (Lycia): Kanilang‘di namalayan na ang kanilang mga puso’y
magkasingkahulugan, hanggang sila’y naging magkasintahan at lubos
na nagmahalan. Ngunit panaho’y sadyang ka’y bilis at kailangan
umalis ni Florante upang makidigma at ipaglaban ang bayan nang
aking mahal.
- CURTAINS DOWN -
Haring Linceo (Rendell): Ngayo’y araw ng pakikipagdigmaan, ikaw
Florante’y makikipagsagupa sa mga Morong mababagsik sa labanan.
Ito’y iyong laban para sa bayan at sa iyong pagmamahalan!
(Pinuntahan ni Florante si Laura)
Laura (Rania): O, Florante, ika’y mag-ingat sa pakikipagsagupa sa
labanan. Mangako ka na ika’y babalik nang buhay.
Florante (Patrick): Laura, ika’y aking babalikan, pangako yan.
Tatalunin ko gaano mang kagaling ang mga kaaway upang ika’y
muling masilayan.
- CURTAIN -
Narrator (Kaileen): Kanilang narating ang bayan nang Krotona’t
sinalubong nang mga morong mandirigma. Sila’y kanilang
sinagupa, tunog nang bakal na nagkikiskisan ang nangibabaw.
Mga mandirigmang nakikipagpalitan nang hampas at salag, mga
pananggang kay tibay na pumipigil sa mga sandatang kay talim.
Sa gitna nang labanan, nakita ni Florante ang pinuno nang
hukbong Persya. Heneral Osmalik ang ngalan, mata’y sa kanya
nakamasid.

- CURTAINS DOWN –

Heneral Osmalik (Marco): Heneral Florante, pinuno nang


hukbong Krotona. Ika’y magsisisi na ako’y iyong sinalungat.
Aking sandatang kay talim, ang siyang tatarak sa iyong pusong
kay hina! (Sinagupa si Florante) (Sinalag ni Florante) (Bakbakan!)
(Cross-Blade Parry)
Florante (Patrick): Heneral Osmalik nang mga Morong taga-
Persya, ika’y aking bibigyan nang pagkakataon para sumuko’t
umatras. Kung ika’y magpapatuloy, wala na akong ibang ibig
kundi ika’y pigilan at tapusin!

Heneral Osmalik (Marco): Ilang taong ako’y nakipagbuno,


tagumpay ang laging natatamo. Ika’y langgam ako’y leon.
Hindi ako susuko hanggang sa ika’y aking madurog! (Parry
break) (Talon at atras)

Florante (Patrick): Kung yan ang iyong kagustuhan, ikaw


ngayo’y humanda’t tanggapin ang iyong katapusan!

Heneral Osmalik (Marco): Katapusan mo na Kristyanong


mahina’t walang katuturan!
Florante (Patrick): (Parry / Ilag) Hagupit nang Krotona’y iyong
madarama, katapusang mapait ay mapapasayo na! (Tapos ang hininga ni
Osmalik)
Morong Mandirigma: Pinuno’y natarak nang Katolikong mandirigma,
tayo’y malulupig pa gang labanan ay nagpatuloy. Tayo’y umatras
hanggang may pagkakataon pa! (Umatras ang mga Moro)
Menandro (Benedict): Umatras na ang mga Morong mananakop!
Tagumpay ang ating pagtatanggol! Tagumpay! Mabuhay si Florante!
(Mabuhay!) Mabuhay ang Albanya! (Mabuhay!)

- CURTAINS –

Narrator (Lycia): Si Florante'y nagbalik sa kaharian nang Albanya. Lahat


ay nagsaya’t nagalak sa tagumpay kanilang natamo. Sa gitna nang
handaan, kaniyang hinanap si Laurang mahal. Siya’y kinamusta’t niyakap
nang mahigpit.

- CURTAINS DOWN -
Florante (Patrick): Oh Laurang aking iniibig, ako’y nagbalik mula sa
digmaang kay pait. Krotona’y aming naibalik at kapayapaan ay muling
nananumbalik.
Laura (Rania): Mabuti’y ika’y nasa mabuting kalagayan, ako’y nag-alala sa
iyo’t lagi kang pinagdarasal. Ngunit ngayo’y ika’y nasa aking piling, maluwag
na ang aking kalooba’t nabunutan nang tinik.
Florante (Patrick): Laurang aking iniibig, panandalian lamang ang aking
paglisan. Katulad rin nang aking pagpunta sa Krotonang aking pinagtanggol,
ako’y babalik muli at tayo’y magkakapiling ulit.
Laura (Rania): Ako’y sa iyo nagtitiwala, ang iyong pagbabalik ay aking
pananabikang lubusan.

- CURTAINS -
Narrator (Kaileen): Sinagupa ni Florante ang mga turkong mandirigma.
Pinamumunuan ni Miramoling tuso’t sakim. Nang siya’y kanyang magapi,
mga turko’y tumalilis at tumakbo upang kanilang buhay ‘di maglaho waring
isang dahong naaabo. Nang sila'y nagpahinga sa siyudad nang Etolya, si
Florante'y nakatanggap nang sulat mula sa Haring Linceong maginoo.
- CURTAINS DOWN -
Florante (Patrick): Ayon sa kalatas nang haring maginoo, kailangan
kong bumalik sa kaharian nang mag-isa. Sayo Menandro, aking iiwan
ang pamamahala sa digmaang nagaganap. Ngayon din ako’y lilisan at
tutungo sa Albanyang hirang.

- CURTAINS –

Narrator (Lycia): Nang makarating si Florante sa kaharian ay ito ang


nangyari...

- CURTAINS DOWN –

(Pinalibutan si Florante nang mga kawal ni Adolfo.)


Florante (Patrick): Anong kaliluhan ito Adolfong sakim! Anong ginawa
mo sa kahariang Albanya, anong ginawa mo kay Laurang aking
iniirog!
Adolfo (Joseph): Ika’y manahimik Floranteng walang kalaban-laban!
Ika’y wala nang magagawa sapagkat ang kaharian ay nasa aming mga
palad na. Ilang taong ako’y nagtiis, poot at galit aking kinikimkim. Lahat
nang sa aki’y iyong inagaw, pati pag-ibig ni Laurang marikit ay iyong
inagaw!

Florante (Patrick): Ika’y aking ‘di inagawan, bagkus ikaw ang may sala’t
ika’y nawalan. Kung ika’y ‘di naging sakim at taksil, marahil ikaw ngayo’y
isang tagumpay tulad ko. At kailanma’y ‘di naging sayo si Laurang aking
irog!

Adolfo (Joseph): Ano mang iyong sabihin, ika’y aking bihag pa rin. Dugo
ni Linceo’t Briseo’y kapwa dumanak sa aking mga kamay. Aking sandata
ang siyang tumapos sa agos nang kanilang buhay. Iyong kamataya’y mas
masaklap kaysa sa kanilang kapalaran. Mga kawal, siya’y igapos sa
Higerang puno sa kagubatan at hayaan masakmal nang mga Leong kay
bangis at lupit!
Florante (Patrick): Sa ngalan nang Haring Linceo’t Duke
Briseo, ako’y nangangakong ika’y magbabayad nang lubusan
sa pagsusukab na iyong ginawa!

Adolfo (Joseph): Ako’y maghihintay sa iyong paghihiganti, yun


ay kung ika’y makawala sa mga leong mababangis! (Binitbit si
Florante patungo sa Kagubatan)

- CURTAINS –

Narrator (Kaileen): Muli tayong magbalik kay na Aladin at


Florante

- CURTAINS DOWN -
Florante (Patrick): Iyo’y nangyari sa’kin nung sandali’y aking
danasing pagkabigong kay pait. Ngayo’y ‘di ko alam ang aking
gagawin, tadhana na siguro ang bahalang lumapit sa akin.

Aladin (Guillan): Iyong mga kuwento’y hindi naiiba sa akin,


masakit man sabihin ngunit ama ko pa ang naging pasakit sa
akin…Ngalan nang aking ama’y Sultan Ali-Adab, pinuno nang
Persyang bayan nang mga Moro. Kanyang nakukuha lahat nang
kanyang nais, kahit anong paraan ay kanyang gagawin. Si
Flerida’y aking iniirog, sinisinta mula pa nung ina kaming
nagkita. Siya’y aking sandaling nilisan upang tumungo’t
makipaglaban sa Krotonang iyong pinagtanggol. Nang marinig
ang balitang bumagsak na ang kaharian nang Albanya’y agad
akong bumalik sa bayang nilisan. Ngunit pagkarating ako’y agad
dinakip, aking ulo’y hinihingi nang aking amang walang habag
- CURTAINS –

Aladin (Guillan): (Hawak hawak ng mga kawal) Ama! Anong


ibigsabihin nito!? Sabihin mo!

Sultan Ali-Adab (Seth): Ikaw ay isang traydor sa pagpapabaya


mo sa ating mga kawal! Wala kang silbi!

Aladin (Guillan): Alam ko ang iyong plano, ama! Sinisiraan mo


lamang ako sa taong mahal ko para mapasayo si Flerida!

Sultan Ali-Adab (Seth): Walang katotohanan ang iyong mga


sinasabi!

Aladin (Guillan): Wala akong pakialam sa sasabihin ng iba


basta't puso niya'y sa akin ang tila mahalaga.
Sultan Ali-Adab (Seth): Paano ka nakakatiyak sa mga sinasabi
mo, Aladin? Hindi ka ba natatakot na balang araw ang puso
niya'y mapasakin?

Aladin (Guillan): Diyan ako nakasisiguro na iyang sinasabi mo


ay isang malaking kahibangan! Hinding hindi mapapasayo si
Flerida!

(Tatakbo si Flerida papalapit sakanila)

Flerida (Sophia): Aladin!? Aladin!?

Sultan Ali-Adab (Seth): Siya'y dalhin na sa piitan at doo'y


kanyang buhay ay kitilin!
Flerida (Sophia): Sultan! Ano nanaman ba ang iyong balak sa
kanya!?

Sultan Ali-Adab (Seth): (tinulak si Flerida) Huwag kang


mangialam!

Aladin (Guillan): Huwag ama! Flerida!

Flerida (Sophia): Sultan, para niyo ng awa! Pakawalan niyo na


siya! Ako'y nagmamakaawa sa iyo! Ayaw kong mawalay sa taong
mahal ko!

Sultan Ali-Adab (Seth): Bakit ka ba nag aaksaya ng panahon kay


Aladin kung alam mo namang nandito ako! Mamahalin kita
nang sobra pa sa pagmamahal niya sayo! Flerida, bakit hindi mo
ba nakikita 'yun kahit ilang beses ko ng sabihin sa iyo!
Flerida (Sophia): Alam kong mahal mo ko ngunit ilang beses
ko rin bang sasabihin sa iyo na si Aladin at si Aladin lang ang
mamahalin ko! Siya lang ang tanging mahal ko kahit anong ulit
mo! Kahit anong gawin mo! Kay Aladin lang ako iibig!

Sultan Ali-Adab (Seth): Paano kapag kalayaan niya ang kapalit


ng iyong pagmamahal?

Flerida (Sophia): Ano? Kalayaan niya kapalit ng pagmamahal


ko?

Sultan Ali-Adab (Seth): Oo! Simple lang naman, pakakasalan


mo ko kapalit ng kanyang kalayaan o panghabang buhay siya
doon sa bilangguan?
Flerida (Sophia): Paano mo ito nagagawa sa sarili mong
anak..?

Sultan Ali-Adab (Seth): Hindi ko na kailangang magpaliwanag


at sagutin mo na ang tanong ko!

Flerida (Sophia): Nang sa gayon ay sumasang-ayon ako sa


iyong kagustuhan nang makamit na ni Aladin ang kanyang
kalayaan.

Sultan Ali-Adab (Seth): Alam kong hindi mo ko matitiis


Flerida. Balang araw ay matututunan mo rin akong mahalin ng
higit pa sakanya. Mga kawal! Dalhin siya sa kwarto niya't
siguraduhing hindi makakatakas!
- CURTAINS -
Aladin (Guillan): (sa kulungan) Anong ginawa mo kay
Flerida!?

Sultan Ali-Adab (Seth): Wala! Sinunod niya lamang


ang kagustuhan kong magpakasal sakanya

Aladin (Guillan): Ano!? Anong kasal!?

Sultan Ali-Adab (Seth): Pakawalan niyo na siya!

Aladin (Guillan): Anong ibigsabihin nito!? Sabihin mo!


Sultan Ali-Adab (Seth): Pinakasalan niya lang naman ako
kapalit ng kalayaan mo!

Aladin (Guillan): Hindi! Hindi maaari! Kailangan kong


makausap si Flerida!

Sultan Ali-Adab (Seth): Alam kong may balak kang agawin siya
sa akin!

Aladin (Guillan): Kahit kailan ay hindi siya napasaiyo!

Sultan Ali-Adab (Seth): Kung may balak kang gawin sakanya


ay huwag mo ng ituloy dahil masasaktan lang siya!

- CURTAINS -
Aladin (Guillan): Iniligtas ni Fleridang sinta ang aking buhay, ngunit ang
kapalit nama’y kanyang kaligayaha’t kalayaan…
Florante (Patrick): Ang ating pagkasawi’y sadyang magkatulad, kaya’t ‘di
nakapagtatakang tayo’y pinagtagpo dito sa kagupatang waring kulungan
nang mga kapus-palad.
Aladin (Guillan):: Dahil sa tadhanang kay lupit, tayo rito’y maghintay at
magisip-isip kung paano nating maaayos ang waring isang bangungot
nang kasalukuyan.
- CURTAINS –
Tagapagsalaysay (Lycia): Sa kabilang dako naman sa kaharian ng
Albanya, makikita si Laura na tila nakatingin sa kalayuan. Inalala niya
kung paanong nagpadala si Adolfo ng mapanlinlang na sulat kay Florante
na naging dahilan upang madakip ang binata ngunit bago pa man niya
malaman na napahamak ang binata ay gumawa muli siya ng sulat para
kay Florante na kalaunang si Menandro naman ang nakatanggap.
-CURTAINS DOWN-
Laura (Rania): (Nakatingin sa kalayuan) Oh, Florante, ika’y nasaan
na? Sana iyong natanggap ang aking liham na siyang naglalaman
nang kasalukuyang katayuan nang ating kahariang hirang… Oh,
Florante… (Adolfo sa likod)

Adolfo (Joseph): Laurang aking hirang, ika’y andito pala’t


naghihintay kay Floranteng wala nang pag-asa pang makaligtas sa
kanyang mapait na kapalaran. Ngunit ika’y wag mag-alala sapagkat
ako’y naririto upang ika’y alagaan at mahalin nang higit pa sa
kanya na siyang ‘di mo na muli makakapiling. (Lalapitan si Laura)
(Tangkang yayakapin)

Laura (Rania): (Hinawi ang kamay ni Adolfo) Ako’y iyong bitawan!


Mas nanaisin ko pang mamatay kasama si Florante kaysa sa sayo’y
magpakasal at kalimutan ang iyong ginawa sa aking amang hari!
Adolfo (Joseph): Wala ka nang magagawa Laura! Ako ang nandito, hindi
si Florante! Wala na akong iba pang ibig kundi ang mapasaakin ang
iyong pag-ibig na kay tamis. Aanhin ko pa ang kayamana’t
kapangyarihan kung ika’y wala sa aking piling?

Laura (Rania): Ikaw na sukab ang siyang nagpasya nang iyong landas na
tatahakin. Iyong pinaslang mga taong walang sala’t inankin ang
kahariang sa aking ama ang nararapat! Kaya’t ika’y wag na umasa pang
ika’y aking mamahalin, bagkus ako nala’y iyong patayin upang si
Florante’y aking muling makapiling!

Adolfo (Joseph): Isa kang hangal sa pag-ibig Laura! Ikaw ma’y


tumatanggi ngayon, ngunit ako’y nakakasigurado, ika’y mapapasaakin
nang buo’t lubusan… (Umalis si Adolfo) (Kinausap ang kanyang kawal)
Alam niyo na ang inyong gagawin… (Umalis si Adolfo) (Dinakip nang mga
kawal si Laura)
Laura (Rania): Saan niyo ako dadalhin mga kawal na walang katapan?!
Ako’y wag niyong hawakan bagkus ako’y ibaba! Hindi ako sasama sa
inyo! Tulong! Tulong! (Binitbit nang mga kawal si Laura)

- CURTAINS –

Tagapagsalaysay (Kaileen): Sa kabilang dako ay makikita na ang


pagtanggap ni Menandro sa isinulat na liham ni Laura

- CLOSE CURTAINS –

Kawal: Isa pang liham ang dumating para kay Floranteng kay galing!

Menandro (Benedict): Si Florante’y wala dito, diba’t sa palasyo’y


pinatawag?

Kawal: Wala pong liham mula palasyo ang kay Florante’y napadala…
Menandro (Benedict): Sa aki’y ibigay ang liham at ating
malalaman ang katotohana. (Iniabot ang liham, binasa ni
Menandro) Hindi ito maara… (Humarap sa mga kawal) Mga Kawal
nang Albanya! Ang kaharia’y sinakop nina Konde Sileno’t Konde
Adolfo! Tayo na’t sila’y puntahan at iligtas an gating bayang hirang
mula sa kamay nang mga ahas na sukab! (Sugooooooooood!)

(Pumunta sa gubat) (Itinulak sa may puno) (Lumabas si Adolfo


mula sa mga puno)

Adolfo (Joseph): Ika’y wala nang tatakasan pa Laura, sapagkat


ngayong gabi’y ika’y mapapasaakin nang lubusang! (Sumugod si
Adolfo)

Laura (Rania): Adolfo! Wag! Ika’y maawa, saklolo! (Sigaw nang


sigaw!)
(Sa kabilang dako nang gubat, ay naglalakad si Flerida na mula sa bayan
nang Persya.)
Flerida: (Napalingon sa pinanggagalingan nang tili’t sigaw.) Isang dalaga
ang nangangailangan nang aking tulong! (Draws Bow) Ako’y kailangan
nang magmadali’t baka ako’y mahuli! (takbo!!!)
(Balik kay Adolfo’t Laura)
Laura: Maawa ka Adolfo, wag, wag (nanghihina) (Whistle nang Arrow..
Whzzzzz) (Sapul si Adolfo) (Lugmok si Adolfo) (Tumingin kay Flerida na
kung saan nang galing ang pana) Maraming salamat dalagang
manlalakbay. Kung ‘di dahil sayo’y malamang ako’y wala nang puri’t
buhay.

You might also like