You are on page 1of 6

MGA IDYOMA

Idyomatikong pagpapahayag ang tawag sa mga pariralang ang kahulugan ay hinahahango sa


alinmang bahagi ng pananalita.
Narito ang ilang halimbawa ng idyomatikong pagpapahayag sa wikang Filipino.

Abo ang laman ng ulo


Walang nalalaman; mahina ang ulo
Halimbawa:
Si Pablo'y nahulog na naman sa pagsusulit. Abo yata ang laman ng ulo ng kaibigan mong iyon.

Alimuom
Balitang nakukuha sa lansangan; tsismis
Halimbawa:
Ano na namang alimuom ang nasagap mo sa lansangan?

Anak-pawis
Dukha; maralitang taong tumutukoy sa manggagawa
Halimbawa:
Kailangang tulungan ng pamahalaan ang mga anak-pawis.

Babaha ng dugo
Magkakaroon ng patayan o malaking gulo
Halimbawa:
Babaha raw ng dugo kapag ang dalagang nayon ay hindi pinakasalan ni Nonoy.

Bahag ang buntot


Takot
Halimbawa:
Bahag ang buntot ni Miguel kay Carlos, kaya hindi siya makalaban ng

Balat-sibuyas
Manipis (tumutukoy sa balat)
Halimbawa:
Hinawakan ko ang kanyang balat-sibuyas na palad..

Basa ang papel


Masama ang rekord o kasaysayan
Halimbawa:
Nahihiyang humarap si Terya sapagka't basa ang papel niya sa akin.

Basang-sisiw
Kaawa-awa: walang kumalinga
Halimbawa:
Ang mga ulila ay parang basang-sisiw sa kaarawan ng kanilang tiya.

Batak ang katawan


Malakas; sanay sa paggawa
Halimbawa:
Ang taong batak ang katawan ay bihirang magkasakit.

Bigatin
May kaya sa buhay, sa kaalaman o kaya'y sa lakas
Halimbawa:
Naging bigatin si Cecil buhat nang malipat sa bago niyang hanapbuhay.

Bilugin ang ulo


Lukohin; ululin
Halimbawa:
Huwag ninyong bilugin ang kanyang ulo, kaawa-awa naman siya.

Biniyak na bunga
Magkahawig; magkamukha
Halimbawa:
Parang magkabiyak na bunga ang magkapatid.
Bukang-bibig
Karaniwang sinasabi; madalas na banggitin
Halimbawa:
Kung ano ang bukang bibig ay siyang laman ng dibdib.

Bukas na aklat
Alam ng lahat, lantad sa balana
Halimbawa:
Ang buhay ni Marites ay bukas na aklat sa kanilang bayan.

Bugtong na anak
Kaisa-isang anak
Halimbawa:
Si Sam ay kanyang bugtong na anak.

Buhatin ang sariling bangko


Purihin ang sarili
Halimbawa:
Huwag mong buhatin ang sarili mong bangko. Bayaan mong sa iba manggaling iyan.

Bulaklak ng dila
Mga pangungusap na hindi taimtim
Halimbawa:
Kayo ba ay naniniwala sa kanyang sinasabi? Ang inyong narinig ay bulaklak ng dila lamang.

Buo ang loob


Malakas ang loob
Halimbawa:
Ang taong buo ang loob ay hindi agad napapahamak.

Kalamayin ang loob/Kalmahin


Ipanatag ang isip at katawan
Halimbawa:
Kalamayin na ninyo ang inyong loob sa nangyari.

Kinakalawang na
Lumalaos na; hindi na umunlad sa dating gawain
Halimbawa:
Hindi na ako makakantang gaya ng dati. Kinakalawang na ang aking tinig ngayon.

Kimkulili ang tainga


Pagkayamot sa pakikinig sa isang bagay na sinasabi nang paulit-ulit
Halimbawa:
Kinukulili na ang tainga ko sa iyo't iyon ding balita mo.

Kisap-mata
Saglit; sandal
Halimbawa:
Nawala ang kanyang pera sa bulsa sa isang kisap-mata.

Kumukulo ang dugo


Nagagalit; napupoot
Halimbawa:
Kumukulo ang dugo ko kapag naririnig ko ang kanyang pangalan.

Kusang-palo
Kusang gumagawa ng isang bagay
Halimbawa:
Ang isang taong may kusang palo ay maaari nang iwan.

Kutong-lupa
Tumutukoy sa isang taong maliit at pandak
Halimbawa:
Kutong-lupa pala ang naging kasintahan niya.

Di makabasag-pinggan
Napakabait, walang basag ulo sa bahay
Halimbawa:
Di makabasag-pinggan ang binatang nangingibig sa anak na dalaga ni Mang Ilyong.

Di maliparang-uwak
Napakalawak (tumutukoy sa lupain)
Halimbawa:
Ang palayan ni Don Jose ay di maliparang-uwak.

Gasgas ang bulsa


Malaki ang nagasta o nagugol
Halimbawa:
Gasgas ang bulsa ng mga tao tuwing Pasko at Bagong Taon.

Halang ang bituka


Hindi natatakot mamatay at makamatay
Halimbawa:
Halang ang bituka ng mga magnanakaw.

Hampas ng langit
Parusa ng Diyos
Halimbawa:
Sa kanilang masamang gawain, tatanggap sila ng hampas ng langit.

Hampas-lupa
Palaboy, palaging nasa tenangan
Halimbawa
Naghahanap na naman ng pagkain ang mga barang hampas-lips

Hindi gawang biro


Lubhang mahirap isang mabigat na gawain
Halimbawa:
Hindi gawang biro ang mamahala sa tahanan Hulog ng langit

Humahalik sa yapak
Sumasamba; malabis na humahanga
Halimbawa:
Humahalik sa yapak ng hari ang kanyang mga tagasunod

Hunos-dili
Pagpipigil sa sarili
Halimbawa:
Madaling mapahamak ang taong walang hunos-dili.

Igagapang
Pagtitiyagaang itaguyod
Halimbawa:
Ikaw ay igagapang namin makatapos ka lang ng pag-aaral.

Ihatid sa dambana
Pakasalan ang tao
Halimbawa:
Inihatid ni Nonoy sa dambana ang babaing kanyang pinaka-iibig.

Ilibing sa limot
Kalimutan
Halimbawa:
Ang malungkot na nakaraan ay dapat mo nang ilibing sa limot.

llista sa tubig
Pagkakautang na hindi babayaran
Halimbawa:
Ang mga hiniram ni Kikay ay dapat ko na yatang ilista sa tubig.

Isang bakol ang mukha


Nagagalit; nakasimangot
Halimbawa:
Bakit ba Tek isang bakol ang iyong mukha?
Isang kahig, isang tuka
Ang kinikita'y hustung-husto lamang sa pagkain.
Halimbawa:
Hindi uunlad ang pamumuhay ninyo, kung lagi kayong isang kahig, isang tuka.

Laki sa Nuno
Lumaking nasusunod na lahat ang maibigan
Halimbawa:
Mahirap nang ituwid ang ugali ng mga laki sa nuno.

Likaw ng Bituka
Mga lihim o kaya'y pag-uugaling hindi alam
Halimbawa:
Pati ang likaw ng bituka ang kapitbahay ay nalalaman ni Ana Fe.

Ligaw-tingin
Patanaw-tanaw na pagligaw
Halimbawa:
Walang mangyayari kay Ed kapag ang alam niya'y ligaw-tingin lamang.

Lumagay sa tahimik
Mag-asawa
Halimbawa:
Nararapat nang lumagay sa tahimik si Nery pagka't siya'y matanda na

Lumang nigtugin Luma na:


madalas nang marinig
Halimbawa:
Ang kanyang biro ay lumang tugtugin na.

Mababang-loob
Hindi palalo; mapagpakumbaba
Halimbawa:
Si Julio ay may mababang-loob kahit na siya'y mayaman.

Mabigat ang katawan


May kaunting dinaramdam
Halimbawa:
Mabigat ang katawan ni Nanay, huwag mo na siyang isama sa pagsimba..

Mabilis ang kamay


Maliksing magnakaw o kumuha ng hindi kanya
Halimbawa:
Kailangang mag-ingat sa mga taong mabilis ang kamay.

Makapal ang mukha


Walang hiya; walang damdamin
Halimbawa:
Ayaw na ni Tatay na makaharap ang makapal ang mukhang si Lourdes.

Makati ang dila


Dalahira; mapaggawa ng usap sa ibang tao
Halimbawa:
Ang mga taong makakati ang dila ay dapat na layuan.

Makitid ang kumot


Maralita; kinakapos sa salapi
Halimbawa:
Huwag na ninyong hingan ng abuloy ang mag-anak pagka't makitid ang kumot nila.

Magbatak ng buto
Magtrabaho; gumawa
Halimbawa:
Ang taong hindi marunong magbatak ng buto ay hindi dapat kaawaan.
Magbibig-anghel
Maging totoo ang sinasabi
Halimbawa:
Magbibig-anghel nawa ang mga nagbibiro sa iyong mag-aasawa ka na.

Matigas ang mukha


Hindi marunong mahiya
Halimbawa:
Ang mga magnanakaw ay mga taong matitigas ang mukha.

May sinasabi
Mayaman, marunong o matalino
Halimbawa:
May sinasabi si Zsa-Zsa, kaya't kilala siya sa lipunan.

Nakasandal sa pader
May taong inaasahang tutulong sa oras ng pangangailangan
Halimbawa:
Si Loy ay walang pakialam sa krisis dahil siya ay nakasandal sa pader.

Nagbubuhat ng sariling bangko


Palalo, pinupuri ang sarili
Halimbawa:
Ang taong laging nagbubuhat ng bangko ay kinaiinisan ng lahat.

Naghuhugas ng kamay
Itinatatuwa ang kasalanang nagawa
Halimbawa:
Ang mga pulitiko ay mahilig maghugas ng kamay kapag nabubuko.

Nagmumurang kamatis
Matandang nagpapakabata
Halimbawa:
Si Mang Julian ay nagmumurang kamatis.

Nagpanting ang tainga


Nayamot o nagalit
Halimbawa:
Nagpanting ang tainga ng dalaga ng malamang siya ay niloko ng binata.

Nagsaulian ng kandila
Nagkagalit
Halimbawa:
Ang magkumpare ay nagsaulian ng kandila.

Nagtataingang kawali
Nagbibingi-bingihan
Halimbawa:
Si Mayor ay nagtataingang kawali sa karaingan ng mga mamamayan.

Namamangka sa dalawang ilog


Naging salawahan sa pag-ibig
Halimbawa:
Mahirap mag-asawa ng lalaking namamangka sa dalawang ilog.

Nasa dulo ng dila


Bagay na alam subalit hindi agad maalala
Halimbawa:
Ang pangalan niya ay nasa dulo ng aking dila ngunit hindi ko masabi.

Pakitang-tao
Pagkukunwari
Halimbawa:
Ang ginagawa niyang kagandahang loob ay pakitang-tao lamang.
Pagbuhatan ng kamay
Saktan, parusahan
Halimbawa:
Huwag ninyong pagbuhatan ng kamay ang inyong mga anak.

Pagputi ng uwak
Pangyayaring tila malabong dumating
Halimbawa:
Pakakasalan kita pagputi ng uwak.

Patawirin
Malapit nang mamatay
Halimbawa:
Ang may kapansanan ay patawirin na ayon sa mga doktor.

Pikit-mata
Buong lakas loob
Halimbawa:
Ang matandang lalaki ay pikit matang nilulon ang ahas.

Pinagsakluban ng langit at lupa


Nagulo at nagdilim ang isip
Halimbawa:
Si Tess ay tila pinagsakluban ng langit at lupa nang kanyang malamang kanyang kasintahan ay
may pananagutan na sa buhay.

Puti ang tainga


Maramot!
Halimbawa:
Mahirap makipagkaibigan sa taong puti ang tainga.

Sumama sa agos
Nakiisa at sumang-ayon sa nakararami
Halimbawa:
Hindi sa lahat ng bagay tayo ay kailangang sumama sa agos.

Taga sa panahon
May sapat na gulang at karanasan na
Halimbawa:
Si Mang Gusting ay isang taong taga sa panahon.

Tulog na lukan
Isang isang taong mahina o mabagal na tao.
Halimbawa:
Si Tonio ay tila tulog na lukan kung kumilos.

Walang itulak-kabigin
Mahirap pumili sa mga alternatibo
Halimbawa:
Walang itulak-kabigin ang mga inampalan sa mga lumahok sa patimpalak.

Wala sa kanyang sarili


Tila walang naririnig at walang pakialam sa mga nagaganap sa kanyang paligid.
Halimbawa:
Wala sa kanyang sarili si Tess nang siya ay iwan ng ama ng kanyang anak.

You might also like