You are on page 1of 20

84 - Nagulat si Aladin. Sumigaw siya, at nakinig. Narinig niya muli ang mga hikbi.

85 - Nagtaka si Aladin kung sino ang hihikbi sa gubat na yun. Alisto siyang
nakinig.

86 - Narinig ni Aladin na may nagtatanong kung bakit siya inulila ng kanyang ama.

87 - Inisip ni Florante kung paano nahirapan ang kanyang ama sa kamay ng mga
traydor.

88 - Naisip din ni Florante kung gaano kagrabe ang parusang ipinataw ni Konde
Adolfo laban sa ama ni Florante.

89 - Nararamdaman ni Florante ang paghihirap na naranasan ng katawan ng kanyang


ama.

90 - Naiisip ni Florante ang luray-luray na bangkay ng kanyang ama, na hindi man


lang binigyan ng disenteng libing.

91 - Inisip ni Florante ang mga dating kaibigan ng kanyang ama na lumipat na sa mga
grupo ng mga traydor. Naisip din niya ang mga kaibigan pa rin, ngunit takot nang
hawakan ang katawan ng kanyang ama at baka pati rin sila ay maparusahan.

92 - Parang naririnig ni Florante kung paano nagdasal ang kanyang ama na


maprotektahan si Florante mula sa kapahamakan.

93 - Hiniling din ng kanyang ama na iwan na lang si Florante sa ilalim ng mga


bangkay sa parang ng digmaan, nang di malapastangan ni Konde Adolfo ang kanyang mga
labi.

94 - Sinabi ni Florante na ang mga dasal ng kanyang ama ay hindi natupad. Pinugutan
pa rin ang kanyang ama.

95 - Naaalala ni Florante ang pagmamahal sa kanya ng kanyang ama. Iyak nang iyak si
Florante.

96 - Pinararangal ni Florante ang kanyang mapagmahal na ama.

97 - Hindi magtatagal, at magkikita na muli si Florante at ang kanyang yumaong ama.

98 - Naluha si Aladin dun sa kanyang narinig.

99 - Inisip ni Aladin kung kailan kaya siya mapapaluha dahil sa pagmamahal at awa
sa kanyang sariling ama.

100 - Naluluha si Aladin dahil sa pagnakaw ng kanyang sintang si Flerida, habang


heto si Florante, umiiyak dahil sa pagkawalan ng mapagmahal na ama.

101 - Naisip ni Aladain na kung ang mga luha niya ay para sa nawalang ama,
nabiyayaan siya ng mga matatamis na luha.

102 - Ngunit ang mga luha ni Aladin ay dahil sa galit, at hindi dahil sa pagmamahal
ng kanyang ama.

103 - Ang tawag ni Aladin sa pagmamahal ng kanyang ama ay kataksilan. At heto na si


Aladin, nalulunod sa kahirapan.

104 - Ang tingin ni Aladin sa sarili ay parang anak na inabandona.


105 - Narinig ni Aladin na binanggit ni Florante ang pangalan ni Laura. Nagpapaalam
na si Florante at tila mamamatay na siya.

106 - Sinabi din ni Florante na sana maging masaya si Laura sa piling ni Konde
Adolfo.

107 - Gayunpaman, mahal na mahal pa rin ni Florante si Laura magpasawalang hanggan.

Next: Sa Harap ng Panganib (Saknong 108 to 125)

Florante at Laura � Sa Harap ng Panganib � Saknong 108 to 125 � Buod � Paliwanag


http://TrulyRichPinoy.com/tara presents F&L - Saknong 108 to 125 (Sa Harap Ng
Panganib)

108 - May lumapit na dalawang leon kay Florante. Bigla silang huminto malapit sa
kanya.

109 - Mukha silang naawa muna kay Florante.

110 - Ano kaya ang pumasok sa isip ni Florante habang tinitingnan niya yung
dalawang leon?

111 - Hindi makapagsalita ang makata. Lubha siyang naawa kay Florante.

112 - Sinong taong may puso ang hindi maaawa sa kalagayan ni Florante?

113 - Pakiramdam ni Florante na malapit na siyang mamatay. Kahit hindi na


maintindihan ang mga sinasabi niya, malinaw sa isip ni Florante na malapit na ang
katapusan.

114 - Nagpaalam si Florante sa Albanya.

115 - Pinapayuhan ni Florante si Albanya na lumaban sa mga taksil.

116 - Binalewala raw ng Albanya ang sumpa ni Florante na ipagtanggol ang kaharian.

117 - Mula kabataan walang ninais si Florante kundi ipagtanggol ang Albanya.

118 - Ang binigay lamang ni Albanya kay Florante ay isang kahiya-hiyang paraan ng
kamatayan.

119 - Gayunpaman, mahal na mahal pa rin ni Florante si Laura, sa kabila ng lahat.

120 - Sana raw maging masaya na ang marahas na Adolfo at ang taksil sa Laura.
Bitter na talaga dito si Florante.

121 - Kumpleto na raw ang kasaam nila, ngayon at nasa harapan na ni Florante ang
mabangis na kamatayan.

122 - Sino pa raw ang makaka-alala sa kanya, isip ni Florante.

123 - Nagtatanong si Florante kung bakit ngayon, hindi man lang lumuluha si Laura.

124 - Sana raw kasabay ng mga luha ni Florante ay lumabas na rin mula sa kanyang
mga mata ang kanyang kaluluwa't dugo.

125 - Umiiyak si Florante hindi para sa kanyang sarili, ngunit para sa pag-ibig
nila ni Laura na hindi na natuloy.
Next: Pakikipaglaban sa Leon [Pagtatagumpay ng Bagong Marte] (Saknong 126 to 142)

Florante at Laura � Pakikipaglaban sa Leon [Pagtatagumpay ng Bagong Marte] �


Saknong 126 to 142 � Buod � Paliwanag
http://TrulyRichPinoy.com/tara presents F&L - Saknong 126 to 142 (Pakikipaglaban sa
Leon [Pagtatagumpay ng Bagong Marte])

126 - Hinanap ni Aladin kung saan nagmumula yung boses. Ginamit niya ang kanyang
sandata para putulin ang mga nakaharang sa kanyang daan sa gubat.

127 - Patuloy na ginamit ni Aladin ang kanyang kalis, hanggang natagpuan niya ang
pinagmumulan nung mga iyak.

128 - Siguro mga alas singko na ng hapon nang makita ni Aladin si Florante.

129 - Naawa si Aladin.

130 - Hindi siya kumibo. Nakita niya yung dalawang leon.

131 - Mukhang gutom yung mga leon, at handa nang pumatay.

132 - Inilarawan dito yung itsura nung mga leon. Inihambing sila sa mga Furies.

133 - Humanda nang umatake ang mga leon. Umatake si Aladin.

134 - Tinaga ni Aladin ang mga leon.

135 - Ginamit ni Aladin ang kanyang kalasag (shield) at kalis para manaig sa mga
leon.

136 - Lumuha si Aladin habang inalis niya ang mga lubid ni Florante. Hinimatay si
Florante.

137 - Naawa si Aladin habang nakita niyang umagos yung dugo duon sa mga sugat ni
Florante.

138 - Pinutol ni Aladin ang mga lubid gamit ang kanyang espada, para mabilis.

139 - Sinubukan ni Aladin na bigyan malay-tao si Florante.

140 - Nung makita niya ang mukha ni Florante, inisip ni Aladin na magkahawig ang
kanilang mga sitwasyon.

141 - Napansin din ni Aladin ang tikas ni Florante. Magkatulad silang dalawa.

142 - Nakahinga nang maluwag si Aladin nung makita niyang nagising si Florante.

Next: Habag sa Moro (Saknong 143 to 155)

Florante at Laura � Habag Sa Moro � Saknong 143 to 155 � Buod � Paliwanag


http://TrulyRichPinoy.com/tara presents F&L - Saknong 143 to 155 (Habag Sa Moro)

143 - Mahinang dumilat si Florante. HInahanap niya si Laura.

144 - Hiniling ni Florante na huwag siyang kalimutan ni Laura. Pumikit si Florante.


Si Aladin naman ay nanahimik.

145 - Ayaw ni Aladin na mabigla si Florante at baka ito tuluyang mamatay. Naghintay
muna si Aladin.
146 - Nang magising muli si Florante, nagulat siya na andun siya sa Moro. Sinubukan
ni Floranteng bumangon, ngunit hindi pa niya kaya. Galit siyang napahiga.

147 - Sinabi ni Aladin na ligtas si Florante, ang maging payapa siya.

148 - Inamin ni Aladin na kahit ayaw siya ni Florante, hindi niya kayang hayaang
mamatay si Florante.

149 - Nakita ni Aladin sa pananamit ni Florante na taga Albanya si Florante. Si


Aladin naman ay taga Persiya. Magkaaway ang dalawang kaharian. Ngunit sa ganung
kalagayan ni Florante, magkaibigan daw sila, sabi ni Aladin.

150 - Moro nga si Aladin, ngunit tao rin siya. Ramdam niya sa kanyang puso na sa
batas ng kalikasan, kailangang tulungan ang mga nahihirapan.

151 - Ano pa nga ba ang gagawin ni Aladin gayong narinig niya ang mga sigaw at iyak
ni Florante? Nakita rin siyang nakagapos at malapit nang sakmalin ng mga leon.

152 - Inamin ni Florante na kung hindi siya tinulungan ni Aladin, malamang andun na
siya sa loob ng mga leon.

153 - At naging payapa si Florante. Dahil alam niyang magkalaban ang mga taga
Albanya at Persiya, ngunit tinulungan pa rin siya ni Aladin.

154 - Sinabi ni Florante na hindi niya kailangan ang awa ni Aladin. Pero sana
pinatay na lang siya, kasi kamatayan ang hinahanap ni Florante.

155 - Nang marinig ito ni Aladin, sumigaw siya nang malakas, umiyak, at napaluhod.

Next: Paglingap ng Persyano (Saknong 156 to 171)

Florante at Laura � Paglingap ng Persyano � Saknong 156 to 171 � Buod � Paliwanag


http://TrulyRichPinoy.com/tara presents F&L - Saknong 156 to 171 (Paglingap ng
Persyano)

156 - Tahimik sina Aladin at Florante. Para silang hinimatay, hanggang lumubog ang
araw.

157 - Nang makita ni Aladin na papadilim na, binuhat niya si Florante at bumalik
siya sa pinanggalingan sa gubat.

158 - Inilapag ni Aladin si Florante dun sa isang malapad at malinis na bato.

159 - Sinubukan ni Aladin na pakaiinin si Florante. At kahit umayaw si Florante,


mahinahon niyang hikayatin siya na kumain.

160 - Nanghina si Florante (naawas) sa sobrang gutom (dayukdok). Tuloy, di


sinasadyang nakatulog sa sinapupunan (sa bandang puson.. between the lap and navel
or belly-button) ni Aladin.

161 - Magdamag natulog (nang mababaw) si Florante, habang si Aladin naman ay


magdamag hindi natulog. Nag-aalala kasi si Aladin na baka may lumapit na hayop at
kagatin si Florante.

162 - Pagising-gising si Florante at madalas siyang umungol. Bawat iyak niya ay


parang sumasaksak sa maawaing puso ni Aladin.

163 - Nung madaling araw, nung sobrang dilim pa, nakatulog nang husto si Florante.
Tahimik ang lahat, hanggang nagbukang liwayway (sunrise).

164 - Lumakas si Florante. Ano yung limang karamdaman? The 5 senses.


sense of sight: paningin
sense of smell: pangamoy
sense of taste: panlasa
sense of hearing: pandinig
sense of touch: pandamdam

165 - Kaya nung kumalat na ang sinag ng araw, dahan-dahang bumangon si Florante,
ang nagpasalamat sa Langit sa pagbalik ng lakas sa kanyang katawan.

166 - Tuwang-tuwa si Aladin, at niyakap niya si Florante. Kung noon ay lumuha si


Aladin dahil sa awa, ngayon ay lumuha siya sa tuwa (tears of joy).

167 - Hindi mailarawan nang sapat ni Balagtas ang pasasalamat ni Florante. Yun nga
lang, nang bumangon si Florante, naalala niya ang mahal niyang si Laura, at
naramdaman muli ni Florante ang matinding kalungkutan.

168 - Kapag nakapaghinga ka samantala mula sa sakit na dulot ng pag-ibig, kapag


bumalik yung sakit, higit na matindi pa. Doble pa yung sakit.

169 - Bago mahilom ng kasayahan ang sugatang puso ni Florante, umiral na naman ang
dating sakit. Parang kutsilyo na nakasaksak nang malalim sa puso ni Florante.

170 - Tinanggap ni Florante ang kanyang paghihirap, habang sabay niyang sinabi na
hindi na niya kaya ang pagkawalan ng kanyang minamahal. Sinubukan ni Aladain na
pagaanin ang kalooban ni Florante.

171 - Sabi ni Aladin kay Florante na nakita na ni Florante kung paano mag-alala sa
kanya si Aladin. Kaya huwag mag-alala si Florante at maghahanap ng solusyon si
Aladin.

Next: Uliran (Saknong 172 to 187)

Florante at Laura � Uliran � Saknong 172 to 187 � Buod � Paliwanag


http://TrulyRichPinoy.com/tara presents F&L - Saknong 172 to 187 (Uliran)

172 - Sabi ni Florante kay Aladin - hindi lamang dahilan ng sakit ng aking
damdamin, kundi pinagmumulan ng buhay ko mismo (tinutukoy ni Florante si Laura).

173 - Naupo yung dalawa sa ilalim ng puno. Ikinuwento ni Florante kay Aladin ang
kanyang buhay, mula umpisa hanggang sa punto na naging masama ang kanyang kapalaran
(naparool).

174 - Sinabi ni Florante na ipinanganak siya sa Albanya, sa isang dukado (dukedom)


o pamilya ng duke. Si Duke Briseo ang ama ni Florante.

175 - Ang ina ni Florante ay si Prinsesa Floresca.

176 - Pakiramdam ni Florante na kung ipinanganak siya sa Krotona (siyudad ng


kanyang ina), imbes na sa Albanya (bayan ng kanyang ama), sana ay naging mas masaya
si Florante.

177 - Ikinuwento ni Florante na ang kanyang ama na si Duke Briseo ay naging


tagapag-payo kay Haring Linceo, sa lahat ng bagay. Pangalawa siya. Siya rin ang
nagbibigay ng direksyon para sa bayan.

178 - Si Duke Briseo ay parang perpektong bersyon ng kabaitan sa Albanya.


PInakamatalino. Pinakamagiting. Pinakamapagmahal sa anak. Pinakamarunong mag-guide
at magturo ng anak.

179 - Naalala ni Florante kung paano siya tawagin nuon (nung munting bata pa siya)
ni Duke Briseo: Floranteng bulaklak kong natatangi o nag-iisa. (My one and only
special flower.)

NOTE: Hindi po natin mahulaan kung bakit bulaklak ang tingin ni Duke Briseo sa
kanyang anak. Dahila kaya sa kulay ng buhok ni Florante? Or dahil sobrang kinis ng
mukha ni Florante?

180 - Yun ang tawag kay Florante mula nung bata siya. Una niya itong narinig mula
sa kanyang mga magulang. Yun ang kanyang ambil / palayaw / nickname. At ngayon na
siya'y naghihirap, parang naririnig niyang may tumatawag sa kanya gamit ang palayaw
na ito.

181 - Sinabi rin ni Florante na nung bata pa siya, muntik siyang nadagit (na-
snatch) ng isang buwitre (vulture) o ibong kumakain ng mga patay o malapit nang
mamatay na mga hayop.

182 - Ikinuwento daw sa kanya (Florante) ng kanyang ina na nung tulog ang munting
si Florante dun sa malaking bahay na kinta (or villa, in English, quinta in
Spanish) nila sa bundok, may pumasok na ibon. Yung buwitre ay may sensitibong pang-
amoy. Kaya nitong amuyin ang patay na hayop mula tatlong legwas (leagues). Ang
distansiya ng is legwas ay tatlong milya (miles) or 4.828 kilometros.

183 - Sumigaw si Prinsesa Floresca, at na-alerto ang pinsan ni Florante na si


Menalipo na taga Epiro (Epirus - isang rehiyon sa hilagang kanluran ng Gresya o
northwestern Greece - nakadikit ito sa Albanya). Pinana ni Menalipo (Minelipus) ang
buwitre. Agad namatay yung ibon.

184 - Sa ibang pagkakataon naman, bago pa lamang natutong maglakad nang mag-isa si
Florante dun sa gitna ng salas, may dumating arko (ibong falcon) at inagaw nito ang
kupidong diamante (hearts and arrows diamond cut) na nasa dibdib ni Florante.

NOTE: The Hearts and Arrows Diamong Cut involves precision cutting. It is
symmetrical.

185 - Nung si Florante'y siyam na taong gulang, madalas siyang gumala at maglaro sa
burol (hill). Pinapana niya ang mga ibon.

186 - Tuwing umaga, nung bagong labas palang ng araw, andun na si Florante sa tabi
ng gubat, kasama ang kanyang mga alagad.

187 - At hanggang tumaas na ang sikat ng araw (Febo - Phoebus - sun god), malamang
tanghaling tapat, andun si Florante sa parang (fields).

Next: Laki sa Layaw (Saknong 188 to 205)

Florante at Laura � Laki sa Layaw � Saknong 188 to 205 � Buod � Paliwanag


http://TrulyRichPinoy.com/tara presents F&L - Saknong 188 to 205 (Laki sa Layaw)

188 - PInaglalaruan ni Florante ang mga bulaklak (ito kaya ang dahilan kung bakit
tinatawag siya ng kanyang ama na Florante, bugtong na bulaklak?). May laruang
siyang pulad (quiver of the arrow), o yung balahibo ng manok o ibon na inilalagay
sa hindi matulis na dulo ng isang pana, upang magiya o madiretso ang paglipad nito.

Hindi po natin maunawaan pa sa ngayon kung bakit ni inaaglahi ang laruang pulad.
Ang pag-aglahi kasi ay yung pagsira sa isa, at pati na ring pagdamay sa buong lahi
nung isang yun.

Siguro yung inaglahi ni Florante ay yung isang ibon/manok na ang balahibo ay nasa
pulad, at pati na rin yung buong lahi o angkan ng mga ibon/manok.

Pati yung mga ibong lumilipad sa hanging amihan (the wet south wind) ay hinahabol
ni Florante.

189 - Kapag may nakitang hayop si Florante duon sa kalapit na bundok, papanain niya
ito. Isang tira lang, tinatamaan na. Ganuon katindi at kalinaw ang mata ni
Florante.

190 - Mag-uunahan ang mga kasamahan ni Florante para kunin yung napatay na hayop.
Sa sobrang tuwa, hindi nila pinapansin ang mga matatalas na tinik sa dinaraanan
nila.

191 - Naaaliw si Florante sa kapapanuod sa kanila. Pa-ekis-ekis nagtatakbuhan yung


mga kasama ni Florante sa damuhan. At kapag nakita na nila yung patay na hayop,
sigawan sa tuwa!

192 - Kapag nagsawa na si Florante sa laruan niyang busog (bow... as in bow and
arrow), uupo sila sa tabi ng bukal (batis or spring), titingnan ang sariling
repleksiyon, at kukunin ang lamig ng tubig.

193 - Dito sa tabi ng tubig, pakikinggan ni Florante ang mga Nayadas (Naiads -
female water spirit). Kapag tumugtog ng lira (lyre) ang mga Nayadas, matatanggal
ang kalungkutan sa iyong dibdib.

194 - Pati mga ibon, lumalapit sa mga kumakanta at nagtatawanang mga Ninfas (nymph
- nature goddess).

195 - Duon sa sanga ng kahoy na duklay (pinakamataas ng punong-kahoy) nagpupuntahan


ang mga ibong upang makinig sa mga nag-aawitang mga Ninfas.

Ang mahal na batis ng iginagalang na bulag na hentil ay malamang yung batis na


binanggit sa Bibliya - John, Chapter 9.

Sa "Pool of Siloam" gumawa ng milagro si Hesukristo, kung saan naglagay siya ng


putik sa mga mata ng isang bulag, at ito'y nakakita muli.

Sa palagay ng iba, dito rin sa "Pool of Siloam" itinaguyod ni Hadrian ang paganong
dambana ng Apat na mga Ninfas (pagan Shrine of the Four Nymphs) nuong 135 AD.

(Saan kaya ito nabasa ni Balagtas? Bakit niya alam ang ganitong kasaysayan? Kakaiba
siya talaga!)

196 - Hindi nagtagal ang saya ni Florante sa lugar na yun. Dahil mahal siya ng
kanyang ama, inutusan siyang umalis.

197 - Kapag panay kasiyahan lang ang nararanasan ng isang bata, magiging mahina ito
paglaki nito.

Kung lumaki'y walang hihinting ginhawa = Walang kahihinatnan. Walang sasapitin.


Walang darating na ginhawa sa buhay mo, kung nuong bata ka ay nababad ka lang sa
kasiyahan at di ka man lang nakaranas ng mga pagsubok sa buhay.

198 - Mundo ito ng kahirapan. Kaya bawat tao ay dapat matutong patibayin ang
kalooban. Kapag hindi natutong magtiis, paano haharapin ang mga pagkakataong
malupit ang trato sayo ng mundo?

199 - Ang taong sanay sa masarap na buhay ay ubod ng selan. Hindi niya kayang
bathin o tiisin yung hilahil, kahirapan, o gulo. Wala pa ngan dumarating, nasa
imahinasyon palang yung problema, ayun... bagsak na.

200 - Katulad ng halamang palaging dinidiligan, kapag may sandaling init at hindi
nadiligan agad, ayun... nalalanta na. Ganun din ang pusong nasanay lamang sa tuwa.

201 - Kaunting hirap lang, pinapalaki na kaagad. Ganun ang dibdib na hindi marunong
magbata o magtiis. May kaunting pagbabago lang sa mundo, kisapmata o sandali palang
ay malaking pagdurusa na.

(Nahihirapan ka ba sa Florante at Laura? Kumusta ang dibdib mo? Mabilis ka bang


tumiklop? O kaya mo bang lumaban? Paiter, bai!)

202 - Ang batang pinalaki sa saya at madaling pamumuhay, may something ang pag-
iisip. Minsan nga, parang hindi na nag-iisip. Walang sariling bait. Mali ang pag-
alaga ng mga magulang. Akala nila pagmamahal yung ipinakita nila sa anak nila.
Ngunit mali. Kaya ayun ang masaklap na resulta: walang kwentang anak.

(Mabuti na lang at pinag-aaralan mo itong Florante at Laura. May pag-asa kang gawin
ang dapat gawin, upang gumanda ang kinabukasan mo at ng iyong pamilya.)

203 - Ang pagmamahal ng ibang magulang ay mali o baluktot. Tuloy, napasama ang
kalagayan nung bata. Posible rin na tamad lamang ang magulang, at naging pabaya.

204 - Ang mga bagay nito ay itinuro ni Duke Briseo sa kanyang anak na si Florante.
At kahit umiyak si Prinsesa Floresca, pinadala pa rin si Florante sa malayong lugar
ng Atenas upang mag-aral at maging mulat.

205 - Nalungkot nang matindi nang dumating si Florante sa Atenas (Athens). Ang
naging mabait na guro niya duon ay si Antenor. Si Antenor ay lahi ni Pitaco
(Pittacus of Mytilene - considered as one of the Seven Sages of Greece).

Also see these Other Notes:

188 to 192 (Laki Sa Layaw Part 1)

Florante at Laura � Hiram na Bait � Saknong 206 to 223 � Buod � Paliwanag


http://TrulyRichPinoy.com/tara presents F&L - Saknong 206 to 223 (Hiram na Bait)

206 - Halos isang buwan hindi makakain si Florante, dala ng matinding kalungkutan.

207 - Kaklase ni Florante si Adolfo, anak ni Konde Silenus.

208 - 11 taong gulang si Florante. Si Adolfo ay 13. Si Adolfo ang pinakamatalino sa


klase, at tinitingalaan siya ng madla.

209 - Mabait si Adolfo. Mahinahon. Hindi nakikipag-away. Hindi mayabang.

210 - Si Adolfo ang huwaran o model student.

211 - Hindi maarok ng kanilang guro ang mga sikretong nilalaman ng puso ni Adolfo.

212 - Itinuro ng ama kay Florante na ang talino ay kailangan maging magpakumbaba.

213 - Nagtaka ang mga kaklase ni Florante kung bakit hindi natutuwa si Florante sa
asal ni Adolfo.

214 - Hindi maintindihan ni Florante kung bakit niya iniiwasan si Adolfo.

215 - Sa mga nadgaang araw, lalung tumalino si Florante.

216 - Pinag-aralan ni Florante ang pilosopiya, astrolohiya, at matematika.

217 - Sa loob ng anim na taon, naging dalubhasa si Florante sa mga tatlong dunong
na yun.

218 - Parang milagro, nahigitan ni Florante ang talino ni Adolfo.

219 - Si Florante na ang naging sikat sa Atenas.

220 - Nabuking ang pagbabalat-kayo ni Adolfo. Hindi pala siya talagang mabait.

221 - Nahalat ng madla na peke pala ang pagiging mahinahon ni Adolfo.

222 - Nakita ang katotohanan nung oras ng paghahanda ng mga bata sa kanilang
paligsahan.

223 - Nagsimula sila sa awitan, kantahan, at pati na rin sa arnis.

Next: Pamatid-Buhay (Saknong 224 to 241)

How To Invest In The Philippine Stock Market

Florante at Laura � Pamatid-Buhay � Saknong 224 to 241 � Buod � Paliwanag


http://TrulyRichPinoy.com/tara presents F&L - Saknong 224 to 241 (Pamatid-Buhay)

224 - Isinadula nila Florante ang "The Odyssey" - ito yung kwento ni Oedipus.
Napangasawa niya ang sarili niyang ina na si Reynang Yocasta.

225 - Gumanap si Florante bilang Eteocles, anak ni Oedipus (ang ina ni Eteocles ay
di malaman kung si Jocasta o Euryganeia). Si Adolfo ay gumanap bilang Polyneices.
Si Menander naman ay gumanap bilang Reyna Yocasta.

226 - Sa eksena, kikilalanin ni Florante si Adolfo bilang kapatid (anak ni


Oedipus).

227 - Bumigkas si Adolfo ng mga galit na salita na wala naman sa iskrip.

228 - Sumugod si Adolfo kay Florante. Tatlong beses siyang sinubukang tagain.

229 - Nahulog si Florante. Mabuti na lang at tinulungan siya ni Menander.

230 - Sinangga ni Menander yung tama na sana ay papatay kay Florante, at tumalsik
yung kalis ni Adolfo.

231 - Kinabukasan, pinabalik si Adolfo sa Albanya.

232 - Nanatili si Florante sa Atenas ng isa pang taon. Hinintay niya ang utos na
kanyang ama na umuwi na. Ang kaso, may dumating na liham.

233 - Gumulo ang isip ni Florante nang mabasa yung masakit na liham.

234 - Nalaman ni Florante na namatay na ang kanyang ina.


235 - Iyon ang unang napakatinding sakit sa buhay ni Florante -- ang pagkawalan ng
isang ina.

236 - Nagulat si Florante na sinulatan siya ng ama niya nang ganun.

237 - Dalawang oras nawalan ng malay si Florante. Hindi siya makapagsalita. Hindi
niya alam kung nasaan siya. Mabuti na lang at inalagaan siya ng kanyang mga
kaklase.

238 - Nang magkamalay si Florante, anduon pa rin yung sakit. Iyak siya nang iyak.

239 - Pakiramdam ni Florante nag-iisa lang siya sa mundo.

240 - HIndi nakatulong ang mga mahinahong mga salita ng kanyang guro. Masyado
siyang nagdadalamhati. Kahit mga luha ng pakikiramay ng kanyang mga kaklase ay
hindi nagpagaan ng kanyang loob.

241 - Marahas ang kalungkutan. Nawala kay Florante ang sensibilidad.

Next: Bilin Ko'y Tandaan (Saknong 242 to 257)

Florante at Laura � Bilin Ko�y Tandaan � Saknong 242 to 257 � Buod � Paliwanag
http://TrulyRichPinoy.com/tara presents F&L - Saknong 242 to 257 (Bilin Ko'y
Tandaan)

242 - Sa sobrang sakit, ninais ni Florante na sumabog ang kanyang puso.

243 - Dalawang buwan nagdalamhati si Florante, hanggang dumating ang pangalawang


liham ng kanyang ama.

244 - Ayon sa liham, pinapauwi na si Florante sa Albanya.

245 - Sabi ng guro ni Florante na mag-ingat siya kay Konde Adolfo.

246 - Pinaaalahanan niya si Florante na lihim na kaaway si Konde Adolfo.

247 - Naghanda nang palihim si Florante para sa araw ng digmaan.

248 - Naluha ang guro at niyakap niya ng mahigpit si Florante dahil alam niya na
papalapit na ang mahirap na pagsubok.

249 - Aniya ngayon na raw ang simula ng matinding pagsubok sa buhay ni Florante.
Tapos bigla niyang hininto ang pananalita.

250 - Malungkot si Menander, ang kaibigan ni Florante.

251 - Nagyakapan sina Florante at Menander. Pinayagan ng tiyo ni Menander (na guro
din ni Florante), na ihatid ni Menander si Florante.

252 - Nagpaalam at nag-iyakan yung dalawang magkaibigan.

253 - Dun sila sa daungan pumunta. Pumalaot ang kanilang sasakyan mula sa Atenas.

254 - Mabilis ang byahe papuntang Albanya.

255 - Agad pumunta si Florante sa kinta (cottage). Naalala niya ang kanyang yumaong
ina, at siya's nalungkot. Nagmano si Menander sa ama ni Florante.

256 - Sinabi ni Florante "Ay, ama!" at sinabi ng kanyang ama "Ay, anak!"
257 - Naabutan ng ambasador ng Krotona ang magkayakap na mag-ama.

Next: Dakilang Pagpapakasakit (Saknong 258 to 273)

Florante at Laura � Dakilang Pagpapakasakit � Saknong 258 to 273 � Buod � Paliwanag


http://TrulyRichPinoy.com/tara presents F&L - Saknong 258 to 273 (Dakilang
Pagpapakasakit)

258 - Dala ng ambasador ng Krotona ang isang liham para kay Duke Briseo, ama ni
Florante. Ang hari ng Krotona ay biyenan (father-in-law) ni Duke Briseo.

259 - Nanganganib ang Krotona at humihingi sila ng tulong. Pinaliligiran kasi ang
Krotona ng hukbo ni Heneral Osmalik na taga Persiya.

260 - Kwento ni Florante: "Ayon sa mga balita, si Heneral Osmalik ay pangalawa sa


tanyag at sikat na Aladin, isang gerero (warrior) na kinatatakutan ng maraming
gerero, at hinahangaan ko."

261 - Napangiti si Aladin sa kwento ni Florante. Mahinahon niyang sinabi na bihira


namang tama o buo ang mga bali-balita, at kahit na totoo ang balita, maraming
nadadagdag sa pag kwento."

262 - Sinabi rin ni Aladin kay Florante na ang katapangan ay napapalaki sa isip ng
isang kinakabahang kalaban. Ang habang nananalo ang isang gerero, lalong tumitindi
ang pagkwento ng iba tungkol sa kagalingan nito, kaya lalo siyang iniilagan o
iniiwasan ng ibang mga manlalaban.

263 - Pinaaalahan din ni Aladin si Florante na kung naging sikat ang matapang na si
Aladin, tandaan din ni Florante na may pagkakataong muntik nang mamatay si Aladin.
Hindi rin magtatagal ay malalaman ni Florante na pantay din silang dalawa ni Aladin
sa kamalasan at sakit.

264 - Sinabi ni Florante kay Aladin na sana hindi maranasan ni Aladin ang
kasamaang-palad ni Florante. Ayaw niyang maranasan ninuman ang kanyang sinapit.
Kahit sa mga kalaban ni Florante, ayaw niyang maranasan nila ang dusa ni Florante.

265 - Nagpatuloy sa kwento si Florante... Nang malaman ni Duke Briseo ang banta sa
Krotona, sinama niya si Florante kay Haring Linceo. Nakasuot sila ng pandigma.

266 - Bago pa sila makaakyat sa hagdan ng palasyo, sinalubong na ni Haring Linceo


yung dalawa. Niyakap niya si Duke Briseo, at kinamayan niya si Florante.

267 - Sinabi ni Haring Linceo kay Duke Briseo na kamukha ni Florante yung gererong
nasa panaginip ng hari, na siyang magtatanggol sa kaharian.

268 - Tinanong ng hari kung sino yung binata, at kung taga-saan siya. Sinabi ni
Duke Briseo na anak niya si Florante.

269 - Namangha si Haring Linceo. Niyakap niya si Florante, at ginawa siyang Heneral
ng hukbo na tutulong sa Krotona.

270 - Sabi ng Haring Linceo kay Florante - Patunayan mo na ikaw ang matapang na
gerero sa aking panaginip, na magsasabi sa buong mundo ng kapurihan at
kapangyarihan ng Haring Linceo.

271 - Pinaliwanag ni Haring Linceo na ang hari ng Krotona ay nuno (ancestor) ni


Florante. Kaya may dugong bughaw si Florante (royal blood), at kailangan niyang
makamit ang dangal at bunyi (honor and glory) sa giyera.
272 - Dahil tama nga naman ang sinabi ni Haring Linceo, pumayag si Duke Briseo
(kahit masakit sa kanyang kalooban), na ipadala si Florante sa giyera, kasi
napakabata pa nito, at kahit hindi pa siya dalubhasa sa patayan.

273 - Walang magawa si Florante kundi sabihin ang Haring poo't (My Lord, My King)
habang dumapa siya sa paanan ng hari. Hahalikan na niya sana ang mga paa ng hari,
ngunit itinindig ng hari si Florante at muling niyakap.

Next: Kagandahang Makalangit (Saknong 274 to 289)

Florante at Laura � Kagandahang Makalangit � Saknong 274 to 289 � Buod � Paliwanag


http://TrulyRichPinoy.com/tara presents F&L - Saknong 274 to 289 (Kagandahang
Makalangit)

274 - Makikipagkwentuhan si Florante tungkol sa naging buhay niya sa Atenas.

275 - Biglang may nakita si Florante na napakagandang babae.

276 - Pakiramdan ni Florante nasa langit siya.

277 - Ang mukha ni Laura ay parang maliwanag na mukha ni Febo (Phoebus - god of the
sun)

278 - Ang taong hindi matutuwa kay Laura ay walang buhay ng bangkay, o kaya'y
mahina ang ulo.

279 - Siya si Laura. Hindi makapagsalita si Florante. At minsa'y naluluha. Parang


itsura ni Robert nung nagma-martsa na si Lea. O ni Richard, nung papalapit na si
Maricar.

280 - Si Laura ay anak ni Haring Linceo.

281 - Nagbago na ang buhay ni Florante. Hindi na ito maibabalik sa dati ngayon at
nakita na niya si Laura.

282 - Hindi magtataksil si Laura, sabi ni Florante sa kanyang kaibigan.

283 - Hindi raw kayang magtaksil ang isang taong napakaganda.

284 - Kung ikaw ay nasa dagat at ika'y natukso ng pagtataksil, ano ang gagawin mo
kapag ang iyong dangal ay nanaig sa pagkawalan ng kagandahan?

285 - Hindi raw papayag ang karangalan na gumawa ng masama.

286 - Sinabi ni Florante kay Aladin na nung makita niya si Laura, nabuhay ang puso
sa kanyang puso. Pati yung bahagi ng puso ni Florante na para sa kanyang ina,
nakuha na rin ng pag-ibig.

287 - Habang naluluha si Florante sa pagkawalan ng kanyang ina, na-guilty si


Florante -- baka hindi siya karapat-dapat sa kagandahan ni Laura.

288 - Hindi na makapag-isip nang tuwid si Florante.

289 - Nagdeliryo na ang puso ni Florante, gayong natikman na niya kung paano
masunog ng pag-ibig ang kanyang puso.

Next: Luha ng Pagmamahal (Saknong 290 to 305)


Florante at Laura � Luha ng Pagmamahal � Saknong 290 to 305 � Buod � Paliwanag
http://TrulyRichPinoy.com/tara presents F&L - Saknong 290 to 305 (Luha ng
Pagmamahal)

290 - Nilibre sila ng hari nang tatlong araw. Pero hindi man lang tiningnan ni
Florante si Laura.

291 - Mas matindi pa ang sakit dulot ng pag-ibig, kaysa sa sakit dala ng lungkot sa
pagkawalan ng ina.

292 - Sinuwerte si Florante ang nagkaroon siya ng ilang sandali kasama ni Laura,
nung araw bago tumungo sa Krotona ang hukbo.

293 - Sinabi ni Florante kay Laura na iniibig niya si Laura. May kasama pang iyak
at buntong-hininga.

294 - Parang bibigay na ang matibay na puso ni Laura. Pero nanaig pa rin ang
kaisipan ni Laura.

295 - Wala siyang sinabi kay Florante. Ngunit may isang patak ng luha na bumagsak
mula sa kanyang mata.

296 - Kinabukasan, aalis na si Florante. Masakit ang kanyang kalooban. Konsuelo na


lang niya na hindi nasasaktan gaano ang puso niya sa ala-ala ng kanyang yumaong
ina.

297 - Ano pa raw ang mas masakit pa kaysa sakit dulot ng pagkahiwalay sa taong
minamahal.

298 - Nag-alay ng mabangong suob (incense) sa altar ni Kupido, at sana madinig niya
ang lungkot at pangungulila ni Florante kay Laura.

299 - At kung hindi pumatak yung isang luha ni Laura, namatay na sa si Florante
bago makaramdam ng matinding sakit, hanggang sa umabot sila sa bakbakan sa Krotona.

300 - Halos bibigay na ang mga pader ng kaharian, nang inatake ni Florante ang mga
pwersa na nakapaligid sa siyudad.

301 - Matindi ang labanan. Dumanak ang dugo. Ang mga diyosa ng kamatayan ay napagod
sa pagkuha ng mga nangamatay.

302 - Pinanood ni Heneral Osmalik (Moro) kung paano pinatay ni Florante ang pitong
hanay ng mga tropa ng mga Moro.

303 - Sa kaliwa at kanan ni Heneral Osmalik namatay ang mga katropa ni Florante.
Hinamon ni Heneral Osmalik si Florante.

304 - Limang oras silang naglaban. Napagod siya. Pinatay siya ni Florante.

305 - Natakot ang mga Moro sa bangis ng tabak ni Menander. Nakuha muli nina
Florante ang kampo. Nanalo sila!

Next: Bayani ng Krotona (Saknong 306 to 313)

Florante at Laura � Bayani ng Krotona � Saknong 306 to 313 � Buod � Paliwanag


http://TrulyRichPinoy.com/tara presents F&L - Saknong 306 to 313 (Bayani ng
Krotona)

306 - Natakot yung mga kalaban ni Florante dahil sumagupa ang mga pwersa ni
Minandro. Nabawi nila ang kampo. Buo ang kanilang pagkapanalo.

307 - Nawala ang takot mula sa mga dating natatakot sa kamatayan. Binuksan ng
siyudad ang mga pinto nito.

308 - Nagkandarapa ang mga taumbayan kay Florante. Nilapitan nila si Florante para
halikan ang kanyang mga damit.

309 - Sumigaw ang mga tao ng Mabuhay! at Salaat sa nagtanggol sa amin!

310 - Lalung natuwa ang mga tao ng Krotona nang malaman nila na ang pagtanggol nila
na si Florante ay apo pala ng kanilang hari. Umiyak nang umiyak sa tuwa ang hari.

311 - Umakyat sila sa palasyo. Nagpahinga ang mga sundalo, pero tila hindi natulog
ang bayan ng tatlong araw.

312 - Ngunit sa kabila ng kasiyahan, naramdaman muli ni Florante ang sakit ng


pangungulila sa yumao niyang ina.

313 - Dito niya nalaman na kailanma'y hindi mabubuo ang kaligayahan. Laging kasunod
ng kaunting ligaya ang higit na kalungkutan. Makapitong = Times 7.

Next: Pangingimbulo � Ugat ng Kataksilan (Saknong 314 to 329)

lorante at Laura � Pangingimbulo � Ugat ng Kataksilan � Saknong 314 to 329 � Buod �


Paliwanag
http://TrulyRichPinoy.com/tara presents F&L - Saknong 314 to 329 (Pangingimbulo �
Ugat ng Kataksilan)

314 - Limang buwan nanatili si Florante sa Krotona. Gusto na niyang bumalik sa


Albanya. Gusto na niyang makita si Laura.

315 - Nagmartsa sila papuntang Albanya. Gusto ni Florante sanag lumipad na parang
ibon. Nung makita niya ang mga moog (forts) ng siyudad, bumilis ang kabog sa
kanyang dibdib.

316 - Imbes na bandera ng Kristiyano ang nakita ni Florante, bandila ng Persiya ang
nakita niya (Medialuna = Crescent moon). Sinakop ni Aladin yung siyudad.

317 - PInahinto ni Florante ang kanyang hukbo dun sa paa ng isang bundok. May
nakita silang mga Moro na nagma-martsa.

318 - May kasama silang babaeng nakatali ang mga kamay. Siguro papunta sila sa
lugar kung saan pupugatan ng ulo ang babae.

319 - Sa galit, biglang nilusob ni Florante ang Morong malapit sa babae. Tumakbo
ang Moro.

320 - Inalis ni Florante ang takip sa mukha ng babae. Si Laura pala!

321 - Pupugutan sana si Laura dahil nung nilapitan siya ng bastos na emir ng mga
Persiyano, sinampal ni Laura ito. Pinatawan si Laura ng parusang kamatayan.

322 - Inalis ni Florante ang mga tali na nakapulupot sa mga kamay ni Laura.
Iningatan ni Florante na huwag niya mahawakan ang balat ni Laura.

323 - Saka nakita ni Florante yung tingin ni Laura. Isang tingin na naghilom sa
naghihirap na puso ni Florante. Narinig pa niya si Laura na nagsabing - Florante,
mahal ko..
(Tandaan natin: Nung nagpahayag dati si Florante kay Laura na mahal niya ito,
walang sinabi si Laura. Parang na friend zone lang. Pero nung panahon na yun,
pumatak ang isang luha ni Laura, kaya nung panahon na yun, hindi naman inisip ni
Florante na na friend zone siya.)

324 - Nalaman ni Florante mula kay Laura na binihag ng mga Moro si Haring Linceo
(ama ni Laura) at si Duke Briseo (ama ni Florante). Inutos ni Florante na lusubin
ng hukbo ang Albanya at bawiin ito mula sa mga Persiyano.

325 - Pagkapasok sa kaharian ng Albanya, dumiretso si Florante sa bilangguan at


pinalaya niya ang hari, at ang duke (na ama ni Florante). At dahil maginoo
(gentleman) si Florante, pinalaya din niya si Adolfo.

326 - Masaya ang lahat, maliban kay Adolfo. Nainggit kasi si Adolfo sa dami ng puri
na natanggap ni Florante.

327 - Nainsulto si Adolfo nung tinawag si Florante na tagapagtanggol ng siyudad, at


nagdiwang (nag celebrate) pa ang hari sa palasyo dahil tuwang-tuwa ito kay
Florante.

328 - Gustong pakasalan ni Adolfo si Laura dahil gustung-gusto ni Adolfo na makuha


ang korona ng kaharian ng Albanya. Nahalata ni Adolfo na mahal pala ni Laura si
Florante. (Syempre, nainggit na naman ito.)

329 - Nag-isip na ng maitim na balak si Adolfo laban kay Florante. Alam ni Florante
na gagawin ni Adolfo ang lahat, kahit ang pagpatay kay Florante.

Next: Mariing Hampas ng Langit sa Bayan (Saknong 330 to 346)

Florante at Laura � Mariing Hampas ng Langit sa Bayan � Saknong 330 to 346 � Buod �
Paliwanag
http://TrulyRichPinoy.com/tara presents F&L - Saknong 330 to 346 (Mariing Hampas ng
Langit sa Bayan)

330 - Hindi nagtagal, huminto ang pagdiwang at pasasalamat para sa kalayaan. May
sumalakay naman na hukbo mula sa Turkiya (Turkey).

331 - Nag-iyakan ang maraming tao. Natakot si Laura dahil nag-alala siya na baka
mapatay si Florante sa bagong giyera na ito.

332 - Iniatas ng hari na si Florante ang magiging heneral laban sa mga Moro.
Tumibay ang loob ng taumbayan. Ngunit hindi natuwa ang inggiterong si Adolfo.

333 - Hinayaan ng Langit na manalo si Florante laban kay Miramolin, isang Morong
matagal nang kinatatakutan ng Albanya.

334 - May dumating na marami pang ibang digmaan, at nanalo palagi si Florante. 17
na hari ang gumalang sa kanya.

335 - Isang araw, kagagaling lang ni Florante mula sa isang digmaan sa Etolia
(Aetolia is a mountainous region of Greece), nakatanggap siya ng liham mula kay
Haring Linceo. May kautusang bumalik na siya sa Albanya.

336 - Inilipat ni Florante kay Minandro ang pamamahala ng kanilang hukbo sa Etolia.
Dali-daling umalis si Florante mula sa Etolia, biglang pagsunod sa utos ng Hari ng
Albanya.

337 - Madilim nung pumasok si Florante sa Albanya. Wala siyang inisip na masama.
Payapa ang kalooban niya.

Kaya laking gulat na lang niya nung makita niya na pinaligiran siya ng 30,000 na
mga sundalo!

338 - Hindi man lang nagkataon si Florante na ilabas ang kanyang kalis at manlaban.
Agad siyang ginapusan (tinali) at inilagay sa isang bilangguan.

339 - Nagulat at nalungkot si Florante nung malaman niya na si Konde Adolfo ang
pumatay kay Haring Linceo at kay Duke Briseo (ama ni Florante).

340 - Uhaw sa kasikatan si Adolfo. Gusto rin niya ng kayamanan. At lalo din niyang
gustong mamatay na si Florante. Pumasok ang lahat ng ito sa puso ni Konde Adolfo,
kaya nagawa niyang magsukab (o magtaksil).

Napakarawal, napadawal, napakasama ng nangyari sa Albanya!

341 - (Kausap ni Florante ang Albanya) - Lalu pang naging kaawa-awa ang Albanya sa
ilalim ng isang lider na hangal at masama. Ang haring mahilig sa yaman ay parang
parusa ng Langit sa bayan.

342 - Sinabi rin ni Florante na lalu pa siyang minalas, dahil nalinlang o naloko
siya ng pag-ibig. Narinig kasi ni Florante na nangako na si Laura na magpakasal dun
sa balawis o taksil o mapagkunwaring Konde Adolfo.

343 - Dahil sa nalaman ito ni Florante, lalong kumalat ang sama ng loob sa kanyang
buong katauhan. Gusto na niyang mamatay. Gusto na niyang bumalik sa umpisa. Yung
umpisa na wala siya. Gusto niyang bumalik sa araw bago siya ipinanganak.

344 - 18 na araw siyang nasa bilangguan. Nainip si Florante at hindi pa siya


namatay. Gabi nung kinuha siya sa kulungan, dinala sa gubat, at ipinugal o itinali
duon sa puno. (Tandaan: Kinukuwentuhan ni Florante ni Aladin.)

345 - Dalawang araw inikot ni Febo (Phoebus, god of the sun) ang mundo mula nung
itinali si Florante sa puno. Akala ni Florante nasa ibang mundo na siya, ngunit
nang idilat niya ang kanyang mga mata, ayun siya sa kandungan ni Aladin.

346 - Sinabi ni Florante na ayun ang naging buhay niya na silo-silo (o parang
nakatali ng lubid na dobleng paikot) ng sakit. At hanggang sa puntong iyon, hindi
pa rin alam ni Florante kung paano magwawakas ang lahat. Dito nagtapos ang mahabang
kwento ni Florante, at si Aladin naman ang naghandang magsimula na tungkol sa
sarili niya.

Next: Bakit, Ama Ko? (Saknong 347 to 360)

Florante at Laura � Bakit, Ama Ko? � Saknong 347 to 360 � Buod � Paliwanag
http://TrulyRichPinoy.com/tara presents F&L - Saknong 347 to 360 (Bakit, Ama Ko?)

347 - Nagpakilala kay Florante si Aladin mula sa Persiya, anak ni Sultan Ali-Adib.

348 - Sinusubukan ni Aladin na ikwento ang tungkol kay Flerida at ang kanyang ama.
Ngunit naunahan na siya ng mga luha.

349 - NIyaya ni Aladin na pareho nilang hintayin ni Florante sa gubat ang katapusan
ng kanilang mga kapuspalad na mga buhay.

350 - Hinayaan ni Florante na magkwento si Aladin. Hindi niya ikinuwento ang sarili
niyang buhay. Limang buwan silang pumirme duon sa gubat.
351 - Gumala sila sa gubat. Sinumulan ni Aladin ang mga detalye ng kanyang buhay.

352 - Nakaranas si Aladin ng maraming mga giyera, ngunit nahirapan siya ng lubos
kay Flerida.

353 - Inihambing ni Aladin si Prinsesa Flerida kay Diana, diyosa ng mga mangangaso
(hunters). Inihambing din siya sa mga houri, o mga magagandang mga birheng
makakasama ng mga Muslim sa paraiso (heavenly virgins).

354 - Sinuwerte si Aladin at ang kanyang masusing panliligaw ay nagtagumpay, at


sila ni Flerida ay nag-ibigan. Yun nga lang, pumasok na sa eksena ang ama ni
Aladin.

355 - Duon nagsimula ang paghihirap ng loob ni Aladin. At kahit naging tagumpay
siya sa giyera sa Albania, umuwi siya sa Persiya na parang bilanggo.

356 - Ang kasalanan raw niya ay iniwan niya ang mga tropa na walang pahintulot ng
kanyang ama. At dahil nabawi ni Florante ang kaharian ng Albania, kailangang
pugutan si Aladin.

357 - Nung bisperas o gabi bago ang araw ng pagpupugot, may dumating na heneral sa
kulungan ni Aladin. May dala siyang balita na higit pang masaklap kaysa sa
kamatayan.

358 - Oo nga, hindi na pupugutan ng ulo si Aladin. Ngunit kailangan siyang umalis
sa Persiya bago sumikat ang araw.

359 - Para kay Aladin, mas gugustuhin pa niyang mapugutan, kaysa mabuhay nang alam
niyang kapiling mahal niyang si Flerida ang ibang tao.

360 - Anim na taon nang palabuy-laboy si Aladin. Bigla siyang napahinto sa


pagkwento, dahil may narinig siyang mga boses sa gubat.

Next: Sa Ngalan ng Pag-Ibig (Saknong 361 to 372)

Florante at Laura � Sa Ngalan ng Pag-Ibig � Saknong 361 to 372 � Buod � Paliwanag


http://TrulyRichPinoy.com/tara presents F&L - Saknong 361 to 372 (Sa Ngalan ng Pag-
Ibig)

361 - Narinig ni Florante at ni Aladin ang tinig ng babaeng nagkukwento... "Nung


nalaman ko na pupugutan ng ulo ang mahal kong nasa bilangguan, dumapa ako sa paanan
ng masamang hari (sultan)."

362 - Lumuha, dumaing, at humingi ng tawad si Flerida para sa minamahal niyang anak
ng sultan. Sinabi ng sultan na kung hindi tatanggapin ni Flerida ang pagmamahal ng
sultan, hindi patatawarin ng sultan ang anak niyang si Aladin.

363 - Ano ang gagawin ni Flerida? Hahayaan na lang ba niyang mamatay ang mahal
niya? Pumayag si Flerida sa kagustuhan ng sultan, para mabuhay ang mahal niya si
Aladin na kahambal-hambal o kaawa-awa.

364 - Kahit matibay at matigas ang puso ni Flerida, tumiklop ito at bumigay para
lamang mailigtas ang buhay ng kanyang minamahal.

365 - Natuwa ang haring sultan. Pinakawalan niya si Aladin. Yun nga lang, ang utos
ay dapat umalis si Aladin mula sa Persiya.

366 - Pumanaw/umalis si Aladin sa Persiya na hindi man lang sila ni Flerida


nakapagpaalam sa isa't isa. Matindi ang pagdurusa ni Flerida. Di niya kayang ilabas
ang higit na maraming luha pa na katumbas ng paghihirap na dinadala niya. Naubos na
ang kanyang mga luha, ngunit ang sakit pa rin ng kanyang damdamin.

367 - Naghanda ang kaharian ng Persiya para sa kasal ni Flerida at ng sultan.


Naisip ni Flerida na magsuot ng damit ng sundalo at tumakas mula sa palasyo.

368 - Isang madilim na gabi, tumakas si Flerida. Dumaan siya sa bintana. Mag-isa
siya. Ang kasama lang niya ay ang kanyang malalim na hangad na makita ang mahal
niya, kahit nasaan man ito.

369 - Ilang taon na siyang gumala-gala dun sa bundok at gubat, hanggang naabutan
niyang si Laura na pinupwersahan ni Konde Adolfo.

370 - Sa gitna ng pagkukwento ni Flerida, biglang dumating sina Duke Florante at


Prinsipe Aladin. Masayang-masaya yung mga kalalakihan, dahil nakilala nila ang
boses na narinig nila.

371 - Sobrang saya nila! Kung anuman sakit ang nararamdaman ng katawan nila, parang
nawala ang sakit na yun!

372 - Tuwang-tuwa si Florante nang makita niya si Laura. Lampas Langit ang kanyang
kasiyahan.

Next: Kamatayan sa Palaso ni Flerida (Saknong 373 to 392)

Florante at Laura � Kamatayan sa Palaso ni Flerida � Saknong 373 to 392 � Buod �


Paliwanag
http://TrulyRichPinoy.com/tara presents F&L - Saknong 373 to 392 (Kamatayan sa
Palaso ni Flerida)

373 - Masayang-masaya na yung apat na magkasintahan (Florante at Laura, Aladin at


Flerida). Minsan, humihinto ang tibok ng puso nila, kasi nakalimutan nilang
huminga. Nag-palpitate, kumbaga.

374 - Nang humupa ang kanilang tuwa, nakinig yung tatlo sa kwento ni Laura.

375 - Sinabi ni Laura kay Florante na nung umalis si Florante mula sa Albanya,
hindi nagtagal ay kumalat ang mga sabi-sabi na may kaguluhan sa kaharian. Umabot
ang mga balita sa palasyo.

376 - Ngunit hindi malaman kung ano ang umpisa at dulo ng mga bulung-bulungan.

377 - Bigla na lang dumating ang panahon na sinakop ng mga sundalo ang palasyo.
Kudeta!

378 - Nasisisigaw ang mga tao: "Mamamtay na si Haring Linceo, na ginugutom ang
bayan! Mino-monopolya ni Haring Linceo ang pagkain at trigo (wheat)!"

379 - Pero si Adolfo pala ang nag-utos ng pagkubkob sa pagkain. Sinabi lang niya sa
taumbayan na utos daw ito ni Haring Linceo. Naniwala naman kaagad sa kanya ang
nagugutom na bayan.

380 - Agad-agad pinatalsik si Haring Linceo sa trono, at pinugutan. Nasaan na ang


mga mabubuti at makatarungan, tanong ni Laura.

381 - Nung araw na yun, pati yung mga konseho (counsel) na tapat kay Haring Linceo
ay pinugutan din. Ang taksil na tabak ng grupo ni Adolfo ay hindi huminto sa
kapapatay hangga't wala nang natirang mabait na tao.
382 - Umakyat sa trono si Kondeng Adolfo. Binalaan niya si Laura na kung hindi
ibibigay ni Laura sa kanya ang mga gusto niya, ipapapatay rin niya si Laura.

383 - Nagbalatkayo si Laura. Nagkunwaring pumayag na gagawin niya ang lahat ng


gusto ni Konde Adolfo, para magkaroon si Laura ng panahon na planuhin ang kanyang
paghihiganti kay Adolfo, at para masulatan ni Laura si Florante sa Etolia. Pinilit
ni Laura na itago ang kanyang pagkamuhi kay Adolfo.

384 - Humingi si Laura kay Adolfo ng limang buwan bago niya tanggapin ang pagsinta
ni Adolfo. Pero nag desisyon si Laura na magpapakamatay na lang siya kung hindi
dumating si Florante.

385 - Pinadala ni Laura ang liham sa tulong ng isang mapagkakatiwalaang lingkod.


Wala pang isang buwan, dumating si Florante at nahulog ito sa mga kamay ni Adolfo.

386 - Dahil takot si Adolfo na babalik si Florante na may kasamang malaking hukbo,
nagpadala ito ng liham kay Florante na may selya ng hari (royal seal). Dun sa
liham, pinababalik niya si Florante nang mag-isa.

387 - Nung malaman ito ni Laura, nawalan na siya ng loob. Naghanda na ang puso niya
na siya ay mamamatay. Mabuti na lang at dumating si Menander na may kasamang
malaking hukbo para makubkob (mapaligirin / surround) ang bayan ng Albanya.

388 - Nalaman ni Menander na nasa liham ni Laura ang tangkang magpapakamatay, kaya
nung dali-daling pumunta si Menander sa Albanya, para siyang galit na galit na
gutom na lobo (wolf) sa kanyang galit.

389 - Nang makita ni Konde Adolfo na wala siyang kalaban-laban sa pwersa ni


Menander, kinuha niya si Laura bilang hostage, tinali siya sa kabayo, at tumakas
mula sa Albanya sa dilim ng gabi.

390 - Nang marating nila Adolfo at Laura ang gubat, pinagtangkaan niya halayin si
Laura. Bigla na lang may tunod (arrow) na lumipad at tinamaan si Adolfo sa kanyang
dibdib.

391 - Si Flerida naman ang nagsalita. Sabi niya na nung dumating siya sa gubat, may
narinig siyang boses ng babae na sinasaktan. Naawa si Flerida.

392 - Hinanap ni Flerida yung babae (Laura), nakita niya pinipilit ni Adolfo si
Laura, kaya pinalipad ni Flerida yung palaso (arrow).......

Next: Pagwawakas (Saknong 393 to 399)

Florante at Laura � Pagwawakas � Saknong 393 to 399 � Buod � Paliwanag


http://TrulyRichPinoy.com/tara presents F&L - Saknong 393 to 399 (Pagwawakas)

393 - Bago matapos ang kwento ni Flerida, dumating si Menander sa gubat. Hinahanap
ng kanyang hukbo si Adolfo. Laking tuwa niya nang makita niya si Florante.

394 - Tuwang-tuwa ang ehersito (army) mula sa Etolia. Sumigaw sila ng "Mabuhay si
Floranteng Hari ng Albanya! Mabuhay ang Prinsesa Laura!"

395 - Dinala nila silang apat sa kaharian ng Albanya. Nagpabinyag sina Aladin at
Flerida bilang Kristiyano, at sila's nagpakasal.

396 - Namatay si Sultan Ali-Adab, at bumalik si Aladin sa Persiya. Si Duke Florante


ay umakyat sa trono ng Albanya, sa piling ng mahal niyang si Laura.
397 - Sa pamamahala ng bagong hari ng Albanya, bumalik ang kapayapaan sa kaharian.
Natuwa ang lahat ng tao.

398 - Itinaas nila ang kanilang mga kamay sa Langit, bilang pasasalamat. Ang bagong
hari at reyna ay namahala nang mabuti at ng may awa para sa lahat.

399 - Nabuhay sina Florante at Laura nang mabuti at matiwasay, hanggang naabot nila
ang higit na kapayapaan para sa bayan. Dito rin sinabi ni Balagtas sa kanyang Musa
na tumigil na at magtago dun sa kanyang ala-ala ni Selya, at dalhin ni musa ang
mabigat na kalooban ni Balagtas.

WAKAS

You might also like