You are on page 1of 205

FLORANTE AT LAURA

MGA TAUHAN:
FLORANTE
ang nag-iisang anak
nina Duke Briseo at
Prinsesa Floresca. Siya
ang iniibig ni Laura at
karibal ni Adolfo sa
lahat ng bagay.
LAURA
siya ang anak ni
Haring Linceo. Siya ang
sinisinta nina Florante
at Adolfo.
ALADIN

Siya ang anak ni


Sultan Ali-Adab at
kasintahan ni Flerida.
FLERIDA

Siya ang kasintahan ni


Aladin.
DUKE BRISEO
Siya ang kanang
kamay ni Haring
Linceo. Siya ang asawa
ni Prinsesa Floresca at
ama ni Florante.
PRINSESA
FLORESCA
Siya ang kabiyak
ng puso ni Duke Briseo
at ina ni Florante. Siya
ay nagmula sa bayan
ng Krotona.
HARING LINCEO

Siya ang pinuno ng


kahariang Albanya.
Siya ang ama ni Laura.
MENALIPO

pinsan ni Florante na
nagligtas sa kanya mula
sa buwitre noong siya’y
sanggol pa lamang.
MENANDRO
Siya ang
pamangkin ni
Antenor at matalik
na kaibigan ni
Florante sa Atenas.
ANTENOR

Siya ang guro nina


Florante, Menandro, at
Adolfo sa Atenas.
ADOLFO
Siya ang anak ni
Konde Sileno at
mahigpit na katunggali
ni Florante sa pag-ibig
ni Laura.
SULTAN ALI-
ADAB

Siya ang ama ni


Aladin at pinuno ng
Persiya.
HENERAL
MIRAMOLIN

Siya ang pinuno ng


hukbong nagmula sa
Turkiya.
HENERAL
OSMALIK

Siya ang pinuno ng


hukbong Persiyano.
PAGSUSULIT
1.Siya ang guro
nina Florante,
Menandro, at
Adolfo sa
Atenas.
2. Siya ang
kasintahan
ni Aladin.
3. Siya ang anak
ni Haring
Linceo. Siya ang
sinisinta nina
Florante at
Adolfo.
4. Siya ang
kanang kamay ni
Haring Linceo.
Siya ang asawa
ni Prinsesa
Floresca at ama
ni Florante.
5. Siya ang
pinuno ng
hukbong
Persiyano.
6.Siya ang
pamangkin ni
Antenor at
matalik na
kaibigan ni
Florante sa
Atenas.
7. Siya ang
ama ni
Aladin at
pinuno ng
Persiya.
8. Siya ang anak
ni Konde Sileno at
mahigpit na
katunggali ni
Florante sa pag-
ibig ni Laura.
9. Siya ang nag-iisang
anak nina Duke Briseo
at Prinsesa Floresca.
Siya ang iniibig ni
Laura at karibal ni
Adolfo sa lahat ng
bagay.
10. Siya ang
kabiyak ng puso ni
Duke Briseo at ina
ni Florante. Siya
ay nagmula sa
bayan ng Krotona.
MGA SAGOT :
1. Antenor
2. Flerida
3. Laura
4. Duke Briseo
5. Heneral Osmalik
6. Menandro
7. Sultan Ali-Adab
8. Adolfo
9. Florante
10.Prinsesa Floresca
3 SEGUNDONG
DELAY NG
PAGSABI NG
ISKOR, ZERO!

START B1!!!
PAKILAKAS!
ARALIN 1 :

SA BABASA NITO
Nagpapasalamat ang
makata sa mga babasa ng
kanyang awit. Ang kanyang
akda ay parang bubot na
prutas sa unang tingin ngunit
masarap kapag ninamnam.
Hinihiling ng makata na huwag
babaguhin ang kanyang berso
at pakasuriin muna ito bago
pintasan.
Kung may bahaging di
malinawan, iminumungkahi
niyang tumingin lamang ang
mambabasa sa ibaba ng pahina
at may paliwanag doon.
Ipinakiusap din niya na huwag
babaguhin ang mga salita
sapagkat sa halip na mapabuti
ay baka sumama pa ang akda.
TALASALITAAN:
 Tumarok – umalam o
umunawa
 Dustain – apihin
 Aba’ng – hamak
 Alpa – instrumentong
pangmusikang hugis
tatsulok; kinakalabit ang
kuwerdas nito upang
tumunog
 Berso – tulang may sukat at
tugma
 Pantas – taong marunong
 Sigesmundo – makatang
laging nagrerebisa ng
kanyang tula kung kaya’t
nasisira ang kasiningan
ARALIN 2 :

KAY CELIA
Kapag naaalaala ng
makata ang nakaraan, iisang
babae ang binabalikan niya
sa gunita, si Celia
lamang. Matamis ang
kanilang pag-iibigan at
masaya sila habang
namamasyal sa Ilog Beata at
Hilom.
Ngunit ngayo’y di mapigilan
ng makata ang pagluha kapag
naiisip na baka naagaw na ng iba
ang pag-ibig ni Celia. Dahil sa
kalungkutan, natutong magsulat
ng tula ang makata. Inihahandog
niya ang tulang ito kay Celia, na
ang sagisag ay M.A.R.
TALASALITAAN

Pagsaulan kong
basahin sa isip -
alalahanin ko
Namugad sa dibdib
– nanatili sa
damdamin
Lumawig – tumagal
Pagdaralita –
paghihirap
Dilidili – isipan
Ipamintakasi -
ipagdasal
ARALIN 3 :

PUNO NG
SALITA
Nagsisimula ang awit sa
isang madilim at mapanglaw
na gubat na di halos
mapasok ng sikat ng araw.
Madawag ang gubat at
maraming puno ng higera at
sipres. Maraming hayop dito,
tulad ng ahas, tigre at leon.
Sa isang punong
higera sa gitna ng gubat,
nakatali ang paa, kamay at
leeg ng isang guwapong
binata, na may makinis na
balat at kulay gintong
buhok. Sayang walang mga
nimpa sa gubat na
makapagliligtas sa binata.
TALASALITAAN:
Mapanglaw –
malungkot
Febo – tawag sa araw
Masukal – hitik sa
masinsing mga puno at
halaman
 Sipres – alinman sa mga
punongkahoy na kulay luntian;
ang mga sanga nito ay pataas at
hugis-puso ang anyo
 Higera – isang mayabong na
punongkahoy na malalapad ang
mga dahon at hindi namumunga
 Kutad – walang bunga
 Siyerpe – ahas o serpiyente
 Basilisko – maliit na bayawak
na may palong sa likod ng
buntot; maalamat na reptil na
may nakamamatay na tingin at
hininga
 Hiyena – hayop sa gubat na
ang ungol ay parang halakhak
ng tao at ang mukha ay parang
lobo.
 Nagsisila – sumasakmal
 Averno – impiyerno
 Pluto – hari ng impiyerno
 Ilog Cocito – isang ilog sa
Epiro; isa sa apat na ilog ng
impiyerno
 Baguntao – binata
 Basal – inosente
 Narciso – binatang ubod ng
kisig na umibig sa sariling
anyo nang magisnan ang
sarili sa salaming tubig
 Adonis – binatang sakdal
kisig na inibig ni Venus na
diyosa ng kagandahan at
pag-ibig
ARALIN 4 :
ANG REYNONG
ALBANYA
Umiiyak ang binatang
nakagapos. Sinabi niyang
naghahari ang kasamaan sa
kahariang Albanya. Bawal
magsabi ng totoo, may parusa
itong kamatayan. Kagagawan ni
Konde Adolfo ang lahat, sapagkat
ibig nitong mapasakanya ang
kapangyarihan ni Haring Linseo at
ang kayamanan ni Duke Briseo na
ama ng nakagapos.
TALASALITAAN:
 Oreadas Ninfas – diyosa ng
kagandahan na sinasamba ng
mga Hentil
 Harpias – mababangis na
diyosa ng mga Hentil
 Pagkagulaylay –
pagmumuni-muni
Albanya – isa sa
malalaking siyudad sa
impiyerno ng Gresya at
ngayo’y isang malayang
bansa sa Europa
Kaliluhan – kataksilan
Nalulugami – natatalo
 Pita – nais o hangarin
 Duke – titulo ng opisyal
na pumapangalawa sa
katungkulan ng hari o
reyna
 Konde – titulo ng taong
nabibilang sa maharlika sa
mga bansa sa Europa
ARALIN 5 :
PIGHATI NG
NAGMAMAHAL
Nakikiusap ang binatang
nakagapos na ibagsak ng
kalangitan ang poot nito at
parusahan ang masasama. Alam
niyang lahat ng nangyayari ay sa
ikabubuti ng lahat kaya’t
nakahanda siyang magdusa. Ang
tanging hiling niya ay sana,
maalaala siya ng minamahal na
si Laura
Kung naiisip niyang
iniiyakan ni Laura ang kanyang
pagkamatay, para na rin siyang
nagkaroon ng buhay na walng
hanggan. Ngunit ang labis na
ipinaghihirap ng kanyang loob
ay ang hinalang baka naagaw
na ng kanyang karibal na si
Adolfo ang pagmamahal ni
Laura.
TALASALITAAN :
 Mababata – makakaya
 Humihiling na sa ibang
kandungan – nasa
piling na ng ibang
minamahal
 Sa sinapupunan – sa
pangangalaga
 Malumbay – malungkot
 Alingawngaw – pag-
uulit ng tunog
 Isinuyo – ipinagkaloob
 Pinaggugulan -
pinaglaanan
ARALIN 6:
MAGANDANG
ALAALA
Larawan ng
kalungkutan at pagseselos
ang binatang nakagapos.
Isinigaw niya sa buong
kagubatan ang kanyang
sama ng loob dahil tila
nalimot na siya ni Laura,
ngayon pa namang kailangan
niya ito.
Noon, kapag patungo sa
digmaan, ang binata ay pinababaunan
ni Laura ng luha at ng bandang may
letrang L at mahahalagang bato.
Pagkagaling sa labanan, munting
galos ng binata ay huhugasan agad ni
Laura ng luha. At kung nalulungkot
ang binata pinipilit siyang aliwin ni
Laura. Ibig ng binatang nakagapos na
muling ipakita ni Laura ang dating
pag-aalaala sa kanya.
Ngunit natatakot ang
lalaki na baka naagaw na ni
Adolfo so Laura. Kaya’t nasabi
niyang pasasalamatan pa niya
si Adolfo pahirapan man siya
nang husto, huwag lamang
agawin si Laura. Lumuha ng
lumuha ang lalaki hanggang
sa siya’y mapayukayok.
TALASALITAAN:
• Madlang hilahil – maraming
paghihirap
• Banda – makitid at malapad
na pandekorasyong laso na
isinusuot nang nakasampay
sa balikat o paikot sa
baywang
• Naghihimutok –
nagdaramdam o
nanghihinanakit
• Pakikihamok –
pakikipaglaban
• Nag-aapuhap –
naghahanap
• Pang-aliw-loob –
mapagkaabalahan o
mapaglilibangan
 Magkagurlis –
magkagalos
 Nanatak – tutulo
 Napayukayok –
napayuko
 Supil – tali
 Kulay na burok –
pamumula, halimbawa ng
pisngi
ARALIN 7 :
KAPANGYARIHAN
NG PAG-IBIG
Nagkataong dumating
sa gubat ang isang
mandirigma o gerero na sa
pananamit ay masasabing
isang Morong taga-Persiya.
Naupo ito sa lilim ng isang
puno at lumuluhang
naghimutok.
Nagbanta siya na sino
mang umagaw sa
pagmamahal ng babae ay
papatayin niya, maliban sa
kanyang ama. Naihimutok ng
gererong Moro na sadyang
napakalaki ng kapangyarihan
ng pag-ibig. Kahit mag-
aama’y nag-aaway nang dahil
sa pag-ibig.
TALASALITAAN :
• Gerero – mandirigma o
kawal
• Tikas – tindig
• Turbante – mahabang
tela na ibinabalot ng
mga Muslim sa kanilang
ulo
Moro – tawag noon ng
mga Kastila sa sino
mang hindi Kristiyano
Persia – sinaunang
impyerno sa Timog-
Kanlurang Asya na nasa
ilalim ng kapangyarihan
ng mga Muslim; Iran na
• Adarga – kalasag o
panaggalang
• Di rin kumakati ang
batis ng luha – hindi
nawawala ang luha sa mga
mata
• Himutok – daing
• Kalasag - pananggalang
 Furias – mga diyosa sa
impiyerno ayon sa
makatang Romano na si
Virgil
 Itutulot – papayagan
 Marte – diyos ng digmaan
ng mga Romano
 Parkas – mga diwata ng
kapalaran o tadhana
 Yayakagin - aakayin
ARALIN 8 :
DUKE BRISEO:
AMANG
MAPAGMAHAL
Nang huminto sa
paghihimutok ang gerero,
nagulat pa ito sa sumalit na
buntung hininga ng lalaking
nakagapos. Moo’y ginugunita
ng nakagapos ang amang
mapagmahal na ipinapatay ni

Adolfo.
Pinaghiwa-hiwalay ang
ulo, katawan at mga kamay ng
kanyang ama at walang
nakapangahas na ito’y ilibing.
Ngunit hanggang sa huling
sandali, tanging kapakanan ng
kaisa-isang anak ang nasa isip
ng ama.
TALASALITAAN:
• Nananaghoy –
dumaraing
• Ilang – pook na
malayo sa kabahayan,
malungkot, at walang
naninirahan.
• Hibik - daing
• Mapagkandili – mapag-
alaga o mapagkalinga
• Kalis - espada
• Panambitan – pagsamo
• Kukong malupit –
masamang kapalaran
• Tabak – itak
• Nasnaw - nasambit
ARALIN 9 :
AMANG DI
DAPAT
PAMARISAN
Naalaala rin ng gerero ang
sariling ama na kaiba sa ama
ng lalaking nakagapos ay di
nagpakita ng pagmamahal sa
anak minsan man. Ang lalong
masakit, ang kanyang ama pa
ang umagaw sa babaing
kanyang pinakamamahal.
Maagang naulila sa ina
ang gerero kaya’t di siya
nakatikim ng pagmamahal ng
magulang. Naputol ang iniisip
ng gerero nang marinig sa
nakagapos na malibing man
ito ay patuloy pa ring
mamahalin si Laura.
TALASALITAAN :
• Tumagistis –
dumaloy
• Palayaw – labis na
pagbibigay o
pagluluwag
• Napanganyaya -
napahamak
ARALIN 10 :
NAKAAMBANG
PANGANIB
Dalawang leon ang papalapit
sa nakagapos ngunit parang
naaawang napahinto ang mga
ito sa harap ng lalaki. Sa harap
ng nagbabantang kamatayan sa
pangil ng mga leon, nagpaalam
ang binata sa bayang Albanya
na pinaghandugan ng kanyang
paglilingkod at kay Laura.
Sinabi ng binata na ang
lalong ipinaghihirap ng
kanyang loob ay ang
pangyayaring haharapin
niya ang kamatayan nang
di angkin ang pag-ibig ni
Laura.
TALASALITAAN :
• Walang loob –
walang awa
• Alibugha – hindi
tapat
ARALIN 11 :
ANG
TAGAPAGLIGTAS
 Hindi na natiis ng
gerero ang naririnig na daing.
Kaya’t hinanap niya ang
pinanggagalingan ng tinig.
Pinagputol-putol ng gerero
ang mga dawag hanggang
marating ang kinaroroonan ng
nakagapos.
Anyong sisilain na
ng dalawang leon ang
binata na sa tindi ng hirap
ay nawalan ng malay.
Pinagtataga ng gerero
ang dalawang leon
hanggang sa mapatay.
Pagkatapos kinalagan nito
at kinalong ang binata.
TALSALITAAN :

• Tinataghuy-taghoy
– pagdaing-daing
• Lumagaslas –
dumaloy
• Inusig - inatake
 Apolo – diyos ng
propesiya, liwanag ng
araw, musika, at awitin
ayon sa mitolohiyang
Griyego at Romano
 Serpiyenteng piton –
malaking ahas na walang
kamandag, nanlilingkis, at
natatagpuan sa rehiyong
tropiko.
ARALIN 12 :
ATAS NG
LANGIT
Nang matauhan ang binata, si
Laura agad ang unang hinanap.
Nagulat pa ito nang mamalayang
nasa kandungan siya, hindi ni Laura,
kundi ng isang Moro. Ipinaliwanag ng
gerero na di niya natiis na di
tulungan ang binata, sapagkat
magkaiba man sila ng
pananampalataya, nakaukit din sa
kanyang puso ang pagtulong sa
kapwa, gaya ng iniuutos ng Langit ng
mga Kristiyano.
Sa halip na
magpasalamat, isinagot
ng binata na higit pang
ibig niyang mamatay sa
laki ng hirap na
dinaranas. Sa narinig na
ito, napasigaw ang
gerero.
TALASALITAAN :
• Bantog – kilala o sikat
• Pagkalungayngay –
pagkakayuko
• Taghoy – iyak
• Nagitlahanan -
nagulat
Iligtad – ikilos ng
bigla
Luno – mahina
Sumapayapa –
kumalma
Mag-aliw ng
 Nagtatangkilik – nag-
aalaga
 Sekta – grupo ng mga tao
na may parehong
paniniwala
 Magkatoto – magkaibigan
 May dibdib – may puso;
mabait
 Leing – batas o utos
 Binabata - tinitiis
1. Ano ang nais ipahayag ng mga
saknong ng tula tungkol sa
Kristiyano at Muslim?

Ang magkaibang paniniwala at


2.
relihiyon ba ay balakid sa
pakikikipagkaibigan?
PAG-UNAWA SA BINASA
Pangatwiranan.
3. Ano ang nais ipahiwatig ng
makaibang kasuotan ni
Florante at ni Aladin?

4. Ano ang pinatunayan ni


Aladin kay Florante sa
kanyang pagkupkop at pag-
aalaga rito?
5. Ano ang ibig sabihin ni Aladin sa
saknong sa ito?

Kung nasusuklam ka sa aking


kandungan
lason sa puso mo ang hindi binyagan,
nakukutya akong di ka saklolohan,
sa iyong nasapit na napakarawal.
ARALIN 13 :

MGA
MAPAGPALANG
KAMAY
Walang kibuan ang
dalawa hanggang sa
lumubog ang araw. Dinala
ng gerero ang binata sa
isang malapad at malinis
na bato. Dito pinakain ng
Moro ang binata na di
nagtagal ay nakatulog sa
kanyang kandungan.
Magdamag na
binantayan ng gerero ang
binata, na tuwing
magigising ay
naghihimutok. Nang
magising kinaumagahan,
nakapagpanibagong lakas
na ang binata. Itinanong
ng Moro ang dahilan ng
paghihirap ng loob nito.
TALASALITAAN :
• Ganid na madla –
mababangis na hayop
• Sansinukuban –
mundo
• Dorado – ginintuan
• Hayag – tunay o
totoo
• Nukal – dumaloy
• Inilagaslas –
iniluha
• Matatap - malaman
1. Ano ang kabutihang
idinulot ng pagkatulog ni
Forante?
2. Bakit siya nagpasalamat
kinabukasan?
3. Ano ang hiling na nabatid
ng Moro?
Mga Tanong
ARALIN 14 :

BUGTONG NA
ANAK
Isinalaysay ng binata ang
kanyang buhay. Siya’y si Florante,
nag-iisang anak ni Duke Briseo ng
Albanya, at ni Prinsesa Floresca ng
Krotona. Sa Albanya siya lumaki at
nagkaisip. Ang kanyang ama’y
tanungan o sanggunian ni Haring
Linseo at tumatayong
pangalawang puno sa kaharian.
Isang matapang na pinuno at
mapagmahal na ama si Duke Briseo.
May ilang mahalagang
pangyayari noong bata pa si
Florante. Nang sanggol pa’y
muntik na siyang madagit ng
isang buwitre ngunit nailigtas
siya ng pinsang si Menalipo.
Isang araw, isang ibong arkon
ang biglang pumasok sa salas at
dinagit ang kanyang dyamanteng
kupido sa dibdib.
Nang siya’y siyam na taon
na, pinalilipas niya ang
maghapon sa pamamasyal
sa burol. Bata pa’y natuto
na siyang mamana ng mga
ibon at iba pang hayop.
Naging mapagmahal siya sa
kalikasan.
TALASALITAAN :
• Dukado – teritoryong
pinamumunuan ng isang
duke
• Esposa – asawa
• Pribadong tanungan –
kasangguni; hinihingan
ng payo
 Hilagaang tungo – taong
puntahan o sanggunian
 Sasalitin – ikukuwento o
sasabihin
 Daragitin – tatangayin nang
mabilis mula sa itaas o habang
lumilipad
 Buwitre – malaking ibon na
karaniwang walang balahibo
ang leeg at ulo at kumakain ng
patay na hayop
 Sakim – ganid o
makasarili
 Arko – malaking ibong
dumaragit ng mga buto
ng aso, tupa, at iba pang
hayop
 Sinambilat – inagaw
 Cupidong diamante –
hiyas na inilalagay noon
 Hiyas – alahas
 Burol – maliit na bundok
 Sakbat – nakasampay sa
balikat at tumatawid sa
dibdib pababa sa baywang
 Busog – paarkong armas
kung saan ang bala ay pana
ARALIN 15 :

LAKI SA LAYAW
Lumaki sa galak si
Florante. Ngunit ngayon niya
naisip na di dapat palakihin
sa layaw ang bata sapagkat
sa mundong ito’y higit ang
hirap kaysa sarap. Ang
batang nasanay sa ginhawa
ay maramdamin at di
makatatagal sa hirap.
Alam ito ni Duke
Briseo. Kaya’t tiniis nito
ang luha ng asawa at
masakit man sa loob na
mawalay sa anak,
ipinadala siya ng ama sa
Atenas upang doon
mag-aral.
TALASALITAAN :
• Hihintin – hihintayin
• Ikinaluluoy –
ikinalalanta
• Maniig – mamihasa
• Laki sa layaw – taong
kinukunsinte o pinalaki
sa luho
• Irog – mahal
• Talastas – batid o alam
• Atenas – siyudad sa
Gresya na sinasabing
batis o bukal ng
karunungan at
katapangan
• Bulag na isip – makitid
1. Ilarawan ang pagkabata ni
Florante at ang kanyang mga
sinapit.
2. Sa sariling palagay, naging
maligaya ba si Florante sa
panahon ng kanyang
kamusmusan? Patunayan ito.
3. Anong uri ng ama si Duke
Briseo kay Florante at paano
siya pinalaki nito?
4. Ayon sa pagpapalaki
ng ama ni Florante, ang
bata raw ay hindi dapat
palakihin sa saya at
mamihasa sa katuwaan.
Ano ang masasabi ninyo
tungkol
dito?Pangatwiranan.
5. Paano dapat palakihin
ang isang bata? Magbigay
ng sariling payo tungkol
dito.
6. Anu-ano ang mga
kahinaan ng isang taong
laki sa layaw?
7. Paano nagkukulang ang
mga magulang sa kanilang
mga anak?
8. Sumulat ng isang
sanaysay na
pinamagatang
“ Ang Aking mga
Magulang”
ARALIN 16 :

NAHUBAD NA
BALATKAYO
Labing-isang taong gulang si
Florante nang ipadala sa Atenas
upang mag-aral. Ang naging guro
niya rito ay si Antenor. Isa sa mga
estudyante rito ay ang kababayang si
Adolfo, na nang una ay nadama na si
Florante na tila pakunwari lamang
ang kabaitan ni Adolfo. Anim na taon
sa Atenas si Florante. Sa loob ng
panahong ito, natuto siya ng
pilosopiya, astrolohiya at matematika.
TALASALITAAN :
• Natarok – nalaman
• Pilosopiya – pag-
aaral sa katotohanan,
pag-iral ng buhay,
prinsipyo ng sanhi at
bunga, at kalayaan
 Astrolohiya – pag-aaral
sa mga posisyon ng
buwan, araw, at iba pang
planeta sa paniwalang ang
kanilang galaw ay may
epekto sa mga gawain ng
tao at mga pangyayari sa
daigdig
 Dunong – kaalaman
Binalatkayo –
pinagkunwari
Pakitang-tao – hindi
totoo ang ipinapakitang
kilos at ugali
Bukal – likas
Minunakala –
ipinanukala o
Minulan – sinimulan
Buno – tagisan ng
lakas
Arnis – sining ng
paglalaban sa
pamamagitan ng
espada o katulad
3. Sa panahon ni Florante
ay uso na rin ang tsismis
at taong madadaldal.
Patunayan ito at paano ito
nakaapekto sa kanya.
4. Paano nahubdan ang
pagbabalatkayo ni Adolfo?
1.Ilarawan ang mga
pagbabalatkayo ni
Adolfo.
2.Ilarawan ang
damdamin nina
Florante at Adolfo
sa isa’t- isa.
ARALIN 17 :

NALULUMBAY
NA PUSO
Nanguna si Florante sa
katalinuhan at dinaig niya maging si
Adolfo. Napabalita ang una sa buong
Atenas. Dito na lumabas ang tunay
na pagkatao ni Adolfo. Sa isang
dulang ginampanan nina kapwa ni
Florante, pinagtangkaan nitong
patayin ang huli. Salamat at nailigtas
siya ng kaibigang si Menandro.
Kinabukasan din, umuwi sa Albanya
si Adolfo.
Naiwan sa Atenas si Florante
at nagtagal doon nang isang taon
pa. isang araw, tumanggap ng
liham si Florante mula sa ama.
Sinasabi sa sulat na namatay ang
kanyang ina. Nawalan ng malay si
Florante sa tindi ng kalungkutan.
Hindi nakabawas sa kanyang
kalungkutan ang tapat na
pakikiramay ng guro at mga
kamag-aral.
TALASALITAAN :
• Trahedya –
madamdaming dula
patungkol sa
pagpupunyagi at
kabiguan ng
pangunahing tauhan
• Nag-iwi – nag-alaga
 Reyna Yokasta – asawa ni
Haring Layo at ina Edipo; siya ay
naging asawa ni Edipo nang
mamatay si Haring Layo at ang
kanilang naging anak ay sina
Eteocles at Polinice
 Eteocles – anak nina Edipo at
Yokasta; sumang-ayon siyang
maghari sa Tebas nang salit-salit
na taon kahalili ang kapatid na si
Polinice ngunit pagkatapos ng
 Polinice – anak nina Edipo at
Yokasta; kahalili ni Eteocles
sa pamumuno ng Tebas
 Adrasto – hari sa siyudad ng
Argos na isa sa malalaking
sakop ng imperyong Gresya;
siya ang tumulong kay
Polinice sa pakikidigma laban
kay Eteocles sa pag-aagawan
ng magkapatid sa korona ng
 Batalya – labanan
 Magkakabaka –
magkakalaban
 Edipo – sa mitilohiyang
Griyego, anak nina Haring
Loyo at Reyna Yokasta ng
Tebas; siya ang nakapatay
kay Haring Layo at
napangasawa ni Reyna
Yokasta nang hindi niya
Bunga – anak
Ditso – usapan
Kapurihan –
karangalan
Lalang - likha
ARALIN 18 :

PAALAM, BAYAN
NG ATENAS
Pagkaraan ng dalawang buwan
ng matinding kalungkutan para
kay Florante dumating ang
ikalawang sulat ng kanyang
ama, kasama ang sasakyang
sumundo sa kanya. Bago umalis
pinagbilinan si Florante ng
gurong si Antenor na
pakaingatan ng una si Adolfo
sapagkat tiyak itong
maghihiganti.
Idinagdag pang
huwag padadala si
Florante sa magiliw na
pakikiharap. Pinayuhan
siyang lihim na
maghanda nang hindi
nagpapahalata.
Pinayagan ni
Antenor si Menandro na
sumama kay Florante.
Ang magkaibigan ay
inihatid ng kanilang mga
kamag-aral hanggang sa
daungan.
TALASALITAAN :
• Kalatas – sulat
• Malilingat –
magpapabaya
• Sasandatahin –
pananggalang o
magsisislbing proteksyon
• Kapuwa-bata –
kababata
Amain – tiyuhin
Bininit sa busog –
pinakawalang pana
mula sa busog
Daong – malaking
barko
Kinta – bahay o
ARALIN 19 :
BAYAN NG
CROTONA
Di nagtagal nakarating sa
Albanya ang magkaibigan.
Pagkakita sa ama, napaluha si
Florante nang muling manariwa
ang sakit ng loob sa pagkamatay
ng ina. Noon dumating ang sugo
ni Haring Linseo, dala ang sulat
ng Hari ng Crotona na humihingi
ng tulong sapagkat nilusob ang
Krotona ni Heneral Osmalik ng
Persiya.
Pangalawa ito ng
bantog na si Prinsipe
Aladin na hinahangaan ni
Florante at ayon sa balita’y
kilabot sa buong mundo.
Sa narinig, napangiti ang
Moro at nagsabing bihirang
magkatotoo ang mga balita
at karaniwang may dagdag
na.
Nagtungo sa palasyo ng
Albanya ang mag-ama.
Doon masakit man sa
loob, pumayag din ang
ama ni Florante nang ito’y
hirangin ng hari na
heneral ng hukbo.
TALASALITAAN :
• Embahador – kinatawan
• Crotona – isang
lalawigan ng rehiyon ng
Calabria sa Italya
• Palasyo Real – gusaling
tinitirhan ng hari at reyna
Monarka – tawag sa
hari o reyna
Kubkob –
pinalilibutan
Kabaka – kalaban
Hukbo – pulutong
ng mga kawal o
Matanto –
malaman
Basalyo’t alagad
– kapanalig
Heneral – opisyal
na may mataas na
ARALIN 20 :

KAGANDAHANG
WALANG
KAWANGIS
Nakilala ni Florante
ang anak ng hari na si
Laura, isang dalagang
kaagaw ni Venus sa
kagandahan, isang
kagandahang mahirap
isiping makapagtataksil.
Sa harap ng
kagandahan ni Laura,
laging nagkakamali ng
sasabihin si Florante
sapagkat natatakot
siyang baka di maging
marapat sa dalaga.
TALASALITAAN :
• Nagpanayam – nag-usap
• Pamimitak – paglitaw ng
sinag ng araw sa umaga
• Venus – sinaunang
diyosa ng pag-ibig at
kagandahan ng mga
Romano
• Bagong umahon sa
bubog – makintab
• Buko ng ninibig –
umusbong na pag-ibig
• Cupido – sa mitolohiyang
Romano, diyos ng pag-ibig
at anak nina Venus at Marte
• Itinulot - hinayaan
CONTINUATION...
ARALIN 21 :

PANGARAP NA
PAG-IBIG
Tatlong araw ang
piging ng hari para
kay Florante. Sa loob
ng panahong ito ay di
man lamang
nakausap ni Florante
nang sarilinan si

Laura.
Sa kabutihang-palad, isang
araw bago umalis sina
Florante upang makidigma,
nakausap nito ang dalaga at
pinagtapatan ng pag-ibig.
Hindi sumagot ng ‘oo” ang
dalaga ngunit lumuha siya
nang umalis si Florante

patungong digmaan.
TALASALITAAN :
• Mairog – masintahin o
nagpapahayag ng
damdamin
• Nadidimlan –
naguguluhan
• Pag-panaw – pag-alis
• Hiyang perlas – luha
• Hilahil - hirap
• Sasayod – nakaalam
• Bumugso – biglang
bumuhos
• Nagtimo – tumagos
• Di lumikat – walang
humpay
• Hilahil- hirap
• Pamimiyapis –
pagdaluhong o
pag-atake
• Susong – hilera
• Winahi –
inundayan
• Hinapo – napagod
• Nagluksa ang
langit – umulan
• Habag - awa
ARALIN 22 :

TAGUMPAY AT
PIGHATI
Dahil sa luhang pabaon ni Laura,
natiis ni Florante ang kalungkutang bunga
ng pagkawalay sa minamahal. Pagdating
sa digmaan, naabutan ng hukbo nina
Florante na halos mawasak na ang kaaway
ang kuta ng Krotona. Ngunit magiting na
nagtanggol si Florante at ang kanyang
mga kawal hanggang sa hamunin ni
Osmalik si Florante na silang dalawa ang
magharap. Limang oras silang naglaban
hanggang sa mapatay ni Florante si
Osmalik.
Ipinagbunyi ng taong-bayan
si Florante lalo nang malamang
ito’y apo ng hari ng Krotona.
Ngunit nahaluan ng lungkot
ang kanilang kagalakan nang
magkita ang maglolo. Muling
nanariwa ang kirot ng
pagkamatay ng ina ni Florante.
Dito naisip ni Florante na
walang lubos na ligaya sa
mundo.
Pagkaraan ng limang
buwan sa Krotona, nagpilit
nang bumalik sa Albanya si
Florante upang makita si
Laura. Ngunit nang malapit
na at natatanaw na ang
moog ng Albanya, biglang
kinutuban si Florante.
TALASALITAAN :
• Natimawa – naalis sa
hirap
• Maapula – matigil
• Nuno – ninuno
• Susumang –
sasalungat
• Paglakad –
paglalakbay
• Kuta – base o himpilan
• Medialuna – bandila
ng mga Moro na may
nakalarawang kabiyak
na buwan
• Salot - mapanira
ARALIN 23 :

PAG-IBIG NA
PILIT
Hindi nagkamali ang
kutob ni Florante.
Nakawagayway sa Albanya
ang bandilang Moro.
Pinatigil muna ni Florante
ang kanyang hukbo sa
paanan ng bundok. Mula
roon natanaw nilang tila
pupugutan ng ulo ang isang
babae.
Dali-daling lumusob sina
Florante at ginapi ang mga
Moro. Naligtas ang babae na
walng iba kundi si Laura.
Papupugutan ng ulo ang dalaga
sapagkat tinanggihan nito ang
pag-ibig ng emir at ito’y
sinampal pa. noon binigkas ni
Laura ang “sintang Florante.”
Pinawalan ni Florante ang
hari, ang kaniyang ama at ang
iba pang bilanggong
kinabibilangan ni Adolfo. Lalong
nainggit si Adolfo kay Florante
hindi lamang dahil sa papuring
tinanggap kundi dahil nakamit pa
niya ang pag-ibig ni Laura. Dahil
dito, muling nagbalak si Adolfo na
ipahamak si Florante.
TALASALITAAN :
• Di-kaginsa-ginsa –
hindi inaasahan
• Gunita – alaala
• Akay ng loob – bugso
ng damdamin
• Pamuksa – panlaban
• Sintang mahalay –
pag-ibig na hindi tapat
at puno lamang ng
pagnanasa
• Emir – tawag sa
pinuno ng Muslim
• Tinampal – sinampal
• Dilag – ganda
• Pitagan – galang
• Naaalang-alang –
naaalangan
• Hinango – pinakawalan
• Pinag-uusig - inaasam
ARALIN 24 :
PATIBONG NG
TAKSIL
Pagkalipas ng ilang
buwan, lumusob ang hukbo
ng Turkiya sa pamumuno ni
Miramolin. Ngunit tinalo si
Florante si Miramolin. Naging
sunod-sunod ang tagumpay
ni Florante hanggang sa
umabot sa 17 ang mga
haring nagsigalang sa kanya.
Isang araw, nasa Etolya si
Florante at ang kanyang
hukbo nang dumating ang
sulat ng hari na nagpapauwi
sa kanya. Iniwan niya ang
hukbo kay Menandro. Ngunit
pagdating sa Albanya, nilusob
siya ng 30,000 sandatahan at
noon di’y ibinilanggo.
Noon niya nalamang
ipinapatay ni Adolfo si Haring
Linseo at ang kanyang amang
si Duke Briseo. Si Laura
nama’y nakatakdang ikasal kay
Adolfo. Labingwalong araw na
ipiniit si Florante. Pagkaraan,
itinali siya sa gubat na
kinatagpuan sa kanya ng
gererong Moro.
TALASALITAAN :
• Niloob – ipinagkaloob;
ibinigay
• Nasupil – natalo;
nagapi
• Bantog – kilala; sikat
• Nagbiktorya –
nagwagi
• Etolya – bulubunduking
rehiyon ng Gresya na nasa
hilagang baybayin ng
Golpo ng Korinto
• Agam-agam – pag-
aalinlangan
• Makapamook –
makalaban
• Binidbid ng gapos –
• Karsel – kulungan
• Mapagpalayaw –
mapagkunsinte
• Balawis – traydor o taksil
• Ipinugal – itinali
• Silu-silo – puro
• Nagsulit - nagpahayag
ARALIN 25 :

ANG HINAGPIS
NG GERERO
Nang matapos
magsalaysay si Florante,
nagpakilala ang Moro. Siya
si Aladin mula sa Persiya
na anak ni Sultan Ali-Adab.
Sinabi ni Aladin na yamang
kapwa sila sawi ni
Florante, mamuhay na
silang magkasama sa
gubat.
Noon isinalaysay ni Aladin
ang kanyang pinagdaanang
buhay. Ikinuwento niya ang
pakana ng sarili niyang ama
upang maagaw sa kanya si
Flerida. Ipinapakulong siya
nito sa bintang na iniwan
niya ang hukbo sa Albanya
kahit wala pang utos ng
sultan.

At nang mabawi ni Florante
ang Albanya, hinatulang pugutan
ng ulosi Aladin. Pinatawad siya sa
kondisyong aalis siya sa Persiya
noon din. Bagama’t nakaligtas sa
kamatayan, higit pang ibig ni
Aladin na mamatay kaysa
maagaw ng iba ang pagmamahal
ni Flerida.
TALASALITAAN:
• Natalastas –
nasalaysay
• Tantuin – kilalanin
• Bakahin – kalabanin
• Pagkakaisa ng
dalawang dibdib –
pagmamahalan
• Nabuyong gumiit –
nahikayat na
ipagpilitan
• Ibinuhat –ibinintang
• Nakitil ang
hiningang aba –
namatay
• May kandong -
kapiling
ARALIN 26 :

MGA TINIG NG
PAG-IBIG
Natigil sa pag-uusap ang dalawa
nang marinig ang dalawang
babaing nag-uusap. Ayon sa isa,
nang malaman niyang
papupugutan ng ulo ang kanyang
minamahal, nagmakaawa siya sa
sultan. Pumayag ang sultan na
patawarin ang nobyo ng babae,
kung papayag itong pakasal sa
sultan.
Walang nagawa ang babae
kundi ang sumang-ayon. Ngunit
nakaalis ang kanyang nobyo nang
di sila nagkausap. Nang gayak na
ang kanilang kasal tumakas ang
babae na nakadamit-gerero. Ilang
taon siyang naglagalag sa mga
bundok at gubat hanggang sa
mailigtas niya ang kausap.
Noon biglang sumulpot sina
Florante at Aladin. Sa di
inaasahang pagtatagpong
iyon, di masusukat ang
kaligayahan ng apat na
tauhan.
TALASALITAAN :
• Nagdapa sa yapak –
lumuhod sa paanan
• Nabalino – nabalisa o
nabahala
• Naghugos – bumaba
mula sa mataas na
kinalalagyan
• Sukab - taksil
ARALIN 27 :

SA BINGIT NG
KAMATAYAN
Si Laura naman ang
nagsalaysay. Ayon sa kanya,
napapaniwala ni Adolfo na gugutumin
ng hari ang taong-bayan kaya’t
nagkagulo ang mga ito. Kasunod ng
pagkakagulo, ipinapatay ni Adolfo ang
hari at ang matatapat na alagad nito.
Inagaw ni Adolfo ang pagkahari at
pinilit si Laurang pakasal sa kanya.
Flerida. Pinana nito si Adolfo na
namatay noon din.
Hindi nagpapahalata ng
tunay na niloloob, pumayag
si Laura ngunit humingi ng
limang buwang palugit upang
magkapanahong mapauwi si
Florante. Sa kasamaang-
palad, nahulog si Florante sa
pakana ni Adolfo at
naipatapon.
Handa nang magpakamatay si
Laura nang dumating si
Menandro na siyang
nakatanggap ng sulat ni Laura
kay Florante. Tumakas si Adolfo,
tangay si Laura na
pinagtangkaang abusuhin sa
gubat na iyon. Siya namang
pagdating ni Flerida. Pinana nito
si Adolfo na namatay noon din.
TALASALITAAN :
• Estangke – deposito ng
tubig
• Magkanulo – magtaksil
• Isinambulat –
ipinahayag
• Orden – kautusan
• Makapanlulumay –
makakaakay
• Dusta – abang-aba;
kahabag-habag
• Ipamalay – ipahalata
• Panimdim –
pangungulila
• Palamara – taksil
• lobo – hayop na
mabangis o
mapanagpang
• Ilugso ang puri –
pagsamantalahan
• Tunod - palaso
ARALIN 28 :

MASAYANG
WAKAS
Matapos ang
pagkukuwento ni Laura, dumating
si Menandro na may kasamang
hukbo. Laking tuwa nito nang
makita ang kaibigang si Florante.
Ipinagbunyi ng hukbo ang bagong
hari na si Florante. Ipinagsama
nina Florante sa Albanya sina
Aladin at Flerida na kapwa
pumayag na maging Kristiyano.
Nakasal sina Florante at
Laura at sina Aladin at
Flerida. Umuwi sa Persiya
sina Aladin at Flerida nang
mamatay si Sultan Ali-Adab.
Nagpasalamat sa Diyos ang
mga mamamayang
nasisiyahan sa pamumuno
nina Florante at Laura.
TALASALITAAN :
• Ehersito – hukbo
• Mangabinyagan –
mabinyagan bilang
Kristiyano
• Nalulugami – nalulugmok
sa hirap
• Mahinusay – maayos o
matiwasay

You might also like