You are on page 1of 6

110 - Ano ang pumasok sa isip ni Florante habang tinitingnan niya ang dalawang leon?

111 - Ang makata ay hindi makapagsalita. Siya ay lubhang naawa kay Florante.

112 - Sinong taong may puso ang hindi mahahabag sa kalagayan ni Florante?

113 - Nararamdaman ni Florante na malapit na siyang mamatay. Malinaw sa isip ni


Florante na malapit na ang katapusan, kahit hindi na maintindihan ang mga sinasabi
niya,

114 - Si Florante ay Nagpaalam sa Albanya.

115 - Ang Albanya ay wari'y pinapayuhan ni Florante na lumaban sa mga taksil.

116 - Wari'y binalewala ng Albanya ang sumpa ni Florante na ipagtanggol ang kaharian.

117 - Walang ninais si Florante simula pagkabata kundi ipagtanggol ang Albanya.

118 - Ang tanging binigay ng Albanya kay Florante ay isang kahiya-hiyang paraan ng
kamatayan.

119 - Sa kabila ng lahat, mahal na mahal pa rin ni Florante si Laura.

120 - Hiniling na lang ni florante na maging masaya na ang malupit na si Adolfo at ang
taksil na si Laura.

121 - Ngayon ay nasa harapan na ni Florante ang malupit na kamatayan.

122 - Sa isip ni Florante ay sino pa ang makaka-alala sa kanya.

123 - Si Florante ay nagtatanong kung bakit hindi lumuluha si Laura.

124 - Hiniling ni Florante na kasabay ng mga luha ni nya ay lumabas na rin mula sa
kanyang mga mata ang kanyang kaluluwa't dugo.

125 - Si Florante ay umiiyak hindi para sa kanyang sarili, ngunit para sa pag-ibig nila ni
Laura na hindi nagpatuloy

Ang tagapagligtas ay si Aladin. Iniligtas ni Aladin si Florante sa bingit ng kamatayan.


TInaga niya ang mga leon na gustong kumain kay Florante.

Buod ng Saknong 126-142

126 - Hinanap ni Aladin kung saan nagmumula yung boses. Ginamit niya ang kanyang
sandata para putulin ang mga nakaharang sa kanyang daan sa gubat.
127 - Patuloy na ginamit ni Aladin ang kanyang kalis, hanggang natagpuan niya ang
pinagmulan nung mga yak.

128 - Siguro mga alas singko na ng hapon nang makita ni Aladin si Florante

129 - Naawa si Aladin.

130 - Hindi siya kumibo. Nakita niya yung dalawng leon

131 - Mukhang gutom t=yung mga leon, at handa nang pumatay

132 - Inilarawan dito yung itsura nung mga leon. Inihambing sila sa mga Furies

.133 - Humanda nang umatake ang mga leon. Umatake si Aladin.

134 - Tinaga ni Aladin ang mga leon.

135 - Ginamit ni Aladin ang kanyang kalasag (shield) at kalis para manaig sa mga leon.

136 - Lumuha si Aladin habang inalis niya ang mga lubid ni Florante. Hinimatay si
Florante.

137 - Naawa si Aladin habang nakita niyang umagos yung dugo duon sa mga sugat ni
Florante.

138 - Pinutol ni Aladin ang mga lubid gamit ang kanyang espada, para mabilis.

139 - Sinubukan ni Aladin na bigyan malay-tao si Florante.

140 - Nung makita niya ang mukha ni Florante, inisip ni Aladin na magkahawig ang
kanilang mga sitwasyon.

141 - Napansin din ni Aladin ang tikas ni Florante. Magkatulad silang dalawa.

142 - Nakahinga nang maluwag si Aladin nung makita niyang nagising si Florante.

143 - Mahinang dumilat si Florante. HInahanap niya si Laura.

144 - Hiniling ni Florante na huwag siyang kalimutan ni Laura. Pumikit si Florante. Si


Aladin naman ay nanahimik.

145 - Ayaw ni Aladin na mabigla si Florante at baka ito tuluyang mamatay. Naghintay
muna si Aladin.

146 - Nang magising muli si Florante, nagulat siya na andun siya sa Moro. Sinubukan ni
Floranteng bumangon, ngunit hindi pa niya kaya. Galit siyang napahiga.
147 - Sinabi ni Aladin na ligtas si Florante, ang maging payapa siya.

148 - Inamin ni Aladin na kahit ayaw siya ni Florante, hindi niya kayang hayaang
mamatay si Florante.

149 - Nakita ni Aladin sa pananamit ni Florante na taga Albanya si Florante. Si Aladin


naman ay taga Persiya. Magkaaway ang dalawang kaharian. Ngunit sa ganung
kalagayan ni Florante, magkaibigan daw sila, sabi ni Aladin.

150 - Moro nga si Aladin, ngunit tao rin siya. Ramdam niya sa kanyang puso na sa batas
ng kalikasan, kailangang tulungan ang mga nahihirapan.

151 - Ano pa nga ba ang gagawin ni Aladin gayong narinig niya ang mga sigaw at iyak
ni Florante? Nakita rin siyang nakagapos at malapit nang sakmalin ng mga leon.

152 - Inamin ni Florante na kung hindi siya tinulungan ni Aladin, malamang andun na
siya sa loob ng mga leon.

153 - At naging payapa si Florante. Dahil alam niyang magkalaban ang mga taga
Albanya at Persiya, ngunit tinulungan pa rin siya ni Aladin.

154 - Sinabi ni Florante na hindi niya kailangan ang awa ni Aladin. Pero sana pinatay na
lang siya, kasi kamatayan ang hinahanap ni Florante.

155 - Nang marinig ito ni Aladin, sumigaw siya nang malakas, umiyak, at napaluhod.

156 - Tahimik sina Aladin at Florante. Para silang hinimatay, hanggang lumubog ang
araw.

157 - Nang makita ni Aladin na papadilim na, binuhat niya si Florante at bumalik siya sa
pinanggalingan sa gubat.

158 - Inilapag ni Aladin si Florante dun sa isang malapad at malinis na bato.

159 - Sinubukan ni Aladin na pakaiinin si Florante. At kahit umayaw si Florante,


mahinahon niyang hikayatin siya na kumain.

160 - Nanghina si Florante (naawas) sa sobrang gutom (dayukdok). Tuloy, di


sinasadyang nakatulog sa sinapupunan (sa bandang puson.. between the lap and navel
or belly-button) ni Aladin.

161 - Magdamag natulog (nang mababaw) si Florante, habang si Aladin naman ay


magdamag hindi natulog. Nag-aalala kasi si Aladin na baka may lumapit na hayop at
kagatin si Florante.
162 - Pagising-gising si Florante at madalas siyang umungol. Bawat iyak niya ay parang
sumasaksak sa maawaing puso ni Aladin.

163 - Nung madaling araw, nung sobrang dilim pa, nakatulog nang husto si Florante.
Tahimik ang lahat, hanggang nagbukang liwayway (sunrise).

164 - Lumakas si Florante. Ano yung limang karamdaman? The 5 senses.

sense of sight: paningin

sense of smell: pangamoy

sense of taste: panlasa

sense of hearing: pandinig

sense of touch: pandamdam

165 - Kaya nung kumalat na ang sinag ng araw, dahan-dahang bumangon si Florante,
ang nagpasalamat sa Langit sa pagbalik ng lakas sa kanyang katawan.

Isinalaysay ni Florante, ang kasintahan ni Laura, ang kanyang buhay noong siya ay bata
pa. Siya ay anak ni Duke Briseo ng Albanya at ni Prinsesa Floresca ng Krotona. Lumaki
siya sa bayan ng kanyang ama sa Albanya at doon na rin namulat ang isip. Ang kanyang
amang si Duke Briseo ay mapagmahal at modelo ng lahat dahil sa kabaitan. Siya ang
pangalawang pinuno sa kanilang kaharian at tinuturing na sanggunian ni Haring Linseo
sa anumang bagay.

Isinalaysay din ni Florante ang hindi niya makalimutang mga pangyayari noong siya ay
bata pa.

Bilang isang sanggol pa lamang, muntik siyang madagit ng isang buwitre ngunit
maswerteng nailigtas ng kanyang pinsang si Menalipo mula sa Epiro. Noong kabataan
niya rin, habang naglalaro sa kanilang sala, biglang pumasok ang ibong arko at dinagit
naman ang dyamanteng kupido sa kaniyang dibdib.

Nang siya ay siyam na taong gulang, maghapon siyang nasa burol upang mamasyal o
maglibang. Ginagawa niya ito upang magpalipas ng oras. Habang bata, natutunan niya
na ring mamana ng ibon at pumatay ng hayop.

Si Florante ay pinag-aral ng kanyang ama sa Atenas upang hindi lumaki sa layaw. Doon
ay naging guro niya si Antenor. Ito ang tumayong pangalawang ama niya doon. Marami
siyang natutunan mula dito. Pinag-aralan niya ang pilosopiya, matematika at
astrolohiya. 'Di kalaunan ay napansin ng lahat ang galing ni Florante at natalo niya si
Adolfo - ang dating primero na mag-aaral. Dahil dito ay lumabas ang tunay na kulay ni
Adolfo. Siya ay masama at nandaraya lamang.

Sa paaralan ng Atenas kung saan unang nagkatagpo si Konde Adolfo at Florante ay


itinuturing na pinakamatalino at napakabait na tao ni Adolfo. Ngunit nang dumating si
Florante ay unti-unting lumitaw ang tunay na ugali nito dahil di-hamak na totoong mas
mabait si Florante dito. Sa isang dula-dulaan ay tinangka nitong patayin si Florante na
nasaksihan ng lahat at siyang dahilan upang paalisin si Adolfo sa Atenas. Nabunyag din
ang matagal na niyang pagbabalat-kayo bilang isang maamong tupa.

Mahalaga ang kusang loob na pagtulong sa kapwa ng walang hinihintay na kapalit dahil
ang pagtulong ay dapat bukal sa loob, hindi ito dapat ginagawa dahil may inaasahan
kang kapalit ng iyong tulong o may inaasahan kang kabayaran. Mas mabuti ang
nagbibigay dahil mas ginagantimpalaan ang mga taong mabubuti ang puso para
magbigay sa kapwa ng kahit anong uri ng tulong. Alam naman natin na hindi lahat ng
nabibigyan natin ng tulong ay kapareho ng ating kalooban na magkukusang ibalik ang
pabor o tulong na ginawa natin.Sabi nga kapag daw nagbibigay ka dapat pikit ang
iyong mata at tikom din ang iyong bibig. Ibig sabihin kapag ikaw ay tumutulong dapat
hindi mo tinitignan ang taong tutulungan mo, hindi mo dapat kinukumpara sa antas ng
katayuan mo sa buhay at higit sa lahat hindi ito dapat pinamamalita. Sa mga binibigyan
naman ng tulong, dapat matalas ang kanilang memorya sa pag-alaala ng mga taong
nagbigay ng tulong at bukas ang bibig na magpasalamat malaki man o maliit, pinansyal
man o hindi.

You might also like