Professional Documents
Culture Documents
Siya ang
pangunahing tauhan ng awit. Halal na Heneral ng hukbo ng Albanya. Magiting na
bayani, mandirigma at heneral ng hukbong magtatanggol sa pagsalakay ng mga
Persiyano at Turko.
Laura-Anak ni Haring Linceo at ang natatanging pag-ibig ni Florante. Tapat ang puso sa
pag-ibig ngunit aagawin ng buhong na si Adolfo.
Duke Briseo -ang mabait na ama ni Florante. Taga-payo ni Haring Linceo ng Albanya.
Antenor - ang mabait na guro sa Atenas. Guro nina Florante, Menandro at Adolfo.
Amain ni Menandro.
Menalipo -Ang pinsan ni Florante. Siya ang pumana sa buwitre na sana'y daragit sa
sanggol na si Florante
May isang gubat na napaka dilim. Nagtataasan at masukal ang mga halaman kung kaya’t hindi
makapasok ang pebong liwanag.Ang mga ibon ay hirap din sa paglipad dahil sa mga namimilipit na
mga sanga. May mga gumagala na mga mababangis na hayop katulad ng leon, tigre, hayena,
serpiyente, piton, basilisko, at iba pa na kahit kailan ang pwedeng umatake sa mga taong
magsisipunta doon.
Talasalitaan:
Sa gitna ng gubat ay may puno ng higera kung saan nakagapos ang isang lalaki na nagngangalang
Florante. Sa kabila ng kanyang pagkagapos at kaawa-awang itsura ay bakas pa rin sa kanya ang mala-
Adonis na kakisigan. Mayroong makinis na balat, mahahabang pilik-mata, buhok na kulay ginto, at
magandang pangangatawan.Si Florante ay naiiyak habang sinasariwa ang kanyang mga pinagdaanan
at ang paglapastangan sa kaharian ng Albanya sa mga kamay ni Konde Adolfo.Hindi pantay ang
pagturing sa mga tao sa Albanya. Ang mga masasama ay siyang itinataas at ang mga makatuwiran
naman ay ibinababa. Ngunit nananatiling bingi ang langit sa mga panawagan ni Florante.
Talasalitaan:
Higera – isang punong mayabong, malalapad ang dahon ngunit hindi namumunga; fig tree
Sipres – isang uri ng puno na mataas at tuwid lahat ang sanga
Nakagapos – nakatali
Bakas – marka, palatandaan
Adonis – magandang lalaki na naibigan ni Venus, diyosa ng kagandahan
Kabanata 3: Alaala ni Laura (Saknong 25 – 32)
Sa oras na ginugunita ni Florante si Laura ay napapawi nang pansamantala ang kanyang dusa’t
paghihinagpis.Si Laura na lamang ang natitirang pag-asa para kay Florante ngunit muli niyang
maaalala na si Laura na kanyang mahal ay nasa piling na ng kanyang kaaway na si Konde Adolfo.Mas
nanaisin pa niyang mamatay nalang kaysa sa palaging maalala na ang kaniyang sinisinta ay may
kasama ng iba.
Talasalitaan:
Ginugunita – inaalala
Napapawi – nawawala, nabubura
Pansamantala – panandalian
Dusa – paghihirap
Paghihinagpis – pagdadalamhati
Lubos ang tinahak na kasawian ni Florante. Kahit ang taong masama ay maaawa sa kalagayan
nito.Maririnig sa buong gubat ang mga ungol nito ngunit tanging ang alingawngaw lang niya ang
sumasagot sa kanya.Hindi makapaniwala si Florante sa kanyang kinahantungan dahil sa labis na
pagmamahal niya para kay Laura ay nagawa pa rin siyang pagtaksilan nito.Naging buo ang tiwala niya
kay Laura subalit sa likod ng kagandahang tinatangi nito ay may nagtatagong isang taksil. Lahat ng
mga pag-aalaga dati sa kanya ni Laura ay wala lang pala, katulad ng pagpapakintab nito sa panangga
at paglilinis ng kanyang baluti dahil ayaw niyang madudumihan ang kasuotan kung ito ay
mapapalapat sa kanyaHinimatay si Florante dahil sa labis na paghihinagpis.
Talasalitaan:
Para kay Florante si Laura lang ang tanging lunas sa kanyang kahirapan. Umaasang siya ay muling
lilingapin ni Laura. Makita lang niyang may konting patak ng luha mula sa mga mata ni Laura ay
maapula ang dalitang nararamdaman nito.Nag-aasam na sana’y muling damitan dahil puno na ng
kalawang ang kasuotan nito. Lahat ng hirap ay danas na niya. Dinig sa buong gubat ang mga
panaghoy ni Florante.
Talasalitaan:
Lunas – gamot
Lilingapin – alalayan, tulungan
Maaapula – mawawala, mapapatay
Dalita – mahirap, maralita
Panaghoy – pagdaing, pagluluksa
Isang gererong may putong na turbante ang dumating, si Aladin na taga-Persiya.Bigla itong tumigil
upang tumanaw ng mapagpapahingahan na di kalauna’y hinagis ang hawak na sandata.Tumingala sa
langit na panay ang buntong-hininga sabay upo sa tabi ng puno at doon ay nagsimulang tumulo ang
luha. Muli na naman niyang naisip si Flerida, ang kaniyang pinakamamahal na inagaw naman ng
kanyang ama.
Talasalitaan:
Gerero – mandirigma
Putong – korona
Turbante – telang binabalot sa ulo ng mga bumbay
Tumanaw – maghanap
Buntong-hininga – malalim na pag-hinga
Kabanata 7: Pag-alaala sa Ama (Saknong 83 – 97)
Habang tumatangis si Aladin ay bigla siyang may narinig na buntong-hininga. Ibinaling sa kagubatan
ang tingin upang hanapin ang pinanggalingan ng malalim na paghinga. Malaon ay may narinig
siyang paghikbi at agad niyang pinuntahan ito. Nakita niya si Florante na umiiyak habang sinasariwa
ang alaala ng kanyang yumaong ama.
Talasalitaan:
Sandaling tumigil sa pag-iyak si Florante ng marinig niya ang pagtangis ng isang Moro na sa mga
kwento nito tungkol sa kaniyang ama.Kung ang walang patid na pag-iyak ni Florante ay dahil sa pag-
ibig nito para sa ama, si Aladin naman ay humihikbi dahil sa matinding poot sa kanyang ama. Kung
gaanong pagmamahal ang inilalaan ni Florante para sa ama ay matindi naman ang galit ni Aladin sa
kanyang ama dahil inagaw nito ang kaisa-isang niyang minamahal na si Flerida.
Talasalitaan:
Tumagistis – umagos
Patid – tigil
Humihikbi – umiiyak
Poot – galit
Inilalaan – ibinibigay
Habang nag-uusap si Florante at Aladin ay may dalawang leon hangos nang paglakad. Ngunit kahit
ang mga leon ay nahabag sa kalunos-lunos na sinapit, kahit ang bangis ay hindi na maaninag sa mga
mukha nito. May takot na naramdaman si Florante dahil nasa harap na niya ang mabangis na
kamatayan na kukumpleto sa kasamaang nararanasan niya.
Talasalitaan:
Kabanata 10: Ang Paglaban ni Aladin sa Dalawang Leon (Saknong 126 – 135)
Nakita ni Aladin ang dalawang leon na mukhang gutom na. Ito ay may mga nagngangalit na ngipin at
matatalas na kuko na kahit na anong oras ay maaaring makapatay. Paglaon ay biglang nang-akma
ang mga leon ngunit dali-daling umatake na din si Aladin na parang may lumitaw na marte mula sa
lupa. Bumabaon ang bawat pagkilos ng tabak na hawak ni Aladin at napatumba niya ang dalawang
leon.
Talasalitaan:
Nagngangalit – galit
Paglaon – paglipas
Akma – tama, angkop
Marte – Si Mars, diyos ng pakikipaglaban
Tabak – espada
Nang mapagtagumpayan ni Aladin ang nagbabadyang panganib na dala ng dalawang leon ay agad
niyang pinakawalan ang nakagapos na si Florante. Ito ay walang malay at ang katawan ay malata na
parang bangkay. Gulong-gulo ang kanyang loob ngunit muling napayapa ng idilat ni Florante ang
kanyang mga mata. Sa kanyang pagdilat ay agad niyang sinambit ang pangalan ni Laura.
Talasalitaan:
Nagbabadya – nagbabanta
Nakagapos – nakatali
Malata – nanlalambot
Pagdilat – pagbukas ng mata
Sinambit – sinabi, binanggit
Nang magising si Florante ay nagitlahanan kung bakit siya nasa kamay ng isang moro. Agad namang
nagpaliwanag si Aladin na siya ang tumulong at nagligtas sa kaniya kung kaya’t hindi siya dapat
mabahala. Si Florante ay taga-Albanya at si Aladin naman ay taga-Persya. Ang dalawang bayan na ito
ay magkaaway ngunit sa ginawang pagtulong at pagkalinga ay naging magkatoto sila.
Talasalitaan:
Nagitlahanan – nagtaka
Moro – muslim
Mabahala – mag-alala
Pagkalinga – pag-aalaga
Magkatoto – magkaibigan
Kabanata 13: Ang Pag-aalaga ni Aladin Kay Florante (Saknong 156 – 172)
Binuhat ni Aladin si Florante ng makita nitong lumulubog na ang araw. Inilapag ito sa isang malapad
at malinis na bato. Kumuha ng makakain at inaamo si Florante na kumain kahit konti lamang upang
magkaroon ng laman ang tiyan nito. Umidlip si Florante habang ito ay nakahiga sa sinapupunan ni
Aladin. Kinalinga ni Aladin si Florante buong magdamag dahil sa pag-aakalang may panganib na
gumagala sa gubat. Nang magmadaling araw ay nagising na si Florante at lumakas muli ang
katawang hapo. Lubos ang pasasalamat ni Florante kay Aladin. Tuwang-tuwa si Aladin at niyakap niya
si Florante. Kung nung una ay awa ang dahilan sa pag-iyak ni Aladin, ngayon naman ay napaluha siya
dahil sa tuwa.
Talasalitaan:
Inamo – sinuyo
Umidlip – natulog
Sinapupunan – bahay-bata; kinakanlungang mga hita; ibaba ng hita na pinagkakalungan;
Kinalinga – inalagaan
Hapo – hingal
Naupo ang dalawa sa ilalim ng puno at isinalaysay ni Florante kay Aladin ang kanyang buhay simula
sa una hanggang sa naging masama ang kanyang kapalaran. Si Florante ay ipinanganak sa Albanya.
Sina Duke Briseo at Prinsesa Floresca naman ang kaniyang mga magulang. Kung sa Krotona siya
ipinanganak, siyudad ng kanyang ina, imbes sa Albanya na siyudad ng kanyang ama ay mas naging
masaya sana siya. Ang kaniyang ama ay naging tagapayo kay Haring Linceo. Nakuwento rin niya na
kamuntikan na siyang madagit ng isang buwitre habang ito’y natutulog sa kinta nung siya’y bata pa.
Napasigaw ang kanyang ina, agad itong narinig ni Menalipo at pinatay ang buwitre sa pamamagitan
ng pagpana dito. Nung si Florante ay siyam na taong gulang, mahilig siyang maglaro sa burol kasama
ang kaniyang mga kaibigan at doo’y namamana ng mga ibon. Madaling araw palang ay umaalis na
ito sa kanila at inaabot ng tanghaling tapat. Ngunit hindi nagtagal ang mga masasayang alaala ni
Florante doon dahil inutos ng kanyang ama na siya’y umalis sa Albanya.
Talasalitaan:
Isinalaysay – ikinuwento
Tagapayo – pribadong tagapayo
Madagit – makuha
Buwitre – uri ng ibon na kumakain ng mga bangkay
Kinta – maliit na daungan (cottage)
Sinariwa ni Florante ang turo ng magulang na kung mamimihasa ang isang bata sa saya at madaling
pamumuhay ay walang kahihinatnan na ginhawa ito. Ang mundo ay puno ng kahirapan kung kaya’t
dapat ay patibayin ang kalooban dahil kapag ang tao ay di marunong magtiis, hindi niya
mapaglalabanan ang mga pagsubok na hatid ng mundo. Kung kaya’t ipinadala si Florante sa Atenas
nung siya’y bata pa upang doon ay mag-aral. Doon ay mamumulat ang kaniyang kaisipan sa totoong
buhay.
Talasalitaan:
Sinariwa – inalala
Mamimihasa – sasanayin
Kahihinatnan – resulta
Patibayin – palakasin
Mamumulat – mabubuksan
Kabanata 16: Si Adolfo sa Atenas (Saknong 205 – 214)
Si Adolfo ay kababayan ni Florante na siyang anak naman ni Konde Sileno. Siya ay mas matanda ng
dalawang taon kumpara kay Florante na labing isang taong gulang. Si Adolfo ay isang mahinhin na
bata at laging nakatungo kung maglakad. Siya’y pinopoon ng kanyang kamag-aral dahil sa angking
katalinuhan at kabaitan. Ngunit sa hindi mapaliwanag na dahilan ay nakakaramdam si Florante ng
pagkarimarim kay Adolfo kung kaya’t umiiwas ito sa kanya. At kahit itago pa ni Adolfo ay batid din ni
Florante na ganun din ang nararamdaman nito para sa kanya.
Talasalitaan:
Mahinhin – marahan
Nakatungo – nakayuko
Pinopoon – hinahangaan
Pagkarimarim – pagkasuklam
Batid – alam
Paglaon ay mas nahasa ang katalinuhan ni Florante. Naging magaling siya sa larangan ng pilosopiya,
astrolohiya, at matematika. Naging matagumpay sa buhay si Florante at si Adolfo naman ay naiwan sa
gitna. Siya ay naging tagapamalita sa Atenas. Naging bukambibig sa taong bayan ang pangalan ni
Florante. Dito na nagsimulang mahubadan si Adolfo ng hiram na kabaitan at ang kahinhinang asal sa
pagkatao ay hindi bukal kay Adolfo.
Talasalitaan:
Paglaon – paglipas
Pilosopiya – mga kuro-kuro ng isip
Astrolohiya – palagay sa mga ipinahihiwatig ng mga bituin sa langit
Matematika – agham ng mga bilang
Bukambibig – tao o bagay na siyang laman ng pinag-uusapan
Kahinhinan – marahan
Bukal – natural
Isang taon pa ang ginugol si Florante sa Atenas nang makatanggap siya ng isang liham na na
nagsasabi na patay na ang kanyang ina. Parang batis ang kanyang mga mata dahil sa pagluha.
Pakiramdam niya ay nawalan siya ng isang matibay na sandigan at nakikibaka ng mag-isa sa buhay.
Talasalitaan:
Kabanata 19: Mga Habilin ni Antenor kay Florante (Saknong 240 – 253)
BIlin ni Antenor, guro ni Florante na mag-iingat at huwag malilingat sa maaaring gawing paghihiganti
ni Adolfo. Wag padadala sa masayang mukha na ipakita nito sa kanya. Maging mapagmatyag daw ito
sa sa kalaban na palihim siyang titirahin.
Talasalitaan:
Habilin – payo
Malilingat – mawala sa pokus
Mapagmatyag – alerto, mapagbantay
Palihim – patago
Titirahin – kakalabanin
Pag-ahon ay agad tumuloy sa Kinta. Kung saan ay humalik sa kamay ng kanyang ama. Iniabot ng
ambasador ng bayan ng Krotona ang isang liham kay Duke Briseo. Nakasaad sa liham na humihingi
ng tulong ang lolo ni Florante na hari ng Krotona dahil ito ay napapaligiran ng mga hukbo ni Heral
Osmalik. Si Heneral Osmalik ay taga Persya na pumapangalawa sa kasikatan ni Aladin na isang gerero.
Talasalitaan:
Kabanata 21: Ang Heneral ng Hukbo (Saknong 264 – 274) Agad nagtungo sina Duke Briseo at
Florante kay Haring Linceo ng malaman ang balita na pagbabanta sa Krotona. Hindi pa man
nakakaakyat sa palasyo ay sinalubong na ang mga ito ni Haring Linceo. Niyakap niya si Duke Briseo at
kinamayan naman si Florante. Nagkwento si Haring Linceo na may nakita siyang gerero sa kaniyang
panaginip, na kamukha ni Florante, na siyang magtatanggol sa kaharian. Tinanong ni Haring Linceo
kay Duke Briseo kung sino ito at kung taga saan ito. Sumagot naman ito na ang kamukhang binata na
iyon ay si Forante, ang anak niya. Sa pagkamangha ni Haring Linceo ay niyakap niya ito at ginawang
Heneral ng hukbo na tutulong sa Krotona.
Talasalitaan:
Nagtungo – nagpunta
Pagbabanta – babala na may halong pananakot
Gerero – mandirigma
Pagkamangha – pagkagulat
Hukbo – grupo ng mga mandirigma
Biglang may natanaw ni Florante na magandang babae. Ang taong di mabibighani sa babaeng ito ay
maituturing na isang bangkay. Ang babaeng ito ang ikinasisira ng pag-iisip ni Florante sa tuwing
magugunita, ito ay si Laura anak ni Haring Linceo. Dahil sa pagkabigla ay hindi makapagbitaw ng
salita si Florante. Mapapansin din sa kaniyang mga mata ang patak ng luha.
Talasalitaan:
Natanaw – nakita
Mabibighani – mahuhulog, magkakagusto
Magugunita – maiisip, maaalala
Pagkabigla – pagkagulat
Makapagbitaw – makapagsabi, makapagsalita